Nag-ibang Ugali

Title: Nag-ibang Ugali

Karamihan sa 'tin ay gustong maging idolo o isang sikat na taong hinahangaan ng iba pero may isang dalaga na kahit natupad na niya ang kan'yang pangarap na maging idolo ay para pa ring may kulang sa kan'yang pagkatao at hindi niya alam kung paano niya iyon malalampasan. Sa madaling salita, hindi siya nakontento sa kung ano'ng meron sa kan'ya ngayon.

"Linneah, ano na? Tutunganga ka lang ba diyan? Halika na, naghihintay na ang mga tao roon dahil sa 'yo," anang kasama niya sa banda, isang gitarista na nagngangalang Amanda. Tumango lamang siya saka nag-ipon nang lakas ng loob para kaharapin ang mga tao na iniidolo siya. Hindi ito ang una niya pero dahil may nahagip siya sa gilid ng kan'yang mga mata habang naglalakad patungo sa gitna. Ngayon niya lang ulit nakitang muli ang tao na 'yon.

Nagsimula siyang kumanta gamit ang kan'yang mahinhin na boses kaya naging hudyat ito sa pag-iingay ng mga tao sa harapan niya. Nang matapos naman ay nagmulat siya ng mga mata dahil natapos na ang kan'yang huling hirit ay saka naman siya napatingin doon sa taong 'yon at nakitang nakatingin ito sa kan'ya ng seryoso kaya siya na ang nag-iwas ng tingin.

Nagpasalamat siya at binigyan ng kaunting anunsiyo ang mga tao para sa kan'yang paparating na bagong kanta kaya mas lalong naghiyawan ang mga ito kaya napangiti siya at pagkatapos nama'y bumalik siya ulit sa likod ng entablado.

Nang papauwi na sana siya ay may humigit sa kan'yang braso dahilan para mapasubsob siya sa taong iyon at magulantang siya. Saka naman ito nagsalita ng masuyo.

"Nangungulila na ako sa 'yo, aking matalik na kaibigan," sabi ng taong iyon sa kan'ya. Napasimangot na lang siya ng husto dahil sa sinabi nito.

Hinampas niya kaagad ito sa dibdib nito kaya napakawalan kaagad siya pero tinawanan lang siya nito habang naaaliw na tinignan siya.

"Akala ko hindi ka na babalik pang muli, Sevien!" Nakangusong sikmat niya pero unti-unti ring naiiyak na lumapit siya rito para mayakap itong muli. Nangungulila rin siya para sa kaibigan niyang ito.

"Tahan na, nandito na ako, o. Hindi na kita iiwan pang muli. Malakad na kaya ako at magaling na." pagpapatahan nito sa kan'ya.

"Eh, bakit wala akong kaalam-alam na nandito ka na pala? Pinagloloko mo lang ako, eh," mahinahon na ring sabi niya kay Sevien.

"Natagalan kasi kami ro'n sa Unidos at hindi rin ako pinapagamit ni inay ng kahit anong bagay para maipaalam sa 'yo na malapit na kaming umuwi. Alam mo naman na kabago-bago lang akong maoperahan sa ulo ko kaya hindi talaga p'wede," paliwanag niyo sa kan'ya. Kinalas niya ang pagkakayakap nito at sinamaan niya ng tingin ito.

"Akala ko nakalimutan mo na 'ko dahil ang seryoso mong nakatingin sa 'kin kanina," aniya kaya napatawa ito ng bahagya.

"Malilimutan ko ba naman ang nag-iisang kaibigan ko? Siyempre hindi kaya 'wag ka nang magalit," natatawa pa rin nitong saad. Kinurot pa siya nito sa pisngi at ginulo ang buhok kaya napabusangot naman siya.

"Sevien, sabay na tayong umuwi. Hinihintay ka rin ng kapatid ko roon sa 'min," nakangiti niyang yaya kaya napatango lang ito at sumunod sa kan'ya. Hindi ni alam ni Linneah na hindi maalala ni Sevien na mayroon itong bunsong kapatid.

Nang makauwi na siya kasama si Sevien ay mabilis na pumasok sila roon at nakitang nag-aabang na nga talaga si Linna o 'yong bunsong kapatid ni Linneah.

"Kuya Sevien, nandito ka na nga talaga!" Masayang sigaw ni Linna at patakbong lumapit at yumakap ito kay Sevien kaya napangiti na lang siya habang nakatingin sa mga ito. Gusto na rin kasing nakita ng kan'yang bunsong kapatid na si Linna ang matalik niyang kaibigan kaya siya na ang gumawa ng paraan para rito.

"Lumayo ka nga, hindi kita kilala. Nandito lang ako ngayon dahil kay Linneah. Hindi ko nga alam na bunsong kapatid ka pala niya o kung may bunsong kapatid ba siya," reklamo ni Sevien kay Linna kaya namutla si Linna at patakbong pumunta sa likuran niya. Maski nga siya ay nagulat dahil sa inakto ni Sevien sa kan'yang bunsong kapatid.

"Sevien, ano ka ba naman? Bakit mo ginaganoon ang kapatid ko? Palagi nga kayong naglalaro nitong bunsong kapatid ko noon at matalik din kayong magkakaibigan tapos ngayon ay sasabihin mo lang sa harapan ko na hindi mo siya maalala bilang kapatid ko? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha?" Tanong siya nang tanong kay Sevien kaya nagalit bigla si Sevien at parang nag-aalburuto na parang bulkan.

"Ano'ng pakialam mo, ha?! Ni minsan ay wala akong maalala na mayroon din pala akong isang matalik na kaibigan!" Sigaw nito habang mariin na nakaturo roon sa natatakot at nakayukong bunsong kapatid niyang si Linna.

"Eh, bakit ba sinisigawan mo rin ako? Ano ba'ng problema mo?" Tanong na naman niya.

"Tanong ka ng tanong, ano ba kita, ha?!" Bulyaw na naman ni Sevien sa kan'ya kaya mas lalong napahikbi si Linna habang nagtatago pa rin sa likod niya.

"Hindi na ikaw 'yong itinuring kong kababata. Nag-iba ka na, nag-iba na ang ugali mo. Kung maaari, lumabas ka na. Ngayon din," mahinahon ngunit mariing iniutos niya iyon kay Sevien.

Bigla nalang naging maamo ang mukha nito at tangkang lalapit sana ito sa kan'ya nang pinigilan niya ito dahil maski siya ay natatakot na para kay Sevien.

"Linneah..." tawag ni Sevien sa kan'ya pero umiling lang siya.

"Lumabas ka na!" Sinigawan na lang niya ito para makalabas na ito at para makahinga siya ng maluwag.

Walang nagawa si Sevien at lumabas na lang sa kan'yang bahay kaya parang nabunutan ng tinik ang lalamunan ni Linneah, maging ganoon man ang kan'yang bunsong kapatid na si Linna.

Kinabukasan ay napatawag nalang bigla ang ina ni Sevien sa kan'ya kaya sinagot kaagad niya ito. Nagulat at muntik na niyang mapakawalan ang telepono nang marinig ang sinabi ng ina nito sa kan'ya.

"Hija... s-si Sevien... w-wala na a-ang anak k-ko..." humagulhol ang ina nito pagkatapos nitong sabihin sa kan'ya kung ano ang nangyari sa matalik niyang kaibigan na si Sevien.

Doon niya napagtanto na nagsisisi siya sa kan'yang ginawa kay Sevien kahapon dahil sinigawan pa niya ito. Alam niyang kabago-bago lang naoperahan ang ulo nito pero nakagawa siya ng masama para maging masama ang kalagayan nito.

Wala na siyang magawa kung 'di magsisi nang magsisi kahit hindi na maibabalik pa ang buhay ng kan'yang matalik na kaibigan.

WAKAS


started writing: year late 2021

note: nakasulat ako nito dahil gustong magpatulong sa 'kin 'yong nakatatandang kapatid kong babae para sa kanilang module noong kasagsagan sa pandemya at grade 10 pa siya noong time na 'yon. hindi rin ito dahil sa naging bored ako, nagpatulong talaga si ate HAHAHA. basta fun fact ko na lang 'to HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top