Halaga ng Kalikasan

Title: Halaga ng Kalikasan

Sa isang seksyon ng baitang siyam, may mga magkaklase na may iba't iba at sariling mundong pinagkakaabalahan. Kumbaga, hindi sila magkakaibigan, para pa ngang estranghero ang kanilang turingan sa isa't isa. Ngunit nagbago ang kanilang turingang iyon sa isa't isa dahil sa pagkakaroon ng isang insidente na naranasan na lang nila bigla sa kanilang mga buhay.

"Hoy, kayong dalawa! Ano'ng pinanggagawa niyo d'yan sa basura? Saan niyo 'yan dadalhin, ha? Sagot!" inis na saad ni Maxine.

"E 'di itatapon sa kung saan. Like eww, hindi na talaga ako uulit sa pagtatapon ng mga basura. Bakit ba kasi ang baho ng mga amoy nito?" Venice then made a disgusted look.

"Malamang, mabaho talaga 'yan! Basura 'yan eh! Ano'ng akala mo sa basura, mabango? Mindset naman!" hirit naman ni Karsen.

"'Wag mo 'kong ma-mindset-mindset d'yan. Sino ka ba sa akala mo?" maldita namang saad ni Venice kay Karsen at inirapan ito.

"Magkaklase tayo pero hindi mo 'ko kilala? Ouch, pero ako nga pala si Karsen, isa sa mga kaklase mo, Venice,"  pagda-drama na may halong pagpapakilala ni Karsen.


Tinignan naman ni Venice si Karsen mula ulo hanggang paa. "Itapon na nga lang natin 'to." Sabay talikod nito kay Karsen.

"'Woy! 'Wag niyo 'yang itatapon na lang sa kahit saan. Nakasasama 'yan sa kalikasan. Sige kayo, isusumbong ko kayo sa Values Ed teacher natin," paalala na may halong banta ni Maxine.

Napatigil naman sa paglalakad si Venice at pinameywangan niyang hinarap si Maxine. "Don't command me what to do. I have my own mind. Let's go, Karsen."

Iniwan lang nila sa ere si Maxine na nag-iisip kung papaano nito isusumbong sa kanilang guro ang gagawin ng dalawang kaklase niya tungkol sa pagtatapon ng basura sa kung saan.

Dumating naman bigla si Amari sa tabi ni Maxine para umusisa.

"Maxine, right? Bakit ang ingay naman dito kanina? Ano na namang kaartehan ang sinabi sa 'yo ng Venice na 'yon?" usisa naman ni Amari.

"Tungkol lang sa pagtatapon ng basura. Nagre-reklamo tapos gusto niyang ipatapon 'yong basura na 'yon sa kung saan lang daw kasama si Karsen," sagot naman ni Maxine na parang naiinis pa rin sa sinabi kanina Venice.

"Talaga ba? 'Di ba dapat isusumbong natin ito sa Values Ed teacher natin?" ani Amari.

"'Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin eh." Buntonghininga na lang ni Maxine ang maririnig pagkatapos niyang magsalita.

"Sasamahan kita ta's tutulungan pa kita. 'Di naman kasi makatarungan ang ginagawa nila eh. Tara na," yaya naman kaagad ni Amari at kaagad naman na sumama si Maxine nito.

Gano'n nga ang nangyari, sinabi nila lahat-lahat sa guro nila tungkol sa isyu nina Venice at Karsen. May kaukulan namang parusa tungkol doon. Kaso nga lang, damay lahat. Clean-up drive sa malapit na baryo kasi ang parusa at buong ika-siyam na baitang ng seksiyong Chrysanthemum. Walang magawa ang dalawa kaya pumayag na lang sila na masali sa parusang dapat na kila Venice at Karsen lang gagawin kaysa magreklamo.

Kinabukasan, sa araw ng Sabado . . .

"Kasalanan talaga ito ng maarteng Venice na 'yon. Si Karsen naman, parang tuta kung sumunod kay Venice," reklamo naman ni Amari.

"Bahala na, ngayon lang naman ito. Sana naman matuto na sila ngayon sa kanilang ginawa kahapon. Kitang-kita ko pa nga 'yong mga kalat ng basura na sigurado akong galing sa kanila," umaasang saad ni Maxine.

"Venice, Karsen, may kailangan kayong malaman!" biglang sigaw naman ni Troy.

"Nice, Troy!" kantiyaw naman ni Zion.

"Narinig ni Troy at Zion 'yong pinag-uusapan natin, Max!" balisang bulong naman ni Amari kay Maxine.

Bago pa man masabi ni Troy ang narinig niya mula kay Maxine at Amari, may pumigil na nito, si Duke.

"Clean your area. Don't gossip around or I'll tell our teacher that you're not helping us clean at all," seryosong-seryoso na banta ni Duke kay Troy na natahimik.

Hindi na nagsalita pa si Troy dahil natakot ito sa paraan ng pagkakasabi ni Duke. Samantala, nagsalita naman bigla si Karsen.

"Teka, 'di pala tayo kompleto ngayong araw, 'no? Nasaan si Katana?" takang tanong ni Karsen nang mapagtanto niyang hindi sila kompletong magkaklase.

"Ah, nagkasakit na lang bigla eh. Sinabihan niya kaagad ang guro natin kanina bago tayo pinasali sa clean-up drive," sagot naman ni Maxine.

"Ang arte naman no'n! Eh, bska hindi lang talaga niya gusto masali sa clean-up drive na 'to. Excuses," pag-aarte naman ni Venice.

"Ay, 'te, maglinis ka na lang d'yan sa pwesto mo," pangbabara naman ni Amari kay Venice na nakairap lang din sa kan'ya.

Nang matapos silang lahat sa kanilang ginawa, sinabihan ang mga babae ng kanilang guro na bumisita sila kay Katana. Nang makarating na sila sa bahay ni Katana . . .

"Hello sa inyo," mahinang bati ni Katana sa kanila.

"Hi, Kat. Kumusta na ang lagay mo?" pangungumusta naman ni Maxine.

"May sakit pa ring dinaramdam. Bakit nga pala kayo nandito?" takang tanong naman ni Katana sa kanila nang makita nito na halos lahat ng kaklase nito ay nasa kan'yang bahay.

"Binibisita ka, obvious naman siguro 'yon, 'di ba?" sarkastikong saad ni Venice.

"Venice, maghunos-dili ka nga! Nakakahiya!" saway naman ni Amari kay Venice.

"Ayos lang. Allergy lang naman 'to at malayo sa bituka," sabat naman ni Katana.

"Ano'ng klase ng allergy? Nakakahawa ba?" usisa ni Karsen.

"Hindi naman. May allergy kasi ako sa mababahong amoy lalong-lalo na sa maitim na usok sa mga basurang nakakalat," sagot naman ni Katana.

Napatutop naman sa bibig si Karsen bago nagsalita. "Hala, kami ba ang dahilan kung bakit nsg-trigger ang allergy mo? Tungkol sa pagtatapon namin ng basura sa kung saan, mabaho pa naman panigurado 'yon."

"Siguro, may nakita kasi akong basurang nakakalat malapit lang sa gate ng school kaya may pantal-pantal na ako ngayon," ani Katana.

"Sure ka bang 'yon ang dahilan?" sabat at paninigurado naman ni Venice. Tumango naman si Katana.

"I'm sorry. Nagkapantal-pantal ka pa tuloy ngayon," paghingi ng paumanhin ni Benice na nakapagpabigla sa kanilang lahat na nakasaksi.

"Himala, Venice! Marunong ka na palang humingi ng tawad at sincere pa ngayon?" bulalas naman ni Amari dahil hindi ito makapaniwala sa lumabas sa bibig ni Venice kanina.

"Sorry rin. Hindi na namin uulitin 'yon," paghingi rin ng paumanhin ni Karsen.

"Mabuti na lang talaga at nagkaroon ng clean-up drive dahil nalinis na natin ang mga nakakalat na basura," saad ni Venice.

"Punishment kasi 'yon dahil sa ginawa niyo kahapon kaso damay lahat dahil sa kagagawan niyong dalawa," kalmadong sabi naman ni Amari.

"Hindi na talaga namin uulitin. Nagsisisi na kami sa aming nagawa kahapon. Papahalagahan na namin ang kalikasan," sabay na sabi nina Venice at Karsen at pinagsisisihan talaga nila ang kanilang ginawa kahapon.

"Goods 'yan. Ang problema na lang talaga natin ay 'yong dalawa nating kaklaseng lalaki, si Troy at Zion," sabi ni Maxine.

"Balang araw, may himala ring magaganap sa kanilang dalawa katulad ng nangyari kay Venice ngayon. Tiwala lang, Max," pagpapalakas ng loob sa 'kin ni Amari kaya nginitian ko siya.

Matapos ang nangyari ay naging magkaibigan ang mga babaeng magkaklase at umayos na ang kalagayan ni Katana. Sumunod naman si Duke bilang parte ng pagkakaibigan nila. Maging sina Troy at Zion din dahil nagkaroon nga ng himala sa kanilang dalawa, natuto na rin sa leksiyon ukol sa clean-up drive na parusa. Mas pinapahalagahan na nila ang kalikasan ngayon. 'Yon ang insidenteng naging dahilan ng pagbabago sa kanilang buhay at naging magkaibigan pa silang walo sa huli. 

WAKAS

started writing: year mid-2023

note: katulad lang din sa "problema", isa rin 'tong script para sa aming values ed roleplay noong grade 9 pa lang kami. ako kasi ang gumagawa ng halos lahat ng script kapag may roleplay or film kami at ako talaga ang gumawa ng kwentong ito, original kumbaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top