Enticing Scenery in Cebu

Title: Enticing Scenery in Cebu

A/N: This is supposed to be one of the anthology collaboration of Along The Borders of the Pearl Series and ipu-publish dapat but because of private reasons, 'di ko na lang itinuloy na makasama sa pag-publish nito into a book with my other fellow collab writers. :)

“'Ma, magpapaalam na muna ako sa inyo. May gusto pa po kasi akong pupuntahan, eh. H’wag ka nang mag-alala 'ma dahil kasama ko naman si Zyst. Sa susunod po, isasama ko kayo at ng mga kapatid ko para makapagbakasyon din kayo at makapagpahinga na rin,” nakangiti kong wika kay mama. Tumango naman siya at ngumiti rin pabalik sa 'kin.

“Sige, 'nak. Aasahan ko 'yan sa susunod 'nak ah, basta ba mag-iingat ka palagi.” Hay, kahit kailan talaga si mama, maalalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko, eh. Lalo pa’t kasama ko rin naman si Zyst, ang best friend ko.

“Oo na, 'ma. Hindi mo na po kailangang ipaalala sa 'kin 'yan dahil alam ko na po 'yon at saka kaya ko naman po ang sarili ko. Malaki na 'ko, e,” natatawa kong pahayag kaya napabuntong-hininga na lang siya at binalingan ng tingin si Zyst na bumubungisngis.

Malamang tinatawanan na niya ako. Topakin kaya 'to.

“'Yan lang ang masasabi ko kasi ngayon, 'nak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-alala kasi anak kita eh,” wika niya kaya niyakap ko siya at sa pamamagitan niyon ay pinapahiwatig ko sa kan’ya na magiging ayos lang ako.

Pagkatapos no’n ay hinalikan ko sa pisngi si mama at nagpaalam muli.

Binalingan ko ng tingin si Zyst at lumapit sa kan’ya. Tumango naman siya kaagad dahil alam niya na lalabas na kami.

“'Ma! Mag-ingat din po kayo rito ah!” Pahabol kong sigaw at sumigaw din pabalik si mama sa 'kin saka tinalikuran na sila at pumunta na sa motor ni Zyst.

“Kirst, 'yong helmet mo,” aniya at ibinigay sa 'kin ang helmet ko at saka ko ito isinuot.

“Salamat, Zyst,” sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at pagkatapos no’n ay umuna siyang sumakay sa motor niya at sunod naman akong umangkas.

“Maayos na ba ang pagkakapuwesto mo d’yan?” tanong niya sa 'kin.

Sumagot din naman kaagad ako nang naging komportable na ang pagkakaupo ko sa likod. “Oo.”

Tumango lang siya sa 'kin at pinaandar na ang motor niya.

“Kapit ka ng maigi.” Pagkasabi niya no’n ay mabilis kong ipinulupot ang kamay ko sa baywang niya.

Ewan ko pero mas kampante ako kapag kakapit ako sa baywang niya.

Naramdaman kong natigilan siya kaya napatingin din ako sa kan’ya at nagtataka siyang tinignan.

“Oh, bakit ka naman natigilan d’yan?” Takang tanong ko habang nakakunot-noo pa. Ano ba’ng problema ng lalaking ‘to?

Bumalik naman kaagad siya sa dati at umiling lang. Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka ibinalik ang pagkakapulupot ng kamay ko sa baywang niya.

“Umm, K-Kirst, p’wede bang dito mo na lang ikapit ang kamay mo sa balikat ko?” Nakita ko pa siyang lumunok kaya mas lalong tumaas ang kilay ko sa pagtataka.

“'Damot naman nito, gusto ko rito eh, tss,” nakanguso kong sabi saka ikinapit na lang ang balikat niya. Topakin nga.

Pagkatapos no’n ay umalis na kami. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang ikinilos ni Zyst sa 'kin kanina at saka kinuha ang cellphone ko at nagsimulang kumuha ng mga larawan, minsan kumukuha na rin ako ng videos habang nagmamaneho itong si Zyst papunta sa kinaroroonan namin, ang Ocean Park dito sa Cebu na matatagpuan sa likod ng SM Seaside sa SRP. Maganda raw roon kaya napagpasiyahan naming dalawa no’ng nasa bahay pa kami na pupunta roon dahil ayon sa nakita namin sa internet, madami ang mga naggagandahan na iba’t-ibang uri ng sea animals doon.

Pagkarating namin doon ay namangha kaagad ako sa tanawin na makikita sa labas kaya hinila ko kaagad si Zyst para kuhanan ako ng larawan. Mabuti’t nagpadala kaagad siya sa paghila ko, kun’di baka matagalan pa kaming pumasok doon dahil nagpapabigat siya.

“Ang pangit ko naman dito, eh! Tsk, bahala ka na nga d’yan.” Nagkukunwaring may tampo ako sa kan’ya.

Ang totoo, maganda naman talaga ako sa larawan pero ewan ko ba kung bakit naging ganito ang kilos ko ngayon. Minsan sa sarili ko ay hindi ko maiintindihan ang mga pinaggagawa ko kaya nalilito na rin ako.

“'Oy, bakit ka gan’yan? Maganda naman ang kuha ko ah. Tingnan mo nga ‘to ng maigi,” kontra pa niya at hinabol pa ako! Kaloka, hindi ko alam pero lihim akong napangiti ng dahil doon.

“Pasok na nga lang tayo, dami mo pang satsat d’yan, tara na!” Yaya ko saka hinila siya para pumasok na kami.

May binayaran lang kami roon saka may kung ano silang ibinigay sa 'min bago kami pumasok.

Pagkapasok namin ay napatili ako dahil sa aking mga nakikita. Ang gaganda ng mga animals na nakikita ko rito tapos iba’t-iba pa ang species na nakikita ko.

Habang lumilinga-linga ako sa paligid ay nagsimula rin akong mag-check ng hawak-hawak kong papel na may naka-print na iba’t-ibang uri ng animals na hahanapin ko.

Ang hirap hanapin ang mga animals na naka-print sa papel na hawak-hawak ko pero at least na-enjoy ko.

Tumitigil kami paminsan-minsan sa paghahanap ng mga animals na 'yon para kumukuha ng mga larawan naming dalawa ni Zyst. Para kaming mga baliw kapag nagpo-pose kami na ang background ay aquarium ng mga iba’t-ibang uri ng isda!

Napadpad kami sa may mga food stalls kasama na roon ang isang milk tea shop na ang pangalan ay Mana Tea. Bumili kami ng dalawa roon tapos ay pumunta kami sa isang hotdog stall at saka kami bumili at kinain kaagad namin 'yon saka ininuman na ang binili naming milk tea.

Maya-maya lang ay kumukuha na naman kami ng mga larawan namin dahil pumasok kami sa isang aquarium na makikita ang iba’t-ibang uri ng mga isda, nagulat at napatili pa ako dahil pagkapasok namin doon ay nakita ko ang malaki na buwaya at hindi ko namalayan na... nakayakap pala ako ng mahigpit at nakakapit kay Zyst kaya napalingon ako sa kan’ya, only to find out na nakatingin din pala siya sa 'kin at saka muntik na kaming maghalikan!

Mabuti natauhan kaagad ako kaya mabilis akong lumayo sa pagkakayakap at pagkakakapit ko sa kan’ya at umayos ng tayo.

“Kuhanin mo 'ko ng larawan dito ah,” saad ko na parang walang nangyari kani-kanina lang.

Napasulyap ako sa kan’ya at nakita ko na ngayon lang siya bumalik sa huwisyo kaya napakunot ako ng noo. Habang nakayakap at nakakapit kasi ako sa kan’ya kanina ay nakita ko 'yong paraan nang pagtingin niya sa 'kin. I saw passion and tenderness in his eyes. Pero baka guni-guni ko lang 'yon dahil bigla na lang din 'yon nawala sa paningin ko.

“Pumwesto ka sa kanan para mas maganda ‘yong pagkakakuha ko sa 'yo ng larawan,” aniya maya-maya kaya sinunod ko nalang 'yong utos niya.

Pagkatapos no’n ay lumapit ako sa kan’ya para hablutin ang cellphone ko. Ngumunguso naman ako baka kasi hindi na naman pala maganda 'yong kuha niya pero bigla nalang nawala 'yon nang nakita ko na maganda talaga ang pagkakakuha niya sa 'kin.

“In fairness, maganda 'yong pagkakakuha mo rito kaysa sa kanina,” ani ko sa nanunudyong tinig.

“Tsk, ang sabihin mo, mukha kang timang d’yan dahil sa mga pose mo, e, hindi ka naman model,” pang-aasar niya kaya pinukulan ko siya ng masamang tingin.

“Woah! Easy, Kirst! I was just kidding,” natatawa niyang sambit pero inirapan ko nalang siya.

“Thanks for the compliment, ah,” sarkasmong usal ko pero tinawanan lang ako ng topakin!

“Dali na! Pumwesto ka na do’n para meron ka ring larawan dito, hindi naman p’wede na ako lang 'yong meron,” sabi ko kaya tinignan niya ako.

“Mabuti naman at alam mo 'yon. Unfair naman 'yon kung ganoon.” Aba, lakas ng trip sa topakin na ‘to ah! May gana pa siyang mangutya!

“Hoy, Kirst! Ano naman 'tong kuha mo, o! Parang hindi ka naman photographer at ako naman ay photogenic, blurd 'yong pagkakuha mo, 'oy!” Reklamo niya pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad saka pinagmasdan ang iba’t-ibang sea animals na naroon, may stingrays pa at sharks!

Ang ingay ng kasama ko kaya hindi ko gaanong nae-enjoy 'yong view ng animals sa aquarium kaya binalingan ko nalang si Zyst ng tingin.

“At least may kuha saka kung blurd man 'yan, isa 'yang style, hayst!” Naiiritang saad ko.

Pagkatapos nang paglalakad namin at pagmasdan ang iba’t-ibang mga hayop doon ay binatukan ko si Zyst.

“Aray!” Daing niya pagkatapos kong batukan siya.

“Ano ba’ng ginawa ko sa 'yo para batukan mo 'ko?” aniya habang ang tinig ay naiinis na sa 'kin.

“Ang dami mo kasing mga satsat at reklamo sa 'kin kanina, hindi ko tuloy na-enjoy ang paglalakad para pagmasdan ang mga sea animals doon, istorbo,” sagot ko habang taas-noong tinignan siya.

“Blurd naman kasi 'yong pagkakakuha mo, e, ano namang may style roon, ha?” katwiran pa niya.

I rolled my eyes and went close to him. “Sabi mo nga kanina na may pagka-photographer ako kaya alam ko kung ano ang mga styles at kasama na roon ang pagka-blurd ng picture, hindi mo ba na-gets 'yon?” sikmat ko sa kan’ya.

Nag-iwas na lang siya ng tingin saka tumikhim. “Lumayo ka nga sa 'kin, masyado ka nang malapit sa 'kin, saka bakit ba natin pinag-aawayan ang hindi naman big deal?” He lightly scratch his head and stay away from me.

Taka at nakakunot-noo ko naman siyang tinignan, ano naman ba’ng problema nito? Kanina pa siya ah.

“Ikaw naman kasi, e. Ano ba kasing problema mo kanina at bigla-bigla ka nalang nagreklamo sa larawan mong blurd lang naman ang nag-iiba?” paninisi ko.

“Wala, kalimutan mo na lang 'yon. Anyway, saan na naman tayo mamamasyal?” pag-iiba niya sa usapan.

“Pumunta kaya tayo sa Barili? Ang alam ko ay maraming mga naggagandahang tanawin doon sabi ng internet, hindi pa 'ko nakakapunta roon,” suhestiyon ko.

“Ang layo naman no’n, ilang kilometro pa ang layo rito patungo roon, sigurado ka ba d’yan sa suhestiyon mo? P’wede naman tayong pumasok d’yan sa SM Seaside, ano sa tingin mo?” Reklamo niya at may suhestiyon pa!

Inarko ko ang kilay ko sa kan’ya at tinignan siya. “Sabi mo ako ang magsusuhestiyon, bakit nakikialam ka naman sa gusto kong puntahan? Saka, nagsasawa na akong pumasok d’yan sa SM Seaside, gusto ko 'yong bago sa 'kin na pagmamasdan ko. H’wag ka nang magreklamo at maging tamad,” pasiring na katwiran ko.

Bumuntong-hininga na lang siya saka tumango sa 'kin at umangkas na siya sa motor niya at sunod naman ako pagkatapos kong isinuot ang helmet ko at ganoon din sa kan’ya. Pinaandar na niya ang motor niya saka kami umalis sa Ocean Park.

“Kirst, may mapa ka ba d’yan? O kabisado mo ba ang daan patungo sa sinasabi mong probinsiya sa Cebu?” tanong niya maya-maya habang bumibyahe pa kami patungo roon.

“Ang sabi sa Google Map, straight lang daw ang pagbabiyahe patungo roon,” sagot ko kapagkuwan.

“Okay,” tugon niya saka tumango.

Kagaya nang ginawa ko kanina habang patungo  kami roon sa Ocean Park ay nagvi-video rin ako sa cellphone ko ulit, first time kasi kaming pupunta roon sa Barili. Ang sabi ni Google, maganda raw ang mga tanawin doon saka matiwasay at presko ang hangin ang naroon especially kapag nasa mga beach resorts.

Dumaan pa kami sa Minglanilla, Naga, San Fernando, Carcar City, Guadalupe, Mantalongon, Dakit, Azucena, at Patupat. Paliko pala 'yong daan sa Carcar City patungo sa Barili kaya tinignan ko na naman 'yong Google Map at tinahak na namin ang daan kung saan patungo ang Barili.

Pagkarating namin doon ay tumigil na muna kami sa tapat ng 7/11. Tinignan ko kung ano na ang oras relo ko at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na kaya pala kumakalam ang sikmura ko dahil alas dose na pala ng tanghali!

Bumaba muna ako at pagkatapos ay tinanong si Zyst. “Zyst, nagugutom ka na rin ba?”

“Ano sa palagay mo?” pambabara naman niya sa 'kin kaya inis ko siyang tinignan.

“Ayusin mo nga 'yong sagot mo, kitang maayos din naman ang pagtatanong ko sa 'yo, e,” sikmat ko sa kan’ya at pasiring nalang na inalis ang tingin sa kan’ya saka ako pakundangan na pumasok sa loob ng store.

Una kong nakita ang nakabalandra na mga hotdogs, sausages, at siopao sa isang fridge o kung fridge ba ang matatawag doon kapagkuwan ay kinuha ko ang katabi nitong mga wrapper sa mga ito at binuksan ko 'yon saka inisa-isa ang pagkukuha ng dalawang hotdogs at dalawang siopao na naroon.

Nang matapos na ako sa ginagawa ay isinara ko 'yon pero hindi ko naman alam na mahuhulog na pala ang isang nakapuslit na hotdog sa aking bisig habang nakagapos ako sa iba pang hotdog at mga siopao na nandoon.

Akala ko masasayang lang 'yon dahil napapikit na lang ako pero napadilat nalang ako maya-maya nang may sumalo sa hotdog na nakawrap. Mabuti naman at nasalo 'yon ni Zyst!

Tinignan niya ako saka umiling-iling na sinipat ako ng tingin at lumapit sa 'kin na hindi ko naman namalayan na may dala na pala siyang malaking plastic wrapper! Siguro ay nagtanong ito sa babaeng cashier na todo kung magpa-cute pa sa kan’ya! Mamaya sa 'kin 'yong babaeng cashier na 'yon at dudukutin ko 'yong mga mata niya na nakatingin sa best friend kong topakin!

“Sa pagkakataong ito, mas estupida ka ngayon. Grabe naman kasi, hindi mo man lang naisip na may plastic wrapper sa mga pagkain na ginapos mo d’yan sa bisig mo, tsk, tsk. 'Naman, oh!” napapailing na pahayag niya.

Nakaramdam naman ako ng kaunting pagkapahiya sa sarili dahil hindi ko naman talaga naisip 'yon kanina kasi masyado akong natatakam na subuin na 'yong siopao at hotdog ko, kumakalam na talaga ang sikmura ko!

“Oo na, I’m stupid for now. I’m just hungry. Sino’ng hindi magugutom sa ganitong oras? 'Di ba wala kaya manahimik ka nalang d’yan at kainin mo na 'yang hotdog at siopao mo,” pasiring na sumbat ko para itago ang pagkapahiyang nararamdaman ko sa kan’ya tungkol sa nangyari kani-kanina lang.

Binalingan ko siya ng tingin at napataas ako ng kilay dahil bigla nalang niya akong binigyan ng nakakalokong ngisi.

Hotdog at siopao, hmm,” sabi niya habang matamang nakatingin sa 'kin na may pang-aasar sa tinig. Pinakadiinan pa niya ang hotdog at siopao!

Tinignan ko siya ng masama at sinumbat siya. “'Yang bunganga mo, Zyst! Napakabastos! Bahala ka na nga! Ikaw na’ng magbayad d’yan! Tse!” Pagkatapos ay padabog akong lumabas at kinagat ng mariin 'yong hawak kong hotdog.

Naramdaman ko nalang na may tumabi sa 'kin kaya masama ang loob at tingin ko siyang binalingan ng tingin. Nakangisi pa rin ang loko! Sarap dukutin ang mga mata! Letse!

Kinagat din niya ang hotdog niya at nginuya-nguya kaya napapikit nalang ako ng mariin at umaktong walang nakita.

“Kirst, ikaw 'yong bastos doon, bigla ka nalang sumumbat sa 'kin at saka padabog kang lumabas. You just misinterpreted what you just hear by what I’ve said earlier,” nakangisi pa ring katwiran ng loko. At may gana pa siyang mangatwiran, ah!

“'Dami mong satsat! Kumain ka nalang d’yan at baka hindi kita matantiya,” inis na sabi ko. Another embarassment again!

Tinawanan niya ako saka hindi na nagsalita ulit. Akala ko nga babangayan na naman niya ako pero hindi kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nakaramdam na naman kasi ako ng hiya dahil na-misinterpret ko 'yong sinabi niya kanina! Na-paranoid ako dahil doon! Peste talaga!

Maya-maya lang ay tapos na kaming kumain at nagsalita na naman siya pero sa pagkakataong 'to ay tinanong niya ako sa bago naming pupuntahan.

“Why don’t we go to Cafè Alfonso then afterwards, go to Palalong?” nakangiting suhestiyon ko. Isinantabi ko na muna ang pagkapahiyang nararamdaman ko.

Napakamot siya sa kan’yang sentido habang nagtatakang nakatingin sa 'kin.

“Uh, Kirst...” he trailed off.

“Don’t tell me, hindi mo alam kung nasaan 'yon? Ang akala ko ba nagsasaliksik ka ng mga magagandang mapupuntahan dito sa Barili? Nagsisinungaling ka ba sa 'kin?” tanong ko ng may pagdududa.

Nakita ko pang napalunok siya. Huli ka! Nagsisinungaling ka talaga sa 'kin!

“Hindi naman sa gano’n, Kirst. Tinamad lang ako sa pagsasaliksik, ganoon 'yon,” pagpapalusot pa niya saka nag-iwas ng tingin.

“Tsk, tsk, tsk, hindi mo naman kailangang magpalusot pa, there’s no need to do it because I knew you weren’t doing it, base palang sa mga ikinikilos mo,” sabi ko.

“Sorry dahil sa pagsisinungaling at pagpapalusot, Kirst.” Bumuntong-hininga siya pagkatapos niyang humingi ng pasensiya.

“Ano ka ba? Wala 'yon, 'no! Best friend kaya kita kaya wala akong sama ng loob o pagtatampo sa 'yo, 'no,” I said then smiled.

“So, saan ang Cafè Alfonso na 'yan at nang makapunta na tayo riyan sa sinasabi mong lugar?” tanong niya kaya sinagot ko 'yon sa nagsisilbing cellphone ko dahil nandoon ang map na gagamitin namin sa pagpunta patungo roon.

Kailangan pa naming dumaan sa Poblacion, Campangga, at Bolocboloc. Nasa Nasipit ang sinasabi ng Google Map na Cafè Alfonso. Mabuti nalang at highway naman 'yong daan patungo roon pero masyadong ma-bundok ang  tinatahak namin.

May ginawa lang kami roon at kasama na 'yong pagpi-picture roon. Siyempre, hindi pa rin nawawala ang pagbabayangan namin doon kahit nakakahiya na sa mga taong naroon.

“Yieee, nakakakilig naman sila! Kahit nagbabangayan, ang sweet pa rin nilang tignan lalo na sa uri ng pagkakatingin nila sa isa’t-isa!”

“Tama ka, ghurl! Mag-uyab na kaya sila?”

“Sa palagay ko, oo! Action speaks louder than words, 'ika nga!”

Mga tili at bulung-bulongan ang mga naririnig ko at sa palagay ko, naririnig din 'yon ni Zyst.

“Anong nakaka-sweet sa 'tin? Wala naman, nagbabangayan tayo dahil may argumento tayo at saka hindi naman tayo mag-nobyo at nobya dahil magkakaibigan lang tayo. Hayst! Ewan ko ba sa mga taong 'to, binibigyang malisya ang ikinikilos natin kahit hindi naman dapat bigyan,” mahabang litanya ko saka inulirat ang mga mata.

“P’wede naman nilang bigyang malisya ang ginagawa natin, ah,” kontra ni Zyst.

“Ewan ko sa 'yo, umalis na nga lang tayo rito at tapos naman na tayo sa layunin natin dito. Next stop is Palalong,” sabi ko at umuna nang lumakad patungo sa motor niya.

“Bigla ka nalang nawawalan sa mood kahit saan tayo magpunta, ang killjoy mo naman, Kirst,” asik niya sa 'kin pero inirapan ko na lang siya.

“Okay, hindi na ako makikipagbangayan sa 'yo para naman hindi ka na mawalan sa mood,” pagsuko niya sa 'kin.

“Ikaw naman kasi, eh, kita na may pagkapikon ako at mabilis akong mawalan ng mood,” paninisi ko.

“Sinabi mo ba— nevermind, hindi na talaga ako makipagbangayan sa 'yo to lighten up your mood,” aniya. Napailing-iling nalang ako at tinignan siya.

“Promise 'yan, ah?” may pagkaasam ang tinig ko.

“Oo, promise kahit mag-pinky promise pa tayo, hindi na 'yon mangyayari,” sabi niya. Bigla na lang siyang ngumiti ng pagkalapad-lapad, like a genuine smile dahil umabot iyon sa mga mata niya.

Sa hindi malamang dahilan ay tumibok ng mabilis ang puso ko at manghang tinignan siya sa kan’yang mala-tsokolateng mga mata. Nakatulala ko iyong pinagmamasdan at nakakalunod ang mga mata niya.

“Nice view, isn’t it?” Napabalik ako sa ulirat dahil sa sinabi niya.

“Ha-ha-ha! You’re funny! Ano’ng nakaka-nice view d’yan sa mukha mo? Halika na nga, pumunta na tayo roon sa sinasabi kong lugar,” sabi ko at iniwasan na siya ng tingin saka isinuot na ang helmet ko pagkakuha ko niyon.

Hindi naman kasi talaga maiiwasan na mapatulala ka na lang talaga sa kan’yang angking kaguwapohan, lalo na sa kan’yang mala-tsokolateng mga mata at dahil din 'yon sa lahi niya.

Iba pala talaga ang kamandag ng isang Zyne Vester Gallagher.

Kumibit-balikat lang siya pero nakita kong nakangisi pa rin siya habang umunang umangkas sa motor niya pagkasuot niya sa helmet saka inabot muna sa 'kin ang helmet ko mula sa kaniya at isinuot ko 'yon pagkatapos kong umangkas.

Pagkaandar naman niya ay napaawang ang labi ko dahil sa sunod niyang ginawa. Bigla na lang niyang binilisan ang pagpapatakbo sa kan’yang motor kaya napakapit ako ng maigi sa kan’yang baywang, more like nakayakap na ako sa kan’ya dahil sa gulat sa ginawa niya.

Nang medyo humupa na ang gulat ko at bumalik sa normal na pagpapatakbo ang kan’yang motor ay narinig ko pang napatawa siya. Pinukolan ko na lang siya ng masamang tingin sa rear view mirror sa kan’yang motor saka inayos ang pagkakakapit sa kan’ya. Mamaya ka sa 'kin, Zyst!

“Akala ko ba hindi mo na gusto na ako pa ang makipagbangayan pa sa 'yo, ha?” Halos pasigaw na tanong ko na lang iyon.

“Oo naman,” patay-malisyang sagot niya.

“E, ano 'yong ginawa mo kani-kanina lang?” Tanong ko pa.

“Huh? Ano naman ang ginawa ko kani-kanina lang?” Nagpapatay-malisya pa rin siya habang tinatanong niya pabalik sa 'kin 'yon!

“Mamaya ka sa 'kin, Zyne Vester Gallagher!” Pabulyaw kong saad pero tumawa lang ang topakin!

Pagdating namin sa Palalong ay padabog akong bumaba at sinuri ang tingin sa nakikita ko sa harap, bigla na lang nawala ang inis na nararamdaman ko sa kasama ko at nakangiti ng payapa habang nakatingin sa harap ko, ang dagat. Napakapresko rin ng hangin!

May kinuha ako sa bagpack namin at isinuot ang sunglasses saka ako umabanta sa paghakbang. Ang lalim ng bangin lalo na ang tubig.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang camera saka kumuha ng larawan ko roon at pagkatapos naman ay kinuhanan ko rin ng larawan ang nasa paligid ko.

“Zyst, kuhanan mo ng shot ang sunset gamit ang cellphone mo! Ganoon din ang gagawin ko, sabay tayo, ah!” saad ko nang tumingin ako sa kan’ya, nakita kong pinagmamasdan niya ako habang nakangiti at sa hindi malamang dahilan ay biglang uminit ang magkabilang pisngi ko.

“May dumi ba ako sa mukha, Zyst? O, ano?” tanong ko para hindi niya mahalatang naiilang ako sa kan’yang pagkakatingin sa 'kin. Tinapik-tapik ko rin ang magkabilang pisngi ko para mawala ang pag-iinit niyon at baka makita niya ang kulay pula niyon.

Lumapit siya sa 'kin saka kinuha ang cellphone niya sa bagpack na dala ko at kumuha ng larawan sa sunset na nakikita namin sa harapan. Sumunod naman ako at agad na kinuhanan ng larawan ang sunset.

“Sabi ko naman sa 'yo na dapat magkasaby tayo sa pagkuha ng larawan sa sunset, tsk. Anyway, last round na natin 'to—"

“Hey, miss, can you take us a picture, please?” tawag nalang bigla ni Zyst sa isang babaeng nakatayo malapit sa kan’ya kaya lumingon ang babae sa 'min saka nginitian kami at tumango.

“Sure, lend me your phone,” nakangiting anito.

Tumabi sa 'kin si Zyst at nakangiti kong tinignan ang cellphone niya na nakahawak sa kamay ng babae pero bigla na lang akong palihim na nagulat dahil sa ginawa niya sa sunod. Hinapit niya ang baywang ko papalapit sa kan’ya kaya magkadikit na ngayon ang gilid ng mga katawan namin at hindi pa natinag ang loko, inakbayan pa ako at saka nakita ko sa peripheral view ko na patay-malisya siyang nakangiti sa harapan.

Pagkatapos niyon ay nagpasalamat si Zyst sa babae at saka umalis na ang babae.

“Patsansing ka pa, ah. May gusto ka ba sa 'kin?” pabiro kong tanong.

Nakita ko namang natigilan siya saka sinalubong ang tingin ko pero umiwas lang din siya ng tingin at kinakalikot-likot ang cellphone niya. Marahil ay tinignan ang picture naming dalawa.

“H-Huh? Ano’ng g-gusto ka d’yan? H-Hindi kaya,” aniya habang may pautal-utal pa’ng nalalaman.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil napansin ko ang pag-utal niya at pag-iwas ng tingin.

“Biro lang, ano ka ba? Masyado mo namang sineryoso ang tanong ko, chill lang pare. Naks, may pautal-utal at iwas-tingin ka pang nalalaman, ah?” Ngumisi ako pagkatapos ko siyang tinaasan ng kilay.

Bigla nalang siyang tumigil sa pagkalikot sa kan’yang cellphone at binalingan niya ako ng tingin.

“Sino’ng may sabing umutal-utal ako at iniwasan ka ng tingin? Proof nga,” aniya at tinabingi niya ang kaniyang ulo.

“Hindi ako bingi at bulag 'no, tsk,” sabi ko saka tiningala ang medyo madilim na langit.

“May alam ka bang lugar na maaari nating itutuluyan? Medyo madilim na kasi,” aniya nang malingunan ko rin siyang nakatingala sa langit na madilim.

“Meron, sa Campangga. Ang tawag sa resort hotel na 'yon ay AC Tilapia Fun Fishing & Family Park, p’wede na roon tayo tumuloy,” sabi ko habang ipinapakita sa kan’ya gamit ang cellphone ko sa resort hotel na 'yon.

Tumango-tango naman siya saka nginitian ako. “Ang ganda talaga ng panlasa mo sa mga lugar and that’s a compliment, ah,” aniya saka ginulo ang buhok ko at lumapit na sa kan’yang motor.

Nakatulala pa ako ng bahagya dahil sa ginawa at sinabi niya sa 'kin. Kumabog din ng malakas ang puso ko dahil sa matamis na ngiti niyang iyon.

Napabalik ako sa huwisyo dahil tinawag niya akong muli kaya inilingan ko nalang ang nasa isip ko at umangkas na rin sa motor niya pagkatapos kong isinuot muli ang helmet ko.

Pagdating namin doon ay mabuti nalang at bukas pa ang resort hotel kaya pumunta kami sa recipient doon. Nagpa-book kami ng dalawang room pero ang sabi raw ay isa nalang ang natitirang vacant na room kaya wala akong magawa kun’di tanggapin ang sinabi niya.

Nagbayad na rin kami kaagad doon sa cashier dahil three days pa kaming aalis dito kasi maraming kalilibangan naman dito.

Tumayo 'yong recipient at pinasunod niya kami papunta sa isang vacant room na 'yon. Ito ang nagbukas sa pinto ng magiging susi namin. Pagkatapos ay inilibot muna namin ang loob habang ipinapaliwanag nito ang mga gagamitin namin sa loob saka ibinigay nito kay Zyst ang susi pagkatapos ay nginitian pa muna nito kami at sinabihan ng good night saka na ito lumabas.

Inilapag ko muna sa sahig ang bagpack at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama. Ang lambot naman!

“'Oy, 'wag ka nga munang humiga d’yan, kagagaling pa nga natin sa byahe at pumapasyal pa tayo kanina, sigurado akong pawis ka at marami na ang mga rumi sa katawan mo,” paalala niya. Inismiran ko siya saka tumayo na lang ulit at kumuha sa bagpack namin ng tuwalya at damit saka padabog na pumasok at ini-lock ang banyo. Narinig ko pang tumawa lang ang topakin kaya napasimangot akong hinubad ang mga damit ko at nagsimula nang mag-half bath.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas ako at ibinato sa kan’ya ang isa pang tuwalya pagkatapos kong kinuha 'yong isa sa bagpack dahil sa nakatalikod siya.

“Aray naman, Kirsty Traille Valdemore, ang dami mo ng atraso sa 'kin ah!” Kontra niya pero binelatan ko lang siya saka sumampa na sa kama habang hawak-hawak na 'yong cellphone ko.

“Sana all naman buong pangalan ang ginamit mo sa pagtawag mo sa 'kin!” pasigaw ko pang habol sa kan’ya nang patakbo siyang pumasok ng banyo.

Tinignan ko ang mga videos at pictures ko kanina at inisa-isa ko iyong tinignan. Napakunot ang noo ko sa mga susunod na larawan ko.

'Yong iba, mga stolen shots ko pa tapos 'yong iba naman ay vini-videohan ako ng hindi ko nalalaman. Hayst, pinakialaman pala ng loko ang cellphone ko kanina. Pero infairness, sa stolen shots ko lang naging maganda ang pagkakakuha niya ng larawan.

Maya-maya lang ay bumibigat na ang mga talukap ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa antok at siguro sa matinding pagod.

Kinabukasan ay ako ang umunang yumaya kay Zyst na mag-fishing, nagmatigas pa noong una ang topakin pero hinila ko na siya kaya wala na siyang nagawa kun’di sumama sa 'kin.

May bayad pa ang fishing kaya kumuha ako ng pera sa pocket ko at ibinigay 'yon sa cashier saka nito kami binigyan ng tig-iisang fishing rod at ikinawit pa nito ang uod sa dulo ng fishing rod at pumunta na sa fishing place.

Ang daming tilapia! Siguradong hindi ako mahihirapan sa paghuhuli nito!

Pero maya-maya lang ay mga ilang minuto na akong naghintay na may kumilos na kung ano sa dulo ng fishing rod ko pero wala pa rin. Nakababagot nang maghintay! 'Eto namang tilapia na 'to, ang choosy kumain ng uod! P’wede naman niya kainin 'yong sa akin at baka mahuli ko pa siya! 'Kainis naman!

“Hayst! Kaloka naman, oh!” Reklamo ko ng mahina habang nakatingin pa rin sa dulo ng fishing rod ko kung meron pa bang kumilos pero wala pa rin. Nakakairita na!

“Patience is a virtue, 'ika nga.”

“Ay, tilapia!” Nagulat ako bigla dahil sa tinig na 'yon malapit sa 'kin kaya tinignan ko kung sino 'yon, si Zyst lang pala.

“Dumagdag ka pa, tsk. Muntik na akong atakihin dahil sa 'yo,” sabi ko pero tinawanan niya ako.

“Kirst, look what I’ve got. Tatlong tilapia na ang nakuha ko at nasa balde na samantalang ikaw ay ni isa man lang ay wala pa, kawawa ka naman,” pang-iinis niya pa. Inirapan ko na lang siya saka napasimangot na itinuloy ang pagtitingin sa tubig.

“Akin na nga 'yan, ako nalang ang huhuli para sa 'yo para hindi ka naman magiging kawawa d’yan,” saad niya saka lumapit sa 'kin at hinawakan ang pagkakahawak ko sa fishing rod.

Saglit lang nagdampi ang mga kamay namin pero ilang boltahe ng elektrisidad ang naramdaman ko sa simpling pagdampi lang niya sa kamay ko. Lumakas na naman ang pintig ng puso ko sa kan’ya. Ano ba’ng nangyayari sa 'kin? Hindi ko na maintindihan itong ikinikilos at nararamdaman ko. Hindi na 'to normal!

“Mabuti pang turuan mo ako kung pa’no huhulihin ‘yang choosy na mga tilapia na ‘yan,” suhestiyon ko kaya tinignan niya ako at tinanguan.

Kaya kahit kinakabahan na naman ako dahil baka magdampi na naman ang mga kamay namin ay pinaninindigan ko ang sinabi ko kahit bakas na sa 'kin ang pag-aalinlangan at 'wag nalang ituloy.

Pigil ang hininga ko nang turuan niya ako kung paano dahil halos magkadikit na ang mga katawan namin sa isa’t-isa pati na ang kamay niya na nakapatong sa 'kin sa paghawak sa fishing rod. Bale 'yong posisyon namin ay siya 'yong nasa likod ko at ako naman ay nasa harap. Inilingan ko nalang ang mga iniisip kong kakaiba saka itinuon nalang ang atensiyon sa pagkuha ng tilapiang choosy na 'to.

Ilang segundo lang ang binilang ko ng may kumilos kilos na sa fishing rod kaya nagugulat ko na iyong tinignan. We pulled upwards the fishing rod to see if we did really catch the tilapia.

Nanlaki ang mata ko sa saya dahil sa wakas ay nakahuli na ako ng tilapia sa tulong ni Zyst kaya pagkatapos kong ibinigay sa assistant ng Tilapiahan ang hinuli kong tilapia at itinipon ng tatlong tilapia na nakuha ni Zyst kanina ay yinakap ko si Zyst kaya nagulat siya sa aking ginawa. Masaya lang talaga ako, achievement na 'to para sa 'kin kahit ang babaw kong tignan. Gumanti naman siya ng yakap sa 'kin.

“Ayiee, si sir at ma’am, oh. Ang sweet tignan kayong mag-uyab,” kilig na usal ng assistant kaya napahiwalay ang pagkakayakap ko kay Zyst saka nahihiyang tinignan ang assistant ng Tilapiahan.

“Uh, we’re just best friends, miss. We’re not a couple, you misunderstood it.” Nahihiyang sinabi iyon ni Zyst sa assistant kaya nagulat ito at natutop ang sariling bibig at nagpapaumanhing nakatingin sa 'min.

“Sorry po, ma’am and sir. Akala ko po talaga mag-uyab kayo,” paumanhin nito pero umiling lang kami ni Zyst.

“No, it’s okay. Don’t worry. Napapagkamalan talaga kaming mag-jowa nitong best friend ko at nakasanayan na namin ‘yon,” ani Zyst at napatango na lang ang assistant.

First day pa ito pero napagkamalan na kaagad kaming mag-nobyo ni Zyst, what more if sa susunod na dalawang araw ay ganoon na naman ang mangyayari? Siguradong mahihiya na talaga ako nito at baka ganoon din si Zyst kaya kailangan ko nang kontrolin ang mga kilos ko. Think before you act, 'ika nga nila.

The next day ay napagdesisyonan naming dalawa na sa umaga ay maglalakad-lakad lang at sa hapon naman ay mag-horse back riding, sa gabi naman ay magna-night swimming.

Pero ang dami nangyari ngayong ikalawang araw pa lang sa pagitan naming dalawa ni Zyst at naiilang na ako kapag kaharap o kalapit ko siya. Kumakabog ng matindi ang puso ko sa kan’ya at napatulala na lang ako sa tsokolate niyang mga mata saka malulunod sa sarili niyang matamis na ngiti.

Mukhang kakaiba na ang nararamdaman mo para sa best friend mo, Kirst ah! Get a grip! Best friend mo lang siya at alam mo sa sarili mong hindi p’wede at baka masaktan ka kapag nalaman mong friendzone ka lang pala ni Zyst! Sigaw ng kan’yang isip.

Pero, what if may gusto rin ang best friend mo sa 'yo, Kirst? Paniguradong hindi ka sasaktan no’n. 'Yon naman ang sabi ng kan’yang puso.

Nagtatalo-talo na ang puso’t isip ko kaya napabuntong-hininga na lang ako at isinantabi muna ang sariling kapakanan at tinuon ang pag e-enjoy sa kagandahan ng resort hotel na 'to.

Pagkatapos naming maglakad-lakad lang ay sumunod ang horse back riding sa hapon. Ang nangyari habang nagho-horse back riding ako ay muntik na akong mawalan ng balance! Mabuti na lang at hinawakan ang kamay kong maigi ni Zyst na nakasunod lang sa 'kin habang sakay rin siya ng kabayo.

Pagdating ng gabi ay isinuot ko ang isang white piece bikini at itinago lang 'yon sa roba ko at lumabas na ng room saka pumunta na sa swimming pool.

May sumipol-sipol pang mga kalalakihan pero hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad papasok sa swimming pool for adults. 'Yong sa kabila ay for kids naman.

Tinanggal ko ang roba ko at inilapag sa gilid ng semento saka lumusong sa tubig-swimming pool.

“Hoy, Zyst! Nandito ako, oh!” Sigaw ko kay Zyst nang makita ko siyang parang may kinakausap. Napalingon naman siya sa 'kin. Guni-guni ko lang ba 'yon o hindi na nakita ko sa kan’yang mga mata ang amusement pagkatingin niya sa 'kin. Lumusong din naman agad siya pagkatapos.

Nakita ko kanina na parang pamilyar 'yong kausap niya. Babae 'yon dahil sa tindig kanina, sigurado ako. Napagtanto kong siya 'yong babaeng kumuha ng larawan naming dalawa ni Zyst kahapon sa Palalong! What a coincidence nga naman!

“Maganda 'yong isinuot mo ngayon, ah. Bagay sa skin tone mo,” aniya kaya nginitian ko siya saka sinagot.

“Thank you,” sabi ko. “Anyway, 'yong babae ba na kausap mo kani-kanina lang ay 'yong babaeng kumuha ng larawan natin sa Palalong kahapon?” Tanong ko, kinokompirma ko lang naman.

“Hmm, yes. Siya nga 'yon. Ang ganda pala no’ng babae na 'yon, 'no? She’s Selille by the way,” aniya.

Hindi ko alam pero kumurot ang puso ko sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman 'yon.

“Okay,” tugon ko na lang sa malamig na boses at saka lumusong muli para lumangoy papalayo sa kan’ya papunta sa parang may shower sa likod niyon.

Kung gusto niya 'yong babae na 'yon, eh 'di sige. Wala naman akong pakialam sa kanila, e! Tsk!

Hindi ko alam na sumunod pala siya saka nakita ko pang nakaukit sa kan’yang labi ang isang ngisi. Ano na naman ang ibig sabihin ng ngisi niyang 'yan?

“Are you jealous with Selille, Kirst?” May panunudyo sa tinig niya nang itinanong niya 'yon sa 'kin.

“N-No,” I uttered, not sure.

Nagulat ako dahil bigla nalang siyang lumapit sa akin saka walang atubiling niyakap niya ako mula sa likod. Ang kan’yang hininga ay nasa tainga ko.

“Are you sure?” He asked again. I swallowed hardly because of the tone he used.

“Uh... uhm...” I cannot find the right words to say.

“Kirst...” he called me. “I... I’ve been inlove with you all the time,” pag-amin niya. I frozed at the spot and form an ‘o’ in my mouth.

Humarap ako sa kan’ya habang nakaawang pa rin ang mga labi ng bigla nalang niyang pinagsugpong ang kan'yang labi sa 'kin.

Mas lalo pa akong nagulat dahil doon! Hindi ko alam kung papaano siya pipigilan dahil umuusbong na naman ang malakas na pintig ng puso ko!

Pero bago pa ako magpadala sa emosyon ko ay sinubukan kong patigilan siya sa ginagawa niya sa 'kin. Luckily, he did. Habol ang mga hininga namin habang nakatingin kami sa isa’t-isa.

Una akong nag-iwas ng tingin saka kumuha ng natitira pang lakas para bitiwan ang pagkakayakap niya sa 'kin saka ako lumayo sa kan’ya.

Umakyat ako sa railings ng pool at mabilis na kinuha ang roba ko at isinuot 'yon saka naglakad na papalayo para pumunta na kaagad sa room. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon pang muli sa pinanggalingan niya.

Pagkapasok ko sa room ay napasandal ako roon at hinawakan ang labi kong kani-kanina lang ay linapatan ng labi ni Zyst. Ninakaw niya ang first kiss ko.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niyang 'yon at kung paano niya ako hinalikan.

Kasabay no’n ang kaunting pagdududa ng isip ko sa kan'ya.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at iminuwestra ang sarili patungo sa banyo at pagkatapos ay nagblow dry pa saka pinilit na makatulog.

Sa last day ay hindi ako sumabay sa kan’ya at pinili nalang na mag-commute. Nahihiya ako dahil baka masabi niya ang nangyari kagabi kapag sasabay at sasakay pa ako sa motor niya.

Gusto ko munang makahanap ng preskong hangin kaya napagdesisyonan kong pumunta sa Dumanjug kung saan ang parke o plaza na naroon. Since malapit na ang christmas ay nakita ko na kapag gabi ay ang daming mga series lights kaya nakakamanghang tignan. Mabuti at may sasakyang pampasahero akong nakita kaagad kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok saka pumwesto na roon.

Sorry, Zyst pero kailangan muna kitang iwan dahil kailangan ko ring mag-isip-isip kung ano ba talaga ang tiyak na nararamdaman ko para sa 'yo. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagdating ko sa Dumanjug ay binigyan ko ng fifty pesos ang drayber ng jeepney saka ako bumaba at pumunta kaagad sa parke.

Ang sarap at ang gandang pagmasdan at tignan ang paligid ng parke. Nakakamangha rin! Hindi ako nagsisisi na pumunta kaagad ako rito ngayon!

It’s a perfect place. Makakapag-isip ako ng tama rito at makakalanghap ng preskong hangin. Malulusog din ang aking mga mata kapag tumitingin ako sa paligid dahil sa angking gandang nakikita ko sa nakapaligid sa 'kin.

Sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong magpadala sa emosyon ko kagabi pero may parte pa rin sa 'kin na nanghihinayang sa ginawa ko kagabi.

Zyst, matalik na kaibigan lang ba talaga ang tingin ko sa 'yo o hindi na? Naguguluhan na ako sa aking nararamdaman para sa 'yo.

Zyst, naguguluhan na ako dahil pinagulo mo 'ko lalo dahil sa sinabi mo kagabi.

Totoo ba talagang minamahal mo ako sa bawat araw na mga nakalipas?

Ang hirap paniwalaan dahil ang akala ko base sa mga ikinikilos niya ay matalik na kaibigan lang ang turing niya sa 'kin at hindi ko naiisip na posible palang magkagusto siya sa 'kin.

Tapos ako naman ay naging kakaiba na rin ang mga ikinikilos at nararamdaman ng dahil sa kan’ya

I thought it’s just my embarassment but I think... I admit that I’m starting to love him.

Well, I like him from the day we’re touring Ocean Park because of my moves. Ngayon ko lang na-realize.

I breath a deep sigh and decided to stood up but suddenly, there’s someone calling me in a familiar tone. I faced it.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Bakit nandito ang iniiwasan kong tao ngayon?!

Huli na para makalayo ako dahil tuluyan na siyang lumapit sa 'kin.

“Nandito ka lang pala, bakit mo ako iniwan doon?” Tanong niya habang nag-aalala siyang sinuyod ang tingin ko. Nakakailang ang uri ng pagkakatingin niya sa 'kin.

I did not answer instead I glanced at the children playing something funny.

“Kirst, I’m sorry for my act yesterday night. Hindi ko na kasi kayang magtimpi sa nararamdaman ko para sa 'yo. I love you so much, Kirst. All this time, I’ve loved you, love you, and will always love you, forever,” madamdaming pahayag niya. I swore I saw love and longing in his eyes.

Totoo ba talaga itong naririnig at nakikita ko?

Namasa bigla ang mga mata ko at tuluyan nang nagpadala sa emosyon ko.

I cupped his face and stared at him with love.

“Now, I realize I fell in love with you because of what you did to me yesterday night, asshole. I started to like you when we’re touring that day at Ocean Park. Ngayon ko lang napag-isip-isip. Sorry for leaving you earlier, Zyst. Gusto ko lang namang makapag-isip-isip dahil nagugulumihanan ako sa nangyayari pero ngayon... hindi na,” mahabang litanya ko.

“I love you, my boy and my best friend.” I showed my love for him when I kissed him suddenly.

Bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa 'min kaya napangiti ako.

This is me, Kirsty Traille Valdemore, is now continuing to travel with a best friend turned into a boyfriend named, Zyne Vester Gallagher.

THE END

started writing: year early 2022

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top