Chapter 9
Excited✓
"Be captivating. There is nothing rare nor more beautiful than a woman be in her perfect imperfection. To me that is the true essence of beauty.- Steve Maraboli. "
🍀
Marcus POV
Hindi ko na naman mapigilan ang tawa ko ng maalala ko ang naikuwento sa akin ni Third noong nagkita kami sa isang bar.
"Yes, i wasted my 5 Million for nothing Marcus." Tila frustrated nitong saad na hawak pa ang ulo. Napatawa ako.
"Bakit kasi pinaalis mo pa." Natatawa kong saad.
"I don't know... Iba ang nararamdaman ko rito, she seems familiar and to think of it na galit na galit siya sa akin. Hindi kaya ay isa ito sa mga babaeng na agrabyado ko noon? Katulad mo madami kang babaeng pinaiyak at-"
"Woaah! Stop it Third, i don't make them cry, and i don't promise them anything. Sila ang lumalapit sa akin, who am i to refused? And in the first place, alam na nilang for fuck lang ang habol ko, puwede silang tumanggi-and i don't care. Madaming babae riyan. Basta no strings attached okay na sa akin iyon pero sa bandang huli ay mga naghahabol ang mga ito! Damn." Saad ko saka ininom ang beer na hawak.
Napapailing na lang si Third sa sinabi ko.
"Gusto kong bayaran ulit ang babaeng iyon para makita ulit." Usal nito, muntik ko nang maisuka ang beer na nainom.
"Are you out of your mind? Nagsayang ka na nga ng pera sa wala and then gusto mo pa rin 'yong babaeng iyon?"
"Na-curious lang ako Marcus, i know kilala ako ng babaeng 'yon."
Napapatango ako. May posibilidad nga na kilala siya ng babaeng 'yon.
"Just be careful bro, baka sumakit na naman ang ulo mo kapag pinilit mong makaalala sa pamamagitan ng babaeng 'yon. " Worried kong sabi rito na tinapik pa ang balikat nito.
"Thanks. Don't worry, i'll be fine."
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may nag-flash na bagong babae sa site ng Rampage Society, nagtungo ako sa site ng Rampage para doon na kumuha ng babae para sigurado akong no strings attached talaga at least sulit din ang ibabayad ko dahil mga elite naman ang mga ito.
Ayaw ko na sa mga babaeng nakikilala ko sa mga social gatherings, sa bar o mga models o kahit sino pa. Ang iba kasi ay naghahabol.
Dati ay isa akong kilalang Corporate Bachelors of Harrison Modelling Inco. Kasamahan ko si Third noon at marami pang iba, we were featured as the most influential bachelors.
Binansagan pa akong a ladies man with a heart of stone noon. Paano ba naman, i am a natural charmer and attract lots of women but my heart is like a stone-na kahit anong gawin ng mga ito ay hindi nila matibag. Tila ba may malaking batong nakaharang sa puso ko at hinihintay lang ang babaeng magbubukas nito.
Hindi kasi ako ang tipo ng lalaki na nadadala ng drama at paawa ng mga babaeng na a-attached sa akin at nag-de-demand ng atensyon at feelings.
Nag-scroll ako ulit sa mga pictures ng mga babae sa Rampage Society, shit baka namalikmata lang ako. Imposible namang mapasali ang babaeng iyon dito.
Iyong babaeng kasing tigas din ng bato ang puso! Palatak ko sa sarili na tila ba ay napupukaw ang galit at pagnanais na makita ito ulit.
Ito lang naman ang babaeng kahit anong gawin kong suyo noon ay katakot-takot na rejections ang inabot ko! Hindi naman ako takot ma-reject, sabi nga nila there's a lot of fish in the sea. Pero sa buong buhay ko wala pang babaeng naglakas loob na e-reject ako! Maliban sa kanya!
Oh fuck! I cursed myself nang ma-scroll ko ang picture ng babaeng inaasam-asam ko simula pa noon! Hindi ako nagkakamali. Si Heather nga ito at mukhang mababali ko yata ang sinabing 'no strings attached'.
I chuckled. Habang nakatitig sa picture nitong wala man lang kangiti-ngiti. Sino ba ang bidder na gustong ma-bid ang babaeng ito na animo'y mangangain ng buhay. Napangiti ako, habang pinapaikot-ikot ang swivel chair ko, iyong ngiti ko na tila ba teenager na kinikilig.
And then i closed the deal. I've got you baby... Hindi man kita nakuha noon sisiguraduhin kong mapapasaakin ka ngayon. Napangisi ako sa naiisip. Ganoon pa rin kaya ang hitsura nito kagaya noon?
Madami akong hindi magagandang naririnig tungkol dito noong grade School pa kami, pero nang makita ko ito, makasalubong ko sa hallway ng School, i was speechless and i couldn't help myself but to worship her ethereal beauty.
Lalo na nang magtama ang mga mata namin, her captivating eyes that still lingers in my mind and soul. Her smile that i see something more beautiful than the stars.
And then, nilagpasan lang ako nito na para bang hindi ako well-known sa buong School. And that moment i've realized... She is my first crush kahit pa sabihing pang-bata lang kapag nakaramdam ka ng ganoon.
Doon na ako nagsimulang magpapansin dito, lahat na ginawa ko kahit na naging girlfriend ko na lahat ng mga babae sa School pero walang epekto rito hanggang sa nagkalakas loob na akong lapitan at suyuin ito.
Napatawa ako bigla sa memories na naalala ko.
Damn! I need to go home early. Napakagat labi ako at napahawak sa dibdib. What the hell? Bakit bumibilis ang pintig ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko!
This is insane, you need to calm down Marcus! This is the first time na nakaramdam ako ng ganito. How can i calm down kung excited akong makita ulit si Heather? Asik ko sa sarili.
***
bluefairy1828
Author's Note
Hello guys! Mababasa n'yo na po ang buong kwento ni Heather sa Dreame account ko. Search n'yo lang po ang username ko : Ai Montes
Maraming salamat sa support. 😊
Here's my Dreame profile. Sana mabisita n'yo po. 😊
Sa mga nakabasa na sa story ni Heather maraming-maraming salamat po sa support at pagmamahal n'yo sa kanya. 😍😍😭
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top