Chapter 3

"Let's party! Party!"

Ang malakas na boses  ni Armelle ang una kong narinig pagkapasok ko sa bar ni Alex, napapailing ako. Baka napadami na naman ang nainom nito.

Agad akong nagtungo sa bar area, nandoon si Alex,nagseserve ng drinks, sina Armelle naman at Angela ay nasa gitna,sumasayaw kasama ang mga ibang babae, kaklase yata nila.

"Hey,pare." Untag ni Alex sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Drinks?" Offer ni Alex, tumanggi ako, ayaw kung uminom baka malasing ako hindi ko mabantayan si Armelle.

"No,thanks pare. Naka ilang shots ba si Ara?" Tanong ko rito, ngumisi lang ito. Alam ko ang ngiting iyon.

"I texted you na huwag mong bigyan ng bigyan ng alak." Pinandilatan ko ito ng mga mata, nagkibit balikat lang ito.

"Hi boyfriend..." Si Armelle, nakalapit na pala ito sa akin, paglingon ko agad na naglanding ang labi nito sa labi ko.  Nalasahan ko pa ang alak na ininom nito.

"Let's go home." Bulong ko rito ng maghiwalay ang labi namin, hinapit ko siya sa baywang at kinintalan  ng halik ang gilid ng leeg nito.

"Magpapaalam lang ako kay Angela." Sabi nito tsaka lumapit kay Angela na nasa gitna pa ng stage sumasayaw.

"Can i borrow you car Alex?" Tanong ko sa kaibigan, ngumisi lang ito at iniabot ang susi sa akin.

"Thanks."

"You're welcome man."

Agad na kaming lumabas sa bar, 9pm pa lang ang dami ng tao sa bar kaya niyaya ko ng umuwi si Armelle, tsaka gusto ko ng e claim ang birthday gift nito sa akin.

"Oh, gagamitin natin ang kotse ni Alex? Hindi tayo maglalakad?" Nagtatakang sabi ni Armelle ng makarating na kami sa kotse ni Alex.

"Nope, pupunta tayo sa apartment mo. I will claim my birthday gift." Kinindatan ko pa ito, nagrerent lang ito ng maliit na apartment malapit sa school. I don't know about her family dahil sabi niya sa akin ulila na siya.

"I love that." Napakagat labi ito,tsaka kinuha ang susi sa kamay ko kaya napakunot ang noo ko.

"I'll drive." Masayang sabi nito sa akin. Nauna na itong pumasok sa driver seat.

"Are you sure marunong kang mag drive?" Hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.

"Yes, let me show you. Sakay na."

Sumakay na rin ako, sa front seat area kung saan katabi ko si Armelle. Kinakabahan ako pero pinanatag ko ang sarili.

Nawala lang ang kaba ko ng malaman kong marunong naman pala talaga itong magdrive ng kotse, ngayon ko lang nalaman.

"Paano ka natutong magdrive?" Curious kong tanong dito.

"Uhm, when i was 14 years old tinuruan ako." Tipid na sagot nito s aakin, napatango nalang ako. Nahihimigan ko sa boses nito na ayaw nitong pag usapan ang nakaraan niya.

Napatingin ako kay Armelle, para itong natulala, hindi ko alam kung may naiisip ba o ano dahil sa hitsura nito naging lutang ito, may nasabi ba akong masama? Naitanong ko sa sarili.

"Oh shit!!!" Bigla akong napasigaw ng biglang nagpreno si Armelle, buti nalang agad ko itong nayakap kaya hindi sumubsob ang mukha nito sa manibela, sumasakit ang balikat ko dahil iyon ang tumama, napalakas yata ang impact.

"Are you okay?" Worried kong tanong sa kanya. Nasa madilim na bahagi pa naman kami ng daan. Nakatulala pa ito at naramdaman ko ang panginginig ng katawan nito.

"O-Orris..." Sambit nito sa nanginginig na boses.

"Yes,baby? Are you okay?"

Tiningnan ko ang mukha nito o buong katawan baka may sugat.

"Orris, nakabangga ako." Mahinang sbai nito sa akin. Natigilan ako, hindi ko napansin iyon dahil nakatingin ako sa mukha niya habang nagda drive ito.

"What?" Wala akong masabi kaya iyon nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Orris, may nabangga ako! Oh shit!" Agad itong lumabas sa kotse, sinundan ko naman siya and there we saw a man, no–binatilyo yata ito, i think 16 years old or 17.

"Oh fuck!" Napamura ako dahil naliligo ito sa sariling dugo, duguan ang ulo nito at parang wala ng buhay. Nakita ko si Armelle na nakatutop ang dalawang kamay sa bibig, she's crying. Ang ayaw ko sa lahat ay ang nakikita siyang umiiyak.

"Oh my god! I didn't know na tumawid siya! I didn't know na may kanto pala–my god!" Nagpapanic na saad ni Armelle, niyakap ko ito para kumalma.

"Calm down, dalhin na natin siya sa malapit na hospital. Agad na dinala namin ang binatilyo sa hospital. Nasa ER pa ito nag aagaw buhay.

Nanginginig pa rin si Armelle dahil sa nangyari, dinala ko siya sa labas ng hospital kung saan may 7/11 sa di kalayuan. Nagtungo kami roon at binilhan ko siya ng bottled water.

Ako naman ay bumili ng tatlong can na beer, sunod sunod kong ininom iyon. Shocked namang nakatingin si Armelle sa akin. Kinakabahan talaga ako, what if hindi maka survive ang binatilyong iyon?! Damn it!

"Orris..." Umiiyak na naman ito kaya niyakap ko.

"It's okay, it was an accident Armelle. Hindi mo kasalanan ang lahat. Aksidente lang ang nanyari. Come on, bumalik na tayo baka okay na ang binatilyong iyon." Masuyong saad ko sa kanya, tumango naman ito.

"I'm sorry hindu na talaga na revived ang pulso niya " Agad na sabi ng doctor sa amin, biglang napaupo si Armelle sa gilid ng upuan, hindi nito matanggap na siya nag dahilan kung bakit namatay ang binatilyong iyon. Maski ako hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Na identify na rin namin ang identity ng binatilyo, he was the only son of the Vice Governor in Baguio City, nagbakasyon lang sila rito. Don't worry paparating na rin sila rito, i already talked to them." Saad ng doctor, halata ang boses na nakikisimpatya nito sa amin.

Ilang minuto lang ang dumaan ay may narinig na kaming komosyon, papalapit sa amin. Mas lalo akong kinabahan. It was an accident, hindi naman namin sinasadya. Lagi kong saad sa utak ko

"Where's my son?!" Hysterical na sabi ng babaeng bagong dating, umiiyak ito. Nasa 40's na siguro ito pati ang kasama nitong lalaki, tingin ko ay ito ang ama ng baalta, mas lalo akong natakot dahil sa nakakatakot na aura nito.

"Who killed my son?!" Muling saad ng babae, ang mga mata nito ay mariing nakatitig sa doctor.

"Mrs. Santillan,it was an accident–" panimula ng doctor.

"Yes! It was an accident with a reckless driver! Sino?!" Nagwawala na ito. Nakita ko ang pagtayo ni Armelle sa kinauupuan. Inunahan ko na ito bago pa makapagsalita.

"I'm sorry ma'am,hindi ko po nakita–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal.ang dumapo sa mukha ko.

"How dare you! You killed my only son! Hindi mo ba alam na hindi na ako magkakaanak pa! Ipinagkait mo sa kanya ang buhay na meron siya ngayon! I will kill you! " Pinagsasampal at pinaghahampas na ako nito, inawat ito ng asawa niya, matatalim ang tinging ibinigay nito sa akin.

"Lourdes, calm down! I already call the police to file a case." Mariing sabi ng asawa nito.

"Yes! You will rot in jail! Sisiguraduhin ko iyon! Paano mo masasabing aksidente ang lahat kung naaamoy ko ang alak diyan sa katawan mo! How dare you!" Muling asik ng babae.

Napansin kong magsasalita sana si Armelle pero umiling ako, senyales na ayaw kong magsalita siya, she's crying.

Narinig ko rin ang malakas na hagulhol ng ina ng binatilyo, pumasok na ang mga ito sa ER kasama ang doctor. Naiintindihan ko ang nararamdaman nito, masakit talaga mawalan ng anak lalo na nag iisang anak.

"Orris, why?" Paos ang boses na usal ni Armelle, tumutulo ang luha nito. Ngumiti lang ako.

"Ayusin mo ang sarili mo, papunta na rito si Alex, tinawagan ko kanina. Sumama ka na sa kanya. Don't worry i've got you. Ako na ang bahala." Nakangiti kong saad dito, nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata nito.

"No! No please... Ayaw ko! Ako naman talaga ang may kasalanan–" pinutol ko ang sasabihin niya ng siilin ko siya ng halik.

"Don't talk about it." Seryoso kong sabi rito ng maghiwalay ang labi namin.

"Sumama ka na kay Alex pauwi." Sabi ko, ayaw kong makita niya ako na kinakaladkad ng mga pulis, sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong kahihinatnan nito but one thing i'm sure handa kong isakripisyo ang lahat para sa babaeng minamahal ko.

"I love you."

Sabi ko sa kanya tsaka tinalikuran na ito.

~•~


Support Cinco:

VBomshell
jenccollado
adeyyyow
QueenRegina1994

Thank you so much.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top