Chapter 28


Kanina pa siya nakatingin sa malawak na karagatan mula sa kaniyang verandah. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang mga bagay bagay. Taliwas kasi ang mga nakalap niyang impormasyon sa mga sinabi ng kaniyang ama.

"Hello," aniya nang angatin ng nasa kabilang linya ang telepono.

"Mr. Shah," sagot ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Me I speak with Violet?" Aniya nang mapagtantong hindi ito ang kausap niya.

"Miss Chavez is out of town, she will be back in a few days," sabi nito.

"You can contact our agent who handled your case, directly," dagdag pa nito.

Matapos nitong ipaliwanag ang ilang detalye ay ibinaba na nito telepono.

Maya maya pa ay kausap na niya ang naturang agent.

"Diego Santiago," aniya.

"Would you mind if we met sometimes?" Patuloy niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito.

"Friday, nine in the morning," siya muli.

"N-no problem!" Iyon lamang ang nasabi ng kausap niya dahil hindi na niya ito hinayaang makasagot pa. Tila inaasahan naman yata nito ang kaniyang sasabihin.

"Good!" Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Matapos ibigay ang lokasyon ng kanilang pagkikitaan ay muli siyang napaisip.

He was about to reveal a secret, a mystery about his own.

Bigla niyang naisip ang dalaga, paano niya sasabihin ang natuklasan? Kung totoo nga ito? Alam niya sa sarili niyang hindi lamang basta 'babae' para sa kaniya si Xianna. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimulang gumawa ng lugar sa matigas niyang puso. It's a weird feeling for him that he is concerned into someone but it also gives him joy somehow.

Pero ano itong ginagawa niya? He is taking advantage with the situation? Hindi ba niya kayang lumaban ng patas? Parang tinutubuan na rin siya ng konsensya. Napabuntong hininga na lamang siya.

He needs to make a decision, ibabalik niya ang dalaga sa dati nitong buhay. Hindi niya sasamantalahin ang pagkakataon para mapasakaniya ito. Well, kung tutuusin ay nakuna naman na niya ito, nang buong-buo. Pero hindi ito ang gusto niyang paraan para makuha niya ang gusto. Sanay siya sa challenge, kompitisyon o kahit pa laban. He wanted to get Xianna, sa tamang paraan at tamang sitwasyon. Yes, he wants Xianna.

Kahit na mapapa-aga ang pagbalik niya sa Maynila ay may ilang araw pa siyang ilalagi rito sa Isla. Balak niyang isabay na lamang si Xianna pero baka lumabas lang ang tunay na nararamdaman niya. Hindi niya pinagarap na makita ng sino man ang kaniyang 'soft side'. Pakiramdam niya ay napakahina niya kapag nangyari 'yon. Sa totoo lang ay lately lamang niya nadiskubre na kaya rin pala niyang maging 'mabait' and he didn't like it.

"Hey! You just gonna sleep all day?" Malakas ang kalampag niya sa pintuan ng silid ng dalaga.

Hindi naman tuminag ang dalaga na nanatili pa ring nakahiga. Parang hindi siya makagalaw, napakasakit ng buo niyang katawan, para siyang lalagnatin na hindi niya maintindihan.

Nang hindi pa rin siya tumitinag ay narinig niya ang lagitgit ng pagbukas ng pinto.

"Xia-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang lapitan siya nito at hawakan sa braso. Nakatalikod siya kaya hindi nito napansin ang namumula niyang mukha.

"Oh sh*t! You're so hot! Are you sick?" Bahagyang nabahiran ng pagkataranta ang ang boses nito. Tama ba ang pagkakarinig niya?

"I-im fine, masakit lang ang katawan ko," aniya.

"N-normal lang siguro ito sa-sa..." Nahihiya siyang ituloy ang sasabihin.

"Oh come on, your fever is..! Are you trying to kill yourself?" Singhal nito sa kaniya kaya natigilan siya. Bumalik ang bagsik sa tinig nito.

"I said, I'm fine!" Pagmamatigas niya. Sinubukan niyang bumangon at tumayo pero para siyang nabubuway kaya bumalik siya sa kama.

"Come on, get dressed! I'll bring you to the hospital!" Pinal na sabi nito bago tuluyang tumalikod.

Hinang hina talaga siya. Pakiramdam niya ang nanginginig ang lahat ng kaniyang kalamnan.

Pinilit niya pumunta sa banyo para makapaghilamos man lang, inabot ang t-shirt na suot niya kahapon saka isinuot. Ngayon niya napansing nakasando lamang pala siya at litaw na litaw ang kaniyang dibdib. Namula siya. Humarap sa salamin at pinagmasdan ang repleksyon doon, may mga pulang marka ang kaniyang leeg. Maging ang balikat at dibdib ay naroon ang marka ng mga labi ni Raj. Halatang gigil na gigil ito sa mga markang naiwan sa kaniyang balat. Dahil nga maputi siya ay litaw na litaw ito kaya pinili niyang suotin ang t-shirt na masikip ang neckline. Hindi siya kumportable sa itsura.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa harap ng salamin, pabalik na siya sa kama para doon na hintayin ang binata pero bigla na lamang itong sumulpot sa pinto at walang ano mang pinangko siya nito.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa mga pangyayari.

Akala niya ay sa ospital lamang sa isla siya nito dadalhin dahil may kotseng sumundo sa kanila sa baba, pero nagulat siya nang dalhin siya nito sa rooftop ng isa sa mga gusali doon. Naghihintay na sa kanila ang nakabukas na pinto ng isang umaandar na helicopter.

"N-no!" Bulalas niya, parang mas mamamatay yata siya kapag sumakay doon kaysa trangkasuhin siya ng isang buwan sa isla.

"What no?" Bahagya naman itong natigilan nang marinig ang ninabi niya. Bahagya itong huminto sa paglalakad. Karga pa rin siya nito na parang bata at bahagyang nakahilig siya sa malapad nitong dibdib.

"Mas mamamatay yata ako d'yan kaysa sa sakit ko," nag-aalalangang tugon niya.

"Shhh.. It's just a couple of minutes," sabi naman nitong nagpatuloy sa paglalakad.

Halos hindi siya humihinga habang pataas ang sinasakyang helicopter, nakasakay na siya ng maraming beses sa eroplano pero ito ang unang bases niyang sumakay sa ganito kaliit na sasakyan. Siya, si Raj at ang piloto lamang ang sakay nito. Nakapikit siya buong biyahe, nakasubsob din siya sa dibdib ng binata. Mabuti na lamang at palagi itong mabango. Kung hindi ay kanina pa siya nagsuka. Pakiramdam niya ay inu-ugoy siya dahil ramdam niya ang bawat kaldag ng dala ng malakas na hangin sa taas.

Pagkalapag nila ay tulad kanina, pinangko siyang muli ng binata at dinala sa sasakyang naghihintay sa kanila. Ilang tauhan ba ang mayroon ito at kahit saang sulok yata ng mundo sila pumunta ay mayroong naka-abang sa kanila?

Sa tagal ng biyahe nila dahil sa traffic ay nakatulog na siya s biyahe. Nagisig siyang sinasaksakan na siya ng kung anong gamot sa kaniyang braso.

"R-raj?" Maliksing hinagilap ng kaniyang paningin ang binata subalit wala na ito.

"N-nurse, nasaan na 'yung kasama ko?" tanong niya rito.

"Umalis na ho ma'am, bilin lang niya ay magpagaling kayo," Nakangiting tugon nito.

"Ma'am, babalik ho ako mamayang alas-kuwatro para i-chek kayo, magpahinga po muna kayo para mabilis ang pag galing n'yo," sabi nito habang inaayos ang mga gamit sa dala nitong tray.

"Pindutin n'yo lamang po iyang button malapit sa inyong ulunan kapag may kailangan kayo," anito bago tuluyang lumabas ng silid.

Wala sa sariling tumango lamang siya. Ito ang unang beses niyang makakita ng ibang tao mula nang dukutin siya at dalhin sa isla.

Napaluha siya nang maalala ang mga pangyayaring iyon sa kaniyang buhay, parang kailan lang.

Pero bakit hindi man lamang siya nakikilala ng mga tao? Hindi ba dapat ay naka balandra na rin sa mga diyaryo at telebisyon ang mukha niya bilang 'missing' person? O hindi kaya ay nakalimutan na ng mga ito ang dahil sa kaniya dahil matagal na panahon na rin naman mula nang mawala siya?

Pero kahit na nakalabas na siya sa isla hindi ibig sabihin noon ay malaya na siya, nariyan si Raj, ang 'nagmamay-ari' sa kaniya. Oo nga pala.

Nakatulog siya dahil na rin siguro sa mga gamot na binigay sa kaniya. Alas nueve na ng gabi nang magmulat siya ng mga mata. Napakatahimik ng paligid, tanging ang tik-tak lamang ng orasan sa dingding ang naririnig niya at ang manaka nakang yabag ng mga nagdaraan sa labas ng kaniyang pribadong silid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top