Chapter 24

Habang tumatagal ay nasasanay na ang dalaga sa buhay sa Isla. Tila normal na sa kaniya ang makakita ng mga kakaibang pangyayari sa paligid. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga pinag-gagawa ng grupo ni Raj. Halos makilala na rin niya ang lahat ng kasamahan nito dahil sa mga naririnig niyang usap-usapan sa paligid. Malaya rin naman kasi siyang maglalabas sa lungga ni Raj kaya bukas rin siya sa mga nangyayari sa paligid.

Nalaman din niya na hindi sila ang huling babaeng dinala sa casa. Halos kada linggo ay iba't- ibang babae ang dinadala rito. At hindi iyon sapilitan! Karamihan sa kanila ay boluntaryong sumasama sa isla! Pakiramadam niya ay siya lamang ang dinala sa lugar na ito nang hindi bukal sa kaniyang kalooban. At take note, siya pa lamang ang pinaka matagal na nanatili sa isla nang walang nangyayari na labag sa kalooban niya. In other words, siya ang pinaka maswerte.

Mabilis na lumipas ang mga araw, halos anim na buwan na mula nang dalhin siya sa islang ito. Datnan-iwanan lang siya ni Raj. Alam niyang busy ito sa buhay, nagtataka lamang siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong ginagawa sa kaniya. Hindi naman siya inosente, hindi ito magsasayang ng malaking pera sa pagbili sa kaniya kung wala itong balak na iba. Ikukulong lang ba siya nito sa isla?

Naputol ang pagmuni muni niya nang lapitan siya ni Mang Tonyo.

"Ma'am, nagpaalam na ako kay Sir Raj," simula nito.

Napakunot naman ang noo niyang humarap dito.

"Aalis ka Mang Tonyo?" Tanong niya.

"Baka isang linggo lang ma'am," anito.

"May aasikasuhin lang ako sa kabayanan," dagdag pa nito.

Tumango tango lamang siya. Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Naiinggit siya rito dahil kahit paano ay nakakalabas ito sa isla. Alam niyang hindi basta basta ang maka-alis sa lugar na ito nang buhay. Siguro ang gaanoon talaga kalaki ang tiwala dito ni Raj dahil pinayagan itong makalabas at makabalik sa isla.

"Mag-ingat kayo rito ma'am, siguro huwag muna kayong lalabas habang wala si Sir Raj," paalala nito sa kaniya. Medyo nangingiti ito dahil alam na niya ang ibig nitong sabihin, 'mag-ingat sa tigre'."

"Oho, sagot niyang natatawa rin," iyon talaga ang karanasan niyang hindi malilimutan sa tanang buhay niya.

"Pabalik na si Sir mamayang gabi, sasabay lang ako sa chopper na susundo sa kaniya," pagbibigay-alam nito sa kaniya.

"Sige Mang Tonyo, mag-iingat ho kayo," sabi na lamang niya.

Pagkatapos nito sa mga gawain nito ay nagpaalam na ito sa kaniya. Hindi na rin iba ang turing nito sa kaniya kaya magaan din ang loob niya rito. Kahit papano ay nalungkot siya sa pag-alis ni Mang Tonyo dahil ito lamang ang tanging kausap niya sa araw-araw. Nakuwento na nga yata niya rito ang buong buhay niya. Matiyaga itong nakikinig sa mga emote niya kapag sinumpong siya ng kalungkutan. Pero masaya naman siya dahil makakalabas na rin ito sa islang naging kulungan na rin nito ng mahabang mga taon.

Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Hindi man niya aminin ay hinihintay niya ang pagdating ni Raj. Para bang nagiging excited na rin siya sa bawat pagbabalik nito sa isla.

Mag-a alas Dos na ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin siya pero maya maya ay kinukuha na rin ng antok ang diwa niya. Papunta na siya sa mamalim na tulog nang malakas na kalabog sa labas ang gumulat sa kaniya. Sa elevator iyon, tila ba may tumama na kung ano sa saradong pinto nito. Hindi kaya natumba ang halamang inilagay niya sa malapit sa pinto?

Nawala ang antok niya, mabilis na tumayo at pinuntahan ito. Hindi na niya alintana ang kaniyang suot dahil wala naman siyang kasama.

Binuksan niya ang pinto at muntik na siyang mawalan ng balanse nang sumalubong sa kaniya ang mabigat na katawan ni Raj. Sa amoy nito ay halatang nakainom ito.

"Y-you're drunk!" aniyang pinilit itong itayo.

Hirap na hirap niyang inakay ito sa couch at doon pabagsak na pina-upo. Muntik pa nga siyang matumba sa ibabaw nito mabuti na lamang nabalanse niya ang sarili. Nanatili siyang nakatayo habang pinagmamasdan ito at iniisip kung ano ang unang gagawin. Wala siyang alam sa pag-aalaga sa lasing pero naalala naman niyang pinupunasan nga pala siya ni Jam noon ng warm water kapag napapasobra ang inom niya, para raw mahimasamasan siya.

Mabilis niyang tinungo ang kusina at kumuha ng gagamitin.

"Hey! Miss Xianna," anito na halos mabulol na sa kalasingan.

"Stay there!" Tugon naman niyang minadali ang paglalagay ng tubig sa maliit na palanggana. Ewan niya pero mas nag-aalala siya kaysa mainis. Naiinis siya. Oo, pero sa para sa sarili. At nag-aalala talaga siya kay Raj.

Hindi na bago na umuwi ito nang lasing pero ngayon lang ito nalasing nang ganoon.

Pagbalik sa sala ay natigilan siya nang makitang hubad na ang pang-itaas nito. Tanging pantalon na lamang ang suot nito. Nakita niya sa lapag ang punit nitong polo at mga bitones na hindi niya alam kung saan pupulutin. Pero hindi iyon ang nagpakaba sa kaniya kung hindi ang malapad nitong dibdib na para bang kaysarap haplusin. Nakapikit ito pero alam niyang gising pa ang diwa nito.

"H-hey," tawag niya rito.

"Hmmm," sagot naman nitong nakapikit pa rin.

Nang masigurong wala itong balak dumilat ay kinuha niya ang basang bimpo at marahang idinampi sa noo nito na halos mabasa na sa pawis kahit malamig ang airconditioned sa loob.d

"Ano ba kasing ininom nito?" Bulong niya sa sarili habang palipat lipat ng dampi sa mukha nito ang ginagawa niya.

Mamaya pa ay isinunod naman niya ang leeg nito. Nakapikit pa rin ito kaya kahit kabado sa ginagawa ay medyo napagbubuti pa rin niya, ewan na lang siguro kung nakadilat pa ito, baka natunaw na siyang parang yelo. Wala pa namang pakundangan kung makatitig ito, parang may gayuma. Napa-iling siya, kung ano-ano na naman ang pumapasokm sa kukote niya.

"Xianna..."

Nagulat siya at biglang bumaling sa mukha ng binata. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang naka pikit pa rin ito.

Bumaling siya sa may paanan nito at inalis ang suot na sapatos. Medyo pahiga ang pagkaka-upo nito dahil malapad naman ang sofa pero sa tingin niya ay magkaka-stiff neck ito kung doon matutulog. Hindi naman niya maatim na makitang mamaluktot ito sa sofa.

"Raj.." Tawag niya rito at bahagyang tinapik ang mukha.

"Uhmm.." Dumilat lang ito saglit pero pumikit din.

"Come on, lumipat ka na sa kuwarto bago ka pa makatulog," sabi niyang hinawakan ito sa braso at pinilit itayo.

"Sure, thanks!" Anito saka ngumisi.

Napa-ismid siya, may gana pang mang-alaska sa ganitong kalagayan! Aniya sa isip-isip.

Tila nahimasmasan naman na ito nang kaunti, hindi na siya gaanong nahirapan na ilipat ito sa kuwarto.

"Take my pants off." Anito.

"Huh!?" Nagulat siya.

" I can't sleep with pants on," walang ano mang sabi nito.

Malakas ang kabog ng dibdib niya. Ano ba 'tong napasok niya? Ni si Mark nga na boyfriend niya ay hindi niya nasubukang tanggalan ng pantalon.

"Mr.Shah! Sumusobra ka na!" Hindi niya alam kung saan nahagilap ang boses nang sabihin iyon dahil kanina pa siya napapalunok para alisin ang bara sa lalamunan niya.

"Do it!" Utos nito.

Nakita niyang hindi nga ito mapakali sa suot. 'Well, wala namang mawawala kung huhubaran niya ang lasinggerong kumag na 'to. Kawawa naman, baka bangungutin, aniya sa isip.

Marahan niyang binuksan ang bitones ng pantalon nito pero nakabaling ang mukha niya sa ibang direksyon na tila ba takot na takot na makita kung ano man ang nandoon.

"Shht," Mahinang napapamura siya sa sarili.

Kinakapa niya ang zipper nito pero sa malas ay puro bitones pala ang naroon.

"Haype talaga, kung minamalas ka nga naman!" Muling sabi sa sarili.

Sa wakas ay nabuksan rin niya ang huling bitones nang hindi pa rin naka tingin.

Marahang kinapa ang beywang nito at dahandahang ibinaba ang pantalon. At dahil mahaba ang mga biyas nito ay humakbang pa siya para alisin iyon sa mga paa nito. Halos manginig siya sa nerbyos, pinagpapawisan na rin siya. Normal lang naman sana ang mga ganitong pag-aalaga sa naka-inom kung ibang tao lang, pero si Raj ito! Madumi na kung madumi ang isip niya pero iba talaga ang nagpapapasok sa isip niya tuwing pinaparada nito ang hubad na katawan.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita niya itong naka hubad ng pang itaas, pero iyong siya mismo ang maghubad sa pantalon nito kahit pa sabihing lasing ito ay kakaiba talaga.
"Hey, why did you-"
"Aaaaah!" Malakas na tili niya nang lingunin ito saka nagtatakbo sa kuwarto nya. Nabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib. Mabilis na isinara ang pinto at sumandal doon.
"P-paanong-?" Itinaas niya ang hawak na pantalon sa kaliwang kamay, hindi na niya iyon nabitiwan sa sobrang taranta at pagmamadali.
Nasa loob ng pantalon ang cotton boxer brief na suot ni Raj! Ibig sabihin hinubaran talaga niya ito!
Para siyang nauupos na kandilang napaupo. Sobrang kahihiyan talaga ang nangyari sa kaniya ngayong gabi!
Napapikit siya nang maalala ang nakita, ang hinaharap ni Raj na unti-unting nabubuhay! Napalunok siya at napapikit ng mariin. Hindi siya inosente, marami na rin siyang napanood na mga ganoon pero iba pala ang epekto kapag nakita sa personal.

Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang may kumatok sa pinto. Hindi pa man nakabawi ay heto na naman ang panibago!
Hindi niya alam kung hahayaan lamang ito o pagbubuksan. Hindi niya alam kung dala ng katarantahan ay pinili pa rin niyang pagbuksan ito.
"Raj!" Muling nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nakatayo sa pinto at walang ano mang saplot!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top