chapter 22

"At last!" Hindi mapigilang bulalas niya nang lumapag ang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi niya akalaing matatagalan siya roon ng halos isang buwan. Halos makalimutan na niya ang mga naiwan niya rito sa dami ng problemang hinarap niyang sa India.

Gusto pa sana niyang dumaan sa condo niya pero naghihintay na ang helicopter na maghahatid sa kaniya sa Isla kaya dideretso na lang siya at sa ibang araw na lang babalik dito.

"Maam," tawag ni Tonyo sa kaniya habang dinidiligan ang mga bagong tanim na halamang namumulaklak.

"Okay na ako, hayaan mo na akong gumawa nito at nababato na talaga ako sa lugar na ito," sagot ni Xianna na hindi man lang nilingon si Tonyo.

"Pabalik na po si Sir," maya maya ay patuloy nito.

Nabitiwan n'ya ang hose ng tubig pero agad ding pinulot iyon, hindi niya ipinahalata ang pagkataranta sa kausap.

"Oh, eh ano naman ngayon? Hindi naman ako tumakas 'di ba? Buhay pa naman ako sa awa ng tigreng 'yon," aniyang tinutukoy ang tigreng humabol sa kaniya noong una.

"Teka, sinabi mo ba d'yan sa Sir mo ang tungkol don?" Medyo alanganing tanong niya, sa wakas ay nilingon niya ang kausap na busy naman ngayon sa paglalagay ng bagong lupa sa mga pananim. Na ewan niya kung bakit kailangan pa ang mga 'yon eh kahit hindi naman humithit ng marihuana ang mga 'yon eh akala mo laging naka high sa lakas ng mga trip.

Nitong huli ay nakakapunta na siya sa gym sa Isla, hindi naman ito kalayuan sa building nila kaya lagi siya roon. Minsan naririnig nya ang mga tao roon na nag-uusap tungkol sa mga boss. Na-curious din siya kaya minsan nakikipag-usap rin. At ayun nga, maswerte raw siya dahil matagal na siya sa Isla pero wala pang nakahawak sa kaniya. Iyon nga raw ang power mo kapag hawak ka o nagustuhan ka ng isa sa mga boss. Na-iintriga na tuloy siya kung ano'ng klaseng mga 'boss' ba ang sinasabi nila? Boss sa casa? Isa rin ba si Raj sa may-ari ng casa? Ang alam lang niya ay si 'pogi' ang may-ari ng casa dahil ito ang nakita niya noong kararating nila sa Isla. Speaking of kararating, wala na siyang balita sa mga kasama niyang dinala rito. Hindi kaya tulad ng sinasabi ng iba ay patay na ang mga ito? O tuluyan nang nagtrabaho sa casa?

"Dios ko! Sana hindi naman ako humantong sa ganon," hindi mapigilang bulong niya nang maalala ang mga kasama.

"Humantong sa alin po ma'am?" Takang tanong ni Tonyo. Napalakas pala ang pagkakasabi niya.

"H-ha eh wala," aniyang tumalikod muli at inabala ang sarili sa ginagawa.

Halos mapuno na ang floor nila sa mga pananim niyang halamang namumulaklak. Sariling desisyon lamang niya iyon, hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Raj. Pero wala siyang paki-alam, wala siyang magawa sa araw-araw, kaysa naman mabaliw siya eh makialam na lang paghahalaman. Hilig rin kasi niya ito, sa apartment niya ay marami rin siyang mga indoor plants.

Natigilan siya sa pagkaka-alala sa apartment. Oo nga pala, ilang buwan na siyang nawawala, at alam niyang kahit pa anong gawin ng mga pulis ay hinding hindi siya mahahanap ng mga ito. O baka nga wala na ring naghahanap sa kaniya?

Huminga siya ng malalim, ito na ang bago niyang buhay, walang kasiguruhan, parang wala ring patutunguhan. Nakadepende sa ibang tao ang buhay niya. Wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon.

Tanaw na ni Raj ang buong Isla, tila batang hindi maitago ang excitement sa mukha. Wala siyang pakialam kahit pa nakikita niyang patingin tingin sa kaniya ang piloto. Hindi pa niya alam pero kakaiba ang saya niya ngayon. He missed the Island, ang katahimikan at kapayapaan ng kalooban niya kapag narito. Pero sa isang bahagi ng isip niya ay hindi ito ang dahilan ng kakaibang saya niya ngayo. Yes, kailangan niyang aminin na namimiss niya ang babae sa unit niya.

"Welcome back Sir!" Sumaludo pa ang isa sa mga security ng Isla na sumalubong sa kaniya pagkalapag ng helicopter.

"Thanks! How's everything?" Aniya kahit halos hindi sila magkarinigan nito.

"Good Sir! Enjoy your stay!" Anito bago tuluyang sumara ang elevator. Nasa roof top kasi ang helipad.

Pagdating sa kaniyang unit ay naiiting siya sa nakita, akala mo hanging garden na ang lungga niya.

"Maligayang pagbabalik Sir Raj!" Si Tonyo.

"Oh, kumusta?" Maluwag ang ngiti niyang tanong dito at hinagis ang hinubad na leather jacket na agad naman nitong sinalo.

"Mabuti naman Sir, heto medyo sinipag at-" aniyang habang iginagala ang mata sa mga tanim na bulaklak ni Xianna.

"I know, it's okay," natatawa naman niyang tugon.

Alam naman niyang hindi si Tonyo ang may gawa nito.

"Where is she?" Hindi maitago ang kakaibang saya sa tono niya.

"Nasa kuwarto po," nangingiting tugon ni Tonyo. Ngayon lamang niya nakita ang kakaibang liwanag sa mukha ng amo sa ilang taong pagsisilbi niya rito.

"Alright," aniyang tinapik ang katiwala sa balikat bago tuluyang tumalikod. Dumiretso siya sa kuwarto niya pero ang tingin ay nakapako sa saradong pinto ng kuwarto na ipinagamit niya kat Miss two million.

Medyo nilakasan pa niya ang pagsara sa pinto para ipaalam dito na dumating na siya. Bakit parang hindi niya mahagilap sa katawan niya ang pagiging 'boss' sa pagkakataong ito? Sino ba ang babaeng ito para magkaganoon siya?

Huminga siya ng malalim at pabagsak na umupo sa couch. Maganda ang panahon, malakas ang hangin kaya halos mamuti ang karagatan sa bula ng maliliit na along bumibitak sa bawat hampas ng hangin dito.

Narinig ng dalaga ang pagdating ni Raj. Hindi siya nag-abalang magpakita rito. Para ano? Kahit pa sabihing pag-aari siya nito ay hindi niya kailangang salubungin o i-please ito. Susunod siya sa mga utos nito tulad ng sinabi nito noon pero hindi siya magkukusang gawin ang mga bagay na labag sa kaniyang kalooban.

Lumabas siya ng kuwarto nang maramdamang nakapasok na ito sa srili nitong silid. Kahit na alam niyang nakikita siya nito sa camera ay patingkayad pa rin siyang naglakad patungo sa kusina. Nagsasalin siya ng tubig na baso nang biglang may tumikhim sa likuran niya.

"Uhmm!"

"Ay kabayo!" Aniyang muntik nang mabitawan ang hawak na baso at pitsel sa magkabilang kamay.

"What the-?" Sabi niyang biglang humarap dito. Gusto niyang mapatunganga, Raj is there standing and staring at her with perfect smile na ngayon lang yata niya nakita mula nang makilala ito.

Mabilis siyang nakabawi at kumunot ang noo. "Ugali mo ba talaga ang mang-gulat?"

"Nope, sadyang magugulatin ka lang talaga," anitong naglakad palapit sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin nang halos magdikit na ang mga katawan nila. Ano ba'ng ginagawa ng lalaking ito? Aniya sa isip.

Nakahinga siya ng maluwag nang bahagya itong lumayo tangan ang baso sa isang kamay.

"Are you done?" Tanong nito na nakatingin sa pitsel na hawak pa rin pala niya.

"Y-yes..." Sagot niyang inabot iyon sa binata.

Halos hindi niya marinig ang sinasabi nito sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagkakagulat niya o dahil sa pagkakalapit niya sa binata.

Mabilis siyang bumalik sa kuwarto niya nang makahanap ng pagkakataong humakbang palayo rito. Sa laki kasi ng bulto nito ay halos maharangan na nito ang daanan palabas ng kusina.

Nang mailapag ang tubig ay sumilip siya sa pinto, tama namang pabalik na rin ito sa kuwarto. Tumaas ang dalawang kilay nito na tila naghihintay ng sasabihin niya.

"H-ha? Eh...kapag may kailangan ka o may ipapagawa ka, tawagain mo lang ako, MASTER!" Aniyang ipinagdiinan ang salitang master. Hindi nga ba't ito ang sabi niya? Pag-aari siya nito at ito ang master niya.

Nakita niyang gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"Sure! My pleasure!" Tugon nito saka kumindat sa kaniya.

"No! It's not what you think-!" Habol niya pero isinara na nito ang pinto.

"Hindi gano'n, sshh! Napakarumi ng isip!" Aniyang kausap na lamang ang sarili. Malakas ang ginawa niyang pagsara sa pinto. Alam niyang maririrnig iyon ni Raj sa kabilang kuwarto.

Nakasimangot siyang umupo sa gilid ng kama. Hindi siya mapakali, baka ang isipin ng mokong na 'yun inaalok niya pati sarili niya! Tumayo siya at pinulot ang librong nakita niya sa mga gamit ni Raj. Pati ito ay pinakialaman na rin niya. Binuklat niya at sinimulang basahin.

Napapitlag siya nang marinig ang malalakas na katok mula sa pinto. Hindi niya namalayan ang oras, halos balot na ng dilim ang paligid nang lumingon siya sa bintana.

Bumalik ang atensyon niya sa pinto nang marinig muli ang malakas na katok mula sa labas. Kinabahan siya, ito na nga ba ang sinasabi niya.

Gano'n pa man, mabilis pa rin niyang binuksan ang pinto. Literal siyang napanganga nang mapagbuksan ang ang nakabalandrang half naked na katawan ni Raj. Tumaas ang paningin niya sa mukha nito at nakita na naman ang ngising nakakaloko. Mabilis niyang kuwari ay inayos ang gusot na damit at muling nagtaas ng tingin nang makabawi.

"Yes, Master?" May diin muli ang huling salita.

"I need you-"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top