Chapter 9

Chapter 9

I was quiet along the ride. I never look at his way again and he never talked, but we only listen to the song he played on the stereo and it keeps us accompanied until we finally reached our destination. Nakapanghihina. Kung pwede lang lumabas ng sasakyan at iwanan siya, I would do that kaso delikado at baka mapahamak pa ako.

Hindi ko alam kung anong intensyon niya kung bakit kailangan niya rin akong ihatid sa bahay. Bakit sa tuwing umuulan sumesentro ang ganitong sitwasyon? Wala namang problema pero I thought that would be the last time. Hindi ko naman inaasahan na magiging parte—for thinking about that gross me out. Bahala na kung anong mangyari.

But I wouldn't let him do bad things. Magkamatayan na kapag nagkataon.

Pagkarating namin sa bahay, good thing ay tumigil na ang pagbuhos ng ulan. Kabang-kaba pa ako nang makarating kaning dalawa. But, I thought he'll left as soon as he dropped me off pero ang lakas nang pakiramdam ko na mag-stay pa siya rito. Hindi ko sure, baka guni-guni ko lang din 'yon.

As soon as he unlocked the car, I was ready to unleash myself and never let myself see him again. But, I didn't do that. I stayed and wait for his signal.

"Bababa na ba tayo?" tanong ko.

He smiled and nodded. "Yes, we are—" And he wasn't able to finish his words when he was cut by a phone call. "One second—uhm... I think you should go first. I have to answer this for a quick moment. Is that okay?"

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige, I'll wait you inside."

And when I was about turn around, pahapyawan kong sinilip ang screen ng phone niya kung sino 'yong tumatawag. It was his girlfriend and I don't wanna be so nosy so I hopped out of his car and headed inside the house.

Sinalubong naman ako ng kapatid ko pagkapasok sa loob ng bahay. Hindi ko naman siya pinansin at nanatili akong nakatayo sa pintuan.

He pulled the hem of my shirt so my attention shifted back to him.

"Ate, anong meron?" takang tanong si Silford.

Umiling naman ako. "Wala naman..."

At dahil panay ang tingin ko sa labas, sinilip niya rin ang direksyon kung saan ako nakatingin. Agad din naman niyang binalik sa akin ang tingin nang ma-realize niya kung anong meron. 8 years old pa lamang siya pero mukhang lalaking chismoso 'tong kapatid ko.

"Uy ate, 'di ba, 'yan 'yong sasakyan na naghatid sa 'yo no'n?" tanong nito sa akin.

"Ha? Ano? Hindi," sagot ko. Obvious naman na hindi ako mapakali.

"O baka iba na 'yan?" Naging palaisipan din sa kanya 'yong tinanong niya sa akin. "Baka nga iba 'yan. Magkaiba ng kulay, e. O, hindi ko lang sure kasi madilim na no'n."

"Ang dami mong alam, Silford, pumaosk ka na nga ro'n!" utos ko sa kanya.

Kumusot naman ang mukha nito. "Saan ba ako pupunta, ate? Nasa loob naman ako ng bahay?"

I grunted and rolled my eyes. "Ewan ko sa 'yo! Do'n ka na. 'Wag ka magulo." Pagtataboy ko pa sa kanya pero kahit anong gawin kong pagtulak sa kanya palayo ay namimilit pa rin siya kaya in the end, wala akong nagawa kung hindi hayaan siyang makichismis sa tabi ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas nang lumabas na si Bennett sa sasakyan. As he can see from where I'm standing, sinunod lamang niya ang direksyon na tinahak ko kanina at ilang pulgada na lamang ang layo niya hangga't sa tuluyang tumapak sa tapat ng pinto namin. I tried to ignore Silford kasi pansin ko naman na titig na titig din ito kay Bennett. I'm not looking at Bennett—hindi talaga.

"So... this is your home," komento niya at bahagyang sinilip ang loob.

"Yes?" Halos patanong kong sagot. "Okay... may kailangan ka pa ba? O gusto mo uminom ng tubig? Mag-CR? Baka umulan na naman ng malakas mamaya, umuwi ka na."

"No, I'm fine," tipid nitong sagot sa akin. Hindi ko sigurado kung alin sa tanong ko ang sinasagot niya. "Cirsoia just called."

"Are you leaving na?" tanong ko, but on the other side, I'm hoping n asana umalis na siya before pa siya makita ni mama.

Pero iling ang ibinato niyang sagot sa akin. "No, she's just checking on me. But I still have some time, just like what I've said earlier, I wanted to talk with and that's if you're interested."

"Ah..." Wala akong maisagot. Gusto kong isarado na lang ang pinto sa harapan niya para wala na siyang magawa kung hindi ang umuwi na lang.

"Isel," pagbanggit pa lamang ni mama sa pangalan ko, alam ko nang nasa maling kinalalagyan na ako. Tumungo si mama sa direksyon kung nasaan kaming tatlo ngayon. Tumutok ang mata niya sa taong nag-aabang sa labas ng bahay. Lumapad ang kurba sa labi ni mama nang makita ang lalaki. Bukod kasi sa artistahing porma at hitsura nito, hindi talag siya makikitaang may masamang intensyon. But, who knows if meron naman pala talaga. "May bisita ka pala, Isel. Kaklase mo ba?"

"Jowa ni ate," mabilis na sagot ni Silford. Sasabunutan ko sana ang kapatid ko pero dahil nandiyan si mama ay nagtimpi na lamang ako. Humahagikgik naman si Siford kasi alam niyang maiinis ako sa ginawa niya.

"Boyfriend? Tama ba, Isel?" tanong ni mama.

Agad naman akong umiling para depensahan ko ang sarili ko. "Baliw 'tong unggoy na 'to. Hindi ko siya boyfriend."

"Pero hinatid ka niya ng sasakyan niya," panunudyo pa ng kapatid. Hindi ako nakapagtimpi at binatukan ko siya. Sinaway naman ako ni mama pero hindi pinagalitan dahil natuon ang atensyon niya kay Bennett.

"Ah, salamat naman sa paghatid kay Isel," aniya.

"Ma!" usal ko. Taka naman niya akong nilingon. "Magkaibigan ba kayong dalawa? Schoolmate?"

"Hindi po," si Bennett na ang sumagot. "Maybe friends, that could be it by now, right Criselda?"

Nang banggitin niya ang buong first name, Silford could almost laugh at it at nang hahablutin ko sana ang buhok niya para sabunutan ay mabilis siyang nakatakbo palayo sa akin. I hated the fact that he calls me by that name. Wala namang problema, it's just that... I'm not comfortable with it.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni mama.

"Siya kumain na." Pagturo ko kay Bennett.

"O, e 'di, kain ka ulit. Nagluto pa naman ako ng kare-kare. Favorite mo 'yon, 'di ba, Isel?" tanong ni mama pero hindi ako nagbigay ng response.

"Nice," komento ni Bennett. "Would it be possible to have a taste of it?"

"Aba, siyempre naman! Isel, papasukin mo na 'yang bisita mo—teka, ano nga palang pangalan mo? Ako pala si Editha Sabangan, mother ni Isel."

"Nice to meet you po," Nagkamay pa silang dalawa. Pinapanood ko lamang silang dalawa sa harapan ko and I feel like this night would be the most miserable night ever. "I'm Bennington, but most people like to call me Bennett for short."

"Ang gwapo mo talaga, Bennett. Artistahin. Bagay kayo ni Isel."

"Ma, hindi pwede!" Suway ko, halos mangitngit na ang ngipin ko sa pagpipigil. Napansin ko naman ang ngisi ni Bennett at parang wala siyang pakialam kung iyon man ang sabihin ni mama o kaya naman ng ibang tao sa kanya. What's with this guy? May girlfriend siya... tapos nakukuha niyang lumandi on the sideline?

Gosh! But what would happen if Cinema knows about this?

Mom took us to the dining area where Silford already settled in. Alagang-alaga naman ni mama si Bennett na para bang soon-to-be-manugang niya. Napaiiling na lang ako sa tuwing mapapansin ko si Bennett na nakangiti.

I'm not sure kung anong tumatakbo sa isipan niya, but if he's making fun of me and my family and how we live, makatitikim talaga ito sa akin.

"Ma, wala akong gana kumain... pwedeng mamaya na lang?"

"Hindi, kumain ka kahit kaunti lang. Ikaw pa naman nag-request na iluto ko 'tong kare-kare kaya umayos ka, Isel. May bisita tayo."

Napahugot na lamang ako ng malalim na buntonghininga at nagsimula na akong magsandok ng pagkain sa plato ko. As I started eating, I watched my mom and Silford on how they act in front of this stranger. They just knew his name and other than that none. Hindi ko rin naman totally kilala ang lalaking 'to, if Serron or Dolly is around, they could share some information, but here I am... trying to compose myself as calm as possible.

As Bennett started eating my favorite dish, nagningning ang mata nito nang matikman ang sabaw. His face lightened up and I don't know what that means for me, but I guess he likes it.

"Wow," he commented. Itinaas niya ang tingin niya patungo kay mama. "This is great. I've never had this before—really and this is crazy sumptuous."

"Buti naman at nagustuhan mo," sagot ni mama at pansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya. "Mabuti naman at naisipan mong pumunta rito. At mabuti na lang din ay naisipan ni Isel na mag-imbita... wala pa siyang dinadala ritong lalaki no'n bukod sa mga kaklase niya—"

"Ma!" Pagpigil ko sa kanya sabay kusot ng mukha ko. "Kain na lang tayo. Mamaya na chika."

"It's alright, that's fine," Bennett said. Nilingon ko siya nang walang expression ang mukha ko. Hindi ikaw ang kausap ko, sabat nang sabat. "And I'm here for something so I actually wanted to talk with Criselda and you."

I slowly nodded my head. "If that's the case... ano naman 'yon?"

"I have an upcoming national pageant and I only have two subjects this semester and I want you to be there for me."

"Be there for you... for what?"

"To tutor me. At everything. I know you're a dean lister and are up for a Latin Honor and you would be a great candidate to help me on this last semester of mine. I wouldn't like to fail this."

"So... pagsasabayin mo ang pageant at ang pag-aaral mo?"

"Yup."

"You only have two subjects, mukhang kaya mo naman pagsabayin 'yon."

"I can, absolutely, but I still need some guidance and maybe you can also help me to my upcoming pageant. That would be nice, right?"

"I'm not sure..." komento ko. Bumaba ang tingin ko at tumama ang paningin ko sa plato at pinaglaruan ko ng tinidor ang buto ng karne sa pinggan ko. "You can have someone. We're not even in the same university. You can juggle that two stuff. For sure, hindi naman mahirap 'yon."

"Yeah, probably, I just thought it would be good if I had your help."

"And what about Cinema?"

"She's busy," he said. "She's on her crucial semester and she'll have her internship next semester as well."

"This semester is also crucial for me. I don't think I can accept what you're proposing. It's too much for me when you can even handle it for yourself."

"Well... you can leave your part-time job in that fast food restaurant and take my offer. I can pay your assistance to help me and all. If that's what you want. You don't have to take overtime and rush to get to your home. I have a place, I stayed in a condo just around the city as well."

"Mukhang maganda 'yan, Isel," ani mama.

Napakibit-balikat naman ako at iling. "Hindi ko alam..."

"'Di ba, may balak kang mag-intern abroad? Baka makatulong din si Bennett sa 'yo."

"Hindi ko po alam ma, basta..." Pagputol ko sa diskusyon at hindi na iyon nadugtungan pa.

After the dinner, mukhang wala na rin namang ibang intensyon si Bennett at umalis na rin siya. Nang mapag-isa naman ako sa sala ay dinaluhan naman ako ni mama.

"Bakit parang ang sama ng timpla mo pagdating kay Bennett? Magkaaway ba kayo?"

Umiling naman ako. "Hindi ko alam, ma. At saka... may girlfriend na 'yon, kaya nahihiya ako kanina."

"Ah, gano'n ba, pasensya na... hindi ko naman alam. Nagwapuhan lang talaga ako sa kanya. Akala ko nagdala ka na ng artista rito sa atin." Tawa pa ni mama, natawa rin namana ko. "Pero anong masasabi mo ro'n sa inaalok niyang tutor o kung ano man 'yon. Gusto na rin kitang umalis sa part-time mo, baka mas malaki pa ang ktain mo kay Bennett kung gano'n, 'di ba?"

Napakibit-balikat ako. "Hindi ko alam, ma. Wala siya sa isip ko. Saka... kahit mag-intern naman ako sa ibang bansa, pwede naman akong humingi ng tulong kay Ate Kiersten sa Mercondia Foundation. Sige na ma, sa kwarto muna ako..."

Nagmadali naman akong pumanik sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatitig lamang ako sa kisama habang nakalapad ang buo kong braso at hita sa kama.

I'm not really sure why would Bennett do that. If it's good or bad, I literally have no idea what's going on there. So, I grabbed my phone and scroll through my blocked numbers. I unblock his number and swiftly sent him a message.

To: Bennett

Please stop looking for me. Stop talking to me. I don't want your offer. But thanks for the ride, but this should be the last one and never again.

And a few minutes later, he responded.

Cool, no worries, I understand.

And a few minutes, it was followed by another message from him.

Thanks for unblocking me. ;)

***

Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!

#RainySeasonInManilaChapter9 #RSIMChapter9 #WT5

Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top