Chapter 6
Chapter 6
I kept fidgeting with the toy car for the past few minutes. It was the toy car that Bennett gave to me—actually for my little brother then I thought of intending to keep it so it's mine now.
I took it with me kasi no'ng weekend, naabutan ko 'yong kapatid ko na pinaglalaruan 'yon. He thought it was for him, technically speaking yes, but because that toy car came from someone whom I just met, I just couldn't give it to my brother and now it has a different meaning for me. It's kind of weird, pero siya naman 'tong gumastos so I can keep it for free.
And I haven't unblocked his number, nor I ever will. Nagdadalawang-isip ako pero sa isip-isip ko, I don't think it's necessary to have him engage in communication again since hindi naman relevant ang mga nangyari. He was just offering something too good to be true to me and I think that's a cap. In short, kalokohan.
"Criselda, are you okay?" tanong ni Archie sa akin. Kinalabit niya pa ako para makuha ang atensyon ko. Inihilig ko ang ulo ko sa kanya at bahagya ko siyang nginitian. "You seems lost."
I scrunched my face and shook my head. "I'm not lost, Archie. Nandito lang ako, hello?"
Binawi ko ang kamay ko mula sa loob ng bag ko kung saan pinaglalaruan ko ang laruang sasakyan. Umayos naman ako ng pagkauupo ko.
"No, that's not what I'm saying," Archie reasoned.
Naramdaman ko naman ang paniniko ni Serron sa akin. Tiningnan ko naman siya.
"Lutang again," komento niya. Naningkit na lamang ang mata ko sa sinabi niya. "Anyway, kung ano man 'yang iniisip mo ngayon we can talk that about later, but as we were discussing, mukhang makapag-de-decide na tayo for the topic of our research."
Pinakita naman nila sa akin 'yong papel at nang basahin ko iyon ay ang suggestion ni Archie ang napagkasunduan nila. Nag-agree na rin naman ako dahil mukhang go na rin sila sa magiging topic at hindi na naman ako aangal kung komportable na silang lahat do'n.
I'm only listening to their discussion and I'm only putting my suggestions when they asked. Katabi ko lang si Archie and he's quite vocal sa suggestion niya kaya hinahayaan ko na lang din siya magsalita. Tinititigan ko rin siya. Siguro wala namang masama ro'n. May pagkasingkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, may perfect white teeth—mukhang alagang-alaga, at ang nice ng aura niya—or siguro dahil sa gupit niyang clean cut kaya ang bango niya ring tingnan.
When our class ended, hindi pa kaagd kami umalis ng room at hinintay na mag-alisan ang ibang estudyante.
"So, kumusta ang group discussion?" tanong ni Tessa nang makalapit sa amin.
"Well, we're actually doing great," si Serron ang sumagot. "May napagkasunduan na kaming topic. All are going well pero si Isel mukhang bangag na naman this time."
Tessa chuckled. "Oh, I see. Alam ko naman kung bakit."
"'Wag ka maingay, Tessa," babala ko sa kanya.
Pinipigilan naman nitong matawa. "Bennett pa more!"
"Tessa!" I exclaimed. Um-echo na lamang ang boses ko sa loob ng kwarto.
Natigilan naman silang dalawa. Doon ko lang din na-realize na hindi lang pala kaming apat ang natitira sa loob ng room. When Archie spoke and excused himself, halos mapayuko na lamang ako sa kahihiyan.
Sinubukan ko siyang habulin sa paghampas ng bag ko pero mabilis naman niya iyong naiwasan.
"Baliw ka talaga, Tessa!" Pag-irap ko pa ng mata at pagbawi ng bag ko. "'Wag niyo na lang pansinin 'yong sinabi ni Tessa. Gawa-gawa lang 'yan. May mapang-asar lang."
Pero mukhang hindi naniwala sa akin sina Serron at Dolly nang sabihin koi yon. Binigyan pa nila ako nang mas mapanuring tingin at hindi ko gusto 'yon. When they were doing that kind of thing, alam ko na kung anong sunod na mangyayari.
"So, anong nalalaman ni Tessa na hindi namin alam ni Serron?" tanong ni Dolly. Humalukipkip pa ito. Sinamahan naman siya ni Serron sa pagpamaywang at tiningnan nila ako na para bang may ginawa akong masamang bagay.
"Tell us or Tessa will spill?" pagbabanta nito sa akin.
Umiling ako. "Nope. I won't tell a word about it."
"Okay," ani Dolly. "Pero sino si Bennett?"
"Jowa niya," tugon ni Tessa. Nanlaki naman ang mata ko sa sabi niya. Napasinghap naman ang dalawa sa binitawan niyang salita.
"Totoo ba?" tanong ni Dolly. "Ikaw magkakajowa?"
My face scrunched, felt offended by her question. "Grabe ka naman, Dols. Hindi porque wala sa priority ko ang magkajowa ay hindi na mangyayari 'yon. But to clarify and feed your curiosity, wala akong jowa and will never be to that guy."
"Sino ba kasi si Bennett?" dagdag na tanong ni Serron. "May kilala akong Bennett pero hindi ako sure kung siya ba 'yong tinutukoy niyo."
"Sino na naman 'yan, Serron? Baka isa na naman 'yan sa naka-ONS mo, a?" Taas kilay ko pang tanong. "Pero no, we shouldn't be talking about him. He's not really important. Echos lang talaga 'yong sinasabi ni Tessa. At hindi ako lutang kanina, nag-iisip lang ako kanina by myself, okay na? Satisfied na?"
"Hindi pa," ani Dolly.
"Taga-FEU," dagdag ni Tessa.
"Gosh!" Serron gasped. Lahat kami ay napatingin sa kanya. With only that kind of expression, alam ko na kung saan patutungo ang diskusyon na ito.
"Maka-react?" iritang tanong ni Dolly. "Bakit kilala mo ba? Bakit na-supsup mo ba 'yang potential jowa ni Isel?"
"Hindi ko nga kasi jowa—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko para depensahan ko ang sarili ko nang tapatan ni Dolly ang mukha ko ng palad niya so I could stop talking.
"Baliw, kung meron man akong na-supsup sa FEU, siguro binalita ko na sa buong campus. It's an achievement!" Nakatangganp naman siya ng batok kay Dolly at napanguso na lamang ito. "Grabe ka, Dols. I'm just stating the fact, but anyway, whoever that Bennett is, si Isel lang ang makapagkokompirma no'n."
And all of their eyes fell on me. Alam ko na kaagad kung para saan iyong mga tingin nila sa akin, but I know they won't stop asking gayong out in the open na ang topic. I grunted and sat back on my chair and they did the same thing as If they were ready to hear it from me—once and for all.
"Tessa's right," panimula ko.
Dolly and Serron had their mouths open.
"Jowa mo nga?" tanong pa ni Dolly.
"Hindi! Ano ka ba?!" iritado kong tugon sa kanya. Niyakap ko naman ang bag ko at saka humalukipkip. "First of all, just to be clear, hindi ko jowa si Bennett and that will never happen—ever. And yes he's from FEU, but we've only talk a few things and I rejected him at the end. He's so annoying, to be honest."
"Girl!" Hinampas ako bigla ni Serron. "If you're talking about Bennett ng FEU! Bakit mo pinalagpas 'yong chance mo?"
Napakunot-noo naman ako sa tanong niya. "Ano naman ngayon? As if naman kailangan ko siya sa buhay mo?"
"Parang gusto kitang batukan ngayon para matauhan ka," aniya.
I scrunched my face. "Sus, pogi lang naman kasi."
"Naks naman! Inamin ding pogi rin," hagikgik pa ni Dolly. "Gwapo bas a personal?"
Umiling naman ako. "Never ko naman siyang na-meet before so I wouldn't know!"
"Girl," ani Serron kasabay nang pag-iling nito na para bang disappointed sa mga sagot ko. "If you're not aware, he's a model. He joined national pageants na nanalo siya. Gano'n ka-gwapo. And not just because of his pretty face, matalino siya—super talino—hindi naman kasing level nina Einsten, but girl, he's a total package. Balita ko nga rin ay sasali siya sa international pageant soon. He's one of the best guys you'll find in FEU. Super gwapo. Lahat ng mga babae gusto siyang jowain. Iyon nga lang..."
"Ay alam ko 'yan," dagdag ni Dolly.
Nanliit naman ang mata ko sa sinasabi nila. Kahit hindi naman talaga ako interesado ay nakukuha nila ang atensyon ko. "Na ano?"
"May jowa na si Bennett."
"Alam ko," mabilis kong sagot. Nagtaaka naman ang dalawa sa walang pag-aalinlangan kong sagot. "'Wag na kayo magulat. Nasa trabaho ako nang makita ko silang magkasama. Nasa drive-thru ako no'n at sila ang customer na nasa window. I was—maybe a little surprised, but I'm not really assuming na single siya. Why would I even care, 'di ba?"
"Oo nga, why would you even care?" takang tanong ni Serron. "And if you don't care at may jowa siya, bakit siya nakipagkita sa 'yo? Para saan at ano 'yon?"
Napabuntonghininga naman si Dolly. "Naku, magseselos niyan si Cinema."
"Sino naman 'yon?" taka kong tanong.
"Baka 'yong girlfriend?" hindi siguradong sagot ni Tessa.
"Tumpak!" pagtatama ni Serron. "She's so perfect. Part din siya ng cheerleading squad ng school nila. And yes, they are on the same university. Though maraming may hindi bet kay girl dahil ma-attitude raw. I believe those chismis kasi no'ng one time na na-invite ako sa isang club just around Makati, nakita ko silang dalawa, but she's a bitch. You know what I mean."
"Okay... ano naman ang gagawin ko sa kanila? I have no interest in making friends with them naman. Can we just leave na? Kailangan na natin pumunta sa next class natin."
"We still have twenty minutes pa naman," ani Dolly matapos tumingin sa kanyang relos.
"Tara na guys. Alis na tayo," pagyaya naman ni Tessa. I'm not sure if she's my life save or not pero mabuti na lang din iyon para hindi na namin pag-usapan pa.
As we left the room, we're heading straight to our next class, but I excused myself na pupunta na lang muna ako ng restroom. Nag-presenta pa si Serron na baka gusto ko raw na isama siya para ibukadkad ako. Inirapan ko na lamang siya at tumuloy silang tatlo habang ako ay tumungo sa restroom.
Papunta ako sa restroom nang makasalubong ko si Archie. Iyong kaklase ko from my previous class. Nginitian ko lang siya at nilagpasan nang batiin niya rin ako ng tingin at ngiti, but as soon as we passed each other by, hinabol niya ako ng tawag. Dahan-dahan din naman ako lumingon sa kanya.
"Yes?" I wondered.
Naglakad naman siya papalapit sa akin. He scratches the side of his head and looks straight into my eyes. "Ah... I've heard you guys earlier and you guys were talking about my friend."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Wala akong kilalang kaibigan niya. We only met now—on the same class we had kaya wala akong kilalang kaibigan niya. Ang assuming talag nito ni Archie. Gwapo lang talaga, e.
Umiling ako. "Nagkakamali ka yata. Wala naman akong kilalang kaibigan mo, e."
"Oh, really?" his face scrunched. "I thought you and your friends mentioned Bennett."
Natulala naman ako nang banggitin niya ang pangalan na 'yon.
"Are you okay?" he asked when I gave no reaction, but shocked at his statement.
"Friend mo 'yon?"
He nodded to confirm my question. "Yup. We're friends since grade school. We're just a different university's now, but we're still really-really close friends. So, does his name ring a bell now?"
Agad naman akong umiling. "No, hindi siya 'yong tinutukoy namin. Sorry, Archie."
He smiled and nodded. "No, that's alright. I was just curious 'cause I've heard his name. Thank you for your time, I'll go now. See you around."
I smiled. "Yeah..."
Nagmadali naman akong tumungo sa girl's restroom at ni-lock ang sarili ko sa isang cubicle. Hindi ko alam pero ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Bakit parang paliit nang paliit ang mundo namin ng lalaking 'yon? Ano bang meron siya? Saka I really have no interest in accepting whatever his proposal is. Kailangan ko lang siyang i-ignore at mag-focus sa part-time ko at studies and no other things especially boys.
They are there just to ruin everything at hindi ako papayag na malihis ako sa goal ko. I'm only two semesters away from getting a degree. Hindi ako paloloko. Hindi ako magpatutukso. Itataga ko 'yan sa bato.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter6 #RSIMChapter6 #WT5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top