Chapter 3
Chapter 3
"Girl, tulala ka na naman," pagpuna sa akin ni Dolly. "Kaya siguro nasasabihan ka ng ka-work mo na lutang."
Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga at bahagyang pinakawalan iyon.
"I believe may boy problem na ang kaibigan natin ngayon," ngisi pa ni Tessa.
"Oooh," Serron swooned. "Bet mo na magpatusok, girl?"
Kumusot ang mukha ko sa sinabi niya at salubong ang kilay kong hinarap siya. "Tusok mo mukha mo! Kadiri ka."
"Sige, tusok mo, go!" Panunudyo pa nito sabay buka ng bibig sa pag-asang may itutusok nga ako sa bibig niya. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya kaya 'di bale na lang. "Weak ka pala, e."
"Nye, nye. Weak mo mukha mo!" Balik ko sa kanya sabay irap.
"'Wag niyo nang galitin ang tita niyo, mukhang wala sa mood," ani Tessa. Tinapik naman niya ang balikat ko at bahagya ko siyang nilingon. "Okay lang 'yan, Isel. Boys shouldn't—"
"Hindi nga kasi boy problem 'to!" iritado kong usal sa kanila. Nanahimik naman silang tatlo at pumirmi sa kanilang kinauupuan. Napasinghal na lamang ako. "Wala. Hindi naman ako bad mood."
"Ah, so bet mo lang mag-inis-inisan?" tanong ni Serron. "Naku, girl. If boy problem nga 'yan, hindi mo na kailangan pang maghanap ng ibang tao. You already have the right person. You know what I mean." Aniya sabay kindat pa sa akin.
"Secret lang natin 'to, a," ani Dolly. Natuon naman ang atensyon namin sa kanya at bahagyang lumapit dahil niliitan pa niya ang kanyang buhos. "May naka-ONS na naman si Serron."
"Hoy, gaga!" Agad na binatukan ni Serron si Dolly sa ulo. Muntikan pa itong mahulog sa kanyang kinauupuan pero hinigit din naman siya pabalik nito. "Gaga ka talaga. Walang gano'ng nangyari, saka if ever meron man, bakit ko pa itatago?"
"Ay so wala talagang ganap?" tanong ni Tessa. Umiling naman si Serron. "Ay sad naman. Hindi ka na naman nadiligan."
"Ay nagsalita ang hindi pa nadidiligan," panunuya pa ni Serron.
Tumaas naman ang kilay ni Tessa. "For your information, may kasunduan kami ng boyfriend ko na hinding-hindi kami mag-se-sex until we get married. Banal 'yon, ano ka ba. He follows the rule and I respect him a lot so that's not even a problem for me."
"Sana all," komento ni Dolly. "By Criselda Sabangan."
Sumalubong ang kilay ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "Nadawit na naman ko r'yan?"
"Ay slow," komento ni Tessa. Sabay namang tumawa ang tatlo at para akong na-out of place bigla. I tried to ignore them at nagsuksok na lamang ako ng earphone sa tainga ko at nagsimulang i-play ang music.
I'm trying to convince myself to get out of this place as soon as possible. Ewan ko ba, gustong-gusto ko na grumaduate. If there's a chance to work abroad, hindi ko na palalagpasin pa 'yong pagkatataon na 'yon. If that's how I'm going to save up for my future then I'll sacrifice everything I have. Kung ngayon pa nga lang, I'm doing everything I can to support myself and my family. Just to get away with this situation, I need that future now.
Mayamaya lamang ay naramdaman ko ang pagkalabit nila sa braso ko.
"Ano ba 'yan! 'Wag magulo," iritado kong pagsaway sa kanila.
May humila at nagtanggal naman ng suot kong earphone at nakita kong hawak ni Serron iyon. "Girl, nandiyan na prof natin. Tama na sound trip."
Agad din naman akong umayos sa pagkauupo at pinatay ang music ng phone ko. Sinuksok ko naman iyon sa loob ng bag ko at itinuon na ang atensyon ko sa professor naming inaayos ang kanyang projector.
As the class started, our professor and discuss what would be doing for the rest of the semester. She then announced our research study and there's a deadline for every submission we will do.
And I'm a bit struggling on how to juggle my schedule from now on. I know I will be busy with this subject—it's my major subject so I have to take it seriously o kung hindi, babagsak ako and I had to repeat a term just for this. At sana hindi mangyari. Naniniwala akong malalagpasan ko ito.
I only have five subjects this semester, three major and two minor subjects. I have to use my time collectively and not waste it on some stuff that doesn't even really matter at this point.
Ang kailangan ko lang pagtuunan ng pansin ay ang school ko—priority ang research, work, at ang preparation ko rin for internship which is still a few months away kaya mapag-iisipan ko pa talaga kung babalakin kong mag-intern sa ibang bansa o rito na lang sa manila kung saan marami namang company na pwedeng mahasa ang skills ko.
As the discussion continues, I put my attention to whatever my professor would say. When she told us to group ourselves into five and she would let us pick our own group so we would be able to work comfortably and accordingly.
Pero may mga asungot pa rin talagang nagsu-suggest na 'wag magkakaibigan ang magkaka-grupo kasi walang work na matatapos. And when we thought we're done with the discussion, nagbago pa tuloy ang isip ng prof namin at siya na mismo ang namili sa magiging miyembro ng isang grupo.
A few minutes later, she announced every member of a certain group. Good thing, I belonged with Serron while Dolly and Tessa come together. May tatlo naman kaming kasama—iyong dalawa ay naging ka-block mate na namin before while iyong isa naman ay irregular.
Dahil kilala na naman namin iyong dalawa ka-block mate namin before na sina Jayda, Derby, at ang irregular student na si Archie—and I haven't seen him before, but he mentioned he has to repeat his research study because he failed the last semester and it's the only subject he has right now so he could graduate and get his degree.
Well, our discussion at first turned out to be so lame. Wala kaming napag-usapan kung hindi ang alamin ang mga bagay na gusto naming patunguhan sa research na ito. I believe, if Tessa and Dolly were with us, mayroon na kaagad silang ideas to do.
When the class was about to end, Serron made a group chat so we could talk there when we're not around altogether. Jayda and Derby provided some ideas earlier, but it's not really that promising kaya pinaisip pa namin sila ng ibang ideas. We provided as well, but we're not confident about it.
As soon as the class ended, nagkasama muli kaming apat at tumungo sa canteen. Dolly and Tessa noticed Serron and I are doomed to our group.
"So, anong ganap niyo?" tanong ni Tessa.
"Nah uh. No comment." Ani Serron sabay galaw ng daliri niya bilang hindi pagsang-ayon.
"E 'di 'wag," ani Dolly. "So, anong ganap, Isel?"
"It's not a good start, but I can see that it's a promising group."
"English! Bigyan ng korona!" anunsyo ni Serron. "Ikaw na ang Miss Universe!"
"Loko, Serron." Ngisi ko pa. "Sa tingin ko, Jayda and Derby has good ideas pero girl, si Archie, iyong irreg student, tango lang nang tango kanina. Hindi ko sure kung makapapasa siya this time."
"Gwapo naman, girl," ani Serron.
"Kaya nga kinuha mo na 'yong number, 'di ba?" Taas pa ng kilay ko. "Anyway, naniniwala naman akong magiging successful ang research na 'to. Alam kong hindi lang ito ang gagawin natin this semester, may mga big projects pa tayong gagawin kaya sana hindi stress ang second to the last semester natin."
"We only hope for the best!" ani Tessa. "Ilang buwan na lang din, makukuha na rin natin ang inaasam natin tagumpay."
"At dahil diyan, treat ko lunch natin!" anunsyo ni Dolly.
Hindi pa sana ako papayag pero hindi na ako naka-angal dahil hinigit na rin ako ni Serron. As much as I don't want anyone to spend their money for me, kahit umangal naman ako, hindi rin papipigil si Dolly kaya hinayaan ko na lang siya na mag-order para sa akin.
While we're waiting for our meal, Tessa and I look for a vacant table for the four of us. Tessa immediately sat on the chair when a group of students is about to get in our direction.
"Gotcha!" she cheered. "Akala nila mauuna sila, a?" Ngisi pa nito.
Umupo naman ako at pinatong ko ang bag ko sa katabing upuan upang walang kumuha at makitang naka-reserba na ito.
"As if naman kakasya sila rito," komento ko pa. "Anyway, thank you for not telling them what happened yesterday. Nakahihiya pa rin talaga."
Napangiti naman si Tessa. "Sure, no problem... pero how sure are you na siya talaga 'yong lalaking 'yon? Baka namamalikmata ka lang?"
Napahugot naman ako ng malalim na hininga saka ko iyon pinakawalan. "Hindi, e. Sigurado talaga akong siya 'yon."
"Oh... okay, I see. But what's really bothering you, Isel?"
Napakibit-balikat ako sa tanong niya. Umiling ako kasi hindi ako sigurado. "Hindi ko alam... siguro nahihiya lang ako dahil hindi naman kami totally magkakilala tapos may binigay pa siya s akain. It was so awkward after that moment."
"Bakit ka naman kasi mahihiya? Malay mo out of goodwill lang talaga 'yon, 'di ba?"
Napakibit-balikat na lamang ako. Dumating din naman ang dalawa na bitbit ang tray at ibinahagi na sa amin ni Dolly ang mga pagkain namin. As we're about to start eating, bigla namang may tumawag sa phone ko. Inakala ko pa kung sino na naman ang tumatawag sa akin ay isa na namang scammer pero nakita kong photo ni mama ang nasa screen at for sure, si Silford na naman 'to.
I excuse myself for a moment to answer his call.
"Ate?!" bungad nito sa akin.
"Hoy, bata! Gamit-gamit mo na naman phone ni mama. Bakit ka tumawag?"
Napahagikgik naman ang kapatid ko. "Wala, ate. May nakita lang ako sa kwarto mo. Ang ganda, gusto ko 'yon. Akin na lang, ate?"
"Sige na, sige na. Kunin mo na. Ibaba mo na 'to."
"Wow! Talaga, ate? Thank you!!!"
"Okay na, sige na. Bye na, Sil."
Ako na naman ang nagbaba ng tawag. Tinanong naman nila kung sino 'yong tumawag sa akin at sinabi ko na lamang sa kanila na iyong makulit kong kapatid 'yon. Nang magsimula na naman akong kumain, naka-receive ako ng message sa isang kasamahan ko sa work.
Crisel, may naghahanap sa 'yo rito. Gulat nga kami akala namin artista. Sinabi ko na lang na wala kang sched today. Balik daw siya kapag may shift ka.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa message niya. May pakiramdam na ako kung sino iyong tinutukoy niya. At bakit niya ako hinahanap? At bakit kailangan niya pang bumalik para lang makita ako?
I immediately reply just to get it off of my head.
Huh? Sino naman naghahanap sa akin? Bakit niya ako hinahanap? Anong kailangan niya sa akin? Nakuha mo ba ang pangalan?
Mabilis din naman itong nagreply sa akin.
Girl, ang daming tanong, a? Pero hindi ko alam. Hindi ko na tinanong pero natanong ko naman kung anong pangalan niya. Bennett ang pangalan niya at dahil may shift ka bukas, sinabi ko kung anong oras pasok mo para matiyempuhan ka niya.
Para akong binuhusan ng sobrang malamig na tubig, iyong tipong bloke-bloke pa ng yelo ang ibinuhos sa akin. Napansin naman ng tatlo na parang naging tuod ako sa kinauupuan ko. Binalik ko na lamang ang mga mata ko sa screen ng phone ko at nag-type ng message.
Gaga ka! Ba't mo sinabi kung anong oras sched ko bukas? Baka mamaya masamang tao pala 'yon. Kinakabahan tuloy ako.
Ilang segundo ay nag-reply din naman ito agad.
Girl, feeling ko 'wag kang kakabahan. Mukhang mabait naman. Gwapo pa at yummy. Mukhang estudyante rin siya kasi nakita ko 'yong lace na nakasuksok sa bulsa ng pants niya at taga FEU siya. Girl, balita ko marami raw daks do'n!
Bwisit ka, Rodolfo. Humanda ka bukas.
Kung maabutan mo ako! See 'ya, Bea!
Sino naman si Bea ngayon? Ma-i-rhyme lang talaga? At kung ano mang mangyari bukas, I hope nothing bad will happen.
"Mukhang may bad news ka girl..." pagtataka ni Dolly. "Bakas na bakas sa mukha."
Napabuntonghininga na lamang ako. "Wala 'yon. Work related lang. 'Wag niyo na ako pansinin. Kumain na lang tayo."
But as we continued eating, hindi nila ako tinigilan. Baka raw kasi may jowa na akong itinatago sa kanila. Only Tessa knows what was happening. Nasabi ko kasi 'yon sa kanya kahapon matapos akong umuwi nang basang-basa. I had no other reason, but to tell her.
But what on earth this guy—Bennett would look for me? Does he needs something from me? Do I need something from him? As much as I believe, wala akong kailangan sa kanya and if he has another motive, tatawagin ko na lahat ng santo, hindi lang ako malagay sa panganib.
Susmaryosep. Hay, buhay.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter3 #RSIMChapter3 #WT5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top