Chapter 26

Chapter 26

"Kilala niyo ba si Baek Jin-Hyeong?" tanong ni Serron. Hindi naman ako interesado sa usapan nila. Sila lang ang mahihilig sa k-drama at k-pop kaya nga binabash nila ako na gusto kong mag-internship sa South Korea tapos hindi ko bet 'yong mga 'yon. May pasaring talaga sila pero hindi naman siguro requirement? Nakanood na rin naman ako at nakakinig ng mga pop songs nila, pero hindi talaga ako die-hard fan na gagastos sa albums, concerts, and other stuff. Nasa lower level lang ako.

"'Yon ba 'yong K-pop superstar na kinabaliwan globally no'ng 2019?" tanong ni Dolly.

"Yes, siya nga! Tandaan mo ba last year din na isa siya sa mga na-enlist for the compulsory military training nila?"

"Ah, oo! Remember ko pa. Sikat na sikat siya no'ng time na 'yon, umaariba 'yong music nila ng group nila globally. Katatapos lang din no'ng k-drama niya bago siya ma-enlist no'n. Sayang talaga pero sana makabalik kaagad siya. Gwapo-gwapo pa naman. Miss ko na 'yong mga higop moments niya."

"Gaga, 'yon talaga inabangan mo 'no?! Ako nga nag-aabangan kung kailan 'yan sila mag-concert dito tapos hindi rin natuloy. Pero girl, this coming December ay madi-dismiss na siya sa military training niya! I think mag-eighteen months na rin 'yon by that time. Excited na akong makita siya ulit."

"OMG! Buti na lang pinaalala mo siya. Gusto ko na rin tuloy sumama kay Isel na mag-internship sa SoKor!" Binalingan ako ng tingin ni Dolly at may kasabay pang pag-wiggle ng kilay niya sa akin.

Napabuntonghininga na lang din ako kasi hindi pa rin naman sure kung matutuloy ako ro'n. Nagpapatulong pa ako kay Ate Kiersten pero since balik London siya, ako ang haharap sa mga Mercondia to apply, but with referral para sure na sure na.

"Patingin nga ng hitsura," request ni Tessa. "Hindi ko siya matandaan pero nakanood na ako ng ilang k-drama... though not much sa music, e."

"Teka, hanapin ko lang." Nagmamadaling hinanap ni Serron sa kanyang phone ang picture no'ng Korean na tinutukoy niya. Agad naman niyang pinasa kay Tessa nang makahanap ng picture.

Napatango na lamang si Tessa nang tingnan. "Ah, oo, may napanood akong k-drama niya. Magaling nga 'yang umarte. Gwapo pa saka totoo sa sinabi niyo na higop moments. Higop master ata 'yan, e."

"Sinabi mo pa." Hagikgik ni Dolly.

"Pero teka sino 'tong kasama niya sa mga picture? Girlfriend niya ba 'to?" Pagtukoy ni Tessa sa picture na agad namang sinilip no'ng dalawa kung sino 'yong tinutukoy niya.

"Ah, hindi niya 'yan girlfriend," sagot ni Serron. "Sa pagkaaalam ko, dating personal assistant 'yan ni BJH. Pinay 'yan, Raijine ata pangalan niyan. Kasi alam mo na, half-Pinoy din naman 'tong si BJH kaya kung napanonood mo sa mga news dito sa atin, minsan lagi siyang hina-highlight kasi alam mo na pinoy pride! Pero do'n naman lumaki si BJH sa Korea."

"Interesting," komento ni Tessa, "Infairness, a, ang dami mong alam tungkol sa idol mo na 'to."

"Ay, ako pa ba, Tessa?! Kapag tungkol sa Korea, 'wag na 'wag ako ang kakalabanin, baka taob kaagad sila sa akin," pagmamayabang pa nito.

"Talaga ba? 'Di ba, may mga nagsasabing bakla naman 'yong ibang male idols do'n?" tanong ko, biglang singit. Gusto ko lang umepal.

"Hoy, girl, grabe ka!" paninita sa akin ni Dolly. "Mamaya kapag pinost mo 'yan socials mo, aatakihin ka ng mga basher. Though for me, hindi naman totally gay, siguro kasi iniisip ng iba dahil sa make-up, bright hair colors, o kaya naman sa plastic surgery pero girl, hindi naman iyon ang batayan. Naghahanap lang talaga sila nang ikasisira o ng mali. They're perfect to us kung ano man ang gender nila. That's them, we're only a fan and we're here to support them. Basher ka ba, Isel?"

Umiling naman ako. "Hindi naman. Natanong ko lang since ang dami ko ring nababasa no'n. But thanks for clarification."

"No problem, girl! Mabuti na 'yong nasa same place tayo regarding them."

Napakibit-balikat na lamang ako. Wala talaga kong interests. If hindi sa South Korea, may chance na makakuha ako ng slot sa U.S. o kaya naman sa London gaya ni Ate Kiersten.

"Anyway, I have another chika," Tessa decided to change the topic. Ibinaling niya sa akin ang tingin niay which I anticipate is for me. "I heard malapit na birthday ni Mister Rochon, a? May balak ka ba?"

"Ako ba?" taka kong tanong sa kanya.

"Girl, sino bang close sa atin dito kay Bennett?" panunuya ni Serron. "Ikaw lang, 'di ba? Saka for sure, may mga chika ka na hindi mo na sinasabi sa amin."

"Wala 'no. Wala naman 'yon sinasabi sa aking tuwing may session kami. Aral lang talaga."

"Pero birthday niya, anong ganap?" pag-uulit pa ni Tessa.

Napakibit-balikat ako sabay iling. "Ewan ko? Bakit kailangan ba beling ko sa gaganapin niyang birthday? Saka he cancelled our sessions this week dahil sa Saturday na ang championship game nila."

"And 'yong championship game nila ay araw din mismo ng birthday niya. That's October 23. Wala ka bang surprise o anumang ganap para sa kanya?" karagdagang tanong pa ni Tessa. Feeling ko may gusto siyang huthuting sagot sa akin pero dahil wala akong maibigay, pinipilit niyang may mapisil sa akin kahit kaunting sagot. "Mag-23 na rin siya by that time. Ichi-cheer mo ba siya?"

I grunted and rolled my eyes. "Tessa, alam ko na 'yang ginagawa mo. I'm not Bennett's girlfriend so I don't have to do anything for him. Kahit simpleng greeting lang would be fine already. Hindi naman niya ako jowa."

"Gusto mo ba mapanood si Bennett maglaro?" tanong pa ni Dolly. I already know her intention by asking that to me.

"Just to satisfy your crazy minds, Bennett gave me a ticket para makapanood sa championship game nila against ADMU. I accepted pero hindi ko sure kung pupunta ako. But I must not."

"Bakit naman?" Taas kilay na tanong ni Serron. "Sayang naman 'yong ticket! Gusto rin naman namin manood, girl! But we've already secured our tickets sa cheerdance competition so surely manonood talaga tayo ro'n. Bibili na rin ba ako ng ticket natin for the championship."

"Go, Serron. Abonohan mo muna," panggagatong pa ni Dolly.

"Kahit hindi na. I'll treat you guys with this one. Keep the ticket na lang na binigay sa 'yo ni Bennett kasi for sure, nakahilira ka niyan sa university nila so I'll buy four tickets for us para sure na sure!"

"Hindi ba libre na 'yon? Paunahan na lang? As in first come, first serve?"

"Minsan nagbibigay 'yong admin pero mura lang naman 'yong ticket, 450 pesos each lang naman so keri," sagot ni Serron.

"Okay, ikaw bahala." Binaling muli sa akin ni Tessa ang atensyon niya. "So, Isel, birth—"

"Isa pang ulit, Tessa, magpalilipat ako ng dorm room sa kulit mo," pagbabanta ko pa sa kanya.

"Ay, girl, last sem na rin naman natin, magbabago ka pa!" aniya. "Pero joke lang kasi. Para kasing ang lalim ng mga iniisip mo riyan so I'm just trying to lighten the mood up. E, mukhang kabaliktaran pa rin ang inabot ng sa 'yo."

A moment later, Archie saw us on the student lounge kaya sinamahan niya kami. Agad naman itong tumabi sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Yup, we're dating. Ang bilis. Ang rupok ko.

Well, I've got to know him and I think he's a good person and he supports me very well. Gusto p nga niya agad kilalanin ang family ko, but I managed to stay na 'wag muna dahil sobrang aga pa to do that. Okay lang naman sa kanya 'yon. Willing to wait daw siya, kahit forever pa 'yon.

Though it keeps me bugging the moment Bennett saw us once. We were on the bar where me and my friends are going. Wala lang, for fun and time out lang sa mga bagay-bagay. Hindi naman ako umiinom so I'm fully aware and conscious at that moment. I just didn't know Archie invited Bennett to join us there. I held back from that kissed, surprised, and somehow fear hugged me like I can't break free from it. He didn't mind about it. He never spoke about it. Maybe he's not just interested to talk about it, but that's the time Bennett began treating me cold. It was like... he changed.

At iniisip ko na lang na 'yong break up niya with Cinema ang nag-cause nito. But I also think he already moved on from it. I'm just not sure... I literally have no idea what's going on his mind.

Napupuno lang ng tutorial, training, at practice niya for the pageant. I mean he has all the resources to keep himself busy, or maybe he's just avoiding the fact that he has been cheated.

I never felt that before, but I feel sorry for him.

Until the day of the championship game. Pagpatak pa lamang ng alas y dose ng gabi, I tried greeting him. Hindi para manguna... wala lang. Gusto ko lang siyang batiin ng maaga. Though I didn't get any response from him. Inisip ko na lamang na tulog na siya para maghanda sa game pagkagising.

Just like what Serron said, we were seated next to each other. Mabilis na naubos ang courtside tickets kaya ang nabili na lamang niya ay ang level 3 which is paubos na rin no'ng nagbook siya. Mabuti na lang ay naihabol niya. Archie joined us as well. Syempre, hindi niya palalagpasing hindi niya mapanood ang best friend niya na maglaro ng championship game. Bennett hasn't been in the team for the past years kaya ngayon lang din siya nakabalik and this would be his last time to play under his university so whether to give it all or lose it all.

Pero sa pagkakikilala ko kay Bennett, he's not a person who would just give it all up—maybe he did to his relationship, but I guess this means more to him kaya alam kong gagawin niya ang best niya.

"Support na support ang future girlfriend." Panunusok pa ni Tessa sa tagiliran ko.

Siniko ko naman siya kasi katabi ko lang si Archie. Alam naman nilang nililigawan ako ni Archie pero sa tingin ko mas bet ni Tessa si Bennett para sa akin. Baliw lang. Hindi ko rin alam kung bakit niya naiiisip 'yon.

"I hope they'll win it," Archie muttered. "It would be the best birthday gift for him."

"Sana nga..." komento ko naman.

"Hoy, may chika akong nasagap!" Pag-agaw ni Serron ng pansin sa amin. Nilingon naman namin siya inabangan kung ano iyong sasabihin niya. "Nabasa ko lang sa Twitter, nandito raw si Cinema ngayon. May picture na nakuha pero sa labas pa 'yon. Not sure kung saan siya nakaupo ngayon."

"Syempre, doon siya sa university niya, gaga!" ani Dolly.

"Hindi rin natin sure." Ngisi pa ni Serron. "But anyway, hindi na naman siya ang girlfriend ni Bennett ngayon so who cares na sa kanya, right?"

"Hayaan niyo na muna 'yan, guys. Magsisimula na rin ata. Tama na chismis, okay?" pag-awat ko sa kanilang dalawa.

Hindi nga ako nagkamali nang magsimula na ang game. Pumasok naman ang basketball team from ADMU at binalot nang hiyawan at cheer ang paligid pero hindi rin nagpatalo ang mga taga-FEU dahil parang dumagundong nang pumasok ang kanilang basketball team.

Hindi ko alam pero agad kong hinanap si Bennett sa mga lalaking pumapasok sa court. Alam kong 23 ang jersey number niya kaya iyon agad ang una kong hinanap. It didn't take me took long when I found him there. Ewan ko... pero ba't napangiti ako bigla?

Tumingala ako sa screen sa taas upang mas makita nang malapitan ang mga hitsura. Medyo malayo-layo kasi ang kinauupuan namin pero ayos naman para mapanood ang buong game. I know we still have the best seat to watch the game. Though napaliligiran kami ng mga yellow at green pati na rin ng mga asul at puti.

"Bagong tasa ba si Bennett?" tanong ni Tessa.

"Yes!" sagot ni Archie. "Kasama ko 'yan kagabi pagkatapos ng training nila." Pagku-kwento niya. Nagpasama lang siya sa akin magpagupit and then we waited until midnight para salubungin lang 'yong birthday niya. Though we didn't drink dahil bawal kasi may game siya, but we happened to talk a lot of things. I know Bennett will give his best today. Sure na sure ako ro'n."

Marahan ko namang sinuntok ang balikat niya. "Grabe naman! Very supportive talaga sa best friend niya!"

Natawa naman ito sa sinabi ko. "Of course! Suportado rin naman niya ako at para na kaming magkapatid kaya palagi kaming nagdadamayan."

"Teka, hindi naman sa pang-aano, saan ka naman niya sinusuportahan?" takang tanong ni Tessa.

Archie didn't answer Tessa's question but glance at me. Parang tanga 'yong tatlo na humiyaw bigla. Naagaw pa nila 'yong atensyon sa paligid nila. Parang gusto kong hatakin na lang si Archie palayo dahil alam ko naman kung anong tinutukoy nila. Hindi naman ako slow to get what Archie meant.

Pero totoo ba? Did Bennett really support Archie dating me? Ba't wala naman siyang sinabi sa akin?

I spaced out not realizing that the first quarter of the game started. Bennett's already in the game and he's been doing good on the first few minutes. He got to shoot a few times and when he does that, maraming babaeng tumitili kasama na ro'n ang mga kasama kong baliw.

Their university is on full support and they've been wanting to win this game kaya naman kitang-kita sa kanilang team ang sobrang determination and will to win the game.

But there's one moment na isho-shoot na sana ni Bennett ang bola and get a three point shot for his team, hindi ko alam kung anong nangyari pero naagaw sa kanya 'yong bola because he was looking somewhere else. Nang matapos ang first quarter, nakalamang ang ADMU ng 6 points from the team. It's 29 between 23. Kahit malayo ang pwesto namin, pansin ko ang pagkadismaya sa mukha ni Bennett.

I'm wishing they would win this game. I thought it would be a better gift for him to win the game. It would be a triumph for him, not just for him, but for his university.

"First quarter pa lang naman, 'di ba? Makahahabol pa sila?" tanong ko Archie.

Tumango naman ito sa akin. "Believe me, he's just starting."

Kahit papaano ay nakampante ako sa sinabi ni Bennett. While I was trying to figure out what's the cause of Bennett's sudden spaced out, looking to everyone down below, bumagsak na lamang ang balikat ko nang makita ko ro'n si Cinema. She's not wearing their university color or anything that associated with her school, nakaupo lang siya ro'n at nanonood. She could be the reason why Bennett lost his concentration. Maybe he's still not over her.

When the second quarter was about to start, there's just an announcement made just to greet Bennett and he was broadcasted through the screen. At that moment, with only 151 thousand followers on his Instagram, he immediately gained 347 thousand followers in just a span of a few minutes. Hindi lang naman kasi ang mga nasa arena ang nanonood ngayon kung hindi ay buong NCR or maybe pati ang iba pang lalawigan.

He immediately gained online fan bases and a lot of birthday messages flooded him on his IG profile and even the tweets scared me with so much speed. But at this moment, I was clueless of what's going on in his mind right now.

Was it to win the game? Or Cinema?

I tried to sway that out of my thoughts when the second quarter starts and hopefully they would outrun their opponent. But I hope what's going on in his mind is about winning the game and not about Cinema.

But who am I to say that? Duh. I'm only just his... tutor.

***

Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!

#RainySeasonInManilaChapter26 #RSIMChapter26 #WTS5

Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top