Chapter 21
Chapter 21
"How are you feeling, Isel?" Cinema asked me. Hinatak niya ako sa mya lounge area sa backyard ng mga Rochon and I'm trying to be comfortable kahit hindi ako sanay kaharap siya. This would be the first time we'll talk to each other face to face and I think she's nice.
May mga sinasabi rin kasi sina Serron at Dolly patungkol kay Cinema, but I tried not to believe when I met her. Siguro may pagkamataray lang talaga siya. Halata naman 'yon dahil sa pagkaaahit ng kilay niya. But she was so pretty with it, bagay na bagay sa kanya 'yon.
Ngumiti naman ako ng bahagya sa tanong niya. "Okay naman... medyo nakagugulat. Hindi pa rin ako makapaniwala na na-invite ako rito, e. Ate Mallory is so kind, nakatutuwa siya."
"She does... sometimes," pahabol nitong bulong, but enough for me to hear it. "Anyway, yeah, she's cool. No'ng first time ko rin dito, I was astonished how big this place. Funny thing is, I was expecting a pool here pero 'yon pala they won much bigger! Isang private resort! I am so lucky with Bear-bear Bennett."
I smiled to show that I'm interested in whatever she said to me. She's pretty comfortable on where she is now. Nakapatong pa ang paa niya sa may babasagin na maliit na mesa, while I'm being so modest dahil natatakot akong makabasag, but I guess it's okay lang for her.
Pinagmamalaki niyang boyfriend niya si Bennett, so I believe she has nothing to worry about kahit milyon pa ang mabasag niya.
"From N.U. ka, 'di ba?" tanong ni Cinema, inilihis niya rin ang topic.
Tumango naman ako. "Yes, 4th-year student na rin."
"Ahhh, so graduating ka na rin pala. Same-same. Anong course mo ro'n?"
"Mass communication, ikaw ba?"
"Ah, marketing ako. Kasali ka rin ba sa cheer squad ng school niyo?"
Umiling naman ako. "Hindi... pero nag-try out ko no'ng freshman ako pero hindi nakapasa dahil hindi raw ako masyadong flexible. At saka madali akong hingalin, but at least I tried."
"Ah, I see... So wala kang alam kung ano nangyayari sa training ng mga cheersquad sa inyo?"
Umiling naman ako. "Wala akong masyadong alam, but since malapit na rin naman ang competition madalas sila gymnasium at nagpa-practice. Nakasilip lang ako one time pero hindi rin naman ako nagtagal. Good luck nga pala sa competition niyo, malapit-lapit na talaga."
She smirked. "I know, for the past few years, palagi na lang kami second place or worst, mababa pa ang ranking. You guys always win even though we tried our best. Ang last championship ng FEU ay last 2009 pa and we were sure na this year, 2021 ay kami ang magcha-champion."
"Oh... good luck!" Hindi ko na alam kung pa'no dudugtungan iyong sasabihin ko.
"I'm sure we're gonna make it to the top this time."
"Yes, galingan niyo."
"We really hope so." Pag-ikot pa ng mata nito. "Pati kasi group stunts competition, kayo pa rin ang nananalo."
"Uhm... I guess, they were just putting all their efforts para makamit nila 'yon," sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay. "I mean, lahat naman ng teams during that competition ay ibinibigay nila ang best nila. It's just that sa mga judges pa rin nakasalalay kung sino 'yong mga mananalo. Sa tingin ko, hindi dahil nakailang-streak na nang championship ang school namin it doesn't mean may pinapanigan sila. Siguro nakita lang nila ang effort—"
"Geez, stop. We're all putting our efforts and dying just to win."
Hindi na naman ako nagsalita pa baka sabunutan na ako nito nang wala sa oras.
"Nasaan na ba si Bennington?" irita niyang tanong saka sinubukan niyang tawagan sa phone niya.
Saglit lamang ay naagaw ang atensyon ko nang may humawak sa braso ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Ate Mallory. Nakangiti ito sa akin and I feel so relieved nang dumating siya rito sa pwesto namin ni Cinema.
"Can you come with me, Isel?" she invited.
Oh gosh, lifesaver ko si Ate Mallory.
Nilingon naman niya si Cinema na mukhang aburido sa tapat ng phone niya.
"Hey, Cinema," pagtawag niya ng pansin dito. Inangat naman nito ang tingin sa kapatid ng jowa niya. "Hahatakin ko muna si Isel with me. May ipakikita lang ako sa kanya."
"Sure, you do your thing." She even shooed us with her hand kaya nang lingunin ko si Ate Mallory ay napaikot na lamang ang mata nito.
I excused myself from Cinema na mukhang wala na rin naman siyang pakialam sa akin. Hindi ko sure kung na-badtrip ba siya sa sinabi ko o dahil hindi sinasagot ni Bennett ang tawag niya.
"I'm so over with her," usal ni Ate Mallory. Napailing-iling pa ito showing a little hatred on her face. "Hindi ko sigurado kung pa'no nakatitiis diyan si Bennett. So immature."
Hindi na naman ako nakiusisa pa dahil parang ang pangit naman ng dating ko kung makikichismis ako. Ang sabi akin nina Serron at Dolly, kapag may chismis, kailangan laging updated ako, but on this case, ayokong manghimasok. Hahayaan ko na lamang silang magkwento sa akin. If they're comfortable sharing it with me, then I'll be fine with that. Hindi ko naman sila pipiliting magkwento dahil wala rin naman ako sa lugar to ask in the first place.
Pagkapasok namin ng bbahay nila, nagulat pa ako nang makasalubong namin sina Bennett at Archie. I wasn't expecting to see him today kaya nagkagulatan pa kaming dalawa.
"Hey, Isel!" pagbati pa nito sa akin.
"Ate, where's Cinema?"
"She's in the backyard, kanina ka pa ata niya hinahanap."
"Isel, you're here pala!" ani Archie. Hindi pa rin makapaniwala na nandito ako ngayon.
"Mamaya mo na chikahin si Isel, Archie. Akin muna siya ngayon. Magkita-kita na lang tayo later sa resort. Pina-diretsyo ko na sina mom and dad do'n. Maghanda na lang kayo. Mga thirty minutes, aalis na tayo."
Hindi na naman nakasagot 'yong dalawa dahil hinatak na ako ni Ate Mallory palayo sa kanila. Hindi na rin nakapagsalita si Archie dahil sinundan niya agad si Bennett papunta sa backyard. Kahit pansin ko ang pagkairita ni Ate Mallory kay Cinema, she just shrugged it off at idinala na niya ako papunta sa kwarto niya. Dumaan pa kami sa grand staircase nila at tumuloy sa hallway na para bang nasa mall ako.
Hindi niya ako binibitawan kaya't hanggang makarating kami sa kwarto niya, mas lalo akong natigilan dahil mas namangha ako sa laki ng kwarto niya. Napamumutian ng kulay pink ang paligid ng kwarto niya. There were so much space at may pagka-amoy pa ng strawberry ang paligid.
"Ang laki po ng kwarto mo. Parang sala na namin 'to sa bahay, e."
Napahagikgik na lang din naman si Ate Mallory. "Ayun na nga, gusto ko lang sana nang medyo maliit na room pero no choice ako at dito ako inihilira. Anyway, before tayo umalis at pumunta resort, may mga ibibigay muna ako sa 'yo."
"Hala, ate, nakahihiya naman..."
Bahagya niya akong hinampas sa balikat ko. Tila ba parang close na close na kami sa isa't isa. Magaan nga rin ang pakiramdam ko sa kanya, hindi katulad ni Cinema kanina na para bang nakatatakot gumalaw at bigla niya akong sitahin.
Idinala ako ni Ate Mallory sa kanyang walk-in closet. I just stood there and then she just grabbed some clothes na naka-hanger pa. Inabot naman niya sa akin 'yon at hindi ko mabilang kung ilan iyon pero sa tingin ko lagpas bente dahil sa kapal ng bitbit niya ngayon.
Inilapag niya iyon sa mesa at iniharap niya ako sa tapat ng full-length mirror.
"Try all of these, kapag bagay sa 'yo, it's yours to keep na!"
Umiling ako. "Hala, ate. Hindi, nakahihiya talaga."
She scoffed and rolled her eyes. "Naku, Isel. 'Wag ka nang mahiya sa akin. Iba talaga vibes ko sa 'yo at ang gaan lang. Hindi naman sa kinomkompara kita kay Cinema, but... ayoko na lang magsalita. So, just try this one out. Alam kong babagay sa 'yo ang mga 'to. There's dresses, beach outfits, and some casual clothes. Please, please, try this! Never used ko pa naman 'to. I think ilang buwan na rin nakatambay sa closet ko so I guess it found their new owner!"
Napangiwi na lamang ako at hindi na kami nag-aksaya pa ng oras kung hindi ay nagsimula na siyang ipasukat sa akin ang mga ibibigay niya. Most of them really fits on me and she's literally screaming everytime na may bumabagay sa aking dress.
"You should wear this one later," she suggested. It is peach holter neck dress and it emphasize my shoulder. Napangiwi ako kasi feeling ko hindi bagay sa akin. Nang isinukat ko, tuwang-tuwa si Ate Mallory kasi bagay na bagay sa akin. Fit na fit din at hindi gano'n kahabaan. Just three inch above my knee and she said it would be good kung ima-match ko iyon sa sandals. She was the one who look for the partner at tila binibigay niya lang sa akin 'yong mga gamit niya. I know this costs thousands dahil branded ang mga ito and it seems like it's fine for her. "See? Bagay na bagay sa 'yo. 'Wag mo nang hubarin 'yan. 'Yan na ang isuot mo mamaya."
"Thank you talaga, ate. Hindi ba masyadong OA for the party mamaya? Feeling ko agaw pansinin naman."
"Sus, simple pa nga 'yan, e. And that's fine, 'wag mo na lang isipin 'yong sasabihin ng ibang tao. But I'm sure, may isang hindi magpapakabog." With that being said, parang kilala ko na kung sino 'yong tinutukoy. I don't think I need to guess it, halata naman na kanina pa. "Anyway, keep all of these dresses. Its yours now."
I pouted. "Ayokong maiyak, ate. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Feeling ko hindi ko 'to deserve."
"Deserve mo 'yan! Tama naman ba ang binabayad sa 'yo ng kapatid ko sa tutorial mo sa kanya?"
"Hindi pa naman niya ako binabayaran since kaka-start pa lang namin. I think by the end of the month ko makukuha ang first sahod ko sa kanya."
"Oh, I see. Mukhang may agreement na naman kayong dalawa so I guess labas na ako riyan, but keep this stuff, alright? Ako naman ang nagsabi at hindi si Bennett."
"Sige po... maraming salamat..."
"Anyway, nabanggit mo meron ka nang pang-swimming mamaya? Can I see? 'Cause you know, I still have a lot of spare swimsuits here."
Napangiwi na lamang ako. Wala na naman akong choice. Pinagdadala ko naman ang binigay niyang damit sa akin at saka kaming tumungo sa guest room kung saan nila ako pinatutuloy ngayon. I don't know what would happen next pero sobrang bait sa akin ni Ate Mallory. She's the one who's giving it to me at hindi ko naman siya pinipilit so I'm grateful for how she is to me.
***
"Wow! Isel, ikaw ba 'yan?!" Hindi makapaniwalang usal ni Archie nang makita ako.
Napahagikgik na lamang ako dahil bakas sa mukha niya ang pagkamangha. "Ano ka ka ba, Archie. Ako lang naman 'to. No big deal. Ikaw rin naman ang gwapo mo."
He's wearing grey plaid pants, white shirt over his open summer like collared polo.
Bahagya siyang natawa sa sinagot ko. "Damn, Isel. You get prettier every time I see you. Good thing you're here."
"Good thing, I invited her." Tinapik ni Ate Mallory ang balikat ni Archie.
"So, who are you going with? Kay Bennett ka ba sasabay?"
"Nope, she's coming with me," sagot ni Ate Mallory sa kanya. "Sumabay ka na lang do'n kay Bennett para hindi mo na dalhin 'yong sasakyan mo."
"Oh, okay... hindi ba pwedeng sa inyo na lang ako sumabay?"
"Hindi pwede." Iling pa nito Ate Mallory. "Girls only."
Maya-maya lamang ay lumapit na sina Bennett at Cinema sa direksyon namin. Bennett's carrying a bag, paniguradong gamit nilang dalawa 'yon ni Cinema. Though she's holding a small hand bag, siguro ang laman no'n ay mga kakikayan niya. He's simple though, he only wears a white polo, rolled up the sleeves up to his elbow, and black slacks.
And Ate Mallory didn't lie. She's wearing a slip magenta dress. Meron pa itong para fishnet na nakapalibot sa laylayan ng dress niya which looks like a gown. Hindi na lamang ako nag-react pero nang balingan ko naman ng tingin si Bennett ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
He smiled and nodded.
"Let's go, guys," he announced, swaying out his attention from me.
Nakapulupot sa braso niya si Cinema niya at tumuloy sila palabas ng bahay. Bigla namang lumapit sa akin si Archie saka may ibinulong.
"You really look beautiful today, Isel..." and then he parted, leaving traces of smile to me.
Bigla naman akong hinawakan ni Ate Mallory sa braso ko. "Kung ako sa 'yo, 'wag kang pauuto riyan kay Archie. Bennett and Archie are both alike. If I were you, hanap ka nang mas matino. Those guys? Nope. They're not."
I laughed at what she said. "Friend lang naman po kami ni Archie."
She smirked. "It's what I'm seeing. He likes you so... ingat-ingat din."
Hindi na ako nakapagbigay ng comment ko kasi I think hindi naman talaga aabot do'n ang sitwasyon namin ni Archie. He's funny and cute, pero sa puntong magiging boyfriend ko siya? It's hard to imagine it. Nakaloloka lang.
Lumabas na rin naman kaming dalawa ni Ate Mallory at tumungo sa sasakyan niya. She has her own driver kaya naman pareho kaming umupo sa likuran. Hindi naman daw malayo-layo ang private resort nila. Mga thirty minutes lang din ang nakalipas, nakarating din kaagad kami sa destinasyon namin.
Papasok pa lamang kami ng private resort, sobrang intimidated na naman ako. It was huge and so high class. Never pa akong nakapasok sa mga ganitong klaseng high-end private resort and this would be my first time.
"I hope you'll enjoy the party, Isel."
Napatango naman ako. "I will definitely enjoy this... thank you—"
"Enough na sa thank you." Ngisi pa nito. "Let's find the others and we're going to have some fun!" she exclaimed and her excitement immediately radiates to me. Ang gaan at ang sarap niyang kasama. I feel like she's my safe space ngayon sa lungga ng mga Rochon.
With Cinema around, Bennett was so distance to me. Pero bahala na kung anong mangyari, I was invited and I'm here to have fun. Gaya nga ng sabi nina Serron at Dolly... never let anyone outshine you, be the joy... be the fun kaya magbida-bidahan sa ganap and I think I'm able to do that here. I think so...
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter21 #RSIMChapter21 #WTS5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top