Chapter 2
Chapter 2
"Nasa'n ang manager niyo?" galit na utos ng customer sa akin.
Nanatili naman akong kalmado as I should be. Pinipilit ko namang ngitian ang warfreak kong customer ngayon.
"Bakit ayaw mong tawagin ang manager niyo? I have the right to complain! Go get your manager!"
Calm down your horse, Marites.
"Excuse me." Paglapit ng manager ko sa eksena. Tiningnan naman niya ako and with only an eye contact, he knew what's already happening here and we have to deal again with this angry customer. "May I know what's happening here?"
"Are you the manager?!" the mad lady asked. "Do you really have this kind of employee? So much incompetency."
"No, ma'am. We don't, but may I know what this is all about?" my manager asked her so calm so I hope she'll tone her voice down. Mahinahon din naman ang pakikipag-usap ng manager ko sa customer because we don't wanna get this situation erupted more.
"Kanina pa ako naghihintay ng order ko. Nang ipa-check ko ang order ko at tiningnan niya ang resibo ko, hindi niya pala isinama ang order ko. She even gave me an order number. Nakapupunyeta naman 'to!"
"Ma'am, sorry po," pagpauumanhin ko.
Napaatras na lamang ako dahil ibinigay ko na sa manager ko ang sitwasyon.
"We apologize for the inconvenience, ma'am. Would you still like to get your order?"
"Oo naman!" Galit na usal ng babae at nakuha pa nitong pumaywang.
Bahagya naman akong tiningnan ng manager ko at nginitian niya ako. Senyales na iyon na tumungo muna ako sa ibang station. As I left my manager with the angry customer, napabitaw na lamang ako ng malalim na buntonghininga. This could affect my performance. Sa loob ng apat na taon ko bilang isang crew rito sa fast food place na 'to, I've only encountered a few, but I guess she's the worst of them. Lakas maka-attack on titan si ate girl.
Tumulong naman muna ako sa drive-thru at ako ang nag-aabot ng mga take-away meals ng mga customer. As of today, mas maraming drive-thru customers kaya pila-pila rin ang order na pine-prepare ko. Kahit ang utak ko ay nasa paghahanda ng mga order, hindi ko pa rin naman maialis ang isipan ko sa nangyari kanina.
In that case, mapagsasabihan ako ng manager ko, but I also have the right to explain myself. They say the customers are always right, but there are times that they stepped into the line too much that it causes wildfire. Ayoko ng gano'n pero hindi maiiwasan sa nature ng trabaho ko.
People would do what they would like to do, kahit na nakasisira na ito ng confidence o kaya naman ng dignidad ng ibang tao. People don't mind if they weren't on that position. They'll just laugh it off. At kami itong uuwing luhaan.
"Isel, ayan na 'yong next car," paalala sa akin ng kasamahan ko.
"Yup! On it!" Pagkompirma ko sa kanya at agad kong itinuon ang sarili ko sa window kung saan papalapit ang next car. Hinanda ko na rin naman ang orders nito para i-aabot ko na lamang.
As soon as the car stopped right in front of the window, I plastered a smile on my face and ready to face another customer.
"Good afternoon, sir," I greeted as soon the man turned to face me. Pero biglang nanigas ang buo kong katawan nang ma-realize kong pamilyar—sobrang pamilyar ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "I—good afternoon, sir."
He bob his head. "Yes, good afternoon."
My mind literally fell out of coordination. Biglang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bigla akong na-blanko. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking kaharap ko ay ang taong hindi ko inaasahang makahaharap ko ngayon. I wasn't expecting to see him today—as I thought, ever again.
His monolid-shape eyes, fine to thick brows, brown eyes, his delicate pointed nose, and his undercut hair that really looks good on him.
"Miss, where's my order?" he asked.
"Isel!" Mahina naman akong tinawag ng kasamahan ko. Siniko niya pa ako dahilan para lingunin ko siya. Halatang gulat na gulat naman ako base sa reaksyon na binigay ko sa kanya. Napakunot noo siya dahilan upang ikapagtaka ang naging reaksyon ko. "'Yong order ni sir. Ibigay mo na."
"Yup, I'm on it."
"'I'm on it' ka r'yan, I feel like you're out of place."
Hindi ko na naman siya sinagot kung hindi ay mabilis kong kinuha ang order niyang burger, float, fries, at spaghetti. Siya lang ba ang kakain no'n?
Pagkaharap ko sa window at nang iaabot ko na ang order nila ay ro'n ko lang napansin na may kasama pala siya sa loob ng sasakyan. Nang inaabot ko sa kanya at kinukuha niya mula sa window ay dumungaw ang kasama niya mula sa loob. At isa iyong babae. As he took the paper bag, inabot niya agad iyon sa babaeng kasama niya.
"Thank you, babe," usal ng babae.
"Alright." Bumaling ulit itong lalaking ito sa akin at kinuha ang cup holder ng drinks nila. Nang mahawakan niya ang cup holder, I knew his hand touches mine as well. Haplos lamang pero nanginig ang buo kong katawan. "Thank you, miss." He said as he retrieve his arms back inside his car and I knew he looked at me from a peripheral view before he lift the window again and the leave the window spot.
It seems like he doesn't remember me at all. Isang linggo na rin naman ang nakalipas and I believed at this point, he already forgotten what happened last week. And I'm fine with it. Hindi ko alam kung bakit parang kabadong-kabado ako. Wala naman akong utang sa lalaking iyon. He was the one who initiated the act, pumayag lang naman ako.
"Isel, anong meron?" pagtatanong muli ng kasamahan ko.
Hinarap ko naman siya at umiling ako. "Wala. Wala... tara let's go back to work na."
Naningkit na lamang ang mata niya at bahagyang napangisi. "Oh... okay... sabi mo, e. Alright, next car, next order na."
Bumalik naman kaming dalawa sa trabaho namin, but I can't seem to focus my attention on what I'm doing. Bakit bigla akong na-conscious? Bakit bigla akong kinabahan? It's not like I did something bad to him, but that encounter between us embarrass me to the core. It's humiliating!
Wala nga akong pinagsabihan sa nangyaring ganap no'n, kahit pinagpipilitan ng mga kaibigan kong sabihin 'yon, I didn't spill it out kasi nakakahiya nga. Oh, gosh, thinking how everything went, gusto ko na lang magpalamon sa lupa. And the fact that he has a girlfriend made me feel so guilty of agreeing with him.
Is he cheating?
It's not like I'm tolerating the act, but if he's cheating and he likes to pick up girls out of nowhere, would that be kind of creepy? Should I tell his girlfriend ba?
"Isel." May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko nilingon. Nang kalibitin ako ng kasamahan ko ay ro'n lang muli ako natauhan. "See? Medyo lutang ka nga today. Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Ah—wala naman... bakit? Next car na ba?"
"Tingnan mo 'to, lutang na lutang ka talaga," paninita pa nito sa akin. "Tinatawag ka ni sir. Kausapin ka yata. May nagawa ka bang mali?"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Sige, lutang pa more! Puntahan mo na si sir, dali!" pagmamadali pa nito sa akin.
Agad ko namang tinungo kung nasaan ang manager ko. Nakita ko rin naman kaagad ito at saka ko nilapitan. I tried to wear a smile on my face kahit alam ko na kung saan aabutin ang usapan naming dalawa. It could end worst or to what I hope for, I should be fine. But let's not always hope—I never did also.
"Sir," pagbati ko. I put my hands behind my back and I'm trying to sway my body out of getting nervous about this. I'm always nervous when I was called. It's going to be either good or bad, but I know in the past few weeks, I have been showing good performance and that mad lady won't ruin my reputation.
"Crisel," pagbanggit nito sa pangalan. Isang sandaling katahimikan ang bumalot bago siya muling magsalita. "I took care of that lady. Okay na. Wala ka na dapat pang alalahanin pa."
"Sir..." nanginginig kong usal.
Bahagya namang natawa ang manager ko. "Alam kong masyadong warfreak 'yong si manang kanina, but you're fine. You don't have to worry about anything. And you were right all along. Cinancel niya rin pala 'yong order niya at ibang order ang hinihintay niya ma-serve. You're good, I know you're handling it well so still good job, Crisel."
I felt so relieved when I heard that from him. It is an assurance na hindi ako palpak. Na hindi talaga ako palpak. That mad lady questioned my sanity today. Lalo na't idagdag pa ang hindi ko inaasahang pagkikita namin ni—hindi ko alam ang pangalan niya at wala rin akong balak kilalanin pa.
All throughout my shift, I tried to stay sane and away from the mess earlier. Unti-unti ko namang na-re-recover ang sarili ko sa pagiging lutang kanina. And by five in the afternoon tapos na ang shift ko at kailangan ko ng umuwi and just like the usual afternoon day, palagi na lang umuulan.
Wala akong payong na dala pero mga tatlong kanto na lamang ang layo ng dorm ko. I'm not sure if I'm going to risk it today or not. Pwede naman akong magpatila pero hindi ko sigurado kung hanggang anong oras titila ang ulan. Hindi pa naman gano'n kalakas at kung maghihintay pa ako ng ilang minuto, baka mas lalong lumakas. And if I'm going to run under the rain, pwede naman akong magbanlaw kaagad pagdating ko sa dorm.
Maybe that's what I should do. Wala rin namang mababasang importante sa loob ng bag ko kaya isinuot ko rito ang extra shirt ko. Nang masigurado ko namang makatatakbo na ako sa ilalim ng ulan, hinanda ko na ang sarili.
Sinuong ko ang panaka-nakang pag-ulan. Hindi pa naman gano'n kalakas. Ayoko rin namang ma-trap sa baha mamaya if ever. Mga ilang minuto nang palapit na ako sa dorm ko, isang kanto na lamang ang layo nang biglang may sasakyang biglang lumiko sa pagtawid ko. Bumagsak ako sa sahig at mas lalong nabasa ang suot kong damit—hindi naman ako nabangga kung hindi ay nagulat ako sa malakas na pagbusina nito.
The person inside the car is about to get out and before he could even show himself, I knew who's car this is kaya hindi na ako nagdalawang isip pang tumayo mula sa pagkasasalampak ko sa sahig. I didn't look back at him instead I continued running away from his opposite direction and headed back to my apartment.
Pagkarating ko sa kwarto ko, nakasalubong ko si Tessa na puno ng gulat at taka nang makita ako.
"Girl, ba't wet na wet ka?" tanong pa nito sa akin. Kumuha naman siya ng towel at inabot sa akin. I tried to cover it just around my shoulder.
"Magbabanlaw muna ako," sagot ko sa kanya. Nagsimula naman akong kumuha ng damit ko para maligo sa common bathroom at iniwan ang bag ko.
"Anong meron? Katatapos lang ba ng shift mo?" tanong nito sa akin. Tinanguan ko na lamang siya. "And bakit basang-basa ka naman?"
"Mamaya na chika, Tessa," aniko at saka ako tuluyang pumunta ng common bathroom para maligo.
As I got into the bathroom, hang my clothes and the towel. Dahil walang shower ang common bathroom, napaupo na lamang ako sa sahig habang nagbubuhos ng tubig sa ulo ko gamit ang tubig. And I couldn't seem to wash my mind away from what happened earlier.
Do I have to meet him twice on the same day? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? I feel like I shouldn't feel this way at all pero kabang-kaba ako. I tried not to think of it, but it always comes back in my head.
Oh, gosh, why do I feel like this boy became my nightmare now? Nakaloloka.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter2 #RSIMChapter2 #WT5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top