"Are you not gonna ask me again why I did that? You scared of me?"
The rain ceased falling. Gino was puffing on a cigarette as vehicles drove down the road. Ngayon ko lang ulit nalaman na nagsimula ulit siya sa paninigarilyo. I had told him to quit smoking, which he did, but he is now resuming his bad habit.
We are both currently seated on a bench, facing the road where vehicles are passing by. The shore is situated right behind us, so we can hear the sound of the waves crashing onto the shore as well as the horns of the passing vehicles. The air was naturally clean, but it was being clouded by the smoke emanating from Gino's cigarette.
"No." I pursed my lips. "I must be the fear in this place. I'm the one."
Naging mahina ako para sa kaniya. My trust in him was weak, which gave me a reason to be skeptical. I thought I was living in a fairy tale so I decided to live more in reality. Yet he gave me both fantasy and reality. But I was still doubtful, I still doubted the entire him.
Perhaps it was fear of losing all the great times he gave me, as well as the things I was willing to cherish for the rest of my life that led me to believe that he would be able to ruin it eventually. Because I grew up in a world where fear was more prevalent... I was a product of that.
I regret all that.
"Why so?" When he looked at me after puffing the smoke into the air, he had put down the cigarette. His eyes were full of questions. He stared at me from head to toe. "I don't see you like that. All I see is a person who deserves lifelong care."
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at ganoon din siya. Naghihitay ako kung may sasabihin pa siya ngunit bigla na lang siyang tumawa ng malamyos bago umiwas ng tingin sa akin.
I'm not sure if he was being serious or quizzical when he said that. But, it was more evident that he was trying to make light of me.
"Stop babying me," pabirong sabi ko at ngitian niya lang ako.
Nakangiting umiling siya. "How could I?"
That makes me flutter. Hindi ko na masukat kung gaano na itong hiyang nararamdaman ko. Sa lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya ay nagagawa niya pa ring ngumiti na parang walang nangyari.
"I still remember the day you said you needed me." Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang nararamdaman. "Especially when you said save me."
Sobrang bigat para sa akin na isipin ang mga pagmamakaawa niya na hindi ko natugunan. I felt doubly sorry because I didn't even help him as much as he helped me, and my guilt was tripled when I found that I was the only one who ruined that day.
"Sorry," nanghihina kong sabi. "Wala akong nagawa para sa 'yo no'ng araw na 'yon."
I should be wondering kung bakit niya ako kailangan na kailangan noong araw na iyon. Nagawa niya pang magmakaawa sa akin para lang makahingi ng tulong. Ngunit hindi ko nalaman ang mga dahilan at rason sa likod ng pagmamakaawa niya dahil sa mga ginawa ko, dahil sa pagtaboy ko sa kaniya.
He gave a slight nod while keeping his gaze straight. Malalim ang kaniyang iniisip. Maya-maya pa ay nilingon niya ako at nakita ko na lang sa harapan ko ang hawak niyang stick ng sigarilyo. He invited me to try it, but I refused. Marahan akong umiling at tiningnan niya iyon saka niya inihulog sa sahig at tinapak-tapakan para mamatay ang sindi.
He plastered a wide smile on his lips. "Iniisip mo pa rin pala 'yon?" Nag-inat siya, humikab at muling tumingin sa harapan bago pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "What do you want me to say or do to get your mind off of it?"
My gaze on him gradually shifted elsewhere. My eyesight slowly became blurry as tears started to form in my eyes. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, I awfuly burst into tears.
Mas lalo ko lang pinagsisihan ang mga ginawa ko nang marinig iyon sa kaniya. Mas lalo ko lang kinaiinisan ang sarili ko. Kahit kailan... kahit kailan ay hindi ako nakatanggap ng galit mula sa kaniya. He was always humble.
Marahan siyang umusog palapit sa akin at may pag-aalangan pa siyang hinimas ang likuran ko. I can see his worry as he watches me sobbing. He did everything he could to put me at ease.
"S-Sorry..." nauutal kong sambit. "Sorry, Gino..."
Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng haplos niya sa likuran ko. Our bodies eventually came together, and he took my head to lie on his shoulder. I spilled all of my ugly and destructive woes onto his shoulder, and he just let me.
When the silent night came, I was able to lift my head away from his shoulder. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim para pagaanin ang nararamdaman.
Nilingon ko ang katabi ko, tahimik lang siya na nasa harapan ang tingin. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang matagal kung kaya't ngayon ko lang din napansin ang pagbagsak ng katawan niya, pumayat siya ng kaunti at mukhang hindi pa sapat ang tulog.
"Why don't you ask me why I avoided you after the fest?" I randomly asked.
I brought up that matter again. He didn't ask me why I avoided him before. It's like he just understood all the possible reasons... my reasons will be.
Nakita ng gilid ng mata ko ang tahimik niyang pagtitig sa akin.
"Why?" he asked.
Mapait akong napangiti. Iniisip ko pa lang ang dahilan ko ay napaka labo na kaagad noon, napaka babaw.
"When I saw you with someone else, I assumed that you two were together."
"I and Ate Kirsten?" he asked.
Malalim ang pagkakabuntong-hininga ko. "The day I saw you happy and laughing with her, naisip ko na... ganoon din kaya si Dad? That he has someone where he could see the beauty of life than us."
Alam kong ayaw ni Dad sa akin, at alam kong may bagay na pumipigil sa kaniya na gustuhin ako pero sana... sana sa akin na lang, kahit hindi na niya ako tanggapin bilang anak ang mahalaga ay naging totoo siya kina Mommy at Ava. Kahit sila na lang ang ituring niyang pamilya huwag na ako.
"I understand that we all just want to be happy, but is it right to cheat on someone? He only wanted to be happy and I don't want to take that away from him, but he cheated." I heavily sighed.
"You think... I was cheating on you that time?" he asked.
"That's what I saw."
"And you think... I can do that to you?"
"Hmm." Tumango ako at tumingin sa kaniya. "I'm sorry, I was wrong-"
"Then I should be better at avoiding things that might hurt you," he said and began softly caressing my head. "Babaguhin ko ng kusa kung ano ang mali sa 'kin. I'll do it, Yshawn."
Inalis ko ang mga mata ko sa kaniya at napababa na lang ako ng tingin, pinipigilang huwag maluha. "Ang dami ko nang atraso sa 'yo. Pati kay Lola Coleen. Hindi ko rin naman na pwedeng balikan 'yon para ayusin... sorry."
Umayos siya ng upo at muling tinuon ang paningin sa may kalsada. "Gusto mo bang bumisita sa museleo niya?" There was a smile on his lips when he said that.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumayo na siya at nag-unat ng katawan. May pag-aalangan ako sa sarili ko dahil iniisip ko ang oras. Maghahating gabi na.
"Would you like to pay her a visit?" Nagtaas siya ng isang kilay at hinihintay ang magiging sagot ko.
Walang pag-aatungal at pagdadalawang isip akong tumango. Kinundisyon ko ang sarili ko at tumayo. He smiled at me before pocketing his hands on the jacket.
Pagkarating namin sa Green Hills Park ay hindi ko inaasahang may mga vendor pa rin ang nagtitinda. We bought flowers and candles before entering the cemetery.
He has the key. Nang makapasok kami sa mausoleum ni Lola Coleen ay hinayaan ako niya ako na ilapag ang mga bulaklak at magsindi ng kandila. Nasa gilid ko lang ang lalaki na tahimik na nakamasid.
I sat in front of her grave and soon wiped my tears. "Lola... Nursing student na po ako. Ilang beses ko na 'tong nakuwento sa 'yo, baka naririndi ka na sa 'kin." In the middle of my tears, I managed to laugh. "Pero... Natutuwa lang po kasi ako na sa dinami-rami ng hirap na pinagdaanan ko, ilang taon na lang ay pagiging registered nurse naman po ang goal ko."
I'm not sure how my life will unfold, but it's not a bad picture to accept and feel the success right immediately especially since it's my sole source of inspiration for me to keep going.
"H'wag na po kayong mag-alala sa 'min. Malaki na po kami, kaya na po namin ang sarili namin." Susubukan ko po ulit tuparin ang ipinangako sa 'yo na manatili ako sa tabi ng apo niyo. "Tinutulungan po ako ni Gino, nariyan lang po siya parati sa tabi ko. Kaya may maganda akong balita para sa 'yo Lola... B-Binabawi ko na po 'yong sinabi ko na ayaw ko sa apo niyo."
Marahan kong nilingon ang lalaki na nasa gilid ko. When I looked into his eyes, I saw the tranquility in his eyes once more. He gave me a lovely smile.
"S-Sisikapin po naming maging matatag. Hindi ko na rin po uubusan ng ulam si, Gino. Pangako ko po na bibigyan ko pa po siya ng mas marami pa n'on. Magiging patas na po ako sa kaniya. Hindi na rin po kami magtatalo. Susundin ko po lahat ng payo niyo sa 'min." Muli ko na namang hindi napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. "M-Miss na miss na po kita, Lola Coleen!"
Tatlong mahahalagang tao sa buhay ko ang nawala. And each of them gave me a lot of souls. They gave me words I could use. Lessons that I will never forget.
I went up, regaining strength, telling myself that I would never let it go. Marami na akong nasayang na panahon at nasira, ito na ang oras para iwan iyon at magsimula ulit... Kasama muli si Gino.
Muli kong kasama si Gino sa paglalakad papunta sa apartment na tinutuluyan ko. Sa una ay akala ko magiging awkward kami sa isa't isa pero madali lang nanumbalik sa normal ang lahat.
"'Yong mga sinabi mo kanina... What do those mean?"
Napatingala ako sa kaniya nang marinig ko ang pagsasalita niya. "Alin do'n? 'Yong sa puntod ba ni, Lola Coleen?"
"Hmm." Tumango siya.
Muli kong tinuon ang paningin ko sa harapan at iniisip ang mga sinabi ko. "Hindi ko pa 'to nasasabi sa 'yo noon... Marami ka nang ginawa para sa 'kin. Simula umpisa hindi ka pumalya sa pagtulong. So I think... I shall do my part as civil as yours."
I know that I don't need to owe him anything because as he told me before he didn't ask for anything in return for the help he did but... Hindi ko pwedeng hayaan na siya na lang palagi. I should do my part now.
"Two heads are better than one. It's better to work together, isn't it?" I asked.
Ngumiti siya at marahang tumango. "You sound older than me."
"Mentality is not classified by age as long as you have principles."
He chuckled softly. "You really sounded older than me."
Sabay kaming huminto sa paglalakad nang marating na namin ang gate ng apartment. I faced him. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa, parehong sabik na muling masilayan iyon.
"Salamat," I said with a natural smile on my lips.
"Sa paghatid?" simpleng tanong niya.
"Sa lahat." Napakabuti mong tao. I don't know anything better to match that, all I know is that you are more than me and everyone else.
Hindi siya nagsalita, malalim lang ang pagtitig niya sa akin. The last thing I witnessed was him approaching me. Noong ilang metro na lamang ang dumidistansya sa amin ay malamyos niyang inilapat ang palad niya sa pisngi ko.
He cupped my face, and I thought he would kiss me on the lips because that's where he directed his. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang paglapat ng malambot niyang labi sa pisngi ko.
After a while, he hurriedly pulled it off and turned his back on me. "G-Good night," nauutal na sabi niya at magsasalita pa sana ako nang bigla siyang maglakad paalis.
Mabilis kong sinuot ang high top sneakers ko sabay na umupo sa kama para magsintas, nabasa ko kasi ang message niya na pinapamadali niya ako dahil malapit nang mag-rush hour. Mahirap makahanap ng bus na may bakanteng seat kapag ganoon.
I stood up and checked myself in the mirror. Bumabagay naman sa akin ang suot kong brown khaki jacket na naka-unzip and the one underneath was a plain white shirt. On my bottom is a white culotte.
Ito ang unang trip na hindi namin napaghandaan. Tahimik lang si Gino sa tabi ko at simple lang naman ang suot niya, black na shirt at loose na ripped jeans. And he has a shades on. May hikaw rin siya, 'yong ring earrings noong nagpabutas siya.
Nang marating na namin ang lugar ay hindi ako magkamayaw sa tuwa. Ang in-e-expect ko kasi ay hindi ganoon kaganda iyong lugar. Ibang-iba talaga kapag sa pictures mo lang iyon nakikita.
Noong nasa counter kami for entrance fee ay pumasok kaagad ako kahit hindi pa nakakapagbayad. Si Gino na ang pumila para roon.
"You're like a kid just now allowed to go out." Pang-aasar na sabi ni Gino nang tumabi na siya sa akin.
"Ngayon lang kasi ako nakapunta rito. Ang ganda!" I replied enthusiastically.
"Hmm, ang ganda," sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin.
Pagkapasok namin sa lugar ay parang mas lalo nilang minaintain ang spot, sinabayan pa ang iba't iba klase ng bulaklak sa paligid. Sa kaliwa't kanan namin ay mayroon niyon. Sakto lang din ang klima, mahangin at katamtaman lang ang init.
Habang naglalakad ay panay ang hinto namin dahil kahit saang pwesto ay maganda ang view. Pero ang mas nagpukaw ng atensyon ko ay iyong malaking kamay roon sa ibaba, pinuntahan namin iyon kaagad.
"Okay na ba?!" Kabadong sigaw ko dahil may kataasan din pala ang statue na 'to. Pumagitna pa ako ng kaunti noong sinenyasan niya ako na umurong.
"Yeah, yeah. That's it, it's lovely! You look awesome!"
Nakailang shots din ako bago bumaba para tingnan lahat ng kuha niya. Gamit niya ngayon ang dati niyang instax camera. Naalala ko na ilang taon na 'to sa kaniya. Ito iyong camera na ayaw niyang ipahawak sa akin. He said that I have clumsy hands.
"How was it?" tanong niya habang inisa-isa ko pang tingnan ang mga iyon.
"Ayos lang. Maganda."
Tumango-tango naman siya. "One, two... Apat na film din 'yan so as estimated, fourty pesos times four... One hundered sixty." Naglahad siya ng palad sa harapan ko, sinisingil niya ako!
Kumunot naman ang noo ko. "Ba't may bayad? Ang daya mo naman! Ang damot mo! Libre na lang 'to!"
"Eh, ang mahal kaya ng film. I should use my money on other essential things, not the film!"
"Wow? This is also essential when traveling." I made a face. "Kasalanan ko pa yata?"
"Is that a question? If so, yes," may diin niyang sabi.
Ako ang nag-suggest na pumunta kami rito kapag may bakanteng oras kami. Minsan niya kasing na-open sa akin na gusto niyang gumala kaya tinanong ko kung ano iyong mga nasa bucket list niya, at kasama na roon ay ang makapunta rito. Kaya noong pareho kaming may bakanteng oras, tinanong ko siya kung gusto ba niyang pumunta rito, pumayag naman siya na hindi ko pinipilit!
"Pareho naman nating ginusto na pumunta rito, ah? Saka choice mo naman na bumili ng film, hindi ako!" He made me regret coming here. I think hindi magandang ideya na pumunta kami rito, napagasto pa tuloy siya dahil sa akin.
He groaned and rolled his eyes as if he was done with me. "Why you're so serious about it? It's supposed to be a joke, Yshawn." Tumawa siya at gigil na ginulo ang buhok ko.
Mahinang siniko ko siya sa tagiliran niya. Napaatras naman siya habang naroon pa rin ang mapang-asar niyang tawa. Nag-ikot-ikot pa kami at maya't maya ring napapahinto kapag may nakikitang magandang view.
"One, two, three!" Nakailang shots rin ako para sa kaniya bago kami pumunta sa iba pang spot. Nagtagal kami roon sa parang nest, hugis pugad siya na may butas sa gitna para maupuan.
Ang sunod naming pinuntahan ay ang Cliffs Pavilion. Isa iyong malaking mall na puno ng mga restaurants. Ang mas kinaganda pa noon ay tanaw sa gilid nito ang dagat.
Pumasok kami sa isang diner pero tumanggi kaagad ako nang makita ko ang presyo. Kaya dating gawi, dinala ko siya sa McDo at naghanap muna kami ng table bago um-order. Nang makahanap ay umupo kaagad ako. Napatingala naman ako sa lalaki nang makita sa harapan ko ang kamao niya.
"Ano 'yan?" I frowned.
"Oh come on, don't pretend you don't know," he said with a big smile on his lips.
"Bato-bato pik... para sa'n naman?" He gave me a sidelong smile and a meaningful gaze, and I immediately understood what he was trying to say. "Hindi mo 'ko ililibre? Hindi ako sanay."
"Walang madaya sa offer ko." Tumawa naman siya. "This is for the sake of fairness. Kung sinong matalo siya manlilibre, game?"
Muntik ko nang makalimutan, ito pala ang hilig niya. He absolutely loves seeing me lose! Bumuntong-hininga na lang ako at pinorma na ang kamao sa kaniya. Unang bagsak pa lang ng mga kamao namin ay talo na agad siya.
"What?" hindi makapaniwalang saad niya.
Iminuwestra ko ang mga palad ko pagprisenta sa daan. Inaasar ko siya na pwede na siyang umalis at um-order ng pagkain na siya mismo ang magbabayad.
When I noticed his outstretched hand in front of me, I frowned once again. "Para saan na naman 'yan?"
"One hundred sixty, give it to me. Pay me right now." He raised a brow.
I really can't with this man... He's such a nuisance. Kala ko ba ay nagbibiro lang siya? Napasinghap na lang ako at umiling. Kinuha ko na lang iyong gusto niya at inabot iyong pera sa kaniya ng padarag.
"Are you mad?" He laughed at me before leaving to line up at the counter.
Hindi rin naman siya nagtagal at umupo na rin siya sa harapan ko. He ordered the same food as before, and it didn't take long for it to arrive. Gusto ko sana ay iyong Mix & Match para makatipid pero sa nararamdaman kong gutom, gusto nito ng 1 peice chicken.
"I love this place." Biglang pagsasalita ni Gino, nakatingin lang siya sa akin.
Nailang naman ako. "Hm-hmm, maganda."
He folded his arms and leaned there watching me eat. "What's your dream destination? Apart from local places here. Uhm, wait. Not totally dream, siguro 'yong pinaka gusto mo lang."
I awkwardly laughed. "We've never talked about things like this before, you're weird."
I saw him pouting. "Kahit isa lang... sasabihin mo lang naman."
Natawa ako sa inasal niya. "Okay. Siguro... uhm, 'yong pinaka gusto kong puntahan ay sa Biei Hokkaido. Sinabi mo sa 'kin dati na maganda ro'n, at naniniwala ako. Gusto ko 'yon mapuntahan."
Biei Hokkaido was his grandparents' province. I recall him telling me how beautiful that place was, especially in May when various flowers began to bloom. But he said that July is the best time to visit. June and August are the second best.
Shikisai no Oka, is a place in Hokkaido where he went. He said that the actual sight is extremely breathtaking. It was beautifully designed flower beds, and several sorts of flowers of various hues were planted... They appear to be artistically stitched rainbow sashes that cover the entire slope.
"You still remember what I told you about that place?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hmm..." Tumango naman ako. "Naaalala ko pa nga na ako 'yong gusto mong makasama kapag bumisita ka ulit do'n."
I still remember everything he told me even though it was 7 years ago.
Tumawa siya at napatakip ng mukha, nahihiya. "I was only sixteen when I said that to you."
"And I was fourteen," may diing sabi ko.
He grinned and shook his head before falling silent and staring at me again.
"Gusto ko pa rin... sasama ka ba?" he asked softly.
I gave him a long stare before flashing a smile and nodded without hesitation. "It's a promise?"
He beamed and nodded. "Promise."
That day ended with laughter and a return to old patterns. Una ay nahirapan kaming maka-adjust sa isa't isa pero noong kalunan ay siya na ito ang lumapit sa akin para magtanong.
When he asked how I felt when I was with him, I told him the truth, may ilang pa rin ako sa kaniya. I don't know, what I did to him still haunts my mind. Na-gui-guilty pa rin ako.
But he clears the air. Diyaskeng pareho pala kami ng nararamdaman. Pinag-usapan namin ang bagay na iyon, and it all worked out. We both understood and explained things.
Napalingon agad si Gino sa akin at mabilis na tumayo bago ako nilapitan, napayuko ako sa hiya. "Sa'n ka galing? Hinintay kita." He's waiting here in my apartment.
Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay humingi agad ako ng sorry noong iniwan ko siya roon sa hintayan namin, nakayuko pa rin ako. Hindi ko nabasa ang message niya na hihintayin niya ako sa gate.
Narinig ko lang siyang bumuntong-hininga at kinuha iyong box na nakapatong sa table. Habang hila-hila niya ako paakyat ng roof nitong mataas na apartment ay nagtatakang nakatingin lang ako sa kaniya. Wala siyang sinasabi kung bakit kami aakyat doon.
"It's okay. Not a big deal," sabi niya and I still cannot speak! Nahihiya pa rin ako sa pag-iwan ko sa kaniya roon. Nakaupo lang ako sa bean bag lounger habang nakaluhod siya at tahimik na sinusuotan ako ng knit socks dahil sa lamig ng klima.
Namataan kong naka-set up na lahat, iyong dala niyang box ay smart projector pala ang laman niyon kaya may bitbit-bitbit din siyang white tarpaulin.
He put everything up, made the snacks, cooked the popcorn in the hot oil machine, and served it in the serving box. The glistening rechargeable fairy lights made us appear to be watching movies under the stars.
"Sa'n ka nagpunta?" Pagsasalita ng lalaki nang makaupo na rin siya malapit sa tabi ko, hindi muna niya pinlay iyong movie.
"Kumain lang," kaswal na sabi ko. Ang akala ko ay iyon lang ang gusto niyang marinig na sagot ko. Hindi siya nag-aalis ng tingin sa akin, mukhang nagtatanong ang mga mata niya. "Kumain, kasama si Prince. Sa condo niya."
Kanina ay nagpatulong saglit sa akin si Prince sa thesis nila at malapit lang din naman ang condo niya sa school kaya doon ko na lang din siya tinulungan. I only looked at the errors and construction noong content. Hindi naman kasi ako pamilyar sa Law na nababasa ko ro'n.
He looked away and sighed before getting his head down. "I'm... I'm jealous."
"Huh?" I confusedly asked.
Nilingon niya ako at mabilis lang din iyon dahil kumuha siya ng unan. Naguguluhan ako sa inaasal niya nang ginamit niya iyon pangtakip sa mukha niya. "Nagseselos ako."
"A-Ano? 'Di ko marinig..." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na matawa dahil sinaklob niya pa ang mukha niya noong unan at doon nagsasalita.
Inalis na niya iyong unan sa mukha niya at ibinato sa kung saan. "Wala, hayaan mo na."
Napakunot na lang ang noo ko sa inakto niya. "Alam mo, minsan ang gulo mo kausap."
He sighed and tossed his body into the bean bag, his gaze fixed on the sky. "I was just curious what you two were up to."
"Malamang kumakain kami no'n, Gino."
"Yeah, I get the point. I get the point na kumakain. Pero pwede ba naman 'yon? You just eat and then do nothing nor talk?"
"Pwede," may diin kong sabi.
"What?" hindi makapaniwalang sabi niya, mukha na siyang iretable.
"Nagpatulong lang siya sa research," sinabi ko na dahil tumataas na ang tono ng boses niya. "Galit ka ba?" inosenteng tanong ko.
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya at ang nguso naman ay humaba. "Ha? Sinong galit? Ako? Hindi, ah!"
"Nagseselos?"
"What? Oh, no, I'm not..." Mabilis ang pagtanggi niya at halos magdugtong na ang mga kilay niya sa sobrang pagkakunot nito. "Jealous... is it a word in my vocabulary? Does that word exist for me? Never."
"Okay..." I made a face. Ang defensive naman. Kumuha na lang ako ng pop corn noong umalis na siya sa tabi ko para i-play na iyong movie. "Hinalikan niya 'ko."
Halos matapon ko na ang hawak kong pop corn dahil sa gulat noong makarinig ako ng ingay. Aksidente niyang natapakan iyong kawali dahilan para mahulog ito sa sahig.
Mabilis naman akong tumayo para tulungan siya sa pagliligpit. Habang nililigpit namin iyong mga kalat ay pansin ko sa kaniya ang pagkairita.
"Ayos ka lang?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Dulot 'to ng hitsura niya na animo'y nagtatampong bata. I then burst out laughing. "Anong hitsura 'yan? Biro lang, uy!"
He just hissed. Tumayo na siya at itinabi iyong mga gamit saka muling bumalik sa kinauupuan. Wala siyang imik na umupo roon. Mukhang hindi naman talaga siya nagseselos.
"Tabi diyan, nanonood ako." Pagtaboy niya sa akin. Hindi pa nga ako tapos sa paglilinis ng kalat na siya ang gumawa at ganyan niya pa ako kung itaboy.
Minadali ko na lang iyon at nang matapos ay malalim akong napabuga ng hininga. Sabay na naming tahimik na pinapanood ang movie pero hindi ako makapag-focus. Nakikita ko pa rin kasi sa kaniya iyong gitla sa noo niya. Mukhang galit.
"I admit he's kind but that doesn't mean I'll replace you with him or what. Prince is my friend, and I just want to reciprocate his kindness to me as his friend, too." I assured him.
He leaned his back at inilagay ang mga kamay sa likuran ng ulo bago tumingala sa langit sabay na ngumiti, he looked comf'table now!
He nodded slowly. "Hmm... 'kay. Thanks." Nilingon niya ako habang ganoon pa rin ang kaniyang posture.
Malokong kinindatan niya ako kaya napaismid naman ako. "'Kay, Thanks." I make fun of his words.
Napalingon ako kay Gino noong may binulong siya at nang tinanong ko kung ano iyon ay mabilis siyang tumanggi na wala lang iyon.
Tahimik siyang tumayo para mag-refill ulit ng pop corn at nang makaupo ay pinagmamasdan ko lang siya, napanood ko ang pag-galaw ng lalamunan niya. Even though he's calm, my mind is still racing with questions, and those are the ones I want to ask him.
I want to make sure he's okay when he laughs or smiles, mad or scared. I want to know that his emotions are real. I want him to be open to all of his feelings, especially when he is going through a tough moment. So I can be with him through it all.
Nag-focus na kami sa panonood ng movie at may kaniya-kaniya pang opinyon sa magiging ending niyon. Hanggang sa natapos iyong movie ay napatulala na lang ako, naririnig ko namang pinagtatawanan niya ang naging reaksyon ko roon!
Hindi niya sinabing disturbing ang movie na iyon! It's Holocaust, nasama iyong dalawang bata roon sa isang room kung saan sinusunog iyong mga Jewish people. Mabilis akong tumayo at pinulot iyong unan saka ko siya pinaghahahampas.
Kung paano kami nagkaayos kaagad ay ganoon lang din kabilis ang paglipas ng panahon. May mga moment na nagtatalo kami pero mabilis lang din na nagkakabati dahil palagi ring nariyan ang pagkakataon na pinag-uusapan namin iyon ng maayos.
Sa sobrang saya hindi na namin namalayang Christmas break na pala at may kaniya-kaniyang trip ang mga kaklase namin kasama na si Bea. Hindi ko rin nakalimutang bisitahin si Jaz at bigyan ng kahit mumunting regalo ang mga kapatid niya.
Habang pinagmamasdan ko silang masaya ay nakakataba iyon ng puso. Ngunit may isa pa akong hindi nakikita, ang kapatid ko. Noong magtatapos na ang taon at papasok na ang bagong taon, dalawa lang kami ni Gino ang nag-ce-celebrate noon.
"Yshawn, buksan mo 'tong pinto!" Halos mabasag ko na ang pinggang hinuhugasan ko noong dali-dali ko itong inilapag. "Buksan mo!"
It was Gino's voice, and the tone was out of the usual. I anxiously rushed to the door. Nang mabuksan ko ang pinto ay mabilis niya akong nilapitan at yinakap. It was tight, and I could feel him shaking.
"Anong nangyayari sa 'yo?" I spoke with a nervous voice.
Noong kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin ay hindi niya ako matingnan sa mga mata. Tensiyonado siya at malikot din ang mga mata.
Ang mas lalong nakapagbigay kaba sa akin ay halos hindi ko na makilala ang taong nasa harapan ko sa sobrang pagkabalisa niya. Nakasabunot ang mga kamay niya sa kaniyang ulo.
"Sumama ka sa 'kin! Samahan mo 'ko. Sumama ka, Yshawn. Sasasamahan mo naman ako, 'di ba?"
I shushed him and rubbed his cheek to calm him down. "Sasama ako. Kumalma ka, ha? I'll go with you... I promise..."
Tumango-tango siya at hindi ko inaasahan ang malakas niyang paghatak sa akin palabas ng apartment. Natataranta pa siyang isinuot sa akin ang helmet.
Nababahala ako sa pagmamaneho niya dahil wala siya sa sarili niya, but he needs me. Kaysa pairalin ko ang takot ay sumama ako sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.
Hindi normal ang bilis ng pagpapatakbo niya ng motor pero hinayaan ko na lang siya. I buried my face in his back and cried as we drove down the road. Natatakot ako.
"We're here." Gino drew my attention away from my thoughts.
Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang normal na tono ng boses niya. Nang makita ko ang mukha niya ay namataan ko rito ang malawak niyang ngiti.
Agad naman niyang napansin ang mukha ko na puno ng luha, nag-aalalang pinunasan niya iyon gamit ang hinlalaki.
"Ikaw na ba 'yan?" I can still hear the fear in my voice. "Gino..."
"Sorry..." while tenderly wiping the tears from my cheek, he replied with a guilty smile on his lips. "Ako na 'to, Yshawn."
Hinigit ko ang mukha ko palayo sa kaniya. Mabilis akong bumaba ng motor at lumayo sa kaniya. Napahawak naman ako sa mga tuhod at humahanap ng hangin. I inhaled deeply to make myself feel at ease.
Seeing him like that, like he's tense and out of sorts, makes me feel like I'm losing my mind. I feel as if I'm going crazy when I see him behaving that way!
Naramdaman ko ang paghaplos ng palad niya sa likuran ko. Tumayo ako ng direstso at padarag na hinawi ang kamay niya.
Iretable ko siyang tiningnan. "Bad trip ka."
He chuckled. "Sorry na..." His voice was soft, and he hugged me tenderly, burying my face in his chest. "Ilang beses na kasi kitang pinipilit na kumain tayo sa labas, e. But you kept insisting that we just eat in your apartment 'cause you'd cook for me."
Marahan akong kumalas sa mga bisig niya at tiningala siya. Noong isang araw niya pa kasi ako kinukulit na kumain kami sa labas at i-celebrate ang new year sa theme park. May nakita daw kasi siya sa internet na may pa-fireworks display roon.
But I'd rather stay in my place. If we celebrate there, it is quieter and more peaceful. That's what I kept telling to him pero hindi niya pa rin ako maintindihan.
"Pinaliwanag ko na sa 'yo 'yong dahilan..."
"Hmm," he uttered softly while nodding. "And I understood that. But that's not really my plan for us this coming new year."
Napamasahe ako sa sintido ko, masyado siyang maraming surprises.
I crossed my arms and wistfully looked at him. "Ano na naman? Gino, may lulutuin pa 'ko..."
He chased after my hands and held them when I was about to leave. I then faced him. "Remember this place?" he asked with a sweet smile.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at inaalala ang lugar. It's eight o'clock at night, and only the light from his motorbike uncovers the surroundings. Mapuno, at dahil sa mga tuyong dahon ay halos hindi na makita ang daan.
Natatandaan ko ang lugar na 'to, klarong-klaro pa sa akin ang lugar na 'to. Ito iyong lugar noong muli kaming nagtagpo, doon mismo sa abandonadong tangke. We met there at the water tank by accident when we were in high school for terrible reasons... Because of our parents.
He brought me there using only the flashlight on his phone as a guide. Pinauna niya akong umakyat at nang marating ko ang balcony ay nakita ko ang mga iba't ibang pagkain sa lapag.
"Surprise..." sabi ng lalaki mula sa likuran ko. He was leaning on the railings sideways so that he could still see me. "Magagalit ka pa rin ba? Still don't want to celebrate the new year here?"
I grinned and shook my head. I tsked. "Ang dami pa kasing pakulo. Dito naman pala." I would've agreed if he had said that right away.
He grinned. I just shook my head and decided to sit. He sat next to me, but the food he cooked got in the way, pumagitan sa aming dalawa ang mga pagkaing niluto niya.
The surroundings were calm, and the breeze felt so restoring. The leaves on the tree rustle, creating a melody that seems to be singing and dancing.
We didn't seem to want to break the silence. We just sat there looking up at the sky, admiring the stars. It's so lovely that I believe it's the nicest thing that has ever happened to me.
And what makes it even nicer, is that I'm with him.
"Do you really want to become a CPA?" I asked a random question, but it was actually after me. I don't know him as well as he knows me, and I'd like to get to know him better.
He smirked at me before taking some food and eating it. "Why'd you ask?"
I gulped before turning my gaze to the front. "Naaalala ko lang 'yong kinuwento mo sa 'kin noon. Nakikita ko 'yong excitement mo na gusto mo maging sikat na film director... and writer. You don't seem that you want to become a CPA."
The way he tells the story, clearly that it is what he aspires to be. He even made different facial expressions and hand gestures while he was telling me that. He was really aiming for it.
He nodded slowly. "It's true. Film director... that's my Dad's profession. When I was young, I respected and looked up to him. And I had the same ambition as him."
"What made you decide not to pursue it?"
He shrugged his shoulders. "Hindi ako ang dahilan, siya. I told him that, but he still forced me to become an accountant like Mom. At saka noong magkaisip ako... ewan ko, nawala na lang bigla. Sinabi ko sa sarili ko, kahit kailan ay hindi ako magiging katulad niya. He hates me so much na halos duraan na parang ibang tao."
I saw him grab a cigarette from his pocket and lit it. We both have this kind of father.
"He's the problem," I said.
Nilingon niya ako habang may sigarilyong nakaipit sa mga labi niya. Matamlay na ngumiti lang siya at gigil na ginulo ang buhok ko.
That's how big his ambition is, to write his own book and turn it into a movie. It's unfortunate that your dreams will be affected just because of one person.
"But that has changed," sabi niya at napalingon ako sa kaniya. "I want to do that now. I'm ready. I want to surpass him."
I smiled at what I saw, I could see how determined he was. "You will. Naniniwala ako."
"I want to prove to him that he's the reason why I want to be a great writer and filmmaker, like him. That way, he'll know how much I love him." He turned to me.
I smiled at him. "Your Dad's so lucky." You're so understanding and sweet.
We locked gazes, and I caught a glimpse of his charming smile. Sabay na lang kaming napatawa nang mahinahon. Maya-maya ay sabay kaming muling napatingila sa langit.
"Gumawa ako ng nobela. Gusto mo bang mabasa?"
Kumuha ako noong sandwhich na ginawa niya at kumugat muna bago magsalita. "Sa 'kin pa talaga? Baka malait ko pa 'yong gawa mo."
I made him laugh. "Ayos lang."
"Sigurado ka?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"I'll give you the hard copy tomorrow." He raised his eyebrows playfully.
Nasa ganoon kami ng pag-uusap hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Lumapit na ako sa railings at nakatingalang nagbibilang pababa.
Nakita ko siya sa gilid ng mata ko na may kung anong kinukuha sa supot. Nang lingunin ko siya ay nakaabang na siya para sindihan iyong fireworks.
"Four, three, two, one..." He winked at me before lighting the fireworks.
He stepped back, and we both looked up at the sky. Nasa kabila siya at pareho naming kaharap ang kahon noong fireworks.
The next thing I did was that I was just staring at him without realizing it. When he looked at me, our eyes met. Mas lalong gumwapo ang ngiti niya noong may paunti-unting ilaw ang dumadapo rito galing sa liwanag ng mga fireworks.
I lost my smile when he disappeared from my line of sight. He turned around the water tank. I whirled and waited for him to come out. As soon as I caught sight of him again, a smile automatically formed on my lips.
He approached me and held my hand. "Happy New Year, Yshawn," he said softly while staring at me.
"Happy New Year." I smiled and we both turned to face the sky to watch the fireworks.
Nagising na lang ako kinabukasan na natatarantang bumaba ng kama para isara ang bintana. Umalpas ang ulan sa kwarto ko kaya madali akong kumuha ng basahan para punasan iyon.
Napansin ko naman na wala na si Gino sa kama. Nakahanda na rin ang almusal sa mesa pero wala siya sa kusina. I looked at the door and saw that his shoes were still there. He hadn't left the apartment yet but he wasn't in the whole room.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa kawarto ko. Mabilis akong nagtungo roon at nakita siyang basang-basa na ng ulan. Agaran ko namang binuksa ang bintana at doon na lamang siya nakapasok sa loob.
"Anong ginagawa mo ro'n?" nag-aalalang tanong ko.
Napahimas siya sa batok niya. "The drain was busted." Tinuro niya 'yong pipe doon sa labas ng bintana. "I thought of sealing the hole."
Hindi na lang ako umimik sa ginawa niyang aksyon. Matagal ko nang nararanasan ang ganoon rito sa tuwing umuulan nang malakas pero wala akong panahon para selyuhan iyon.
Napatulala na lang ako sa hitsura niya na animo'y basang-sisiw. Noong pumasok siya a loob ay muling nabasa ang sahig na pinunasan ko. Napanguso naman ako.
"Sorry, Yshawn." He apologizes after noticing my reaction.
Bumuntong-hininga na lang ako at lumapit sa bintana at inilabas ang palad para damhin ang ulan. "Ba't ka nag-so-sorry? Wala namang mali sa ginawa mo."
Nilingon ko ang lalaki. Nilapaitan ko siya at hinila siya palabas muli ng kwarto. Nakatayo na kami rito sa bubong ng katabi nitong apartment, bubong ng kapitbahay.
"What are you doing?" naguguluhang tanong niya habang nakitingin sa akin. Tinakpan niya pa ang ulo ko gamit ang mga kamay para hindi maulanan.
"Nagpapabasa sa ulan!"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "I know! Pumasok na tayo. Baka magkasakit ka."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ang OA. mo naman. Ayos lang... Matagal na rin akong hindi nakakaligo ng ulan. Gusto ko maging bata ulit kahit sandali lang. Ikaw ba?"
I could see the rain hitting his smooth face when he looked up.
He nodded and turned to face me. "Gusto ko."
That's when a smile escaped my lips, as well as his. A smile that I knew was genuine and sincere. Sa hindi malamang kadahilanan ay pareho kaming tumawa. Maybe because we both felt each other again. We both felt the feeling of being kids again.
After a while, I came back to my senses. I swallowed to muster up the courage. "Sinasagot na kita, Gino."
His smile quickly vanished from his lips. Not because he wasn't happy but because of the surprise.
"A-Ano? Yshawn, ano 'yong sinabi mo?" Nauutal na siya maging ang kaniyang mga tainga ay namumula na. "Yshawn, ano 'yon? Pwede mo bang ulitin? Pwede ba?"
"Gusto kita, Gino." I looked affectionately into his eyes. "Sinasagot na kita."
Ilang segundo rin siyang natigilan at walang salitang maibigkas. Dulot ng ulan ay hindi nakikita ang mga luha niya, ngunit nakikita ko, nababasa ko sa hitsura niya at masasabing umiiyak siya. I see a lot of happiness in him.
Marahan akong lumapit sa kaniya at tumingkayad para maabot ang mga labi niya. I noticed him closing his eyes, so I did the same. Sa pagdampi ng aming mga labi ay doon ko lang naramdaman ang hindi maipalawanag na emosyon.
I simply let him kiss me while he cupped my face. I had no idea that a kiss could feel like this... I would have to imitate his motions to truly understand. It was a warm, overwhelming, and cosmic experience. That's the only way I can describe it based on the way I feel and the way our lips move.
He is with me for all the good things and for all my first times in the world. Laugh with him, cry with him, and face difficulties with him. And this was my first time again, a first kiss from him.
________________________________________________________________________________
I've included a photo to help you visualize the appearance of the place. Hope it'll help. The photo I used is not mine. Credits to the rightful owner.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top