Chapter 7
"Is there no other way to quicken that?!"
Nakasandal ako sa pader habang hinihintay ang paglabas ng kapatid ko. Nasa baba siya ng bodega at hinahanap doon ang scooter niya. Nakakapit na ako sa manibela ng bike ko at inaabangan na lang ang paglabas niya.
We have finished both of our school assignments, so we can go play in the park. Mom and Dad are, as usual, not around. They're probably dealing with a lot of documents and spilling ink on their pens.
Kahit na narito silang dalawa sa bahay ay lalabas lang sila sa sarili nilang home office sa tuwing breakfast at kung may ipapautos sa mga helper. It's embarrassing if I ask for their time for us, I think their time equals a gold that's very precious to waste.
I still remember, when I watched how Daddy was suffering, he was so stressed that he could practically tear his hair out, and he could almost cloud the entire room dahil sa lakas ng paninigarilyo niya. I thought of bringing him porridge and a drink, I just said that I had prepared something for him to eat, but instead, he pushed me for reasons I did not understand.
I only wanted him to relieve his pressure because I didn't want to see him suffering emotionally. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinulak habang nagingitngit sa galit. He even simply stood by as I sobbed from the burn I had when the scorching bowl of porridge spilled all over my chest.
I mean, what did I do wrong?
"Is that still taking a little while, Ava?!" sigaw ko para marinig niya mula roon sa storage room. Sinabihan ko na siya na huwag niya nang ilagay ang mga laruan niya doon sa storage room dahil baka matabunan lang iyon ng iba pang mga gamit, pero ginawa niya pa rin.
"I couldn't see it! I just put it here! Mom, Mom! I need, Mom!" she screamed in a small voice that I could still hear. Paniguradong napapakamot na siya ng ulo sa kahahanap at inis.
"Can you make it faster, like for real?!" sigaw ko habang nasa gilid ng pisngi ang isang palad.
"Can you shut your mouth?!" she shouted back. Napaawang na lang ang bibig ko sa sagot niya.
Hindi naman na ito bago sa akin. Ava was only five years old, napapansin ko na rin sa kaniya ang pagsagot ng barumbado. But that doesn't mean it can't be changed, she's still young, and all she needs is proper guidance. Since malabong sila Mommy ang makagagawa niyon, I'll do it in their place.
Nakalabas na siya at kumpleto na rin ang suot niyang safety gear. Halos mauna naman sa paglabas ng pinto ang nguso niya. Noong dumaan siya sa harapan ko ay inirapan niya ako at sinipa ang gulong ng bike ko bago pumadyak sa sahig palabas ng gate.
"Hey! Is that how you should treat your brother?" pagsaway na sabi ko noong mahabol ko ang pag-arangkada niya. "Ava?"
She made a face. "But I didn't hurt you. Why are you mad?"
"I'm not mad, I'm just asking. I asked why do you have to do that?" I sincerely asked.
"Because I hate you." Napabaling ako sa kapatid ko nang marinig iyon. I settled my gaze from one side of the road to the other habang maya't mayang nililingon siya. "You... You told me to make it faster, you know I'm doing something. It's annoying."
"But is that how you should treat your brother?" I emphasized the first thing I said.
"Why?" nakanguso niyang sabi. "I saw Dad kept slapping Mommy's face and Mom was like, she seemed happy. And Dad said they were just playing."
"What?" I confusedly asked.
"You weren't hurt, even Daddy slapped Mom she wasn't hurt. How come that I just kicked your bike?" nagsusungit na paliwanag niya.
"And you think what you did to me was okay? Like there's nothing wrong with it?"
"Yeah..." She nodded and rolled her eyes at the same time.
Narating na namin ang park at sinabihan ko siyang sumama roon sa mga tumpok ng mga bata at magkita na lang kami sa fountain mamaya. Noong makita niya ang isa niyang kaibigan ay nagmamadali na rin siyang umalis palapit doon.
I'm worried about what she said. I've observed that she imitates everything she sees and hears. Ngunit sa sinabi ng kapatid kong iyon ay mas lalong nakapagbigay iyon sa akin ng pag-aalala. Ibig sabihin, napapadalas na ang pananakit ni Dad kay Mommy.
As I biked around the park ay may nakita akong isda sa tabi. Pinihit ko ang break noong nasa harapan na niya ako. Napatingala pa siya sa akin dahil nakaupo siya sa bench, mahaba ang nguso niya. Tahimik lang siya at may katabi siyang matandang babae na malawak ang ngiti sa akin.
"Tilapia, ba't ka malungkot?" Iyan kaagad ang napansin ko sa kaniya noong makita siyang nakamasid lang sa paligid.
Napalingon siya sa katabi niyang lola at bigla agad ang paglungkot ng mukha niya bago yumuko. Mukha siyang nagtatampo.
Nabaling naman ang atensyon ko nang senyasan ako ng katabi niyang lola na tumingin sa paligid. Naintindihan ko na agad noong makita ko na halos lahat ng bata rito ay may sariling bike maliban lang sa kaniya.
"Ganyan ba 'yong valedictorian? Inuuna 'yong paglalaro kaysa sa assignment. H'wag ka na lang kaya mag-aral? Mag-bike ka na lang habang buhay!" Masama ang timpla niya ngayon.
Sa sobrang matanong at daldal niya ay nalaman niya na rin pati ang academic status ko noong elementary. There are words he uses that can make me speak, I'm just forced to answer his questions because of that.
"Apo?" saway sa kaniya ng lola. "Hindi tama 'yang ginagawa mo, ha? Kaibigan mo 'yang kaharap mo. H'wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan."
"Hindi ko naman kaibigan 'yan lola, e," nakangusong sagot niya pa sabay lingon sa akin. "Ayaw nga niyan sa 'kin."
"Kahit na..."
"Lola, siya 'yong sinasabi ko sa 'yo na nanulak sa 'kin." He has the guts to pointed his finger at me. "Tinutulungan ko lang naman ta's nanunulak pa."
Ang tinutukoy niya ay iyong tinulak ko siya dahil pilit niyang gustong buhatin ang backpack ko. Nag-decide ako na maglakad pauwi noon at sinundan niya ako. Sobrang kulit niya dahilan para maubos ang pasensya ko.
Naitulak ko siya noon at hindi ko naman alam na may imburnal pala sa tabi niya. Mukha siyang tilapia noon na nahulog sa imburnal.
"Tama ba na pagsalitaan mo siya ng gano'n?" Lumapat ang palad ng lola sa tuktok ng ulo niya, malamyos na hinihimas iyon. "Gumaganti ka ba, Myle? Mali 'yan, ha."
I can tell the old lady loves this tilapia very much. Nakikita ko ang pagmamahal niya rito and I'm envious. Alam ko lang ang ibig sabihin ng pagmamahal ng isang magulang ngunit hindi ko alam kung ano ang pakiramdam nito.
"Hindi po," sinabi niya iyon habang matalim na nakatingin sa akin. "Tama naman 'yong sinasabi ko na mas inuuna niya pa ang paglalaro kaysa sa assignment."
"Tapos ko nang gawin 'yong assignments ko," kaswal na sabi ko. Nakita ko naman ang pag-iba ng ekpresyon ng mukha niya, mukha siyang napahiya.
"Tapos naman na pala," sabi naman ng lola niya. "Ikaw, Myle, ha. Bawas-bawasan mo na 'yang pagiging bugnutin mo, e. Nakakadamay ka pa ng ibang tao."
"Ngano man, 'la? Siya 'yong nauna, e. Tinawag pa nga 'kong tilapia." Ang galing niya rin pala gumawa ng mga rason.
Napabuntong hininga na lang ako. "Gusto mo humiram?" Tukoy ko sa bike ko.
Bumilog ang mga mata niya nang tingalain niya ako, hindi makapaniwala. Hinawakan siya ng lola niya sa likod at nagkatinginan silang dalawa. Nag-uusap sila sa ganoong paraan na hindi ko maintindihan kung ano ang laman.
"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Wala bang halong pang-ti-trip 'yan?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at kinorte ko ang mga gilid ng labi pababa, nag-iisip ng isasagot sa kaniya. Napabuga ako ng hininga bago bumaba ng bike. Ikinabigla naman niya ang paghablot ko ng kamay niya, inilagay ko iyon sa manibela.
"What do you think?" Nagsalubong ang mga kilay niya na animo'y sinusuri ang mukha ko kung seryoso ba sa sinabi o hindi. Napangisi na lang ako sa inasal niya. "Pagod na 'ko, ikaw na muna."
"Sige na. Kanina mo pa gustong magbisikleta, 'di ba, apo?" pagsingit na sabi ng lola niya. Pabirong tumawa ito. "Inggit na inggit ka nga."
"'La naman?" atungal niya rito, kala mo ay pinapahiya ng sariling lola.
Muli niya akong hinarap at hawak na ng mga kamay niya iyong manibela. Tipid niya lang akong nginitian bago sumakay at umalis.
"Myle! Susmaryosep hindi man lang nagpasalamat!" sigaw ng lola niya ngunit hindi niya 'to pinansin dahilan para mapailing ito sa pagkadismaya.
"Ganyan ba talaga siya? Walang manners," tanong ko matapos umupo sa tabi ng lola niya.
Nilingon niya ako at parehong-pareho ang ngiti na ibinibigay niya sa akin at sa kaniyang apo. It is far too warm and loving and caring.
"Kaya mo ba siya pinahiram dahil naaawa ka sa kaniya?" natatawang saad niya.
"Hindi," I honestly said. "Totoong pagod na 'ko at kayo 'yong nagsabi sa 'kin na pahiramin ko siya." Sinenyasan niya ako na tingnan ang mga batang nagbibisikleta at parang sinasabi na rin niyang pahiramin ko si tilapia noong nginitian niya ako.
Muli siyang ngumiti ng matamis. "Bata ba talaga ang kausap ko? Maalamon nga bata." Tumawa siya at itinuon ang paningin sa harapan, nakamasid sa apo niya na tuwang-tuwang nagbibisikleta. "Hindi siya pinagbigyan ng Daddy niya na bilhan ng bisikleta."
I didn't understand what she said so then I looked at her, asking. "Kaya ba siya nagagalit ng walang dahilan?"
She laughed again even though there was nothing funny in what I said. "Sakto ka. Mababa ang grado ng apo ko, 'yon ang kundisyon ng Daddy niya. Dapat mataas para mabilhan ng bisikleta. Ewan ko ba sa anak ko, 'di ko naman pinalaki ng gano'n. Alam mo bang nag-cu-cutting ako no'ng dalaga pa ako?"
Hindi ko alam ang sasabihin. That can't be right, can it? "Pero sabi ni Yaya Lelet mali ang mag-break ng rules."
Tumawa siya at tuwang-tuwang ginulo ang buhok ko.
"Tama ang Yaya Lelet mo. Huwag mong tutularan 'yon." Ilang segundong nanaig ang katahimikan bago siya muling nagsalita at malawak ang ngiti ni tilapia noong kinawayan nito ang kaniyang lola. "Madalas kang makuwento ng apo ko. Sinabi niya sa 'kin na may bago siyang kaibigan, at ikaw pala 'yon."
"Hindi ko siya kaibigan." May halong gulat ang mga mata niya nang lingunin niya ako "Ayoko sa apo ni'yo."
Muli siyang tumawa, hindi, halakhak na. "Ngano man? Masyado bang pasaway? Masungit? Alam kong sasabihin mo 'yan, madalas siyang layuan ng mga bata dahil sa kamaldituhan niya."
Gusto ko sanang magsalita ng totoo kung bakit ayaw ko kay tilapia. Weirdo siya. Siya ang kauna-unahang weirdo na nakilala ko. Halos makagawa na ako ng listahan na nagpapatunay na weirdo talaga siya.
Naaalala ko pa noong makasabay ko siyang kumain sa canteen, isinasawsaw niya ang baon niyang skyflakes sa softdrinks. Ipinapalaman niya iyong pack ng milo sa tinapay. And he whispered to me that the stone tasted good, he even showed me the stone na sinisipsip niya.
"Unsay imong ngan?" Muli akong nanumbalik sa realidad nang marinig ko ang pagsasalita ng lola niya.
"Y-Yshwan, Yshawn Won," sagot ko naman.
"Yshawn Won..." she said while nodding as if thinking deeply about my name. "Ayos lang ba sa 'yo na tawagin kitang, Won?"
Tumango naman ako. "Ayos lang."
Matamis siyang ngumiti sa akin bago ipinagkrus ang mga hita. "Bihira ko lang makita ang apo ko na masaya. Parati siyang nagkukulong sa kwarto at ayaw na ayaw niyang iniistorbo. Alam mo bang pinainom ko pa iyan ng pampatulog para lang madala rito sa park?"
"Why are you... telling me that?" simpleng sabi ko. Is what she says true? It's not normal if she really did that.
"Biro lang, Won." Mahinhin siyang tumawa, takiptakip pa ng palad niya ang kaniyang bibig. "Nagpapasalamat ako dahil unti-unti kong nakikita ang pagbabago niya, at ikaw ang dahilan noon."
Ako ang dahilan? Wala naman akong ginawa para magbago si tilapia. Ang natatandaan ko nga lang na ginagawa ko sa kaniya ay ang itaboy siya. How was I the reason for his gradual change?
"Sana ay parati mo siyang samahan sa lahat ng bagay, Won. And I hope it's not too much kung pati rin sa lahat ng panahon? Kaya mo bang ipangako 'yon sa 'kin?"
I knew I was too young to understand what the adults were saying. How can I get her trust, especially since I don't know her? But I don't think that it is a reason to refuse her wishes, that wish will not harm me.
"Uhm... Hmm," sambit ko.
I know it's not simple to make a promise to someone. It's like magic to me, magic that must be treasured and kept. This is one of the most important aspects of life, you promised, you must keep it. I'll make sure to keep it.
I just hate him not dislike him. And he is a friend of mine now. Ilang beses ko mang ipakita sa kaniya na ayaw ko sa kaniya, but it couldn't hide the fact that I also considered him a friend. At least, I have someone with me in school.
Maya-maya pa ay may dumaang vendor ng ice cream sa harapan namin at dinudumog na ito ng mga bata. I must have liked the ice cream as well as the kids in front of me pero mas napukaw ang atensyon ko sa mga bulaklak na paninda.
"Gusto mo ba ng ice cream, Won, apo?" Hindi kaagad ako nakasagot nang marinig ko ang itinawag niya sa akin. Tinawag niya akong apo? Pero hindi ko naman siya lola, ah? "Bakit, Won, apo? May iba ka bang gusto?"
As I folded my arms and stared ahead, my brows met. "Masyado nang overrated ang ice cream, at hindi na ako bata."
Tumawa ito. "Ilang taon ka na ba?"
"Thirteen years old na 'ko. Ice cream is not something I enjoy eating." It's really too childish.
"Hindi ka na nga bata." After saying that, she laughed. "Ano na ba ang gusto ng mga thirteen years old ngayon?"
"Pera," I gave a direct reply.
She couldn't believe what I said at first, but when she realized I was serious, she pulled a wallet from her pocket with no choice.
"O, siya sige. Ito, oh, tatlong daan 'yan, bilhin mo kung anong gusto mong bilhin. Ikaw na bahala." She smiled sweetly at me.
Nasa palad ko na ang pera at tahimik na umalis ng bench. Pumunta ako sa isang tindahan ng mga bulaklak at tinanong ang presyo nito. Ang pinili ko ay iyong assorted tulips na nagkakahalagang 280 pesos.
Nang maibalot na iyon ay bumalik ako sa bench at ibinigay iyon sa lola ni tilapia. She wasn't expecting it, so she was surprised when she saw the flower in front of her.
"Happy Valentine's Day," I greeted.
"Para sa 'kin? Ang sweet naman ng batang 'to!" Matimyas ang kaniyang ngiti habang nasa bulaklak ang mga mata. She seemed to like it. "Ang gaganda naman nito! Thank you, Won!"
"Ano 'yan?" My eyes were drawn immediately to the person speaking. Pawisan siya at pansin ko pa na nalagyan ng grasa ang paa niya. Salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kaniyang lola. "Bulaklak 'yan, ah? 'Di ba, bawal ka niyan, lola?"
I didn't know that his lola was allergic to flowers. Mabilis siyang bumaba ng bisekleta at inilapag iyon sa sahig. Nilapitan niya ang kaniyang lola at balak niya pa sanang kuhanin ang bulaklak ngunit inilayo ito ng lola niya. Plano niya bang itapon iyon?
"Ayos lang! Ano ka ba? Tingnan mo, oh, 'di ba napaka ganda?" natutuwang sabi ng lola niya.
"Maganda nga po pero hindi kayo pwede sa mga ganyan, lola."
"Ano ka ba... bigay sa 'kin 'to ni, Won." Pagsaway ng lola niya. Matalim ang kaniyang mga mata noong tiningnan niya ako. "Nako, hayaan mo 'ko, ilalagay ko na lang 'to sa balkonahe para malayo sa 'kin, ayos na ba?"
Nakanguso si tilapia habang tumango-tango. Napipilitan pa yatang tanggapin ang kagustuhan ng lola niya.
"Ngayon alam mo na?" asik ni tilapia sa akin na animo'y nakagawa ako ng krimen. He then left a tsked while shaking his head, he was disappointed in me.
"Binati niya rin ako ng happy valentine's day, Myle, apo. Hindi mo sinabi sa 'kin na napaka-sweet pala ni, Won. Madalas mo lang nakukuwento sa 'kin kung paano ka naiirita sa kaniya, e."
"Totoo naman, e." Umirap pa ang tilapia. "Nakakairita 'yan."
"Ano ka ba, Myle?" saway ng lola niya. "Alam mo, Won, h'wag mo na lang isipin 'yon. Ganyan lang 'yan dahil hindi napagbigyan."
"Hindi kaya," tangging sabi pa nito.
Napabuntong hininga na lang ako at pinulot iyong bisikleta ko. Nang makasakay na ako ay nilingon ko siya. Kung sino pa 'yong apo, siya pa 'yong walang effort na bumili ng bulaklak.
"Mokong."
Nakita ko ang pag-iba ng mukha niya, hindi na iyon maipinta kaya agad kong pinadyak ang pedal ng bisikleta. Hindi doon nagtatapos ang pagkrus ng landas naming dalawa dahil nasundan pa iyon ng mga sumunod na araw, at sumunod pa.
Simula noong makilala ako ng lola niya ay madalas siyang nauutusan para sabihan ako na bumisita sa kanila. Minsan pa ay inaabot ako ng gabi at doon na natutulog sa loob ng kwarto niya kahit labag iyon sa loob niya. He almost wanted to kick me out of the room.
Ang kahilingan ni lola Coleen na bisitahin ko siya ng madalas ay nahantong na sa palagi. She was interested in speaking with me since she figured I was more chatty than his grandson. At ngayong araw ay narito na naman ako sa kanila, kumakain sa hapag.
"Nandito ka na naman? Wala ka bang magulang? Wala ka bang bahay? Parati ka na lang nandito, gusto mo lang yatang makikain, e." Napatingin ako sa nagsalita. Nasa hagdanan siya at kasalukuyang bumababa habang direktang nakatingin sa akin. Nang makaupo siya sa harapan ko ay pinagkunutan niya ako ng noo. "Patay gutom."
"Ano 'yong naririnig ko?" Lumabas si lola Coleen galing kusina. Inilapag nito ang pitcher sa table. "Ano 'yong sinasabi mong patay gutom? Sinong patay gutom?"
"Him!" Turo pa nito sa akin. "Parati na lang siyang nandito, inuubusan niya pa 'ko ng ulam."
Yumuko ako para maitago ang namumugtong luha sa mga mata. What he said made my heart ache. That's not true! Hindi ko naman talaga ginustong pumunta rito para lang makikain.
Binitawan ko ang mga kubyertos at padarag na umalis sa kinauupuan. Lumabas ako ng bahay at nakahanap ng swing saka roon umupo at umiyak.
Maya-maya pa ay napahinto ako sa pag-iyak nang makita ng gilid ng mata ko si tilapia, umupo siya sa kabilang swing. Agaran ko namang pinunasan ang mga luha ko. Is he crazy? What is he doing here? And I don't like the way he stares at me, as if he's pitying me.
"Kaya ka ba sumunod para mag-sorry?" while my mouth was trembling, I said. I gave him a cold stare before rolling my eyes. "Sa 'yo na lang 'yang sorry mo."
"Hindi," pagtangging sabi niya. "Just... Lola, sent me away to reflect on what I did to you."
I hissed. "Why you even bothered coming here? Ang lawak-lawak ng lugar, oh."
"A-Ano lang, kuan. Just checking out to see how you are. If you're just fine."
"Well, I am," may diin kong sabi. "Don't be bothered. Uuwi na rin naman ako, hinihintay ko lang driver ko."
I know that's what he wants to me. To become invisible in his eyes. Maghihintay na lang ako rito sa swing hanggang sa dumating si Kuya Seth.
"Won't you finish your meal?" I glanced at him. He's completely insane. He's been risking seeing me eat lately, and now he's asking me this? "You should, because if you don't finish the food, I won't be able to eat today, and that's because of you."
"Then I'll be glad!" I rolled my eyes.
He just grimaced and shook his head. Lumipas ang ilang minuto na ni isa sa aming dalawa ay walang nagsasalita. Nang maya-maya pa ay nakarinig ako ng kakaibang tunog. It was coming from his stomach, which was growling with hunger.
"You shouldn't have heard that," nahihiyang sabi niya. Natawa naman ako roon at agad ring naitago ang mukha nang kunot-noong nilingon niya ako. "You're pretty."
Napuno ng pagtataka ang mukha ko na kaniya namang napansin. Noong nilingon ko siya ay mabilis ang pagbaling ng mga mata niya sa harapan. Intensyon niya talagang iwasan ang mga mata ko.
"I... always see you frowning like a monster." He laughed at his own joke. "It's just now that I saw your smile, it's pretty."
I cringed. "You're weird."
He laughed softly. "Bakit ka ba palaging nandito? All I know is you hate me so much. So why are you still pretending to be mad at me when you always come here to see me?"
"Who said that?" I asked with a smirk and just shook my head when he shrugged his shoulders. "I'm not here because of you."
My brows met. Nabaling ang mga mata ko sa nagsasampay ng mga damit. Napasunod din ng tingin si tilapia at nakita niya kung sino ang tinitingnan ko.
"Si, Lola?" he asked.
I nodded slowly. I then played with my hands. "My... parents never treated me like I'm one of theirs... I don't know if they like me."
"Sorry," he spoke cautiously.
"But when I met your Lola Coleen, she not only made me feel that way like I'm her son, but she also made me feel like I had an instant Lola, and a home," I said. The reaction on his face did not change, there was no pity, no judgment, he just listened.
I longed to be cared for, and I found that with Lola Coleen instead of my own parents.
This is what I'm talking about why he's so good at words. It was only now that I realized that I had already told him a lot when it was too late. This is his charm.
"Hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako." I looked over at him in confusion. "Parating sinisigaw ni Daddy na kasalanan ko kung bakit namatay si Mommy." The corner of his lip tugged up. "Namatay si Mommy noong pinanganak niya ako. I didn't want that to happen, at mas lalong hindi ko ginustong isilang ako."
Now that he had revealed his story, napalitan ng pait ang mga mata niya. I can't even tell if it's full of anger because it's covered by the silence on his face.
"But if you hadn't been born, my life would be boring," I honestly said.
Napalingon siya sa akin, at ilang saglit ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "I think I will need you," he said.
That gave me joy, a joy that I can't determine if I just gave him a simple smile as I supposed. I'm just a little naive and looking for answers to my questions, but I've had enough of my mind to make a decision. I think I will need him too...
"I don't need you!" may buong galit na asik ko.
Mabilis ang pagpadyak ko ng pedal at halos wala na akong marinig sa lakas ng paghampas ng hangin sa mga tainga ko. Padyak lang ako nang padyak hanggang sa namalayan ko na lang na nasa Old Gym na ako ng school.
Hininto ko ang pagpepedal at nagmamadaling bumaba saka binitawan ang bisikleta, narinig ko pa ang pagbagsak nito sa sahig. Patakbo akong pumasok sa loob ng Gym at unti-unting binagalan ang paglalakad nang maramdaman ang panghihina. Napaluhod ako sa sahig.
As the chaotic images of Dad echoed in my mind, I couldn't help but scratch my skin. I scratch and scratch it and I just can't feel how far I'm scratching it, all I know is that it's mixed with fluid.
Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya saktan si Mommy gamit ang bakal ng sinturon. Kung paano niya sabunutan ito na halos kaladkarin papasok sa loob ng kwarto. And how he was able to scare us even though he was not doing anything to us.
Masyadong magulo. Natatakot ako. I wanted to hide, but it seemed like I could see him in every corner of the room. I don't know who to approach or who to trust. If I did, I suspect Dad was still one of those people. I desperately wanted to escape, but I was deathly afraid.
"Yshawn!" Unti-unti ang pagbalik ko sa huwisyo nang marinig ko ang boses na iyon.
Marahan akong napatayo. Noong tumingin ako sa likuran ko ay nakita ko siyang hinihingal habang nakakapit sa mga tuhod. Noong lumapit siya ay umatras kaagad ako.
Noong inulit niya iyon ay mabilis na akong naglakad patungo sa mga umpok ng mga upuan. He was just looking at me as his eyes spoke.
Muli siyang lumapit sa akin pero mabilis ulit akong naglakad patago sa mga upuan, I hid myself here so that it would be hard for him to approach me.
But he didn't budge, naging mailap na rin siyang nilapitan ako kaya kinailangan kong kumilos para hindi siya makalapit sa pwesto ko.
Noong makahanap siya ng daan ay malakas kong hinawi at hinarang ang mga upuan sa harapan niya para hindi niya ako matunton. Mas lalo siyang naging agresibo at doon na niya nahuli ang braso ko.
Padarag ko namang hinigit ang braso ko pero hindi ko magawang mabawi man lang iyon dahil sa higpit ng kapit niya sa akin. Malakas ko na siyang tinutulak at buong puwersa ko nang inilalayo ang sarili ko sa kaniya pero matindi pa rin ang paghila niya sa akin.
Nasasaktan na ako sa ginagawa namin kung kaya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na itulak siya nang malakas. Nawalan siya ng balanse dahilan para mapaatras siya at matumba direkta sa mga upuan... I can see how messed up the chairs are.
I quickly ran up to the second floor of the bleachers. Naglakad ako palapit sa railings at tinanaw siya roon na katatayo lang, nakita ko kung gaano napalakas ang pagtulak ko sa kaniya dahil sa pag-inat niya ng kaniyang braso na napuruhan noong tumama ito sa kanto ng upuan. Tiningala niya ako.
"I want to be honest with you.... I have never needed you!" malakas na sigaw ko. Mariin kong kinagat ang labi ko upang pigilan ang sarili sa paghikbi. "No'ng high school tayo, parati kang nandiyan. Always... and I hate that!"
In the first place, I didn't need him, and I didn't want to get to know him. I dislike him. I don't like having him in my life. I don't like everyone, I despise them! Sana hindi na lang siya sumulpot.
"Yshawn..." tila nagmamakaawang pagtawag niya sa akin habang hawak ng isang kamay niya ang kaniyang braso.
"N-Noong nakagawa ako ng gulo..." My voice cracked. "The day I hurt a student who bullies me, inako mo 'yon! You hurt him... para makita ng mga teachers na ikaw 'yong may kasalanan."
My lips were trembling. "You're always there when I'm at my lowest, helping me. But I want to be honest with you, kapag ginagawa mo 'yon... mas lalo mo lang pinaparamdam sa 'kin na mahina ako!"
Hindi ko na alam kung saan kukuha ng lakas. Hindi ko na alam kung sino ang kakapitan. Dapat sa una pa lang ay magsisimula iyon sa akin, e. Ngunit gumulo iyon nang dahil sa kaniya.
"I never wanted you in the first place!" I cried. I swallowed hard from too much emotion. I couldn't control myself, and my voice only let out a lisp. "You've just made me depend on you!"
I bowed my head down and sobbed.
Pareho sila ni Daddy, pareho nilang kinuha ang loob ko. Pareho nilang kinuha ang buong tiwala ko hanggang sa kanila na ako mismo kumukuha ng lakas, ngunit pa'no na? Pa'no na ako ngayon? Mahina ako, napaka hina ko, e!
"If you hated me so much! Why didn't you tell me before, Yshawn?" rinig kong sabi niya.
Iyan 'yong dahilan! Iyan 'yong dahilan kung bakit hindi ko na makilala ang sarili ko. Bakit nga ba? Bakit?
"I don't know, I don't know why! I don't know..." I shouted while crying.
"I wanted you to be safe! That's all I want!"
Why does he have the guts to say that? Why is he able to say things that he should not have to stand for in the first place?
"I have fixed it to myself, that I should take care of you!"
Bakit niya ako sinanay na ganyan siya, na kaya niya akong protektahan, na kayang niyang gawin lahat ng mga pinangako niya sa akin, kaya niyang siguraduhin na mananatili akong masaya, sinanay niya ako.
"I tell myself that you should win in life even if I don't... I wanted everything for you!"
He did that, and it made me want to depend on him even more. In the end, I was the lost cause.
"I'm sorry, I'm really sorry, Yshawn..." His voice trembled, almost as if he was in excruciating pain. "Sa lahat ng kagustuhan kong mangyari sa 'yo ay may masasagasaan pala ako. I just ended up hurting you!"
That made me cry even harder. I put my hand to my mouth, and the last thing I did was bite my fist as tears welled up in my eyes.
"I became a problem!" He's not close in front of me, but I can see his chest moving intensely from sobbing.
"But I need you!" When I heard him say he needed me, the wall I was rebuilding damn almost collapsed again. "Just keep your anger at me. I know I'm a peace of shit, napaka bobo ko at deserve ko 'yong galit mo... but please don't look down on me. I-I need you!"
"You've already given me enough to make me don't need you, Gino!"
"Please..." pagmamakaawa niya.
"Hindi ko na alam!" I hurtfully said while my eyes were still welling up with tears.
"I-I feel like everyone doesn't like me, they all hate me. But I'm trying my fucking best. Pinipilit ko naman... Yshawn! Please, save me..."
"Umalis ka na!" I swallowed hard. It was only a few words, but it hurt my heart too much. Hindi ko gustong pagtabuyan siya, ngunit ito lang ang alam kong paraan para iwasan na niya ako! "Iwan mo na lang ako!"
"I'm begging..." When I heard his plea, I felt even heavier.
"Wala akong magagawa para sa 'yo... Hindi kita matutulungan! Wala kang mapapala!" Nang isigaw ko iyon ay hindi ko na siya muling narinig. Ilang sandali pa ay napaupo na lang ako. "Sinabi ko naman na sa 'yo 'yon no'ng una pa lang, e!"
There were no words. I never heard his voice with wailing words again, but his sobbing still echoed in my ear... I can hear him. Pareho kaming natahimik nang ilang minuto at napansin ko na lang na nakaupo na siya roon, malalim ang iniisip.
"O-Okay, maybe..." Tumayo siya, at ngayon ay hindi na niya ako tiningala. "Maybe this isn't the right time for us to talk. Babalik ako kapag magaan na ang lahat, ha?"
"Umalis ka na..."
"I will. I will..." I heard him move. "But one thing, pwede mo bang sabihin sa 'kin... kung kailan ulit kita m-makikita?!"
Nakagat ko nang mariin ang labi ko. Mas lalo niya akong pinapahirapan! He forced a laugh noong hindi ko siya sinagot.
"Umalis ka na lang, Gino!" singhal ko.
I caught a glimpse of him looking up at me, his eyes filled with words. Sa ilang minutong ganoon lang siya ay tumango-tango na lang siya at marahang tumalikod. Bagsak ang mga balikat niya noong maglakad siya paalis.
Napatayo na rin ako at walang lakas na bumaba. Nang makababa ako ay nakita ko siya roon sa pinto, nakatalikod siya sa akin, tahimik na nakatayo lang roon.
I waited for him to leave and see if he would speak but I just bowed when I didn't even hear a word from him, he just kept standing there.
"B-Binisita ko... si, Lola."
Mabilis ang pag-angat ko ng ulo at napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ang araw ngayon.
"Death anniversary ni Lola. Hindi ka nakapunta, but I know she'll understand... well, that's her, right?" He tried to make light of what he said by turning it into something silly.
"Fuck, Gino!" I shouted.
He turned around.
"But I wish you were there, Yshawn..." nanginginig na sabi niya at kahit may halo iyong saya ay mas nangingibabaw ang sakit sa kaniyang tinig.
"But I don't want to see you anymore!" I yelped.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top