Chapter 6
"Sinunod mo ba 'yong payo ng Doctor mo?"
I moved my head to the side, trying to catch a glimpse of Myle. Pareho naming tinatalikuran itong malaking puno... I was behind him and he was on the other side. Now that December has come, it's no surprise that it's raining, so we took an umbrella to escape from getting soaked.
"Hmm..." I listened to him speak, knowing he nodded quietly even though I wasn't facing him. "You'll be upset... kapag hindi ko 'yon sinunod."
Weekend ngayon at hindi ko inaasahan ang tawag niya. Sa una ay wala akong balak sagutin iyon pero noong halos hindi na ako makapag-concentrate sa ginagawa kong preparations para sa RetDem, I had no choice but to respond to his call. Paulit-ulit siyang tumatawag.
Napahinto ako sa ginagawa ko noon at tinanong siya kung ano ang kailangan niya. Hirap pa siyang sabihin kung ano ang pakay niya na parang naghahalo sa tinig niya ang hiya at lungkot. He told me to meet him under the huge tree where we used to hang out or either just wanted to waste time together, and I did.
Almost week na rin yata kami na walang communication sa isa't isa dulot nang pareho kaming busy sa school. After that happened, I forced myself to put it aside and just concentrate on schoolwork. He even got sick because of me and up until now, it made me worried.
I cynically laughed at what he said. "Kilalang-kilala mo na 'ko. Alam mong ganyan ako."
I heard him laugh weakly. "I... took my medication regularly and ate veggies... though I don't like those, I had to." His voice was gentle.
He has told me far too much, he tells me a lot. Nasa 20s na siya ngunit hindi pa rin siya marunong lumunok ng gamot. Ayaw niya ng lasa noon at mas lalong inaayawan niya ang lasa ng gulay. He has been like that since he was a child, started when he was six years old.
Ang rason niya ay nakakita siya ng uod sa loob ng eggplant. It was a nightmare for him because it was his favorite vegetable but when he realized the worm could get into it, he began to hate all veggies. At nasanay na lang siya sa meat. Hindi na rin nakasanayan ng katawan niya ang kumain ng gulay kaya tuluyan na iyong nawala sa routine niya.
He tells me that kind of life detail. He tells me a lot but that's not enough to be everything. He didn't warn me that he could wreck things and hurt me.
Makausap ko lang siya sa phone ay nahihirapan na akong kolektahin ang sarili ko, ngayon pa kayang nasa likuran ko lang siya?
"Bakit?" I was stunned as I saw the rainwater burst every time it fell into the puddle. "We know... you really should take the medications, but why'd you even break your routine? Anong dahilan?"
"Ayoko na ulit magkulang sa gusto mo." His tone of voice is honest, yet I have trouble believing what he says.
Kaya niya ba ako pinapunta rito para sabihin lang ang bagay na iyon? This conversation no longer seems to revolve around good sense. I know he has something else to say, but if he doesn't say it directly, I may lose patience.
He still cares about what happens, disobeying my orders to stay on the road till dawn. He was still in that thing, but I'm here, where he shook the life out of me. Wala silang pinagkaiba ni Daddy!
"Kilalang-kilala mo na 'ko. Alam mong ganyan ako sa 'yo..." I repeat what I said. Inilabas ko sa silong ng payong ang kamay ko at dinama ang pagdampi ng tubig ulan. "Kaya alam mo rin kung paano mo 'ko nakawan ng tiwala, Gino."
Ikinuyom ko ang kamao ko at humugot ng malalim na hininga bago umalis sa pwesto. Nang lisanin ko ang puno ay naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Huminto ako at narinig ang pagtilamsik ng tubig mula sa likuran, he also stopped.
"I have much to say to you, Yshawn. Could you please... stay a bit?" He pleaded.
I tilted my head to look at him from behind. "Gawin mo lang. Uminom ka ng gamot, kumain ka ng kahit anong masustansya. Kahit 'yan na lang muna ang tandaan mo." To loosen up myself, I took a deep breath. He hasn't changed his ways, it still hurts. "H'wag na muna siguro tayo magkita."
Hindi 'to tama, sobrang bigat nito. Hindi ko 'to pwedeng maramdaman lalo na't napapalapit na rin ang pagtatapos ng term namin. Marami pa akong dapat isipin bukod dito.
I inhaled and took a few steps but then stopped when I heard him speaking, "Why do I feel I've done so much evil to you?" Yes, you did! "Yshawn, iniiwasan mo na naman ako."
I think I'm going to lose my mind because of him! It was so clear, my eyes saw him and I knew he knew what he had done wrong, but why did he seem so light-headed, as if he was trying to make me look foolish?
Napahigpit ang hawak ko sa handle ng payong. "I'm preparing for the final touches on our RetDem. Sinabi ko na 'yan sa 'yo," sabi ko at hinarap ko na siya. Nangungusap ang mga mata niya. "Sige na, marami pa 'kong gagawin."
Nang akma ko na sana siyang tatalikuran ay ikinabigla ko ang sunod niyang ginawa. To my surprise, tinapon niya sa isang gawi iyong payong niya at sumilong sa akin. As our faces were almost pushed close to each other, I swiftly turned my head to the side. We're almost touching our noses.
"A-Anong ginagawa mo?" I could tell my voice was tense. Sobrang lapit niya. I want to shove him away, but I don't want him to get drenched.
He moved a little closer to me, kahit gadangkal na lang ang pumapagitan sa 'min. And when I felt him touch my waist, it felt like all of my blood was rushing to my face. I had no idea what he was doing, but seeing his begging face made me think I'd just accept anything he would do next.
"I wanna hug you." I could feel the warmth of his breath on my ear. I didn't say anything or do anything, I simply had to wait and see what he'll do. A while later, I felt his cheek touch my ear. "I missed you."
My eyes became restless. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi madala sa mga sinasabi niya. I quickly set a distance between us. Nararamdaman ko ang paninitig niya at hirap akong tingnan siya sa mga mata.
"Magpahinga ka na lang..." I bit my lower lip. "Wala na 'kong oras para sa ganito."
I saw the pain in his eyes. Lumingon siya sa gilid niya at naaaninag ko ang paggalaw ng panga niya, may kung anong pinipigilan. He bowed his head and scratched his brow before looking me in the eyes.
Tahimik na tumango-tango siya. "Please do also what you told me. Take some rest, too. Okay?"
I just nodded.
"I don't care if it's too much but I have a favor." Pahabol niya noong iiwan ko na sana siya. He gave me a long, focused stare. "Pwede ba tayong magkita ulit? Thursday, at Food Park, seven p.m. Please... meet me there?"
I had no more doubts and I just answered his question with a nod. I don't want to prolong our conversation. Iniwan ko siya na sinisiguradong hindi siya nabasa ng ulan. Noong makauwi ako ay roon ako nakahinga ng maluwag. Napainom pa ako ng tubig bago itinapon ang sarili sa kama.
When I wasn't with him, couldn't see him, and feel his presence... I made a mental note that I would not be weak when I got the moment that he was in front of me... That I was capable of acting normally. But it only got me nothing. Because of my obvious actions, I just ended up showing myself missing him as well.
Fuck.
Natapos ang actual graded Return Demonstration namin na maayos at walang technicalities. Pero bago naging successful ang assessment, I had faced a problem before I received my performance result from our CI.
Naiwan ko sa labas ng apartment ang RLE Kit ko noong ni-lock ko ang pinto, nailapag ko iyon at nakaligtaan. Pasalamat ay sadyang dinaanan ako ni Gino sa apartment at nakita niya iyon, at siya mismo ang naghatid noon dito sa department namin. Hinanap niya pa ako para maiabot iyon.
Nabanggit niya sa akin kung bakit siya dumaan sa apartment, gusto niya lang i-remind sa akin na huwag kong kalilimutan na pumunta mamaya sa Food Park kung saan doon niya gustong makipag-usap. Wala akong ideya sa mga binabalak niyang gawin, ni hindi ko rin alam kung tutuloy ba ako roon.
"Anong meron?" tanong ko kay Bea habang naroon ang tingin ko sa mga nagbubuhat ng upuan.
Naglalakad na kami sa hallway palabas ng building. Dismissal na rin namin at bukas ay may duty pa kami.
"May event 'yong Marketing Management. Mr. and Ms. Marketing. Sa Old Gym gaganapin."
"Kailan?" Baka pilitin na naman niya akong manood dahil kasali roon iyong crush niya.
"Next week. Sa Thursday," sabi niya. Bigla niya akong tinapik. "Hoy! Sino 'yon kanina, ha?" maintrigang tanong niya habang pinupusod ang buhok.
Ang tinutukoy niya ay si Gino. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Naguguluhan pa rin kasi ako kung anong koneksyon mayroon kami. Namalayan ko na lang na napabuntong-hininga ako ng hindi sinasadya. Napansin naman ni Bea ang inakto ko. Mahinang siniko niya ako at nakataas pa ang isang kilay.
I emitted an embarrassing laugh. "Ah. Ano lang, kaibigan ko. Kaibigan ko lang 'yon." Bakit parang iba ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko, nagsinungaling ako.
"Anong klase?" Napalingon ako sa kaniya, naguguluhan ako sa tanong niya. "Anong klaseng kaibigan? May iba't ibang klase ng kaibigan. Close friends, best friends, life long friends, saka friends with benefits."
"Pagkayawa naman lang gyud. Saba uy..." Napairap ako sa ere ng wala sa oras. Humalakhak naman siya sa sarili niyang biro. "Close friend. Ka-close ko lang."
"Ah... okay. Ang gwapo no'n, pakilala mo nga 'ko." Sadyang binunggo ako ni Bea at malawak pa ang ngiti niya. "Sige na!" Pagpupumilit niya, inilingan ko na lang iyon.
Tama naman yata ang sinabi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na manliligaw ko si Gino. I think that something like this na nangyayari sa mga same sex, is still unusual for them. Maybe she couldn't take it that right or hindi siya makapag-akto ng tama kapag nalaman niya, or even worse.
Napabuntong-hininga na lang ako sa isipang iyon.
Hindi ko masabi. I don't even know what love is, and what it feels like being in love. Sa parte namin ni Gino, ang alam ko lang ay masaya ako. Masaya ako na nandiyan siya, nakukuha ko ang buong suporta niya, he even offer his entirety, pero sapat na ba iyon para sabihing mahal ko siya?
Nagdududa na ako sa naging desisyon ko, pakiramdam ko ay hindi iyon tama.
"Hi, Yshawn!" Sabay kaming napahinto ni Bea sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harapan namin si Prince. Agad ang pagtikom ng bibig ni Bea, alam kong kinokontrol na niya ang inis niya sa lalaki. Prince's smile was still there, it was wide. "What're you up to these days?"
"Uhm," sambit ko at napatingin saglit sa babae bago hinarap si Prince. "Wala naman masyado."
"But they're all great, aren't they? I guess." Naging awkward bigla ang hitsura niya ng sabihin iyon. Nahihiyang napakamot pa siya sa batok. Tumango lang ako. He again plastered a smile.
"Diretsahin mo na lang kaya?" Bigla ang pagsingit ni Bea. "May gusto ka ba sa kaibigan ko?"
Halos masamid naman ako nang walang patid na tinanong iyon ni Bea sa lalaki. Palihim ko siyang siniko sa tagiliran para makuha ang atensyon niya. Noong nilingon niya ako ay pinandilatan ko siya ng mata.
"Bakit? Halata naman..." Dagdag pa niya. "Ang dami-dami pang sinasabing checheburetche e, iisa lang naman ibig sabihin ng mga 'yon. Gusto ka niyan. Partida ang lawak pa ng ngiti, oh!"
Nakakahiya. Napanood ko pa na hindi kumportable si Prince sa sinabi ni Bea. Nahihiyang napahimas na lang si Prince sa braso niya. Bakit kasi kailangan pa lagyan ng kahulugan ang kilos ng lalaki?
"Sorry, Prince. Nagbibiro lang 'yan. Just don't take it to the heart." Why do I even need to apologize?
"No, it's fine. No worries." He let out a soft chuckle. "Anyway, kaya ko pala kayo hinarang... 'cause it's my birthday today, and I just wanted to invite you to my party, Yshawn?"
"Sorry, pero busy kami." Si Bea ang sumagot sa alok ni Prince. "As a nursing student, spare time is not a trend for us. Kita mo 'tong eyebags na 'to?" Pinandilatan niya pa ang lalaki at tinuro ang sariling mga mata. "Three days a week duties, ang sabi... eight hours shift a day, minsan twelve hours daw! Pero ang totoo, hindi 'yon nasusunod! Hindi ka lang mapupuyat sa pag-aaral, sa kaka-overthink din! Magastos! I need to buy this, I need to buy that! Araw-araw mental breakdown. Mapapasayaw ka na lang sa sobrang saya! We're physically, mentally, and w-holly fucking shit exhausted!"
"Oh, yeah... uhm..." That's all Prince managed to utter. Nagulat rin sa inakto ni Bea. "I'm sorry."
"Ibig-sabihin niyan, marami pa kaming gagawin-"
"Ayos lang." I cut off Bea's speech. She then gave me a frown and I just smiled at her. "Mga anong oras ba?"
The corner of my eye saw her gaping her mouth and narrowing her eyes as she looked at me, I could hear her saying the words 'What the fuck?' in disbelief.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalawak ang ngiti ni Prince nang marinig niya sa akin iyon. "Well, the party will start at seven p.m. Be there before seven, okay? The band gonna play some of our songs. See you?"
"Hmm." I nodded. "Happy birthday nga pala."
He pressed his lips together and even though his posture was like that, he still couldn't hide his wide smile. "Thank you. Aasahan kita ro'n, Yshawn. And of course, Bea, right?" baling niya sa katabi ko, pinagtaasan naman niya ng kilay ang lalaki. "I'm inviting you too. Bye!"
He then left with a trace of joy on his face.
"Tang ina, parang napilitan pa ang ugok," bulong ni Bea.
Nang mawala na siya sa paningin namin ay roon na ako kinuwestiyon ni Bea. She's beefing contineuosly at halos mahablot na niya ang buhok ko kung bakit ako pumayag sa invitation ni Prince.
Hindi ko rin alam kung bakit. May kung ano lang na pumasok sa isipan ko na tanggapin iyon. The fact na, hindi ko pa kayang harapin ulit si Gino and maybe that's one of the good reasons why I can't go, it's because I have a friend to celebrate a birthday with... Kaya ko siguro tinanggap na lang iyon dahil do'n.
Binabaybay na ng bus ang daan papunta sa bahay ni Prince. Kabisado ko pa rin ang location ng bahay niya, minsan na rin kasi naming ginawang venue iyon para makapag-rehearse ng piyesa na tutugtugin namin sa school noong high school.
I checked my watch as I approached the gate. I arrived just in time, 15 minutes bago sila magsimulang tumugtog. The guard let me in after I showed him my invitation. I could see the dashing car rows as soon as I went inside. Prince has been living life since then.
"Hi, Yshawn!" Mabilis na nahanap ni Prince ang mg mata ko at iniwan niya pa ang mga kausap niya para puntahan ako. He was dressed in an oversized dior oblique polo shirt and blue shorts, I can tell the brand dahil sa design nito. "Have you eaten yet? Anong gusto mo? Do you want me to serve you something to eat?"
"Uhm. Ayos lang ako, Prince. Kakakain ko lang din, e. Kumain muna ako bago pumunta rito." Nakakahiya mang tumanggi pero totoong kumain na ako. Pagkauwi ko ay hindi ko na nakayanan ang gutom.
Tumango naman siya. Maya-maya pa ay luminga-linga siya sa paligid na parang may kung sinong hinahanap. "You're alone? Did you come by yourself?"
"Oo," nahihiya kong sabi. "May nangyari lang kaya hindi nakasama si Bea." Hindi makakasipot si Bea, may iba siyang business na ginagawa. Nagbabantay siya ng maliit na tindahan nila dahil pansamantalang lumuwas pa-probinsya si tita Irene, ang mama niya.
"Wish you texted me to pick you up," nag-aalalang sabi ni Prince. "What you did was really dangerous."
Malabnaw akong ngumiti. "Nag-iingat naman ako, salamat."
He just nodded while having a smile on his face. Muli kong nakita ang paghimas niya ng batok, nag-iisip ng susunod na sasabihin. He just chuckled to relieve the akwardness.
Tumingin siya sa relo niya at hinawakan ang kamay ko para i-guide palabas. Dinala niya ako rito sa garden. Dito ang main venue ng party niya. Naka-set up na rin pati ang stage na gagamitin nila.
He made me seat alone at a table, which I appreciated because he still remembers that I'm not used to being around with others. Bago siya pumunta ng stage ay tinanong niya pa ako kung ayos lang ba ako rito na sinagot ko lang ng pagtango.
"Before I begin singing the song, I'd like to thank everyone who came to celebrate my twenty-second birthday..." Pagpapasalamat ni Prince and that made a noise. Kumaway siya sa mga ito. "You guys are so awesome! I love you guys! Okay, let's make this night even more fun! One... two... three!"
The sound of their guitar struck a chord, and Prince's band began to sing. Halos lahat ng bisita ay sumasabay sa pagkanta nila at ang ginagawa ko lang ay ang makinig. When our eyes met, he smiled and waved at me. Napaayos naman ako ng upo at ngumiti bilang ganti.
Si Prince ang lead vocalist nila, noon ay siya ang backing vocalist namin at ako ang lead. Ibang-iba pala kapag pinapanood siyang kumanta na ganito kakalmado hindi tulad noong nasa Festival. He has a lovely voice.
Naputol ang buong atensyon ko sa stage nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Agad kong hinugot iyon. When I saw that it was Gino's text messages, I instantly set it down on the table. Hindi ko na lang iyon pinansin. Maya-maya pa ay tuloy-tuloy na ang pag-vibrate nito, and he is now calling!
"Won't you answer the call?" Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Prince. Ni hindi ko namalayang tapos na silang kumanta dahil sa sunod-sunod na pagtawag ni Gino. "Maybe it was urgent. Did something happpen?"
"H-Hindi naman. Wala naman." Umiling ako. Kinuha ko ang phone ko at tinurn off iyon bago ibinulsa. Nasa tabi ko na ang lalaki. "Just... my blockmate. Nangungulit, nalilito sa paggawa ng NCP."
"Ah! That thing, though. A term that only you can understand." The edge of his lip lifted, making a soft noise of laughter. "I salute you, Yshawn. One of the hardest courses. Your friend told me that."
Pareho naming naalala iyong mga sinabi ni Bea. We both just laughed. Inaya niya ako na umakyat doon sa roof. Doon daw ang pwesto nila kasama ang mga kaibigan niya at rito naman sa garden ang mga iba pa niyang bisita. Pagkarating namin ay nakipag-fist bumps agad si Prince sa mga kaibigan niya.
The table was long, and I guessed there were ten of men here, the two was drowning themselves from vape. There were only three girls here. May mga kaniya-kaniya silang red cups at alam ko na agad kung ano ang laman niyon. Tandang-tanda ko pa noong kumuha ako niyon sa Fest. Agad kong ibinulong kay Prince na hindi ako iinom at pumayag naman siya.
Kauupo pa lang namin at pinainom na kaagad kay Prince ang natirang alak. Iisa lang ang isinisigaw ng mga kaibigan niya 'bottoms up'. Nasa 1/4 ang dami ng alak at paniguradong masama ang lasa niyon. When Prince looked up, one of his friends poured the liquor directly into his mouth till he drank it all up.
His friends burst into laughter.
"Fuck!" Prince cursed as he wiped the edge of his lip. He laughed to keep up with his friends' pleasure. "The taste's still so fucking bad, bro!"
Lumipas ang ilang minuto ay sila-sila lang din naman ang nag-uusap. May ilan sa mga kaibigan niya na tinatanong ako ng mga random na bagay tulad ng kung saan ako nag-aaral at kung ano-ano pa. When someone asked if Prince and I had a 'thing', I just forced a laugh.
"Obviously, you, man... hindi ka ganyan ka-clingy sa iba. You know what I'm talking, right?" The man made a hand gesture as euphemism for 'not straight' he meant gay. Tumawa silang lahat at nagbigay naman sa akin iyon ng pagkailang. "But now you almost don't want to let anyone else touch him, huh?"
Napatingin lang ako sa ibaba dahil sa sobrang pagkailang. When I felt Prince's delicate caress on my shoulder, I knew he noticed that. I didn't expect this, all I knew was that... I was going to his party as his friend since high school, not a thing that they were referring to. It's so embarrassing to be someone else's topic.
"I'm so sorry, Yshawn." I could smell the booze on Prince's breath as he whispered in my ear. "Just ignore them. Their lives are so boring, so they're gonna interfere with someone else's life. Crazy people, you know?"
The others agreed right away when Prince told them that they would just talk about something else. Lumipas ang minuto ay ramdam ko na ang pagtama ng alak kay Prince kahit hindi ako ang umiinom niyon. Inaakbayan na niya ako at maya't mayang tinatanong kung ayos lang ba ako.
"Do you have a curfew? What time will you go home? I'll take you home, Yshawn," sunod-sunod na tanong niya sa akin habang malawak ang ngiti.
Sa katotohanan niyan ay kanina pa ako uwing-uwi, hindi ko lang iyon masabi sa kaniya dahil pinapangunahan ako ng hiya. Wala namang masama kung uuwi ako kaagad hindi ba? Kailangan ko nang umuwi, may duty pa ako bukas.
"Ngayon na sana, Prince." My voice was filled with humiliation. To say those words feels like a crime. "May duty pa kasi ako bukas."
"Why didn't you inform me earlier?" Nabigla siya sa sinabi ko kaya agad naman akong nag-sorry. "It's okay, it's okay. If you've a lot of things to do... sabihin mo lang sa 'kin kaagad. Tell me everything, Yshawn, alright?"
"Hmm." Tumango naman ako.
Tumayo siya at inagaw ang atensyon ng mga kaibigan niya. "I just need to take him home, so are you guys just fine here?" Nag-thumbs up naman silang lahat bilang tugon sa tanong ng lalaki.
"Kaya mo ba? You look intoxicated, bro. Baka sa ibang mundo mo pa 'yan mahatid." Tumawa iyong lalaki na kanina pa sumisingit sa tuwing magsasalita si Prince tungkol sa akin. Ka-banda niya iyon.
"Fuck you, Kurt." Prince pointed a finger, tumawa lang iyong lalaki.
Umalis na sa upuan si Prince at hinihintay na lang akong tumayo. Hinatid niya ako hanggang sa labas at kahit tumatanggi na ako na huwag na niya akong ihatid ay hindi na ako nakaimik pa noong mailabas na niya ang kotse niya.
Lumabas siya ng kotse at pumaikot para pagbuksan ako ng pinto. The last thing he did was he smiled sweetly at me before returning inside to take the driver's seat. Despite the fact that he had clearly consumed enough alcohol nahatid niya pa rin ako sa apartment ng ligtas at maayos ang pagkakamaneho.
Nagpasalamat kaagad ako sa kaniya bago lumabas ng sasakyan. Pagkasara ko ng pinto ay narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Sinabihan niya ako na hintayin ko siya, may kukuhanin yata. Narinig ko ang tunog ng isang gift bag at nakita ko na ngang inabot niya 'to sa akin.
"For you, Yshawn," he said as he handed me the gift bag.
Pilit ang ngiti ko nang umiiling ako sa kaniya. "Ayos lang ako, hindi mo na kailangan gawin 'yan."
He lowered his hand and looked at it, his eyes fell. "I thought you would like it... umasa ako." He forced a laugh. "Maybe I'll just be good at choosing gifts to give-"
"Akin na." Pagputol ko sa pagsasalita niya at tinanggap na iyong regalo. Nagtataka ang mukha niya. "Uh-uhm, hindi mo na kailangang gawin 'yon. Sobra na 'to, and please, don't spend things like this for me again. Nakakahiya na sa 'yo."
He suddenly laughed sarcastically and moved closer to me. He looked at me silently for a moment. "Yshawn, I'm doing this because I like you." I pressed my lips together. I was dumbfounded. "Your friend was right, gusto kita. Gustong-gustong kita."
Naiilang akong tumawa. "Lasing ka na, Prince-"
"No, I mean it, Yshawn," he said in a serious tone of voice. "I really do."
I looked away and I could hardly put my eyes on any part of his body, my eyes were just on the floor.
"Sorry-"
"Yshawn, since then." He cut me off a second time. "I've had feelings for you for a long time. Even before you joined the music club and became our bandmate, I've already noticed you. You're the only one I see during those times. Hanggang sa... ayon... I... I fell hard for you."
I'm really hearing that from him.
Naalala ko noon na parating napapansin ng ka-banda namin na masyado siyang madikit sa akin. Noon ay wala lang naman iyon dahil alam naming lahat na ganoon na talaga siya sa mga ka-close niya.
May pagkakataon pa na tinutukso na siya ng mga nakakakilala sa kaniya dahil parati siyang pumupunta ng room namin para lang makausap ako. Kung anu-ano lang naman ang mga sinasabi niya, kung hindi tungkol sa mga nangyari sa kaniya ay iyong nag-aaya naman siya na tumambay sa bahay nila.
I set all of that aside because I know how friends treat each other, it was like that. But I had no idea that there was a deeper meaning behind it all!
"I'm at a loss for words," I said honestly. Si Prince ang nasa harapan ko, kaibigan ko. "Pero, Prince..."
Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang sunod niyang ginawa. He rushed over to hug me tightly so that I couldn't finish what I was about to say. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi pareho ang nararamdaman namin. Gusto kong sabihin iyon ngayon mismo.
"Please, not today, Yshawn. Please..." He spoke softly in my ear, begging. "I tried everything to keep my feelings for you hidden, even if it meant being called a 'womanizer'. I had girls' relationships, but that's all I've got to get rid of these shitty feelings. I've been through all that but it's... It's still you. Please, Yshawn."
The next thing I heard was him sobbing! Nararamdaman ko rin ang dibdib niya na gumagalaw dahil sa paghikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko, nag-pa-panic akong tumango sa gusto niyang mangyari.
"Uh. Hm-hmm," pagtangong sambit ko at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.
"Thank you," malamig na sabi niya matapos ang ilang segundong pagyakap niya sa akin. "I know, you just said that because you see me crying, but I don't care. I'm glad you're just letting me, it gives me hope."
He let go and took a step back to look at me. Napayuko siya at tahimik na humarap sa sasakyan. Muli kong hindi inaasahan ang pagkayap niya sa akin. Mahigpit iyon.
Ngunit mabilis lang iyon, pumasok siya kaagad ng kotse at pinaandar iyon ng mabilis. Hindi rumerihistro sa utak ko ang mga nangyari. Pakiramdam ko ay mabilis lahat ng iyon. Napatulala na lang ako.
Si Prince? He's what? Ang hirap isipin, hindi ko naman iyon nakikita sa kaniya. He's straight! And that's only what I see in him! Pero ano niya raw ako? May gusto? Siya? Sa akin? Paano?
Malalim ang paghinga ko noong tumalikod ako. Nasa ganoon ang isipan ko nang maglakad patungo sa gate, ilang saglit pa ay halos maestatwa ako nang makita ang taong nasa harapan ko. I wasn't expecting him to show up, gabing-gabi na.
Ngunit heto, nasa harapan ko siya ngayon.
"Gino?" Ang naibigkas lang ng bibig ko. His eyes are so emotional that I feel doubly guilty, and I don't know why. I haven't done anything wrong, so why am I feeling so destructive? "Kanina ka pa?"
Bago ko nakuha ang sagot niya ay napanood ko muna ang reaksyon niya na hindi mapakali, may kung ano siyang pinipigilan. "Hmm." Tahimik na tumango lang siya.
Sobrang bigat. Hindi ko alam ang sasabihin.
"H-Hindi ako nakasipot, sorry. Biglaan kasi pag-invite ng kaibigan ko, hindi ko nasabi sa 'yo kaagad." At ngayon, nagagawa ko nang magsinungaling sa harapan niya.
Hindi siya umimik, nasa gift bag lang na hawak ko nakatuon ang mga mata niya. Maya-maya pa ay tumango siya. "Ayos lang."
Nang magsasalita pa sana ako ay agad ding naputol iyon noong may inabot siya sa akin na supot ng plastic. Alam na alam ko na agad kung ano ang laman nito sa amoy pa lang.
"S-Sinubukan kong lutuan ka." He laughed, but why could I hear the pain in his laugh? Kapansin-pansin din ang mga band aid sa daliri niya, halos lahat ay mayroon niyon. "May nasunog ako, sorry ang palpak ko. But I hope you'll still like it, I repeated to cook it many times and I'm sure, nakuha ko na 'yong lasa."
Proven ito, ito iyong street food na madalas naming kainin sa tuwing maglalakad kami pauwi. Ginawan niya ako, pinaglutuan niya ako at kung sakaling sumipot ako sa tagpuan ay kakainin namin itong niluto niya nang sabay.
"Salamat," sabi ko lang nang tanggapin iyon.
Noong pareho na kaming walang masabi sa isa't isa ay nagpaalam na rin siya. Nilagpasan niya ako na hindi na tulad noon, that whenever he leaves, we both trace the smile.
Nagbago na ang lahat at hindi ko na yata alam kung saan kami nagsimula. Since I knew he was not true to his words, parang ang simula na iyon ay hindi na totoo para sa akin. Hindi siya naging totoo sa lahat.
I quickly stopped my feet as I was about to go inside. Bigla ang pagbigat ng dibdib ko nang marinig ko siyang humihikbi sa likuran ko.
"Y-Yshawn..." His voice cracked, I could hear too much pain in his voice. "I'm so confused. Please... make it clear to me, at least..."
I could feel the tears from my eyes flowing down to my cheeks. I just found myself crying too. Hinarap ko siya at kanina pa pala siya nakaharap sa akin, nakayukong humihikbi.
Pinunasan ko ang mga luha ko. "Dapat pa bang ipaintindi 'yon? Para saan pa? Kahit maintindihan mo man 'yon... iisa pa rin naman 'yon, e." I tried to composed myself to not break down.
"Nangangapa ako, Yshawn. Nangangapa ako kung ano 'yong nagawa ko sa 'yo. And I know, you're hurting because of what I did, because of me."
"Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga. Matutulog na ako, Gino." Sinusubukan ko, ayokong ipahalata sa kaniya na nasasaktan na naman ako.
"Please..." Yumuko siya at napanood ko ang paghikbi niya. Gumagalaw ang mga balikat niya. "Make me understand what I did wrong..."
My lips trembled, making it difficult for me to speak.
I nodded firmly. "Oo, dahil sa 'yo!" I shouted and gave up. "Pareho lang kayo ni Daddy! Parehong-pareho kayo! Wala kayong pinagkaiba!"
Napa-angat siya ng tingin. His eyes were filled with both tears and confusion.
"'Y-Your Dad? Yshawn..."
"S-Sa una... Marami siyang plano para sa 'min ni Mommy at ng kapatid ko. Kitang-kita ko sa mga ngiti niya 'yong magandang intensyon niya para sa 'min... Pero lahat ng 'yon purong kasinungalingan lang pala! At ganyan na ganyan ka rin, Gino! Sinaktan niya lang kami ni Mommy... Sinungaling ka, sasaktan mo lang din pala ako tulad ng ginawa ni Daddy!"
"I-I made a promise." He tried to approach me but I just pushed him away. Tangka niya pa sana akong hawakan pero umatras na ako. Napahinto siya at tiningnan ako sa mga mata. "Nangako ako sa 'yo... I promised that I wouldn't let you feel what your Dad did to you..."
Mariin akong umiling. "Gano'n ka, Gino! Gano'n ka! Katulad ka lang niya!" I shouted and shouted.
"I'm..." He looks confused. "You know I can't do that to you, Yshawn..." He shook his head firmly, in denial.
"Pero nagawa mo!" I cried. "Pareho lang kayo... Pareho lang kayo ni Daddy! Parehong-pareho kayo! Ang gago mo!"
After shouting that, I threw my stuff at him and ran into the apartment. Sinundan niya ako at nagsasalita lang siya habang dali-dali ko namang kinuha ang bisikleta ko.
"Please, I wanna make things right. Tell me what I did wrong... I'll do everything to make up for it, and I'll fix myself. Yshawn, y-you're all I have..."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top