Chapter 5


"Tang ina! Ang tagal mo... Sa'n ka galing?"


Iyon kaagad ang natanggap kong pambungad ni Bea sa akin. Inabot ko sa kaniya iyong binili kong snowball. Kinuha naman niya 'yon at agarang nilantakan.


"I borrowed him for a while, my bad." Si Prince ang sumagot para sa akin. Naramdaman ko ang pagkurot ni Bea sa tagiliran ko kaya't palihim akong napa-aray. "I'm sorry for butting in."


Habang hawak-hawak ko ang tagiliran ko ay nagtatakang napalingon naman ako sa lalaki. Akala niya siguro ay naiirita si Bea sa kaniya noong pangiwing kinurot nito ang tagiliran ko. Maya-maya pa ay hinawi ako ng babae at siya ang pumalit sa pwesto ko patabi kay Prince.


Malawak ang ngiti niya noong tiningala si Prince. "H-Hi! Prince!" Kumaway siya rito. Tila nalulula ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki.


"Hi?" Nagtatanong ang mukha ni Prince noong nilingon niya ako. Tinatanong niya sa akin kung sino ang babaeng nasa harapan niya. Inabutan niya ito ng kamay at mabilis namang tinanggap iyon ni Bea.


"Si Bea, blockmate ko. Kaibigan na rin." Nilakasan ko ang boses ko para malabanan ang ingay sa paligid. May iba pa rin kasing banda ang tumutugtog at may mga sumasabay rin sa pagkanta.


"Oo, tama. Bea, ako 'yan. Naghahanap ka ba ng mag-aalaga sa vocal cord mo? O, may kulang ba riyan sa puso mo? Ako na bubuo." Nag-aalangang tumawa si Bea. Kahit na alam niyang ikapapahiya niya ay sinabi niya pa rin ang mga iyon!


Hindi ko naman maiwasang mahiya para sa kaniya kaya kinuha ko na ang palapulsuhan niya para awatin. Ngunit hinawi lang niya ang kamay ko at lumapit pa ng bahagya sa lalaki. Na-we-weird-uhan ako sa ginagawa niya. Ganito pala siya kapag kaharap ang taong gusto niya!


"What... exactly do you mean?" Naiilang na tumawa si Prince.


Nakakahiya na!


"What I mean, naghahanap ba kayo ng backing vocalist? Nakita ko kasi na kulang kayo no'n." Marahang hinila ko naman ang babae noong mapansin kong napaatras na si Prince dahil sa paglapit niya rito.


"Yeah, we don't have a supporting vocalist, to be sure, but we're fine. We can still function even without it."


"Ahh... okay! Pangalawa nga pala ako sa most outstanding sa block namin, si Yshawn 'yong una ako 'yong pangalawa. Matalino naman ako." Kahit wala ako sa posisyon niya ay nararamdaman ko pa rin sa kaniya ang tensyon. Mahahalata iyon sa boses niya na uutal-utal.


When does she plan to stop? I'm trying my best to save her!


Prince simply smiled, and I tried not to think about it, but his disdain for Bea was evident on his face. "Okay? That's nice. Well, at least bumabawi ka when it comes to brains." 


Ngumiti ng malabnaw si Bea. "Ha?" 


"I mean, you can still score higher than attractive women."


The atmosphere suddenly altered. When Bea heard that, I just noticed her mouth widen. Noong mapansin ko na umiwas na siya ng tingin sa lalaki ay agad ko siyang hinila pabalik sa pwesto niya. I know Bea, she speaks frankly and more and more reflects that kind of attitude of hers when it comes to this thing. Baka masapak niya ang lalaki!


"Ah, Prince! May gusto yatang magpa-picture sa 'yo." Tumawa ako ng hilaw bago tinuro iyong mga babae na nasa likuran niya, kanina ko pa napapansing naghihintay ang mga ito na makakuha ng tiyempo. Nilingon naman ng lalaki ang mga iyon at pinagbigyan ang kahilingan na makapagpa-picture.


Iniwan ko ang lalaki na ganoon. Kada may lalapit sa kaniya ay ngumingiti ito sa harap ng camera. Kaniya-kaniyang flash ng camera, iba't ibang tao ang nagpapakuha ng litrato sa kaniya. That's how it is when you're talented and good looking, it can disguise you and cover up who you really are.


"Gago 'yon, ah." Ang narinig ko kaagad kay Bea noong nilapitan ko siya, pabalang iyon. Hindi niya pa mapigilang tingnan ng masama ang lalaki.


I really have big doubts about Prince for her. I should have told her that already.


"Mali siya, maganda ka. Maganda at napaka bait, mayro'n ka no'n pareho." I gave her a kind of genuine smile. She just sighed and her eyes were drawn to the stage, thinking deeply.


She smiled as she turned to face me after a time. "Alam mo, Yshawn... parte lang talaga ng phase 'yong pag-fa-fan girling ko sa kaniya, e. Sa 'yo? Panghabang buhay! Pakasalan mo nga 'ko!" Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa akin habang pabirong kinikilig.


I looked at her arm wrapped around mine at agad na sumipa sa akin ang pangyayari kanina. I suddenly woke up to the truth and returned to reality. Nakita ko, nakita ko ang guilt sa mga mata niya. That proves that he's guilty of what he did.


"Hindi ka ba magpa-pa-picture sa kaniya?" Pinilit ko na lang ang sarili ko na huwag na iyong isipin dahil mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko. Hindi masyado maganda ang lagay ko ngayon, pakiramdam ko ay nabigla ang katawan ko.


Kumalas si Bea sa akin at pasiring na humalukipkip. "Hindi na 'no! Asa siya! Nakaka-disappoint! Ugok na 'yon, kala mo kung sinong gwapo!" Hinugot niya ang phone niya at nakita kong dinilete niya ang numero ni Prince sa contact.


"Sa sobrang pagkadismaya, kayang-kaya mong i-delete 'yong number niya."


Tumawa siya ng sarkastiko. "Kung pwede lang din siyang burahin sa mundo, kanina ko pa ginawa."


"I'm sorry guys." Pareho naman kaming natigilan nang marinig namin ang boses noong lalaki. Nilingon ko si Prince na ngayon ay nasa tabi ko na, pawisan siya at pinupunasan naman niya iyon gamit ang kaniyang panyo. Tumawa ang lalaki. "I couldn't even imagine having so many fans."


I overheard Bea chuckled mockingly. Laking pasalamat ko naman dahil hindi iyon narinig ni Prince. Tumabi lang ang lalaki pagitna sa aming dalawa at alam ko naman kung ano ang magiging reaksyon ng babae. Palihim niyang inirapan si Prince.


Nagpatuloy sa pagtatatalon ang mga tao habang sumasabay sa pagkanta noong banda. Except for Prince and I, everyone looked to be losing their minds. My attention was solely on Gino, but I had no idea where Prince was fixated. He looks distracted.


For a few more moments, my thoughts were interrupted when I felt his finger touch mine. Napabaling ako rito at pareho pala kaming nagbaba ng tingin. Noong mag-angat ako ng ulo at nang magtama ang paningin namin ay pawang nangungusap ang mga mata niya. 


I immediately averted my gaze as I noticed his mouth open as if he had something to confess. Or, baka nag-iilusyon lang ako?


"Yshawn..." Narinig ko ang pagbanggit niya ng pangalan ko ngunit ang kasunod niyang sinabi ay hindi ko iyon naintindihan. Pareho na kaming napapaatras ngayon dahil hindi sadya kaming natutulak noong mga nagsisitalunan.


"Ano 'yon?! Hindi ko narinig 'yong sinabi mo!" I even shouted those words trying to make sure he could hear me.


"I just want..." Hirap siyang magsalita dahil nagigitgit na siya. Maging ako ay ganoon na rin.


Naitulak ko na itong lalaki sa harapan ko na gumigitgit na sa akin. Pansin ko pa na sinusubukang makalapit ni Prince sa pwesto ko ngunit mistulang naging isda kami na nagsisiksikan sa iisang lata.


"Yshawn-" When everyone was roaring, I couldn't hear what he said again.


Nilalabanan kong hindi matumba ngunit tila kaunti na lang yata ay mangyayari na iyon. Nagsalita na ako at sinabihang umusog ang lalaki ngunit tuloy pa rin sila sa pagtutulakan. Gustong-gusto ko nang sumuko.


Ilang sandali pa ay naging kalmado na rin ang pwesto ko. Nakikita ko na ngayon sa harapan ko ang isang braso na humaharang at pumipigil doon sa mga nagtutulakan. From the sleeve of his polo shirt, from the shape of his hands and arms, kilala ko na agad kung sino itong lalaki na tumulong sa akin para hindi magitgit.


Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ang nadidismaya niyang mukha mula roon sa mga taong gumigitgit sa akin. He hugged me without saying anything. He wrapped his arms around me to protect me from those who were wildly jumping above the loud music. He took me away from the crowd and brought me here under the shelter of a tree.


Malayo kami sa lahat. Sa amin ang lugar na ito. Walang makakapagbulabog ngunit itong nararamdaman ko, gusto nitong sirain ang katahimikan. Gusto kong umalis. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko siyang makita ngayon, magulo ang isip ko ngayon. Baka may masabi lang ko sa kaniya na hindi niya dapat marinig.


Narinig ko ang pagkaluskus ng mga damo noong maglakad siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit kaagad ko iyong kinuha. Dumadampi sa makinis niyang mukha ang ilaw na nagmumula roon sa stage. Sapat na ang liwanag na iyon para makita ko ang pagkagat niya ng pang-ibabang labi.


"M-May sasabihin ka ba?" iyan lang ang kaya kong sambitin. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay iniingatan kong hindi magkabuhol-buhol ang mga sasabihin ko. I don't want to show how much I'm hurting! "Uhm, sige."


Inalis ko na ang tingin sa kaniya bago siya tinalikuran. Umalis ako at lumabas ng school. Hindi siya nagsasalita. Wala siyang sinasabi sa akin. It makes me look even more like he hurt me when I see his guilty eyes.


It's already midnight, there aren't people around, and there's a dark alley... I should be terrified but I'm not. Nakakawalan ng gana. Gusto kong magalit, gusto kong magsalita ngunit pinipigilan ako ng katotohanan na wala akong karapatan... I have no right, we even have no relationship.


Ang tanging pinanghahawakan ko nga lang ay iyong nanliligaw siya sa akin. We're still in that phase, we're still in that part. I have no right, it is still up to him to decide whether he will be serious or not. Ngunit kitang-kita naman na hindi.


Kung ganoon naman pala edi sana ay nirespeto na lang niya ako. Sana nirespeto niya ako dahil naging totoo ako. Naging totoo naman ako, ah? Naging totoo ako sa lahat-lahat, naging totoo ako sa kaniya.


Sana ay naging totoo rin siya sa akin at sinabing hindi niya ako gusto. Simple, ganoon lang naman kadali iyon, e. Bakit kailangan niya pang magsinungaling at magtago sa likod noon?


Naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Ang sakit pala nito. Hindi ako handa, wala akong alam. Ganito pala iyon? This is how it feels to be true, but what you get back is a complete lie.


Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "H-Hindi pa tapos 'yong event, ah? Anong ginagawa mo rito?" Nasulyapan ko siyang tahimik na sumusunod sa akin, nasa likuran ko lang siya.


Noong hindi siya nagsalita ay napalingon ako sa kaniya. Nakapamulsa siya habang ang mga mata ay nasa sahig. He was preoccupied in his thoughts. At hindi ko alam kung paano niya pa nakukuhang mag-isip. If he had found guilty, he would not have been able to face me.


I just let him follow me. Total, wala naman na siya sa akin ngayon. Bahala siya. That's his life, and I will respect his wishes. My only wish is that he no longer includes me within those. Gusto kong pakawalan na niya ako.


I closed my eyes tightly and took a deep breath. Pinakiramdaman ko ang paligid. Every touch of a cool breeze on my skin provides immense pleasure... everything is still in working order, there is darkness but the lamppost's light grapples with it. It's all quite restful and calming.


Napangiti na lang ako dahil pilit kong inilalayo ang sarili ko sa sitwasyon, at may lakas pa ako ng loob na pagsinungalingan ang sarili ko. Sa katotohanan, ay dini-distract ko lang ang sarili ko sa mga bagay para hindi ko maisip 'yong nangyari. 'Yong nakita ko.


"Kuya... pahinging barya." Napahinto ako rito sa tapat ng isang kariton. May kalumaan na ito at tiyak ako na ito ang nagsisilbing tahanan ng bata na humihingi ng barya sa akin.


Huminto ako saglit para harapin siya. Tiningnan ko ang relo ko para i-check ang oras. Kanina pa pala. Nang tumingin ako sa gilid ko ay nakita kong nakasandal na ang lalaki sa pader habang nakayuko at nakapamulsa. Ganyan na ang hitsura niya simula pa kanina.


"Hi," nakangiting bati ko sa bata. "May alam ka bang pwedeng kainan rito tulad ng McDo?" tanong ko.


Tumango naman ito. "Meron. Tara hatid kita do'n, kuya. Pupunta ka ba do'n?" Mabilis itong bumaba ng kariton at itinuturo na niya sa akin ang lugar.


"Oo, e. Samahan mo 'kong kumain, gusto mo ba?"


"Weh?" Hindi makapaniwala ang hitsura niya.


I tried to smile and look convincing for her to trust me. "Oo nga, seryoso ako... Libre ko na." 


"Sige!" The smile and the twinkle of those eyes, it was a symbol of happiness and excitement.


Dinala niya ako sa fastfood at iksaktong open ito 24 hours. Pinaupo ko siya sa seat sa labas at iyong lalaki naman ay tahimik lang din na umupo paharap sa bata. I'm not sure what he's thinking about, but I know when something goes wrong, he emits that look.


Um-order ako ng Chicken McDo na Good for 3 at dinagdagan ko na lang din ng McFloat para sa bata. Nang makuha ko na iyong order ay lumabas na ako at inilatag iyon sa table. Tumabi ako sa bata at pareho na naming kaharap ang lalaki.


When I took out my orders, the joy immediately flashed in the kid's eyes. Hindi rin nakawala sa pang-amoy niya ang bango noong mga pagkain. Inabutan ko ang lalaki ng isang basket at napatitig naman siya sa akin, nagtataka kung bakit ko siya isinali sa pagkain.


"I don't want anyone to go hungry," I said coldly. He just glanced at the meal I handed him and said nothing. Sumabay na lang din siya sa pagkain.


I watched the kid eat. She is a girl. I know how vulnerable a child is... easy to deceive, easy to harm, easy to fool. They are easy to be fooled by time and situations. Yes, we all deserve to live, but they don't deserve this kind of life.


We all know the world is beautiful, but children like them will never see it because they are deprived of the opportunity to experience it. 'If children are such a burden, then why do people have so many of them?' that was said by Anne Shirley, the main character of the series I've watched, and that phrase makes me ponder a lot.


Hopefully, they will see children like these... like this one by my side, where they will see the consequences of being reckless. They do not deserve to beg in the streets just to survive. They deserve to laugh and smile that their surroundings are peaceful. They deserve everything.


I checked the time on my watch once more. It's been a few hours have passed but the man doesn't seem to be in the mood to remember this day.


I tilted my head to look at the kid. "Unsa imong ngan?" tanong ko sa pangalan niya.


She faced me with her greasy mouth. Napangiti naman ako roon sa hitsura niya. Pinunasan ko naman 'yon gamit ang hinlalaki ko. She was just like my sister, they both are so cute and pretty. I miss my sister. So much.


"Alliah." Her mouth was also full, making it difficult for her to speak.


I asked where her parents were but the only answer I got was the movement of her shoulders. Only one of the two answers was, that she didn't want to say something in detail or there was an incident behind her parents' name.


I just smiled to change the atmosphere. "Alam mo ba Alliah, kung bakit kita sinama rito?"


"'Di..." Umiling siya.


Lumapit ako ng bahagya nang maabot ko ang tainga niya. Maingat kong ibinulong sa kaniya ang dahilan ko ng pag-aya sa kaniya na kumain rito. And I saw the man staring at me, had sorrowful eyes when I was in that position.


Umayos na ako ng upo. Noong nilingon ako ni Alliah ay nginitian ko siya. Nakikita sa kaniya na nahihiya siyang sabihin ang ibinulong ko sa kaniya. I cheer for her to not be shy. Noong nilingon niya ang lalaki ay napatingin ito sa akin, he stared at me with a puzzled expression.


"Happy birthday po, Kuya Gino," pagbati ni Alliah sa kaniya.


Birthday niya. Alam ko. Tanda ko. Kabisado ko. Ngayon ang araw na iyon. Kanina pa. Planado ko na ang lahat, ito ang plano ko na kumain kami rito sa paborito naming kainan. Ang na-pi-picture ko pa nga sa isipan ko ay magiging masaya iyon, his birthday would be memorable.


Best of the best.


Oo, memorable naman ito, panigurado pa na mahirap talaga 'tong makalimutan. Ngunit inaamin ko, hindi nga lang ito ang hinihiling ko na mangyari, hindi 'to masaya. Hindi ako masaya. Both of our eyes were unhappy.


"Happy birthday," nanghihina kong pagbati sa kaniya. I smiled at him, I need to.


Raindrops fell one after another, resembling fireflies as they passed by the flare of the lamppost. Upon hitting the ground, they formed shapes like fireworks.


Nakaupo ako rito sa waiting shed at nasa tabi ko naman si Gino. Ang mga mata namin ay naroon lang sa harap ng kalsada, pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Our mouths are both shut, but I know our minds are open.


"I know you don't want to harm anyone, but I want you to feel what it's like to fight back," he suddenly said softly. Earlier, I didn't want to believe that he was guilty of what he did, but after hearing what he said, I now concluded that he had seriously hurt me. "Sa 'kin mo gawin, Yshawn."


"Gaya ng?" was just a simple question I asked. I'm dead tired.


"Do whatever you want to me. Lahat, kahit ano." There was no doubt in his voice. Without even a second thought.


Nilingon ko siya at nakatingin na pala siya sa akin dahilan para magtama ang aming mga mata. Muli kong nakita ang mga mata niyang nangungusap. But the only change now, unlike before that they are telling truth, I only see pure lies.


I  put my eyes back on the road with a miserly smile on my lips. Tinuro ko ang kalsada na hindi na dinadaanan ng mga sasakyan. It was already two o'clock in the morning, and only rain made noise around.


"Humiga ka ro'n," I commanded him. He stared me in the eyes as if he was wondering if what I was saying was honest and serious.


I lowered my hand and looked down at the ground. When I looked at him again, he immediately understood what I was trying to say. 'When did I stop telling the truth?'.


Bigla ang pagyuko niya. Marahan siyang tumango-tango at tumayo. Noong lumakad siya palabas sa silong nitong waiting shed ay nakita ko ang unti-unting pagsakop ng tubig ulan mula sa kaniyang ulo at mga balikat.


Naglakad na siya papunta roon sa gitna ng kalsada at walang pag-aalinlangang humiga roon. And now his body was fully doused in rainwater. I could see how the rain was kissing his perfectly smooth skin. And I was here, sitting and watching him.


He had been there for almost hours when I heard his voice, "M-Matagal pa ba?"


"Nagrereklamo ka ba?" mahina kong sabi ngunit sapat na para marinig niya.


"Hindi. Dagdagan mo pa. Kulang pa nga, e!"


"Hanggang bukas, kaya mo?" tanong ko.


Tumango naman siya. "Kaya ko!"


He took his eyes off me and there he faced the sky. Sa ganyan, sa ugali niyang iyan. That's where I fall so fast. How can I convince myself that he truly wounded me if that's all he's showing me?


Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Nang masulyapan niya ako ay nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Tatayo na sana siya ngunit agaran ko siyang pinigilan. Gusto niya akong bumalik doon sa silong.


"Yshawn?"


"Masarap sa pakiramdam," ang sabi ko na kaniyang ipinagtaka. I bent my head down to see his eyes.


"Ang... alin?" malumanay na naguguluhang tanong niya.


"Ang gumanti," I answered and he averted his eyes from me and nodded slowly.


I sighed before looking up at the sky. I closed my eyes and felt the touch of the rain on my face. This is so surreal, to feel the rain. But it's just weird to feel the rain and the sense of retaliation at the same time.


I sat down beside him and laid down as well. We are only a few meters apart and it was unnatural to feel a split between us as if it posed a barrier to who we used to be.


"But I feel guilty now. Sa una lang pala 'yon." I laughed forcingly I then turned to face him. His demeanor indicated that, despite his silence, he was listening carefully and worried. "Ikaw ba?"


I saw the movement of his throat when he gulped. "Sorry," he uttered and his voice was sincere but I don't know why it's so hard to believe him, I don't know what's behind it.


And that's not what I want to hear from him. Sorry? What is he sorry for? Isn't it, that you'll say sorry when you've done something bad to someone? Or when you disappoint someone. He shouldn't be sorry, I should be. I think it's my fault why this has happened. I let fantasy swallow me.


"Na-gui-guilty ako..." I heard his voice once more. "I pretended to be fine in front of them. Pero no'ng mga oras na 'yon... I felt so guilty for doing that. I'm so worried about you, at nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawa kong isantabi 'yon para sa kanila. I shouldn't be smiling, I shouldn't be okay dahil naro'n ka sa apartment nag-iisa at walang umaalalay sa 'yo."


Sa mga ilang oras na hindi ko siya kinakausap at pinaparamdam sa kaniya na hindi ko gusto ang presensya niya... the only thing he knew was that thing. 


Akala niya siguro kung bakit naging ganoon ang trato ko sa kaniya, because I saw him having fun habang ako ay nahihirapan sa sarili dulot nang may sakit ako.


What can I expect from this man? Tumawa na lang ako at tumayo. I shortly glanced at him before leaving him lying there alone. He was left confused.


Nagising na lang ako na ang naririnig ay ang pag-vibrate ng phone ko sa side table. Nang kinuha ko ang phone ko, alas sais pa lang ng umaga ay binubulabog na kaagad ako ni Bea. I opened my messenger and read her messages.


SAT AT 7:18 AM


Bea:

Yshawn nakita mo na ba yun? Popular now na sa fb gagi

Nakakahiya

Ganyan pala kapag lunod ka na sa pagmamahal

Gagawin lahat!

Ang corny!

Ang daming haha react!


Nagtipa kaagad ako ng i-re-reply sa kaniya. Papungay-pungay pa ang mga mata ko dulot ng kagigising ko lang at kaunting oras pa lang ang naitulog ko.


Won:

Alin? I'm not active on fb and anywhere socmeds


Right after, I saw that my reply was delivered at na-seen na nga niya iyon. Tumatalbog-talbog na iyong tatlong tuldok, at lumitaw na ang reply niya sa screen.


Bea:

Malapit lang sa campus

May nakahigang lalaki sa kalsada sa harap ng waiting shed

Schoolmate natin 

Sabi kaninang umaga pa raw yun nandun


When I read her reply, my heart raced and I almost fainted. Without a doubt, I already recognized who she was speaking about. I don't even have to watch that clip! My fingers trembled as I typed my reply.


Won:

Nnandno pa b?


Bea:

Hindi ko alam

Nakita ko sa video pinapaalis na siya ng mga tanod 

Nakakaabala na siya sa mga dumadaang sasakyan e

Kaso sinasabi niya lang na hindi raw siya pwedeng umalis don

Paulit ulit


My eyes quickly grew restless. Nangangatog ang mga kamay ko noong ibinaba ko ang phone sa side table. Bumaba kaagad ako ng kama at hindi na inintindi ang sarili.


Pagkalabas ko ng room ay pilit ko pang kinukuha ang tsinelas ko gamit ang paa ngunit pakiramdam ko ay wala na akong oras para roon! Mabilis akong tumakbo palayo at pababa ng apartment. Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya sinunod ang sinabi ko? Bakit ba siya ganoon kung mag-isip!


Naluluha akong lumabas ng gate ngunit agad rin akong napahinto sa pagtakbo nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Marahan akong pumaikot para harapin ang taong nagsalita. 


Noong kaharap ko na siya ay nanghihina pa ang katawan niya. Tumayo siya habang nakahawak sa gate, nagsisilbi iyong alalay para makatayo siya. I don't want to think that he's been waiting for me at the gate for a long hours!


"Tatakbo ka na isa lang ang tsinelas mo? That will hurt your foot." Pagpansin niya sa paa ko ngunit hindi ko na iyon inisip.


Pinagpagan niya ang kaniyang sarili at nanghihinang lumapit sa akin. Hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa hitsura niya. Natuyo na lang ang tubig ulan sa katawan niya kahihintay! 


"Bakit mo ba 'ko pinapahirapan ng ganito?" I cried.


He laughed innocently as he rubbed his nape. "Sorry, Yshawn." Sorriness filled his eyes the moment he saw my sobbing face. He carefully touched his thumb to my cheek to wipe away those tears. "I'm sorry... I-I made you cry... I'm so sorry..."


Hinawi ko ang kamay niya. "Gino?!" He looked at his hand that I pulled away and he smiled hurtfully.


Yumuko siya. "P-Pinaalis nila ako... I'm sorry, Yshawn... I-I failed to follow you."


It appears that the situation has changed, I am now in pain as a result of what I did to him.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top