Chapter 3


"Yshawn, bilisan mo dali... Tingnan mo 'to."


Narinig ko ang impit na pagtawag sa akin ni Bea noong makita niya akong papasok na ng room. Papalapit pa lang ako sa kaniya ay mukhang may maganda na siyang balita, makikita iyon sa ngiti niya. Nang mailagay ko ang bag sa upuan ay umupo kaagad ako at hinarap siya na may mukhang nagtatanong.


"Exempted ba tayo sa quiz?" inosente kong tanong sa kaniya.


Pareho kasi kaming nakasagot sa recitation noong isang araw at hindi iyon ganoon kadaling tanong dahil halos lahat yata ng mga ka-block mates namin ay hindi makakapa ng idea. Hula ko na kaya ganito ang reaksyon niya na mukhang na-e-excite ay paniguradong iyon ang dala niyang good news sa akin.


"Hindi. Hindi 'yan, kinalimutan na tayo no'n ni Tupang. Tupang ina nga niyan, e." Mali ako ng inaasahan. Naroon pa rin ang galit niya kay sir Tupang kahit nasa second term na kami ngayon. Naging Prof. namin ito noong first term at roleta lang ang ginawa sa grades niya. At minamalas nga naman dahil Prof. ulit namin siya ngayong second term. "Hayaan mo na nga. Tingnan mo na lang kasi 'yan, oh."


Napahabol ako ng tingin noong may tinuro siya sa desk ko. Umayos ako ng upo at kinuha iyon. Saglit naman akong napalingon kay Bea noong binunggo niya ako, nakangiting binubuyo niya ako. It was a heart-shaped origami, a paper hearts. Hindi ko na matadaan kung kailan iyong unang araw na nakakita ako nito na rito rin mismo sa desk ko nakalagay. Ang pagkakatanda ko, pang-walong beses na yata.


"Pang-ilan na 'yan? Hindi ka pa rin ba maniniwala na para sa 'yo talaga 'yan?" Nakahalumbaba na siya at maintrigang nakatingin sa akin.


"Hindi pa rin," pagtangging sabi ko sabay na inilapag ulit iyon sa desk. "Maniniwala ako kung tayo lang ang gumagamit ng room na 'to."


Kung kami lang ang nag-ro-room dito, paniguradong isa sa mga ka-block mates namin ang intensyon talagang iwan ito rito para ibigay sa akin. Indirect. Kaso imposible naman iyon.


"Tanga..." Hinampas niya ako sa braso. "Kung hindi lang tayo, siyempre galing 'yan sa taong naka-sit din dito at intensyon niya talagang iwan 'yan para sa 'yo."


Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na para sa akin ang bagay na 'to. Ayokong mag-assume lalo na't wala namang kasiguraduhan iyong mga sinasabi niya. Noon pa ay walang nagkaka-interest sa akin at ngayon pang sasabihin ni Bea iyan sa akin ay mas lalong malabo iyon.


Dahil sa post na iyon ni Axel ay iba na ang tingin ng mga estudyante rito sa akin. Gusto ko mang ipagsigawan na walang katotohanan sa post na iyon ay hindi ko pa rin naman hawak ang isip nila. Iisipin nila kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa akin, at wala na akong magagawa roon kundi ang hayaan na lang. Darating din naman ang araw na malilimutan din nila iyon.


Kaya iyang sinasabi ni Bea na para sa akin ang origami na 'to, I'd rather accept the fact that it was given to me by mistake.


"Don't conclude. Tingnan din natin kung ano 'yong nasa likod. Baka trip niya lang gumawa tapos iwan 'to rito." Muli kong kinuha iyong origami at isinilid iyon sa pocket ng bag ko.


Pansin ko, marami-marami na rin ang mga 'to rito. I think that person still has a plan to take it, right? Nasabi ko na rin kay Bea na kung bakit ko tinatago ang mga ito. Balak ko itong ibalik doon sa taong gumawa nito at sabihing huwag siyang mag-iwan ng kalat sa desk dahil hindi lang naman siya ang gumagamit nitong upuan.


"Try mo naman kaya kiligin minsan!" Inirapan niya ako. "Para maramdaman mo 'yon, subukan mong mag-imagine katulad ng naiisip ko ngayon. Try mo, dali!"


"Wala akong tiwala sa iniisip mo." Umiling ako.


"Gago, malandi lang ako hindi pokpok. May mga matitino rin akong iniisip, 'no." Kumuha siya sa pouch niya noong foundation, binuksan niya iyon at doon nanalamin.


"Okay, pa'no?" Narinig ko ang malakas na pag-sara noong foundation at malawak ang ngiti niya noong nilingon ako.


Umusog siya ng kaunti palapit sa akin dala-dala ang nanunuyang ngiti. "'Yong ganito, isipin mo na baka secret admirer mo siya. 'Yong tipong hindi mo namamalayang in love na in love na pinagmamasdan ka na pala niya araw-araw, ganyan. Araw-araw ka rin niyang hinihintay pumasok para makita. 'Yong obsess na obsess, gano'n!"


Napangiwi naman ang mukha ko. "That's your preference, Bea." Umiling ako. "Hindi ako imaginative pagdating sa ganyang bagay."


"Nakakakilig kaya!" matinis niyang sabi.


"That's you." Bumuntong-hininga naman ako. "And extreme obsession can stem from different conditions... Much worse, it can turn into an illness... Walang nakakakilig do'n."


"Okay..." Umirap siya. "Ganito na lang... silent boy siya 'yong tipong introverted na nagkakagusto sa 'yo tapos sa loob-loob pala is wild siya pagdating sa kama-"


"Oh, please spare me..." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nagtakip ako ng mga tainga para hindi marinig ang mga susunod niya pang sasabihin.


Walang tabil ang dila niya, kung ano man ang umiikot sa isipan niya ay kayang-kaya niya iyong sabihin ng walang pag-aalinlangan. I know her and she tells me a lot of things that I'm trying to understand, but no matter how hard I try, I'm still not open to such topics. Hindi lang talaga iyon topical.


"Ang KJ!" Muli na siyang humarap sa whiteboard at naghahalungkat na ng kung ano sa pouch niya. "Ang neutral mo naman. Para kang robot, walang emosyon."


Hindi ko maisip kung paano ko nakayanan ang buong araw na bukang-bibig lang ni Bea iyong origami. Kung iisipin kasi ay hindi talaga normal iyon lalo na't araw-araw ay nakapatong ang bagay na iyon sa desk ko. Say that it was a pastime or a stress reliever for the person who did it? Pero araw-araw naman yata siyang bored at stress kung ganoon.


Umuwi ako ng mag-isa at walang Gino na sumundo sa akin. Kahit inaasahan ko na makikita siya sa loob ng campus ay hindi siya nahagip ng mga mata ko. Napagkasunduan namin na huwag na munang magkita at hayaan munang pakalmahin ang sitwasyon. It's not healthy for us to be together if we're both carrying a lot of weight, it's best to calm it down first.


Sa katotohanan niyan ay maigi rin na hindi muna kami magkita, way rin 'to para makapag-isip-isip kami. What he said was a slap in the face to me, I became a coward and afraid of everything. I ran away from things that had the potential to harm me and didn't face them instead, I just let myself be swallowed up by those... I let myself run away with those.


"Thank you pala dito. Kailangan lang kasi ng kapatid ko." Napa-aga ang pasok ko dahil humiram si Jaz ng color pencil sa akin, para sa kapatid niya na nasa grade school. Noong kaninang umaga lang kasi nasabi ng kapatid niya na may kukulayan itong project at iksakto namang ngayong araw rin pala ang pasahan niyon.


"Kahit hindi mo muna ibalik agad, hindi ko naman masyadong nagagamit."



"Okay," nakangiting sabi niya.


Naglalakad kami papunta roon sa gilid ng oval at may mangilan-ngilang estudyante na rin naman ang naririto. Iyong iba ay pumapasok lang ng maaga para mapag-isa at makalanghap ng sariwang hangin. Napapaligiran kasi ng mga puno ang campus kaya magandang lugar 'to sa mga gustong magkaroon ng peace of mind at mag-aral ng tahimik.


"Buti nakakayanan mong mag-isa?" malalim na tanong niya.


"Ako dapat magtanong niyan." Ngumiti ako ng tipid.


Tumingala lang siya at bumuntong-hininga. "Okay lang naman. Nakakayanan pa rin. Kailangan, e."


Sa sinabing 'yon ni Jaz ay ngayon ko lang napagtanto na wala yatang lugar para sa mga taong sumusuko. Parang kahit kailan ay hinding-hindi ka pwedeng sumuko. Even if you're surrendering for your own sake, for your own rest and comfort... hindi ka pwedeng sumuko dahil kapag ginawa mo iyon, hindi lang ikaw ang talo kundi ang mga taong umaasa at naghihintay rin sa 'yo.


"Magagawa rin natin 'to." Nagbitaw ako ng ngiti sa kaniya at ganoon rin ang ginawa niya. "Ga-graduate din tayo, soon! Then after, maghahanap tayo ng trabaho saka magpapayaman!"


Natawa na lang siya sa sinabi ko. It was too good to be true pero baka malay namin, mangyari 'yon isang araw. We don't know.


Nagkumustahan lang kami saglit at nagpaalam na rin. "Sige, Jaz, see you na lang ulit! Bye! Ingat!"


Malaki na ang pinagbago ni Jaz, nakikita ko sa kaniya ang katatagan sa buhay lalo na at siya na mismo ang tumatayong magulang noong mga kapatid niya. Siya na lang, pati ang lola at mga kapatid niya ang naiwan matapos noong maghiwalay ang mga magulang niya at iwan sila ng mama at papa nila, sumama sa bagong nobyo't nobya ng mga 'to.


Pareho na kaming abala at wala ng oras sa isa't isa... ang oras na lang yata namin ngayon ay para sa pag-aaral na lang. Tumayo na ako noong makita ang oras, ilang minuto na lang ay magsisimula na rin ang klase. Kahit kakaunti pa lang ang estudyante ay paniguradong maya-maya ay dadami na 'to.


As I quietly walked down the corridor, I quickly braked my feet when I was across the room. Marahan akong napahawak sa strap ng bag ko habang ang paningin ay nakapako lang doon sa lalaki. Nasa likurang bahagi ako ng pinto dahilan para likod lang niya ang nakikita ko, ngunit tanaw ko pa rin ang paggalaw ng mga kamay niya, gumagawa siya ng origami at sa upuan ko siya mismo nakaupo.


I couldn't stop thinking about what I'd seen till I fell asleep. Kinabukasan ay sinadya kong pumasok ng maaga at pagkarating ko ng room ay naabutan ko siyang naglilinis ng bintana. Hindi agad ako pumasok sa loob at lumapit lang sa kaniya. Noong makita niya ako ay saglit siyang napahinto sa ginagawa bago muling nagpatuloy sa pagpupunas, hindi niya ako pinansin.


Sumandal ako sa pader patalikod sa kaniya at nilabas ang ginawa kong origami na bangka. Inilusot ko iyon sa bintana at ipinatong doon. Hinintay ko siyang kuhanin iyon at tipid naman akong napangiti noong ginawa nga niya. Naglagay ako ng sulat doon na nangungumusta at nasilip ko naman na nabasa niya iyon, ngunit agad na naglaho ang ngiti ko noong umalis siya at nag-map na ng sahig.


He ignored me and my letter.


I was dumbfounded. Naibulsa ko na lang ang mga kamay ko at nagsimulang maglakad paalis. How did I end up like this without even considering how he would feel? Umasa ako na magiging madali na lang ang lahat dahil nalaman kong ginagawan niya ako noong origami. Maayos na ako at malalim ko nang napag-isipan ang lahat ngunit siya, hindi ko alam na ganoon pala kalalim ang ginawa ko sa kaniya.


Nasa ganoon akong malalim na pag-iisip nang may namataan akong isang eroplanong papel na dumausdos sa sahig, nasa gilid ko na ito. Nilapitan ko iyon at pinulot. Binasa ko ang nakasulat, agad namang kumawala sa mga labi ko ang ngiti. Bangka ba yong ginawa mo o party hat? Lol. Kumusta? ang basa ko sa sulat. Mabilis ang paglalakad ko noong bumalik ako roon sa pwesto ko kanina.


I leaned against the wall and looked at him, and he was leaning against the window with a small smile on his lips. "I didn't even get compliments... I put much effort into doing that tapos nilait mo lang?" I smirked and shook my head.


He laughed softly then he crossed his arms over his chest. "I'm just telling the truth."


"Minsan nakakasakit din 'yon. Sana alamin mo muna kung gaano ka-vulnerable ang isang tao pagdating sa katotohanan." I hissed.


He put his hand over his lips to keep the laugh from coming out. "What? Yshawn, ang drama mo. Nasa'n na 'yong sinasabi mong kumusta na 'ko?" Ang tinutukoy niya ay iyong sinulat ko roon sa bangkang papel.


Napanguso naman ako. "Hindi ka ba nahihirapan?"


Kahapon ko lang din nalaman, kaya hindi ko siya nakikita sa campus ay pinarusahan pala siya ng suspension in school dahil sa ginawa niya kay Axel. May punishment pa siya na mag-community service.


Dito siya in-assign sa department namin, at ang buong building na ito ang lilinisan niya araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Si Axel naman ay na-suspend din at nilipat na rin siya ng ibang block. Hindi na maganda para sa amin na magsalubong ng daan.


Simply with that, because of my edited photo that he posted on Twitter with his friends, the school's still discussing whether they will be punished with expulsion.


Luckily, Bea has friends who know how to take down photos. It didn't spread that badly and Gino didn't see that. It didn't get any worse, but I was still affected. I'm just learning not to, but maybe someday I will.


"Hindi naman." Marahan siyang umiling. "Knowing that you kept those... it was enough to make me feel better." Yumuko siya at nakita ko ang pagngisi niya.


I looked away from him and couldn't help but play with my fingers. I bit my lips, restraining myself from smiling. Alam niya. "Hmm, I still have those," I said.


Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napagtantong kanina niya pa pala ako tinititigan dahilan para magtama ang paningin namin. We both applied a smile and his eyes appear to have arisen into something remarkable and unparalleled... seeing those, it seems that I shall love my perspective even more.


Noong malaman ko na sa kaniya galing iyong mga heart-shaped origami ay agad kong tinago ang mga iyon. Tila naging espeyal na ang mga iyon. That losing one of them will be enough to tear down my days. Ganoon na sila ka-espesyal para sa akin.


"Do you want me to teach you?" Tuluyan na siyang humarap sa akin at isinandal ang isang braso sa bintana habang nakasilip sa akin. Dalawang beses niyang tinaas baba ang kilay niya.


I smiled. "Ayoko nang laitin ng isang Myle Gino Park." I teased him using his full name.


Sabay kaming tumawa. Pumasok na ako sa loob ng room at sinalubong niya ako. Pinauna niya akong umupo sa upuan ko bago siya tumabi sa akin. Sinabihan ko naman siya na unahin niya munang tapusin ang ginagawa niyang paglilinis ngunit sinabi niyang hindi na niya mabilang kung nakailang linis na siya ng room kaiisip sa kung anong bagay. Gusto ko mang tanungin kung ano ang mga iyon pero nadala ako ng hiya, tinikom ko na lang ang bibig ko.


Nginitian ko lang siya at naglabas na ng papel. Umusog siya ng kaunti palapit sa akin habang tinuturo sa akin ang mga steps para gumawa noong hugis puso na origami. Sa ilang metro lang ang nakapagitan sa amin ay naaamoy ko na 'yong natural smell niya. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko gusto ang amoy na iyon.


"Palutangin natin 'to ro'n sa fountain. Let's go?" Tinuruan niya rin ako gumawa noong bangka.


Noong tumayo siya ay sumunod na rin ako. Pagkarating namin sa fountain ay walang pag-aatubili niyang pinalutang ang mga iyon. Sampung piraso ang ginawa namin at sunod-sunod niya iyong pinalutang. Nilingon niya ako at nagtataka naman siya nang makita niyang hawak ko pa rin itong isa.


"Yshawn?" nakangiting sambit niya sa pangalan ko pero may halong pag-aalala ang mga mata niya. Akala niya yata ay hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang paglutang noong mga bangkang papel dahil halata sa akin na ayaw kong ilapag itong hawak ko sa tubig.


"Pwede bang... itago ko na lang 'to?" inosenteng tanong ko.


Humarap siya sa akin, and he gently touched the side of my head as he laughed softly. "You can keep it," sabi niya at ngumiti. "That's so cute." His voice was getting lower, so I was unlucky to hear the last thing he said.


Ngumiti na lang ako sa kaniya. Maya-maya pa ay tumabi siya sa akin at naramdaman ang paglapat ng braso niya sa balikat ko. Habang nakaakbay siya sa akin ay sabay naming tahimik na pinagmamasdan ang paglutang noong mga bangkang papel.


Itong bangkang papel na nasa akin ay ito ang unang gawa ko na siyang nagturo sa akin kung paano. Ayaw kong sayangin dahil isa na 'tong bagay na may magandang memorya, hindi ko gugustuhin na lumubog at maglaho lang 'to ng tuluyan.


I had hoped for everything to remain calm, but it seems I got more than that. The vibrance has returned since Gino and I spoke again. The surroundings became quiet once more, and I appreciated every moment once more. Pero kahit medyo okay na kami ay hindi pa rin namin maiwasan ang mailang.


Kinabukasan ay inaya niya akong gumala. Nagtanong naman siya sa akin kung saan ko gustong pumunta. Ang sinabi ko lang ay mag-mall na lang kami na malapit dito sa lugar namin at humanap ng makakain at pwedeng gawin. Ayokong pumunta ng malayo dahil may mga gagawin pa ako, hindi ko gustong mapagod dahil baka hindi ko matapos ang mga iyon.


Sinundo niya ako sa apartment at nahiya naman ako bigla noong makita siya. Pumasok ako ng kotse ng tahimik at hanggang sa biyahe ay wala akong imik. Ganoon din naman siya, pareho kaming nangangapa pa sa isa't isa.


Madalas kaming ganito na kapag may pinagtalunan ay hindi namin alam kung saan magsisimula, ako ba muna ang mauunang humingi ng sorry at ibaba ang pride o siya. Kaya ang nangyayari ay pareho lang kaming tahimik.


"How about... let's have dinner at a steak house? What do you think?" tanong niya sa akin habang naglalakad na kami sa loob ng mall.


Ang mahal!


"Kahit saan naman ayos lang sa 'kin," I awkwardly said and he just nodded.


It was a big lie!


"You sure?" His eyes were asking, trying to figure out if it was truly okay for me to eat there.


Tumango naman ako at pagkatapos niyon ay tumahimik ulit kami. Napasubo ako roon! Na-serve na ang mga pagkain na in-order niya at ganoon pa rin ang nagiging tagpo, kapag may itatanong lang siya sa akin ay doon lang ako nagsasalita. Nang tanungin niya ako kung masarap ba iyong steak ay pakunwaring ngumiti naman ako at tumango.


Hindi ganoon kasarap. Ang layo pa ng hitsura ng karne na nakalagay roon sa menu. Nag-shoulder pa naman ako ng pera para rito! Iyong pinang-ambag ko pa sa kaniya ay iyong ipon ko. He doesn't want me to contribute because it's his treat, but I'm not going to let that happen. Hindi ko pa nga nakakalimutan iyong laptop na niregalo niya sa akin.


"Talaga?" tanong niya ulit habang ngumunguya. Nakita ko ang pagtataka ng hitsura niya. Maya-maya pa ay bahagyang ngumiwi ang mukha niya. "Maalat."


Natawa naman ako roon dahil maalat naman talaga iyong karne! Hindi natural iyong pagkaalat niya. Nagsinungaling lang ako dahil baka ma-offend ko siya kapag sinabi ko iyong totoo. Nakita naman niya akong tumatawa at doon na rin siya natawa pasabay sa akin.


"Kung 'di mo kayang kainin... itong carbonara masarap." Kinuha niya iyong plato ng carbonara at inilagay sa tabi ko. "Ilagay mo lang sa tabi 'yan, papa-take out ko na lang."


"Kanino mo ipapakain?" tanong ko.


"Uhm, I saw a stray cat in the parking lot... Ibibigay ko sa kaniya." He smiled at me.


Kumain na ulit kami at nag-usap lang tungkol sa mga nangyari sa amin noong mga nakaraang araw. Nagkumustahan rin kami sa isa't isa. Hindi ako masyadong sanay na ganito na ang kaswal lang namin. Maya-maya pa ay hindi ko namamalayan na tumatawa na ako sa pinag-uusapan namin at naramdaman ko ulit na ayos na kami.


"Ayoko na... busog na 'ko," sabi ko habang nakahawak pa sa tiyan. Naparami na ang nakain ko. Ang pag-aakala ko ay mauubos ko 'tong dessert pero hindi pala, kalahati pa lang ang nakakain ko ay nabusog na kaagad ako. Mabigat sa tiyan.


"Uy, hindi pwede 'yan. Hindi maganda ang nag-aaksaya ng pagkain. Isipin mo na may milyon-milyong tao ang nagugutom at maswerte tayo dahil hindi natin 'yon nararanasan. Dapat kayanin mo."


Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ba't parang kasalanan ko pa? Hindi ko na nga kaya... Ikaw kaya nagpumilit um-order niyan. Sabi ko drinks lang sa 'kin."


Napasandal siya sa backrest at humalukipkip habang nakatingin sa akin. Salubong pa rin ang mga kilay ko at pinagtaasan ko siya ng kilay. Totoo naman na siya ang may gusto noon hindi ako. Kinain ko lang dahil mukhang masarap.


Maya-maya pa ay nakangising napailing na lang siya at kinuha iyon sa akin. Kinain niya iyon para sa akin at inubos. Nakita ko pa na habang kumakain siya ay hihinto siya saglit at hihinga ng malalaim bago muling susubo niyon, pinipilit ang sarili na ubusin iyon kahit halata naman sa kaniya na busog na rin siya.


Napangiti naman ako noong wala talaga siyang tinira. He has manners when it comes to food on the table. Kaya ko namang ubusin iyon, ayaw ko rin mag-aksaya ng pagkain, sinabi ko lang iyon para siya ang umubos... Napansin ko siya kanina na pinagmamasdan ako habang kinakain iyong dessert, alam kong gusto niya rin niyon kaya ganoon na lang ang ginawa ko.


Noong nililinis namin ang table namin ay bigla siyang napahinto nang may maramdaman siya sa kaniyang bulsa. Nag-ri-ring ang phone niya at agad naman niyang sinagot iyon.


"Hmm? What? Where are you?" Nag-iba ang tono ng boses niya, iretable sa taong nasa kabilang linya. Habang tahimik akong nakaupo ay nakita ko ang paglingon niya sa labas. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko na sa babaeng nakatayo roon sa store nakadungaw ang mga mata niya.


Binaba na niya ang tawag at nagpaalam siya sa akin na may kikitain lang siya saglit at tumango lang ako. Noong makalabas siya ay patago kong nilingon ang direksyon nila. May kung ano silang pinagtatalunan. Kilala ko ang kausap niya, si Aisha, palaging niyang kasama iyon noong high school. Ang pagkakaalam pa ng iba ay boyfriend noong Aisha si Gino.


Ilang sandali pa ay nakita ko na lang na pasiring na umalis si Aisha, iniwan ang lalaki. Noong maglakad na pabalik si Gino ay iniwas ko na agad ang tingin ko. Nginitian niya ako nang nasa harapan ko na siya. Pero halata pa rin sa hitsura niya ang pagkairita, pinipilit lang niya na huwag ipakita iyon sa akin. Inaya na niya akong umuwi at hinatid naman niya ako.


"She's just my friend." Pagsasalita niya noong maihinto sa tapat ng apartment ang kotse. Nagtatanong ang mga mata ko noong nilingon ko siya. Napaka random noong sinabi niya iyon, siguro ay napansin niya ang pananahimik ko bigla. Akala niya yata iniisip ko iyong tungkol kanina sa kanila ni Aisha. "I just feel the need to tell you that."


Napanguso ako at tumingin sa harapan. "Okay." Tumango ako.


He pursed his lips.  "Uhm... y-yeah... Okay," he said while his eyes were on the steering wheel.


Noong hindi na siya nagsalita ay nagpaalam na ako bago lumabas ng kotse. Humiga ako sa kama at iniisip ang nangyari. Nagsinungaling ako, hindi ko lang iniisip ang nangyari sa kanila ni Aisha kanina... I also overthink, there are numerous things spring to my mind.


Pero dahil sa sinabi niya ay kahit papaano ay nakahinga naman ako nang maluwag. He gave me his word that the two of them had no odd ties... na magkaibigan lang sila. By some means, that was enough for me to put those thoughts to shut.


Sumunod na araw ay muli kaming nagkasabay sa pag-uwi at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. It's plain sometimes, but it still means something to me, it was a lot. It's kinda better than nothingness, and how he tries to keep the conversation interesting, it makes me feel how much I'm worth telling stories to.


Saglit kaming napatahimik. Inoobserbahan ko lang ang bawat galaw niya lalung-lalo na ang pagkagat niya ng pang-ibabang labi habang nakatanaw sa malayo.


"Hindi mo yata siya dala ngayon?" Tukoy ko sa bagong kotse niya.


"Ah." Bumaba ang parehong gilid ng labi niya, mukhang nalulungkot. "Nalaman ni Dad 'yong nangyari, he seized Kawaii." Ang tinutukoy niya ay iyong ginawa niya kay Axel.


Kawaii, pangalan ng kotse niya. Aston Martin V12 Vantage S ang klase ng kotse niya na siya lang din naman ang nagsabi sa akin. Noong tinanong ko ang presyo nito ay ayaw niyang sagutin kaya hindi ko na lang siya pinilit. Kawaii ang ipinangalan niya dahil daw nakangiti ito at mukhang cute. Ganoon siya ka-baduy magbigay ng pangalan.


"Nakakalungkot naman." Pang-aasar ko kaya agad siyang napalingon sa akin, pinagkunutan niya ako ng noo. "Mararanasan mo na rin kung gaano kahirap ang mag-commute. Sapat na siguro 'yong two weeks."


He hissed. "Ayos lang. Hindi naman mahirap. Pabor nga, e. Magbabayad lang ako ng thirty pesos sa bus, may maghahatid na sa 'kin pauwi. AC pa."


"Thirty? Sinasabi mo ba na estudyante ka?" nagtatakang tanong ko.


"I'm... too shy." Umiling siya.


"Ang gastos mo." I frowned at him. "Mas mura lang kapag mag-tricycle ka... saka ang gagawin mo lang naman ay pumila ro'n. Magtipid ka naman." 10 pesos lang per head sa tricycle.


"But I don't see that what I did was wrong... I have too much..." Nag-money sign siya. "So I can spend it on the things I want, right?"


"It doesn't mean that you have a lot of that," I said and mimicked his money sign. "You'll just use it for anything."


"I know where you're coming from, Yshawn... But it's about where I'm more comfortable and I'm not. And where I'm more used to." He took a deep breath and thought deeply. "To stop this suffering of mine, I think I should buy a new car."



"To stop that suffering ay bibili ka ng bagong kotse?" tanong ko. Tumango siya. My mouth dropped in disbelief. Napailing ako habang namamangha pa rin sa sinabi niya. "Minsan talaga hindi nakakainggit 'yang pagiging privilege ni'yo... You get things easily."


Humikab siya na animo'y tamad na tamad. "If there's an easier way, why didn't I choose that?" Napatanga ako sa sinabi niya, nalulungkot akong marinig iyon mula sa kaniya.


Kunsabagay, hindi niya pa nararanas kung gaano kahirap ang masanay na may nakaabang nang pagkain sa mesa, hindi ka na ma-mo-mroblema kung ano ang kakainin. Napakahirap noon para sa akin dahil nasanay ako sa paraan na iyon, at ngayong ako na lang ang nagpapakahirap masuportahan lang ang sarili... hindi pa rin ako makabawi kahit sa sarili kong paraan.


Hindi ganoon kadali ang kumita ng pera lalo na't nasa bansa ako na ang mayayaman ay mas lalong yumayaman, at ang mahihirap ay mas lalong humihirap. Hindi sapat ang doble kayod, walang nakakaalam kung ano ang sapat... ang mahalaga na lang ay ang kumilos.


"Ang tanong, magiging grateful ka ba kapag nakuha mo 'yon ng gano'n kadali? And do you still see the value in it?" This time, I wasn't referring to the car he was planning to buy... I was referring to the perspective of things that are being worked done.


"Why can't I be grateful for that if it's exactly what I want? I guess I'm even happier because I got it so easily." He snickered.


"Pero... hanggang kailan mo kaya mararamdaman ang tuwa na 'yon?"


Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at napalihis siya ng tingin sa akin, iniisip ang sinabi ko. Ayaw kong humantong siya sa kinalalagyan ko bago niya malaman ang bagay na dapat pinaghihirapan. Sa kung paano mo 'to pahahalagahan dahil ikaw mismo ang naglaan ng pagod at hirap para makuha iyon. Sa paraan kasing iyon, doon mo matututunang makuntento.


Kilala ko naman siya, he knows how to reflect on things. Kaya malabong hindi niya matututuhan ang sinabi ko. Napatakip ako ng mga mata gamit ang palad ko noong mapadaan kami sa sidewalk na walang silong.


Tirik na tirik ang araw at pareho pa kaming walang dalang payong kaya tiniis ko na lang iyon. Maya-maya ay nakita ko siyang naglakad paharap sa akin, napansin niya iyon. He used himself to hide me from the sun. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.


"Madalas kang kumain niyan, 'di ba? Gusto mo ba?" Pagsasalita niya matapos siyang tumahimik ng ilang minuto.


Tinuro niya iyong proven na street food. Totoo na madalas ko ngang kainin iyon noong magsimulang ako na lang ang umuuwi mag-isa. Parati akong napapadaan dito at bumibili nito, pampalipas gutom. 


"Pa'no mo nalaman?" Ngunit nakakapagtakang paano niya nalamang madalas akong kumain dito? Ito pa lang ang unang beses na makasama ko siyang maglakad. "Hindi naman na tayo nagkakasabay na, ah?" tanong ko.


Napahinto naman agad siya sa pagkuha niyon at hinarap ako. "Sinusundan kita." Nasamid ako bigla. Hindi ko inaasahan iyon. Diretsahan niya talagang sinabi iyon at hindi man lang nagdalawang isip.


"Araw-araw?" Nagsalubong ang mga kilay ko.


"Araw-araw," he said without hesitation.


Ngumiwi na lang ang mukha ko at pasirang siyang iniwasan ng tingin. Habang kumukuha na ako nitong proven nakita ko naman siyang ngingiti-ngiti na parang naaaning. Noong tiningnan niya ako ay natawa pa siya ng kaunti kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na sikuhin siya sa tagiliran. Napaaray naman siya ngunit naroon pa rin ang mapang-asar niyang tawa.


Gusto niya akong hulihin kung kinikilig ba ako sa ginawa niyang pagsunod sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at noong mabayaran na niya iyong mga pinamili ko ay nagsimula na akong maglakad at iniwan siya. Tumakbo naman siya patabi sa akin. Kinikilig? Wala akong ideya sa kung ano ang mararamdaman ko pero, ang matuwa... higit pa yata iyon sa kilig.


Habang naglalakad ay nagkukuwento na ulit siya sa kung ano ang mga nangyari sa araw niya noong hindi na kami ulit nagkikita, naging madalang na lang dahil naging abala rin siya sa pag-aaral niya. Sabay kaming napahinto noong nasa tapat na kami ng gate ng apartment.


Tumalikod ako sa gate para harapin siya. Nakangiting nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mailang. Sa simpleng tingin niya lang, napapatanga kaagad ako. He just locked me up after a split second of staring. Pinutol ko na agad ang tingin ko, tumingin ako sa sahig.


"Thank you." Agad akong napatingala para tingnan siya. "I thought... I wanted and needed a lot... oh, god." He laughed nervously. Pahinto-hinto siya sa pagsasalita niya. He let out a breath and calmed himself down. "Uhm, I thought I wanted and needed a lot, but I now realize... it was just all you, Yshawn."


I bit my lower lip and I rubbed the back of my head. Ano 'tong pinagsasabi niya? "Why are you  telling me that now?" I awkwardly asked.


"I just feel like I should say that," he carefully said those words.


My face grew hot all of a sudden. "Hindi ko alam ang sasabihin ko," I shyly said. Napapatingin na lang ako sa sahig dahil sa hiya.


He's the only one who can make me look like this, he's the only one who makes me feel like time is stopping. Makapigil hininga ang lahat.


"It's okay." He chuckled softly. For a moment he fell silent, deep in thought. "Pinag-isipan ko 'yong sinabi mo, and you're right. I wasn't being wise. You're responsible for things, but I'm not. I must admit it. You've changed my whole being kaya gagawin ko ang lahat para maabot ko kung ano ka ngayon. You are so brave and so smart, and I want you to see that in me, too."


Natuwa naman ako sa narinig. He contradicts what I said earlier but I know he is listening. 


"Aasahan ko 'yan." I lightly punched his chest. "Gawin mo 'yan para sa sarili mo."


He nodded. "Okay," he said with a long, wide smile.


Nagbitaw rin ako ng ngiti sa kaniya. Not because of me, but because of him, I expect to see changes in him. I don't want that change to come from me because I'm worried that what if we'll lose touch one day... paano na lang niya bubuuin ang sarili niya na wala ako?


Nagpaalam na ako sa kaniya at sinabihan ko naman siya na mag-ingat sa pag-uwi. Malayo pa ang condo na tinutuluyan niya. Noong makapasok na ako sa loob at isasara ko na sana itong gate ay hinawakan niya iyon para muling buksan.


Nakita ko ang paglunok niya, may sasabihin. "I said I want to be brave like you... and I want to do that right now."


"Ha?" naguguluhan kong tanong.


"I've been thinking about it for a long time, and I've also wanted to do it for a long time... pero pinapangunahan ako ng kaba."


Napatayo ako nang maayos sa mga sinasabi niya ngayon.


"Kaba? May nangyari ba?" I was so clueless.


Umiling siya. Pumasok ng tuluyan sa loob at napahilamos pa ng mukha bago ako tiningnan sa mga mata. "Gustong-gusto kong gawin at sabihin. Matagal na pero parang naduduwag na naman ako," he whispered a curse.


"Ang alin ba kasi?" I'm worried about him, I feel like he's going through something. At gusto kong makatulong kahit papaano. "Gino?"


"Gusto ko magkaroon ng tapang, Yshawn."


"Hindi mo naman kailangan ng tapang para sabihin 'yon. Kung may problema ka, sabihin mo lang." I tried to persuade him by looking him in the eyes... it was obvious in his eyes that he couldn't hide it anymore. "I'll help."


"Pwede ba kitang ligawan?" he said and I didn't seem to have the strength to move or talk. I suddenly could no longer control myself. Everything felt like a dream.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top