Chapter 2


"Date? Tonight? 'Y-Yan 'yong dare mo?"


I looked away from him and my eyes just fell outside, I stared out the window. Sa gitna ng katahimikan, maya-maya ay muli kong narinig ang pagtunog ng makina ng sasakyan. Hudyat iyon para magpatuloy sa pagtakbo. With the corner of my eye, I could see his face. He was biting his lower lip as if something was holding him back.


"Uhm..." sabay naming sambit. Pareho naman kaming nailang.


Parang ewan lang kung iisipin... bakit ako pa yata ang obligado sa 'ming dalawa? Hindi naman sa gusto ko siya ang gumawa noon pero, bakit iyan pa talaga ang naisipan niyang ipagawa sa akin? Ang awkward. Ang dami-daming pwedeng i-dare, iyon pa?


"This is so... so humiliating!" dinig kong bulong niya. Hindi ako nagsalita bagkus ay hinintay ko siya na mauna. He obviously wanted to say something more, so I'll just wait for that. There's nothing I can say to him actually. Napatameme na lang ako at nag-isip. "If you can't accept the dare... there's something else that came to my mind. I... I have thought of something you can-"


"I can." Mabilis siyang napatingin sa akin, at noong magtama ang paningin namin ay umiwas kaagad ako.


Marami naman na akong naging utang sa kaniya at halos lahat ng naitulong niya sa akin ay parang wala nang kapalit iyon. It's hard to repay the amount he helped with and the extra effort he put in. Kaya parang ang unfair at wala akong utang na loob kapag tumanggi pa ako sa gusto niya. Napag-isipan ko rin naman ang desisyon kong 'to ng tama kahit sa maikling oras lang.


"W-What do you mean, you can?" seryosong tanong niya sa akin, at talagang interesadong-interesado siya sa isasagot ko dahil halos hindi na niya maituon ang paningin sa daan.


"Baka mabunggo tayo." He quickly repositioned himself and his seat in order to focus on driving. Pareho niyang kagat ang mga labi niya at maya't maya niya rin akong nililingon.


"Yshawn, I swear I'm not really excited but there're many scenarios that forming in my head." Napangisi naman ako sa sinabi niyang iyon. Namumula na ang mukha niya.


"Sigurado ka ba na 'yon ang dare mo?" Nahihiya niya akong nilingon at noong muli niyang itinuon ang paningin niya sa kalsada ay parang aning siyang tumango. Aliw naman ang isang 'to. "Do you think... it would be wasted? Dare, meaning, it's just a challenge to do. Walang kusa ro'n."


"Dude, don't make me think like this. I hate it... my hopes just getting high," natatawang pagmamaktol na sabi niya. I couldn't stop giggling at how he was behaving, he's cute in that look. He's really honest about how he feels.


"Huh? Ano bang iniisip mo?" I tilted my head a little to look at him. May pagtataka ang mukha ko nang tingnan siya, at hindi naman niya ako magawang sulyapan.


"Uhm... marami," he simply said in his deep voice. "It's not happening yet but we're already there."


Napaayos ako bigla ng upo. Saglit ko siyang nilingon na may pang-aakusang tingin. Mukhang maraming laman ang sinabi niyang iyon.


"We're already there? Can you... single out those?" nag-aalangang tanong ko. Bakas sa boses ko ang hiya, pakiramdam ko ay labag iyon kapag tinanong ko iyon sa kaniya.


He sighed and drew a smirk on his face. "Can we come to an end? To be honest, what I mentioned about not being excited isn't quite true, I'm much more than that."


"Eh?" I reacted. Much more than that? "Okay... pero, kahit isa lang? Curious lang ako," I said and I suddenly pursed my lips when I heard him smirk. I was uncertain about what he was talking, dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili na magsalita ulit tungkol doon.


Pilit siyang napangiti, nakukulitan na yata sa akin. "Sa dami ng pumapasok sa isipan ko... iisa lang ang mga 'yon... ang kasama ka."


Bigla akong napatanga sa sinabi niya. My blood was rushing through my face, and I could feel the heat! Dumungaw ako sa labas upang hindi niya makita ang naging reaksyon ko. Ayaw kong ipakita sa kaniya kung gaano kalaki ang naging epekto noong sinabi niya sa akin... At ayaw ko rin namang ipakita ang mukha ko na alam kong namumula na ngayon.


Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan, na-i-park na niya pala 'to sa labas ng mall. I didn't even notice the passing of time, I was so engrossed in his hints. Naibaba na niya ang mga kamay niya sa manibela at tahimik akong pinagmasdan.


"We... can make that real," nahihiya kong sabi. "I mean... just leave out the dare behind and... make this d-date... real." Noong mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakita ko ang tuwa sa mga mata niya, and it's obviously shrouded in excitement.


He pursed both his lips and turned to his side, restraining himself from smiling. Noong nilingon niya ulit ako ay ganoon pa rin ang hitsura niya habang tatango-tango. Nang magkatitigan ay pareho na lang kaming natawa.


Lumabas na siya ng kotse at pumaikot para pagbuksan ako ng pinto. Habang naglalakad papasok sa loob ng mall ay tinanong niya ako kung ano ang gusto kong gawin.


"Kahit ano," simpleng sabi ko lang. Wala rin naman akong maisip na pwedeng gawin... at first date ko 'to. Hindi ko alam ang gagawin at kung may mga etiquette pa bang sinusundan ang ganito, wala akong alam!


Sinilip ko siya at nakitang nakapamulsa habang diretso ang tingin. Hindi naman nakakawala sa akin na may makitang mga babaeng pinagtitinginan siya. May hustisya naman kung bakit ganoon na lang ang nagiging reaksyon noong mga tao, totoo namang pogi siya. Ang pangit lang na sa tangkad niya ay nagmumukha lang akong nakababatang kapatid niya na sinamahang mag-shopping sa mall.


"Ano 'yong kahit ano?" tanong niya. Nagbaba siya ng tingin sa akin at napakamot pa siya ng ulo, wala ring ideya sa kung ano ang pwedeng gawin.


"Hindi ko rin alam," sagot ko. Napahawak ako sa strap ng sling bag ko.


Akala ko ba marami na siyang na-i-imagine na pwedeng gawin kasama ako? Then he may know things like this. It isn't obvious from his face that he has no experience in this so I don't believe he also has no idea what to do.


Huwag niyang sabihin na first time niya rin 'to dahil hindi ako maniniwala roon. Oo, umamin siya sa akin noong nasa high school pa kami pero alam ko naman na hindi iyon ganoon kaseryoso dahil bata pa kami noon. Alam ko rin naman na may mga babae siyang nagugustuhan... Naririnig ko iyon sa campus.


I've also heard a lot about him, about his high school dates.


Nakita kong napahimas siya ng batok, mukhang problemado. "Gusto mo bang maglaro muna?"


Napalingon ako sa tinuro niya at arcade iyon. Tumango na lang ako dahil ano pa ba ang pwede kong gawin kundi ang sumunod na lang sa suhestiyon niya. Nakakailang na. Tumalima naman siya noong pumunta ako ng basketball arcade at nagpaalam siya sa akin na magpapapalit muna siya ng token.


Maya-maya ay dumating na rin kaagad siya at hinulog ang mga iyon sa magkabilang insert-an ng coin. Hindi ko maiwasang matawa sa isipan ko dahil pareho kaming tahimik lang habang nag-sho-shoot ng bola, hindi naman kami ganito.


Nang hindi ko nalagpasan iyong highest score ay natalo ako sa game at siya na lang ito ang naglalaro. Pinapanood ko lang siyang sunod-sunod na nakaka-shoot.


"Nice, ang angas mo naman, dude." Papuri ko sa kaniya noong huminto siya saglit para hintayin ang susunod na level. Nasilip ko naman siya na napangiti, tinatago niya pa iyon sa akin.


Noong mabagot na ako ay kumuha ako ng bola at naki-shoot na rin. Sumunod ay umatras ako ng kaunti at hinagis ang bola patama sa ulo niya. Medyo napalakas iyon dahil napanood ko ang pag-alog ng ulo niya. Nag-sorry naman ako agad at hindi naman siya nagalit, tuwang-tuwa pa ang kumag sa ginawa kong iyon na mukhang gusto pang ipaulit sa akin.


Natapos naming laruin iyong mini bowling, 9D VR Simulator Ride at ang huli na crane game na halos gumastos pa siya ng ilang daang piso bago makuha iyong stuff toy. Kung tutuusin mas mabibilii mo pa ito ng mura roon sa labas. Ngunit naging sentimental na rin naman ito sa akin dahil galing mismo ito sa kaniya. He worked hard to get this cute thing for me.


Noong naglalakad na kami palabas ng arcade ay hindi ko namalayang napahawak na pala ako sa palapulsuhan niya. Napansin ko lang noong tumahimik siya bigla at nasa kamay ko lang ang tingin niya. Inalis ko naman agad iyon sa hiya.


He laughed a little before holding me in the back to push me over to the snapshot machine, photobooth iyon. "Picture tayo," pag-aya niya na hindi ko na matatanggihan dahil narating na namin iyon.


Pagkapasok namin sa loob ay pinauna niya akong umupo. Napapalibot pa ang paningin ko rito sa loob dahil first time ko lang makapasok dito. Swinipe niya na iyong card at pinili iyong classic mode. Clinick niya kaagad iyong camera at hindi ko alam ang i-po-pose ko kaya mabilis na lang akong napangiti at ganoon din siya.


Mukha akong ignorante sa picture, and the shot is even more in his favor! "Ang pangit ko," sabi ko noong makita ang sarili sa screen.


Ngiting aso niya akong tiningnan. "Hindi naman, ah? Ang bait mo kaya."


Mabilis na nagsitaasan ang mga kilay ko. "Corny mo." Umirap ako at natawa naman siya.


Naramdaman kong umusog siya padikit sa akin at nawalan ako bigla ng dipensa nang maramdaman ko ang malaki niyang kamay sa balikat ko. Inakbayan niya ako at nag-peace sign sa camera na ginawa ko rin naman. His head dropped to mine and I could see his handsome smile on the camera.


Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko ma-explaine. Natutuwa ba ako o higit pa roon ang nararamdaman ko? Mas lalo pang nag-init ang mukha ko noong yinakap niya ako at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Pilit na lang kong napangiti sa camera.


Para sa huling kuha naman ay nag-demand siya sa akin na gawin namin iyong two joints. Anim na shots din iyon bago namin nakuha iyong printed na picture. Inabot niya sa akin iyong isang copy na kaagad ko namang ipinasok sa sling bag ko. Noong pareho na kaming nakaramdam ng gutom ay hinila niya ako sa labas ng mall.


Dinala niya ako rito sa isang maliit na restaurant, sa seaside. Pinaupo niya ako rito sa isang tabi at siya ang pumuntang counter para um-order. Korean restaurant ang pinuntahan namin at nasabi ko na rin naman sa kaniya ang add ons ko para roon sa samgyup.


"Bumili ka niyan?" Napahinto ako sa pagkain at naroon lang sa in-order niya ang paningin ko. Napansin ko kanina habang pumapasok kami rito sa loob ay may iba pang binibenta ang restaurant na 'to. Bukod sa nilulutong pagkain, mayroon din silang instant noodles. "Bakit dalawa?"


"Sa 'yo 'yong isa," nakangusong sabi niya.


"Hala, bahala ka riyan... Hindi ko makakain 'yan." Todo tanggi ako dahil bulmawang ramyeon lang naman ang binili niya! Isa yata iyon sa spiciest noodles na alam ko. Hindi ko pa man natitikman iyon alam kong hindi ko kakayain iyon.


"Sayang... try lang natin." Pagpupumilit niya pa. He acted as if he badly wanted us to eat it.


"Sayang talaga, sana isa lang binili mo. Hindi mo 'ko kinunsulta."


"Try lang..." Pagpupumilit niya pa. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib at sumandal sa upuan. Pinaglapat niya ang mga palad niya sa isa't isa at itinutok iyon sa sariling mukha, nagmamakaawa. "Please, please..."


Napabuntong-hininga na lang ako at sinabihan siyang ubusin na muna namin itong mga natirang pagkain bago iyon kainin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at naisipan niyang kumain kami noon.


Nang maubos na namin ang unang in-order ay sisimulan na naming kainin itong binili niyang ramen. May kaniya-kaniya na rin kaming gatas sa gilid kung sakaling hindi na makayanan ang anghang.


Noong hihigop na sana ako ng noodles ay napahinto kaagad ako nang makita siyang nag-set ng timer. "Para sa'n 'yan? Hindi lang 'to 'yong pinaplano mong gawin, 'no?" Pabilisan makaubos nitong ramyeon? "Alam ko na 'yang mga paganyan mo."


"Uhh..." nag-aalangaang sambit niya. Tumango naman siya at napakamot pa sa ulo. "Hmm."


"Why do you seem so obsessed with dares?" tanong ko.


Umiling naman siya. "N-Nothing. Really." Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napasandal agad siya sa upuan. "Ano lang... I... I just like the outcome." Ngumiwi ang mukha niya.


Sarkastiko naman akong napangisi. Hindi ko na kinakaya. Gustong-gusto niya bang natatalo ako sa pustahan at ako lagi ang dapat gumawa ng dare niya? Wow?


Umayos na lang ako ng upo at nag-chop stick ng noodles. "Kung sino uminom ng gatas, siya ang talo." Okay, I'll give him what he wants but I won't let him win again this time.


Sinilip ko ang reaksyon niya at nakita siyang handa na ring humigop niyon. "Basic," with full confidence he said.


Nakakadalawang higop pa lang ako ay parang nag-aapoy na ang buong katawan ko sa anghang! At noong pang-anim ko na ay ramdam ko na agad ang pagpapawis ng gilid ng labi ko pati na rin ang ilalim ng mga mata ko. Huminto ako saglit at pinanood siya na ngingiwi-ngiwi na ang mukha ngayon, mukhang hindi pa siya makahinga.


"Ang anghang!" atungal niya habang pinapaypayan ang bibig. Sa hitsura niya ay gustong-gusto na niyang abutin iyong gatas na nasa tabi niya. "What the! My toungue's getting a bit numb!"


Ilang sandali pa ay nakita ko na lang siyang dali-daling kinuha iyong gatas at tinungga ng mabilisan. Hininto ko na rin ang pagkain niyon dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa sobrang dami ng nakain namin. Marami na kasi kaming nakain bago 'tong ramyeon. Nagpunas na lang ako ng labi saka ininom iyong gatas.


I looked at him and grinned at what was happening to him, he was breathing like a dog now. "Ang lakas mong maghamon ikaw naman pala 'tong mababa ang spice tolerance."


Nangingilid ang luha sa mga mata niya habang humihingi pa ng gatas sa waiter. Nang matanggap niya iyon ay agad niya iyong ininom ng ganoon kabilis.


Wala pala ang isang 'to, e. "Mahina," paanas na sabi ko.


Noong naglalakad na ulit kami rito sa loob ng mall ay naririnig ko siyang sumisinghot na animo'y nagkaroon ng sipon nang wala sa oras.


"Ang dare ko ay mula rito sa floor dumura ka patama ro'n sa baba," sabi ko paturo roon sa ibaba. May mga tao pang dumadaan.


Salabung ang mga kilay niya noong nilingon ako. "What? Biro lang 'yan, 'di ba?"


Hindi ko siya pinansin at sumandal lang ako sa railings, hinihintay siyang gawin ang dare ko. Napakamot naman siya sa ulo noong wala na siyang choice kundi ang sundin iyon. Tumabi siya sa akin at nag-aalangan pang nakatingin doon sa ibaba.


I no longer know why our first date ended up like this. It's so chaotic and messy. Looks like it's no longer called a date, parang naglalaro na lang kami rito. Nakakatawa na lang kung aalalahanin pa iyon. Noong bumubwelo na siyang dumura roon ay agad ko naman siyang pinigilan. Nagtatakang nilingon niya ako.


"Nagbago na isip ko." Tinuro ko sa kaniya iyong stall na may nagpapabutas ng tainga. May iilan rin ang nakapila roon. "Magpabutas ka ng tainga."


"I-I'm scared of needles! Of course, I don't want to get pierced-"


"Hindi mo kayang gawin?" I cut him off. "Okay, wala ka palang isang salita," dismayadong sabi ko saka nakapamulsang nilagpasan siya.


"I-I'll do it!" Mabilis naman akong napahinto sa paglalakad at nilapitan siya.


"Talaga?" Hindi pa man siya nabubutasan ay halata na ang panlalamig niya! Walang imik na tumango lang siya at hinila ko siya agad doon para pumila. Noong kami na ang susunod ay inagaw ko kay Ate iyong gun. "Ako na magbubutas sa kaniya," sabi ko sa saleslady.


"Teka, teka..." Winawagayway niya ang mga kamay niya para pigilan ako. Lumapit siya sa akin, may ibubulong. "H-Have you done that before?"


"Hindi," simpleng sabi ko.


"Yshawn?" kabadong sambit niya.


Tinatawanan lang kami ng saleslady. Wala naman talaga akong alam sa ganito, gusto ko lang siyang takutin.


"Biro lang," sabi ko sabay abot noong gun pabalik kay Ate.


Pinagti-trip-an ko lang talaga siya, ang sarap niya kasing asarin lalo na't hindi lang siya mukhang naaasar kundi natatakot at sobrang kabado pa. He also dislikes it because we both know that this method of ear piercing is not recommended, but dares must be taken. Dapat niyang sundin iyon, ginawa ko nga ang kaniya, e.


Pinaupo na siya ni Ate at nilapatan ng kung anong liquid ang kaniyang earlobe saka itinutok roon ang gun. Nang sinabihan siyang huminga ng malalim ay ginawa naman niya ngunit bigla na lang niyang inilayo ang kamay ni Ate.


"Gagi ka, wait lang po..." Kinakabahan na siya at nahahalata iyon sa pilit niyang tawa. Natawa naman ako dahil minura niya pa iyong saleslady.


"Baliw ka," saway ko. "Namumutla ka na..." Pang-aasar na sabi ko pa.


Ilang beses rin siyang umiiwas doon hanggang sa nakayanan na niyang magpabutas. Tuwang-tuwa naman siya noong tumayo dahil wala naman daw siyang naramdamang sakit, parang hangin lang daw na dumaan.


"Yshawn! Yshawn... may hikaw na 'ko!" parang batang sabi niya habang nakatingin doon sa screen ng phone niya, tinitingnan ang bagong butas niyang tainga. Natawa na lang ako sa naging asal niyang 'yon.


Napag-usapan namin na tumambay roon sa boardwalk para magpahangin. Noong makarating na kami ay sabay kaming umupo sa bench kaharap ang dagat. Tahimik lang ang paligid at ang tanging mariring lang dito ay ang alon ng dagat pati na rin ang malakas na ihip ng hangin.


"Masakit ba?" tanong ko mula sa malalim na katahimikan naming dalawa.


"Hindi naman." Umiling siya habang may ngiti sa labi.


Sigurado akong mamamaga iyon kaya dapat sundin lang niya ang sinabi noong saleslady. Hindi ko alam pero, mas lalo siyang nagkaroon ng dating dahil sa earings niya. His aura has changed dramatically, o, kaya'y mas lalo siyang... gumwapo? Mukha namang tama ang nasa isip ko.


Mga ilang minuto rin kami naging tahimik bago ko siya naramdamang umusog padikit sa akin. Ipinatong niya ang braso niya sa backrest nitong bench mula sa likuran ko at mabilis namang nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko. I have nothing else to feel but the numbness of my face.


"I won't replace this earring until the end of time, and neither will you. Nothing could," he mumbled softly. I just bit my lower lip. He's so good at playing with words that I can't figure out how he does it.


Napatanga na lang ako sa sinabi niya. Inilabas ko na lang ang phone ko para makinig ng kanta. Pinigilan niya pa akong ilabas iyon dahil may usapan kami na bawal gumamit ng phone ngayong gabi.


Hindi ko naman siya pinakinggan at sinuot lang iyong isang pares ng earbuds at ang isa naman ay kaniya. Hindi na siya nakaimik pa noong maramdaman niyang napagod ako sa buong gabi na 'to. 


Ganoon lang ang naging tagpo sa aming dalawa. No words are spoken, but the enchanting song brings our souls together. Dinig ko ang mahinang pagsabay niya sa kanta. Tumalima ako sa pagkanta niya at sabay kaming napalingon sa isa't isa, sabay kaming nagpakawala ng ngiti. We don't even talk but we both know that this way we can take a breather.


Bumalik na sa normal ang lahat, dumating ang araw na muli na naman kaming tutok sa pag-aaral. Mabilis ding lumipas ang araw ay may reporting na kaagad kami. Sa gaming room ang kitaan namin ng mga ka-grupo ko at noong pagkapasok ko sa loob ay ako na lang pala ang hinihintay nila.


This zone has something for everyone, whether you're a dedicated video gamer or just someone looking for a place to unwind. You'll find everything you need right here. There are several pool tables, as well as two ping pong tables, and two separate rooms with gaming consoles. 'Yan ang madalas na libangan ng mga estudyante rito.


"Yshawn, dito ka," tawag sa akin ni Bea habang tinatapik pa nito ang space na nasa tabi niya. Lumapit kaagad ako sa kaniya at umupo roon saka ibinaba ang bag sa sahig. Mukhang hindi pa sila nagsisimula.


"Kaninong part 'to?" Nag-a-assign na sila sa mga part noong i-re-report at nabigyan na rin ako ng akin.


Prelim group reporting namin sa isang subject, at may kahirapan din ang case na naibigay sa amin. Binasa ko naman kaagad ang report namin at inintindi, ngunit siguro ay sa pag-uwi ko na lang ito aaralin para mas lalo ko pa 'tong maintindihan.


"Akin na lang 'yan, mukhang madali, e." Si Axel ang kumuha sa madaling part.


Inirapan naman siya ni Bea dahil hula na kaagad nito na kukuhanin ni Axel kung ano iyong mas madali. Si Axel iyong tipo ng estudyante na pabigat. Ayaw ko mang ibaba siya ngunit ganoon ang ipinapakita niyang performance sa loob ng block, since day 1.


Noong matapos ang meeting ay lumihis na ang usapan sa mismong pinunta naming lahat dito. Iyong iba pa ay nagsimula nang maglaro ng pool at ang naiwan na lang rito ay kami ni Bea at dalawang kaibigan ni Axel. Hindi ko pa sila ganoon kakilala dahil hindi ko naman sila madalas makasama bukod kay Bea.


"May boyfriend ka na ba, Bea?" pilyong tanong ni Axel sa katabi ko. Binubuyo pa silang dalawa noong mga kaibigan ng lalaki.


"Marami na 'kong stress sa buhay, dadagdagan ko pa?" Umirap naman si Bea saka niya ako inalok ng pagkain, kumuha naman ako ng ilan niyon.


"Why not? Subukan mo sa 'kin. Even if you just make me your trial, it's fine with me," may ngisi sa labing sabi ni Axel at dumagdag pa ang pang-aasar noong mga kaibigan nito. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga ni Bea at hindi na pinansin ang lalaki, itnuon na lang niya ang pansin sa cellphone. "Yshawn, right? Ikaw, may girlfriend ka na?"


Saglit na napaawang ang bibig ko, hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Napansin naman ni Bea na hindi ako kumportable sa tanong na iyon. Nilalaro ko na lang itong kamay ko.


"Baka boyfriend kamo," rinig kong sabi noong nasa tabi ni Axel. Nagtawanan sila.


Isinandal noong Axel ang mga siko niya sa table at intensyon akong nilapitan. "Bakla ka, 'no?"


Wala naman dapat akong ikailang sa tanong niyang iyon ngunit sa paraan niya kasi ng pagtanong sa akin ay gusto niya akong insultuhin.


"W-Wala," nauutal kong sagot. "Parehong wala."


"So, bakla ka nga?" Ngumisi siya. Umayos siya ng upo at humalukipkip. "Madalas kitang makita na may lalaking sumusundo sa 'yo, ano mo 'yon?"


"Axel!" impit na pagsingit ni Bea, sinasaway ang lalaki.


"Kuya mo?" pagpapatuloy pang sabi nito.


"Ano 'yon? Gago, family stroke!" sabi pa noong isa. Muli silang nagtawanan.


"Malay natin, 'di ba?" Malawak ang ngiti noong Axel habang lilinga-linga sa mga kaibigan niya. "Ano na? Kuya mo ba 'yon, papa de asukal, tinira ka na ba? Baka parausan ka naman?"


"Axel, ang bastos mo! Sumusobra ka na!" galit na saway ni Bea sa lalaki.


Kinuha ko na lang ang bag ko at tumayo para umalis. Masasayang lang ang oras ko kapag pinatulan ko pa. 


Ngunit noong tinalikuran ko na sila ay muling humirit pa ng salita iyong lalaki, "Tang inang mga bakla... tite lang naman habol ng mga 'yan, e."


Mabilis akong napahinto sa paglalakad at wala sa sarili akong humarap sa kaniya. Gusto ko na sanang umalis para hindi na magkaroon ng gulo rito ngunit walang patid niya pa rin akong iniinsulto.


"What's your definition of being gay?" Agad na tumayo si Bea para pigilan ako sa paglapit sa lalaki. Nagtaas lang ng mga kamay ang lalaki, nagkikibit-balikat.


He stood up and arrogantly approached me. "Bakla? They don't count... they're disgusting trash. At 'yon nga, tite lang namin ang habol ninyo!" Ngumisi siya.


I snorted in annoyance. "Just because I'm gay doesn't mean I like you. Being gay doesn't mean I want to touch you! Hindi porket bakla ay may maruming intensyon na kaagad kami sa inyo. Tao rin kami, may moral. If that's your definition of being gay, isusuka ko na lang ang sarili ko."


Hinigit ko ang sarili ko sa pagkakahawak ni Bea sa akin at mabilis na lumabas ng gaming room. Unti-unting bumilis ang lakad ko at nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palabas ng school at pagod na napasandal sa pader.


Habol-habol ko pa ang hininga ko noong mapaupo sa sahig. Kanina pa ako hindi makahinga sa lugar na iyon, may kung anong bigat doon na hindi ko malabanan. Naramdaman kong may dumaloy na likido sa magkabila kong pisngi.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tahimik na umiyak. I hugged my thighs and hid my face between them. I just cried and cried until I was numb. Noong makita ko ang paninilim ng paligid ay doon na ako tumayo at naglakad paalis.


Umupo ako rito sa waiting shed at hinihintay ang pagdating ni Gino. At noong nasa harapan ko na ang kotse niya ay tamad ko lang siyang saglit na tiningnan. Nagtaka naman siya noong hindi ko siya binati pabalik matapos kong pumasok sa loob at umupo. Kinibit-balikat na lang niya iyon at hinatid ako.


"Salamat," simpleng sabi ko lang sa kaniya matapos isara ang pinto ng kotse at iniwan siya roon. Alam kong ramdam niya na iniiwasan ko siya ngunit wala pa ako sa katinuan ngayon para pansinin siya, marami akong bagay na iniisip.


Sumunod ang mga araw ay hindi ko pa rin siya magawang kibuin at kung may itatanong siya sa akin ay nasasagot ko lang iyon ng pagtango at iling. Nararamdaman kong gusto na niya akong tanungin kung bakit ko siya iniiwasan ngunit, tila yata inintindi na lang niya ako. Dumating pa ang isang araw na mahahalata na sa kaniya ang pananamlay.


Simula nang mangyari ang araw na iyon ay naging ganito na ako, iniiwasan si Gino. Hindi lang din naman iyon ang huli na ginugulo ako ni Axel kasama ang mga kaibigan niya, maging sa klase ay pinagtatawanan nila ako.


There are also posts on social media that they knew a slut, a hook-up thing, and I saw comments that they were talking about me. They even cut out my face at inilagay iyon sa mga malalaswang litrato. They make fun of me even when I make a tiny move.


Paulit-ulit din nila akong tinatawag na 'bakla' sa harap ng maraming tao, at sa paraan pa ng pagtawag nila ay nakikita ko sa kanila ang pandidiri. They humiliated me many times and that affected me, it had a huge impact on me. I couldn't sleep at night, and I couldn't even eat properly.


I feel so wrong. I feel like there really is wrong with me.


Noong mag-uwian ay nakita agad ng mga mata ko si Gino na papalapit na rin sa gawi ko. Nakangiting kinawayan niya ako ngunit hindi ko iyon nasuklian. Yumuko lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, gusto ko na agad makaalis sa lugar na 'to. Ngunit maya-maya pa ay narinig ko ang pagsipol ni Axel na nasa gilid lang namin ni Gino.


"Kaka-dismiss pa lang, diretso Sogo agad?"


Nakita kong mabilis na tumigil sa paglalakad si Gino. Agaran ko siyang hinarap at nakita ang pag-igting ng kaniyang panga. Napahimas pa siya roon na animo'y may kung anong pinipigilan sa sarili. Noong nilapitan niya ang lalaki ay mabilis ko siyang hinarangan at sinabing hayaan na lang ito.


"H'wag mo nang pansinin..." pagpigil na sabi ko ngunit madali niya rin akong naialis sa daanan niya. Napalakad ako pagilid sa kaniya noong maarahan ngunit may pwersa niya akong tinulak.


"Anong sabi mo?" Gumuguhit sa mukha ni Gino ang galit.


"Gino," sambit ko sa pangalan niya at hinawakan siya sa braso. Ramdam ko ang tensyon sa dalawa lalo na't hinahamon talaga siya noong lalaki.


"Why do I need to repeat what I said? Sino ka ba? Bingi ang putang in-" Hindi na nakapagsalita ang lalaki nang sunggaban agad siya ni Gino nang malakas na suntok dahilan para mapahandusay ito sa sahig.


Mabilis na nagsiumpukan ang mga estudyante nang makita ang ginagawa ni Gino sa lalaki. Hinila niya ang kuwelyo noong lalaki at sunod-sunod na binigyan ng suntok. Masyado nang magulo at masyado na ring halu-halo ang ingay sa paligid. Mayroong natatakot sa nangyayari at mayroon ding humihingi ng tulong para awatin ang lalaki sa ginagawa.


Noong dumating ang mga gaurd ay agad na naawat si Gino. Naging blanko ang isipan ko nang makita ang lagay ni Axel, halos masira na ang mukha niya sa natamo... Nakikita ko sa kaniya si Mommy, nakikita ko ang mga pasang iyon katulad ng kay Mommy. Mabilis na hinanap ni Gino ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagbasak ng luha ko, nanginginig akong tumalikod at tumakbo palayo.


Rinig ko mula roon ang pagtawag niya sa pangalan ko at narinig ko rin ang pagsigaw noong mga guard sa kaniya, hinabol niya ako. Noong makalabas ako ng campus ay roon na ako nagsimulang maglakad habang pupunas-punas ng mga luha.


"Yshawn..." rinig kong pagtawag ng lalaki sa likuran ko. Hindi ko siya kinibo. "Kausapin mo 'ko!"


Napahinto ako sa sigaw niya. Nanginig pa ang katawan ko sa paraan ng pagsigaw niya. This was the first time that he yelled at me.


Nagpunas ako ng mga luha bago siya hinarap. "A-Ano? Susunod ka lang sa 'kin? Hindi mo haharapin 'yong ginawa mong gulo?!"


Namaywang siya at halata sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. "Fuck?!" Wala sa kontrol niyang pagsigaw. "Iniisip mo pa 'yong gagong 'yon? Dapat nga lang 'yon sa kaniya, e!"


"Dapat hinayaan mo na lang siya!" It isn't really him. "Bakit ba ang agresibo mo ngayon?!"


Pigil ang galit niya noong tumingala siya at halos mapatalon naman ako sa kintatayuan ko noong malakas niyang sinapa iyong trashbin, nagkalat ang mga laman niyon sa paligid. Hindi ko na maramdaman iyong Gino na kilala ko, natatakot ako sa taong kaharap ko ngayon.


"Bakit mo 'ko iniiwasan? May nagawa ba 'ko?" His voice has suddenly softened.


"Wa... Wala." Umiling ako, mas lalong bumigat ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon.


"You're distancing yourself from me, I can feel it! But why? Bigyan mo 'ko ng dahilan..." Maririnig sa kaniyang boses ang pagmamakaawa. "Sabihin mo... sabihin mo kung ano'ng dahilan..."


"Wala! Wala..." I snapped my head off.


"O, natatakot?" Pilit niyang gustong makuha ang totoong nararamdaman ko.


Umiling ako. "Gino, bumalik ka na ro'n at ayusin mo 'yong gulong ginawa mo!" Iiling-iling siya sa akin, ganoon na kataas ang kagustuhan niyang masagot ang mga tanong niya. "Sana hinayaan mo na lang kasi!"


"Yshawn, sigurado ako na dahil sa kaniya kaya mo 'ko iniiwasan. Ilang araw kong tiniis 'yon, at inintindi kita na baka... baka may problema ka na hindi mo pa kayang sabihin sa 'kin. Pero dahil sa gagong 'yon hindi mo 'ko pinapansin, masakit 'yon para sa 'kin! Pero... shit, tapos sasabihin mo lang sa 'kin na hayaan ko na lang?"


He was so affected. Bakit hindi ko iyon kaagad napagtanto?


"I'm getting lots of confusion, na blanko ako kung bakit mo 'ko iniiwasan tapos ganito lang? Nakakagago!"


"Ganito lang? T-Tingin mo ba madali lang sa 'kin na bastusin nila? Tingin mo ba kaya ko na pinag-iisipan nila tayo o ikaw ng masama dahil ganito... ganito ako?"


"Kaya ko!" he exclaimed and his face was full of tears when he approached me.


"Pwes, ako hindi! Magkaiba naman tayo, e!" I cried. May lakas siya ng loob, ngunit ako... masyadong duwag. Magkaiba kami.


"Yshawn..." Nanlulumo siya noong direkta niya akong tiningnan sa mga mata. "Kaya ko. Kahit ano pa'ng panggagagong sabihin nila sa 'kin, h'wag ka lang. Even if they think bad of me... mananatili ako sa tabi mo. I-I don't want us, especially you to suffer because of them! I don't like it!"


"Ikaw naman kasi 'yan..." I said under my breath. I felt like I had no worth when I first heard that I was degraded as a human being.


He shook his head fiercely. "Yshawn, sila..." he paused. "Sila 'yong dahilan kung bakit may naduduwag, kung bakit may natatakot! They put fear in us! But please, at least, think about us... Hahayaan mo na lang ba?"


Naduduwag at natatakot... why do I have to feel those for whom all I want to do is live? I didn't do anything wrong, but they made me feel as though being different was an offense.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top