Chapter 13
Naramdaman ko ang gaan, naramdaman ko kung gaano kagaan nang pinahinga ko ang katawan ko...
It was on the verge of falling, and wherever it landed, I knew that would be the end... there will be a rest for me. I will find peace there and fall asleep without having to think too much.
Things are no longer matter to me, nothing matters. But I don't understand why someone stopped me, why he took away my urge not to breathe the air from this place anymore. He pulled my hand, breaking what I had expected that I would fall from above.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay narito pa rin ako, I still haven't escaped. I can still feel the unpleasant air circulating through my body.
Nang lumingon ako sa kaliwa ko ay nakita ko si Gino, nakatihaya sa sahig at tulala. Maya-maya pa ay nasilayan ko ang butil ng luha na tumulo sa gilid ng mga mata niya. "B-Bakit... Bakit mo ginagawa 'to sa 'kin... h-ha?"
I felt the corner of my eyes heat up, and when I took my eyes off of him, tears immediately streamed down my cheeks. Hindi ko masagot ang tanong niya. Mas lalong gumulo ang isipan ko.
Tumayo ako at matalim siyang tiningnan sa mga mata. Noong nilapitan ko siya ay hindi ko napagilan ang sarili ko na dumagan sa kaniya at marahas siyang kinwuwelyuhan.
"A-Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa 'yon?! Dapat hinayaan mo na lang ako!" sigaw ko sa mukha niya at nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka. "D-Dapat hinayaan mo na lang akong mamatay! 'Yan naman 'yong gusto ni'yo, 'di ba?!"
"Yshawn?" His eyes are filled with pain, and he's trying to figure out if I'm lying. Noong hinigpitan ko ang pagkakakwelyo sa kaniya ay doon na siya napahawak sa kamay ko, hindi na siya makahinga ng maayos. "Bakit mo... s-sinasabi 'yan?"
"Alam mo ba kung anong nangyari kanina? Alam mo ba kung pa'no nila ko tingnan habang nakatayo ro'n?!" Tinuro ko ang lugar na kinatatayuan ko kanina at padarag ko siyang binitawan at napalakas iyon dahilan para marinig ko ang pagbagsak niya.
Umalis ako sa pagkakadagan sa kaniya at tumayo. Sa sobrang gulo ng mga iniisip ko ay sumasakit na rin itong ulo ko. Dakma-dakma ko ang mukha ko bago siya muling hinarap. Nakatayo na rin siya, and the pain in his eyes was still there, silently screaming.
I watched his throat move as he swallowed. "B-Bakit?" Tears quickly ran down his cheeks.
I was seething with anger noong tinuro ko ang mga taong nasa ibaba. "Natatakot sila! Nakikita ko kung paano sila natatakot sa oras na tumalon ako ro'n! Kahit... kahit sa pagkamatay ko... wala pa ring pinagkaiba 'yon habang nabubuhay ako, Gino! Natatakot pa rin sila... ayaw nila sa akin... Ayaw ni'yong lahat sa 'kin!"
"Why are you doing this to me, huh? W-Why?" Naririnig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. He looked down. "Yshawn, ibahin mo 'ko..."
How is it that he can still lie? Pagod na ako na isiping wala lang ang nakita ko dahil malinaw naman e... malinaw sa akin na kahit sino mang tao rito sa mundo ay wala talagang makakatanggap sa akin dahil bakla ako!
Kumuyom ang kamao ko sa isipang iyon at walang pag-aatubiling idinapo iyon sa mukha niya. Napaatras siya at napahawak roon. Nang balingan niya ko ng tingin ay puno ng katanungan ang mga mata niya.
"Dapat hinayaan mo na lang akong mamatay! 'Yon ang gusto ko!" sigaw ko. "Paulit-ulit mo 'kong tinatanong kung bakit ko 'to ginagawa sa 'yo... If you let me fall there, and die, you wouldn't have thought about anything! You will never ask why! Tinatapos ko na nga, e!"
Napayuko siya at nakita ko ang paggalaw ng mga balikat niya, narinig ko ang kaniyang paghikbi. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Days, weeks, and years had not been kind to me at all... I always have such a terrible time... it never ends, and it hurts.
I clung to my knees and closed my eyes tightly. I took a deep breath and walked closer to the edge again. Nang handa na sana akong sumampa roon para tumalon ay muli na naman niya akong hinila. Nilakasan ko ang pagbawi sa braso ko ngunit ayaw niya akong bitawan.
"No... stop, please, Y-Yshawn... Don't do this," pagmamakaawa niya habang mahigpit akong yinayakap. And too much of him, he was crying his heart out. He started to howl. "P-Please! Hajima!"
Noong pumiglas ako ay hindi ko sadyang masiko ang mukha niya pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin. "Hayaan mo na 'ko! I want to die! 'Yan na lang ang gusto ko, Gino!" sigaw ko.
"Mamatay? Bakit napakadali sa 'yo na sabihin 'yan, ha?! Bakit?!" malakas na sigaw niya. "You're saying that as if it were easy for me. Like I could handle it. Like it won't hurt me! Ang sakit-sakit mong magsalita, Yshawn!"
Halos magpambuno na kami. When I tried to push him, we both lost our balance and we landed on the ground. Hanggang sa pagkakahiga ay pilit niya pa rin akong pinipigilan dahilan para ako na mismo ang sumuko.
Tumayo siya at lumayo sa akin noong hindi na ako pumipiglas. Napanood ko ang pagsabunot niya sa kaniyang sarili. My eyes started to tear up as I watched him kneel down and throw up. When he stopped vomiting, he rose up and leaned against the wall, screamed loudly as he could. I could even hear the angst in his screams.
Nahihirapan akong intindihin siya... Bakit siya nasasaktan ngayon? Why did he act way more miserable when he found out I wanted to die? Isn't that what they all wanted to happen to me? They despise me... They can even abuse me because I'm like this... Dahil ganito ang sekswalidad ko.
They were able to take advantage of my weakness. And as for him, there are many things I'm not yet familiar with, and he is the only one who has made me aware of them. He can make love with me even if someone is already fucking behind him. So why is he upset when he never truly valued me?
Pinagkaisahan nila ako... lahat sila, galit sa akin. Ni isa sa kanila ay hindi ako kayang tanggapin. Ang kapatid ko, si Dad, ang mga tao at may kaya pang pagsamantalahan ang kahinaanan ko... Pagod na pagod na pagod na ako.
We both sensed the rescuers coming our way right at that moment. I couldn't say a word the entire day, all I did was stare aimlessly. I'm lost, everything looks endless, and all I can think about are those chaotic things that have happened.
For almost months I was like that. I bore that way. I find it difficult to forget the circumstances from my childhood up until this point. Ngayon ko lang napagtanto... that I've been sobbing and hurting nonstop.
Sa loob ng halos dalawang buwan na iyon ay naging mulat ako sa mga bagay na nangyari sa akin. I just found out that even though I keep climbing up, I just keep getting hurt. I have never experienced sleep without thinking too much, and I have never experienced being truly happy.
"Yes, tama po," sagot ko habang tumatango sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Ni-re-recite niya ang buong pangalan ko at ang spelling nito kung tama ba ang nakasulat.
Nag-book ako ng ticket at dalawang araw ko rin iyong inasikaso. Hindi ko pinaalam iyon kay Gino, hindi ko pinaalam sa kaniya ang plano kong pag-alis sa lugar na 'to. Ilang araw din siyang nagpabalik-balik sa apartment pero hindi ako nagpakita. I did nothing but lean against the door and listen to his pleas.
[Yshawn Won E. Godivo, right? Okay, pa-fill up-an na lang po 'yong form from our site and bibigyan na lang po kayo ng schedule niyo. Thank you!]
Ginawa ko ang sinabi noong nasa kabilang linya at agad ko ring natapos iyon. Sa mga sumunod na araw ay patuloy pa rin sa pagpunta si Gino sa apartment, at minsa'y naabutan ko pa siyang natutulog sa labas ng room ko. Nakasandal siya sa pinto at nagbabasakaling maabutan ako.
Hindi ako dumiretso noon at umakyat lang ako sa ibang floor at umupo sa hagdanan. Hinintay ko siyang umalis at hanggang sa lumipas ang oras ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Inalis ko ang ulo ko sa pagkakasandal sa pader at tumayo para silipin siya.
Agad naman akong nagtago noong makita siyang naglalakad na paalis. Bago siya umalis ay pinagmasdan niya ang room ko at nang malagpasan niya ako ay napapikit na lang ako ng mariin, masakit pa rin.
Wala sa plano ko ang umalis dahil alam ko na may maiiwan ako. Ang kapatid ko, hindi ko pa nahahanap si Ava. Not even a single clue to know if she's in good shape ay wala, blanko pa rin ako. Ngunit laking pasalamat ko ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.
Noong isang araw ay tinawagan ko siya, nag-ri-ring lang ang phone ko pero hindi niya sinasagot. When I found out that she still hadn't changed her SIM card, the only thing I did was message her and I told her everything I wanted to say. She replied, she simply told me to stop looking for her. She didn't add anything to it, but even so, I was glad, and my heart was re-lived knowing that she was fine.
Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas na sa pinagtataguan. Kinabukasan ay sumadya ako sa mall para bumili ng maleta, may mga gamit pa akong naiwan dahil hindi na ito magkasya. Sa paglilibot-libot kong iyon ay hindi ko inaasahang makikita ko si Prince. His face quickly lit up when he saw me.
"Hi, Yshawn!" Walang pagbabago, malawak pa rin ang ngiti niya sa tuwing makikita ako. "Mind if you tell me what you're doing here?"
Tinuro ko kung saan ako nagpunta. "May... tinitingnan lang."
He nodded. "You have someone with you?"
"W-Wala, ako lang." I can't find the strength to talk. "May balak lang sana akong bilhin."
Saglit na napaawang ang bibig niya at tumango-tango. "Samahan na kita. Actually I'm done shopping for mine." Inangat niya ang mga bag na bitbit niya para ipakita sa akin.
Plano ko pa sanang tumanggi nang bigla naman niya akong akbayan para hilain palakad. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta at sinabi ko naman na doon sa luggage store. Nang marating namin iyon ay nililibot lang niya ang paningin sa loob.
"What're you gonna do with this suitcase anyway?" bulong niya sa akin. Nagtataka siya kung bakit kami narito.
Napatingala ako sa kaniya. "May damage na 'yong luma ko. I'll get one just in case I go for a trip."
Tumango siya. "Oh, really? I'm nervous that you might be planning to leave." Inosente siyang tumawa sa sinabi. "To be honest."
I have a lot of baggage. I'm also the most unstable person so I can't tell where Prince's smile is coming from when I'm in front of him. I also told him that I couldn't like him back but I still see hope in him. I have no idea how he still sees me positively.
Matapos naming mabili ang pakay ko ay inaya niya akong kumain. Balak niya pa sana akong dalhin sa buffet pero tumanggi ako. Nahihiya ako dahil ililibre niya lang naman ako. I want to provide mine, madadagdagan lang ang kahihiyan ko kapag doon pa kami kumain sa mamahalin.
"Ang cute mo." Napahinto ako sa pagkain nang marinig ko ang binulong niya. Agad naman siyang napabaling sa plate nang tingnan ko siya. Sumubo siya ng pagkain. "Ang sarap, I like the taste! I've never eaten here yet."
Bahagya naman akong natawa. "Normal na kanin lang 'yong kinain mo."
Tumaas ang mga kilay niya at napahinto sa pagnguya. Tumango-tango siya at nagtakip ng mukha para maitago ang pilit na tawa, nahihiya siya. Napailing na lang ako sa inakto niya.
We were both silent when I suddenly heard him clear his throat. "Where have you been the last few days? I visited the apartment twice, but you weren't there."
I hummed. "May inasikaso lang."
Bigla akong nasamid at iksaktong ubos na rin ang drinks ko. Napansin naman kaagad niya iyon at inabot niya sa akin ang kaniya.
"You alright?" tanong niya at tumango lang ako matapos uminom. "Yshawn, you can rely on me. Whatever is going on with you, I'm ready to listen. I'm always here for you."
Ramdam niya na may pinagdadaanan ako. Marahil ay nakarating na sa kaniya ang balita na huminto na ako sa pag-aaral. May contact siya ni Bea kaya malabong hindi.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtiwala sa kahit na sino. Maraming salita ang gusto kong banggitin pero pakiramdam ko ay wala ni isa ang makakaintindi niyon.
"Plano kong umalis. Doon na ako sa Manila," kaswal na sabi ko.
Nilalakaran na namin ang eskinita papunta sa apartment. Nasa tabi ko si Prince at siya ang may bitbit ng payong, pinapayungan niya ako dahil may kalakasan din ang pagbuhos ng ulan.
Tumanggi ako na ihatid niya ako gamit ang kotse niya at dahil mapilit siya, ang ginawa na lang niya ay sumabay sa pag-co-commute ko. Iniwan niya pang naka-park doon sa mall ang kotse niya.
"So you're really leaving? That's why you bought this suitcase?" His voice conveyed sadness, which I could hear.
"Hmm." Tumango ako.
"W-When?" mahinang tanong niya at nasa sahig na nakatingin ang mga mata niya.
"Bukas." Napalingon siya sa akin matapos kong sabihin iyon.
Nang mag-iwas siya ng tingin ay bigla siyang napahinto sa paglalakad. Huminto ako at hinarap siya, hindi siya makatingin sa akin ng maayos at tila malalim ang kaniyang iniisip.
Saglit na umawang ang bibig niya. "Y-You'll coming back, right?"
Napayuko ako sa tanong niya at napabuntong-hininga. Umiling ako at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hindi na."
I'll try to fit in there even if it's hard. I'll try my best.
Napalunok siya at maya't maya rin kung tumingala siya, may kung anong pinipigilan. "Uhm... so... t-this is my last moment with you, huh?"
Bahagya akong natawa. "May contact naman tayo sa isa't isa-"
"But that's still not enough." He cut me off. Umawang ang bibig niya at maya-maya'y pareho niya 'tong inipit. Narinig ko ang pagtawa niya ng pilit. "S-Sorry, I was overreacting."
"Ayos lang." Tipid lang akong napangiti.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Kung kanina ay may isa sa amin ang nagsasalita ngunit ngayon ay pareho na kaming tikom ang bibig. Narating namin ang gate ng apartment na hindi nag-uusap.
Hinarap ko siya at nagpakawala ako ng tipid na ngiti. "Salamat."
Napayuko siya bigla. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko ang pamumugto ng mga mata niya. "Yshawn, I swear to all the saints... I-I'll miss you."
I don't know how I will react to that. Marahang lumapit sa akin si Prince at naghihintay ang braso niya na iyakap sa akin. Hindi ako tumanggi at hinayaan ko lang siya. He hugged me tightly as if he doesn't want to let me go.
Narinig ko ang pagsinghap niya at noong kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin ay mabilis niyang pinunasan ang pisngi niya. He even cried to show that he was being honest about his feelings, it's true that he will miss me.
"Susundan kita ro'n. I will find you there, Yshawn." Pagsasalita niya nang makapasok na ako sa loob.
I just gave him a small smile, I waved, and then turned my back on him. Buntong-hininga akong umupo sa sofa at agad ding tumayo para magluto ng makakain. Inimbitahan ko sina Bea at Jaz na uminom at nag-reply naman sila kaagad. Habang nag-hihiwa ng lamas ay hindi ko maiwasang maalala si Gino rito sa kusina, it's like his scent and presence will always lives here.
Inaamin ko... sobrang na-mi-miss ko na siya. I'm also worried about him because I know it's not easy for him, too. Nakita ko ang pagbaba ng pisikal na timbang niya... Wala na akong ideya kung ano na ang lagay niya since he stopped coming here to the apartment.
It's also one of the reasons that I can't seem to stay in this place anymore, because of my feelings. My feelings for him and the fact that I don't seem to matter to him, are conflicting. Hindi ko na alam, there are so many possibilities in my head that I can't even process, and the fact that, if we're still together, doesn't seem right.
"Oh my god... miss na kita, Yshawn!" Mabilis akong yinakap ni Bea nang mapagbuksan ko sila ng pinto. Matagal at mahigpit iyon bago niya ako pinakawalan at tiningnan ang kabuuan. Sabay na bumaba ang magkabilang gilid ng labi niya. "I know you've been through a lot... I'm so proud of you... tingnan mo oh, you can still smile."
Hindi nila alam kung anong nangyari noong mga nakaraang buwan. Hindi ko pinaalam sa kanila na pinuntahan ako ni Dad at sinaktan. Ang alam lang nila ay ang problema ko tungkol sa school at sa paghahanap ko kay Ava. I still have the same reason why, is that I don't want to bother them.
"We're so proud of you..." Lumapit si Jaz sa akin at mahigpit rin akong yinakap. "Laban lang, ha?"
I couldn't do anything but smile at them. "Kailangan, e."
Dumiretso na kaagad kami sa balcony at humanap nang kaniya-kaniyang mauupuan. Jaz immediately volunteered for the first shot at doon na umikot ang tagay. I'm planning to tell them now ang tungkol sa paglipat ko sa Manila.
"I heard a lot of bad news about you, Yshawn," nalulungkot na sabi ni Bea sa akin. "I really want to be there to help." She really wants to but she knows how I cope with the trouble. Mas prefer kong mag-isa and sinabi ko iyon sa kanila.
I smiled a little. "Enough na sa 'kin 'yong pangungumusta niyo. You don't have to make an effort."
"Pero swear to god..." pagsasalita ni Jaz at tinungga niya muna ang laman noong shot glass bago magsalita. "Whatever your burdens are, I hope they're all mine, promise. Sana sa 'kin na lang lahat nangyari 'yon."
"Me too," sambit naman ni Bea.
That gave me a sweet touch in my heart, I was so happy when I heard that from them. "Gano'n din ako sa inyo." I smiled.
Nagkatinginan kaming tatlo at maya-maya pa ay nabitawan namin ng sabay ang mga tawa namin. I'm glad we have the same thoughts and concerns about each other, and that we both want each other to be happy. It's nice to think that there are people who think the same way as I do.
Habang tumatagal ang shots ay hindi na rin tumatagal sa pagkapit ang alcohol tolerance naming tatlo. There was even a moment when Bea couldn't stop laughing while crying at the same time. I couldn't find my reaction, because it looked like she was carrying something heavy inside, but her laughter just seemed to mask it.
"Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Jaz sa kaniya at hinihimas-himas pa niya ang likuran ni Bea na tuloy pa rin sa pag-iyak at tawa. "Hindi dapat ako tumatawa, sorry. First time ko lang kasi makakita ng maoy."
"Bea, okay ka lang ba?" tanong ko.
Tumango naman siya at pinunasan ang pisngi. "Oo, tang ina lang kasi 'yong ex ko, e. Ginawa akong kabit."
Napakangalumbaba namang tiningnan ni Jaz si Bea, mapang-asar ang mukha niya na animo'y natatawang nalulungkot. Tinawanan naman ni Bea ang sinabi niya.
"May I ask kung anong nangyari? Pa'no?" curious na tanong ni Jaz.
"Tang ina, hindi ko pa sana 'yon malalaman kung hindi ko siya pinilit na hiramin 'yong phone niya. Nabasa ko 'yong message ng 'two-year' girlfriend niya tapos naka-registered pa sa totoong pangalan. Samantalang sa 'kin J&T ang naka-register! Magloloko na nga lang bobo pa!"
"Tang ina no'n," nag-iba ang eksperesyon ng mukha ni Jaz.
"Saka... what the fuck naiirita ako..." may gigil na sabi ni Bea. Nagulat na lang kami na pinuno niya ang shot niya saka iyon walang patid na tinungga. Ngumiwi ang mukha niya sa lasa noong alak. "Nag-se-serve siya sa church nila tapos inaakay niya pa 'ko no'n! Kupal na 'yon!"
"Gago..." Napatakip ng bibig si Jaz at tumawa.
"Kaya siguro may lakas ng loob na mag-cheat kasi every Sunday nababawasan kasalanan niya," kumento ko na ikinatawa naman nilang pareho.
"Amen!" Pagsang-ayon naman ni Jaz sa sinabi ko.
"He doesn't smoke, hate niya 'yong alak... it's a sin daw puta pero nagawang mag-cheat!" Bea blurted. Huminga siya nang malalim para pakalamahin ang sarili. "Churchmate niya 'yong girl... Pero ang ironic lang na ako 'yong pinakilala sa magulang hindi 'yon." Napailing siya sa isip na iyon. "Ang ganda ko talaga!"
"Uhm... how... how did you two break up?" Napasinghap si Bea sa tanong ko.
"Hinanap ko 'yong girlfriend niya siya sa fb tapos chinat ko. I directly told her that I'm his boyfriend's girlfriend, too, and I'm fucking totally unaware that he has already a girlfriend! I totally didn't know," Bea said without interruption. "Ganyan 'yong sinabi ko... May diin 'yon! 'Di pa rin ako makapaniwalang kabit ako, e."
"Ano... sabi no'ng two-year girlfriend?" kunot-noong tanong ni Jaz.
"Tinanong niya lang kung kailan pa... Then 'yon sinabi ko almost three months na. Fortunately, she didn't hate me when she found that out. Nakipag-break siya agad sa kupal na 'yon!"
"Deserve," nakangising sambit ni Jaz.
Iritableng ginulo naman ni Bea ang buhok niya. "It's just ugly to think na kabit ako... like what? Kasi kung ako? Isa lang, gago. Ang tinu-tino ko... I was loyal, minahal ko pa... Genuine 'yon, genuine love! Authentic! And then that's all he did to me? Fuck him!" sigaw ni Bea.
"Yes... fuck him!" singhal din ni jaz. "Fuck all the cheaters!"
Why does it seem like the essence of what you both promised is lost? I don't get it. To some... why does it seem that your linked connection's slowly becoming less and less meaningful habang tumatagal?
How can we be sure that our feelings for someone are genuine before committing to a relationship? Doesn't it involve trust and is voluntary? Then why does it seem as though it no longer matters? It seems like everything is just a game to some people, and they have no qualms about cheating.
Naaawa ako kay Bea, hindi niya naisabuhay iyong turo sa amin na 'when in doubt, throw it out'. Pangalawang beses na yata 'to.
"Kumusta naman kayo no'ng Gino?" Napa-angat ako ng tingin kay Bea. Napansin nilang pareho ang pagtahimik ko bigla.
"Wasn't he famous before, you know? The privilege of being good-looking minsan kasi... nakakalaki rin ng ulo," may pag-aalangang sabi ni Jaz. "I mean, it's not hard for them to manipulate others dahil nga gwapo sila."
"Agree ako diyan... ang dami kong naaalala diyan putang ina!" Kumuha naman ng pulutan si Bea at pinagtaasan ako ng kilay habang nginunguya iyon. "They can manipulate others kasi nga gwapo... may factor 'yon."
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong nila. Malalim pa ang pagkakabuntong-hininga ko at napatutok naman sila sa akin dahil sa naging reaksyon kong iyon. Are they implying, as in the movies I've seen, that having good looks makes you popular and gives you the power to manipulate and fool people?
Out of nowhere naman nilang nabanggit ang bagay na iyon. Sinusubukan siguro nilang tanungin kung ganoon ang ginagawa ni Gino sa akin. Hindi ko naman maisip iyon dahil wala namang kaso sa akin ang hitsura niya. Pero nakagawa siya ng ikasisira ko at nabaligtad niya pa ang sitwasyon kaya kung iisipin ay hindi iyon nagkakalayo sa tinutukoy nila.
"Meron pa pala akong hindi nasasabi sa inyo." Hindi ko na lang sinagot iyon, yet they're still all ears on me. I swallowed to collect myself. "Lilipat na 'ko sa Manila."
"Ha?" sabay nilang binigkas iyon.
"Bakit?" nalulungkot na tanong ni Bea.
I shrugged my shoulders. "Nahihirapan na 'ko rito... and I don't know but, sa dami ng nangyari parang 'yon na lang ang alam kong paraan para makaalis."
The atmosphere suddenly fell hushed, and each one of us began to think deeply.
"Do you think that's a good idea? Mag-a-adjust ka na naman ulit niyan," nag-aalalang sabi ni Jaz.
I sighed heavily. "I'm just tired of this place. I don't feel like I have any room here." I'm sharing my heart, but I don't think that they can comprehend.
Ang naiwan na lang sa 'kin ay 'yong kwarto ko... there, I'm well enough to understand what I'm going through... It somehow gives me a sense of security. But when I'm out there, I certainly don't feel safe in people's eyes.
"Dahil ba... na ganyan ka?" Jaz asked cautiously. She must have witnessed all of the bullying I've faced since then so she knows what my reason is and what she would ask.
"Gay? That I like boys?" I nodded. "Hmm, and all about me."
"If we say just leave them be and ignore what they're saying to you... mapipilit ka ba naming h'wag umalis?" I can hear the seriousness in Bea's voice.
How can I do that when my only reason to stay here is to make a decent living but there are still people ruining it? It's not that easy especially since this place ruined me.
I sighed and plastered a small smile. "I'm leaving for my own good," I answered. "And maybe I will be better in that place."
"Pa'no kung hindi?" It seems like Bea really doesn't want me to leave.
"Then I will find another place again and again, and I'll let you know. In that way, you'll know that I still have a will to live," I said.
They went silent.
"I hope you will be better now," Jaz said meaningfully.
I nodded my head and smiled lightly. They couldn't look at me and it was obvious that they were both deep in thought again. I will miss these two.
"Kailan ang alis mo?" si Bea na ang nagtanong.
"Bukas na."
"Si Gino?" tanong naman ni Jaz sa akin.
I didn't explain to them about Gino and what was going on with the two of us... I just answered what was more straightforward, I simply responded that I would leave without him. They didn't claim the negativity around that long and change the mood right off the bat... They don't want to waste time with me, and this may be the final time... no one knows.
Time flew by as we drowned ourselves in laughter and tears. Bukas ay paniguradong babalikan ko na lang ang gabing 'to. The night came to an end when I managed to avoid getting wasted so I could take care of them. At kinabukasan, they could not stop hugging me tightly.
"Mag-iingat ka do'n..." naiiyak na sabi ni Bea. Bumitaw na siya sa yakap at pinunasan ang mga luha. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Dapat i-video call mo 'ko lagi, ah! Kami!"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hmm, promise." I forced to smile at her.
"Bye..." sambit ni Jaz. Lumapit siya sa akin at yinakap rin ako. Tinapik niya ang likuran ko. "H'wag kang mamamatay. Seryoso ako sa sinabi ko kagabi... magkakapi pa tayo sa Paris!"
I just laughed at what she said. Nag-aalangan pa sila sa plano ko pero noong in-assure ko sa kanila na may taong tutulong sa akin doon ay napahinga naman sila ng maayos. Doon nakatira si ate Carra at may trabaho na kaagad ang nakaabang sa akin doon, ako na lang ang bahala sa requirements at interviews.
Iyon ang plano ko, magtrabaho at mag-ipon at kung may sapat na ipon na ako ay doon ko na ulit aasikasuhin ang pag-aaral ko. Even if I can feel my body wearing down, I won't let that fire inside me die out. I refuse to give up on my dream. I'll keep pushing forward, no matter how hard it gets, for my own good. I tried to start over again in this place but I couldn't make it work. Maybe, just maybe, in that place, I can finally earn what I've been striving for all along.
Hila-hila ko na ang mga gamit ko nang mapahinto naman ako sa tapat ng TV. Nakita ko ang frame namin ni Gino, kinuha ko iyon at saglit na pinagmasdan. My head was instructing me to take it and shove it in the suitcase so I did.
Noong nilagay ko iyon sa loob ay saglit pa akong napatitig sa black hoody na binigay niya sa akin. Ito iyong araw na isnaklob niya 'to sa akin para hindi ako maulanan. Iyon din ang araw na naging masaya ako dahil sa mga sinabi niya. He protected me from the man who spat on my back at the pub.
"Nasa bus na 'ko," aniko sa taong na nasa kabilang linya habang nakadungaw sa labas at pinapanood ang mga puno.
I heard him whisper a curse. [I'm sorry, I couldn't accompany you today, Yshawn. Wish it was that easy to ditch those recits.]
Hindi ko inaasahan ang tawag ni Prince kaya noong makita kong nag-ring ang phone ko ay biglang nanlamig ang katawan ko, hindi ako makapaniwala na si Gino ang naisip kong tumatawag. Malaki ang epekto niya sa akin.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yon," ang nasabi ko lang sa kaniya.
Mas importante pa iyon kaysa sa akin. He is now in his fourth-year LEGMA course. I know that the program he will go through is difficult, so he should just focus on that, not on this.
Narinig ko na lang siyang bumuntong-hininga. [Be careful there. If you need anything, just call me.]
"Okay, thank you." Tumango ako na animo'y makikita niya iyon.
He suddenly became silent and I just waited for him to speak.
[B-Bye,] he just said that and I also answered back as his.
Naisandal ko ang ulo ko sa bintana at dahil matagal-tagal din ang biyahe ay nakatulog ako. Nagmumulat lang ako ng mga mata para tingnan ang mga nadadaanang tanawin at maya-maya rin ay muling pipikit para magpahinga.
Nakita ko pa na may nadaanan ang bus na sinasakyan ko na kotseng bumangga sa isang bus. Maraming tao ang nakahandusay sa sahig habang tinutulungan sila ng medic. Nakita kong halos madurog ang kotse at nagkalat pa ang mga parte noon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Nang maisipan kong i-check ang oras ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at message kaagad ni Bea ang nakita ko sa screen. With just simple pop up messages, it immediately confuses my mind, ang nasa isip ko na naman ay galing kay Gino ang mensahe. Buntong-hiningang binuksan ko na lang iyon at binasa.
From Bea:
sorry!
Ni-reply-an ko iyon, tinanong ko kung ano iyong sinasabi niya pero lumipas ang ilang oras ay wala siyang reply sa akin at narating na rin namin ang terminal. Nang makababa ay tinanggap ko ang mga gamit ko at umupo roon sa waiting area habang hinihintay ang bus na sasakyan ko pa-Manila.
Habang nakaupo ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Bea. Wala akong ideyo kung ano ang tinutukoy niya roon. Lumipas ang isang oras ay wala pa rin siyang reply sa akin at nakapila na rin ako papasok sa bus.
"Yshawn!" Mabilis na napalingon ang mga tao sa sigaw na iyon. Napasunod rin ako ng tingin at nakita ko si Gino roon sa kabilang linya, aligaga sa paghahanap sa akin. My heart ached noong makita ko ang hitsura niya, he was almost in a panic at kung sino-sino na lang ang hinahawi niya. Nagbabasakaling ako ang taong iyon. "Y-Yshawn..."
Itinago ko ang mukha ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, mariin akong napapikit habang pinipigilan ang luha.
"Yshawn!" Malakas ang sigaw na iyon at lahat ng pasahero ay naaabala na sa kaniya. "S-Sandali... May hinahanap ako! Yshawn! Yshawn..."
Puno na ng pagmamakaawa ang kaniyang boses at nang tingnan ko siya ay hawak-hawak na siya noong mga bus driver, pinapaalis na siya sa lugar. Sa pagpupumuglas niya ay nagtama ang paningin namin.
Agad siyang nag-wala. "Yshawn! Yshawn, h'wag mo 'kong iwan! Yshawn, p-please..." Kitang-kita ko kung gaano na kapuno ng luha ang mukha niya.
Napalingon sa akin ang mga pasahero. When I turned my head away from him, I instantly broke into tears. Nang maglalakad na kami papasok sa loob ng bus ay napahinto ako noong hinawakan ni Gino ang palapulsuhan ko.
He sobbed loudly as he tightly hugged me, clearly not wanting to let me go. "S-Sasama ako... H'wag mo 'kong iwan... I-I'm begging... Please, please... please don't. D-Don't leave me, Yshawn..." I could feel his chest move.
Hinang-hina na ako, the sound of his pleading hurt me so much. Marahan ko siyang tinulak at hindi ko siya matingnan sa mga mata noong kumalas siya.
While he was shaking, he held my hands and kissed them. He then applied it to his pale-cheek. "Isasama mo naman ako, 'di ba? H-Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba? Yshawn, sabihin mo sa 'kin na 'di mo gagawin 'yon..." His eyes are filled with hope that I can't be able to leave him.
Binawi ko lang ang kamay ko at hindi siya sinagot. His mouth suddenly dropped and fell open for a moment. I saw the quick tears in his eyes running down his cheek.
Napabaling ang paningin ko sa mga tao at nakita silang lahat na nakatingin na sa amin, at ang iba pa ay nagbubulungan. "Umuwi ka na... A-Aalis na 'ko."
Nakayukong tinalikuran ko siya at muling naglakad. Bigla naman akong napahinto noong hinila niya ulit ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang naitulak dahilan para mapahiga siya sa sahig.
"Tang ina, sinabi nang umuwi ka na!" I yelled. I could see the pain in his eyes. Nanginginig ang dibdib ko sa lubhang nararamdaman. "Aalis na 'ko kaya umuwi ka na! P-Paulit-ulit na lang!"
Marahan siyang lumuhod at gumapang palapit sa akin, yinakap niya ang baywang ko nang mahigpit. Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap ngunit ayaw niyang bumitaw.
"Ayoko... A-Ayoko..." pailing-iling na sabi niya.
"Bitawan mo 'ko, Gino!"
"Bakit mo 'ko iiwan... May nagawa ba 'kong mali? Sabihin mo sa 'kin, babaguhin ko 'yon..." pagmamakaawa niya sa baywang ko.
"Tang ina naman... ano ba?" Buong lakas ko siyang inalis sa pagkakayakap at muli siyang napahiga sa sahig. "Nakakahiya ka na! Hiyang-hiya na 'ko, Gino!" impit na sigaw ko.
Umiling siya at tumayo para yakapin ako ngunit agad ko naman siyang tinulak. "I know what you're saying isn't true..."
"Totoo 'yon... totoo 'yon lahat! Kinakahiya kita! Tingna mo nga hitsura mo... maayos ba 'yan, ha? Umayos ka, Gino, tinitingnan ka na nila! Tigilan mo na 'to, please lang!"
"Yshawn..." Mariin siyang umiling at pilit na yumayakap sa akin.
"Tama na, Gino! Kung ano man 'yong mga pinangako ko, kalimutan mo na 'yon!" I pushed him again and when he got away from me, I walked quickly into the bus. He followed me and even grabbed the hem of my shirt when I stepped on the stairs.
"Y-Yshawn... Yshawn..." He was panicking when he saw me get inside. "Hindi, hindi, hindi..."
Malala ang pag-iyak niya habang nakakapit sa akin. Noong hindi niya ako binibitawan ay hinila na siya noong mga tao sa labas and his cries grew louder when he saw the door closed. He was left outside.
"Yshawn..." And of all his pleas and all his cries, this was the only cry that broke me too much... It was so loud and full of pain. "H'wag mo 'kong iwan... S-Sorry..."
I sat down in tears and my mind was in a mess when I saw him trying to open the door. When the bus's engine started, I glimpsed at him pleading from the corner of my eye. He was already beneath me, sinusubukan niyang kunin ang atensyon ko para pansinin ang pagmamakaawa niya.
"I'm..." I whispered as tears fell. I tightly closed my eyes and covered my ears. "S-Sorry..."
Through the windowpane... This served as a barrier between us, declaring that we would never meet again. This is where everything ends.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top