Chapter 12


TW: Suicide attempt, physical abuse, sensitive language, and content.


"K-Kukuha lang ako ng payong. Hindi ako pwedeng tumigil."


Naglakad agad ako papunta sa kwarto para kuhanin ang payong. Basang-basa na ako dahil naabutan kami ng ulan noong magpunta kami sa mga kakilala ng kapatid ko. Ginawa ko na lahat, pumunta ako ng baranggay para humingi ng tulong sa paghahanap. Hinintay ko pa na sumikat ang araw para magtungo sa police station pero hanggang ngayon ay wala, hindi pa rin nila nakikita ang kapatid ko. 


Halos tatlong araw na ako walang tulog, wala rin akong ganang kumain, wala akong lakas sa lahat ng bagay pati na rin ang asikasuhin ang sarili, wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makita ang kapatid ko. Hindi ako mapapanatag hangga't wala pa rin sa tabi ko si Ava.


Hinawakan ni Gino ang braso ko, hinigit ko naman ang kamay ko at nilagpasan siya. Sa mga ilang araw na nawala si Ava ay naroon si Gino, hindi niya ako iniwan. Sa pagkain ay siya na rin ang nag-abala noon lahat. I know he's worried but I don't want to waste time, I feel like in those few days, my sister has been struggling for so, so long.


"Let's just rest first, Yshawn. It's not good for you to go out. Hindi maganda ang panahon." Pagpupumilit ni Gino habang hawak ang baywang ko, pinipigilan akong makalabas.


Hindi ako nagpapigil at inalis ko ang kamay niya sa akin bago ko binuksan ang pinto. Naglalakad na ako pababa ng apartment at nakasunod lang siya sa akin, halata na rin ang pag-aalala niya. Nang makahakbang ako pababa ng hagdan ay napahinto ako noong hinarangan niya ang dinadaanan ko.


"I know it is hard for you... pero makinig ka naman sa 'kin," he begged.


"Gino? Kapatid ko 'yon! Mas lalo lang akong mahihirapan kapag wala akong ginawa!" Napahilamos akong ng mukha at pinipigilan ang sarili sa pag-iyak. Napapagod na ako pero hindi ito ang tamang oras para magpahinga. "M-May kanto pa tayong hindi napupuntahan... Nalaman ko na may kaibigan siya sa kabilang barangay... Sigurado ako na may makakatulong sa 'tin do'n."


Nanginginig ang mga kamay ko habang humuhugot ng missing posters... siya ang gumastos ng lahat ng 'to. Nababasa na rin ang mga ito dahil sa kamay ko at dulot rin ng basang buhok ko na may tumutulong tubig ulan. Ibinigay ko ang ilan niyon kay Gino at nakikita ko sa kaniya ang pag-aalangan na tanggapin iyon.


Tumingin siya sa relo niya nang abutin niya ang mga iyon. "Yshawn, lagpas alas diyes na ng gabi... Wala nang tao sa ganitong oras at bumabagyo pa. Just g-give yourself a break, please?"


Padarag kong binawi sa kaniya ang mga poster at muli siyang nilagpasan. Sadya kong binunggo ang balikat niya para mapatabi siya sa dadaanan ko.


"Kung ayaw mo, edi ako na lang!" malakas na sabi ko, sobra na akong naguguluhan sa nangyayari at hindi ko na alam kung paano kumalma.


"Yshawn, hindi sa gano'n..." Nakasunod siya sa akin sa pagbaba ng hagdanan at hindi ko siya kinikibo. Naririndi na ako sa boses niya. "It's not that I don't want to go with you to find Ava, hindi lang talaga 'to ang tamang oras... Let's just continue tomorrow, please?"


"Hayaan mo 'ko, pwede ba?!" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Sa tingin mo ba makakapagpahinga ako ngayon? Gino, hindi! Kaya bakit ko sasayangin ang oras ko sa pag-iisip? Mabuti na lang na gumawa ako ng paraan para mahanap ang kapatid ko kaysa wala akong gawin at tumulala lang magdamag!"


Matapos kong ibulyaw iyon ay muli ko siyang tinalikuran. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagkapit niya sa palapulsuhan ko at noong pumalag ako para agawin iyon ay yinakap niya ako. Pumapalag ako habang nagmamakaawang pabayaan niya na lang ako.


"Nag-aalala ako, Yshawn..." kalmado niyang sinabi iyon habang na nangungusap ang kaniyang mga mata. "Please, think about yourself, too."


Nang marinig ko ang sinabi niya ay biglang nagpanting ang tainga ko. That's why I don't put myself first because what's more important to me now is my sister! Wala akong pakialam kung may mangyari man sa akin, ang mahalaga ay may gawin ako para mahanap ang kapatid ko!


"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" Mariin kong siniko ang dibdib niya para mapakalas siya sa akin ngunit hindi ko mapantayan ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "Naririnig mo ba, ha? Wala akong pakialam kung may mangyari sa 'kin... Mahanap ko lang ang kapatid ko! May mas pakialam ako ro'n!"


"Yshawn, ako mayro'n..." Ipinahinga niya ang noo niya sa balikat ko, napapagod na. "Please, hear me, too."


Ayaw ko nang magpaliwanag pa kung bakit ko 'to ginagawa! It seemed that all my blood rose and was heated with anger, that's why I ended up pushed him hard. Nabigla ako sa nangyari, hindi ko inaasahan na mapasobra ako sa pagtulak sa kaniya. Hindi ko sinasadya na tumama ang ulo niya sa pader.


Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko siya malapitan habang napapanood ko ang pag-agos ng dugo sa kaniyang pisngi. Napahawak siya roon at napasabunot na lang ako ng buhok sa nangyari. Ilang beses akong humingi ng sorry sa kaniya habang umiiyak.


"It's okay, Yshawn. It's okay..." Napahagulgol ako sa sinabi niya.


Nadala ako ng mga iniisip ko, nadala ako ng init ng ulo ko, nadala ako ng galit ko. Masyado nang magulo at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Maging si Gino ay nasaktan ko na at hindi ko man lang siya inisip kung ano ang nararamdman niya.


Pareho kaming pagod ngunit mas malala pa ang pagod niya kaysa sa akin. Simula noong sa Dad niya ay hindi na siya nakapagpahinga dahil humingi ako ng tulong sa kaniya. Marami na siyang ginawa para makatulong at nahihiya ako sa ginagawa ko sa kaniya ngayon.


"Masakit ba?" nahihiyang tanong ko. Nakaupo kami sa sofa at ginagamot ko ang sugat niya sa ulo. Noong mabunggo ang ulo niya sa pader ay nagalaw ito kaya nagdugo. "Hindi ko sinasadya."


"Alam ko," sabi niya habang nakapikit at may kaunting ngiti sa labi.


Bumuntong-hininga ako. "Magpahinga na tayo pagkatapos nito," sabi ko at tumango lang siya at naroon pa rin ang ngiti niya.


Why did I hurt this man? This man in front of me... he was so peaceful and understanding, that I almost blamed my whole being. I hurt him but what he returned to me was kindness.


Nilagyan ko ng antiseptic ang cotton buds matapos kong malinisan ang sugat. Inilapat ko iyon ng maingat at napahinto naman ako sa ginagawa noong ngumiwi ang mukha niya. Lumayo siya ng kaunti sa akin at napahawak doon. 


"Mahapdi..." pagrereklamo niya.


Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Zero alcohol 'to, Gino. Pa'nong mahapdi?"


Para siyang nayuping lata noong yumuko siya at mukhang nahihiya. Halata sa kaniya na pinag-ti-trip-an lang niya ako noong napahimas siya sa kaniyang batok. Nag-peace sign lang siya sa akin at napasinghap na lang ako sa hangin.


Sumunod na araw ay napagpasiyahan ni Gino na lumipat na lang rito sa apartment ko. Gusto niya rin kasing makasiguro na nasa maayos na lagay lang ako. Nailipat na niya ang mga gamit niya at nagsimula ulit kaming hanapin ang kapatid ko.


Napagtanungan na namin ang mga tao na pwedeng makatulong. Bumisita na rin kami sa school na pinapasukan ni Ava at ang sabi lang ng advisory teacher nila ay halos ilang buwan na rin palang hindi pumapasok ang kapatid ko.


Nabigla ako sa nabalitaan ko dahil ang buong pag-aakala ko ay pumapasok talaga siya dahil nanghihingi siya nang panggastos sa school. Sa kabila noon, isinawalang bahala ko na lang iyon. 


Umabot ang isang linggo ay hindi pa rin namin siya nakikita. Ang malas lang dahil wala kaming nakuhang impormasyon kung nasaan nakatira ang boyfriend niya. May malaking tsansa sana na makita namin siya roon, pero sadyang napaka ilap ng pagkakataon.


"Yshawn, ano nang balita sa kapatid mo? May clue ka na ba kung nasa'n siya?" tanong sa akin ni Jaz matapos ko siyang abutan ng maiinom.


Napabisita agad siya noong mabalitaan niya ang nangyari. Bago ko pa masagot ang tanong niya ay napatingin ako sa pinto noong marinig ko ang boses ni Bea. Pinapasok ko siya at umupo siya sa tabi ni Jaz.


"Hindi pa rin. Ilang beses na 'kong nagpabalik-balik sa police station, wala pa rin silang makuhang impormasyon kung nasaan si Ava," sagot ko sa tanong ni Jaz. Umupo ako sa couch na nasa tabi lang nila.


"Sisingit lang ako," pagsasalita ni Bea. "No'ng pumunta ka sa baranggay, pina-check mo ba 'yong CCTV?"


"Hmm..." Marahan akong tumango. "Nahagip lang ng CCTV ang kapatid ko doon sa isang kanto at kasunod no'n ay wala na. Hanggang do'n na lang. Nagawa ko na lahat na pwedeng gawin."


Parehong lumungkot ang reaksyon nila. Nakita ko sa CCTV footage na dala ni Ava ang gamit niya at ang naobserbahan ko lang sa mga kilos niya ay nagmamadali siyang umalis. Totoo ngang nabasa niya ang mensahe ni Dad.


Nilingon ko si Bea. "Bakit ka nga pala napapunta?"


Malalim ang pagkakabuntong-hininga niya at sa hitsura niya pa lang ay makikita mo na rito na may masama siyang balita.


"Yshawn, magtatatlong linggo ka nang hindi pumapasok. Wala ka rin sa mga duties natin. Hindi na natutuwa si Allan."


Napalaro ako ng mga daliri sa sinabi niya. Sa paghahanap ko sa kapatid ko ay marami na pala akong napabayaan. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nagsulat ako ng excuse letter pero hindi naman na tama na umabot ako ng ilang linggo na walang paramdam sa klase.


Napalunok ako. "Kakausapin ko na lang ulit si Mrs. Karla. Maiintindihan naman niya 'ko."


"Sana." Nag-aalala ang mukha ni Bea at ganoon din si Jaz.


Nang maalala ko na hindi ko pa pala napapakilala si Jaz kay Bea ay isiningit ko iyon. Saglit na nagkuwentuhan lang kami at nagpaalam na rin silang pareho sa akin. Nang tatayo na sana sila para lumabas ay sabay silang napalingon sa pumasok na lalaki.


Napahinto kaagad si Gino at napaawang pa ang bibig. "May bisita ka," sabi niya sa akin at mukha siyang nahihiya.


Napalingon sina Bea sa akin na may mukhang nagtatanong, napaupo ulit sila. Malawak naman ang ngiti ni Gino noong nilapitan niya sina Bea at Jaz para makipagkamayan. Kahit saan ay ugali niya talaga maging pormal.


"Si Bea, block mate ko." Pagpapakilala ko sa babae at nilingon ko naman si Jaz. "Saka si Jaz, kaklase ko siya no'ng grade seven."


"Ah... I know her, siya 'yong lagi mong kasama." Naririnig sa boses ni Gino na natutuwa siya nang maalala iyon. "Kumain na ba kayo? Magluluto pa lang sana ako, sabayan niyo na lang kami!"


"Uhm..." sambit ni Jaz. "Hindi na. May mga bahay naman kami. Doon na lang kami kakain-"


"No. No, ayos lang. Dito na kayo kumain." Kumaway si Gino na nagsasabing siya na ang bahala at gustong-gusto niya talagang makasabay sila sa pagkain. "Aasikasuhin ko lang 'to. It'll be quick."


Napatango na lang sina Jaz noong maglakad na si Gino papasok sa loob ng kusina. Bago umalis si Gino ay nginitian niya ako na nagsasabing aasiksuhin niya lang ang mga lulutuin niya. Nang mawala naman sa paningin namin ang lalaki ay napaayos ako ng upo noong lumuhod si Bea sa akin.


"Bakit kasama mo 'yon? Sabi mo kaibigan mo lang 'yon?" nagtatakang tanong niya.


Napalingon ako kay Jaz nang masilip ko siyang umusog palapit sa akin. "Si... si Gino ba 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.


Pareho silang nagtataka ngayon at sunod-sunod pa nila ako kung tanungin kaya pinakalma ko naman silang pareho. Hindi ko kayang sagutin ng sabay-sabay iyon.


"Oo, si Gino 'yon," mahina kong sabi kay Jaz at napatakip naman siya ng bibig.


"Gigil ako sa kaniya no'ng grade seven..." impit niyang sabi. "Ang hangin niya no'n masyado. Pa'no kayo nagkakilala?"


"Oo nga, pa'no?" Pabirong dinuro ako ni Bea, binabantaan ako. "Magsabi ka na ng totoo, ah." Alam kong naiintriga na siya sa akin dahil sinabi ko sa kaniya noon na kaibigan ko lang si Gino.


Nakagat ko ang mga labi ko at bumuntong-hininga. Hindi ako nagsalita at nilingon ko lang iyong frame namin ni Gino roon sa TV. Napasunod naman sila ng tingin, at ang huli kong nakitang reaksyon nila ay sabay silang napatakip ng bibig.


"Totoo ba?" tanong ni Jaz sa akin na tinanguan ko naman. Naintindihan na kaagad nila iyon kung bakit nandito si Gino at nagkatinginan pa silang dalawa.


Nakikita ko na hindi negatibo ang naging reaksyon nila noong nalaman nila ang tungkol sa amin, nakakatuwa lang dahil malayo iyon sa inaasahan kong mangyari.


Saglit lang din ang naging usapan namin habang kumakain. Nakikita ko pa sa dalawa na hindi nila maalis ang ngiti nila sa amin. Nagpaalam na rin silang dalawa at kami na lang ni Gino ang naiwan.


Sumunod na araw ay muli naming pinagpatuloy ang paghahanap, at hindi rin ganoon nagtagal si Gino na samahan ako dahil sinabihan ko siya na unahin na muna niya ang mga gagawin niya sa univ. I don't want him to suffer the same fate I had.


Nag-aalala na rin siya sa pag-aaral ko pero pinaliwanag ko naman na sa kaniya ang dahilan at makikiusap na lang ulit ako kay Mrs. Karla. Nakakahiya man pero kakapalan ko na lang ang mukha ko.


"Ang tagal mo, ah? Akala ko tatakasan mo na ako, e!" Taas kilay at magkakrus na mga braso ang bumungad sa akin nang marating ko ang pinto ng room ko. "May ipangbabayad ka na ba, ha? Ano na?!"


Inaasahan ko na rin na mangyayari 'to ngunit hindi ko naman inaakala na sa ganitong pagkakataon pa na hirap na hirap ako ngayon. Walang-wala ako ngayon, hindi ko na rin alam ang gagawin kapag napaalayas ako rito sa tinutuluyan ko.


"A-Ate Kath, kahit isang linggong palugit pa po sana. Wala po talaga akong maiaabot-"


"Tang ina?!" Napahinto ako sa pagmamakaawa ko nang bulyawan niya ako ng mura. Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. "Anong isang linggo? Pang-ilang beses mo nang sinabi sa 'kin 'yan. Tingnan mo, umabot ka na ng dalawang buwan!"


"Pasensya na po talaga. W-Wala lang po talaga akong pera ngayon-"


"Ay hindi!" Napaatras ako noong dinuro niya ang balikat ko. "Tapos na! Tapos na, Yshawn! Ubos na ubos na rin pasensya ko sa 'yo! Dapat bukas, ha? Bukas dapat wala na 'kong makikitang mga gamit mo, o kung anong kalat man ang meron diyan sa loob!"


"A-Ate..." Nagsimula nang maglaglagan ang mga luha ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong alam. "W-Wala po akong mapupuntahan. B-Baka... baka balikan po ako ng kapatid ko rito-"


"Anong babalikan? Tanga ka! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo? Tingnan mo kung ano nangyayari sa 'yo sa paghahanap mo sa kapatid mo..." Hindi ko na mapigilan ang hagulgol ko, napapagod na ako. "Kusa namang umalis 'yong kapatid mo, tanga!"


 "Ate Kath..." pagmamakaawa ko.


"Magkano ho ba?" Agad akong nag-angat ng tingin noong marinig ko ang pamilyar na boses. "Ako na ho ang magbabayad."


Lumapit siya sa akin at malamyos na hinimas ang likuran ko habang naroon lang ang tingin niya sa kay Ate Kath. Inalis niya ang hawak sa akin at naglalabas na siya ng perang pambayad doon sa upa.


"Ten thousand eight hundred, kasama na bill ng tubig at kuryente," ani Ate Kath habang nakalahad ang palad.


"Gino?" halos mautal pa ako nang sambitin iyon.


Napakapit ako sa laylayan ng damit niya para kuhanin ang atensyon niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi niya na kailangang gawin iyon, hihingi na lang ako ng advance kay kuya Niko.


"Oh, ano?! Ano?!" Taas kilay na bulyaw ni Ate Kath sa akin nang mapansing pinipigilan ko si Gino. Nang abutin iyon ni Gino ay agad na hinablot iyon ni Ate Kath at binilang. "Wala ka na ngang pambayad tatanggi ka pa? Ang kapal din naman ng mukha mo?"


Nang tama ang pagkakabilang niya sa halaga ng bayad sa renta ay dumaan ito sa gitna namin dahilan para mapa-atras kami. Agad na lumapit si Gino para yakapin ako.


"Magpahinga ka muna," sabi niya noong makapasok kami sa loob. "Lulutuin ko lang 'to, ha?" Hinaplos niya ang ulo ko.


"Ako na," pagtangging sabi ko agad at kinuha ang mga dalahin niya. Napaparami na ang utang na loob ko sa kaniya. "Hayaan mo na 'ko."


Nagpumilit pa siya na siya na ang gagawa noon pero hindi na rin siya nakapalag pa noong makuha ko na sa kaniya ang mga pinamili niya. Sinabihan ko naman na siya ito ang magpahinga dahil hindi ko naman kailangan iyon. Wala naman ako masyadong inasikaso, inilibot ko lang ang mga lugar kung saan pwedeng mahanap ang kapatid ko.


Nang maluto ko ang sinigang na baboy ay ginising ko siya roon sa sofa. Nakalaylay pa ang braso niya sa sahig, at nakailang alog pa ako sa kaniya bago siya magising. Nahahalata ko sa kaniya ang pagod lalo na noong hindi na siya nagpumilit na ako na ang magluluto noong ulam. Hiyang-hiya ako sa kaniya habang kumakain kami.


"Ano 'yan?" Napahinto siya sa pagbibihis noong lumapit ako sa kaniya. Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay sinipat ko kung ano iyong nasa braso niya. Nang makalapit ako ay nalaman kong pasa ang mga iyon. "Anong nangyari diyan?"


"Ang alin?" Napatayo siya ng maayos at tiningnan ang sarili.


"'Yang mga pasa sa braso mo... Sa'n mo nakuha 'yan?" Turo ko sa braso niya at hinawi niya 'to para tingnan.


Noong makita niya iyon ay malabnaw siyang napangiti at naghimas ng batok. Ayokong isipin na napasabak siya sa gulo dahil alam kong may ganoon siyang ugali.


"Tumambay ako saglit sa library," sabi niya habang napapahimas sa kaniyang batok. "Nalingat lang ako no'ng kinukuha ko 'yong libro sa itaas... nahulog rekta sa braso ko."


Napatango-tango na lang ako at sinabihan siyang gamutin iyon at lagyan ng cold compress gamit ang ice pack na nasa cabinet. Ginawa niya naman iyon at doon siya sa swivel chair naggagamot. Noong hihiga na sana siya sa kama ay pinigilan ko siya dahilan para mapatayo ulit siya, nagtataka.


"Hindi ka ba muna maliligo?" maingat kong sabi. "Amoy... malansang isda ka."


Inamoy niya ang sarili niya at nahiya na lang siya bigla. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang amoy niya, mukhang tumambay pa yata siya sa palengke ng ilang oras bago makabili noong mga pinamili niya.


Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag-alog ng kama. Humiga na si Gino at yinakap niya ako mula sa likuran. Naamoy ko ang sabon na ginamit niya, amoy na amoy ko na bagong ligo siya.


I felt him bury his face in my nape. "We'll see her, I promise," sabi niya saka hinalikan ang likod ng ulo ko.


Noong tumihaya ako ay napaatras siya, at ilang saglit pa ay napaluha na lang ako nang maalala ang kapatid ko. I moved closer to him and buried my face in his neck. I felt his lovely kiss on the top of my head. Hinayaan ako ni Gino na umiyak habang maingat na hinahaplos ang ulo ko.


I don't even know what I feel, they are too heavy and mixed. Hindi ko pa rin mahanap ang kapatid ko, ilang araw na lang ay pupunta na si Dad para kuhanin si Ava ngunit ano ang maihaharap ko?


Wala na rin akong kasiguraduhan sa kung ano ang mangyayari sa akin matapos kong talikuran ang pag-aaral ko. I have many dreams, I want to achieve many things, but there seems to be no end to the ill luck that hinder my ambition.


"I'm sorry, Yshawn, you didn't just fail your subjects, you didn't even have all the duties until finals week. I know you're aware that we no longer have special projects in college, right?"


Bagsak ang mga balikat ko nang marinig iyon. Nakayuko lamang ako at walang magawa. Alam kong mangyayari 'to, pero ganito pala sa pakiramdam... masakit.


"Ma'am..." Hindi ko maituwid ang boses ko. "Kahit... k-kahit isa pa pong chance? Please po, Ma'am?"


Nang makita ko ang paglapag niya ng salamin at pag-iling, alam ko na agad kung ano ang mangyayari.


"You're a great student, Yshawn. You have a long way to go... but I'm sorry to inform you that your scholarship grant will be pulled out, too."


Iyon ang huli kong narinig bago ako lumabas ng office. Nagmamadali ako sa paglalakad patungong likod ng building at doon ko iniyak lahat. 


I leaned against the wall with my hands resting on my knees. Nang sinabi ko na hihinto na lang ako sa pag-aaral ay hindi lang sakit ang naramdaman ko... higit pa roon.


Wala na... wala na akong ideya sa kung ano ang mangyayari sa mga pangarap ko. Tingin ko ay tapos na, wala na. Gulong-gulo na ako.


Huminga ako ng malalim bago lumabas, at ang nasa isip ko na lang ay ihatid itong dala kong pagkain sa department nila Gino, para sa kaniya 'to. Nang marating ko ang room ay agad akong nakatanggap ng balita. Sinabi sa akin ng Proffesor niya na noong nakaraang buwan pa siya huminto.


Nakatulala akong umalis ng univ. at wala na rin ako sa katinuan. I walked straight without feeling like there was anyone around... Everything was quiet... a deafening silence kept banging in my head. I came back to my senses after a bit when I felt my phone buzz in my pocket.


From: Gino

Have you eaten? Atm, Arji gets scolded by our prof.

Soon after we will dismiss

btw

What do you want to eat? I'll make dinner for u 😉


Mariin kong nakagat ang mga labi ko. Nilalabanan ko ang luha ko. Napatingala ako sa langit at doon ko naramdaman ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Malalim ang paghinga ko habang naglalakad pauwi para pakalmahin ang sarili.


Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad kong inayos ang sarili ko. Nang makita ako ni Gino na nakaupo sa sofa ay malawak ang ngiti niya noong nilapitan niya ako para halikan sa pisngi.


Ganoon ang hitsura niya habang nagluluto ng makakain at hanggang sa matapos kami sa pagkain. Noong makahiga na kaming pareho sa kama ay napapansin niya ang pagsawalang kibo ko sa kaniya. Yinakap niya ako mula sa likuran.


"Why do I feel like you're avoiding me?" mahinang sabi niya.


Malim ang pagkakahinga ko noong inalis ko ang yakap niya sa akin. "Pagod lang ako."


Hindi na rin siya nagsalita noong sabihin ko iyon. Noong una ay akala ko ibabalik niya ang yakap niya sa akin pero nasilip ko na lang siya na nakatihaya at nakapatong na ang braso sa ibabaw ng mga mata, mahimbing na ang pagkakatulog.


Kinatulugan ko na ganoon ang set up namin ngunit nang maalimpungatan ako ay napako ang tingin ko sa bintana. Nililipad ang kurtina dulot ng ihip ng hangin at ibig-sabihin lang noon ay bukas 'to. 


Nang ilapit ko pa ang paningin ko ay nakita ko si Gino roon, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib nang makita ko siyang may kausap sa phone.


"Just message me what you wanna eat when I get home, alright?" sabi niya bago siya lumabas ng apartment.


Tinanguan ko lang iyon at napaupo pa akong himas-himas ang sintido. My mind aches from overthinking, and suddenly turned into panic attacks. Mabilis akong nagtungo sa kusina at nilulon kaagad ang gamot nang makuha ito.


Nag-drop out na ako, alalalang-alala na ako sa kapatid ko. There are still many things I can't tell to him, but it feels like he needs to be the one to speak up. I don't know why he stopped attending school, at mas lalong wala akong malay kung saan siya pumupunta.


I feel like he's hiding a lot from me.


Ilang oras akong balisa at hindi mapirmi sa isang tabi. Paikot-ikot ako sa kwarto habang iniisip ang mga bagay na iyon. Noong mag-ayos ako ng sarili para sa pagpasok sa shop ay wala pa rin ako sa katinuan.


Hanggang sa marating ko ang shop ay tulala lang ako. Nang makabalik naman ako sa huwisiyo noong may bumangga sa akin. Napaupo ako sa sahig at bahagyang napatingin sa shop, nagkakagulo ang mga tao... nagmamadali sa pag-apula ng apoy.


"Yshawn, 'yong shop! W-Wala na!" nanginginig na sabi sa akin ni Kuya Niko, wala ring patid sa pag-iyak.


Nanghihina akong tumayo at lalapit na sana ako roon nang pigilan niya ako. "T-Tumawag na ba kayo ng bumbero? B-Balde, pahinging balde Kuya Niko. Tutulong ako!" halos pumiyok na ako nang sabihin iyon.


Nang makita ko ang kawalan ng pag-asa sa mga mata ni Kuya Niko ay doon na rin ako sumuko. Iyong shop, ang tanging sumasalba sa akin... Wala na. Wala na lahat.


Nang maapula ang apoy ay wala kaming salita na maibigkas, pareho kaming tulala ni Kuya Niko habang pinagmamasdan ang shop na ngayo'y abo na.


Napalingon ako sa kaniya noong tapikin niya ako, namumugto pa ang mga mata. May hinugot siya sa bulsa niya at nakita ko sa harapan ko ang pag-abot niya sa akin ng pera.


"Ito na lang nakayanan ko, Yshawn," mapait ang ngiti niya nang sambitin iyon. "Dinagdagan ko na rin sa dalawang buwan mong sahod."


Umuwi ako na hindi nawawala ang pagkatulala. Halos ilang oras yata akong ganoon sa kama bago tumayo noong makaramdam ng uhaw. Lumabas ako ng kwarto para uminom. Habang umiinom ng tubig ay napadapo ang tingin ko sa wallclock. Hatinggabi na pero wala pa rin si Gino.


Hanggang sa paggising ko ay wala pa rin siya kaya agad ko siyang minessage para tanungin kung nasaan siya. Ngunit ilang minuto ang nakalipas ay wala akong natanggap na reply niya. Inayos ko na lang ang sarili ko, plano kong maghanap ng trabaho ngayong araw. Ito pa lang ang naiisip kong gawin.


Ginamit ko ang perang inabot sa akin ni Kuya Niko, kung hindi ko ito tinanggap ay wala akong ipangpapamasahe sa pag-a-apply. Ilang company rin ang na-apply-an ko pero lahat ng iyon ay sinabihan ako na tatawagan na lang.


Tirik na tirik ang araw habang naglalakad ako para humanap ng iba pang kumpanya na pwedeng apply-an. Noong may nakita akong fast food ay napagpasiyahan kong kumain na lang muna roon, at magbabasakaling hiring sila.


Noong papasok pa lang sana ako ay mabilis akong napahinto. Agad akong tumalikod at binilisan ang lakad palayo. Nang mapagmasdan ko sila ay doble-doble ang sakit na naramdaman ko... and it hurt even more when I saw his smile while facing the woman... and how he also held her hand on the table with that wide smile.


Nagtago ako sa isang pasilyo at sinilip sila roon. Maya-maya pa ay nakita ko silang lumabas, nagtatawanan. As I watched them laughing, my eyes welled up with tears. Even if I badly want to leave, may bagay na pumipigil sa akin na hindi gawin iyon. My fists quickly clenched as they were both facing each other by the car... and I saw, with my own eyes... I saw they kissed.


Agad akong umalis sa lugar na iyon. Mabilis akong umakyat ng apartment at dali-daling binuksan ang pinto. Dala-dala ko pa ang bigat sa dibdib ko nang makita ko si Dad sa sofa. Napaawang ang bibig ko at noon ko naramdaman ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko. Hawak niya ang frame namin ni Gino habang nakaupo roon.


"D-Dad?" Hindi ako makalapit, nahihirapan akong huminga, nangangatog din ang mga tuhod ko matapos niya akong balingan ng tingin.


Napapaatras ako noong tumayo siya habang pinapakita sa akin ang frame na hawak niya. "What does this mean? You have a man with you in this frame. Who is he?!"


"D-Dad... s-si, Gino po-"


"I don't fucking care about his name!" As he soon drew near, I hurriedly covered myself with my arms as I was shaking with fear. "Sagutin mo ang tanong ko!" Dad screamed deafeningly.


"D-Dad..." halos hindi na ako makapagsalita dulot ng pag-iyak.


"Bakla ka, ha?! Sagot!" Napasandal ako sa pinto noong tinulak niya ako at ang tanging nasasagot ko lang sa kaniya ay ang pag-iyak. Gusto kong magsalita ngunit dulot ng matinding emosyon ay hindi ko maibuka ang bibig ko. "Disgusting! Kahit magsinungaling ka, alam ko na. Anong akala mo, hindi ko malalaman? I keep an eye on you... and plan every move you make, idiot!"


Napahandusay ako sa sahig nang ihampas niya sa mukha ko ang frame. Naramdaman ko pang may matalim na gumuhit sa pisngi ko noong tumama iyon. Nanginginig ang kamay ko nang kapain iyon at pagkatingin ko rito ay may sumamang dugo.


"Nasaan ang kapatid mo?!" Iniwan niya ako at nilibot ang buong kwarto.


"Dad..." nanginginig na sambit ko habang nakatingin sa kamay na may dugo.


"Nasaan ang kapatid mo..." Noong muli niya akong nilapitan ay agad kong ginamit ang mga braso ko panangga sa kung ano man ang sunod niyang gagawin sa akin. "Nasaan?!"


"I'm s-sorry po... I'm sorry... I'm sorry..." takot na takot ako nang sabihin iyon.


"Anong sorry-sorry?!" Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "Bobo ka ba, ha?! Tinatanong ko kung nasaan ang kapatid mo tapos ang sagot mo, sorry?! Gago!"


"I-I lost her..." Halos pumiyok na ako.


"You fucking what?!"


"N-Nawala ko po si Ava... u-umalis po siya-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong kinuwelyuhan niya ako. Hinila niya ako patayo at naramdaman ko na lang na bumangga ang ulo sa pader nang dapuan niya ako ng suntok sa mukha.


"Putang ina mo..." Nakabibinging sigaw ni Dad sa mukha ko.


Binuksan niya ang pinto at kinaladkad ako palabas para pagsusuntuk-suntukin. Halos malagutan na ako ng hininga noong sinikmuraan niya ako. Habang namimilipit sa sakit ay nasulyapan ko ang mga tao sa paligid... they're just watching as my father beats me.


"Peste!" Dad yelled once more. "Noong bata ka pa, kakaiba ka na kumpara sa kuya mo. Do you think I can still accept you in that disgusting form? Na bakla ka, ha?!"


"Ay, kaya pala, bakla." I heard those whispers around me.


Bakla? They can afford to see someone suffer and nearly die because he's gay? They can ignore and tolerate abuse because I'm gay? And Dad used to hurt me because I was different, because I wasn't like other normal kids he's saying!


Kahit nararamdaman kong bibigay na ako ay pinilit ko ang sarili ko na makatayo. "K-Kaya ba gano'n ang trato mo sa 'kin... dahil bakla... bakla ako? Bakla ang anak mo?"


"Of, course! And I did not regret those! Hindi ka pa man lumalaki, you're the object of my hatred, and now I see you with that disgusting lad? What a huge disgrace!" He spat in my face.


Pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko, at doon pa mas lalong nag-uunahan sa paglaglag ang mga luha ko. "Dad, anak mo 'ko. K-Kinilala kita bilang tatay ko. M-Mahal ko kayo ni Mommy, dahil magulang ko kayo, e. Magulang ko kayo..." I cried.


I saw Dad smirking and shaking his head. He turned around and pointed to my forehead. "Still remember Yvan? Your brother, is the only one I consider as my son!" singhal niya sa mukha ko. "Wala akong anak na salot!"


"Si Kuya? Dad? Drug addict 'yon-" I was almost deaf when he slapped me. I looked him in the eyes, and there I saw that he didn't have even a little mercy and conscience left. "I-I've never treated you differently, at kahit hindi ikaw ang magiging tatay ko... I'll still respect you! Wala akong ginawang masama, kaya bakit niyo 'ko sinasaktan?!"


"Because you're not my son! I said it already! And if you're in jeopardy, I'd rather protect your brother than a disgusting gay man like you!" Sinuntok niya ako sa mukha at muli akong napahandusay sa sahig. "Mamatay ka na!"


Iniwan niya ako na may pagbabanta... papatayin niya ako kapag hindi ko makita ang kapatid ko. Nanghihina akong tumayo at kita ko sa mga mata ng mga taong naririto ang pandidiri at dismaya... and it's like they all want me to die.


Nang lumakad ako ay agad nila akong binigyan ng daan. It's still painful for me to step on one of my legs since he stepped on it so hard that it was probably crippled. I was stepping upstairs until I realized that I was standing on the edge, here on the rooftop.


"Ma..." I screamed out of my lungs. As I sobbed. My shoulders shook. "Mama... p-pagod... pagod na pagod na po ako!"


I screamed and screamed, at kahit sumasakit na ang lalamunan ko ay ayaw ko pa ring huminto. I want to get it all out and at least, somehow, relieve this feeling... it hurts. Wala akong pakialam sa mga taong nagkakagulo sa baba, wala na akong pakialam sa lahat!


"A-Ayaw... ayaw nila sa 'kin! S-Silang... silang lahat, ayaw nila sa 'kin!"


I've done everything I possibly could to fight and keep on. I stamped in my mind that I shouldn't give up because I didn't want to end up like a big disappointment. But now, I don't think that's right, I think I'll only be more of a failure kapag nagpatuloy pa ako.


"Ma..." I screamed. "Hindi naman ako naging masama, 'di ba?! Wala akong ginawang masama, Ma! B-Bakit gano'n?!"


I was trying hard to be decent, pero bakit nangyayari pa rin ito sa akin? I didn't break any laws, didn't harm anyone, and didn't step on anyone. I'm not a criminal who needs to be punished.


Whatever they see as wrong with me, I hope they are mistaken. And anything they accuse me of, I hope it's untrue. There are those whose actions are more unkind... but why am I feeling worse than they do?


Kami ni Gino, even though we hadn't touched each other's hands, people were already waiting to laugh at us. Even though we haven't done the things we want to do as normal, they are already there ready to hate us.


I have no place in this world. I don't want anymore. Ayoko na ring hilingin na mayroon pa. 


I took a deep breath and looked down. From up here, I could see the people down there, pointing their fingers at me in panic. It's strange to think that they're afraid of my potential death, but not afraid of the circumstances that led to my decision.


It's because of them.


Gusto ko nang tapusin ang lahat, at wala na akong pakialam kung dito iyon mismo. Even though I know it was wrong, but this is the only way I know to save myself. If no one else can do it, maybe I can.


Tumalikod ako at ipinikit ang mga mata. "T-Thank you," I mumbled as I recalled the memories of my time with them, with my Mom, Ava, Gino... Lola Coleen, Bea... and Jaz. 


I smiled. I have no doubts, handa na ako. I'm ready to put an end to it. Gusto ko na.


Slowly, I rested my body and that's when I felt myself fall.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top