Chapter 10
Maya-maya pa ay agad kaming kumawala sa isa't isa. Habol-habol ko pa ang hininga ko nang lingunin ang kwarto. Someone is aggressively hammering on the door.
"What took you so long?"
Meeting eyebrows and sharp eyes, that's what I received after I opened the door for her. Napasandal ako sa pader nang padabog niya akong hinawi patabi. She walked right past me and went straight inside like I was invisible.
Sinarado ko ang pinto at naglakad papasok sa sala. Nakita ko na lang ang mga gamit niya na nakapatong na sa sofa nang mapalingon naman ako noong lumabas siya sa kusina. Uminom siya ng tubig at noong matungga iyon lahat ay itinabi niya lang ang baso sa gilid ng TV.
"Pa'no..." I paused, I still can't believe. "Pa'no mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Nilapitan ko siya at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, I was so happy. I haven't seen her in a long time!
Iginapang niya ang mga braso niya pakrus sa ibabaw ng dibdib niya and she arched her brow at me. "Duh? Do you think I'm stupid for not knowing where you are?"
Kahit wala naman dapat akong sang-ayunan sa sinabi niya ay tumango na lang ako para sang-ayunan siya. Sa sobrang galak ko ay mabilis akong naglakad palapit para yakapin siya nang mahigpit.
"Ava! Miss na miss na kita!" I was in tears when I uttered those words. I miss my sister so much, my princess! "A-Ang laki-laki mo na... Halos hindi na kita makilala-"
Hindi ko na nasundan ang sasabihin ko noong maramdaman ko ang pagpupumiglas niya sa mga bisig ko. Nang maluwagan ko ang pagkakayakap sa kaniya ay siya namang tinulak ako. I could feel her rage when she pushed me so hard that it even hurt my stomach.
"H'wag mo nga 'kong yakapin, it disgusts me!" She snapped, her face was sickened. Pinagpagan niya ang kaniyang katawan na animo'y may kung anong tinatanggal doon. "Walang pagkain sa kitchen. Are you starving yourself to death?"
She waved her hand to instruct me to get out of her way. Tumabi naman ako, humiga siya sa sofa at naglabas lang ng phone. She's not as naive as she used to be, she can do the things she wants. At natutuwa akong makita iyon sa kaniya. Malaki na ang kapatid ko.
"M-Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?" Abot langit ang ngiti ko noong nilapitan ko siya para itanong iyon. "I'm sorry, Ava, it's been a while since I last saw you, maybe your favorite food has changed now-"
"H'wag na. Mag-ga-grab na lang ako." Pagputol niya sa pagsasalita ko habang naroon lang sa phone ang mga mata. Umupo siya para tingnan ako. "Yes, my favorite food has changed. You'll never know since you don't care."
Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at tinuon ang pansin sa pag-ce-cellphone. Napa-awang na lang ang mga labi ko at mapait na naipit iyon pareho.
"Nga pala," continuing, she said. "Wala akong dalang pera, ikaw na lang magbayad."
I smiled and nodded as if she would see that. "Anything you want, I'll do it."
"Oh... that made my day, really."
Naiintindihan ko ang kapatid ko. Bago ko pa lang siya iwan ay alam ko nang mangyayari 'to, lalayo ang loob niya sa akin o higit pa roon. Hindi ko siya gustong iwan noon, ayaw ko siyang maiwan sa bahay na iyon na nandoon si Dad at ang kabit niya.
But I was very young then, wala pa ako sa direksyon noon. Hindi ko pa alam ang gagawin. Walang-wala ako, at alam kong hindi ko makakayanan na makitang nahihirapan ang kapatid ko. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko.
The only thing I could think of was to leave without her. Gusto kong ipaliwanag iyon sa kaniya pero ako pa rin naman ang may kasalanan. Kung anong galit ang mayroon siya ngayon ay ako ang dahilan niyon.
"Who is he?"
Agad akong napalingon sa taong tinitingnan ng kapatid ko. Si Gino ang tinutukoy niya. Nakasandal ito sa gilid ng pinto habang pinupunasan ang buhok gamit ang towel.
Mabilis namang napahinto sa ginagawa ang lalaki. Lumapit siya patabi sa akin at may ibinulong. Tinanong niya kung sino ang batang babaeng nakaupo sa sofa. Ramdam ko pa ang pagkahiya ni Gino.
"Kapatid ko," bulong ko at tumango siya habang naka-awang ang mga labi. "Si, Ava."
Nakuwento ko na sa kaniya ang tungkol sa kapatid ko at kung gaano ko na 'to na-mi-miss, kung kaya napatakip pa siya ng bibig nang malamang si Ava ang nasa harapan namin ngayon. Mukhang siya pa ito ang mas masaya kaysa sa akin.
Kinawayan niya ang kapatid ko habang malawak ang ngiti rito. "Hi, Ava! I'm Kuya Gino. You really are beautiful like your brother said to me."
Nag-angat ng kamay si Gino para makipagkamayan sa kapatid ko but Ava just raised an eyebrow at him. Maya-maya pa ay napahiyang napaayos na lang ng tayo ang lalaki at naglakad papunta sa likuran ko.
"I'm not asking for your name." She rolled her eyes. Nilingon niya ako at naroon pa rin ang nakataas niyang kilay. "Sino 'yang gagong 'yan?"
Nag-aalala akong napalingon sa lalaki. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at nagtatanong ang mga mata ko kung ayos lang ba siya. Sinigurado naman niya na walang kaso ang sinabi ng kapatid ko sa kaniya.
Tipid kong nginitian ang lalaki bago nilapitan si Ava. "Si Gino..." I don't know where to start. The idea was formed that people like us or these types of relationships are still not acceptable in society, and for some, so I don't know if my sister would understand me.
Umupo ako sa tabi niya at kahit anong lakas ng loob ang hinuhugot ko ay pinapangunahan pa rin ako ng takot. What if she would react differently? What if she would hates us too? Masakit iyon para sa akin.
I looked at Gino to see if it was right to tell my sister what kind of relationship we had. Gino plastered a smile on his lips, saying that the decision was still up to me whether to say that or not.
Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang kapatid ko na ngayo'y nagtataka na. "Will you accept what I'm going to tell? S-Sana matanggap mo, Ava."
She began to flinch, it's like she was slowly getting what I was trying to confess. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa ilang saglit pa ay napukaw ang atensyon niya sa frame namin ni Gino. When I saw her hateful reaction, I suddenly felt something in my heart... it hurt.
Nagmamadali niyang pinulot ang mga gamit niya at hindi ko siya mapigilan sa balak niyang pag-alis. Sinubukan ko siyang hawakan pero padarag na inilalayo lang niya ang sarili niya sa akin.
"H'wag mo kong hawakan sabi!" Hinarap niya ako noong nasa pinto na siya, galit na galit siya at nasasaktan ako dahil may halo iyong pandidiri. "Bakla ka? N-Nakakadiri ka kuya!"
"Ava..."
"Hindi tama na binabastos mo ang Kuya mo, Ava," rinig kong malamyos na sabi ni Gino sa likuran ko. "Makinig ka muna sa Kuya mo."
"H'wag mo 'kong utusan, gago!" my sister shouted at the man.
"Gino, a-ako na. Ako na." Napahawak ako sa noo ko at itinaas ang kamay direkta kay Gino, nagsasabing ako na ang bahalang umayos sa nangyayari.
"So what Dad says to me is true." Nanginginig ang mga labi ko nang harapin ko ang kapatid ko. "Na kaya ka umalis dahil may lalaki kang... May... You're disgusting, kuya!"
After hearing that, my mouth fell.
My eyes welled up with tears. "Ava, h-hindi totoo 'yan... He's just poisoning your mind. Matagal nang may galit si Dad sa 'kin alam mo 'yon. Kaya sana... Sana naman h'wag pati ikaw..."
She frantically shook her head. "I understand why Dad hates you. Despise you. Spitting on you. Dahil baboy ka... Ang bababoy ni'yo!"
Tuluyan niya nang nabuksan ang pinto ngunit hindi ko siya hinayaang makaalis. Mahigpit ko siyang yinakap sa likuran at kahit kailan ay wala na akong balak na pakawalan pa ang kapatid ko. Ayokong masayang ulit ang oras na ganito kami, na walang nabubuong masayang alaala.
"M-Miss na miss ka na ni Kuya..." In the middle of sobbing, I did manage to speak. "H'wag ka munang umalis... H'wag mo munang iwan si Kuya..."
Pilit niyang gustong kumawala mula sa akin. Panaka-naka ring sinisiko niya ako para mapabitaw sa kaniya. Kahit nasasaktan na ako sa mga pagpupumiglas niya ay nanatiling nagmamakaawa pa rin ako sa kapatid ko.
"Bitawan mo 'ko, bitawan mo nga 'ko, e..." She kept shouting and shouting but I couldn't let her go. I don't want to, I can't.
"Yshawn. Shawn..." Naramdaman ko ang paghawak ni Gino sa balikat ko. Marahang hinihila niya ako para mapalayo sa kapatid ko. "Just let her."
Ginawa ko ang gusto ng kapatid ko. Pinakawalan ko siya at desperado akong lumuhod sa harapan niya para magmakaawa. Nakikita ko sa mga mata niya na lalo niya akong kinamumuhian dahil sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam doon.
"H'wag mo namang iwan si Kuya..."
She laughed sarcastically. "Fuck! Look at your face, you look shit! Do you know? I was the same as you before! Even when I was little, I still remember how you abandoned me even though I nearly died in tears and look shit too!"
"Ava..."
"Don't try to stop me! M-Makasarili ka Kuya! Makasarili ka!" she shouted right in my face. "You better die!"
Before she could leave, I shouted the last word I could say to her, "Alam kong tumakas ka!" She was stopped. "Kahit hindi mo sabihin sa 'kin ang dahilan, alam ko na 'yon."
Naramdaman ko ang paghawak ni Gino sa balikat ko at paraan niya iyon para sabihin sa akin na nasa tabi ko lang siya. Nakita ko ang mga mata ng kapatid ko na may bagay na pumipigil sa kaniya para huwag sang-ayunan ang sinasabi ko.
"Dumito ka muna. Kami ni Kuya Gino mo, h'wag mo na kaming isipin. Ang mahalaga ay may matutuluyan ka. Kahit... Kahit isipin mo na lang na wala kami sa paligid mo. Kahit tiisin mo na lang. Magalit ka sa 'min hangga't gusto mo. Dumito ka lang..."
I didn't take my eyes away from my sister, I was hoping she'd agree to stay. It will be difficult for her to be alone, naranasan ko iyon noong umalis ako.
Ibinaba niya ang dala niyang bag at marahang hinarap ako. My eyes pleaded with her to heed me. She couldn't look at me directly as she breathed in hostilely, and after a while, she finally stepped inside. I was completely relieved.
Dumaan mismo ang kapatid ko sa gitna namin ni Gino dahilan para mapa-atras kaming pareho. Sadya pa niyang sikuhin ako para mapalayo sa dadaanan niya. Gino reached out from behind and hugged me. I understand my sister's anger, I understand everything.
Noong matapos kami sa pagkain ay binigay ko ang room kay Ava para may mas maganda siyang matulugan dahil iisa lang ang kwarto nitong apartment na tinutuluyan ko.
Tinutulungan na ako ni Gino na igilid ang mga gamit para mailatag ang kutson rito sa gitna. Pang-isahan lang ito kung kaya inako na lang niya na roon na lang siya sa sofa matutulog. I told him he could back go to his condo, but he insisted on staying the night here.
"I honestly don't like how your sister's treating you." Pagsasalita ni Gino.
Pareho kaming nakatingin lang sa kisame nang matagal at siya ang bumasag sa katahimikan. Patay na ang mga ilaw at liwanag na lang na sumisilip sa binta ang tumatama sa paligid. Nasa tabi ko siya dahil inilatag niya ang kutson malapit sa hinihigaan niyang sofa.
"Please don't hate her," I said weakly. "Kapatid ko 'yon, Gino."
"Of course, I don't." Paninigurado niya at naroon pa rin sa kisame ang mga mata namin. "In fact, I'm pleased as punch to see your sister. That's what you've been praying to. 'Yong... ginagawa lang ni Ava sa 'yo."
"Kung ano man siya ngayon, it's all my fault." Bumuntong-hininga ako. "Narinig mo siya kanina, 'di ba? Totoo lahat ng 'yon, I abandoned her."
We both fell silent when I said that.
"I just can't take her hurting you and disrespecting you despite your pains." I know where Gino came from, nasaksihan niya lahat ng mga paghihirap ko. Simula umpisa magpahanggang ngayon. So I don't blame him for thinking that way.
But my sister suffered pains that were worse than those I had.
I forced a smile that didn't even reach my eyes. "Sino bang makakayanang maiwan? Wala. Napaka sama kong kuya."
Tama bang isipin na ako ang may kasalanan ng lahat? Tama bang isisi sa akin kung bakit ganito ang kapatid ko?
Napalingon ako kay Gino noong maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Malawak ang ngiti niya habang naroon lamang sa kisame ang mga mata niya.
"What a blessing to have a boyfriend who's very understanding and loving," he whispered, and it filled with happiness.
I looked up at the ceiling again, and it appeared that it was the instrument that allowed us to see each other. Marahang ipinisil ko lang ang kamay ko sa kaniya.
"Napaka ganda't pogi pa." Now he turned to face me, I could see his beaming smile out of the corner of my eye.
"Marami akong pagkukulang kay Ava." Yet, I can't give back the joy and energy he gives. I caught a glimpse of him staring towards the ceiling gain without letting go of my hand. "I left her na hindi ko man lang nabigay ang best ko bilang isang Kuya. Gusto kong makabawi."
"Aren't your parents supposed to do that?" Seconds passed after he said that, but I didn't hear him talk for almost a beat. He was deep in thought. "Aren't our parents supposed to do that..."
Matamlay ang boses ni Gino nang sabihin niya iyon. Nag-aalalang napalingon ako sa kaniya at kinuha ko ang atensyon niya sa paraan ng pagpisil sa kamay niya. Nilingon niya ako at ngumiti lang siya. He immediately assured me that he was fine.
Ilang saglit pa ay bigla siyang umahon at tumabi sa akin... Napamulat ang mga mata ko noong yinakap niya ako ng mahigpit saka niya isinubsob ang kaniyang mukha sa dibdib ko at humikbi.
I bent my head to look at him, and I just stroked his back to comfort him... I don't know why he started weeping out of the blue, and I don't know what to do either. Tanging paghimas lang ng likuran niya ang nagawa ko.
"Eomma-wa appa-ga... neomu... neomu bogosip-eoyo..." mahinang sabi niya sa gitna nang paghikbi.
I couldn't understand him when he was speaking in Korean. Ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ko maramdaman ang nararamdaman niya. Sa paraan ng pasasalita niya at paghikbi ay tila may mga tao siyang na-miss ng sobra. I just hugged him to at least ease some of his burden.
"Una na 'ko!" pagpapaalam ko kay Bea.
"Bye! Ingat!"
Nagmamadali akong nagpaalam kay Bea na may pupuntahan pa ako. Kakatapos lang ng klase at paniguradong gutom na ang kapatid ko. Hindi nagkasya ang sched. ko sa oras ng pagluluto kung kaya mas inuna ko na lang muna ang pag-aasikaso sa pagpasok.
Nang makauwi ay ibinaba ko agad ang mga gamit ko sa sofa at naabutang nasa kwarto lang ang kapatid ko. Nakakapasong mga salita agad ang bumungad sa akin noong makita niya ako. Humingi na lang ako ng sorry sa kaniya at sinabihan siyang magbihis dahil sa labas na lang kami kakain.
"Ayos ka lang ba rito?" tanong ko sa kaniya dahil baka hindi niya gustong kumain dito sa fastfood.
Umirap naman siya. "Wala kang pera, narinig ko pa na may babayaran ka pang upa. Do I have any other choice?"
Napatikom na lang ako ng bibig at tumango. Kani-kanina lang pagkauwi ko galing campus ay sumugod ang land lady namin sa apartment na tinutuluyan ko. Tumutubo na ang mga babayaran ko dahil magdadalawang buwan na rin na hindi ako nakakapagbayad ng upa.
Gustuhin ko mang unahin iyon pero hindi ko naman pwedeng isantabi ang mga pangangailangan ko bilang estudyante. Maraming bayarin, hindi sapat ang sahod ko. Pinaghahandaan ko pa ang pagpasok ni Ava dahil hindi naman siya pwedeng huminto. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
Dumating na ang pagkain at nahihiya ako sa kapatid ko dahil burger steak lang ang nakayanan ng pera ko. "Babawi na lang si kuya sa susunod. Malapit na rin naman ang sahod ko. Sa'n mo ba gustong kumain kapag sumahod na 'ko?" may ngiti kong sabi.
"Wolfgang's steakhouse, kaya mo?" Tiningnan niya ang pagkain na naka-served sa harapan niya, tinulak niya iyon na may pandidiring hitsura. "Mas masarap pa ro'n."
Napahinto ako sa pagnguya at napatulala na lang doon sa pagkain niya. Hindi ko pa makakayanan ang gusto niya. Masyadong mahal doon.
"D-Dadalhin kita ro'n sa susunod. Wala pang pera si kuya, ayos lang ba sa 'yo na 'yan na lang muna?"
Pasiring siyang bumuntong-hininga. "Like I said earlier, do I have a choice?" bulong niya.
Binawi na lang niya ulit iyon at kumain. Habang kumakain kami ay naghahanap ako ng tiyempo na tanungin siya kung bakit nagawa niyang umalis doon sa bahay. Nang matapos siyang kumain at iyong drinks na lang ang iniinom niya ay doon ako naglakas loob.
"Bakit ka umalis?" maingat na tanong ko. "Sinasaktan ka ba nila?"
Napahinto siya sa pag-inom at nilingon ako, nakataas ang isang kilay. Tumawa siya ng pasarkastiko. "Kung iniisip mo na kaya ako umalis dahil ginagaya kita, well, no. I left because I wanted to try everything, I wanted to explore! I'm already fifteen pero bini-baby niya pa 'rin ako. Just... fuck off!"
Ganoon pa rin pala si Dad, wala nang nagbago sa kaniya. Kung ano siya kay Mommy noon ay isinunod naman niya sa akin. At ngayon naman ay sa kapatid ko.
"Are they hurting you?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi naman. Just... Dad forbids me a lot. Bakit, mababaw lang ba 'yong reason ko?"
"N-No..." Sumandal ako sa backrest ng upuan. "Once they hurt you, it's impossible for me to forgive myself."
Pabiro siyang tumawa. "Oh, ang hero mo banda do'n. You know, if my reason is too shallow for you, it's not for me. Ikaw kaya ang maging sunud-sunuran? That's suffocating!"
Marahan akong tumango para sang-ayunan ang sinabi ng kapatid ko. "Naiintindihan ko. Naiintindihan kita, Ava."
She hissed. "If you understood me, you would have taken me out there as you promised. Pero hindi, e. Kinalimutan mo na 'ko dahil sa gagong 'yon! By the way, I have a boyfriend na and kaya ako umalis because Dad doesn't like him. It's fun, right? Pareho tayo."
"Ava?" Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kaniya. Napaka bata niya pa para sa mga ganito. "Umalis ka... dahil-"
"You heard it right. Ikaw patapon, ako patapon, si Kuya Yvan gano'n din. So lahat na tayo?" She laughed, but her anger remained. "We're all filthy scum!"
Padabog siyang tumayo at mabilis na umalis palabas. Pagkauwi ko ay sinilip ko ang kapatid ko sa kwarto, napahinga naman ako nang maluwag noong makita ko siya roon. Nabablanko ang utak ko, I don't know what to do to help her.
Lumipas ang araw ay hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Kung ano man ang ginagawa niya sa labas ay hindi ko iyon alam. Hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. Ayokong iparamdam sa kaniya na nahihigpitan siya sa akin gaya ng ginagawa ni Dad sa kaniya.
My way of taking care of her was wrong but that's all I know. Nagbibigay ako ng baon niya para makapasok pa rin siya sa school. Their typical dismissal is early night, ngunit napapadalas na ang pag-uwi niya ng hatinggabi at hindi ko na pwedeng hayaan iyon.
"Alas tres na ng umaga, ah?" Kaharap ko ang kapatid ko. Naroon siya sa maliit na refrigerator, naghahanap ng maiinom.
Kumuha siya noong maliit na jar at tinungga iyon, hindi niya ako pinakikinggan. Nang matapos siya ay nilagpasan niya lang ako na animo'y hindi nakikita, saka siya pumunta sa kwarto at padarag na nagsara ng pinto.
Plano ko pa sana siyang katukin para kausapin pero napahawak na lang ako sa ulo ko at pagod na pagod na umupo. Nagsimula na lang akong maglatag ng mahihigaan at maikling oras lang din ang naitulog ko.
Habang nagluluto ako para sa agahan ay napalingon ako sa pintuan. Naririnig ko ang pagkatok ni Gino kaya agad naman akong lumapit doon para pagbuksan siya ng pinto. May dala siyang supot ng pagkain at inabot niya iyon sa akin.
"Nagluto ako ng ulam. Sinobrahan ko para mayro'n din kayo," sabi niya habang naghuhubad ng sapatos.
"Thank you." Tipid akong ngumiti.
Sabay kaming pumasok at noong makita siya ni Ava ay napairap ito bago bumangon sa sofa. Umalis siya at nilagpasan niya lang si Gino na handa na sana siyang batiin. Malakas ang pagkakasara ng pinto kaya nakagawa iyon ng ingay.
Napabuntong-hininga ako habang naroon sa kwarto ang mga mata. "Sorry."
Ngumiti lang ang lalaki at nilapitan ako para yakapin at hagkan ng halik sa noo. "Ayos lang... Parehong-pareho kayo. Ganyan na ganyan ka rin magsungit."
Naitulak ko lang siya at bumalik na ulit si ginagawa. Tinawanan niya lang ako. Naroon na siya sa table at naghahain na ng makakain. Nang matapos ako sa pagluluto ay pinuntahan ko na ang kapatid ko para sabihing kumain na ngunit sinabihan lang ako nito na hindi pa siya nagugutom.
Kaming dalawa na lang muna ni Gino ang kumain at nagkumustahan lang din sa mga nangyayari. Pero nahihirapan akong magsabi sa kaniya kung ano ang mga nangyari sa amin ni Ava noong mga nakaraang araw. Hindi naging madali ang lahat at ayaw kong mag-alala pa si siya roon.
"Are you sure that Ava won't really want to eat yet?" nag-aalalang tanong niya. Nakikita ko pa ang paglalaro niya sa sariling daliri. "I'm worried, aren't you?"
"Hmm..." Tumango ako. "Nag-aalala rin naman ako. Pero mahirap naman kapag pinilit. Hayaan mo, kumain na rin naman kami ng almusal kanina."
"That's breakfast," sabi niya pa at noong makita naman niya na wala na talagang magagawa, ay napatango na lang din siya sa sinabi ko at nagsimula na ring kumain pasabay sa akin.
Hindi ko masabi-sabi sa kaniya ang dahilan ng pag-iwas ni Ava. Kaya siya nagkukulong sa kwarto sa tuwing bumibisita si Gino ay ayaw niyang makita ang lalaki.
"Ilang months na lang ga-graduate ka na. Naririnig ko rin sa mga students na kasama ka sa latin honors," sabi ko habang humihigop ng sabaw na niluto niya.
Wala siyang reaksyon sa sinabi ko, malayong-malayo sa kin. Natutuwa ako para sa kaniya pero hindi ko iyon nakikita sa mukha niya.
"May problema ba?" tanong ko na nakapagbalik sa huwisyo niya. Napaangat siya ng tingin sa akin. "Anong iniisip mo?"
Mariin siyang umiling. "W-Wala. Wala naman." Napaawang saglit ang bibig niya. "Free ka ba sa Sunday? May gagawin ka ba?"
"Hmm..." sambit ko at iniisip kung may mga gagawin ba ako sa araw na iyon. "Wala naman. Bakit? Pinapakaba mo 'ko sa mga paganyan-ganyan mo. Sabihin mo na kaya. May problema ba?"
Ngumiti naman siya at palarong napasinghap. Sumandal siya sa backrest at napahimas ng braso, nag-iisip ng sasabihin. Nakahinga naman ako ng maluwag noong makita ko siyang ganoon. Mali ang iniisip ko na may malaki siyang problema.
"Ano lang kasi... gusto ko sanang... gusto ko sanang ipakilala kita kay Dad." Naibaba ko ang kutsara na hawak ko dahil sa gulat. "I was planning to take you there without you knowing it but you might get mad, I know."
"M-Magagalit talaga ako!" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
Napahimas naman siya sa batok niya, nahihiya. "I know, I know... So I let you know that now."
Bakit parang napakadali lang para sa kaniya ng pagplanuhan iyon? Gano'n-gano'n lang ba iyon? Agad siyang kumuha ng pitsyel at nagsalin ng tubig sa baso ko nang makita niya akong nabubulunan. Maingat niya pa iyong pinainom sa akin.
"M-Mamaya na lang natin pag-usapan 'yan. Patapusin mo muna ako sa pagkain."
Humaba ang nguso niya at tumango. "Hmm... Promise me that after this we'll talk about it, okay?"
Tumango-tango ako. "Oo... ayoko lang talaga na binibigla ako. Let's eat the food first you brought, shall we?"
"Okay," sabi niya habang nakatingin lang sa akin, checking to see if I'm being serious. "I just really wanna introduce you to him, babe."
When I heard the name he called me, my blood shot to my cheeks. Pakurap-kurap pa ako habang kinakalma ang sarili. This is not what I'm used to, my name is what I've always heard from him since then, and it made me feel different when he called me that.
"Babe?" tinawag niya ulit ako sa ganoong pangalan at natataranta naman akong napa-angat ng tingin sa kaniya.
"H-Ha?" nauutal na tanong ko.
He grinned playfully. "Did you like my endearment for you?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay inirapan ko lang siya. Narinig ko siyang tumawa noong umalis ako para ilagay roon sa lababo ang mga kinainan namin.
"I guess you did!" dinig kong pahabol niya pang sabi roon sa table.
Napailing na lang ako at nagsuot na lang ng apron para simulan nang hugasahan ang mga pinggan. Nang maramadaman ko ang paggapang ng mga braso niya sa baywang ko ay halos mapasinok ako. He was standing behind me, hugging me and resting his chin on my shoulder.
"Pwede na ba nating pag-usapan?" He whispered in my ear, making me tingle a little.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tiyan ko at inalis ang pagkakayap sa akin bago siya hinarap at tiningala. "Kinakabahan ako, Gino."
Saglit siyang tumawa at malamyos na kinurot ang pisngi ko. "Cute... Don't be nervous, I'm with you. Trust me." Hinanap niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon.
Tumango naman ako sa sinabi niya. "Alam ko naman 'yon... Nando'n ka pero hindi ko pa rin kasi mapigilang kabahan."
Sa kapatid ko pa lang, at kahit hindi ko pa man agad nasasabi sa kaniya ng deretsahan kung anong relasyon mayroon kami ay ganoon na kaagad ang naging reaksyon niya. Paano pa kaya kung sa mismong magulang na niya? Hindi naman kasi palaging sasang-ayon ang mga magulang sa ganito, it often causes something else. Some are bitter, and some are worse.
Hinila niya ako palapit sa kaniya at dinala ang mga kamay ko payakap sa baywang niya. Saglit na yinakap niya ako nang mahigpit at kumawala para tingnan ako sa mga mata.
"I've given it a lot of thought, and if you have any worries, I'll take care of them. Just trust me, okay?" He placed his palm on my cheek, and I just nodded in response to what he told me.
In the days that followed, Ava continued to come home late. As her older brother, I want to provide guidance, but it seems that she has grown distant from me.
Sunday na ngayon at ngayon ang araw na ipapakilala ako ni Gino sa Dad niya. Since last night, I've been anxious and preparing what to say when I'm in front of his Dad. Hindi ko na rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, parang luluwa na ang puso ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-ring ng phone ko kaya dali-dali ko 'tong hinugot sa bulsa para sagutin. Ang akala ko ay si Gino iyon ngunit unregistered number ang nakita ko sa screen. Sinagot ko na lang dahil baka importante ang tawag na iyon.
Tumayo ako at lumapit sa bintana. "Sino po 'to?" tanong ko.
[Where's Ava?] Malalim ang kaniyang boses, halatang nasa edad na. Matandang lalaki... Mariin akong napalunok nang mapagtanto kung sino ang nasa kabilang linya. [I know she's with you! Kaya sabihin mo na sa 'kin, putang ina 'ka!]
"D-Dad?" My grasp on the window began to shudder.
[Where is she?!] he yelled.
"S-She's with me..." I stuttered in fear.
[I know where you are, and if you tell your sister that I'm coming for her... babasagin ko 'yang bungo mo! You understand?!]
"N-Nasa maayos na lagay naman po si Ava, D-Dad..." I'm stuttering and I can't stop myself from shaking. Napakagat ako ng kuko noong magawa kong umupo sa sofa. "Nasa m-maayos na lagay lang po kami rito..."
[Anong iniiyak-iyak mo? I don't care about you! Ang kailangan ko ay 'yang kapatid mo!] Bawat salita ay binigyan niya ng diin.
Mariin akong napapapikit at kasabay niyon ay ang pagbuhos ng mga luha ko. "Dad... dito muna si Ava, Dad..." I pleaded.
Dad mockingly laughed as he ignored my plea. [H'wag mo 'kong simulan, Won! Don't you fucking dare to hide your sister from me! I can make you leave your job and that university where you're studying, you know that!]
Mariin akong umiling nang umiling na animo'y makikita niya ang pagmamakaawa ko. "Dad... miss na miss ko na po si Ava... h'wag naman po..."
[H'wag mo akong papiliin! Tarantado! I'm going to get your sister, so don't do something stupid! Me entiendes?!]
"D-Dad... please, Dad." Napahagulgol na ako at napasabunot na lang sa ulo nang babaan niya ako ng tawag. "Pa!" My sister will be away from me for the second time... I couldn't bear the thought of losing her again!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top