Chapter 1
TW: Mention of suicide. Blood, and violence.
"Bigyan mo 'ko ng ideya, Yshawn. Natatakot ako sa katahimikan mo."
Naputol ang katahimikan nang magsalita ang lalaki na nasa tabi ko, nag-aalala. Instead of responding to him, I hid behind the bush to remain silent. Nasa roof kami ng kotse niya at mapayapang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. I could feel the whiff of wind engulfing my entire body, and I saw the flowers were dancing beneath us.
Humugot ako ng malalim na hininga sabay na napatingin sa mga kamay na may bakas ng dumi. Gusto kong pakawalan ang mga luha ko ngunit sa dami ng nangyari ay halos naiyak ko na yata lahat. Hindi ko pa rin kayang paniwalaan na wala na si Niajin, my dog, that all that's left of him is his presence I still feel...
My rage toward Dad was fueled when I discovered why Mom cries every day. It's been hard for my sister and me to see her weak and yearning for prison... she used to lock herself inside her room and wish to die soon, as we didn't know. The argument between them was never-ending, and I had no choice but to hide with Ava.
Whenever we hear shattered glass, I quickly grab Ava and read her favorite fairy tale book while we're both wrapped up in blankets. That was all I could think of to keep her from hearing their dispute away, while also letting her feel fun and clear her mind.
Naabutan ko na lang isang araw at mula pa ako noon sa school, bakas sa akin ang kaunting saya nang malaman kong nakapasa ang mga kaibigan namin ni Jaz sa dream university na papasukan nila. Seb and Owen passed the USTET...
Ngunit agad na nawala sa mukha ko ang tuwa nang makarinig ako ng putok ng baril sa loob ng kwarto ni Mommy. When I saw Mom motionless and soaked with her own blood, the little happiness I had lived through was suddenly snuffed out.
I was devastated when Mom died. Not until I found out that Dad had another woman in our house, my emotions quickly turn to rage. I grabbed my bag and saw Ava in front of me, crying. Natatakot sa pag-alis ko.
I truly want to protect her, I don't really want to leave her, but I don't have the power to take her from Dad. I had no choice but to leave without her. When I ran away, I bumped into a man right in front of the door, at nalaman kong anak siya noong kabit ni Daddy!
"You live here?" Seb asked me confusedly as he was still standing in my way.
"Excuse me," I simply said and quickly passed him. Naramdaman ko siyang sumunod sa akin.
"Let me carry those." He insisted. He was going to take my things, but I ignored him. I just kept walking until I got out of the house. "Have you met my Mom? She's kind and I would like to introduce you to her-"
"Bullshit!" Mabilis akong humarap sa kaniya at malakas na ibinato sa kaniya ang mga dala ko. Napahinto siya habang naguguluhang nakatingin sa akin. "Take that smile off your lips. You never know how ruined everything is because of your Mother! Because of them! W-Wala na... wala na si Mommy, ang pamilya ko!"
"What? W-We're just invited. Yshawn, I came here 'cause Mom and I were invited to your father's party-"
"Tanungin mo 'yong nanay mo!" I quickly interrupted his speech. Naglakad ako palapit sa kaniya at malakas siyang itinulak dahilan para mapalayo siya sa mga gamit ko. Noong mapulot ko ang mga iyon ay pagod na pagod ko siyang tiningnan sa mga mata. "Doon ka... Hindi mo alam, 'di ba? Tanungin mo! Pumunta ka ro'n at magpakasaya ka! Magpakasaya kayong lahat!"
"Yshawn!" Dinig kong pagtawag niya sa akin noong mabilis akong naglakad palayo sa pwesto niya.
A few moments later, I just found myself running. Walang humpay ako sa pagtakbo at namalayan ko na lang na sumunod sa akin si Niajin. Umuulan nang malakas noon at sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan ko ngunit lahat ay walang sumagot.
Noong may makita akong waiting shed ay mabilis akong sumilong doon. Pagkababa ko ng mga gamit ay pagod na pagod akong umupo. Malikot naman ang buntot ni Niajin habang nakatingin siya sa akin at noong pinansin ko siya ay pumatong siya sa may kinauupuan ko patabi sa 'kin.
I just covered my eyes with my hand, trying to stop myself from crying. When I heard him whining, doon na lang ako napahagulgol at yinakap siya. Gusto kong magtanong, gusto kong itanong lahat-lahat kung bakit ganito ang nangyayari. Parang walang katapusan.
Sa sobrang gulo ng isipan ko ay iniyak ko na lang 'yon lahat, and until I just fell asleep from crying. For a few moments, my eyes suddenly widened when I heard Niajin's loud barking. I quickly stood up when I saw a man holding my bag, may kung ano itong hinahanap doon.
Noong pumalag ako sa pagbabanta nila na dukutan ako ay roon sila nilabanan ni Niajin. Kinagat nito ang isang lalaki at mabilis ang mga naging pangyayari. Nanlulumo na lang akong napabitaw sa hawak kong bag habang hirap na hirap makalapit kay Niajin na nakahandusay sa sahig... puno siya ng saksak.
Hindi ko hinayaan ang sarili na umiyak na lang habang pinapanood ang unti-unting pagkawala ng buhay niya. Agad kong pinulot ang kutsilyo na ginamit noong lalaki at mabilis na tumakbo palapit sa kanila. Nang aambahan ko na sana ng isang saksak iyong lalaki ay mabilis na napa-angat ang kamay ko sa ere, kung saan doon ko hawak ang kutsilyo. Yinakap niya ako.
"Please, don't do this... Yshawn?" It was... Gino. Napahikbi kaagad ako at wala sa sariling napasubsob sa dibdib niya at doon ibinuhos ang lahat-lahat. I felt his embrace tighten around me as we both lowered our hands, and that's when I let go of the knife. "Tahan na... You're safe now... Sisiguraduhin ko 'yan."
"S-Si, Niajin..." I said over my loud crying. "Wala na..."
He caressed my back and gently kissed the top of my head. He shushed me. "Stay here. Hintayin mo 'ko rito, ha? Dito ka lang."
Sinambit ko ang pangalan niya ngunit hindi niya ako kinibo, patuloy lang siya sa paglalakad paalis. Patungo siya sa ruta na tinakbuhan ng mga lalaki. Gustuhin ko mang manatili muna siya sa tabi ko ay hindi ko iyon masabi sa kaniya, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Lumipas ang ilang minuto kahit papaano ay nabuhayan ako noong binalikan niya ako.
He carefully lifted Niajin, then he put him inside his car. Kinatulugan ko ang biyahe at noon na lang ako nagising nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kotse. He opened the door for me, and when I came out... everything was ready. Niajin's coffin was ready, yet my mind was not prepared for this. I didn't want to give up like this... I haven't done anything for him.
May buong galit kong pinulot ang mga lupa saka iyon muling ibinalik sa pinaghukayan ni Gino. "Why're you digging? He's not dead! Tulungan mo 'ko... tulungan mo 'kong ibalik ang mga 'to, Gino..." Tuloy lang ako sa paghagis ng mga iyon.
"Yshawn..." Gino tightly gripped my hands to stop me. I then yanked my hands away from him, but he still managed to hold them up. I could tell he was distraught about what was happening to me. "Stop... Yshawn. H'wag mong gawin 'to... nahihirapan ako! Please!"
"Niajin... siya na lang ang meron ako! Please... siya na lang ang pamilya ko, Gino!"
Nagtagal na ganoon ang nangyayari sa aming dalawa ngunit ako na lang ito ang sumuko. I fainted on my knees as tears welled up in my eyes. I'm not sure how much longer I'll be like this, but I'm ready for it to be over... I'm desperate for some rest. Gustong-gusto ko nang sumuko...
"Yshawn?" he gently mentioned my name, obviously worried about me. I then immediately returned to my senses. "Please, bigyan mo 'ko."
There was a great deal of concern in his eyes and that's when I discovered that they had never been able to lie. Ganoon ang mga mata niya, noon pa. Kahit kailan ay hindi nawala sa kaniya ang pagkakaroon ng paninindigan sa mga salitang binibitawan niya. And so I can no longer count my gratitude to him.
Pinagpagan ko ang mga kamay ko sabay na tumingala sa langit, ipinikit ang mga mata at saglit na dinama ang paligid. I'm trying to regain my calmness and find some serenity, but I'm having trouble doing so. My head is still filled with darkness and chaos. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Gino sa akin dahilan para mapababa ako ng tingin dito.
"Anong... gusto mong marinig?" I said as I took my hand away from his.
I observed him gulping down while his gaze was fixed on his hand. He inadvertently got hold of it, and when he glanced at me, his eyes were filled with worry. "Anything. Just say anything, I want to hear you."
I looked away. "I have no more words to say. Just... I'm tired." Nang sabihin ko 'yon ay napatulala na lang siya sa malayo.
For a few moments, we just fell deafeningly quiet. And when I heard that the can of beer flattened, I noticed that he already had many of them and smoked cigarettes. I just let him be who he was, I have no appetite to bother him either.
I have no appetite at all except to be stunned by the beautiful scenery. I couldn't take my gaze away from the sun, which was being pulled down by the horizon and seemed to be telling us goodbye, and there, in that direction, where we lay the most amazing dog on Earth.
When night came and my eyes could no longer see the sun, Gino rushed next to me and took my head to lean on his shoulder. I'm not sure why; I don't know, but every time I feel his body, it feels like I've found a place where I am safe and at ease.
"I hope... I'm with you in everything that has ruined you. Handa akong maging panangga mo. Handa akong saluhin lahat ng 'yon," with a firmness he said in his deep voice while he was gently playing with my hair.
"But I'll only cause more trouble if something bad happens to you," I said. "Ayoko nang may mangyari pa... Pagod na 'ko, Gino." It's not my body... hindi ang katawan ko ang sumusuko... ang sistema ko. Pakiramdam ko, ubos na ubos na 'ko.
"I don't care." Naramdaman ko ang mariing pag-iling niya. Strength's evident to him, but there are times when I feel weakness in him... and he's like that at these times. "Cause me more trouble, Yshawn. Handa ako... I don't care if I shattered and screwed up. What's more important to me is to see you're fine. I want all the peace for you. So just let me, huh?"
Kumalas ako sa kaniya at nagtaka naman siya noong bumaba ako ng kotse. Nang marinig ko ang pagbagsak ng mga paa niya sa sahig ay napalakad agad ako. Naramdaman ko siyang nakasunod lang sa likuran ko. Hindi ko alam kung saan pupunta, ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa kaniya.
"Hindi... hindi pwede 'yon. You're on your own, too... and I want them to be better and better!" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Masisilayan sa mga mata niya ang pagdaloy ng alak sa kaniyang katawan dala ng papikit-pikit na ang mga 'to. "H'wag mong hayaang masira 'yon nang dahil sa 'kin..."
I stopped and looked for support on my knees before returning to look at his eyes. "Kung tutuusin... wala ka namang mapapala sa 'kin, e. Wala kahit ni isa! I-I don't know why you're still staying around. I have nothing! Gino, iwan mo na lang ako."
Hindi ko na alam kung ano o saang direksyon ako pupunta. Naguguluhan na ako. I'm confused about what to do, I have no idea how to live and how to fix everything. Wala nang direksyon ang buhay ko at ayaw ko siyang madamay roon!
"No. H-How could you?" His voice cracked. "Pa'no ko makakayanan 'yon? Sa tingin mo ba na kapag inisip ko ang sarili ko at hinayaan kitang ganyan... m-magiging malaya ako? No! I-I will be free if I get what I want. If... if I get to help you and be fine!"
Mariin akong umiling. "Alam mo ba 'yon?"
"Please?" He begs.
"A-Alam mo ba? Hindi ko alam kung saan nagsimula, e. Hindi ko alam kung paano nangyari lahat ng 'yon... kung bakit nasasaktan ako ngayon. Sobrang gulo! Noon... nararamdaman ko pa 'yong saya rito, e..." I brokenly pointed my chest. "Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit 'to nangyari. Everything has been fucked up!"
I shouted and shouted, hanggang sa napagod na lang ako kasisigaw at napaupo sa sahig. Ilang sandali pa ay tumayo ako at lumakad ulit palayo sa kaniya. I could still feel his first touch on my hand but the alcohol had already saturated his body, weakening him. But I came to a halt when he hugged me from behind, mahigpit iyon.
"I will protect you, even if you forbid me. I'll give it to you involuntarily, Yshawn," he said.
Nanlambot ako roon sa sinabi niya. Lumala ang pag-iyak ko. My life was cruelly stumbled, and I don't want to ask for help since I know I won't like the outcome. But today, I desperately need a hand, and he's the only one I know who is ready to aid me in getting up.
"Congratulations! Nakapasa ka, Yshawn!" Halos mahulog ako sa kama nang marinig ang pagputok noong party poppers. Dahil sa gitna pa ng mahimbing na pagtulog ko nang binulabog niya ako ay hindi ko napigilan ang sarili na batuhin siya ng unan na kaagad naman niyang naiwasan. "Hala, bakit?"
"Ginulat mo 'ko..." Papungay-pungay pa ang mga mata ko noong tumayo para bigyan siya ng hampas sa malaki niyang braso, tumatawa pa ang timang habang todo iwas sa akin.
"Sorry... masaya lang ako para sa 'yo..." Paghingi niya ng tawad sa akin at magiliw na ginulo ang buhok ko. Nang makita niyang nasa huwisyo na ako ay binigyan niya ako ng ngiti bago hinawakan sa palapulsuhan at iginiya palabas ng kwarto. "Bumili ako ng cake... kainin natin dali!"
Kitang-kita sa kaniya ang galak habang hila-hila niya ako palapit doon sa mesa. Agad namang nagbago ang ihip ng hangin nang makita ko siya na ganoon, natatawa na lang ako sa ginagawa niya. Napapasayaw pa siya ng kaunti na animo'y siya ito ang pag-ce-celebrate-an.
"Magkano 'yan? Wala akong pambayad sa 'yo," bungad na sabi ko noong makaupo na kami. Umupo siya sa kabila paharap sa akin at nagtataka naman ang hitsura niya. "Sana 'di mo na lang binila 'yan, baka matagalan pa bago kita mabayaran."
Sana ay hindi na talaga siya nag-abala pa. Wala akong maipambabayad sa kaniya dahil ang pera lang na nasa wallet ko ay pandagdag bayad lang sa upa nitong apartment na tinutuluyan ko. Marami akong gastusin na dapat pagtuunan ng pansin, hindi dapat sa ganito. Sa tingin ko ay hindi naman ito gano'n kahalaga.
Oo, inabutan ako ng pera ni Dad, I wouldn't have received an envelope from him if he hadn't said that it was from Mom. Pera iyon na inipon ni Mommy para sa pag-aaral ko ngunit hindi ko rin iyon nagamit doon bagkus ay nagamit ko ang pera para rito sa apartment at sa iba pang mga pangangailangan ko.
"Yshawn... congrats?" May pag-aalangan ang ngiti niya, halatang hindi niya alam kung ano ang iaakto. "I saw your name on the list of those who passed the admission... sobrang proud ako sa 'yo!"
"But you shouldn't-"
"You should apply for the scholarship grant as well. I'm confident you will be granted."
"Gino-"
"Celebration." Mabilis niyang pinutol ulit ang pagsasalita ko at malawak na ngumiti siya sa akin. "This is very important event! Let's celebrate it. You passed... come on?"
Mali ba na siya ang pinaantabay ko sa mga applications ko for admissions? Wala na akong ibang malapitan bukod kay Jaz na busy rin sa pag-apply sa ibat-ibang universities kaya hindi ko mahiram ang laptop niya. We both struggling with the application process, so it's nice that I don't bother her... I want her to focus.
Sinubukan kong mag-apply gamit ang phone ko ngunit may mga limitations sa paggamit nito. Minsan pa ay nagloloko ang phone ko at hindi nito ma-view ang kabuuan ng form na fi-fill-out-an kaya nahirapan ako. At si Gino ang sumalo sa akin, siya ang nag-insist na tulungan ako sa pag-apply. I just didn't expect that he would be the first to see my name among those who passed. Ako dapat iyon.
"It's okay to celebrate it, but-"
"Ah! May nakalimutan ako." Muli na naman niyang in-interrupt ang pagsasalita ko at halata pa sa kaniya na sinasadya niyang gawin iyon na parang iniiwasan ang mga sasabihin ko. "I have a gift for you. Nakalimutan ko doon sa kusina, naiwan ko."
When he proceeded to the kitchen, I was pushed out of my seat and forced to follow him. He was hauling something over the counter of the sink when he turned his back on me. And when he came face to face with me, he quickly standstill.
"It's okay to celebrate it, pero nag-aalala lang ako baka hindi na naman kita mabayaran," I honestly said. I owe him a lot! I'm genuinely happy when I see the cake in front of me... It's just that... It's not because I'm being ungrateful, but because I really, really owe him a lot.
He gave me a direct stare. His lips parted, and he then rubbed his chin while his eyes were focused on the floor, deep in thought. He laughed softly after a time and then took a look at me with a humorous expression.
"That's cute," he whispered while laughing smoothly. I'm even more irritated because he seems like he was joking around. What I told him was really serious, and he's not supposed to act as if it's all a joke!
"Bakit ka tumatawa? I didn't say something funny to make you laugh." My face was engulfed in annoyance. "Seryoso ako. Hindi ko mababayaran 'yong cake!"
"Why do you seem to have the need to pay for it without asking me if you should?" Ibinalik naman niya ang tanong sa akin. Nang hindi ako umimik ay narinig ko ang pagbuga niya ng hininga at nilapitan ako. Napababa ako ng tingin noong nasa harapan ko na siya, dangkal na lang ang pumapagitan sa amin. Muli niyang ginulo ang buhok ko. "Why?"
"Uhm. Ano... m-mukha kasing mahal. Saka, masyadong malaki para maubos 'yon ng dalawang tao. Masasayang lang kapag nasira," pagdadahilan na sabi ko na malayo sa tanong niya.
"Why?" Napa-angat na ako ng tingin sa kaniya noong marinig ang mahinahong tono ng boses niya. Hinuhuli ang totoong dahilan ko.
"N-Nahihiya na ako sa 'yo," sabi ko at nag-iwas ng tingin. "And getting help from you... it... it simply adds to my sense na... wala akong kwenta. It makes me feel like I'm a poor thing. Na napakababa ko-"
"Don't tell yourself that." He cut me off. "You have no idea how proud I am, and almost no good words can express it." Hindi ko napigilan ang sarili na muli siyang tingalain para salubungin ang mga mata niya. And for a very long time, I gave him my smile, which I had always struggled to show. I smiled a bit at him as I was amused by his. "I wish I could let you look into my mind to show how much you mean to me. And maybe giving you gifts and treating you the way you deserve is just my way of telling you how thankful I am to have you in my life... You are the sole cause for my existence, Yshawn."
I couldn't speak, and was completely speechless to one side. I felt the heat on my face, and it crawled all over like a wildfire. I pursed my lips. Wala akong maiimik sa sinabi niyang iyon at tumingin na lang sa gilid para maitago ang reaksyon.
Aligagang napatango na lang ako at bumalik sa kinauupuan. Narinig ko naman siya roon sa kusina na inaasar ang pamumula ng mukha ko!
"Kapal mo!" asar na sabi ko.
He had already begun slicing the cake with a sweet smile on his face. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang iniisip ang mga bagay na nangyari sa akin kasama siya. When we were in high school, I never expected anyone to approach me, nakasanayan ko na kasi na walang naglalakas ng loob na lapitan ako... but he did.
I was typically like any other student, with only Allison as a companion, a companion, and best buddy at the same time. Walang nagkakainteres sa akin, and I was nothing, unlike the other students who were pictured joyfully conversing and interacting with one another.
When I lost everything, even Allison, which my lone best friend, was gone... only Gino was left to me. Tumayo siya at nagpaalam na kumunekta roon sa maliit na bluetooth speaker na nasa center table. Habang si-ni-set up niya iyon ay kumakain naman ako nitong cake na binili niya.
Nang mapalingon naman ako sa kaniya noong tinanong niya ako kung maayos naman ba daw ang tulog ko. Napaka-random ng tanong niya na sinagot ko lang ng 'oo'.
"Yshawn, listen to this song." Naroon pa rin ang ngiti niya nang sabihin iyon sa akin. Naglakad na ulit siya pabalik sa upuan at noong makaupo ay sumandal siya sa backrest nito habang nakangiting nakahalukipkip, pinagmamasdan ako.
Pinagtaasan niya ako ng kilay na nagtatanong kung maganda ba iyong kanta. Hindi ako pamilyar doon at ngayon ko lang iyon narinig pero masasabi kong nasa genre ko ang kanta. I recall him snatching one of my earbuds and joining me in listening to the song I was listening to. Ganitong-ganito ang genre ng kanta na pinapakinggan ko.
I'm just quite curious because I know he doesn't like romantic things, and, from what I recall, he prefers to listen to hip-hop and rap songs. He was a member of the dance troupe when we were in high school, so he definitely wouldn't enjoy that type of music. So I came up with the conclusion na hindi niya matitipuhan ang mga pinakikinggan ko. Pero ang weird niya ngayon.
"Maganda. Sinong kumanta?" Marahang tatango-tango pa ako noong tinanong iyon.
Bigla naman siyang napatakip ng mukha at yumuko na parang intensyon niya talagang itago iyon, natutuwa. Umayos siya ng upo at ipinatong ang braso sa ibabaw ng mesa habang nasa labas ng bintana ang mga mata, namumula ang tainga niya at nagpipigil pa ng ngiti. Naaaning na yata.
"Nagustuhan mo?" magiliw niyang tanong sa akin nang lingunin niya ako. Tumango naman ako bago muling sumubo ng cake. Napakagat siya ng pang-ibabang labi. "Nothing's Gonna Hurt You Baby by Cigarettes After Sex," natutuwang mabilis niyang sabi saka siya sumubo rin ng cake.
Agad naman akong nahinto sa pagnguya noong ma-realize ang pangalan noong kumanta. Noong nguyain ko ulit ang pagkain na nasa bibig ko ay iniisip ko iyon ng malalim. 'Cigarettes After Sex'. Bakit naman ganoon iyon? Maya-maya'y nang tingna ko siya ay pareho na kami ng naging reaksyon, bumilog ang mga mata niya.
"C.R. lang ako," he hurriedly said and walked a double phase to the comfort room. Napanguso naman ako noong marinig ko ang pag-sigaw niya mula roon sa loob. Minsan talaga ay ganyan siya, weird.
Lumipas ang sandali ay naubos na namin ang kalahati ng cake at hindi na rin ang kantang unang pinarinig niya sa akin ang tumutugtog. Nang malinisan ko na ang mesa at nailagay na iyong mga platito sa sink ay bigla niya akong hinila palapit roon sa speaker. I noticed he was wearing sunglasses. Nagtataka pa ako noong pinapasuot niya sa akin ang isa niyon, tumanggi naman ako. Nakakahiya.
"Ba't ko susuotin 'yan? Wala namang araw rito sa loob. Sira ka," pagtanggi kong sabi habang kinokontra ang kamay niya.
"Suotin mo lang... para pareho na tayo. H'wag mo naman kong ipahiya rito, uy!" Pumulupot ang malaking braso niya sa likuran ko habang ang isa naman niyang kamay na may hawak na sunglasses ay pilit na inilalagay iyon sa mga mata ko.
Wala na akong nagawa pa kaya kinuha ko na lang iyon sa kaniya at ako na ang nagsuot. Tumawa naman siya bago lumuhod para palitan iyong kanta, at muli kong narinig iyong unang pinarinig niya sa akin. Tumayo na siya at hinarap ako. Napatingin ako sa kamay niya na nakamuwestra sa harapan ko.
"Maaari ba kitang isayaw, ginoo?" matamis na nakangiting sabi niya at talagang in-acting niya pa iyon na gaya sa pelikula.
"Baliw. Isasayaw, na ganito ang hitsura natin?" I had a small chuckle. "Para kang si Matt Murdock sa suot mong sunglasses."
Ngumiti siya nang malawak sa akin, at kung hindi lang niya suot iyong tinted na sunglasses ay paniguradong makikita ko na naman ang naniningkit niyang mga mata.
The sunglasses we're wearing don't fit the song. The song is gentle and slow, but if we look at ourselves in the mirror, we appear stupid and dumb. Lalo na siya na mukhang gangster sa suot niya.
"But Matt Murdock is hot, isn't he? So basically... I'm hot, too?" he said playfully and winked at me.
"'La? Masyadong kang feeling. Asa ka." Tinulak ko siya nang mahina para mapalayo siya sa akin ng kaunti. Tumawa naman siya at muli akong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang palapulsuhan. "Ano na naman?"
He dances a little in unison to the song while smiling sweetly at me. "Then there was... he's not just fighting for the oppressed, he's willing to die to protect the one he loves as well."
Ngumiwi ang mukha ko. "Parang wala naman akong natatandaan na ganyan."
"Ay, wala ba?" Napalakas ang tawa niya. Pinagti-trip-an na naman yata ako ng isang 'to. "Hindi ko rin alam, e. Pero ito seryoso na. Maaari ba kitang isayaw?" Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha niya, bumalik ito sa maamo.
When he presented his palm again, I finally accepted it. I looked up and ran my hand over his shoulder. I felt his hand touch my waist, and then he pulled me a little closer to him. Pabirong mangilang beses niya akong pinagtaasan ng kilay habang malawak ang ngiti niya. I calmly chuckled at what he did, and he then invited me to his dance.
Only now have I realized how foolish I was at that time. Why is it that it's too late for me to know he is genuine in every word he says? I remember that he seemed to have cursed me before that I would like him in the end, 'magugustuhan mo rin ako,' he said, and it seems that... that curse is already affecting me. Ngunit handa na ba ako?
"Nothing's gonna hurt you, baby... As long as you're with me, you'll be just fine." Ang pagkanta niya habang mabagal niya akong isinasayaw. "Nothing's gonna hurt you, baby... Nothing's gonna take you from my side..."
"And we laugh into the microphone and sing... With our sunglasses on, to our favorite songs..." ang pagkanta ko naman at iyon talaga ang tumatak na linya sa utak ko dahil na rin sumakto ang suot naming sunglasses sa kanta.
Kinagabihan ay mag-isa na lang ulit ako dahil kailangan na ring umuwi ni Gino. Ako na mismo ito ang nagpa-uwi sa kaniya dahil may plano pa talaga siyang mag-stay rito, hindi ko siya pinayagan. May nabanggit siya sa akin na may gagawin pa siyang presentation, and years na lang ay graduating na siya so he should focus more on that.
Pagka-upo ko sa kama ay hinila ko iyong gift na binigay niya sa akin. May kalakihan rin ito at noong binuksan ko ang wrapper ay kahon agad ang bumungad sa akin. Nang tuluyan ko nang mabuksan iyon ay kaagad kong kinuha ang phone ko at tinipa ang numero niya.
"H'wag mong gawin 'to sa 'kin!" I exclaimed. When he answered the call, that's what I immediately told him. "Hindi ko matatanggap 'tong regalo mo... Bumalik ka rito, kunin mo 'to!"
He just gave me his laptop!
[I'm tired and sleepy too. Aren't you worried about me?] Napadukmo ako sa unan at doon ko inalabas ang sigaw ko. Napakagaling niya talaga sa mga ganitong bagay. No matter what the situation is, he can make sure that what I want will not gonna happen! Narinig ko siyang tumawa nang mahina. [You must have seen my gift to you. I'm about to say that I bought a new one, last week.]
Kaya pala ayaw niyang buksan ko itong regalo niya kanina dahil alam niyang hindi ko ito tatanggapin. At ngayong wala na siya rito sa apartment ay kayang-kaya niya na akong iwan na ganito. Hiyang-hiya na ako.
"Kunin mo 'to..."
[Sorry, you're choppy. I can't hear you... what? Huh? Yshawn-] and there I heard the call drop. I didn't know what to do with him! At all!
Lumipas ang taon ay second year na ako. Si Gino naman ay walang sawa niya pa rin akong kinukulit. His treatment of me hasn't changed, and he's always there for me when I needed help. Every time he reached for my hand, they were different, different values and memories.
Noong naghahanap ako ng part time job ay naroon din siya, at tipong naging driver ko na yata siya sa oras na may alis ako o pupuntahang mahalaga. Parating siya ang naghahatid sundo sa akin. Nakikita ko rin naman ang struggles niya ngunit nagagawa niya pa rin akong unahin. Sobra-sobra na ang natatanggap ko sa kaniya na halos hindi ko na maisip kung ano ang pwedeng isukli.
"Final exam niyo na rin this coming week, 'di ba?" tanong ko habang ang mga mata ay nasa librong binabasa. Narito kami sa labas ng convenience store at nagkataong pareho kami ng schedule ngayon kaya naisipan niyang tumambay at kumain dito, nag-c-crave sa cup noodles. "So, kumusta mid-term mo?"
"Ayos lang," simpleng sabi niya lang at humigop ulit ng noodles. Medyo naririndi ako sa paraan ng pagkain niya dahil nasosobrahan sa tunog ang paghigop niya noon.
"Ayos lang?!" Tumaas ang tono ko.
"Hmm." And he didn't even bother!
"Do you know that, when someone responds in this sense, it shows that they haven't given their all?" I became annoyed all of a sudden. His response irritates me. In his responses, he comes out as irresponsible. "Saka ayusin mo nga 'yang pagnguya mo."
Napahinto siya sa pagkain at nag-angat ng tingin sa akin, nagtataka sa inasta ko. "Bakit? Galit ka na naman ba?" nakangusong sabi niya.
Naibaba ko ang hawak kong libro at medyo napalakas iyon kaya nakagawa iyon ng ingay. Napaayos naman siya kaagad ng upo.
"Hindi ako galit, disappointed lang," I honestly said. "Your grades should be excellent, not just simply passable. Araw-araw ko iniisip na baka naaapektuhan na 'yong pag-aaral mo dahil parati mo 'kong inuuna. It's my fault if you fail, Gino."
"I can manage things, Yshawn," inosenteng sabi niya.
"Whether you admit it or not, you are always concerned about me. You became selfless." Napamasahe ako ng sintido. "Nakikita ko 'yon."
"Sinabi ko lang naman na ayos lang... A-Ano ba'ng dapat kong... sabihin?" Malumanay ang boses niya.
"Gawin hindi sabihin! Ano ba? Umayos ka nga! That's something you're already aware of!" Nag-iwas siya ng tingin sa akin, nakanguso pa.
"Hirap naman makipagtalo sa matalino," rinig kong bulong niya. Noong muli niya akong nilingon ay umupo siya ng diretso at nag-iisip pa yata ng gagawin o sasabihin. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagbukas niya noong zipper ng bag niya at may kung anong hinahanap doon. He took out a pieces of paper and slid it closer to me. "Ayan po... 'yong results."
Kinuha ko iyong papel at tiningnan iyon isa-isa. Auditing, Business tax at iba pang major subs ay pasado niya lahat ng iyon. Hindi masasabing ayos lang dahil pasok ang scores niya sa standards ng exam results! Ang hilig niya talaga akong pagmukhaing tanga! Nakakainis!
Inayos ko ang test papers niya at walang salitang ibinalik iyon sa kaniya. Parehong salubong ang mga kilay ko at muling kinuha ang binabasang libro. Kahit nasa pahina ang mga mata ko ay naaaninag ko pa rin siya na ngingiti-ngiti na parang aso.
"Pwede na ba 'kong kumain?" mahinang tanong niya sa akin at inirapan ko lang siya. Napangisi naman siya at saka ako kinindatan. "You're always concerned about me. You became selfless. Am I too obvious for you to say that? Hays... gano'n ka lang siguro kalakas sa 'kin."
"Nakakatawa 'yon?" Umirap naman ako. That's one of the things I don't like about him, parang lahat na lang ginagawa niyang biro.
"Bakit? Tumatawa ba ako? Nagbibiro ba 'ko?" nang-aakusa niyang tanong.
"Ewan ko." I just shrugged. "Tanong mo sa pagong."
He chuckled.
"Sige, ganito na lang. We're both in our first term, aren't we? Kung sino man ang may mas mataas na GWA, siya ang pwedeng magbigay ng dare! Ayos ba?" Nag-thumbs up siya habang hinihintay ang sagot ko.
Pinag-isipan ko naman 'yon. Sa katotohanan niyan ay may advantage ang deal niya. It may also allow us to concentrate more on our studies. Kaya bakit ko tatanggihan iyon? That idea sounds to be viable.
"Okay, deal."
"Deal! Nice, nice..." tatango-tango niyang sabi.
Malapit nang dumating ang final exams at sabay kaming nag-re-review. Minsan ay inaagaw ko ang oras sa pag-re-review habang naglalakad pauwi. Pinipilit niya pa akong sumabay na lang sa kaniya gamit ang kotse niya ngunit sinabi kong mabilis akong makakauwi ng bahay kapag sumabay ako sa kaniya. Hindi ako magkakaroon ng oras sa pag-re-review kung ganoon. Sa oras na makauwi ako ay tiyak na matutulog lang ako buong araw, the bed attracts me.
Nang dumating ang final exam ay hindi naman ako ganoon nahirapan habang nagsasagot ng exams at dahil na rin siguro sa puspusan kong pagbabasa. At ang pinakahihintay naming dalawa ay dumating na. Kinuha ko ang report card ko sa university portal at ine-screenshot iyon saka cinompute ang grades.
Sa pagpasok ay dala-dala ko ang hard copy niyon. Noong mag-break time ay lumabas na ako ng room at dumiretso papuntang gazebo dahil doon namin napagkasunduang magkita. Nakita ko siyang tahimik na nakaupo na roon, mas nauna pa siyang dumating kaysa sa akin.
Nang makita niya ako ay tumayo kaagad siya at nilapitan ako. "Ano GWA mo?"
"Sa 'yo muna."
"Uhm... ganito na lang. Ibigay mo 'yang report card mo sa 'kin tapos ibibigay ko naman ang akin sa 'yo. Ano? Is it fair?" Nakangiting pinagtaasan niya ako ng kilay.
Tumango naman ako at inabot na sa kaniya iyong report card ko. Nang pareho na naming hawak ang mga iyon ay napatalon naman siya sa tuwa.
My brows met. "Masaya ka ba dahil mababa GWA ko?" Mabilis siyang napahinto sa pagsuntok sa ere nang marinig ang sinabi ko.
I'm not sure if he's pleased because his GWA is higher than mine or because I've dropped behind! Medyo nainis ako roon.
Lumapit siyang iiling-iling sa akin. "Hindi... Anong mababa? Sira, point twenty-two lang naman, ah?"
"Tapos ikaw malapit na sa katotohanang flat uno?"
"Oh? Why do you seem to be offended by my GWA, Yshawn?"
"W-Wala. Hindi, ah." Nag-iwas ako ng tingin. I think I was just carried away by my annoyance, that's why I said that. But the truth is, because his grade was higher than mine, it became a prospect for me to improve even more. To me, he appeared to be an inspiration. "Ang unfair lang, I believe that accountancy and nursing have different levels of difficulty."
Nagtaka naman ako bigla noong tumawa siya sa sinabi ko.
Gigil niyang ginulo ang buhok ko. "Sabihin na nating magkaiba nga sila pero... um-oo ka, 'di ba? You agreed to my deal! H'wag kang madaya..."
Napabuntong-hininga na lang ako. Totoo naman ang sinasabi niya. I would have liked to file my side case, but no matter what angle I look at it, it still goes where I agreed to his deal.
"Okay, panalo ka na." I surrendered. Bakit hindi ko nga rin pala agad naisip na magkaiba kami ng units na tina-take? Ang tanga ko naman!
"Yes!" Napasuntok siya sa ere dahil sa tuwa at hinalikan niya pa ang report card ko. "Parang may alam na akong i-de-dare sa 'yo..." Pang-aasar niya pa sa akin.
That day came too quickly. I donned a black oversized shirt that I tucked into my black trouser. Wala akong ideya kung bakit siya nag-message sa akin na magsuot daw ako nang maayos.
Natalo ako sa pustahan at iniisip na ngayon kung anong i-de-dare niya sa akin. Siguro naman hindi ito ang dare niya na pagsuotin ako ng pang-alis dahil napakasimple lang nito.
I actually was terrified of what he was thinking. I just don't trust them.
Noong maayos ko na ang sarili ko ay iksakto namang nag-message siya sa akin na naroon na raw siya sa labas kaya naglakad na ako at ni-lock ang room bago siya pinuntahan.
Pagkalabas ko ng apartment ay nakita ko na nga siyang nakasandal sa kotse niya habang nakahalukipkip, hinihintay ang pagbaba ko. He was dressed in khaki shorts and a green sweater. Nanibaguhan ako sa bloned hair color niya.
"Are your professors not strict with the attire and code of conduct?" tanong ko at napalingon naman siya bigla sa akin saka mabilis na umayos sa pagkakatayo.
Ibinulsa niya ang mga kamay niya at nakangising pinagmamasdan ang kabuuan ko. Napahaplos pa siya sa sarili niyang buhok. "I am the rule of law."
I hissed. "Tingnan na lang natin kung hanggang saan aabot 'yang angas mo kapag na-suspend ka."
"Dude, chill..." sabi niya at nagsuklay ng buhok. Humarap na siya sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Noong pumasok ako sa loob ay ipinatong niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko para maiiwas ako sa pagkakaumpog. "Ang bango mo."
Sinabi niya iyon bago pumaikot sa kotse saka umupo sa driver's seat. Nakangiting bumuntong-hininga siya bago minaniobra ang sasakyan. Noong nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ay noon ko naisipang tanungin siya sa i-de-dare niya sa akin. Curious ako kung ano 'yon.
"Inabot ka na ng gabi pero hindi mo pa rin nasasabi sa 'kin kung ano 'yong dare mo." Nilingon ko siya at sure ako na malakas ang pagkakasabi ko noon kaya imposibleng hindi niya iyon narinig. Ngunit parang wala yatang dumapo man lang na isang salita sa tainga niya, he was so preoccupied with driving. "Maybe the whole day is enough to think?!"
"What the..." he whispered a curse. He was surprised when I shouted. "H-Ha?"
Napairap ako sa ere, lutang siya ngayon. "Anong i-de-dare mo sa 'kin?"
"Ahh..." malawak ang ngiti niya nang sambitin iyon. "Kuwan, m-meron na."
"Oo. Ano nga?" Lumapit ako ng kaunti sa kaniya at nababalisa ang mga mata niya na palipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. May problema ba? Mukha siyang naiilang.
He laughed nervously. "I can't drive properly when you're like that," makahulugang sabi niya. Napausog naman ako at umayos ng upo.
"Ang gulo mo naman kausap," I said with lips pouted. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
I heard him laugh softly. "J-Just give me time to think."
"Ha?" gulat kong sambit. "Hanggang ngayon wala ka pa ring naiisip?" Bakit wala pa rin, e, hindi naman 'yon ganoon kahirap isipin. I-dare niya ako na kumain ng damo, pwede na iyon.
"Hindi, hindi. I mean, bigyan mo 'ko ng oras para sabihin 'yon sa 'yo..."
Tumango naman ako. "Ahh... okay. Pero hindi ba pwedeng ngayon na?"
When the stop signal turned, he came to a complete halt. I was caught up in his silence and noticed him twitching his hand. Malalim ang iniisip niya. He was thinking, maybe what I said.
He shifted his gaze to me and looked directly into my eyes. "I dare you to have a date with me, Yshawn."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top