prologue | lost

tw: suicide, cheating, language

***

SIENNA

"Konting hakbang pa ang lalakbayin mo, Sienna."

Ito ang naging banggit ko sa'king sarili habang tinatahak ang daanan patungo sa lugar kung saan ko wawakasan ang sakit na aking dinaramdam. Iilang tipak ng ulan ang umusbong sa kaulapan habang sinasabayan ng dahan-dahang pagpadyak ng aking mga paa at ang luha ko'y malapit nang maubos dulot ng sobrang lungkot na umabot hanggang sa daanan. Wala akong pakialam kung matawag man nila ako na baliw kasi heto ako — sadyang kaybilis ng mga pangyayari. 

Hawak ko ang aking alak ay nagpapakalango pa rin ako na may konting gewang sa gilid ng kalye, pero ano nga bang magagawa ko?

Iniwan ako ng asawa ko.

O, hindi ba? Nakakaputangina naman kasi. Sa dinarami-dami ng mga taong nakilala ko, bakit siya pa? At isa pa, bakit nga pala niya ako pinakasalan?

Ay, oo nga pala.

Pinakasalan niya ako sapagkat kinailangan niyang takasan ang mga panlolokong ginawa niya sa'kin.

And it bugs the hell out of me.

Noong maalala ko ang isa sa mga wedding vows niya — na kahit anong mangyari, iingatan niya ako at mamahalin hanggang sa'ming pagtanda — naniwala naman ako… noong una. Hindi ko rin pwedeng makalimutan noong araw na pinaiyak niya ako sa mga mabulaklak niyang mga salita, at isang taon ang nakalipas simula noong tinali kami sa harap ni Bathala ay unti-unting bumabalik sa dati ang asawa ko. Babaero, controlling, at ang mas masaklap pa ay nagdadala ng iba't ibang babae habang wala ako. 

Naisip ko, "Siguro nga, hindi na talaga ito magbabago. Kung ano man ang magiging ugali niya, iyon na iyon," ngunit may mga pagkakataon na hinihiling ko sa Diyos na sana, ay bumalik na siya sa dati.

'Yung dating ugali ng asawa ko. Mabait, understanding, gentleman at higit sa lahat, may prinsipyo hindi lang sa babae, maging sa relasyon namin. 

At iyon ang palagian kong inaalala. Samantalang siya?

Sandali, naging mabuting esposo ba siya sa'kin? O hanggang doon na lang iyon?

***

TWO MONTHS AGO…

I was totally in shock.

Hindi makapagsalita at nababalutan na ng unti-unting pagluha sa'king mga mata.

Halos gumuho ang aking mundo nang makita ko ang litrato kasama ng babaeng nakalabas ang ngipin at kaakbay niya sa litrato, nakakatingin sa isa't isa at ang sweet-sweet pa nila. Sa puntong iyon ay halos mapatanong ako sa'king sarili kung bakit niya ako magawang lokohin nang ganito, gayong bago kami ikasal ay iyon ang naging trato sa'kin ng asawa ko — ang manloko ng babae.

Pero nagtiis ako. Nanatili ako sa tabi niya, kaya niya ako pinakasalan, e. Tapos ganito ang mangyayari?

Tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko, pinili ko na lang na lakarin pabalik nang kaunti hanggang sa ako'y magpakawala ng boses bago ito mapaos kasabay ng pagwasak ng iilang mga gamit tulad ng mga damit niya, lampshade, cellphone niya at higit sa lahat, ang wedding photo naming dalawa. May iilang bubog ang nagkalat sa daanan ngunit sa bawat lakad ko ay ang kapalit nito'y simbolismo sa'king kalagayan.

Para akong gripo kung umiyak sa sobrang sakit na aking naramdaman, sinusuka hanggang sa ako'y madiri pero hindi ko maiwasan ang maawa. After giving too many chances to him, I realized that I lost myself. 

Na sa bawat ayos ko, ay ako rin pala ang nauubos at nasisira.

At ang galing maglaro ng tadhana. Dahil habang patuloy akong naghuhumiyaw sa sobrang sakit ay dumating si Arnold — the traitor among us. Si Puta, tinanong kung anong nangyari subalit hindi ako makasagot. Hinayaan niya akong tanungin nang parang sirang plaka hanggang sa mahanap niya ang rason kung bakit.

Ngunit hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"Sienna, bakit mo binasag screen ng cellphone ko? Alam mo namang ang mahal nito tapos wawasakin mo lang?" pagalit na tanong sa'kin, datapwa't sa puntong ito ay natamaan ako sa kanyang sinabi. Arnold, kung sakali man na nasa sitwasyon mo ako, sa tingin mo ba magagalit ka ba kapag nakikita mo ako? Na mamahalin mo pa rin ako pagkatapos mo akong wasakin nang ganoon ganoon na lang?

Mahinahon kong tinawag ang pangalan niya, "Tingin mo ba gagawin ko iyon, ha? Ay, hindi pala."

Agad itong nagulantang sa'king sinabi. I took two steps forward, saying those words I wish he could hear right now, "Sabihin natin na maihahalintulad mo ang screen ng cellphone sa sarili ko. Parehas mo kaming mahal. Pero ang pinagkaiba, ako! Ako ang nabasag nang dahil sa'yo! Hindi ka kasi nag-iingat kaya hinayaan mo akong mahulog at tapak-tapakan man lang, maski ego ko dinamay ko na rin! Sa tingin mo ba hahayaan mo na lang na mapalitan mo ang bagay na iyon, tulad ng ginawa mo sa'kin, ha?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Agad kong pinunasan ang aking mga luha bago ako magsalita, pero sadyang kay hirap pala kung kaya't pinilit ko ang aking sarili na labanan, "Putangina, at ngayon ka lang nagtanong. Pasensya ka na, ha? Pero matagal nang nasa akin ang resibo. Sorry if I shared my secret with you. Tiniis ko ang panggagago na ginawa mo sa'kin, alang-alang sa relasyon natin bilang mag-asawa."

He immediately hold my soft, smooth hand, nevertheless, I refused. "Ngayon, kung itatapon mo itong 6 years na pagiging tayo at isang taon kung kailan ikinasal, gawin mo. Napapagod na ako sa ganito, e. Ano na lang kaya kung magkalimutan na lang tayo? Ngunit…"

My voice started to become lower, holding back those tears in my eyes. "...ikaw na lang ang mag-file ng divorce. Hindi ko na kayang tumagal pa sa ganito. Hinanda ko na agad ang mga gamit mo sa labas. Makakaalis ka na. Kasama ng kabit mo."

Muli ay pumunta agad siya sa'kin at sa sobrang inis ay nagawa ko siyang ipagtulakan at sinabi ng isa pang ulit sa kanya. Malakas na bulyaw ang bumulusok sa gilid ng kwarto namin at halos gula-gulanit na ang buong kalagayan ko, maging ng aking puso na kasing lambot ng mamon nang dahil sa pagmamahal niya.

Pero tinapon na lang bigla.

Tanging tango na lamang ang isinagot ni Arnold bago umalis at pagsarhan ng pinto nang mahinahon, saka ako nagwala sa buong paligid ng silid. Dahan-dahan kong tinanggal ang diyamanteng wedding ring sa'king palasingsingan hanggang sa sakto kong tinira sa basurahan kung saan siya nababagay. 

All my life, I've been holding on to those flowery words he said to me. However, he didn't manage. Ito na yata ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko, at pinagsisihan ko na gawin ang bagay na iyon.

***

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy kong nilulunod ang aking sarili sa alak bago ako makarating sa dulo kung saan ako papampang. Sa riles ng tulay, rito ko aakyatin ang aking sarili sapagkat gusto kong tapusin ang pait mula sa'king nakaraan. Noong una, natatakot na ako sa ganito dahil hindi pa ako handa at wala akong lakas na loob na harapin iyon.

Pero ngayon, handa na ako. 

Handa akong magpaalam sa sarili ko. Bidding an adieu is the hardest thing to do, nonetheless, it's the best way to do so.

Not until…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top