10
[ iMessage ]
Jessain
Zaynaaa.
How are you na?
Walang paramdam 'yarn.
Zayna
Jessaaaain. Huhu!
I'm not okaaay.
Bisitahin mo 'ko here sa house nila mommy.
Pleaseee?
Jessain
Sigeee. Papasukin ba nila ako?
Hahahaha!
Zayna
Oo naman, 'no?
Magagalit sa kanila si Kuya Zayned.
I'm allowed naman about bisita, except for Kio.
Jessain
Puwede bang ayain si Harley?
Dadalhan ka namin ng food. Ano'ng gusto mo?
Zayna
Anything. Kahit wala, basta punta kayo here.
I need kausap. 😪
Buuut how are you naaa?
Nabanggit ni Kio sa akin noong nakaraan na he's asking you to write para sa album nila?
Jessain
Yup, pero hindi naman ako nag-agree.
Ang tagal ko na ring hindi nagsusulat ng kanta and I don't think I can do it again. I stopped like 6 years ago. Parang hindi ko na keri. Hahaha!
Zayna
Uyy, it's your talent!
Hindi 'yan nawawala.
Maybe nagpapahinga. Hahaha!
Try mo lang ulit!
Jessain
To be honest, since nag-break kami ni Forest...
Nag-stop na ako. I mean parng ang hirap kasi.
Writing music used to be our bond.
Kaya noong naghiwalay kami, I stopped.
Zayna
I get it. Ano bang sabi ni Kio?
Jessain
Makulit. Hahaha!
May timeline daw kasi sila.
I don't know.
Hindi ko pa napag-iisipan.
Zayna
Sabagay. Sinabi ko rin naman kay Kio noong nakaraan na mag-hire na lang sila. He didn't want to. Gusto niya, ikaw. Hahaha!
Jessain
Bahala siya sa buhay niya
Hahahaha!
Kausapin ko si Harley. Puntahan ka namin!
Overnight?
Zayna
OH MY GOSH.
YES, PLEASE!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top