Prologue

PROLOGUE

"AREN'T we going to visit my grand mommy and grand daddy?" Her daughter Madeleine asked her. Kasalukuyan silang nag-aalmusal at halos kakagising lang nila. "Ayaw mo po ba na makita nila ako? You always hide me everytime na magtatalk kayo sa Skype, ayaw ba nila sa'kin, mommy?" Doon na naantig ang puso niya ng mabasa niya ang lungkot na bumadha sa mukha ng anak.

Kumurap-kurap muna siya para mapigilan ang pagbagsak ng luha niya. Hindi niya kasi sinabi sa magulang at mga kaibigan na may anak na siya, itinago niya iyon sa mga ito.

Hinaplos niya ang buhok ng anak at mataman itong tinignan, nakipagtitigan din ito sa kanya. Pakiramdam niya ay kaharap niya si Cassidy, kung bakit ba kasi lamang na lamang ang namana ng anak niya sa tatay nito.

"Your grand mommy and grand daddy loves you, okey? Its just that—"

"What?"

"Mommy isn't yet ready to—"

"To tell them that you have me?" Nanatili lang siyang nakatingin sa anak. May mga bata pala talagang matalino at isa na doon ang anak niya na para bang naiintindihan na nito ang mga bagay-bagay sa paligid. "You aren't ready to tell them about me? Because they will ask you who is my father and you cannot answer them because I don't have daddy." Nagkibit balikat pa ito at nagpatuloy sa pagkain ng potato fries na namumukadkad sa cheese. "I understand you mommy, maybe we can visit Philippines kapag may nahanap na po tayong daddy ko, I'll help you find him. Okey?"

Napatango na lang siya sa turan ng anak. Kung umasta ito parang ang laki-laki na nito eh tatlong taon pa nga lang ito pero matatas na magsalita. Maya-maya lang ay nag ring ang Skype apps sa iPhone niya.

"Who's that?" Madeleine mouthed.

"Your Tita Ganda." She mouthed back as she saw the caller's name.

Dali-dali naman bumaba sa kinauupuan ang anak niya at tumabi sa upuan niya. Ang lapad lapad ng ngiti nito kasing lapad ng ngiti ni Saleen na siyang tumawag.

"Good morning, beautiful. What are you eating?"

"Good evening Tita Ganda, I am eating potato fries with lots of cheese and mommy eating pancake." Nakikita niya ang saya at excitement sa mukha ni Madeleine. Ewan niya ba pero trip na trip ng anak niyang kausapin itong si Saleen.

"Good girl pero dapat mag-eeat ka din ng vegetables and fruits, okey? Para mas lalo kang gumanda katulad ko."

"Opo!" Tumango-tango ang anak niya. "Tita Ganda, hmn..."

"Yes sweetheart?"

"Hmn..."

"I know you want to tell something. Spit it out."

"Do you know someone who can be my dad?" Batid niyang nagulat si Saleen sa tanong na iyon at kahit siya ay ganon din. "We need to find someone who can be my dad para po makauwi na kami ni mommy sa bahay nila grand mommy and grand daddy."

Tumikhim si Saleen bago muling nagsalita. "I know someone who can help you with that sweetheart."

"Really? Really?"

"Yes and yes!"

Nag-angat ng tingin sa kanya si Madeleine, masaya ang mukha nito bago muling ibinalik ang atensyon sa screen. "Tita Ganda, can you give him our address here? Para po magpunta na siya dito. Gusto ko na po ng daddy, 'yung handsome po at may pandesal na eight."

Tuluyan ng napabungisngis si Saleen na nag thumbs up pa sa anak niya. Kung anu-ano ang itinuturo ng kaibigan niya kay Madeleine, isa na doon ang pandesal na ang tinutukoy ay eight packs abs.

"I promise sweetheart, I will send him there. Just wait for him, okey?"

Magkasalubong ang dalawang kilay niya habang nakatingin kay Saleen, may kakaiba sa ngiti nito at hindi niya gusto ang ngiting iyon ng babae dahil alam niya kung paano ito maglaro.

"I don't like the way you smile, its scary." Sita niya sa kaibigan.

"I don't do anything."

"I know you Saleen, I know you."

"Who wouldn't? I am famous." Pinaikutan niya ito ng mata. Sikat na aktres kasi ito. "Umuwi na kasi kayo."

Tinignan niya muna ang anak niya na kinukuha ang naiwan na pagkain nito sa lamesa bago bumalik ang tingin kay Saleen.

"Hindi kami uuwi."

"Ipapasundo kita kapag hindi ka pa umuwi. Hello? Limang taon ka ng nagtatago Stella Venisse, habang buhay mo bang itatago ang lahat? Hindi ba mahirap?"

"Mahirap." Mahinang sagot niya. "Sasabihin ko naman ang tungkol kay Madeleine pero hindi pa ngayon."

"At kailan mo balak sabihin?"

"Hindi ko alam. Basta, ayoko pa. Magtitiis muna ako na ganito kami."

"Limang taon ka ng nagtitiis habang 'yung isa dito nagpapakasarap sa mga babae—oopps!" Maarte pa nitong tinakpan ang bibig nito pero nginitian niya lang.

"Wala na talaga kaming pag-asa 'no?"

"I don't know, hindi ko masabi at ayokong magsalita. Hindi naman sa nakikialam ako Stella Vanisse pero mas mabuti siguro ng ipaalam mo na kay Cassidy ang tungkol kay Madeleine, malay mo ng dahil sa anak niyo ay magkaayos kayo."

"Kung gusto niyang makipag-ayos sana dati pa, sana hindi niya na pinaabot pa ng ilang taon. Kung may plano talaga siyang panindigan 'yung nangyari sa amin sana noon pa ginawa niya na pero mabuti na nga na hindi, mabuti na din na ipinagtulakan niya ako palayo at least nalaman ko una pa lang na wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin. Tama na siguro na ako lang 'yung nagmahal at ako lang 'yung nasaktan, natuto naman ako sa lahat ng sakit na ipinaramdam niya. Sa bawat pagtataboy niya sa akin palayo at sa bawat masasakit na salitang binitawan niya... Natuto ako. Natuto akong tanggapin na hindi lahat ng taong mahal natin ay mapupunta sa atin at hindi porke mahal mo siya ay mamahalin ka din niya."

"You still love him."

"Hindi naman nawala 'yung pagmamahal ko sa kanya, nabawasan lang and I can still feel the pain here." Turo niya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

"Kapag nandito ka mas marami kang karamay at masasabihan ng saloobin mo kaysa mag-isa ka diyan, kasama mo nga si Madeleine pero alam natin pareho na hindi naman pwede hingian ng sama ng loob iyang magandang bata na iyan dahil sasakit lang ang ulo mo kakatanong niyan." Napangiti na lang siya dito. "Oh, you're smiling. Basta, ipapasundo ko kayo diyan. Sobrang namimiss na kita at gusto ko na din makita ulit si Madeleine."

"Huwag na Saleen, uuwi din naman kami diyan."

"No!" Tumili ito. "Ibibigay ko kay Cassidy ang address mo at sasabihin kong may anak kayo kapag tatlong araw mula ngayon ay hindi pa kayo nakakauwi ng Pinas!"

"Hey, don't say that, hindi niya—ay rude." Aniya ng patayan siya ni Saleen.

Napakamot siya sa noo niya at napatingin sa anak niyang nilalantakan pa din ang Potato fries. Papaliguan niya muna ito at hihintayin ang on call nanny dahil kailangan niyang magpunta sa Clinic niya, hindi niya pwedeng isama si Madeleine dahil gagabihin siya ng uwi at ayaw niyang madamay sa puyat niya ang anak. Nilapitan niya ito at inayos ang pagkakatali ng buhok.

"Mommy, I'm excited."

"Bakit excited ang baby ko?"

"Because Tita Ganda promised me to send here my daddy."

Asang-asa ang anak niya sa sinabi ni Saleen, ang babae talagang iyon.

"Tita Ganda was joking, baby."

"She's not! She promised to me, mommy. Let's just wait for daddy."

"Anak,"

"Please mommy, trust Tita Ganda, she loves me kaya tutuparin niya po ang promise niya sa'kin."

Bumuntong hininga na lang siya. Hindi siya mananalo sa anak niya, kasalanan ito ni Saleen eh. Pinapaasa ang anak niya. So far hindi pa naman siya tinatanong ni Madeleine kung sino ang daddy nito basta ang alam lang nito hindi nila kasama ang daddy nito.

Pagkatapos niyang paliguan ang anak ay inasikaso niya na din ang sarili niya. Ilan minuto lang ay dumating na din ang pinay na on call nanny ni Madeleine.

"Ikaw muna ang bahala sa baby ko, ha? Gagabihin kasi ako ng uwi ngayon."

"Wala pong problema, Madam. Aalagaan ko po itong napaka ganda niyong anak."

"Salamat. Aalis na ako." Lumapit siya kay Madeleine na busy sa paglalaro ng mga barbie na may malaking doll house pa. "Baby, mommy's going to work. Behave ka lang dito, okey?"

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Yes mommy, behave po ako." And kiss her cheek. "Ingat ka mom."

"I will, anak." Hinalikan niya ito sa noo bago tuluyang lumabas ng condo unit nila at dumeretso sa parking area.

Buong maghapon siyang na-busy at hindi niya na namalayan pa ang oras. Madami silang pasyente ngayon at kakaunti lang silang doctor dahil 'yung iba ay nag leave for vacation. Siya kaya kailan makakapag bakasyon? Simula ng dumating sa buhay niya si Madeleine natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi na umasa sa magulang niya. Kaya heto siya at pinapanindigan ang pagiging isang ina sa pinakamamahal niyang anak.

Kinuha niya ang cellphone ng mag ring iyon, unknown number. Naupo muna siya sa swivel chair bago iyon sinagot.

"Hello? Who's—"

"Mommy? Hello?"

Kusang gumuhit ang ngiti sa labi niya at parang nawala lahat ng pagod niya ng marinig ang boses ng anak sa kabilang linya. Totoo talaga 'yung kasabihan na nakakawala ng pagod ang mga bata lalo at anak mo pa iyon.

"Yes baby, speaking. Pauwi na si mommy, wait for me okey? May pasalubong ako sa iyo."

"We will wait for you here, go home na mommy please. I know you'll be happy if you saw our visitor."

"V-visitor? Don't tell me may bisita na pinapunta diyan si Palma?" Tukoy niya sa nanny nito. "Let me talk to her anak."

"No mom, umuwi na po ang nanny ko. Iba po ang visitor natin." Nahinto siya sa paghuhubad ng white coat niya at muling isinuot iyon. Ibinaling niya ang lahat ng atensyon sa kausap sa kabilang linya.

"What? Nasaan si Palma?"

"I don't know, nag go home na po."

"No, no, anak, hindi siya pwedeng umuwi dahil wala kang kasama diyan delikado at—"

"May kasama po ako, mommy."

Napatayo na siya sa kinauupuan niya at nag-umpisa ng kabahan. Alam niyang hindi nagbibiro ang anak niya at never na nag sinungaling sa kanya.

"Anak, listen to me, okey? Kakausapin ko ang kasama mo diyan, ibigay mo ang cellphone sa kanya."

Ilan segundo ang nakalipas bago muling narinig ang boses ng anak. "He doesn't want to talk to you. You better go home daw po."

Talagang nanginginig na ang mga kamay niya. Paano kung pinasok pala ng masamang tao ang condo unit nila? Tapos iginapos si Palma at ang anak niya ang inuutusan ng mga iyon upang makausap siya? Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero hindi niya maiwasan. Nagmamadali siyang lumabas sa Clinic niya at sumakay sa sasakyan niya.

"Baby, papunta na ako diyan. Huwag kang mag-alala mommy will save you."

"Save? Bakit po?"

"Just stay there anak at sabihin mo sa kasama mo na pauwi na ako." She starts the engine and drove away. "Behave ka lang diyan para hindi ka niya saktan."

"I don't think about that mom," Nanatiling kalmado ang boses ng anak. "He seem so nice, he's handsome and maybe he do have eight pandesal."

"Anak, ano ba iyang sinasabi mo."

"I am just telling you what he looks like mommy para hindi ka na mag worry sa'kin. And please go home na po I want to talk to Tita Ganda for granting my wish about my daddy."

Bumagal ang takbo ng sasakyan niya at naguguluhan sa sinasabi ng anak.

"What are you talking about Madeleine?"

"Hmn, my daddy is here?"

"What?" Hindi niya napigilan ang gulat sa tanong niya. Marinig niya lang mula sa anak na may tinatawag itong 'Daddy' ay talagang kinakabahan siya. Iba 'yung dating sa kanya at si Cassidy agad ang unang taong pumapasok sa isip niya.

"The handsome monster is here mommy, beside me. He's looking at me as if he saw a female version of him."

"You are joking, tell me that you're joking anak."

"I am not, you wanna hear his voice?"

Ayaw niya man aminin pero pakiramdam niya kung sino ang tinutukoy ng anak niyang daddy nito at kasama nito ngayon ay siyang taong nasa isip at puso niya sa mga sandaling iyon. Cassidy Forbes.

"Anak, you know I am not—"

"Speak. My mom wants to hear your voice." Malamang kausap ng magaling niyang anak ang kasama nito. "Please dad speak."

Pinigil niya ang pagtulo ng luha niya ng banggitin na naman ni Madeleine ang salitang 'dad' na para bang normal na dito ang salitang iyon. Pabagal ng pabagal din ang takbo niya at hindi napapansin na naghihintay siya na magsalita ang kasama ng anak niya sa condo unit nila.

"Stella Venisse," Tumambol ng paulit-ulit ang puso niya ng marinig muli ang pamilyar na boses na iyon sa kabilang linya makalipas ang limang taon. "Me and our daughter are waiting for you. You should be at home now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top