4 ~ Tears

CHAPTER FOUR

NAG-IINIT na ang mukha niya pati na din ang buo niyang katawan dahil sa alak na iniinom nila ni Saleen. Ang ingay-ingay sa buong paligid, may mga nagsasayaw sa dance floor, naghahalikan sa tabi-tabi at mga usok ng sigarilyo ang nasasaksihan niya sa mga oras na iyon.

"Ayoko ng bumalik dito, Saleen. Mag coffee na lang tayo." Sigaw niya sa kaibigan dahil sobrang lakas ng tugtog.

"Much better. I don't like here masyadong crowded at walang pakialam ang mga tao. Nasaan na ba si Mazda? Ayain na natin umuwi." Sabay hinanap ng mata nila ang lalaki at sabay din nag-iwas ng tingin ng may nakapatong na babae dito at naghahalikan ang mga ito. "Iwan na lang kaya natin siya? Makakauwi naman mag-isa 'yan."

"Hindi naman siguro siya maliligaw?"

"Hinding-hindi. Kahit saang sulok mo yata ng mundo dalhin ang taong iyan ay makakauwi pa din iyan. Let's go."

Nag-akayan sila ni Saleen papalabas ng Club na napuntahan nila. Tinawagan lang nila si Mang Roman na naghihintay lang sa kanila sa parking area.

"Mang Roman, naka on ba ang camera?" Saleen asked.

Sumilip sila sa bintana ng huminto ang sasakyan sa tapat nila.

"Yes Senorita."

"Hindi niyo po ba alam kung paano i-off? Malalaman nila daddy na naglasing kami."

"Si Mazda lang ang nakakaalam kung paano i-off itong camera Senorita, siya kasi ang nagkabit nito."

"Balikan natin si Mazda." Aya niya kay Saleen. "Kesa naman parehong malaman ng magulang natin ang ginagawa nating pagliliwaliw."

"I can't walk na. Masakit na ang mga paa ko." Reklamo ng kaibigan. "Mang Roman please ikaw na lang ang maghanap kay Mazda sa loob, madali lang naman siya mahanap."

"Sige po, Senorita." Bumaba ang tsuper mula sa sasakyan at pumasok na sa Club.

Naghintay lang sila ni Saleen doon ng ilang minuto. Kapwa lasing na din talaga sila. Masarap pala talaga maging independent dahil nagagawa mo lahat ng gusto mo ng walang pumipigil sa iyo pero kahit gaano kasarap iyon ay mas pipiliin niya pa din makasama ang magulang niya kesa mag-isa siya.

Mas gugustuhin niya pa din na paminsan-minsan ay may nagpapagalit sa kanya dahil sumuway siya. Mas gusto niya pa din na nagpapaalam siya sa lahat ng gusto niyang gawin o kung saan man siya pupunta.

"Hindi niyo man lang hinintay na maka score ako bago kayo nag-aya umuwi."

"Hindi pa ba score ang pakikipaghalikan mo sa babae kanina? Nakapatong pa nga sa iyo." Sikmat niya kay Mazda na siyang nagreklamo.

"Hindi score ang tawag do'n."

"Whatever. Turn off the camera." Utos niya ngunit tinignan lang siya nito na halatang hindi nagustuhan ang pang-uutos niya.

"Who are you to boss me?"

"Saleen oh, nang-aaway si Mazda." Umabrisiete siya sa kaibigan na gegewang-gewang na kaya tuloy pati siya ay naa-out balance.

"Kayong mga babae kayo, huwag kayong uminom kung hindi niyo naman kaya. Mukhang may balak pa kayong pagbuhatin ako dahil sa kalasingan niyo."

"Hindi kami lasing baka ikaw ang lasing."

"Oh, look who's talking." Mazda walk closer to her and look at her face. "Para ng kamatis iyang mukha mo sa pula, hindi ka na din makatayo ng maayos. Iyan ba ang hindi lasing—woah!" Mabilis na lumayo ito ng umakto siyang naduduwal pero talagang naduduwal na siya.

"Turn off the camera please I wanna go home, I want to sleep!"

Walang nagawa ang lalaki kundi sundin ang gusto nila. Inalalayan din sila nitong makapasok sa loob ng sasakyan. Si Saleen ay nakatulog na habang siya ay pilit iminumulat ang mata para labanan ang antok ngunit sadyang mabibigat na ang talukap ng mata niya kaya kagaya ng kaibigan niya ay natulog na din siya ng dahil sa kalasingan.

Great, Stella Venisse!






PAPASOK na sana siya sa elevator ng mapansin sa entrance ng condominium ang dalawang pamilyar na pigura. Bahagya pa siyang kumurap upang masiguro na hindi siya nagkakamali sa nakikita, medyo nakainom na kasi siya pero gayonpaman malinaw talaga sa paningin niya si Mazda ang pinsan niya at si Stella Venisse na karga nito, bridal style na halatang walang malay.

Sinalubong niya ang mga ito. "What happened to her?"

"Nahimatay."

"What?" Tinapik-tapik niya ang namumulang pisngi ni Stella. "Hey, wake up!"

"Nabagok yata ang ulo niya kanina ng bumagsak siya sa sahig."

Lumipat ang tingin niya kay Mazda. Hindi siya sigurado kung nagbibiro ba ito o seryoso dahil mahirap basahin ang taong ito kahit pa kadugo niya ito.

"Seryoso ako, Mazda. Anong nangyari sa kanya?"

"Hmn..."

"Mazda!"

"Chill," Kusang gumalaw ang mga braso niya ng ibigay sa kanya nito si Stella. "Nasobrahan sa alak kaya 'yan, bagsak." Iyon lang at umiskapo na ito.

"Ano na naman bang sakit ng ulo ang ginawa mo?" Tanong niya sa babaeng buhat-buhat niya kahit hindi naman siya nito naririnig. Maglalakad na sana siya papasok ng elevator ng sumulpot sa tabi niya si Ether na buhat din si Saleen, tulog din. Napailing na lang siya. "Where's Aeon? Bakit ikaw ang nagbuhat kay Saleen?"

"May kasamang babae bawal istorbohin."

"I see." Inayos niya muna ang pagkakabuhat kay Stella bago tuluyang pumasok sa elevator, hindi na sila nagsabay ni Ether dahil sa ibang elevator ito sumakay.

Inilapag niya ang babae sa kama niya bago siya pumasok sa shower room para naman mawala ang pang-iinit ng katawan niya dala marahil ng alak na nainom niya kanina kasama ang blonde girl na hindi niya na maalala ang pangalan. Balak niya pa sana magtagal sa pagshoshower ng maalala si Stella. Tanging ang nakatapis lang sa bewang niyang puting tuwalya ang takip niya sa katawan ng lumabas siya.

"What the—" Dali-dali siyang lumapit kay Stella ng maabutan niya itong hinuhubad ang damit nito, actually nahubad na nito ang maiksing dress na suot nito at tanging underwear na lang ang nagtatakip sa makinis at sobrang puting kutis nito. "Fvcking stupid! Come on! Come on! Stop what you're doing, Stella Venisse Lucas!"

Tila pansamantala itong nahimasmasan ng marinig ang boses niya dahil huminto ito sa ginagawa at malamlam ang mga matang nag-angat ng tingin sa kanya.

"Baby?" And then an innocent yet seductive smiles appear on her pinkish lips as she uttered that endearment. "C-cassidy? Why are you here? I-I saw you kanina with someone—I don't know."

"Where did you see me?"

Nanatili itong nakatitig sa kanya at umangat ang kamay nito papunta sa mukha niya kaya wala sa sariling inilayo niya ang sarili dito sa isiping sasampalin siya nito. At bakit naman gagawin iyon sa kanya ni Stella?

Malungkot itong ngumiti at ibinaba na ang kamay. "May girlfriend ka na pala." Nakayuko nitong wika.

Iniiwasan niya talagang huwag tignan ang katawan nito kaya naman sa kisame na lang siya tumingin. Nasobrahan sa alak ang babaeng ito, ngayon niya lang ito nakitang nalasing.

"Hindi na bago iyon."

"Oo nga pala, lagi ka nga palang may girlfriend." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito pero nahihimigan niya ang bitterness doon. "Ayaw mo ba talaga sa'kin, Cassidy? Hindi mo ba talaga ako nakikita kahit malapit lang ako sa iyo?"

"Why are you saying that?"

"I just can't understand you. Hindi mo ba nakikita o nararamdaman man lang na gusto kita? Manhid ka ba talaga o wala ka lang pakialam pagdating sa'kin? Pagdating sa nararamdaman ko sa iyo?"

"Lasing ka lang kaya mo nasasabi iyan. Magpahinga ka na." Tumayo siya at akmang lalabas na ng silid niya ng muli na naman itong magsalita.

"Ano ba ang dapat kong gawin para ako naman 'yung magustuhan mo? Para ako naman 'yung pahalagahan mo at bigyang pansin? Hindi na ako mahihiya sa mga sasabihin ko sa iyo ngayon, totoo pala talaga na ang alak ang nagbibigay ng lakas ng loob sa isang tao para sabihin ang tunay niyang nararamdaman." Nanatili lang siyang nakatayo, patalikod dito. Hindi niya man makita ang mukha ng dalaga pero batid niyang hindi ito masaya dahil na din sa tono ng boses nito. "Mabuti pa 'yung hangin nararamdaman mo pero ako na malapit lang sa iyo, hindi."

Pumihit siya paharap dito at nakita niyang nanunubig na ang gilid ng mga mata nito at mariin na nakakagat sa ibabang labi na waring pinipigilan ang huwag humikbi at huwag tuluyang maiyak.

Gano'n na ba siya kamanhid para hindi maramdaman na gusto siya ng babaeng ito? O sadyang tama nga ito na wala siyang pakialam dito?

"Do you want something hot? I can make you a coffee." Pag-iiba niya ng usapan pero umiling lang ito. "How about a cold shower? To make you feel better."

"No, thanks."

Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan lang itong unti-unting nahiga sa kama niya patalikod sa kanya pero maya-maya lang ay nakarinig siya ng mga hikbi mula dito.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama at tinignan kung umiiyak ba ito, and yes she's crying but her eyes were close. Inayos niya ang kumot na nakapalibot dito hanggang sa mukha na lang nito ang visible sa mga mata niya. Naghihintay siya ng ilan sandali baka kasi magsalita pa ito pero hindi na, patuloy lang ito sa pag-iyak na hindi niya alam kung anong dahilan.

Parang may sariling utak ang kamay niya ng umangat iyon at pahirin ang mga luhang naglandas sa mukha ng dalaga. Wala eh, kinakain siya ng konsesya niya sa hindi maintindihang bagay.

"Did I hurt you? Am I too insensitive to ignore your feelings towards me? Am I that stupid to make you cry?" He whispered while watching her tears rolling down to her cheeks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top