24 ~ Smile

CHAPTER TWENTY FOUR

"I'LL go with you. Wala naman akong gagawin sa office." Umupo si Cassidy sa gilid ng bed habang pinagmamasdan siyang mag-impake ng mga gamit niyang dadalhin para sa seminars na pupuntahan niya. Kailangan niya pa din kasi talagang um-attend ng mga seminars para madagdagan pa ang mga kaalaman niya bilang isang doktor.

"Sino ang magbabantay kay Madeleine kung kasama kita?"

"Sila mommy." Nagkibit-balikat ito. "They love our daughter at siguradong hindi sila makakatanggi kung dadalhin natin sa bahay si Madeleine." Tinignan niya lang ito. Actually, ng malaman nitong aalis siya ay hindi na siya nito tinigilan at gusto talagang sumama sa kanya kahit wala naman itong gagawin sa pupuntahan niya. "Five days lang naman tayong mawawala."

"Hindi papayag ang anak natin."

"Are you sure?"

"Yes."

"I already told her that, pumayag naman siya."

"What?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya at inihinto ang pag-aayos ng gamit niya. "Nakausap mo na siya?"

"Yes and pumayag siya." Cassidy smile sexily. "Masosolo na kita." Napalunok siya at ngali-ngali na ipinagpatuloy ang ginagawa. Bakit ba ang galing mang-akit ng lalaking ito?

"Hindi ka pa din pwede sumama. Ayoko kitang kasama."

"Why?"

"Do you really want me to answer that?"

"Yes please."

"Because I don't want to be with you." Napansin niya ang biglaang pagkawala ng ngiti sa labi nito. "Seminars ang pupuntahan ko at hindi bakasyon. Huwag ka ng sumama, bantayan mo na lang ang anak natin dito."

"I said I want to go with you. Madeleine will be okey with my parents."

"Kung kailan ka tumanda saka ka naging makulit, ano?" Hinarap niya ito ng matapos sa ginagawa. "Wala ka naman gagawin do'n, hindi ka naman doctor."

"Babantayan kita."

"Si Madeleine ang bantayan mo, hindi ako."

"You need me there." Humiga ito sa kama nila habang nakatingin sa kanya. Nasa ilalim ng ulo nito ang dalawang braso. "Whether you like it or not, sasama ako sa iyo."

Hinilot niya ang sintido at napapikit. Wala nga si Madeleine para mangulit pero pumalit naman ang isang ito. And speaking of her daughter, nasaan na ba ang anak nila?

"Get out."

"Ayoko."

"Cassidy!"

"Come'on Stella Venisse, kahit ano pang gawin mo hindi ako papayag na hindi ako sasama sa iyo." Bumangon ito at lumapit sa kanya at bahagyang napaatras ng haplusin nito ang pisngi niya. "Understand?" Bulong nito na nakapanindig ng balahibo niya. Kinuha nito ang maleta niya. "Follow me, ihahatid natin si Madeleine sa bahay." At lumabas na ng kwarto nila.

Malalim muna siyang bumuntong hininga bago sinundan si Cassidy. Paano niya pa ba ito maiiwasan kung sa bawat pag-iwas niya ay siyang paglapit ng lalaki sa kanya?

HINDI niya mawari ang sarili kung bakit dumadagundong sa kaba ang dibdib niya habang binabaybay nila ang daan papunta sa mansion ng magulang ni Cassidy. Amber and Clarskon Forbes' Mansion.

"Why is so silent mommy?" Reklamo ni Madeleine na siyang nakaupo sa backseat, kagaya niya at ni Cassidy naka-sunglasses din ito. "Hindi na naman po ba maganda ang gising mo? Hindi ka po ba pinatulog ni daddy?"

"No baby, may iniisip lang si mommy."

"Ano po ang iniisip mo?"

"She's thinking about me." Cassidy answer. All she can do is to lifted her eyebrows to him.

"Bakit ka naman po iisipin ni mommy?"

"Ask her sweetheart."

"Hindi ikaw ang iniisip ko Cassidy." Malamig ang boses niya kasing lamig ng aircon sa loob ng sasakyan. Ganyan 'yang mag-ama niya, hindi mabubuhay ng hindi malakas ang aircon. "Huwag kang assuming." She murmured.

"Galit na naman si mommy."

"Hindi ako galit anak. Don't mind me, okey? Be a good girl to your grandmommy and granddaddy kapag nando'n ka na."

"Behave po ako sa mansion nila daddy. Sobrang big nga po, I might lose my way back to my room kapag nag-tour po ako sa house nila ng mag-isa. Dapat po may kasama. Di ba, daddy?"

"Yes anak, if you want to see the whole mansion you can tell it to your grandma and grandpa, I'm sure sasamahan ka pa nila."

"How about Tita Charlton? Sasama po ba siya sa akin kahit big na ang tummy niya?"

"I don't think Charlton would like that, mas gusto niya magpahinga sweetheart kasi malapit ng lumabas ang baby sa tummy niya."

"Si mommy po ba kailan magiging big ang tummy? Kailan po magkakaroon ng baby sa tiyan niya?" Namula siya bigla sa inosenteng tanong na iyon ng anak at mas lalo siyang pinamulahan ng mukha ng sulyapan siya ni Cassidy ng nakangisi. Hindi man niya makita ang mata nito dahil sa suot na sunglasses pero batid niyang kumikislap iyon sa kapilyuhan.

"Pagbalik namin sigurado akong magkakaro'n na ng baby sa tummy ng mommy mo."

"Cassidy!" Sita niya kahit pa nag-iinit na ang pisngi niya sa hiya.

"Talaga po?" Tumili si Madeleine. "Yey! May baby na din kami! Gusto ko na po ng baby!"

"Daddy's working on it." Patuloy lang si Cassidy sa pakikipag-usap sa anak nila. "Kaya dapat good girl ka lang ha? Huwag mo agad kaming hanapin ng mommy mo."

"Opo daddy. Good girl po ako."

"Anak, huwag kang makinig diyan sa daddy mo. He's just playing with you."

"Daddy... Is that true?"

"I'm dead serious. And no, I am not playing with you sweetheart."

"Yey!" Bumalik na naman ang saya ng anak niya.

Tinignan niya ng masama si Cassidy kahit pa hindi naman ito sa kanya nakatingin kundi sa daan. At kahit pa walang silbi ang tingin niya dahil naka sunglasses din siya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani at hindi niya na namalayan na nakarating na pala sila sa mansion ng pamilya nito.

"Were here." Inihinto ni Cassidy ang sasakyan sa garahe at bumaba upang pagbuksan silang mag-ina.

Nawala na 'yung kaba niya kanina pero bumalik na naman sa katotohanan na makikita niya na ulit ang magulang ng lalaking minahal niya. Hindi kasi siya nakasama ng unang makita ng magulang ni Cassidy si Madeleine dahil na din sa sobrang busy niya sa Hospital.

"Nandito ba si Charlton?" She ask.

"Wala. Magkasama sila ni Ryxer." Kinuha nito sa compartment ang maleta ni Madeleine. "Let's go, kanina pa naghihintay sa'tin sila mommy." Hahawakan sana nito ang kamay niya ng umiwas siya.

"Ah, eh, okey lang ba sa kanila?" Nag-aalangan na tanong niya. "Hindi ba sila nagtanong sa iyo kung bakit ngayon mo lang nalaman 'yung tungkol kay Madeleine?"

"Magtatalk lang po ba kayo diyan?" Nagbaba sila ng tingin sa anak nila na nakatingala sa kanila. "Gusto ko na po kasing pumasok sa mansion."

"Go on baby, mauna ka na." Si Cassidy ang sumagot.

"Okey po." At nagmamadali ng pumasok si Madeleine sa main door ng mansion.

"Okey let's go back to you and to your questions." Hinarap siya ni Cassidy. "They asked me, yes, and I answered them. Wala kang dapat ipag-alala Stella, tanggap na tanggap ka nila mommy at si Madeleine."

"Talaga?" Paninigurado niya.

"Yes, besides ako naman ang may kasalanan ng lahat. Kaya kung may sisisihin man, ako dapat iyon."

"Buti alam mo."

"Of course, kya nga gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa kong mali sa iyo."

"Tara na nga." Pag-iiba niya ng usapan at naglakad na din papasok sa mansion. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.

"Stella, hija, I am happy to see you again." Nahihiya na napayakap din siya sa mommy ni Cassidy ng salubingin siya nito ng yakap.

"Masaya din po ako na makita ko ulit kayo ni Tito Clarkson." Bumaling siya sa gwapong lalaking katabi nito.

"Welcome home Stella Venisse." The man smile at her and the woman as well.

"Tama nga ang anak ko, sobrang laki ng ipinagbago mo pero hija mas lalo kang gumanda."

"Thank you po." Nahihiya pa din talaga siya.

"Pretty din po ba ako grandmommy?" At ang anak niya hindi din talaga nagpapatalo.

"Yes apo, you are so pretty."

"Ikaw nga din po grandmommy sobrang pretty niyo din po." Natawa si Tita Amber sa turan ng anak niya. "Si granddaddy naman po ay handsome din katulad ng daddy ko."

"Thank you sweetie. Nagmana sa akin 'yang daddy mo."

"I know dad." Cassidy answered. "Anyway, we have to go baka ma-late kami sa flight namin."

"So, pumayag na si Stella na isama ka?"

"Hindi nga po ako pumayag pero mapilit po itong anak niyo." Inirapan niya si Cassidy bago yumukod at halikan si Madeleine sa noo. "Behave ka dito anak ha?"

"Lagi po akong behave mom."

"Good girl." Bumaling siya sa mag-asawang Forbes. "Alis na po kami."

"Have a safe trip."

"Thanks mom, dad. Kayo na po muna ang bahala sa anak namin." Humalik muna si Cassidy sa mommy nito at kay Madeleine bago sila tuluyang lumabas ng mansion.

"Ayaw mo talagang magpapigil?" Tanong niya habang papasok sa sasakyan.

"Hindi mo na ko mapipigilan Stella Venisse. Wala ng makakapigil pa sa akin."

"Much better if you stay here and spend your time to Madeleine."

"I am thinking about that too but what I want right now is to be with you. I'm sure our daughter would understand me and my reasons why I choose to be here..." He looks at her, directly into her eyes. "...with you, baby." Hearing those words from him makes her heart beat so fast.

Wala man lang pag-aalinlangan siyang nakikita sa mukha nito at nasasabi nito ng harap-harapan ang anomang gusto nito sabihin sa kanya.

TINIGNAN niya si Cassidy ng marinig niya ang malakas nitong pagbuntong hininga pero muli din ibinalik ang tingin sa laptop niya ng tignan din siya nito. Nasa loob lang sila ng Hotel room niya at nagreresearch about her incoming seminar tomorrow ng bisitahin siya ng lalaki.

"Can you stop what you were doing and go with me?"

"No,"

"Hindi ba sumasakit iyang mata mo? Ilang oras ka ng nakatutok diyan." Batid niyang inip na inip na ito sa buhay nito dahil kanina pa itong umaga na nakabantay lang sa kanya.

Kagabi pa kasi sila dumating sa Hotel. Mainam nga dahil magkaiba sila ng kwarto pero magkatabi lang ang pinto nila.

"I told you na huwag ka ng sumama dahil sigurado akong maiinip ka lang dito kaso mapilit ka."

"I am not bored, I just want to go outside with you and without that laptop." Tinuro nito ang bagay na iyon at parang gusto ng sirain kaya naman inilayo niya sa kanya iyon at hinarap ang gwapong lalaki sa gilid niya. Handa na sana siyang batuhin ito ng mga words of wisdom niya ng ngitian siya nito na halos magpatunaw sa kanya. Darn. "So... Are we going out now?"

Ano ba naman itong lalaking ito? Bakit ang ganda ngumiti?

"Yes, nagugutom na din naman ako."

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Kinapa nito ang tiyan niya at hindi na siya nakapag-react pa. Saglit lang naman iyon pero naghatid agad iyon ng kakaibang kiliti sa kaibuturan niya. "Halika na nga, kumain na tayo." Hinawakan nito ang kamay niya palabas sa kwarto.

"Bakit dito?" Maang na tanong niya ng dalhin siya ni Cassidy sa floating cottage.

"Because I like the view. Don't you like it here?"

"H-hindi, maganda dito." Inilibot niya ang paningin sa buong Isla. Totoong maganda at nakakapnibago pero ang hindi siya sanay ay 'yung makasama si Cassidy sa gano'ng sitwasyon. Pakiramdam niya nagdidate sila.

"Parang ikaw..." Muli ay hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. Hinalikan iyon habang nakatitig sa mga mata niya.

"C-cassidy..."

"Yes baby?"

"N-nandito na 'yung orders natin." Nahihiya na iniwas niya ang kamay sa lalaki at pilit na ngumiti sa waitress at waiter na may dala ng pagkain nila. "Thank you." Aniya sa dalawa.

"You're welcome, Madam." Tumingin ang waitress kay Cassidy ngunit ni isang sulyap ay hindi man lang iyon binigyan ng lalaki.

"Bakit ka ganyan?" Sita niya dito ng makaalis 'yung dalawa.

"What's wrong?"

"Nginingitian ka ng waitress kanina hindi mo man lang sinulyapan."

"Oh that?" Wala lang na sabi nito. "Hindi naman lahat ng oras ay ngingitian natin ang mga taong nagpapacute sa atin, unless its you who smiles at me." Then a panty dropping smile stretched his lips. "Understand, baby?" Wala sa sariling napatango na lang siya sa nakakahipnotismong mga ngiti nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top