19 ~ Birthday Wish
CHAPTER NINETEEN
TININGALA niya ang tatlong palapag ng magarang bahay na nasa tapat nila sa mga sandaling iyon. Ilan taon din ang lumipas ng huli niyang nakita iyon kaya hindi na nakapagtataka kung magmadali man siyang pumasok doon habang hawak ang isang kamay ni Madeleine.
"Mom? Dad?" Tawag niya sa magulang ng makapasok siya. Masyadong malaki ang bahay nila para sa dalawang tao. Mas maganda siguro kung dagdagan nila ng anak ang nakatira do'n. "Mom, I'm here!"
"You don't need to shout mommy." Nagbaba siya ng tingin kay Madeleine. Nakasukbit pa sa likod nito ang kulay pink na backpack na ang laman naman ay milk bottle nito.
"Para marinig nila agad na nandito na tayo, anak. Gusto ko na silang makita at mayakap."
"There." Sinundan niya kung saan nakaturo ang hintuturo nito. "You are free to hug them now, I'll just wait here."
Nangingislap ang mata niya ng makita ang magulang na papunta sa gawi nila, galing sa likod ng bahay nila kung nasaan ang swimming pool.
"Mom! Dad!" Sinalubong niya ang mga ito at niyakap ng mahigpit. Para siyang bumalik sa pagkabata na nananabik sa kalinga ng magulang. "Miss na miss ko kayo, sobra."
"Namiss ka din namin, anak. Salamat naman at naisipan mong umuwi na." Boses iyon ng mommy niya na hinahaplos ang buhok niya like what she always did with Madeleine.
Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag alam mong nandyan lang 'yung magulang mo lagi sa tabi mo... Inaalagaan at pinapahalagahan.
"Akala ko ilan taon pa ang hihintayin namin bago ka ulit magpakita, Stella. I'm happy to see you baby. Finally, you're here."
"Masaya din akong makita kayo dad kaya nga po umuwi na ko—kami." Sabay lingon kay Madeleine na prente ng nakaupo sa mahabang sofa at ng makita siya nitong nakitingin dito ay matamis na ngumiti sa kanya. "Kami ng anak ko."
Nagtataka man ang magulang sa huli niyang sinabi nagawa pa din ng mga ito sundan kung saan siya nakatingin.
"Hello po!" Kumaway pa ang anak niya sa lolo't Lola nito. "Madeleine po ang pangalan ko, three na po ako." Itinaas pa nito ang tatlong daliri. "Malapit na po akong mag four pero nagmimilk pa din ako." Kinuha nito sa bag ang bottled milk at ipinakita sa magulang niya tapos ay humikab na ikinatawa nilang tatlo.
"She's sleepy." Naisatinig niya at tumingin sa daddy at mommy niya. Maaliwalas ang mukha ng dalawa habang nakatingin sa anak niya na dumidede na.
"Stella Venisse."
"Yes dad?"
"Anak mo ba talaga si Madeleine?"
"Dad—"
"Don't worry, anak, hindi ako galit." Ngumiti sa kanya ang ama.
"Anak ko siya dad, sa akin siya galing. Alam kong mali dahil itinago ko siya sa inyo pero wala na po kasi akong maisip na iba pang paraan para hindi po kayo ma-dissapoint sa akin at sa nangyari sa akin." Napayuko siya. "Pero hindi ko po pinagsisisihan lahat ng iyon kasi madami po akong natutunan at si Madeline..." Muli ay sinulyapan niya ang anak na mukhang antok na antok na talaga dahil ang sarap na ng sandal nito sa sofa. "Si Madeleine po ang dahilan kung bakit nalagpasan ko lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko. Siya po ang nagsilbing lakas ko nung panahon na hinang-hina na ako, nung panahon na mas pinili kong sarilihin lahat dahil ayokong bigyan kayo ng problema dito."
"Anak..."
"Dad, mom, hayaan niyo po muna akong magpaliwanag. Nakikiusap po ako."
Naiintindihan na tumango ang magulang niya kaya nagpatuloy siya.
"Alam ko pong kahit kailan hindi naging kasalanan o pagkakamali ang magmahal. Ang pagkakamali ko po ay ng ibigay ko agad ang sarili ko sa taong mahal ko kaya po nangyari ang lahat ng ito pero inuulit ko po, ni minsan hindi ko sinisi si Madeleine. Mahal na mahal ko po ang anak ko higit pa sa pagmamahal na hindi ko akalain na kaya ko palang ibigay."
Wala na nga yatang mas dadaig pa sa pagmamahal ng isang magulang sa anak.
"I am proud you." Her dad suddenly said. "We are proud of you." She smile at them. "Do you mind if I ask who is the father?" At doon siya bahagyang nawalan ng imik.
Pagkatapos kasi sila ihatid ni Cassidy sa bahay nila ay nagpaalam din ito agad dahil may emergency lang daw na kailangan ang presensya nito.
"Dad, I don't want to talk about him right now. Masisira lang ang araw ko."
"Okey, papalagpasin ko iyan ngayon."
"Masuwerte pa din naman po ako kahit pa gano'n ang ginawa niya sa akin."
"Right. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon umayos ang buhay sa kabila ng mga pagsubok. Ikaw, nalagpasan mo lahat iyon without asking for help and for our guidance. Kung sinoman ang lalaking iyon sigurado akong pinagsisihan niya kung anoman ang nagawa niya sa iyo."
Dapat lang naman na magsisi si Cassidy. Dapat malaman nito lahat ng maling desisyon na ginawa nito.
"Let's talk about it some other time, okey lang ba sa inyo? 'Yung apo ko kasi natutulog na sa sofa." Natatawa na untag sa kanila ng mommy niya na nakatingin kay Madeleine na nakapikit na, natawa na din tuloy siya.
Naglakad siya papunta sa anak at maingat na binuhat papunta sa kwarto niyang alam niya na laging pinapalinisan ng magulang.
Welcome home, Stella Venisse.
"WHAT are you doing here?" Nakaangat ang isang kilay na tanong sa kanya ni Stella. Kapapasok niya lang sa sala ng pamilya Lucas at tiyempo naman na ang babae ang nadatnan niya agad.
"Visiting you and Madeleine. Where is she?"
"You are not welcome here."
"Come on Stella, kahit anong gawin mong pagtataboy sa akin hindi ako titigil na suyuin ka."
"Ako ba talaga ang sinusuyo mo?"
"Well..." Napaisip siya bigla. Sinusuyo niya ba si Stella? Ano nga ba talaga ang pakay niya kung bakit nandoon siya sa bahay na iyon?
"See? Hindi ka makasagot ng maayos." Sabay tinalikuran siya at naglakad paakyat ng hagdan.
"Stella Venisse!" Tawag niya ngunit hindi na siya nito nilingon.
"Hayaan mo muna ang anak ko, Cassidy. Hindi niya pa nakakalimutan ang ginawa mo."
"Ninang Elisse." Tumayo siya at humalik sa pisngi ng ginang. "Alam niyo na po?"
Tumango ito. "Yes." Tumingin ito kung saang kwarto pumasok si Stella. "Hindi man niya sabihin ang tungkol sa iyo, alam na namin iyon. Alam namin na mga bata pa lang kayo gusto ka na niya. Akala namin ni Steven magbabago pa iyon feelings niya sa iyo pero nung nagdalaga siya lalong lumalim iyon." Ngumiti ang ginang sa kanya pero ang ngiting iyon ay may kalakip na panghihinayang na hindi niya maintindihan. "But you're too busy to notice her."
Was it right?
"Hindi ko po alam or maybe I know pero hindi ko lang pinapansin." Nanghihina na napaupo ulit siya sa sofa. "Sabi niya masyado daw akong insensitive and I think she's right, dahil kung hindi, hindi ko sana siya nasaktan." Mapait siyang ngumiti. "I treat her so bad, hindi ko man lang inisip na nasasaktan ko na pala siya. Napaka wala ko po pala talagang kwenta. She don't deserve me. No one deserves someone like me."
May pagkakataon pala talagang babalik at babalik sa balintanaw mo 'yung mga panahon na may sinasaktan kang tao. At ngayon pakiramdam niya, siya naman 'yung nasasaktan dahil sa ginawa niya sa babaeng walang ibang ginawa kundi patuloy siyang mahalin sa kabila ng hindi niya pagpansin dito.
"Kung maaga ko lang nalaman ang nangyari sa inyo siguro hindi na aabot pa na hindi siya magpapakita sa amin ng ilang taon. Kasi kahit anong pagkakamali ang gawin niya, tatanggapin at tatanggapin pa din namin siya kasi... Anak namin siya, eh. Mahal na mahal namin si Stella. Ilan taon kaming nagtiis na sundin at intindihan 'yung gusto niya na hindi umuwi, iniisip namin siguro may iba pang mabigat na dahilan kung bakit ni pagbisita ay hindi niya magawa."
Tumingin ito sa labas kung saan hindi kalayuan ay nakikita nila si Madeleine sa swimming pool na nagtatampisaw, naka swimsuit pa talaga ang anak niya kasama ang isa sa kasambahay ng pamilya Lucas. "Iyon pala ay may itinatago siya."
"Si Madeleine." Wala sa sariling sabi niya.
"Yes, itinago niya si Madeleine sa amin, sa mga kaibigan niyo at sa iyo. Alam mo ba kung bakit?"
Malalim muna siyang bumuntong hininga bago sumagot.
"Iniisip niya na kahihiyan 'yung ginawa niya. Nagkaanak siya, itinaguyod niya mag-isa, nagpakahirap mabigayan lang ng magandang buhay ang anak niya habang ako..."
Animo pinipiga ang puso niya dahil harap-harapan na naman isinasampal sa kanya lahat ng pagkakamaling nagawa niya.
"Habang ako nagpapakasaya, malayang nagagawa ang lahat, walang responsibilidad, walang iniisip kundi ang pagpapakasarap sa buhay." He smile bitterly at himself.
"Hindi na po ako umaasa na isang araw mapapatawad ako ni Stella kasi po kahit ang sarili ko mismo ay hindi ko kayang mapatawad. Nasasaktan po ako tuwing nakikita ko silang dalawa, nasasaktan ako sa katotohanan na masaya sila kahit wala ako sa buhay nila. Ako po ang tatay ni Madeleine pero ni minsan sa buhay ko hindi ko po naramdaman na tatay ako. Kasi ang ama hindi dapat nagpapabaya, hindi dapat nang-iiwan, hindi dapat nang-aabandona pero iyon po 'yung ginawa ko. Tinatanong ko lagi 'yung sarili ko kung karapat-dapat ba akong maging ama ni Madeleine?"
Does he deserve to be called 'Daddy'?
"Sa totoo lang nagalit ako sa iyo Cassidy." Napatango na lang siya sabay napayuko at pinagsiklop ang mga daliri niya.
"Sino po bang hindi magagalit sa ginawa ko?"
"Bilang magulang ayokong nasasaktan 'yung anak ko, di ba nga kahit kagat ng lamok ayaw padapuan? Iyon pa kayang makita mo siyang umiiyak at nasasaktan dahil sa lalaking mahal niya?"
Mariin siyang napapikit ng marinig ang malungkot na boses ng ninang Elisse niya.
"Hindi biro ang maging babae. Sa totoo lang mas lamang 'yung sakit na nararamdaman namin lalo na kapag pisikal ang pag-uusapan. When losing virginity, mas mauunang nararamdaman 'yung sakit, when we get pregnant marami ding bagay ang pinagdadaanan namin, siyam na buwan dadalhin namin 'yung bata sasinapupunan namin. You know what's really hard?"
"Giving birth."
"Yes, kaya kahit na gano'n ang nangyari sa anak ko at gano'n ang ginawa mo sa kanya... Proud na proud pa din kami ng daddy niya kasi kinaya niya lahat ng dumaan na pagsubok sa buhay niya. At kung malamig man ang trato niya sa iyo, deserve mo iyon." Tinapik nito ang balikat niya. "Puntahan mo na si Madeleine kanina ka pa hinihintay niyan."
"Thank you, Ninang." Ngumiti lang ito bago umalis sa harap niya. Siya naman ay pinuntahan ang anak niya sa pool.
"D-dad?" Tawag sa kanya ni Madeleine ng mapansin ang presensya niya. "Daddy! Daddy!" Nagmamadali itong umahon sa pool at sinalubong siya ng yakap. He doesn't mind kung nabasa man siya dahil basang-basa ang anak niya. Masarap sa pakiramdam na mayakap ito.
"Missed me?"
"Who wouldn't? Its been three days since the last time I saw you." Humiwalay ito ng yakap. "What makes you busy?"
"Work and I am doing something."
"What is that something daddy?"
Kinuha niya muna ang towel at robe na ibinigay ng nag-aalaga sa anak niya at siya na mismo ang nagpunas dito. "Its a surprise baby, I'm sorry but I can't tell it to you."
"Well, people around me use to hide me, and hide something from me." Nagkibit-balikat pa ito. "Even my own father were hiding something."
"Baby, isn't about hiding from you. Its a surprise, and if I tell it to you... it wouldn't be surprise anymore." Inayos niya ang buhok nito pagkatapos niyang ipasuot dito ang pink robe nito.
"Surprise?"
"Yea," He smile at her.
"Surprise mo po sa akin?" Hindi siya nagsalita kaya naman kinulit siya nito. "May surprise ka sa'kin daddy?"
"Anak, huwag muna natin pag-usapan iyan. Pwede ba?"
"Hmn..."
"I have something to tell."
"What is it?"
"Let's go to Mall." Nakita niya ang pagkinang ng mata nito at pagkurap-kurap. Mahahaba at nakapilantik ang mga pilikmata ni Madeleine na parang doll.
"Shopping?"
"Exactly."
Napatalon ito sa tuwa at tumili. Kung ibang bata siguro ang tumitili ay siguradong maiinis siya pero pagdating kay Madeleine hindi niya yata kayang magalit o mainis man lang sa anak.
"Let's go dad! Magbibihis po muna ako isama din natin si mommy I'm sure matutuwa siya."
"Kung gusto niya, why not?" Kinarga niya ito at hinalikan sa noo. "Ikaw ang mag-aya sa mommy mo para hindi siya maka-hindi. Wala na siyang kawala."
"Because she can't say 'No' to me."
"I know, I know."
Paakyat na sana sila sa hagdan ng masalubong nila ang Ninong Steven niya na masama ang pagkakatingin sa kanya. Trouble.
"Granddaddy!" Inilapit niya ang anak sa lolo nito upang halikan sa pisngi.
"Good morning Maddie baby." Nakangiting bati ng Ninong Steven niya pero ng bumaling sa kanya bumalik ang seryosong aura nito. "Let's talk."
"Pwede po next time na lang kayo mag-talk ng daddy ko? Aalis po kasi kami, kasama namin ang mommy ko. Is that okey to you granddaddy?" Nagpacute pa ang anak niya.
"You really know how to change my mind, little girl." Hinawi nito ang iilang hibla ng buhok ni Madeleine. "Mag-iingat kayo ng mommy mo."
"Opo."
Magalang na nag-excuse siya dito upang makaakyat na ng tuluyan sa hagdan.
"Cassidy." Napahinto siya ng tawagin siya ng isa sa pinaka tanyag na doctor sa bansa none other than Dr. Steven Drew Lucas himself. "We aren't finished yet." Iyon lang at narinig niya na ang papalayong yabag nito.
Handa naman siya kung anuman ang sabihin sa kanya ng ninong Steven niya, sinaktan niya ang nag-iisang anak nito kaya dapat lang siguro na harapin niya ang galit ng isang ama. Malalim lang siyang bumuntong hininga bago tuluyang naglakad.
"Mommy, please open the door. Papasok po kami ni daddy. Aalis po tayo." Kumatok pa si Madeleine sa pinto ng kwarto ng mga ito. "Nilalamig na po ako." Reklamo pa nito at tumingin sa kanya. "Ang tagal naman niya."
Bakit kasi naka lock ang pinto?
"Siguro naliligo? What do you think?"
"Hmn, maybe. Excited din po si mommy?" Natawa na lang siya sa anak. "Please open the—'yon nag open din."
"Ang ingay mo naman anak."
"Kasi mommy ang tagal mong buksan 'yung door."
"Halika na nga, papaliguan na kita."
"After that aalis na po tayo." At doon nagsalubong ang kilay ng magandang babae sa harap nila.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Sa Mall po." Bumaling ang anak sa kanya. "Di ba daddy?"
"Yes."
"No, hindi tayo aalis. Hindi ka aalis."
"Ay si mommy kj."
"Anak..."
"Gusto ko na po magbihis para makaalis na tayo. Excited na po akong mag shopping. "
"Okey, okey, pumasok na tayo baka magkasakit ka pa." Bahagyang itinaas ni Stella ang dalawang kamay nito upang kunin sa kanya si Madeleine.
"Pwede po bang pumasok si daddy sa loob ng room natin?"
"No need baby."
"Baka po kasi umalis na lang siya bigla."
"Hindi ako aalis, Madeleine. I can wait here." Aniya. "Sige na magbihis ka na. Huwag mo ng pahirapan ang mommy mo." Ibinigay niya kay Stella ang anak at hindi sinasadya na magdampi ang braso nilang dalawa kasabay niyon ay ang pagdaloy ng kung anong maliliit na boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan.
Totoo ba talaga iyon? O guni-guni niya lang dahil napansin niyang napaiwas din agad sa kanya si Stella Venisse sabay irap sa kanya bago siya pagsarahan ng pinto. Beautiful.
"BAKIT po hindi kayo nag-uusap? Hindi niyo po ba gusto dito?" Maang na tanong sa kanila ni Madeleine.
Nasa isang sikat na restaurant sila sa loob mismo ng Mall na pagmamay-ari ng pamilya Forbes. Katatapos lang nila mag shopping at ang magaling niyang anak may balak yatang magtayo din ng Mall sa dami nitong pinamili.
"Were silently talking baby." Si Cassidy ang sumagot. "Malapit na ang birthday mo di ba?"
"Opo."
"Where do you like to celebrate your birthday?"
"Seeing you and mommy in good conditions were enough." Simple lang ang sagot ng anak niya pero tinamaan siya. "That's very simple, bakit po hindi niyo magawa?"
"Iyon ba ang birthday wish mo, anak?" She asked.
"That's one of my birthday wish. I have my wish list mommy. Madami po akong wish."
"Ano pa ang wish mo? We will grant your wish. Kahit ano gagawin namin para sayo anak, sabihin mo lang." Pasimple niyang pinandilatan si Cassidy dahil kung magtanong ito akala mo kaya nito tuparin o ibigay ano man ang hilingin ng anak nila.
"Talaga? Kahit ano po?"
"Anything you want."
"Hmn..." Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila si Madeleine. Hindi niya mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng anak niya. "Gusto ko po mag-kasal na kayong dalawa." Muntik niya ng maibuga ang ininom na juice habang si Cassidy naman ay tila nabilaukan dahil kumakain ito.
"W-what?"
"Ang wish ko po sa birthday ko sana mag-kasal na kayo ni daddy para happy and complete na po ang family natin."
"K-kasal??"
"Kasal??" Halos sabay na patanong nila ni Cassidy kay Madeleine.
"Yes po, gusto ko po na mag-kasal na kayo. Ikaw mommy..." Itinuro siya ni Madeleine. "At ikaw daddy..." Itinuro naman nito ang daddy nito. "Will get married as soon as possible. Please?" Pinagsiklop pa nito ang dalawang kamay at nagpacute sa kanila.
Wala sa sariling napatingin siya kay Cassidy only to find out that the man is grinning at her. Oh no!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top