14 ~ Realization
CHAPTER FOURTEEN
"KUYA? Saan ka pupunta?" Pababa na siya sa hagdan ng bahay nila ng marinig niya ang boses na iyon ni Charlton. Nasa itaas ito, kumakain ng Sampaloc. "Bakasyon?"
"Ah yes."
"Saan?"
"Somewhere." He lied. Lilipad siya papuntang Amerika para makita si Madeleine at si Stella. Naibigay na kasi sa kanya ang eksaktong address ng dalawa kaya hindi na siya nagsayang pa ng oras at nagplano agad na puntahan ang mga ito. "Anyway, nasaan si dad?"
"Kaaalis lang ng daddy mo kaninang umaga papuntang Singapore, Cassidy. Why? May kailangan ka ba sa kanya?" Tinignan niya ang mommy niya na kapapasok lang sa mala mansion nilang bahay. Nagdilig na naman siguro ito ng mga halaman.
"I am planning to borrow his private plane, mom. Magpapaalam lang sana ako sa kanya."
"Gamit ni daddy!" Pababa na ng hagdan si Charlton.
"Yes anak, ginamit ng daddy mo. Sana sinabi mo agad kagabi para nagsabay na sana kayo. Saan ka ba pupunta? Business trip?"
"Short vacation mom." Wala na siyang choice kundi bumili ng ticket dahil gustung-gusto niya ng makita ang dalawa, hindi na siya makapaghintay.
"Gamitin mo na lang 'yung chopper mo Kuya."
"Masyadong malayo ang pupuntahan ko, Charlton. I'm fine now, I will just ask my secretary to buy me a ticket." Humalik siya sa pisngi ng kapatid at ng mommy niya bago umalis.
Mukhang kailangan niya ng bumili ng private plane. Kung bakit ba kasi sa mga sports car nakatuon halos lahat ng atensyon niya hindi niya naisip na hindi niya magagamit ang mga iyon sa himpapawid. Tatawagan niya na sana ang secretary niya ng biglang pumasok sa niya ang kaibigan na may private plane.
He dialed Von Ether's number.
"Hey! Man!" Bati ng kaibigan ng sagutin ang tawag niya. "Napatawag ka?"
"Hey, can I use your private plane?"
"Sure pero saan ba ang punta mo?"
"Somewhere."
"If you don't tell where you go I won't let you use my private plane." At may kundisyon pa ang isang ito.
"North Carolina."
"North Carolina?" Ulit nito bago umingay ng bahagya sa kabilang linya at may narinig siyang mga komosyon na hindi niya maintindihan.
"Yeah."
"Anong gagawin mo do'n?"
"Business trip."
"Oh stop that Cassidy, you can't fool me."
Malalim siyang napabuntong hininga. Sasabihin niya na lang tutal naman malalaman din ng lahat na may anak na siya... May anak sila ni Stella Venisse.
"I will go and see my d-daughter."
"Your daughter?" Hindi naman mukhang nabigla si Ether sa sinabi niya. Normal pa din ang boses nito.
"Yes,"
"Oh well, hindi na ako magtataka kung magkaanak ka man, Cassidy."
"Hey, hey, isa lang ang a-anak ko." Hindi pa din pala siya sanay banggitin ang salitang 'Anak' bago pa sa kanya iyon. "Isa lang."
"And who's the lucky woman?" Swerte ba si Stella Venisse sa kanya? No!
"You'll know soon."
"Alright. You can use my plane now."
"Thanks, man."
"No problem." And the line was cut off.
Tinignan niya muna sa iPhone niya ang address na ibinigay ni McLaren bago pinaandar ang sasakyan papunta kung nasaan ang private plane na gagamitin niya.
IBINABA siya ng driver ng private car na ni-rent niya sa Hotel na tinuluyan niya sa isang mataas na condominium kung saan muli niya ng makikita si Stella at kung saan makikilala niya na ang anak niyang si Madeleine.
Pumasok siya sa gusaling iyon at sumakay sa elevator. Pinindot niya ang pang-siyam na palapag. May mga Amerikano at Pilipino siyang nakakasabay sa loob pero wala naman doon ang atensyon niya kundi nasa mga numero sa tapat niya. At ng bumukas ang pinto sa ika-siyam na palapag ay lumabas siya agad. 9th Floor-Room #5.
Kakabakaba ang dibdib niya ng makatapat sa Room #5. Huminga muna siya ng malalim bago pinindot anh doorbell ngunit nakailan beses na niyang ginawa iyon pero wala pa ding lumabas.
"Sir, kayo ho ba ang bagong titira sa room na iyan?" Nilingon niya ang Pinay na lumabas mula sa katabing unit.
"No, no. May bibisitahin lang ako." At muling nag doorbell. Hindi siya mahilig makipag-usap sa hindi niya kilala eh.
"Wala ng nakatira diyan."
"What?"
"Sino ho ba ang hinahanap niyo? Kung si Dra. Venisse at ang anak niya ang bibisitahin niyo nahuli ka na ng dating."
"B-bakit?"
"Kaaalis lang nila diyan kahapon. Sige ho maiwan ko na kayo."
"Wait, wait." Habol niya sa babae. "Nasaan sila? Bakit sila umalis?"
"Hindi ko na ho masasagot iyan. Pasensya na." At tuluyan na itong pumasok sa unit nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa pinto na kanina niya pa hinihintay bumukas. Pero paano bubukas iyon kung wala naman pa lang nakatira? Galit na kinuha niya ang cellphone and dialed McLaren's number all the way from Philippines.
"McLaren."
"Yes? Speaking."
"Where the hell is Venisse and my daughter?"
"Really Kuya C? Ibinigay ko na sa iyo ang address nila hindi ba?"
"I am here pero wala na sila!"
"Oh-oh..." Sumipol pa ito sa kabilang linya na mas lalong nakadagdag ng inis niya. Pinatay niya na lang ang tawag at nagpasya ng bumalik sa Hotel na tinutuluyan niya.
"Damn it! Damn it!" Halos mabasag na lahat ng babasaging bagay sa loob ng kwarto niya sa sobrang frustration na nararamdaman.
Nag-effort siyang pumunta eh, ang layo ng nilakbay niya, nagsayang siya ng limpak limpak na pera pero hindi big deal sa kanya ang pera kundi 'yung effort na ginawa niya makita lang ang mag-ina niya pero nauwi sa wala ang lahat at hindi kayang tanggapin ng sistema niya iyon. Hindi siya sanay na nababalewala ang effort na ibinibigay niya.
Makikita din kita Stella Venisse, makikita ko din kayo ng anak ko-anak natin.
"YOU'RE DRUNK." Mazda smirk at him.
Hindi niya pa din gusto ang angkin na angas ng pinsan niya pero kailangan niya itong kausapin dahil alam niyang may alam ito kung nasaan ang mag-ina niya. Nasa Red Scorpion Club sila at sinadya niyang hanapin si Mazda.
"I want to talk to you."
"I don't want to talk to you. Back off."
"I don't do anything against you pero baki ang init lagi ng dugo mo sa'kin?" Natatawang wika niya, nakainom na nga talaga siya. Napansin niya na talaga iyon kahit noon pa. Malayo ang loob sa kanya ni Mazda.
"I don't talk to drunk people, Cassidy. I know you understand that." Nagpatuloy lang ito sa pag-iinom.
"I need your help." Hindi siya 'yung taong mahilig manghingi ng tulong dahil nga halos nasa kanya na lahat pero para sa anak niya gagawin niya na lang makita lang ito. "I can pay if you like just help me."
"Hindi lahat nadadaan sa pera, isaksak mo sa utak mo iyan." At sa unang pagkakataon ay sinulyapan siya nito and again smirk at him telling him na hindi niya ito mabibili na kahit na sa magkanong halaga.
"I want to see my daughter." Panimula niya ngunit tila wala naman itong pakialam pero nagpatuloy pa din siya. "McLaren told me that you're the one who can help me with that. Wala akong idea kung bakit ikaw ang itinuro niyang makakatulong sa akin not until I remember the day you punched me after Stella talked to me, that was four years ago if I'm not mistaken."
Mapait siyang ngumiti ng maalala ang araw na iyon. 'Yung umiiyak sa harap niya si Stella pero nanatili siyang bato at walang pakialam. Gano'n katigas ang puso niya?
Sinimsim niya ang alak sa baso at mariin na napapikit ng gumuhit sa lalamunan niya pababa sa dibdib niya ang init ng alak na iyon.
"And after that day, nabalitaan ko na lang na umalis na siya. Wala akong ginawang hakbang para hanapin siya kasi pakiramdam ko noon nakawala ako sa kanya, I want my own freedom. I dont like responsibilities." That's true. Pero noon iyon, pero iba na siya ngayon. Mas matured na siya mag-isip at may paninindigan na, meron na nga ba? "Nabuhay ako ng ilang taon na walang Stella Venisse na makulit at harap-harapan na sasabihin na mahal niya ako. Sa isang banda may parte ng pagkatao ko na masaya akong malaman na mahal niya ako pero mas nangibabaw 'yung parte na hindi ko priority ang 'Pagmamahal' kaya mas pinili kong iwasan siya kahit alam kong nasasaktan siya." And he felt like he's hurting too right now.
"Now you're realize how evil you are." He is! Masama nga talaga siya "And your asking my help to find them? For what Cassidy? To hurt her again?"
Umiling-iling ito. Hindi sang-ayon sa gusto niya.
"Let her live her life, hayaan mo siyang sumaya. Tama na 'yung pananakit mo sa kanya noon. Sobra na iyon." Sumimsim din ito ng alak. Ilan segundo ang lumipas bago ito muling nagsalita.
"Ayoko ng makita siya ulit na nababasag na naman dahil sa sakit na ibibigay mo. Hindi kaya ng mata ko ang gano'n niyang kalagayan. At hindi ako papayag na may manakit na naman sa kanya lalong-lalo ka na." Mahina pero may diin ang huli nitong sinabi.
Habang siya ay sumasakit at naninikip ang dibdib sa naririnig. Nasasaktan siya, iyon ang nararamdaman niya. At mas lalong nadagdagan ang bigat ng dibdib niya na malaman na alam ni Mazda ang tungkol sa ginawa niya kay Stella noon.
Iyon ba ang dahilan kaya malamig ang pakikitungo sa kanya ng pinsan niya?
"Y-you know where they are?" Hindi ito nagsalita and silent always means Yes. "You know everything? Kilala mo ang anak ko?"
"Hindi ko alam kung paano mo nasasabi ang salitang 'Anak Ko' samantalang kahit kailan naman hindi ka naging Ama kay Madeleine." And that hurts his ego.
"You know what, she always wish about having a father whom she call 'Daddy'. You know the reason why she always wish for that?"
Umiling siya habang nagpipigil na huwag niyang saktan ang sarili dahil sa kapabayaan niya.
"It's because she wants to be accepted, gusto niyang matanggap siya ng lola at lolo niya, ng mga kaibigan ng mommy niya at lalo na ni Stella. Iniisip niya na kaya itinatago siya ng mommy niya dahil hindi pa siya talaga tanggap nito bilang anak because she's an unwanted baby." Mapakla itong tumawa. "Kung makikita mo lang siya siguradong kakainin ka ng buo ng konsyensya mo."
Ngayon pa nga lang kinakain na siya ng konsyensya niya paano pa kaya kapag nakaharap niya na ang anak niya?
"Tanggap ko siya bilang anak ko at kung alam ko lang na buntis si Stella noon susuportahan ko siya, hindi ko hahayaan na akuin niya lahat the problem is hindi niya sinabi sa akin."
Napansin niya ang biglaan pagkuyom ng kamao ni Mazda at ang pag-galaw ng mga muscles nito sa braso tanda na nagpipigil ito ng galit.
"Hindi niya sinabi sa iyo na buntis siya?" Puno ng sarkasmong tanong nito.
"Yes."
"Paano niya sasabihin sa iyo kung sa tuwing lalapit siya sa iyon noon at iiwasan mo siya at pagsasarahan mo ng pinto?" Mazda glared at him. "Pagkatapos ng ginawa mo?! Pagkatapos mong magpakasarap? Babalewalain mo siya?! Please, lumayo ka sa akin dahil baka hindi na ko makapagpigil pa."
Madiin ang pagkakahawak nito sa baso na parang mababasag na o gusto basagin sa mukha niya. The freak is back!
"Tama na 'yan." Sinulyapan niya si Corvette na paparating sa gawi nila. Umupo ito sa pagitan nilang dalawa at sumenyas sa waiter na dalhan ito ng alak. "Pwede kayong mag-usap sa ibang araw kapag pareho ng maayos ang takbo ng utak niyo."
"I can't wait for another day. I want my daughter."
"Then find her, isama mo na din 'yung nanay."
"Alam kong hindi sa akin sasama si Stella."
Corvette look at him. "At wala kang gagawin para sumama siya sa iyo?"
"My daughter is my first priority."
"Hindi tayo magkakasundo kapag ganyan." Uminom ito ng alak. "At nasisigurado kong hindi sasama sa iyo si Madeleine kahit sabik na sabik pa siyang magkaro'n ng ama kung hindi niyo lang rin naman kasama ang mommy niya."
Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang tungkol sa mag-ina niya. Malamang naikwento na ni McLaren sa mga ito.
"Madeleine wants a complete family para makapunta na siya dito sa Pinas. Paano mangyayari iyon kung siya lang ang kukunin mo? Come'on Cassidy, hindi na tayo mga bata para hindi manindigan." Pagpapagtuloy ni Corvette. "Isipin mo naman 'yung anak mo, 'yung kapakanan niya at 'yung kasiyahan niya. Tatay ka na dapat alam mo iyon."
"I know that, kaya nga gusto ko na siyang makita para makilala niya ako. I will find them, I will make my own way to see them."
"And fill her missing piece to make her complete." Sinulyapan siya ni Corvette. "Hindi natin alam kung ano 'yung pakiramdam ng may kulang kasi ipinanganak tayo at namulat tayo sa kumpletong pamilya. I am hoping na kapag nakilala ka na ni Madeleine, maiparamdam mo sa kanya na tanggap mo siya at mahal mo siya dahil hinahanap niya pa din ang kalinga ng isang ama at ikaw lang tangi ang makapagbibigay niyon sa kanya."
Para siyang paslit na pinayuhan ni Corvette to think na halos magkaedad lang sila.
"Salamat. Gagawin ko lahat iyon. Nagkulang man ako at naging pabaya pero handa akong gawin ang lahat para maiparamdam sa kanya na masaya ako na nandyan siya. Na mahal ko siya at tanggap na tanggap ko siya dahil sa akin siya."
Kung kanina nauubusan na siya ng pag-asa ngayon naman ay unti-unting bumabangon ang pag-asa niya dahil kay Madeleine kahit pa malaki pa din ang parte sa dibdib niya na alam niyang hindi gano'n kadali gawin ang gusto niya.
"Masyado pa kasi siyang bata para maramdaman na may kulang sa pagkatao niya. Hindi sapat na mahal siya ni Stella Venisse at naibibigay ang material na bagay na gustuhin niya. Dahil wala ng mas sasapat pa sa pakiramdam na alam mong kumpleto ka at tanggap ka."
"Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit gano'n 'yung nararamdaman niya." Nahilamos niya ang mga palad sa mukha at tumingala, realizing how irresposible and insensitive he is as a man and as a father.
"Masyadong matalino si Madeleine para malaman niya ang kahalagahan ng pagkakaro'n ng isang ama sa buhay ng isang bata." Mazda suddenly talk. "He used to call me 'Papa' and I love to hear that from her. Kahit man lang sa pagtawag niya sa akin ng 'Papa' mapunan ko 'yung pagkukulang mo bilang ama niya."
Masakit isipin na hindi niya nagawang gampanan ang pagiging ama kay Madeleine nitong mga nakalipas na taon. Tapos may ibang tao na umako ng dapat responsibilidad niya.
"I'm sorry Madeleine, I'm sorry, anak. I'm sorry." Paulit-ulit na sambit niya. "Forgive me. Forgive daddy." Wala siyang pakialam kung ano na ba ang itsura niya ngayon o kung pagtawanan man siya ng mga pinsan niya.
Hindi niya na kasi kaya pang pigilan 'yung emosyon niya. Sinasampal na siya ng mga pagkakamali niya. Pakiramdam niya napaka walang kwentang tao niya sa kabila ng pagiging successful businessman and car racer, hindi niya maipagmalaki ngayon ang sarili niya dahil may anabandona siyang bata at sariling anak niya pa.
"At sana bago mo kwestyonin si Stella sa pagtatago niya ng anak ninyo sa pamilya at mga kaibigan niyo-sana tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit niya ginawa iyon." Patuloy ni Mazda pero kalmado na ang boses nito this time.
"Gusto ko na silang makita. Hayaan mo akong maging ama sa anak ko, hayaan mo akong punan lahat ng pagkukulang ko sa kanilang dalawa. Nakikiusap ako sa iyo." He's begging. "Let me see them and be part of their lives."
Tinignan siya nito ngunit walang mabakas na emosyon sa mukha nito and he hates to admit it pero ang lakas ng pakiramdam niyang hindi siya nito pagbibigyan. Si Corvette ay tumahimik lang ulit.
"No, I can't tell you where they are. If you really want to see them, find them and don't ask for anyone's help. Make your own way. Kahit minsan naman pahirapan mo 'yung sarili mong makuha 'yung bagay na gusto mo." Pagkasabi niyon ay tumayo na ito. "I can't help you not unless you kneel down in front of me or Madeleine ask me to find her father. You wish for that."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top