12 ~ Deal

CHAPTER TWELVE

TUWANG-TUWA si Madeleine at nagtatatalon pa habang palabas sila ng condo unit nilang mag-ina. Its the end of the month kaya naman...

"I'm so excited to si my Papa Mazda!" Pati sa boses ng anak ay ramdam niyang masaya nga talaga itong makita ang lalaking tinatawag nitong Papa kahit anong gawin nilang pagtatama dito ay talagang mapilit ang isang ito na tawagin ng gano'n ang Tito-Ninong nito. "Its been a long one month since the last time I saw him. Busy po ba ang Papa ko kaya once a month lang siyang mag-visit sa atin?"

Pumasok ito sa backseat at siya naman ay ikinabit ang seatbelt dito bago nagpunta sa driver's seat. Kung hindi siya nagkakamali ay sobrang busy ni Mazda pero hindi siya sugurado kung saan. Kung sa pag-aaral ba o trabaho dahil ang taong iyon ay hindi naman talaga makwento unless si Madeleine ang kausap.

"I think he's busy."

"I love him mommy."

"Who? Your Tito-Ninong Mazda?"

"Yes my Papa Mazda. Mabait siya sa atin, love niya tayo." Tinignan niya ang anak sa rearview mirror. Maaliwalas talaga ang mukha nito. "Hindi tulad ng ibang boys na nag-gigive sayo ng flowers and chocolates, I don't like them mommy. I hope they'll stop giving you those stuff."

"But you like eating those chocolates."

"Yes but I'd rather choose to eat potato fries with cheese from Papa Mazda than eating chocolates from your suwitors."

"Suwitors?" Ulit niya.

"Yes mommy suwitors. As in S U I T O R S."

"Its suitors baby." Pagtatama niya sa tamang pagbigkas.

"Okey s-sutors. Your suitors."

Kaya hindi din talaga niya naaasikaso ang love life niya dahil halos lahat ng nanligaw sa kanya ay hindi pasado sa taste ng anak niya. Samantalang may mga ibubuga naman lahat. Kaya pa naman niyang mabuhay ng walang lalaki sa tabi niya kaya isasantabi niya muna ang buhay pag-ibig niya.

Kaya niya na bang magmahal ulit?

Iyan ang tanong niya sa sarili na hindi niya pa talaga masagot.

Handa na ba ulit siyang masaktan?

And the answer is a big NO kaya mas pinipili niyang manatiling single muna. Single mom. Madami naman ang katulad niya at mas humahanga pa nga siya sa mga babaeng naitataguyod ang anak ng mag-isa lang. Dahil sa totoo lang, mahirap ang mag-isa pero kinakaya nila.

Ilan minuto lang ay nakarating na din sila sa park kung saan nila hihintayin si Mazda. On the way na din kasi ang binata medyo nauna lang sila dahil nga excited ang anak niya. Inilatag niya ang dalang pansapin sa Bermuda grass para may upuan sila. Inilabas niya na din mula sa sasakyan niya ang mga hinanda niyang pagkain. Kung picnic na maitatawag ang gagawin nila siguro nga picnic iyon.

"Papa Mazda!" Napaigatad siya ng tumili si Madeleine at nagmamadaling tumakbo palapit kay Mazda.

"What's up little girl?" Kinarga nito ang anak niya at inihagis-hagis sa ere. Hindi na siya nababahala o nag-aalala na baka mapilayan ang anak niya dahil sa ginawa ng binata kasi lagi naman nitong ginagawa iyon at ang anak niya ay tuwang-tuwa naman.

"Papa, namiss kita." Narinig niyang sabi ni Madeleine ng ibaba ito ni Mazda at naglakad na papunta sa gawi niya.

"Same here little girl." Magkatabi na umupo ang dalawa. Close na close ang mga ito kahit pa madalang magkita.

"How about my mom? Did you miss her?"

"Nope." He answer popping the letter 'P'. Inirapan niya lang si Mazda at nagpatuloy sa ginagawa.

"Why?"

"I just don't feel like missing her. Ikaw lang ang namiss ko Madeleine and your nose." Sabay pisil sa ilong ng anak niya na sigeng bungisngis lang.

"My nose... Pareho kami ng nose ni mommy ko. Cute." Tumango-tango naman 'yung isa bilang pagsang-ayon. Tama, ilong lang talaga niya ang nakuha ni Madeleine sa kanya and the rest sa ama na nito. "Papa Mazda, busy ka po? Bakit ngayon ka lang nag visit?" Napakatatas na talaga magsalita ng anak niya. Sinong magsasabi na tatlong taong gulang lang ito?

"Hmn..."

"Hmn?" Ulit ng anak niya.

"Been busy this past few days honey kaya wala ako masyadong time. Why don't you ask your mom to visit Philippines? Para lagi tayong magkikita." Napatingin siya kay Mazda.

"Galing ka pa sa Pinas?" She mouthed. Nagkibit-balikat lang ito na sinasabing 'Yes'.

"Soon, Papa. Soon we will visit Philippines po."

"Ang tagal naman ng 'soon' ng mommy mo." Tudyo ni Mazda.

Tumingin sa kanya si Madeleine at nginitian niya lang. "Hindi pa ready si mommy ko, eh."

"Bakit daw?" Muli ay sinulyapan niya si Mazda upang tigilan na ang topic ng pag-uwi sa Pinas pero hindi naman siya nito pinansin. "Bakit hindi pa ready ang mommy mo?"

"I don't really know her reasons." At kung mag-usap ang dalawa parang wala siya sa harap ng mga ito.

"Do you want to visit Philippines?"

"Yes po Papa. I want to see my granddaddy and grandmommy. I want to meet mommy's friends. I want to see different cars from Race Inc."

"And how did you know about Race Inc.?" Mazda ask, looking at her. "Did you tell her?" He mouthed at her.

"Yes." She mouthed back.

"Hmn... Mom told me and nakita ko po sa mga posted photos ni Tito Gwapo sa Instagram account niya."

"Von Ether?"

"Opo, Tita Ganda's boyflend." Narinig niyang mahinang natawa si Mazda hindi niya lang sure kung bakit dahil normal naman sa kanya na bigkasin ng tatlong taong gulang na anak niya ang huling salita.

Minsan kasi nababaluktot ang dila ng anak niya sa mga words at madalas kapag may letter R or L. Minsan naman nabibigkas nito ng maayos.

"Anak boy friend." Pagtatama niya.

"Boy friend po."

"Boyfriend, huh?" Tila natutuwang tanong ng binata na halatang pinipigilan lang ang pagtawa.

"Yes boyflend po." Okey, iyan na naman.

"Ang mommy mo, may boyfriend na ba?" Muli ay umangat lang ang isang kilay niya sa tanong na iyon ni Mazda.

"Kumain nga muna tayo." Binigyan niya ng potato fries si Madeleine. Ganon din ang inabot niya sa binata na agad naman nitong tinanggap.

"Ang mommy ko po wala pang boyflend. Pwede ka po bang boyflend niya?"

"Sure!"

Halos mabulunan siya at katakot-takot na masamang tingin ang mabilis na ibinigay niya kay Mazda.

"Tayaga po?" Sinulyapan siya ni Madeleine kaya bumalik sa pagiging normal ang itsura niya. "Mommy, pumayag ka na po maging boyflend si Papa Mazda."

"Anak, Papa Mazda was joking."

Madeleine motion her head to Mazda. "Is that true?"

"I am not." Aba at talagang papaasahin pa nito ang anak niya. "Ayaw sa'kin ng mommy mo. Hindi siya mahilig sa sobrang gwapo, honey." At sobrang hangin!

"Paano na 'yan? Wala pa din akong daddy?"

"Hahanap tayo."

"Saan po?"

"Dito sa Park. Ano bang gusto mo maging dad? Hindi masyadong gwapo?"

"Gusto ko po kasing gwapo mo Papa Mazda. Gusto ko po may ganito po." Itinuro nito ang braso ni Mazda na may tattoo. "Gusto ko po may ganyan na drawing para pong action star." Sinuri pa ng anak niya ang itsura ng binata. "I like your man bun Papa. Can you tie my hair?"

"Sure honey. Come here." Nagmamadaling lumapit ang anak niya at tumalikod ng upo sa tapat ni Mazda.

Kung kasama ba nila si Cassidy magagawa din ba nito ang ginagawa ni Mazda na pagpapasaya sa anak nila? Ipiniling niya ang ulo at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi niya dapat iniisip pa ang lalaking iyon!







"HE'S looking for you." Imporma sa kanya ni Mazda ng makatulog na si Madeleine. Nakaunan sa kandungan niya ang anak habang hinahaplos niya ang buhok.

"Sino?"

"Cassidy Forbes." Tila may kumurot sa puso niya ng banggitin nito ang buong pangalan na iyon. "He is secretly looking for you."

"Paano ka nakakasiguro na ako ang hinahanap niya?" May bahid na galit na tanong niya. "Ang kapal naman ng mukha niya para hanapin pa ako."

"Hindi habang buhay kaya kitang itago o kayo ni Madeleine sa kanya. Kilala mo si Cassidy, malawak ang connection ng pamilya niya." Nakatingin lang ito sa malayo. "Umuwi na kayo ng Pilipinas."

"Alam mong wala sa plano ko iyan."

"Huwag mong paasahin ang anak mo sa bagay na wala ka naman palang planong gawin. Alam kong alam mo ang pakiramdam ng umasa sa wala." At tinamaan siya sa sinabi nito.

Ang totoo, wala naman talaga siyang planong umuwi ng Pilipinas. Nakaramdam tuloy siya ng konsyensya sa sarili sa ideyang pinapaasa niya nga talaga si Madeleine.

"Paano mo masasabing matapang ka, ni hindi mo nga kayang harapin ang multo ng nakaraan mo." May himig na sarkasmo sa boses ni Mazda. "Ilan taon na ang nakakalipas Stella Venisse, lumabas ka na sa lungga mo at harapin ang lalaking dahilan ng pagiging duwag mo sa katotohanan." Iba, iba talaga ito magsalita. Deretsahan. Walang pakialam at walang sinisino. "Huwag mong hayaan na ikaw lang 'yung nasaktan. Lumaban ka. Saktan mo siya, he deserves that."

"Hindi ganon kadali iyang sinasabi mo, Mazda. Hindi siya masasaktan kasi hindi naman siya nagmamahal." That's the point. "Paano mo sasaktan ang isang tao kung wala naman itong pagmamahal sayo?"

"Make him love you."

"Ginawa ko na iyon."

"By giving yourself to him?" Lalong naging sarkastiko ito. "That's the problem with girls. Akala nila kapag naikama na sila ng lalaki may hold na sila, mamahalin na sila ang hindi nila alam halos lahat ng lalaki ngayon normal lang ang pakikipagsex unless gustung-gusto namin 'yung babae we are going to keep her but in your case—"

"Hindi niya ako gusto. Hindi niya ako mahal kaya hinayaan niya akong umalis." Pagpapagtuloy niya.

"Exactly."

"Hayaan na lang natin siya."

"Tanga ka talaga ano?" Imbes na magalit ay natawa lang siya dito dahil totoong tanga siya. "Nasaktan ka tapos hindi ka gaganti?" Mapakla itong tumawa. "Wake up Stella Venisse. Hindi ka na bata para hindi palagpasin ang sadyaang pananakit niya sa iyo. Four years is enough, umuwi ka na sa Pinas kung ayaw mong maunahan ka niyang tuntunin kung nasaan ka."

"Lilipat na lang kami ni Madeleine."

"Kahit saan sulok ka pa ng mundo magtago kung masipag ang naghahanap sayo—mahahanap ka. Trust me, handang magbayad ng ilang milyon si Cassidy mahanap ka lang at ang anak niyo."

"What?!" Napalakas ang boses niya kaya bahagyang nagising si Madeleine. Tinapik-tapik niya lang ito sa hita kaya nakatulog ulit. "Anong sabi mo?"

"Hindi ako sigurado pero mukhang nakakakutob na siya."

"Paanong nangyari iyon?"

"I need to find the answer for that question." Tumingin ito sa kanya bago bumaba ang tingin kay Madeleine na mahimbing na natutulog. "Someone's ruining my plan."

"Ano bang plano mo?"

"Na papaluhurin ko siya sa harap ko kapalit ng pagkikita niyo ulit." Nag smirk lang siya sa binata at napailing-iling. "At hindi mangyayari iyon kung may makikialam na hindi ko kilala."

"Don't worry hindi kami magpapakita sa kanya."

"Huwag kang pasiguro. Gago rin ang isang iyon."

"Nasa dugo niyo na iyon."

"Yeah, mas gago nga lang kami." Walang himig na pagmamalaki sa boses nito pero may dating na totoong gago nga ito at ang dalawa nitong kapatid. "Mag-iingat kayo lagi ni Madeleine."

"Yes thank you."

Tumingin ito sa wrist watch nito. "Kailangan ko ng umalis."

"Ha? Aalis ka agad? Wala pa ka pang tatlong oras dito ha."

"It doesn't really matter Stella Venisse. What matter is natupad ko ang pangako ko kay Madeleine. Hindi ko siya pinaasa sa wala." Medyo tinamaan siya do'n. Yumukod ito at hinalikan sa noo ang anak niya. "Umuwi na din kayo."

"Ingat ka! Salamat sa pagbisita!" Pasigaw na sabi niya. Iwinagayway lang ni Mazda ang isang kamay habang naglalakad na ito palayo sa kanilang mag-ina.








"LET me see the pictures, kuya C. Come on." McLaren said, frowning. "Paano ko makikita ang ipinapahanap mo kung ayaw mong ipakita sa akin 'yung pictures niya?"

Hindi niya alam kung ano ang dahilan niya kung bakit bigla niya na lang gustong makita o makilala ang batang pinangalanan niyang Madeleine ayon na din sa pendant ng necklace na suot nito. Kung may anong nagtutulak sa kanya na kilalanin ang bata kung sino man ito.

"Isang picture lang." Ewan niya din kung bakit ipinagdadamot niya ang mga litrato ni Madeleine. Siya lang talaga ang nakakakita ng mga iyon pero ngayon kailangan niyang magbigay ng isa kay McLaren.

"Baka blurred pa iyang maibigay mo Kuya C."

"Pwede ba McLaren wala akong panahon para sa mga kakornihan mo."

"Mas malala ka kay Kuya Aeon. Mas masungit ka."

"Shut up."

"Okay." Padaskol na naupo ito sa sofa ng office niya at ipinatong ang mga paa sa mini table. "I am waiting for the picture Kuya C."

"Here."

"Pakihagis."

"No, come here." Ipapakita niya lang sa laptop. "Come here." Ulit niya ng hindi ito tumayo.

"Don't tell me wala kang hardcopy?"

"Wala."

"Iba ka! Iba ka talaga! Sino ba iyang ipapahanap mo at ipinagdadamot mo pa." Nagsasalita ito habang tinatamad na naglalakad papunta sa kanya. "Iyan na siguro ang babaeng papakasalan mo. Sa wakas Kuya C magseseryoso ka na sa babae—ba-bata?" Takang tanong nito ng makita ang picture ni Madeleine sa laptop niya. "Nagkagusto ka sa bata?" Kung hindi niya lang ito kadugo baka kanina niya pa ito sinapok.

"Saan ka ba nagmana? Bakit si Corvette at Mazda hindi mo naman katulad." Seryoso kasi ang dalawang iyon. Itong si McLaren hindi, puro kabulastugan ang alam nito.

"Madami na ang nagtanong niyan sa akin. Saan ako nagmana? Kung sa pagwapuhan sa daddy ko at sa katalinuhan sa mommy ko naman."

"Hanapin mo siya." Pag-iiba niya ng usapan. "Name your price."

"I really thought na si Miss Stella Venisse ang ipapahanap mo at hindi ang batang nasa picture na parang anak mo tapos hindi mo lang alam kasi masyado kang nasasarapan ng mga oras na iyon."

Gusto niyang mapangiwi sa sinabi nito pero may kung anong dumaan sa dibdib niya na isiping... Paano kung anak niya pala ang bata?

Ipiniling niya ang ulo upang mawaglit sa isip niya ang ideyang iyon though he likes that idea.

"Name my price?" May kislap sa mata na tanong ni McLaren.

"Yes." Handa siyang magsayang ng pera makilala niya lang ang bata.

"One billion."

"Alright."

"One billion kasama na ang paghahanap ko kay Miss Stella Venisse?" Hearing that name again makes him remember what happened four years ago... He and Stella inside his room, naked, moaning in pleasure. Damn!

"Deal!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top