11 ~ Madeleine
CHAPTER ELEVEN
Five years ago...
"MOMMY! Look! Look, mommy!" Nilingon niya ang tatlong taong gulang na anak na babae dahil kanina pa ito nangungulit sa kanya na may pilit na ipinapatingin. Hindi niya lang masyado mabigyan pansin dahil busy siya sa pagluluto ng panggabihan nila. "Wow, abs." At doon na nawala ang atensyon niya sa niluluto.
"What?" Kunot-noong tanong niya habang naghuhugas ng kamay.
"This." Inangat nito ang iPhone na hawak. Nangingislap ang mata ng anak niya habang ipinapakita sa kanya ang mga lalaki sa screen na naka topless lang na totoong may mga abs. "We call it 'Pandesal' right? Tita ganda taught me about men's pandesal."
"Madeleine, baby, I thought you're going to make a selfie kaya ipinahiram ko sa iyo ang cellphone ko." Mahinahon lang ang boses niya. "Then, what's that? Bakit—"
"This?" Turo nito sa screen. "Abs mommy, abs. Don't tell me you didn't know about this?" Maarte pa nitong hinawi ang buhok nito. "Gosh, mommy." Napangiwi na lang siya dahil parang hindi niya ito anak, parang anak pa ito ni Saleen sa kaartehan.
"Give it to me." Inilahad niya ang isang kamay.
Lumabi lang ang anak niya saka tumayo sa upuan na inuupuan nito at inabot sa kanya ang cellphone. "Thank you for letting me use your cellphone, mom."
"Anak,"
"Hmn?" Nagtatanong ang mga mata nito. Anak talaga ito ng tatay nito! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya ng makita na naman ang malaking pagkakahawig nito sa ama nito.
"Ano pa ang mga itinuro sayo ng Tita Ganda mo?" Tukoy niya kay Saleen. Madalas kasi nitong kausap ang kaibigan niya sa Skype.
"About cars, about her being a famous actress in Philippines, about her boyfriend who happened to be Tito Gwapo slash Tito Von Ether and about—" She paused and smile sweetly at her. Umangat lang ang isang kilay niya. "About pandesal, mom. Men's six to eight packs abs."
"Can you please stop talking about abs?"
"Why? Is that bad?" Umupo ito sa gilid ng lamesa. Ang mga paa nito ay naka-hang sa upuan na inuupuan nito kanina. "Bawal po ba pag-usapan ang pandesal ng mga boys? Kung bawal, bakit ipinapakita pa nila?" Inosenteng tanong nito.
Paano ba ito? Paano ba siya magpapaliwanag sa tatlong na taong gulang na anak niya na parang thirty years old na kung makipag-usap sa kanya.
"Hindi sa bawal, anak, kaya lang at your age hindi mo pa dapat pinapansin ang mga pandesal nila. You should focus on your study and—"
"Mom, three pa lang po ako. Sabi ni Tita Ganda kapag college na ako mag focus sa study ko. For now, hmn..." At ang pag 'Hmn' nito ay namana nito kay Mazda lang naman. "Sa career ko po muna ako magfofocus."
"Career?"
Madeleine nods her head. "Yes mom, career. Like Tita Ganda, focus siya sa career niya."
"Wala ka naman career anak, hindi ka artista or model man lang kasi bata ka pa."
"Sa love life na lang po ako magfofocus, mommy."
"What??" Nag high pitch talaga ang boses niya at pinipigil niyang mapangiti dahil sa kausap.
"You know mom, career and love life ang dapat i-focus sabi ng Tita Ganda ko."
She heaved a sigh. "Hindi na talaga kita ipapakausap kay Saleen, kung anu-ano ang itinuturo sayo." Kunyari lang naman iyon. Bukod sa kanya, si Saleen lang ang madalas kausap ng anak.
"I'm just kidding." Madeleiene made a peace sign. "Sayo lang ako magfofocus, mommy." And that makes her smile. "Ah, I made you smile."
She walk closer to her daughter and brush Madeleine's hair using her fingers. "You are my happiness, baby. Thank you for making mommy happy."
Ilan taon na ba ang nakakalipas na hindi na siya umiiyak tuwing gabi dulot ng pagkabigo sa pag-ibig? Ang alam niya lang ngayon, masaya siya sa buhay niya kasama ang pinakamamahal niyang anak. Si Madeleine ang dahilan kung bakit nalagpasan niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay na hindi niya akalain na kakayanin niya mag-isa lalong-lalo na ang sakit sa pag-ibig.
"Mommy, did you know about Race Inc.?"
"Race Inc.?" Ulit niya. Tumango naman ang anak niya. "How did you know about that?" Wala naman siyang iba pang ikinukwento sa anak niya lalo at may kinalaman sa ama nito.
"I just saw it in Tito Ether instagram. He posted a lot of different sports car there together with the famous car racers in Philippines. Did you also know them?"
"I-I know all of them." God! She's stuttering! "Kilala ko s-sila."
"Who own it?"
"The Race Inc.?"
"Yes yes."
"Your Tito Ether is one of the owner of that car company."
"You mean, may iba pang owner?" Ito na naman sila. Tanungan portion, hindi naman din siya makapagsinungaling ng sagot sa anak.
"Yes, they're four different person."
"Who are they?"
"Why are you asking?" Balik tanong niya. Nag-aasikaso na siya ng hapunan nila.
"I am just curious. Ang granddaddy ko may sariling Hospitals sa Philippines, right? Madami din po ba silang owner niyon?"
Huminga muna ulit siya ng malalim bago sumagot ng sumagot sa tanong ni Madeleine. "Siya lang ang nag-iisang may-ari ng mga Hospitals na iyon, baby. May mga kasama lang siyang magmanage."
"How about you mommy? Are you going to help granddaddy to manage those Hospitals?"
"Yes of course, baby."
Kumislap ang mga mata nito. "Ibig sabihin uuwi na po tayo sa house niyo sa Philippines?"
Sinubuan niya muna ito at hindi muna nagsalita. Excited na kasi si Madeleine umuwi ng Pilipinas pero siya? Hindi. Siguro dahil ilan taon siyang nasanay na malayo sa pamilya at mga kaibigan niya pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi niya namimiss ang mga iyon, she missed them so much especially her parents.
"We are going to visit them soon baby pero hindi pa ngayon. Naiintindihan mo ba si mommy?" Umiling ito, obviously, hindi nito intindihan ang gusto niyang iparating.
"Soon? You always told that to me mommy pero ang tagal po ng soon mo, eh." Malungkot na sabi nito na nakapout pa ang manipis na labi. "Aren't you miss them? Your parents and friends."
"I miss them so much kaya lang ayaw pa ni mommy bumalik sa Pinas." Sinubuan niya ulit ito. "Hindi ka ba masaya na tayong dalawa lang ang magkasama?" Inubos muna nito ang laman ng bibig at uminom ng orange juice sabay tumitig sa kanya. Ito na naman 'yung titig ni Madeleine na pakiramdam niya si Cassidy ang tumititig sa kanya.
"Hmn..."
"Hmn?"
"Masaya ako, mommy. Happy."
"Talaga?"
"Talaga? What does mean?"
"I mean, really?"
"Oh," Tumango ito ng maintindihan ang ibig sabihin ng talaga. "Ako talaga masaya sayo." Hindi niya na pinansin ang baluktot na Tagalog ng anak. Minsan kasi may mga Tagalog na hindi pa alam ni Madeleine at hindi pa din masyado naiintindihan. Minsan nga ay nakakalimutan pa nitong mag Po at Opo sa kanya.
"Can you wait for me in our room?"
"Sure, mom." Anito at tumakbo na papunta sa silid nilang mag-ina. Siya naman ay niligpit ang kinainan nila at hinugasan bago sinundan ang anak.
NAPAHINTO siya mula sa paglalakad papasok sa kwarto nila ng ipakita sa kanya ni Madeleine ang hawak na litrato nito. Nakatayo ito sa tapat ng side table ng bed nilang mag-ina, nakabukas ang drawer niyon.
"Mom?" Tawag pansin ulit nito sa kanya. "Who's this?" Tukoy nito sa litratong hawak.
"M-Madeleine, i-ibalik mo iyan kung saan mo kinuha." Hindi talaga siya makalapit sa anak. Ganito na ba talaga ang epekto sa kanya ni Cassidy? To think na litrato lang iyon.
Siguro nando'n pa din kasi sa dibdib niya 'yung natirang pagmamahal para sa lalaki at kapag may pagmamahal pa, mayro'n pang sakit. Masakit, pero hindi na tulad ng dati na gabi-gabi siyang umiiyak. She can handle her feelings now. And Madeleine is a big help for her to get over from all the pain causes by him.
"You look scared, mom."
"Madeleine." May banta na sa boses niya na mukhang hindi naman napansin ng anak dahil pinakatitigan pa nito ang litratong hawak.
"In fairness, he is handsome." Tumango-tango pa ito habang tila sinusuri ang mukha ng ama nito. Muling bumalik ang tingin nito sa kanya. "He is handsome but you seem to be scared mom, you cannot even look at this picture. I wonder why."
"Madeleine please."
"Hmn... For me he is handsome but for you he seems like a monster. Why is that mom?"
Nawawala ang kaba sa dibdib niya sa mga tanong ni Madeleine. Napilitan siyang maglakad palapit dito at marahan na kinuha ang litrato ni Cassidy na nakasandal sa hood ng sports car nito. The picture was taken five years ago kung hindi siya nagkakamali.
"Mom,"
"Let's sleep Madeleine." Kinarga niya ito at inihiga sa kama.
"Who's that handsome monster? Bakit may picture ka po niya?" She close her eyes as she lay down beside her daughter who keeps on asking questions. Magtulug-tulugan na lang kaya siya para tumigil na ito sa kakainterview sa kanya. Hindi niya pa naman gusto ang topic nila, nakaramdam tuloy siya ng bitterness bigla. "Mom, answer me." At talagang nangungulit pa ito habang nakayakap sa kanya.
"Madeleine, I'm sleepy. Pwede bang matulog na tayo?"
"Hmn, okey." Sumiksik pa ito sa kanya. "Goodnight, mom. Love you."
"I love you so much, anak. Sleep well." She whispered and kiss her daughter's forehead.
"I'm sorry, anak. I'm sorry kung ipinagkakait ko sayo ang karapatan mong makilala ang daddy mo. Hanggang ngayon nakatanim pa din sa isip ko na hindi siya karapat-dapat na maging ama sayo. I still hate him. I still don't want to see him. Kung may isang bagay man akong ipinagpapasalamat sa kanya... Iyon ay ang pagiging parte niya sa pagdating mo sa buhay ko. You are my life, Madeleine. I know one day you'll understand me and my reasons why I need to hide you from him.
Natatakot kasi ako na baka saktan ka din niya once na malaman niya ang tungkol sa iyo. Natatakot ako sa daddy mo sa totoo lang. Ayoko ng maranasan ulit 'yung sakit na ibinigay niya sa akin noon, kaya kung maaari lang huwag ng mag krus 'yung landas namin. Yes, I still have feelings for him, but it doesn't mean I will allow him to hurt me again. Alam kong mawawala din 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Isang araw mawawala din 'yung natitirang pagmamahal ko para sa daddy mo... Para kay Cassidy."
GALIT na isinara niya ang laptop ng may magpadala na naman ng mga pictures ng isang batang babae na sa tingin niya ay edad tatlo. Isang taon na siyang nakakatanggap ng iba't-ibang larawan at puro ang batang lang iyon ang nakikita niya.
Galit siya dahil hindi niya mahuli-huli kung sino 'yung lintek na taong nagpapadala sa kanya ng magagandang litratong iyon. Karamihan ay puro stolen shots lang. At aminin niya man o hindi, he love the kid. He love seeing her photos. Minsan nga kapag sobrang stress na sa trabaho ay tinitignan niya lang lahat ng larawan na iyon na nakasave sa laptop niya tapos mapapawi na lahat ng galit niya sa mundo. To think na hindi niya kilala 'yung batang nagiging stress reliever niya and the kid remind him of someone. Someone from his past.
"Who are you?"
Paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Ang tanong na iyon ay para sa dalawang tao. Ang una ay para sa nagpapadala ng mga litrato at ang pangalawa ay para sa batang babae.
"Boss, nasa labas po si Miss Sandy gusto daw po kayong makausap." Untag sa kanya ng sekretarya niya na hindi niya alam na nakapasok na sa office niya.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" He asked, frowning.
"Sorry boss, nakailan katok na kasi ako kanina pero—"
"I don't want to talk to her, sabihin mo sa kanya." Bedbuddy niya lang naman ang babae at hindi niya girlfriend.
"Okey boss." Tatalikod na sana ito ng magsalita siya ulit.
"And tell her to stay away from me." Tumango lang ang sekretarya niya bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
Halos wala pang tatlong buwan ng makauwi siya sa Pinas from Tate pero heto at tinambakan na siya ng daddy niya ng mga gagawin. He cannot blame his father, ilan taon din kasi ito lang ang humawak ng negosyo nila and its time for him to manage their businesses this time, bukod pa ang shares niya sa Race Inc. Kaya sobrang hectic ng schedule niya.
Muli niya na lang binuksan ang laptop at inisa-isang pagmasdan ang mga litrato na naka save sa gallery niya hanggang sa may mapansin siya sa pendant ng necklace na suot ng bata. He click the picture and zoom in to read the name.
Madeleine? Nice name... Madeleine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top