23 ~ Sorry
CHAPTER TWENTY THREE
Day Five
3am
NAPABALIKWAS sya ng makarinig ng ingay ng helicopter hindi kalayuan sa kanila. Inilibot nya ang mata sa buong silid ngunit wala doon si Ryxer. Simula kagabi ay sala na iyon natutulog pero sinusubukan pa din ng binata na umakto ng normal na parang hindi nito alam ang totoo.
Nakita nya sa mga mata ni Ryxer ang sakit ng aminin nyang hindi totoong nagka amnesia sya. Iyon naman ang gusto nya di ba? Ang makita si Ryxer na nasasaktan at nagtagumpay sya kaya pwede nya ng iwan ito.
"Congrats, Charlton." Bati nya sa sarili pero bakit parang hindi sya masaya?
Napatingin sya sa bintana ng may tumamang ilaw do'n na alam nyang nagmumula sa helicopter na naririnig nya. Agad syang tumayo at dahan-dahan na naglakad palabas ng silid. Alam nyang susunduin na sya nila Mazda dahil pinadalhan ulit sya ng mga ito ng pulang sobre na nagsasabing ngayong madaling araw sya susunduin.
Naglakad sya ng walang ingay papunta sa couch kung saan mahimbing na natutulog ang binata. Ngumiti sya kahit na nasasaktan sya na isiping iiwan nya na ito.
"Ryxer," Mahina lang ang boses nya. "G-goodbye." Hinalikan nya ito sa labi at dali-dali syang naglakad paalis baka kasi hindi nya mapigilan ang sarili nya na yakapin ito.
Ilan araw din silang nagsama na para bang mag-asawa sila. Kaya lang hindi naman habang buhay na gano'n sila, kailangan nyang tumupad sa usapan na iiwan nya na ito kasi natalo sya sa pustahan. Actually, dapat hindi sya nasasaktan, ang maghiganti ang gusto nya di ba? Then she'll do it, sasaktan nya si Ryxer ng sasaktan kahit na sa tuwing nasasaktan ito ay nasasaktan din sya.
"Good your back." Napatalon sya ng marinig ang boses ni Mazda. Kalalabas nya lang ng pinto at promise hindi nya ito napansin.
"Ginulat mo naman ako."
"Oh? Hindi halatang nagulat ka." Tumingin ito sa wrist watch nito. "You still have ten minutes to bid a goodbye to your ex-boyfriend, Charee."
"I don't need to do that."
"Kasi nakapag goodbye ka na?"
Kailan kaya nya maiisahan ang mga ito? Lagi na lang alam ang ginagawa nya eh.
"Let's go baka magising pa sya." Hinila nya na ang braso nito at nagmamadaling umalis.
"Yuhoooo!" Nakadungaw sa bintana si McLaren kung saan ito ang nagpapalipad ng helicopter. "Hurry, baka mahuli na tayo!"
Patakbo nilang tinungo kung nasaan ito at sumakay. Nakatitig lang sya sa bahay bakasyunan ni Ryxer habang pataas ng pataas ang lipad nila. Sya nga itong nang-iiwan pero bakit parang sya pa ang nasasaktan? Ganito din ba ang naramdaman ni Ryxer nung iniwan sya nito noon na walang kaalam-alam?
"Ano bang pumasok sa ulo mo at nakipagpustahan ka kay kuya Corvette?" May bahid na inis na tanong ni Mazda. "Hindi mo ba alam na masahol pa sa demonyo ang taong 'yon?" Tignan mo makapagsalita ang lalaking ito, parang hindi kapatid si Corvette.
"Iniwan ko na si Ryxer kaya quits na kami."
"Hindi gano'n maglaro si kuya." Kinabahan sya sa sinabi nito. "Madumi sya maglaro at alam mo ang ibig kong sabihin."
"A-ano bang gagawin nya?"
"Sisiguraduhin nyang hindi na makakalapit sayo si Ryxer."
"I doubt it, gagawin lahat ni Ryxer makalapit lang ulit sakin." Kusang lumabas iyon sa bibig nya para bang kompyansa sya na hahabul-habulin sya ng binata kahit nilayasan nya ito.
"Trust me Charlton, devil ang kapatid ko kaya alam ko kung paano sya tumupad sa usapan."
"I will talk to him."
"Wow!" Bulalas ni McLaren na nagpapalipad ng helicopter. "Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat." Sumipol pa ito na ikinainis nya.
"Shut up!"
"Ang sungit naglilihi ka na agad."
Biro lang nito iyon pero bigla na lang nag flash sa balintanaw nya ang pinagsaluhan nila ni Ryxer. Paano kung magbunga ang ginawa nila? Ipiniling nya ang kanyang ulo, hindi naman siguro. Ipinagpatuloy nya na lang ang tulog nya baka mahalata pa ng mga ito na may nangyari ngang kababalaghan sa kanila ni Ryxer. She keep it secret, mahalaga sa kanya ang bagay na 'yon.
MALIWANAG na ng maihatid sya ni McLaren sa bahay nila. Sa kusina sya dumeretso upang sana kumuha ng maiinom, hindi nya naman inaasahan na nando'n pala ang kuya Cassidy nya. Nakatalikod ito sa gawi nya habang nagbibreakfast, mag-isa.
"Kuya?"
Lumingon ito sa gawi nya at napangiti. "Charlton, you're back."
Lumapit sya dito at humalik sa pisngi. "Yes. Nasaan sila mommy?" Umupo sya sa katabing upuan nito.
"Nag out of town. Nag breakfast ka na ba?" Umiling sya. Ito naman ay tumayo at kumuha ng pinggan at kubyeryos na gagamitin nya. Matagal na panahon na hindi nya nakasama ang kapatid pero hindi pa din ito nagbabago sa kanya, maasikaso pa din ang kuya Cassidy nya. "Eat." Inurong nito ang pinggan na may laman na pagkain.
"Where's Ryxer?" Maya-maya ay tanong nito at tapos na din itong kumain.
Mabilis na nilunok nya ang kinakain at tinungga ang pineapple juice nya. Ryxer... Ryxer... Ryxer...
"Hmn? Nakauwi na din yata?" Hindi sya sigurado eh.
"Yata? You mean hindi ka sigurado?"
"Sinundo lang ako nila Mazda at iniwan ko sya kung saan nya ako dinala."
Napapalatak ito. "Did you do that?" Nag-isang linya ang labi nya. Oo iniwan nya si Ryxer, so what's the big deal on it? "You leave him alone?"
"Yes and yes."
"Oh-oh. What happened Charlton?"
Itinuon nya ang mata sa paubos na pagkain sa plato nya. May nangyari ba sa kanila? Oo meron pero iba naman ang tinutukoy ng kuya nya eh.
"Kuya," Pinaglaruan nya ang pagkain gamit ang tinidor. "Kapag nalaman mong nag sinungaling ba ako, magagalit ka?"
"Lahat ng tao nagsisinungaling Charlton, if ever you lied I won't get mad at you and I will never be. Alam kong may dahilan kung bakit ka nagsisinungaling."
Napangiti sya. Her brother is indeed a good man, maswerte talaga ang babaeng mamahalin nito. Malawak kasi ang pang-unawa nito sa lahat ng bagay.
"I lied kuya." Panimula nya. "I lied kasi akala ko kapag magsisinungaling ako mababago 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pala kuya, kasi kahit anong gawin kong pagpapanggap na wala akong naaalala... Sya pa din 'yung nandito." Inilapat nya ang palad sa dibdib nya kung nasaan ang puso nya. "Si Ryxer pa din 'yung mahal ko pero hindi na pwedeng maging kami kuya." Malungkot na sabi nya. Kinurap-kurap nya ang kanyang mata ng maramdaman ang tubig na gustong lumabas mula doon pero hindi nya kayang pigilan ang tubig na iyon.
Naramdaman nya ang matitigas na bisig na bumalot sa katawan nya at ang paghaplos nito sa buhok nya.
"I thought nawala na 'yung baby Charlton namin hindi pala." He chuckled. "Ikaw pa din pala ang kapatid ko na iyakin at malambot ang puso. Sino naman ang nagsabi na hindi na kayo pwede?"
"Iniwan ko na sya kuya."
"Bakit mo sya iniwan?"
"Kasi kailangan kong harapin ang consequence sa pustahan na ginawa ko."
"What? Nakikipagpustahan ka?"
"Oo kuya Cassidy, kaya lang natalo ako sa pustahan at kapalit no'n kailangan kong layuan si Ryxer."
"Kaya mo ba?"
"Ang ano?"
"Ang layuan sya."
"Kaya ko, kakayanin ko. Walong taon kaming hindi nagkita pero kinaya ko naman na wala sya sa tabi ko."
"Kinaya mo nga pero hindi naman nawala 'yung nararamdaman mo."
Her brother is right. Kaya nyang wala sa piling nya si Ryxer pero hindi nya kayang kalimutan ito. Nakabaon na kasi si Ryxer sa puso nya at hindi nya na kayang alisin pa iyon.
"Alam mo Charlton ang buhay natin parang laro lang 'yan, kailangan matuto kang lumaban kung kailanganng mandaya ka then do it. Masyadong unfair ang buhay kaya dapat maging unfair ka din sa ibang bagay. Kausapin mo ang taong kapustahan mo ng maayos at kung hindi sya pumayag—dayain mo, baliin mo ang rules nyo."
"Kuya,"
"Do you still remember the time when our parents talked to us about love?" She nods her head as answer, open ang magulang nya na pag-usapan ang buhay pag-ibig kaya madalas nyang kausap noon ang magulang. "Sabi nila gawin natin lahat makuha lang ang taong mahal natin, kung kailangan natin lumayo para sa kanila...gawin natin pero may limitasyon lahat ng bagay Charlton, nasasayang ang oras kaya dapat alam mo kung hanggang saan lang ang limit mo."
"Ayokong mawala sya sakin kuya pero natatakot akong ipaglaban sya."
"Huwag kang matakot, subukan mo lang at kung hindi mag work out saka ka mag move on."
Tumango-tango sya. Last na 'to, kailangan nya ulit lumaban. Si Ryxer pa din ang nakataya pero this time happiness na nila ang ipaglalaban nya.
Day Five
6:50am
MAGANDA ang gising nya dahil napanaginipan nyang hinalikan sya ni Charlton. Ang babaw na ng kaligayahan nya ngayon dahil kahit panaginip lang 'yon ay masaya pa din sya. Bumangon sya at dumeretso sa banyo upang maligo.
Nagluto sya ng breakfast nila nang matapos syang maligo. Fried rice, Cheese dog, bacon ang sunny side up egg ang inihanda nya, nilagyan nya pa ng hugis puso na ketchup ang egg na naluto nya. Pinagtimpla nya din ng gatas ang dalaga saka inilagay iyon sa tray at umakyat sa silid nito. Paulit-ulit pa syang nag inhale at exhale ng nasa tapat na sya ng pinto.
Dahan-dahan nyang pinihit ang doorknob at marahan na binuksan ang pinto para hindi magising si Charlton sa ingay, gusto nya kasi sya ang gigising dito. Nawala ang ngiti sa labi nya ng makitang wala ito sa kama kaya dali-dali nyang inilapag ang tray sa lamesa at kumatok sa banyo.
"Charlton, sweetie." He called out her name while knocking the door. Idinikit nya pa ang tenga sa pinto upang malaman kung naroon talaga ito baka naliligo lang. "Charlton, hey!"
Nag-umpisa ng balutin ng kaba ang dibdib nya ng wala syang makuhang response kaya walang sabi-sabi na binuksan nya ang pinto. Ang kaninang kaba na nararamdaman nya ay napalitan ng takot.
"God! Sweetie, where the hell are you?" Paikot-ikot sya sa loob ng banyo na animo hindi alam ang gagawin hanggang sa natagpuan nya na lang ang sarili na tumatakbo palabas ng bahay. Baka nasa labas lang si Charlton at nagpapahangin.
"Charlton!" Sigaw nya sa pangalan nito habang palakad-lakad sa buong lugar.
Nagpunta din sya kung saan sila madalas tumambay kaya lang walang Charlton doon na nakaupo.
"Nasaan ka na ba, Charlton." Puno ng frustration sa boses nya. "Hindi ka pwedeng umalis na lang mag-isa dahil delikado sa lugar na 'to." Well, malayo sila sa ibang kabahayan aabutin ng siyam-siyam bago makarating sa mga kapit bahay nila o kung kapit bahay bang matatawag ang mga 'yon dahil malayo nga sa bahay bakasyunan nya.
Inabutan na sya ng sikat ng araw sa daan pero hindi pa din sya tumitigil kakalakad upang mahanap ang dalaga. Baka naligaw ito at hindi na nakabalik, kailangan nyang mahanap si Charlton, hindi ito pwedeng mawala!
Nagpahinga muna sya sa ilalim ng puno dahil masyado ng masakit sa balat ang sikat ng araw at isa pa nakakaramdam na din sya ng pagod. Nag-iisip sya kung saan pa pwedeng magpunta ang dalaga dahil sigurado syang hindi ito makakaalis sa lugar na 'yon unless sasakay ito ng helicopter at ang helicopter nya ay wala sa lugar na 'yon kaya imposible talagang makaalis ito.
"Damn it!" Inis na sigaw nya. "Where the hell are you?" Napasabunot sya sa kanyang sarili. "Saan ka ba nagpunta Charlton?" Hindi sya pwedeng umupo lang do'n kaya nagpatuloy sya sa paghahanap.
Inabot na sya ng hapon kaya lang bigo syang makita ang dalaga. Napilitan syang umuwi para kumain, pagkatapos hahanapin nya ulit ito.
Ilan oras na ang lumipas ng paghahanap nya pero mukhang walang balak magpakita sa kanya si Charlton. Madilim na ng makabalik ulit sya sa bahay nya. Umupo sya sa tapat ng pintuan at napatingala sa kalangitan.
Iniwan ka na nya. Tila hiniwa sya sa dibdib sa ideyang iyon.
"Hindi! Hindi nya gagawin 'yon. Alam kong mahal nya pa din ako, nakikita ko 'yon sa mga mata nya. Hindi nya ako iiwan dito."
Ilan oras na syang nakaupo doon at pinapapak na din sya ng lamok. Ayaw nyang pumasok sa loob dahil naaalala nya ang dalaga at naririnig nya ang boses nito na umiecho do'n. Tumingin sya sa wrist watch na suot nya.
Eleven twenty five pm.
Nawawalan na sya ng pag-asa pero hindi dapat sya sumuko, kailangan nyang magpatuloy sa paghahanap kaya lang masyado ng gabi at delikado na sa daan.
"Charlton," Mahinang tawag nya sa pangalan ng dalaga na animo naririnig sya. "Bakit mo ako iniwan?" Kusang lumabas iyon sa bibig nya. "Bakit mo ako iniwan? Bakit?" Napakagat labi sya upang pigilan ang anumang emosyon na lalabas sa kanya.
Ganito pala 'yung pakiramdam ng iniwan. Ganito din ba ang naramdaman ni Charlton ng iwan nya ito noon? Masakit pala, naninikip 'yung dibdib nya at hindi nya alam kung ano ang gagawin para mawala 'yung sakit.
'Yung akala nya pag-gising nya madadatnan nya si Charlton pero hindi, pawang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa kanila sa bahay na iyon. Panaginip na masaya pero masakit kasi alam nyang mananatiling panaginip na lang iyon sa kanya na aalalahanin nya.
I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
'Gusto kong makasama ka Charlton, gusto kong pagpikit ng mata ko sa gabi, ikaw ang huli kong makikita. Gusto kong pagmulat ng mata ko sa umaga, ikaw ang una kong makikita. Gusto kong makasama ka habang buhay. Gustong gusto ko.'
But now, now that you're gone
All I can do is to pray for you
To be here beside me again
'Pero kahit wala ka na sa tabi ko, ipagdarasal ko pa din na sana bumalik ka sakin, na sana magkasama na lang ulit tayo.'
Why did you have to leave me
'Iniwan mo ako kasi... Hindi mo na ako mahal. Iniwan mo ako kasi sinaktan kita. Iniwan mo ako kasi, iniwan din kita.'
When you said that love will conquer all
Why did you have to leave me
When you said that dreamin'
Was as good as reality
'Sana nga panaginip na lang lahat para pag-gising ko, ikaw pa rin ang makikita ko... Ikaw pa rin ang kasama ko pero alam kong hindi na mangyayari 'yon. Kasi ang totoo... Iniwan mo na ako.'
He smile sadly.
"I deserve this. I'm sorry Charlton for leaving you, for hurting you but I am not giving up on you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top