2 ~ Chastity
CHAPTER TWO
TALAGANG hindi nya napigilan ang pagsimangot ng mukha nya habang pinagmamasdan ang mga kaibigan nya na nagkakarerahan sa malawak na field. Tinignan nya ang isa malaking screen at nakita nyang nauungusan na ni Lexus si Saleen at Stella. Ano na naman kaya ang pustahan ng mga ito?
"Why don't we join to them? Wala naman si kuya Ryxer." Tumabi sa kanya si Liberty, oo nga pala silang dalawa ang hindi pinapayagan ng lalaking iyon gumamit ng field kapag walang kasama.
Nilingon nya ito at agad naman itong ngumisi na para bang wala ng makakapigil sa kanilang dalawa na gawin ang bawal. Mabilis na tinakbo nila ang kanila-kanilang mga sasakyan at pumasok doon. Parang nahupa lahat ng inggit nya sa katawan ng maikot nya ang buong field ng walang nagpapagalit sa kanya at sigurado syang pareho sila ni Liberty ng nararamdaman.
"Charlton, do you hear me?" Narinig nya ang boses ng kaibigan mula sa headset na nasa suot nya. Para silang mga piloto na nagpapalipad ng helicopter kaya lang sa land lang sila at wala sa himpapawid at hindi helicopter kundi sports car ang minamaneho nila.
"Yes yes." Sumulyap sya sa rearview mirror ng Mazda nya, nasa likod nya lang ang sasakyan ni Liberty pero sa likod nito ay may isa pang sasakyan.
"Kuya Ryxer is here together with your brother we are so dead."
"So dead." Pagsang-ayon nya. "Let's stop this and runaway from them bago pa tayo nila masermunan." Tinapos nya lang ang isa pang ikot at ipinarada na ang sasakyan nya sa paradahan.
Bumaba sya at sinimangutan lang ang mga kaibigan nyang babae na nakatingin sa kanya. Alam na kasi ng mga ito ang mangyayari pati si Liberty ay nakasimangot na din.
"Hide hide." Sinisenyasan sila ni ate Stella na magtago dahil huminto na ang sasakyan nila Ryxer.
"Liberty." Sabay pa silang napatayo ng tuwid ng kaibigan ng tawagin ang pangalan nito ng binata. Nakatalikod kasi sila sa gawi nito habang ang mga kaibigan nya ay nakaharap sa kanila.
"Pack your things ihahatid na kita sa bahay."
"Kuya naman dito muna ako behave naman ako."
"Behave? Sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng magdrive mag-isa."
"Mabagal lang naman ang pagpapatakbo ko kuya."
"Hindi mabagal ang nakita ko kanina!"
"Galit ka na naman sakin." Her voice almost cracked.
"Paanong hindi ako magagalit sa.-"
"Man, enough iiyak na si Liberty." Sabat ni Ether, minsan gusto nyang yakapin na lang bigla si Von Ether kasi magaling ito tumayming kung kailan eeksena.
"Charlton.-"
"Uuwi ako Ryxer kay kuya ako sasabay." Inunahan nya na ito sa pagsasalita at hinarap ito. Naglakad sya sa gawi ng mga ito at niyakap ang kapatid nyang katabi lang nito. Ang bango-bango naman ng kuya nya at lapad ng dibdib. "Kuya inaaway nya na naman ako." Parang batang sumbong nya sa kapatid.
"Sinabi ko na sayo na huwag ka magdrive hindi ba paano kung may nangyaring masama sayo?" Akala nya pa naman kakampihan sya ng kapatid.
"Tama na ang drama ang sakit nyo sa mata. Anyway guys baka gusto nyong mag road trip." Umupo si Stella sa hood ng sasakyan nito.
"No!"
"Sure."
"Hindi pwede!"
"I'm in, kailan ba 'yan?"
"Walang magaganap na road trip!"
"Tayo na lang kung ayaw nila."
"Huwag kayong makulit girls hindi pwede kasi.-" Isang nakakasulasok na tili ang pumailanglang sa buong paligid ang nagpatigil sa diskusyon nilang lahat. Ang sakit sa tenga sa totoo lang, napapapikit pa sya.
"ANG INGAY-INGAY NYO!" Lahat yata sila napatakip sa tenga sa boses ni Saleen and yes ito din ang tumili. Grabe 'no?
Mahabang katahimikan ang namayani bago ulit may nagtangkang nagsalita. "So tuloy tayo." Pagpapagtuloy ni ate Stella. Magsasalita sana ang mga lalaki kaya lang mukhang natameme na lahat ng tignan ni Saleen. Ganito din kaya ito tumili kapag kasama nito sila tito Matthew? Nakakatakot pala kapag naiinis si Saleen idinadaan sa sigaw o tili para lang maibisan ang pagkayamot nito.
"Okey girls, let's make a plan." Aya ni Lexus na naka suot ng all black. Umalis sya sa pagkakayakap mula sa kapatid at nakipag-umpukan sa mga kaibigan nya. Nakita nyang napailing na lang ang mga lalaki dahil wala na naman magagawa ang mga ito, nakapag plano na sila eh. Tuloy ang road trip.
"Ilan sasakyan ang gagamitin?" Tanong nya. Nasa tiled floor lang sila nakaupo lahat.
Binilang muna ni Liberty kung ilan sila. "Five lahat tayo."
"Gusto nyo ba sama-sama tayo o hiwalay-hiwalay?"
"Sama-sama para palitan sa pagdadrive." Hindi sya nagdadrive ng malayuan, hindi nya pa nasubukan kasi may personal driver sya o kaya naman si Cassidy ang driver nya o kaya ang daddy nya but not her mom.
"So isang van lang ang gagamitin natin at kailangan natin ng madaming pagkain."
"Picnic ba ang pupuntahan natin ate Stella?" Ngumiti ito sa kanya, 'yung alangan na ngiti.
"No baby Charlton, kailangan lang natin ng madaming pagkain para kakain tayo habang nagroroad trip." Tumango-tango sya.
"Paano kapag sumakit ang tyan natin dahil madami tayong nakain?" Si Liberty ang nagtanong, silang dalawa ang pinaka bata sa kanilang limang magkakaibigan.
"Madaming matataas na talahib sa pupuntahan natin kaya pwede nyong dalhin doon ang tawag ng kalikasan."
"That's gross!" Nandidiring wika ni Saleen habang nakapilantik ang mga daliri.
Lumapit sa kanya si Liberty at bumulong. "Ano 'yung tawag ng kalikasan, Charlton?" Ano ba? Hindi nya din alam, baka kapag nag threw up?
"Hindi ko din alam Liberty." Balik na bulong nya.
"Anong pinagbubulungan nyong dalawa?" Napapitlag sila pareho ng marinig ang malamig na boses ni Lexus, hindi naman ito galit ganoon lang talaga ang boses nito.
"She asked me what is tawag ng kalikasan?"
"Eww please stop that tawag ng kalikasan na 'yan I hate mabaho." Maarte si Saleen, maarte. Ilan taon na nga ba ulit ang babaeng ito? Sya kasi ay kakaeighteen pa lang, ahead ng five years sa kanya ang kuya nya. So matatawag pa silang teenager ni Liberty, nasa twenty's na kasi sila Stella, Lexus and Saleen. Bata pa sila kung tutuusin, kaya lang mukha na silang dalaga at lahat sila graduate na. Maaga syang nag-aral at may business na din sya, isang jewelry shop, regalo sa kanya ng mommy at daddy nya nang nag debut sya. Madalas sya sa shop nya pero mas madalas sya sa RACE. Ewan nya ba basta hindi nya trip mag manage ng business, iba ang gusto nya.
"Tawag ng kalikasan is.-"
"Stop it Stella." Lexus interrupted.
Napatingin silang lahat sa pintuan ng bumukas bigla iyon. Ang mga lalaking ito talaga mga hindi marunong kumatok. Agad na nagtama ang mata nila ni Ryxer, galit sya dito kaya inirapan nya ito. Ano na naman kaya ang sasabihin sa kanila ng mga gwapong lalaki sa harap nila? May pakiramdam sya na makikialam na naman sa lakad nila ang mga ito. Malaya syang gumala kasi wala ang parents nya, ang mga maids lang ang kasama nya sa bahay nila then si kuya Cassidy nya ay pansamantalang umuuwi muna doon habang wala pa ang parents nila. May condo unit na kasi ang kapatid, bumukod na ito kahit ayaw ng parents nya.
Basta nag promise sya sa mommy at daddy nya na hindi sya aalis ng bahay nila, sasamahan nya ang mga ito. Hindi nya nga yata kaya mabuhay mag-isa, dependent sya masyado siguro kasi nagdadalaga pa lang sya kaya gano'n. Hindi pa gano'n kalawak ang kaisipan nya sa mga bagay-bagay, kailangan nya pa din ang gabay ng magulang nya. Baby nga sya sa kanila kahit nag-eighteen na sya.
AGAD na nahanap ng mata nya ang babaeng nagpapainit ng ulo nya pagkapasok nila sa isa sa mga silid na naroon. Katulad ng iba nilang kaibigan ay nakaupo din ito sa tiled floor, nakasalampak is the right term together with his sister, Liberty.
Last month lang nag debut si Charlton pero kung titignan ay dalagang-dalaga na ito but the way she talk ay parang wala pa ito talagang alam sa mundo. She doesn't even know that when she hugs him his body automatically responds to her body kaya inilalayo nya ang sarili sa dalaga dahil ayaw nyang sirain ang kainosentehan nito. Maybe he can wait, hindi naman nya hawak ang tadhan and besides he's enjoying his life, madami syang babae na kaya nyang makuha agad. Papalipasin nya na lang muna ang pag-iinit ng katawan nya dahil kay Charlton.
"Tresspassing kayo!" Kailan nya kaya mapapatikom ang bibig ng pinsan nyang si Stella?
"Baka nakakalimutan mo pag-aari namin ang lugar na ito, lahat ng natatanaw mo ay sa amin, ang inuupuan mo ay amin at ang hangin na nalalanghap mo ay sa amin din." Mayabang din itong si Von Ether kung hindi nyo naitatanong.
"Alam namin 'yon kuya. May idadagdag ka pa ba?"
"Yes, 'yung pagkain namin kinain nyo." Sagot nito kay Lexus.
"Magluluto na lang ako para may kainin kayo at.-"
"Maawa ka Stella hindi pa namin kaya makita ang mga sasakyan dito na abo na lang."
"Cassidy ano bang problema mo sakin? Lagi mo na lang akong tinatabla." Tumayo ito at pinameywangan ang kaibigan nya.
"Shut up will you? Ang ingay-ingay mo." Hindi ba mainitin ang ulo nilang magkakaibigan? Ayaw nila sa maingay na babae kailan kaya sila masasanay sa madadaldal? Stella at Saleen ang pinaka madaldal sa lima mas gusto nya pa kasama si Lexus kasi bihira lang magsalita.
Nakita nya ang pag-upo ni Aeon sa pagitan ni Charlton at Liberty, umusog pa ang dalawa para makaupo ito at tila tuwang-tuwa pa dahil pinagkukurot nito ang pisngi ni Aeon siguro sa inis ng lalaki kaya lumayo ito sa dalawa at si Ether ang pumalit.
"Von Ether Murphy alis ka dito ayaw ka namin katabi!" Kawawa naman ang kaibigan nya dahil pinagpapalo at sinasambunutan ito ng dalawa.
"Aalis na ako huwag nyo akong rapin virgin pa ako!" Yakap yakap ang sarili ng lumayo ito sa dalawa.
"Virgin ka din?" Maang na tanong ni Charlton. As in walang malisya samantalang ang mga kasamahan nila ay namumula na ang mga pisngi pati yata sya ay namumula na din pwera kay Liberty na wala din alam sa mundo. "Bakit kayo namumula virgin pa kayo?" Dugtong pa nito. Nagkatinginan tuloy sila ni Cassidy na para bang may nakakahiya sa nangyayari.
"Kuya Ryxer bakit ka namumula? Virgin ka din? Lahat tayo dito virgin?" Tabinging ngiti ang naibigay nya kay Liberty ng tanungin sya.
"Yes baby I am." Kulang na lang sagasaan nya ng paulit-ulit ang tatlo nyang kaibigan dahil alam nyang gusto na ng mga ito tumawa. Hindi lang naman sya ang hindi virgin, silang magkakaibigang lalaki ay hindi na. Kaya lang nakakahiyang topic iyon lalo at walang alam sa mundo ang nakikinig sa kanila. Alam nya din naman na malinis pa ang mga babaeng kaharap nila ngayon, kapag may nagtatangka kasing manligaw sa mga ito ay agad nilang tinatakot. Kaya hanggang ngayon walang ni isa ang nakalusot sa mga pobreng lalaking nangangarap na masungkit ni isa sa mga nag-gagandahang babae sa harap nila.
"Hindi ka na virgin Ryxer dahil 'yung classmate ko nung high school ipinagkalat na may nangyari sa inyo." Itong Stella na talaga na 'to walang preno ang bibig hindi man lang marunong makaramdam.
Tinignan nya si Charlton na wala naman pakialam sa narinig. Sabagay ano nga bang alam nito sa mga ganoong bagay at ano nga rin ba ang inaasahan nyang maging reaksyon nito?
"Bakit ba kayo nandito?" Lexus asked them.
"We want to join in road trip." Sya ang sumagot. "And we have plan."
"Hep hep," Itinaas ni Saleen ang forefinger nito to get their attention. "Anong plano naman?"
"We are going to use our cars para hindi na kayo gumamit ng van kami na din ang madadrive."
"Girls ang sarap ng buhay natin may driver na tayo!" Pumalakpak pa si Stella. Wala naman paki ang babaeng kanina nya pa tinitignan, mas busy ito sa pakikipag-usap kay Liberty.
Tumayo ang mga ito at nagpagpag ng mga damit. "Kailan nyo gusto umalis?" He asked.
"Now na!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito at nag-umpisa ng magmadali palabas.
"Aayusin lang namin ang mga gagamitin namin tapos babalik kami dito, okey?" Ani Lexus na nahuling lumabas, alam nyang naeexcite ito hindi lang halata. Tumango lang sya bilang sagot, may magagawa pa ba sila? Wala.
Humugot sya ng malalim na buntong hininga at kakamot-kamot ang batok ng harapin ang mga kaibigan nya. The way they look at him para bang may kasalanan syang ginawa.
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Ether. "Saan naman natin dadalhin ang mga girls?" Walang sumagot sa kanila, nag-iisip sila kung saan nga ba magandang dalhin ang mga treasure nila, yes kayamanan nila ang mga babaeng iyon.
"They love beach." Aeon spoke at sigurado syang hindi na ito ulit magsasalita.
"Okey sa beach na lang." Pagsang-ayon nya at lumabas na ng silid na iyon. Nag-iisip kasi sya kung paano ang gagawin nya para humupa ang pagkainis sa kanya ni Charlton.
KANINA pa sya nakatingala sa malaking wardrobe sa silid nya. Sa sobrang dami ng damit nya ay hindi nya na alam kung ano ang susuotin nya at mga dadalhin nya. Pabagsak na humiga sya sa queen size bed nya. Kahit hindi siguro sya lumabas ng kwarto nya ay mabubuhay sya sa loob no'n. May refrigerator doon in case na gusto nyang kumain ng malalamig kapag ayaw nyang bumaba sa kitchen nila, may malaking flat screen TV, DVD player, WiFi, laptop, lahat yata ng kailangan ng isang individual ay nasa loob ng kwarto nya, wala na nga yata syang mahihiling pa.
Kinuha nya ang iPhone nya sa gilid nya and dialed her mother's number, tatlong ring lang ay nasagot na agad. "Hello?"
"Yes baby? May problema ba?" Daddy nya ang sumagot.
"Wala po dad, where's mom?"
"Nasa shower room baby, namimiss mo na ang mommy?"
She nod her head kahit hindi naman sya nakikita ng ama. "Miss ko na kayo daddy go home na please." She heard him chortle. Ilan days pa lang ba nya na hindi nasisilayan ang magulang? Nag-out of town kasi ang mga ito.
"Your mom misses you too, Charl.---"
"Babe sino 'yang kausap mo?" Sigurado syang boses iyon ng mom nya.
"Our baby girl." See, baby kaya sya kahit eighteen na sya.
"Let me talk to her." Hinintay nya munang magsalita ulit ang mom nya, marinig nya lang ang boses ng mga ito ay okey na sya hindi na sya sad.
"How's my baby girl?" Malamyos na tinig na tanong ng nasa kabilang linya.
"I'm a little bit sad kanina mommy pero ngayon hindi na po narinig ko na kasi ang boses nyo ni daddy."
"How sweet don't worry next day uuwi na kami dyan. Where's your kuya?"
"Downstairs mom he's waiting for me magroroad trip kami today."
"No baby hindi pwede huwag ka ng sumama okey?" Tila natataranta ito.
"Bakit mommy? Masaya po do'n kasi magkakasama kaming magkakaibigan."
"Baka kasi----."
"Let them enjoy their lives babe." Her dad interrupted.
Ilang segundo muna ang nakalipas bago nagsalita ang mommy nya. "Okey baby sasama ka sa kanila but I will talk to them to look after you and I will call your brother for some reminders."
"Thank you mom, I love you and dad."
"We love you more, mag-iingat kayo ha?"
"Opo kayo din ni daddy." They bid goodbye and ended the line.
Napatingin sya sa pintuan ng silid nya ng kumatok doon. "Charlton, are you okey? Kanina ka pa dyan."
Napabagon sya ng wala sa oras. Hindi pa nga pala nya naaayos ang mga dadalhin nya. "Kuya come in help me pack my things."
Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang gwapong lalaki. Sino ba ang gwapo? Her brother of course, Cassidy. "Almost one hour ka na dito hindi mo pa rin naayos ang mga gamit mo?" Lumapit ito sa wardrobe nya at pinanood lang ang kapatid na kunin ang mga dadalhin nya. "You know hindi lang ako ang naghihintay sayo Chalrton nasa baba na sila Ryxer kanina pa."
"Ganoon ba kuya?" Wala naman nagagalit sa kanya kahit matagal sya baka sanay na ang mga ito.
"Hays."
"Hintayin kita kuya sa baba ha?" Kinuha nya ang iPhone at iPad nya bago lumabas ng silid.
Tahimik lang ang bahay nila kaya lang biglang umingay kasi nandyan ang mga friends nya.
"Where's your brother?" Lexus asked her.
"Inaayos 'yung gamit ko." Inilibot nya ang tingin kaya lang wala 'yung hinahanap nya.
"Okey na ba lahat?" Lumanding ang mata nya sa main door nila para lamang salubungin ng isa pang gwapong lalaki.
Kapag si Ryxer ang nakikita nya parang may mga paru-paro sa tyan nya na lumilipad-lipad pero kapag ang kuya Cassidy nya naman ay hindi, tumingin sya kay Ether at Aeon parehong gwapo ang mga ito kaya lang wala naman syang maramdaman na kakaiba sa katawan nya. Ganoon din kaya ang nararamdaman ni Ryxer sa tuwing magtatama ang mga mata nila?
"Not yet, inaayos pa ni Cassidy ang gamit ni Charlton."
Iniwas nya ang tingin kay Ryxer ng tumingin ito sa direksyon nya. Dapat ay hindi nito malaman na nagkakaro'n bigla ng flying butterflies sa may tummy nya every time they look at each other. She'll keep that as her secret, kapag umuwi na ang parents nya ay itatanong nya sa mga ito kung bakit gano'n ang nararamdaman nya sigurado syang masasagot iyon ng mommy nya.
"Let's go guys!" Parang mga kiti-kiti ang mga kaibigan nyang babae ng marinig ang sinabi ng kuya nyang pababa sa hagdan.
Impit pang napatili ang mga ito at nagtatalon sa tuwa. Sya naman ay masaya lang na tinitignan ang mga ito na tila ba kaytagal nilang hinintay ang oras na iyon na makaalis sila. Para bang mga nakawala ito sa hawla samantalang lagi naman silang namamasyal kaya lang dapat kasama ang mga magulang nila at may mga bodyguards din na nakapaligid sa kanila. Alam nya naman na mayaman sila, ayaw nya lang tanggapin na sobrang yaman nila. Ang mga magulang ng kaibigan nya ay mayayaman din. Sobrang swerte nya pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top