15 ~ Dream Battle
CHAPTER FIFTEEN
AALIS na sana sya ng apartment ni Charlton ng makarinig ng mumunting hikbi na nagmumula sa banyo kung saan malamang ay naroon ang hinahanap nya. Dali-dali nyang binuksan ang pinto at inihanda ang sarili kung ano man ang makikita nya.
Napako ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan ng makita ang isang anghel-scratch it he saw a Goddess! Seeing Charlton in that bathtub with full of petals makes his heart beat so fast and he cannot stop himself but to admire her, para itong Diyosa na mahimbing na natutulog at walang sinuman ang pwedeng mang-distorbo dito. Paano nya nagawang iwan ito at ipagpalit kay Lindsay?
"Charlton." He whispered and walk closer only to find out that there's a drop of tears rolling down to her angelic beautiful face. There's a sudden prick feeling inside his chest upon watching her crying while sleeping. "What happened? Stop crying." He wipe her tears gently using the back of his hand.
He wants to kiss her pero alam nya na hindi na pwede, wala syang kahit na anong rights kay Charlton. Gigisingin nya sana ito ng makarinig ng sunud-sunod na katok kaya naman napilitan syang tumayo at pagbuksan kung sino man 'yon.
"Who are-." Hindi nya pa man din natatapos ang sasabihin nya ng salubungin ang gwapo nyang mukha ng isang malakas na suntok mula sa isang lalaking medyo pamilyar sa kanya. "What the hell was that for?" Galit na tanong nya habang sapo-sapo ang kanyang panga na feeling nya madidislocate. May balak yata itong sirain ang gwapo nyang mukha.
"What did you do to Charee?" Instead the man asked that question.
Nilipat nya ang tingin sa banyo na nakaawang pa ang pinto. "She's sleeping."
"McLaren?" Sabay nilang tinignan kung kanino boses 'yon. "Ryxer? Where's Charlton?" Tita Amber asked them, kasama nito ang asawa nito at si Cassidy. "Where's my daughter?"
"Tita,-"
"Tita Amber, gusto ko lang po malaman nyo na nawala ang ala-ala ni Charlton." Putol ni McLaren sa sasabihin nya na para bang hindi big deal dito ang pagkawala ng memorya ng dalaga.
"Ano??!" Napahawak ang ginang sa dibdib nito. "Nasaan na sya? Miss na miss ko na si Charlton." Batid nya at ramdam nya na miss na nga ng mga ito ang babaeng kasalukuyang natutulog sa banyo.
"Nasa loob po."
"McLaren, kailangan mong magpaliwanag sa'min." Seryosong ani ng padre de pamilya sa pamangkin nito.
"Walang problema Tito Clarkson sabihin nyo lang po kung kailan nyo ako kakausapin. Mauna na po ako sa inyo." Iyon lang at umalis na si McLaren sa harap nila na para bang hindi sya nito sinuntok ng malakas.
Niluwagan nya ang pagkabukas ng pintuan para makapasok ang mga ito para lamang salubungin sila ng isang babae na nakasuot ng roba at nakarolyo sa basang buhok nito ang puting tuwalya. Nalukot ang magandang mukha nito ng makita sila.
"Sino kayo? Trespassing kayo."
"Anak," Wala pang dalawang segundo ay nakayakap na ng mahigpit ang mommy ni Charlton dito. "Anak, sobrang miss na miss ka na namin umuwi ka na please."
"H-hindi ko kayo maintindihan nagkakamali po yata kayo ng sinasabing anak wala na akong magulang 'yon ang pagkakaalam ko."
"We have a proof na kami ang magulang mo Charlton, we can have a DNA test baby kung gusto mo." Lumapit si Tito Clarkson sa anak nito saka hinaplos ang pisngi nito. "Umuwi na tayo anak hindi ko na kayang makita ang mommy mo na umiiyak palagi kakaisip kung nasaan ka, kung okey ka lang ba o kung nakakain ka ba ng maayos." Tila lumambot ang aura ng mukha ng dalaga sa mga narinig.
"Masyado ng madaming taon ang lumipas Charlton, umuwi ka na sa bahay para makompleto na ulit ang pamilya natin. I missed you so much, little sis. Malaki na ang pinagbago mo and I am very proud of you kahit pa hindi mo kami naaalala. We are proud of you." Lumapit si Cassidy dito at nakiyakap din.
And it's time for him to leave her with her family. Alam nyang nasa mabuting kalagayan na si Charlton kasama ang pamilya nito. Lumabas sya ng apartment at sumakay ng kanyang sasakyan.
"SAAN nyo po ako dadalhin?" Tanong nya sa mommy nya na sobrang miss na miss nya na kaya lang hindi sya pwedeng magpahalata.
"Sa bahay natin, anak." Hearing her mom calling her 'Anak' makes her heart jump in happiness.
Nang ayain sya ng mga ito pauwi ay hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa kaya sumama sya agad.
"Laging pinapalinisan ng mommy mo ang kwarto mo Charlton kasi umaasa sya na anytime ay babalik ka samin. Walong taon anak, walong taon kaming naghintay sa pagbabalik mo." Nasa passenger seat ang daddy nya habang ang kuya Cassidy nya naman na lalong gumwapo ang nagmamaneho. "Thanks God dahil nakita ka ni Ryxer."
Nag-init ang ulo nya ng marinig ang pangalan na 'yon. Mabuti nga at umalis na 'yon kanina para hindi na nagagalit ang mga kalamnan nya.
"Dad, hindi na lang ako pupunta sa party ni Ryxer mamaya gusto kong makasama kayo nila mom and of course with our princess, Charlton." Ngumiti lang sya ng tipid sa kuya nya na bakas din sa mukha ang kasiyahan.
Mahabang taon din syang naghintay na makasama muli ang pamilya nya. Totoong kasiyahan na ang nararamdaman nya at hindi pwedeng masira iyon ng isang tao lang kaya dapat maisagawa nya na ang plano nya para kay Ryxer Wilson.
KASALUKUYAN syang nagmumuni-muni sa malawak na hardin ng bahay nila ng makarinig ng mga sasakyan na papalapit sa gate nila. Nakakatawang isipin na natututunan pala talaga ang pagkakaro'n ng malakas na pakiramdam. Salamat sa mga taong tumulong sa kanya upang magbago ang ilang parte ng katauhan nya.
Sunud-sunod na busina ng mga sasakyan ang umalingawngaw sa buong paligid kaya naman napilitan syang lumapit sa malaki nilang gate.
"May bisita ba?" Tanong nya sa security guard.
"Nasa labas po ang mga kaibigan nyo Miss Charlton."
"Sino?"
Tumingin ito sa monitor na nasa gilid nito, mga CCTV. "Si Miss Stella, Liberty and Saleen po."
"Okey, open the gate." May pinindot itong button upang bumukas ang gate nila.
Mabilis na nahawi nya ang kanyang katawan upang tumabi dahil kung hindi sya nakaiwas agad ay baka nasagasaan na sya ng tatlong magagarang sasakyan na umaandar papasok sa malaking parking lot ng bahay nila. Nasapo nya pa ang kanyang dibdib sa kaba.
"Mabuti na lang talaga hindi ka na tatanga-tanga ngayon Charlton kung hindi baka bali-bali na ang buto mo dahil sa mga reckless mong kababata." Bulong nya habang naglalakad pabalik sa garden nila.
"Hurry up Charlton." Maarteng sigaw ni Saleen na prenteng-prente ng nakaupo sa tabi ng mga bulaklak.
"Ang laki mo na Charlton! Dalaga ka na." Pinaikutan nya ng mata si ate Stella. "Mas malaki na ang boobs mo sakin." At humagikhik pa ito. Ito lang yata ang hindi nagbago, maloko pa din.
"I missed you Bff!" Hindi na nakapagpigil si Liberty kaya sinalubong sya kahit pa naka high heels ito at niyakap sya ng sobrang higpit. "I'm glad your back."
"I missed you too, Liberty." Mahinang usal nya. "I'm happy to see you again after eight long years."
"Magyayakapan na lang ba kayo dyan? Hindi nyo ba kami isasali?" May himig na pagtatampo sa boses ni Stella. "Saleen, hug natin sila." Iyon nga halos pipiin sya ng mga ito sa yakap.
"Okay ka na ba Charlton? Naaalala mo na ba kami? Like duh? Sa ganda kong 'to? How dare you forget about me?" Si Saleen na hanggang ngayon ay maarte pa din pala.
"May mga pictures tayo na ipinakita sakin ni mommy kaya kahit papano ay naaalala ko na kayo." Kimi lang syang ngumiti sa pagsisinungaling nya. "Hmn, what do you like girls? Magpapaluto ako."
Marahas na umiling si Saleen. "I'm on diet my beautiful friend, the reason why we're here is-."
"Gusto mo mag race? Car racing." Naghihintay ang mga ito ng sagot nya.
Car racing? The last time she remember ay hindi maganda ang nangyari ng makipag race sya that was six years ago with her friends, Xarra and Celine pero wala na syang balita sa mga 'yon.
"Kung iniisip mo na may pipigil sayo sa pakikipagkarera, hmn, don't mind them masyado na tayong magaganda para pigilan nila."
"Matatanda, hindi magaganda." Kontra ni Stella kay Saleen.
"Hindi pa ako matanda excuse me, sobrang ganda ko lang talaga." Maarteng inilagay ni Saleen ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib at umirap sa hangin. "Kaya nga patay na patay sakin si Von Ether." Namula pa ang mapink-pink na pisngi nito. "Anyway, what's your answer Charlton?"
"Wait for me here, magbibihis lang ako." Narinig nya ang tili ng mga kaibigan nya habang patakbo syang pumasok sa loob ng bahay nila.
Kasalukuyan syang nakatayo sa harap ng malaking wardrobe nya upang mamili ng susuotin. Puro bago lahat ang naroon dahil nga walong taon na ang lumipas kaya bukod sa tumangkad sya ay gumanda na din lalo ang pangangatawan nya. In short, wala na 'yung batang Charlton.
"Come in." Sabi nya ng may kumatok sa pinto nya silid nya. "Liberty? Why are you here?" Takang tanong nya sa bff nya.
Umupo ito sa edge ng bed nya. "I don't like her." Anito.
"What?"
"I don't like kuya Ryxer's girlfriend."
Tumango-tango sya. "Bakit naman? Mukha naman syang mabait." Gusto nyang masuka sa sinabi nya.
"I have this feeling na nagpapanggap lang syang mabait para magustuhan sya ng parents ko."
"You think so?"
Liberty nod her head. "But I will never like her kahit pa anong gawin nya."
"So, what's your plan?"
"I want to ruin her. I don't like her for my brother."
"At sino naman ang gusto mo para kay R-Ryxer?" Damn! Ayaw nya kasing binabanggit ang lalaking 'yon.
"Kung papipiliin man ako na makatuluyan ni kuya Ryxer..." Huminto ito sa pagsasalita kaya naman nilingon nya ito. "Ikaw ang gusto ko para sa kanya, Charlton."
Kinakabahan na tumawa sya kasabay no'n ang pagbilis ng tibok ng puso nya. "Bakit ako? Madami namang iba dyan."
"I still remember the day when my brother told me about you-about courting you. Ako ang unang-unang tumutol do'n Charlton because I know my brother, he's a player at iniisip ko na baka paglaruan ka lang nya. We are best of friends kaya ayokong masaktan ka."
Napilitan sya tabihan ito pero nanatili sa wardrobe nya ang mga mata. "Did Ryxer hurt me?" Tanong nya na tila ba wala talaga syang alam sa nangyari noon.
"He did, I think he did hurt you."
"Paano?"
"You and my brother are in a relationship bago pa man sya umalis para mag-aral sa ibang bansa."
"Are you sure? In relationship kami ng kapatid mo?" Gusto nya ng sambunutan ang sarili dahil sa pagsisinungaling nya.
"Yes Charlton, pero simula ng malaman ko na may iba na syang girlfriend, nagalit ako sa kanya at hanggang ngayon galit pa din ako sa kanya kasi sinaktan ka nya."
Bahagya syang tumingala upang supilin ang luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata nya.
"P-pero hindi naman ako nasasaktan." Sinungaling!
Tumawa ito ng mapakla. "Sa ngayon hindi pa masakit Charlton kasi wala ka pang naaalala pero oras na bumalik ang memorya mo ewan ko na lang."
Inilagay nya ang isang kamay sa balikat nito. "Sa tingin mo mas makakabuti kung hindi na lang babalik ang mga ala-ala ko?"
Ngumiti ito ng malungkot. "Oo para hindi ka na masaktan."
Nakakalambot ng puso ang sinasabi ng kaibigan nya. "Thank you ha?" Tanging naiusal nya.
Umiling ito. "Wala 'yon. Basta kapag kailangan mo ng makakausap tawagan mo lang ako kahit matagal tayong hindi nagkita alam ko naman na hindi nagbago ang pagiging magkaibigan natin. Ikaw pa din ang bestfriend ko, Charlton."
"Thank you ulit, Liberty." Niyakap nya ito at gumanting yakap ng kaibigan. "I'm sorry I need to lie." Aniya sa isip nya.
Pagkatapos nyang ayusin ang sarili ay sabay silang lumabas ng silid nya. Hindi naglalayo ang taas nila ni Liberty at masasabi nyang mas lalo din itong gumanda.
"Shall we go?" Untag nya kay Saleen and Stella na kung makaupo ay para bang doon ang mga ito nakatira.
"Good idea!" Tumayo si Saleen at naglakad na papasok sa kotse nito. "Faster girls kasi magpupunta sila Aeon sa RACE dapat maunahan natin sila." Nakalabas ang ulo nito sa bintana ng sasakyan habang nakalukot ang mukha dahil nasisinagan 'yon ng araw. "Gosh! Sobrang init, my skin!" Tili pa nito at isinara na ang bintana. Masasabi nyang si Saleen ang pinaka maarteng babaeng nakilala nya pero she still like her kasi kahit maarte ito alam nyang mabait naman ito.
Naglakad sya papunta sa bago nyang sasakyan habang napapailing na lang at pumasok na do'n. Ang tatlo nyang kasama ay umaandar na palabas ng gate nila habang nakasunod lang sya.
Kung may anong gumuhit sa dibdib nya ng binabaybay nya na ang isang pamilyar na lugar kung saan nya binuo ang pangarap nyang maging isang car racer pero naglaho lahat 'yon when the man she thought will love her was broke her.
"Hindi pa huli ang lahat Charlton, pwede mo pang tuparin ang pangarap mo at pwedeng matalo mo p ang isa sa apat na pinaka mahusay sa pangangarera ng mga sasakyan." Usal nya sa sarili habang inililibot ang mata sa labas upang makapagpark ng dalang sasakyan. "Mangarap ka ulit, ngayon mo tuparin ang pangarap mong hindi natupad ng dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig." Inihinto nya ang sasakyan katabi kung saan nakaparada ang sasakyan ng kuya Cassidy nya, parang nakalaan talaga sa kanya ang bakanteng espasyo na 'yon.
"Hindi pa huli ang lahat Charlton. Lumaban ka!" Iyon lang at lumabas na sya ng kanyang kotse.
Sinuot nya ang itim na sunglasses nya at naglakad na papasok sa RACE. Kanina pa sya nagtataka kung bakit marami masyadong tao at mga sasakyan. Ano bang mayro'n?
Papasok na sana sya sa opisina ng kuya nya upang sana kamustahin ito dahil maaga itong umalis sa bahay nila kaya lang nag-iba ang dereksyon ng mga paa nya ng may humatak na lang bigla sa braso nya at ipasok sya sa ibang silid.
Bakas sa mukha nya ang inis ng makilala ang lalaking nanghatak sa kanya.
"What the hell McLaren? Anong ginagawa mo dito?" Inilibot nya ang tingin nya sa buong silid upang malaman kung sino pa ang kasama nila kaya lang balot na balot masyado ang dalawang makisig na lalaking kasama nila.
"Nawala ka lang sa Red Scorpion Club naging slow ka na." Wika ng kausap nya habang nagsusuot ng gloves pang racing.
"What? Ano ba ang hindi ko alam? Don't tell me magrarace ka?"
"Why not? This event is open for everyone who wants to race."
"Event?"
Napailing ito at malakas na bumuntong hininga saka tinignan sya na para bang ang slow nya talaga.
"Bubuksan ulit ng mga may-ari ng RACE Inc. ang lugar na ito para may pagkaabalahan na naman ang mga tao."
Natampal nya ang kanyang noo ng mag sink in na sa utak nya ang sinabi nito. Ngayon na nakabalik na ang mga talagang nagmamay-ari ng RACE Inc. ay hindi na nakapagtataka kung buksan man muli sa publiko ang naturang lugar.
"I get it." Umupo sya sa bakanteng upuan doon at napasinghap ng malakas ng ihagis sa kanya ng gwapo nyang pinsan ang isang over all na damit pangarera. "What to do with this?" Inangat nya pa ang kulay dilaw at itim na damit na hawak nya.
"Sunugin mo." Sarkastikong wika nito saka tumayo at hinubad ang suot nitong T-shirt. Hindi nya na pinansin ang mga pandesal ni McLaren dahil mahilig talaga ito magbalandra ng katawan.
Ibinaling nya ang mata sa dalawang lalaking tahimik lang habang pinagmamasdan ang dalawang monitor sa harap ng mga ito, mga CCTV ng RACE ang nakikita nya at ang dami na ding tao sa buong paligid.
"Ilang sandali na lamang po ay mag-uumpisa na ang pinakahihintay ng lahat. Maaari lang po na pumunta na dito lahat ng mga kalahok." Nag-angat sya ng tingin sa flat screen TV na nakapatong hindi kataasan malapit sa gawi ni McLaren.
"May car racing ngayon?" Bulalas nya.
"Yes and yes, Charee." Sagot ni McLaren. "Live telecast nationwide."
Napapalatak sya. Bakit hindi nya alam iyon?
Tumayo ang dalawang lalaki mula sa pagkakaupo saka sya tinitigan. Tanging mga mata na walang emosyon lang ang nakikita nya dahil nakabalot ng itim ang buong mukha ng mga ito.
"Hurry up Charlton." Napaigtad sya sa boses na iyon ng isang lalaki.
"Kuya Corvette?" Lumapit sya dito at yumakap tapos lumayo din at tumingin sa katabi nito. "Mazda?" Aniya at yumakap din. "Namiss ko kayo."
"Yeah, we missed you too." Sagot ni Mazda. "Hurry, we only have 15 minutes left before the event will start."
Tinignan nya ang hawak nyang damit. "Ito ang susuotin ko?"
"Yes," Kinuha nito ang isang itim na bonet at isinuot sa ulo nya pababa sa mukha nya kaya naman mata nya na lang rin ang nakalabas.
"Do I need to hide my face?"
"Kailangan natin itago ang mukha natin besides lahat naman ng kasali ay nakatago din ang mga mukha but they cannot fool us, kilala namin lahat ng kasali." Litanya ni McLaren. "Ang apat na may-ari ng RACE ay kasali which is your brother Cassidy, your ex-lover Ryxer and your childhood friends. Ako, si kuya Corvette at Mazda ay kasali din so good luck to you Charlton."
Ngumuso lang sya. Paano nga pala sya mananalo kung lahat ng kasali ay magagaling? Idagdag pa itong tatlong lalaking kasama nya.
"Pero kung gusto mo talagang umabot hanggang dulo, we can help you." May naglalarong ngiti sa labi ng pinsan nya.
"How?" Tanong nya. Paano nga ba sya makakaabot sa finals kung gayong puro bihasa ang makakalaban nya.
"We can play dirty as long as we can." Sabi ni Mazda at kinuha ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng lamesa. "Watch out." Iyon lang at lumabas na ito ng silid kasabay ni McLaren.
"Kuya Corvette." Tawag nya sa lalaking nakatitig pa din sa mga monitor.
"Hmn?"
"Gusto kong umabot sa finals." Para makalaban ko si Ryxer. Gusto nya sana idagdag.
"Then do your best."
"Let me win."
Humarap ito sa kanya. "Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pakiusap, Charlton."
"But I want to win."
Lumapit ito sa kanya at may inilagay sa tenga nya. A listening device.
"You know its impossible to beat your ex-lover in terms of car racing but I will assure you na makakaabot ka sa final four." Tinapik nito ang balikat nya saka lumabas na din ng silid.
Alam nya na mahirap talunin si Ryxer, ang kuya Cassidy nya, si Aeon at si Ether isama na din ang tatlo nyang pinsan. Napaupo sya sa kaninang inuupuan nya at tinitigan ang hawak na damit.
"Sasali ba ako?" Tanong nya sa sarili. "Or huwag na lang kaya?" Humugot sya ng isang malalim na buntong hininga bago ipinikit muna ang mga mata.
Fight Charlton, fight!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top