11 ~ Race

CHAPTER ELEVEN

"CHAREE, are you sure? Maghihirap tayo kapag natalo tayo." Nag-aalangan na tanong sa kanya ni Xarra.

"Trust me girls." Buong kompyansang wika nya.

Sino lang ba ang lalaking kakalabanin nya? Siguro naman hindi ito kasing bilis magmaneho ng ex-boyfriend nya, ng kuya Cassidy nya at iba pa nilang mga kaibigan. Nag-sign of the cross pa 'yung dalawang kasama nya.

"Four, three," Bilang nung lalaki na nakangisi sa kanya. "Two.." Batid nyang kinakabahan ang kasama nya at kahit sya ay ganoon din. "One!" Sigaw ng lalaki.

Mabilis na kinabig nya ang kambyo at tinapakan ang gas. "Wear your seatbelt." Sinunod naman sya ni Xarra.

"Damn, hindi kasya sakin 'yung seatbelt. Oh my—Aaahhhh!" Tili ni Celine ng bumilis ang takbo ng kotse nila.

Mabuti na lang talaga at hindi pipitsugin ang kotse ng kaibigan nya kaya malakas ang loob nyang makipagkarera. Isa pa ang kaninang kaba na nararamdaman nya ay napapalitan ng kakaibang saya. 'Yung feeling na nagawa mo 'yung bagay na gusto mong gawin noon pero hindi mo magawa.

"Kanino ka natuto mag drive ng mabilis Charee? Nakakatakot." Bulalas ng katabi nya.

"My brother and my ex-boyfriend taught me."

"That's freaking wow!"

Sinulyapan nya ang side mirror nya ng mapansin na may isang motorcycle na para bang nakasunod sa kanila o sa kakarera nila. Muling bumalik ang tingin nya sa rearview mirror upang masigurado kung gaano na kalapit sa kanya ang kalaban.

"Damn!" Mahinang mura nya ng halos maabutan na sya ng lalaki. "Stay still girls, kumapit kayo." Aniya at muling tinapakan ang gas.

Kailangan nilang manalo dahil sayang 'yung one hundred thousand, isa pa wala na syang budget ang tanging mayroon lang sya ay ang mga jewelry nya na mas mahal pa sa one hundred thousand at ayaw nyang mawala iyon sa kanya dahil bigay iyon sa kanya ng mommy nya. Isang set iyon, Gold necklace na ang pendant ay initials ng full name nya. CCF stands for Charlton Collins Forbes. Gold earrings, rings, bracelet and anklet na may naka-engrave ng initials nya.

"Aaaahhh!" Tili ng dalawang babaeng kasama nya ng banggain ang likod ng sasakyan nila ng lalaki. Kailangan nyang bilisan ang pagmamaneho dahil malapit sila sa bangin, prone area ang binabagtas nila.

"Damn that man! Sisipain ko talaga ang jewel nya kapag nakababa ako dito!" Inis na sigaw ni Celine.

"Puputulin natin ang—."

"Hey that's below the belt." Saway nya kay Xarra.

"Okey, daliri nya na lang ang puputulin natin—Aaaahhh!" Sigaw nito ng halos gumewang ang sinasakyan nila dahil sa malakas na pagbangga sa gilid ng kotse nila.

"Goodness! May balak ba syang patayin tayo?" Wala sa wisyo na tanong ni Celine na nakapagpatahimik sa kanilang tatlo.

"Kilala nyo 'yung lalaki?" She asked curiously. Race lang naman ang gusto nya pero may ibang balak ang lalaki, masamang binabalak.

"We don't know him pero hindi nya naman siguro tayo balak ilaglag sa bangin hindi ba?"

"Baka naman may gustong magpapatay satin? Oh God! Xarra, baka 'yung fiance mong devil ang nag-utos!" Nahihinatukan na wika ni Celine na nakakapit ng mahigpit sa inuupuan nito.

Napangiwi sya ng banggain ulit ang bandang gilid nya pero hindi nya ininda 'yung sakit ng braso nya dahil naka-focus sya sa pagdadrive para makalayo sa lalaki. Focus on driving. Lagi nyang tinatandaan ang tatlong salita na 'yon na lagi sa kanyang sinasabi ni Ryxer.

"Goddddd!" Tili nila ng may magpaputok na ng baril.

Sinulyapan nya ang sasakyan sa likod nila pero hindi doon galing ang putok ng baril bagkos iyon ang pinapaputukan ng nakasakay sa motorcycle.

"Hey Charee, focus on driving."

"Damn it!"

Alam nya na sobrang takot na din ang nararamdaman ng dalawa nyang kaibigan. Ano pa kaya sya? Nanginginig na ang buo nyang katawan at nangingilid na din ang mga luha nya sa mata. She's living like a Princess before, sobrang ganda ng buhay nya na siguradong pinapangarap ng sino mang tao sa mundo pero never... Never nyang inisip na darating ang ganitong pangyayari sa buhay nya.

She's in danger, nakaligtas sya sa unang pagsubok na ibinigay sa kanya pero hindi sya nakakasigurado kung makakaligtas din sya ngayon. She's really scared.

"Come'on Charlton, hindi ito ang tamang oras para magpakaweak ka. Dalawang buhay ang nakasalalay sayo. Be a woman." Bilin nya sa sarili.

Isa pang sunud-sunod na putok ng baril ang pumailanglang sa buong paligid dahilan kung bakit naririnig nya na ang kanyang hikbi pati na din ng mga kasama nya.

"Huwag naman kayong umiyak, makakaligtas tayo." Xarra wipe her tears.

"There's no way to escape." Usal nya ng makita na dead end na ang binabagtas nila.

"W-what?" Nanginginig na ang boses ni Celine. "Malapit na sya, maaabutan nya na tayo."

"I'm sorry girls I need to stop the car we need to face them." And she did stop the car.

"Charee! Are you out of your mind? Papatayin nya tayo."

"No they don't," Sinulyapan nya ang kotse ng lalaki na nakahinto malapit sa likod nila. "May kailangan sila satin at hindi ko alam kung sino o ano."

"Paano mo nasabi 'yan?"

Napapikit sya ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan nung lalaki. Nakalabas na ito at naglalakad papunta sa gawi nila.

"Get out in that fvcking car!" Sigaw nito sa kanila. Hindi nila ito pinansin at nanatiling nakaupo. "I said get out!"

"Gago ka ba? Bakit ka naman namin susundin?" Galit na sigaw dito ni Celine but she knew better, natatakot na din ito.

Halos lumabas ang mga eyeballs nila ng maglabas ito ng baril at itutok sa kanila.

"Shit!" Si Xarra na mariin na napapikit. "Who's that asshole?"

"No cursing."

"He's really serious." Bulong ni Celine. "Girls, lumabas na tayo baka makatikim tayo ng ambush sa kamay ng demonyong 'yan."

"Labas!" Sabay-sabay silang napatayo ng tuwid sa nakakatakot na boses ng lalaki.

"Oo lalabas na bwisit kang lalaki ka siguraduhin mo lang na papatayin mo kami dahil kung hindi? I swear hindi ka na sisikatan ng araw!" Si Celine lang naman ang magaling magpanggap na galit sa kanilang tatlo.

"Shut your mouth, Celine." Mahinang wika ni Xarra na nagdadalawang isip kung bababa o hindi. "Baka tuluyan tayo nyan hindi mo na makikita ang soulmate mo."

Sya na ang unang lumabas kaya naman nakita nya ang pagngisi ng lalaki.

"A-ano bang kailangan nyo?" Kung saan nya kinuha ang lakas ng loob nya kausapin ang lalaki ay hindi nya din alam. "Magkano ba?"

"Hindi pera ang kailangan namin, Miss." He snap his fingers na para bang may tinatawag.

Dumako ang mata nya sa kotse nito at bumuhos ang takot sa katawan nya ng lumabas ang dalawa pang lalaki na naka topless pero wala sa kalingkingan ang katawan ng mga ito sa katawan ng kuya C nya at ng ex-boyfriend nya pati ng iba pa nilang kababata. Naramdaman nya ang pagyakap sa kanya ng dalawang babae na nanginginig sa takot.

"Anong gagawin nila satin?" Bulong ng isang kaibigan.

"Hindi ko din alam Celine but they look like monster."

Malakas silang napasinghap ng itutok sa kanilang tatlo ang mga baril ng mga ito. Iniisip nya sana hindi na lang sya umalis sa bahay nila baka sakaling hindi nya sapitin ang ganitong trato ng kung sinong mga lalaki.

"Take off your clothes." Utos ng isa dahilan kung bakit nanindig ang balahibo nya sa katawan. Nakakakilabot. "In a count of three kapag hindi nyo ginawa ang sinabi ko kami mismo ang maghububad sa inyo."

Kinagat nya ang pang-ibabang labi para huwag umiyak sa harap ng mga ito. "Charlton be strong, lumaban ka hanggat kaya mo pilitin mong huwag matakot sa kanila." She's talking to herself. "Huwag mong hayaan na gawan ka nila ng masama."

"One,"

"Magbibigay na lang kami kahit magkanong halaga huwag lang ganito mga demonyo kayo." Sigaw ni Celine. Naglakad ang isang lalaki sa gawi nila at hinaklit ang braso ng kaibigan. "Damn you!" Nakangiwi na ito dahil sa mahigpit na hawak ng lalaki.

"Matapang kang babae ka." Idinikit nito ang kaibigan nya sa sasakyan nila at tinutukan ng baril.

Akmang lalapitan nya ito ng may magsalita. "Stay still woman." Bahagya nyang ipinihit pabalik ang katawan nya sa pumigil sa kanya at gano'n na lang ang takot sa puso nya ng tutukan din sya nito ng baril.

"Ano bang kailangan nyo samin? Mga walang hiya kayo!" Mabilis na lumapit ang isa pang lalaki kay Xarra at hinawakan ang panga nito gamit ang isang kamay.

"Kung sabihin kong kayong tatlo ang kailangan namin, tatahimik ka na ba?"

"B-bakit naman ako tatahimik kung may pagkakataon naman na pwede akong lumaban?" Galit na sagot nito at tinadyakan ang maselang bahagi ng katawan ng lalaki na agad naman napalayo sa kaibigan at iigak-igak sa sakit. "Aray! Get off me!" Sigaw ni Xarra ng hatakin ng lalaki ang buhok nito papasok sa loob ng sasakyan ng mga ito.

"Xarra!" Sigaw nya at napapikit ng maramdaman ang malamig na bagay sa may noo nya. Katapusan nya na yata.

"Mommy, daddy, sorry kung iniwan ko kayo." Umiiyak na sabi nya sa utak nya. "Ryxer.."

Akala nya sa movie lang nangyayari ang ganitong klaseng eksena hindi pala, nangyayari din pala ito sa tunay na buhay at nararanasan nya na ito ngayon.

"Take off your clothes." Bulong ng lalaki sa may bandang leeg nya habang nakatutok pa din ang baril sa noo nya. "Or else you'll die." Banta pa nito.

Hindi nya kaya mamatay mas lalong hindi nya kaya iwan ang pamilya nya. Siguradong sobrang malulungkot ang mga 'yon lalong-lalo na ang mommy nya. She can't afford seeing her mom crying because of her.

"P-please don't do this." Garalgal na ang boses nya. "I'm begging y-you." Naipikit nya ang kanyang mata kasabay ng pag-agos ng luha sa pisngi nya. Mas pipiliin nya na lang mamatay agad kaysa hayaan ang sarili nyang gawan ng masama ng lalaking demonyo sa harap nya.

"Hindi ako marunong maawa Miss kaya—."

"Put your gun down or else you'll die." Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mata upang hanapin kung kanino boses ang narinig nya.

"And who are you?" Nawala ang atensyon ng tatlong lalaki sa kanilang magkakaibigan at lumipat iyon sa isang lalaking nakatayo sa gilid ng motorcycle nito.

Prenteng-prente lang itong nakatayo na wari bang walang pakialam na may tatlong baril na nakatutok dito.

"Huwag mo ng alamin kung sino ako dahil kahit sabihin ko sayo ang pangalan ko wala din naman saysay kasi..." Tumingin ito sa kanilang magkakaibigan at bumalik ang tingin sa tatlong lalaki. "Kasi dalawang bagay lang naman ang mangyayari sa inyo dahil sa ginawa nyong pananakit sa mga babaeng nasa likod nyo. Una—."

"At akala mo natatakot kami sayo?" Putol ng lalaking nag-aya mag-race sa kanila kanina.

Ngunit hindi ito pinansin ng gwapong savior nila. "Una, sa hospital kayo pupulutin. Dapat alam nyo ang kahalagahan ng isang babae. Pangalawa, sa sementeryo ko na lang kaya kayo dalhin at ibaon? Hindi sila dapat sinasaktan they are men's treasures. Gasgas na gasgas na ang kasabihan na 'yan pero bakit hindi nyo pa din maintindihan?" Anito.

Muntik na syang matumba sa kanyang tinatayuan dahil sa pagyakap ng dalawa nyang kaibigan sa kanya nang ikasa ng mga lalaki ang hawak na mga baril nito.

"Huwag nyong itutok sakin 'yang mga baril nyo kung hindi nyo naman kayang iputok." He smirked.

That man, paano nito nagagawang makipag-usap ng walang takot na mababakas sa mukha nito kung may tatlong lalaking demonyo sa harap nito na anytime ay pwede itong barilin.

"Charl—Charee, get inside the car with your pretty new found friends." He even winked at them. Dali-dali silang pumasok sa kotse nila at doon lang sila medyo nakahinga ng maluwag.

"Who's that handsome? Bakit ka nya kilala?" Manghang tanong sa kanya ni Celine na para bang hindi ito nasaktan kanina. Nagkibit-balikat lang sya at lihim na nagpasalamat sa itaas. "Thank you for saving us. Thank you Papa God."

"Look, they are fighting!" Bulalas ni Xarra at itinuro ang mga lalaki sa labas.

"Oh my goodness! Saan ba galing ang lalaking 'yan ng masundan kung saan nakatira." Nalukot ang maganda nyang mukha sa sinabi ni Celine. "Iuwi natin sya sa bahay." Suhestyon pa nito at pasalamat lang sya na hindi nagreklamo si Xarra sa ideya na iuuwi nila sa apartment nila ang gwapong nilalang na bigla na lang sumulpot to save them from hell.

Halos masuka sya sa dugo na umaagos sa mukha ng tatlong lalaki dahil sa pakikipagsuntukan ng savior nila. Masasabi nyang magaling ito sa labanan lalo at arm to arm combat dahil halos hindi na makatayo ang mga kalaban, feeling nya nabali na ang mga buto ng mga ito.

"Don't!" Sigaw nya sa savior nila ng tutukan nito ng baril ang mga lalaki na halos magmakaawa na dito.

Ayaw nya makakita ng mga namamatay na tao sa harap nya at isa pa ayaw nyang mabahiran ng dumi ang kamay ng savior nila. Ibinaba nito ang baril at pinagsisipa 'yung tatlong lalaki bago naglakad papunta sa kotse nila.

"Are you alright? Nasaktan ka ba?" Tanong nito sa kanya na nakadukwang sa bintana nya.

Umiling sya. "Okey na ako at hindi naman ako talaga nasaktan. Thank you for saving us, kung—."

"Ang sakit ng braso ko, aray, ouch!" Hindi sinasadya na napaikot nya ang kanyang mata sa pag-iinarte ni Celine. Alam nyang nasaktan ito pero ang over acting kasi ng dating ng pagkasabi nito halata naman na umaarte lang.

"Gagamutin natin 'yan mamaya." At ang savior nila kinindatan pa ang kaibigan nya.

"Thank you for saving us, hmn... Your name?" Saad ni Xarra na naghihintay ng pangalan ng savior nila.

"It doesn't matter and I'm sorry to tell you this Miss, but I don't have a name."

"Okey lang kung ayaw mong sabihin. Salamat pa din."

"I changed my mind na, hindi ako tumantanggap ng 'thank you' lang." Nakangisi ito.

"Akala ko pa naman mabait ka tapos hihingi ka din pala ng kapalit. Akala pa naman namin nakaligtas na kami sa kamay ng mga masasamang tao na 'yon, hindi pala dahil nandito ka at nanghihingi ng kapa—."

"Zip your mouth woman." Tila narindi ang savior nila sa mabilis na salita ni Celine. "Zip." He motioned her friend to zip her mouth.

"Ihahatid ko kayo, lead the way." Tumango lang sya dito at inayos na ang sarili.

"Don't tell me isasama natin sya sa apartment?" Gulat na tanong ni Xarra.

"Why not? He saved our butts from those monsters dapat lang na tumanaw tayo ng utang na loob sa kanya. Don't worry girls mabait naman sya." She starts the engine and manuevered.

"Yeah right. That handsome man saved us." Pagsang-ayon ni Celine. "I will cook for him bilang pasasalamat."

"Wow, kailan ka pa natuto magluto?"

"Ngayon lang ng makita ko ang savior natin."

"Ewan ko sayo puro ka talaga kalokohan." Ingos ni Xarra dito.

"Girls, I'm sorry." Hingi nya ng paumanhin sa mga ito.

"Bakit ka nagsosorry?"

"Kung hindi ako nakipagrace hindi mangyayari satin 'to."

"Ano ka ba Charee, okey lang 'yon tutal naman tayong tatlo ang may gusto ng race na 'yan. Exciting nga 'yung nangyari satin parang 'yung nasa movie lang, may bigla na lang dumarating na savior para iligtas tayo. So, salamat sa poging iyon."

Celine is right, dapat talaga magpasalamat sila sa savior nila. Isa lang naman ang tanong nya... Paano nalaman ng savior nila kung nasaan sya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top