(8)

Dahil na wala ako ng damit eh napilitan naman akong isuot yung binili na yun kahit na hindi ako sanay na ganun kaliit at ganun kaikli na lang. Panay nga ang hila ko sa skirt eh. Si Ash nga panay ang tawa sa akin.

"Paano mo nga pala nalaman ang size ng paa ko?" na-realized ko lang nung nasa labas na kami.

Siya kasi yung bumili ng sandals.

"Nakita ko yung sapatos mo sa bahay niyo, '7' ang nakalagay. Tinanong ko rin yung Kuya mo."

Sabi ko nga eh alam niya talaga...

Ang dami-dami naming dala parehas na plastic. Hindi ko mabilang yung sa akin at ganun din yung sa kanya. Napapisip tuloy ako sa kanya. Ang yaman siguro nila no? Akalain mong ibili niya sa akin lahat ng ito? To think na hindi ko naman isusuot...

Saglit lang din eh nasa harap na kami ng bahay namin. Hinihintay ko siya na ibigay niya sa akin yung hawak-hawak niyang mga plastic kaya lang hindi niya ginawa.

"Wala ka bang balak na ibigay sa akin yung mga pinamili na yan?" tinuro ko yung mga plastic na hawak niya.

"Nah, I'll keep this."

"Pambabaeng damit?" mukhang tama yata ako kanina, bading yata 'to!

"Alam ko. Sabi ko itatago ko, hindi ko sinabing isusuot ko."

"Sabi mo eh. Sige pala, pasok na ko."

"Bye." tapos sumigaw siya, "Masasanay ka rin Chris!"

Dinilaan ko naman siya bago ako pumasok ng bahay. Siya naman eh nag-wave lang sa akin habang nakangiti at nagsimula na ring maglakad pauwi ng bahay nila.

***

"WHAT IS THAT?!?" tinuro niya yung damit ko. Nag-shower pa nga siya nung iniinom niyang ice tea sa halamanan nung makita niya ako.

"Uniform! Ano pa nga ba?!?"

"Alam kong uniform yan! Ang ibig sabihin ko eh.. ANONG NANGYARI SA BINILI KO???"

"Hello?" nag-telephone pa ako sa kamay ko, "Narinig mo na ba yung salitang 'dress code'? bawal kaya!"

Mukhang kunsumido na talaga siya sa akin.

"Sports Curriculum students are allowed to dress out of the code every Thursdays and Fridays. Anong araw ngayon?" hinila niya ako doon sa gilid para walang makarinig na nagsisigawan kaming dalawa.

"Date ngayon? I think..." napa-isip naman ako.

"No! Not that! It's Friday today. What're you wearing?!?"

"Uniform nga! Naku ha paulit-ulit na lang! Kailangan ko ba i-record para sa 'yo?" ang kulit din niya no?

Hinawakan niya ako sa kamay ko, yeah.. sa kamay ko, at hinila niya ako doon sa harapan ng mga lockers sa hallway. Inikot-ikot naman niya yung combination ng lock niya tapos may nilabas siyang plastic.

"Susuotin mo 'to.." nilabas niya yung damit doon sa plastic.

"Says who?!?"

"AKO!"

"Ayoko nga eh! Bakit ko naman isusuot yan!" sa school? Ayoko!

Tinalikuran ko naman siya.

"You are.. and you will!"

"Hindi ko isusuot yan!" talaga naman eh, hindi niya ako mapapasuot.

"Chris, I am really really sorry about this, pero matigas kasi yung ulo mo..."

Hindi ko alam kung ano yung pinagsasasabi niya, pero nalaman ko rin.

Tinapunan niya yung damit ko nung ice tea na iniinom niya.

"Oh no you didn't!" basa na talaga yung damit ko. 

Hindi ako nainis sa kanya, nagalit ako. Tinulak ko siya ng malakas.

"Ano bang problema mo?!"

"Chris, isuot mo na. Hindi naman kita pipilitin kung hindi ok tignan sa 'yo. I swear, you really look good. Please.."

Sa sobrang inis ko, inagaw ko sa kanya ng malakas yung damit. Pero pagkatapos nun, hinampas ko uli siya sa braso niya ng malakas.

Tama lang yun sa kanya...

Pumasok ako doon sa CR ng mga babae. Meron naman sa classroom namin kaya lang hindi ko kaya magpalit doon. Walang lock kasi. Nakatayo siya doon sa labas at naghihintay yata. Kaya pala sinabi niya na siya magtatago nung iba, para may dala-dala siya. Sigurista talaga siya!!!

Nakita ko naman yung binigay niya. It's not bad at all. It's capri and asimple blouse. Hindi naman ganun kasama unlike yung skirt kahapon.

Nagulo naman yung buhok ko nung nagpalit ako. Mabuti na lang hindi nabasa yung undies ko nung tinapunan niya ako ng ice tea.  Konti na lang kasi yung laman.

Sumilip lang ako doon sa pintuan at nakatayo pa rin siya doon sa labas. Tahimik nga lang siya doon eh. Katulad sa fitting room kahapon, ulo lang ang una kong nilabas. Tapos lumabas din ako. Kinalabit ko siya sa balikat nung nasa likod na niya ako.

Tumingin siya uli sa akin.

"You look... good."

Inirapan ko nga.

"Pasalamat ka talaga Friday ngayon dahil kung hindi talaga, sasapukin kita!" nagsimula na kaming maglakad at papunta na kami sa arena para sa practice.

"Ano ka ba, no kidding... you look good."

Habang naglalakad kami, may mga tumingin din naman. Pero ang hindi ko inaasahan sa lahat eh nung makita ko si Chester.

"Hey bro, sino yun kasama mo?" nakayuko kasi ako nun dahil natanggal yung sintas ko.

"Sino pa.. si Chris!"

Tumingin siya uli sa akin. Pangalawang beses. Hindi yata siya makapaniwala.

"Chris?!?" patanong pa yung mukha niya, "Chris! Oh.. si Chris!"

"Yeah.. Chris."

"It's just that. uh... you look, different." nagkamot siya ng ulo niya.

"I know, she looks good isn't she?!" siniko ko nga sa sikmura kaya napaatras siya.

Lumapit naman si Chester sa akin.

"Pwede ka sumabay sa lunch sa akin?" napatingala naman ako.

"Hindi pwede eh, she's eating with me."

"Chris??" hindi yata niya narinig yung sinabi ni Ash.

"Kasabay kita 'di ba?"

"I am not eating with anyone! I'm eating alone." nagpilit ngiti lang ako at naglakad na uli.

Katulad nga ng kinaiinisan ko, hindi nila ako makilala sa unang tigin. Pero kapag inulit nila, saka nila nalalaman na.. si Chris lang pala.

Nandun na kami sa arena at nagsimula na kaming mag-practice. Nakita kong may poodle doon sa arena. Sa teacher daw yun.

"Bakit nandito yan?" tanong ni Ash kina-Kian.

"Iniwan ni Mam dito eh. Babalikan na lang daw niya."

Binaba ni Ash yung skateboard niya at yung usual warm-up 'kuno'. Binigay niya sa akin yung mga usual protection sa katawan at ready na rin ako.

"Chris, this is OLLIE." nag-skateboard pa rin siya.

Napatingin naman ako doon sa aso. Ollie pala ang name.

Umupo naman ako at hinimas-himas ko.

"Hi Ollie!"

Tumingin naman si Ash sa akin.

"I meant the skateboarding trick! Ollie ang tawag!"

"Ooh.. akala ko yung aso." pahiya naman oh!

Ginaya-gaya ko naman siya. Sa skateboarding kasi, parang yung Ollie ang lumalabas na basic trick. Kapag marunong ka nun, yun na rin yung bridge para sa ibang trick.

Nag-slide naman kami doon sa ramp at kung anu-anong practice na ginagawa. Maya-maya lang parang may bagyong dumating. Si Shalyna eh paparating sa loob at mukhang badtrip.

"So it's true?!?"

Bumaba kami sa ramp at humarap sa kanya.

"Ano na naman?!?"

"Na kakaiba raw ang itsura mo ngayon. Narinig-rinig ko. I can't imagine how a simple dress will turn a frog into a..."

"Princess? Thanks." tapos ngumiti naman ako, "Pero mali yata yun, the story's the Frog Prince, not princess.. if you don't mind."

"You're a geek.. not a celebrity." tapos tumingin siya kay Ash, then sa akin uli, "Mas mukhang lalaki ka pa nga kay Ash, ewan ko kung bakit nililigawan ka niya."

"Oh yeah... unique no? At least ako mukhang lalaki na naging babae.. eh kaysa naman yung iba.. babae pero mukhang bading."

"Are you insulting me?" sabi niya sa akin na nakahalata naman.

"Effective ba?"

"Arrrggghhh! You'll see! You're going down Chrisandra Orellana!" tapos tumakbo siya palabas.

Humarap naman ako doon sa tatlo na nasa likod ko.

"Back to practice na nga..." sabi ko sa kanila.

"Grabe Chris! Panalo ka..." sabi ni Ben sa akin.

"Alam ko!" nabaling yung atensiyon ko kay Ash, "May laban ba ang R-13?"

"It's R-B... and yeah, may laban yata na darating."

Narinig naman namin yung alarm at breaktime na yata. Pare-parehas naming tinanggal yung mga nasa katawan namin. Binuhat ko naman yung skateboard ko.

Nauna na si Kian at Ben maglakad sa amin. Si Ash naman, talagang hinintay pa ako.

"Anong ibig sabihin ng R-B?" naisip ko naman.

"It's horrible. It means, Rated Boys." tumawa siya, "Kaya nga ayaw ko ng babae sa team eh. Pero hindi kami makaka-compete kung 1 player short kami."

Dahil malapit lang ang arena sa cafeteria, saglit lang din eh nandun na kami. Kakabukas pa lang namin ng pintuan eh, maraming tingin na bumaling.

I am not CHRIS! The heck.

Umupo si Ash doon sa isang upuan at akala niya eh susunod ako. Nilagpasan ko naman siya. Umupo ako doon sa kabilang upuan. 

Dahil nga pasaway siya, sumunod doon sa table ko.

"Yung deal??"

"What about it?" halata niyang babarahin ko lang siya.

"Never mind." hawak niya yung bag niya at nilabas niya yung sarili niyang copy ng rules.

"Ayokong magbasa niyan ngayon. Please lang, nagugutom na ako."

Tatayo na sana ako, tapos nakita ko yung papel na hawak niya.

R-1, R-2, so on ang nilagay niya hanggang sa 12. Naalala ko naman yung tawag sa team, R-13. That gives me an idea...

"Ash... may idadagdag ako sa rules."

"Pero tapos ko na nagawa 'to ah.."

"You just have to agree with me. Hindi na kailangan isulat pa." seryoso naman ako pero bumulong ako sa kanya.

Yung iba eh sinusundan kami ng tingin.

"Everyone thinks the same.. but not me. Rule 13, ang pinakamahalaga sa lahat."

"Hindi tayo pwedeng magkaroon ng rule 13!" sinabi niya sa akin.

"Pwede no. Rule 13..."

Am I afraid or what? Siguro nga. Pero mas makakasiguro ako kung may rule na sinusunod. At least may boundaries...

Siguro kapag sinabi ko, iisipin niya na feeling na naman ako. Wala na akong pakialam, basta kailangan ng rule 13.
"We're not allowed to fall in love with each other.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top