(6)
***6***
Kasasabi ko pa lang sa kanya na hindi ko gagawin, tumakbo ako habang nakalingon ako sa kanya. Ang bilis tumakbo!
Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, narinig ko na lang siya..
"Chris! Stop!"
At bakit naman ako hihinto? Para maabutan niya ako? Na-uh.
Pero hindi talaga ako huminto. Pagharap ko, alam ko na kung bakit niya ako pinapahinto.
Nauntog ako doon sa poste sa gitna. Napatumba tuloy ako. Hinawakan ko yung noo ko. Ang sakit nun ah.
Pakiramdam ko mahihilo na lang ako bigla. Nakakahiya naman yun! Jackpot naman yung nakuha ko! Bigla na lang may nag-offer ng kamay sa akin.
"Chris, ok ka lang?" sabi niya sa akin na para bang nag-aalala.
I swear.. I would give up a million pesos to be outta' here!
"I"m great... ayos lang naman!" tumayo na ako nung kinuha ko yung kamay niya at pinagpag ko yung jogging pants ko na nadumihan.
"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
Napailing-iling na lang ako. Grabe, nagiging weird yung itsura ko kapag si Chester nasa harapan ko.
Naweirduhan yata sa akin kasi napakunot-noo siya.
"O-K. Sige una na ko."
Dumating naman si Ash sa pagkakatakbo niya at hinihingal-hingal pa. Sumandal pa siya doon sa poste.
"Pare, ako na bahala."
Tumango lang si Chester at naglakad na papalayo. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Ash, peor nung nakahinga na siya.. tumawa ba naman ng tumawa.
Nainis nga ako. Binatukan ko nga.
"Tawa ka ng tawa! Kung hindi mo naman ako hinabol hindi naman sana ako mapapahiya kay--" nadulas ba ako???
Tinignan niya ako. Alam ko yun ngiti na yan, pati yung style ng mata niya. The WOLF LOOK!
"Si Chester pala ang mahiwagang lalaki sa nag-iisang Chrisandra." nag-drama pa sa harapan ko.
"Shut up."
"I told you we'll make a deal." lumakad-lakad siya back and forth sa harapan ko, "Mag-pretend ka lang na ikaw yung nililigawan ko.."
"Bakit ko naman gagawin? As if my benefit ako."
"Syempre meron! Kaya nga deal 'di ba?" sabi niya sa akin na nakangiti pa, "Sabi mo sa akin na worried ka na... you'll make a fool of yourself sa pageant. I'll tell you what, I'll pay for everything. Make-up, gowns.. and basta lahat! Please.."
"Hay naku! Hindi pa naman sigurado na makukuha ako diyan sa pageant na yan. Sabi nga, makukuha ka lang kapag consistent." tapos tumalikod ako, "Why bother?"
"Then, I'll make sure it's consistent."
Humarap ako sa kanya.
"ANO?!? Blackmailer!!"
"Hndi naman magiging blackmail kung papayag ka. Deal na nga eh. Besides, mas marami kang magiging benefit sa akin. Ako si Shalyna lang. Ikaw, yun pageant, si Shalyna... and Chester!"
Tinulak ko nga ng malakas.
"Sino namang maysabi na may gusto ako dun? Ikaw lang!" teka, siya nga lang ba ang maysabi?
"May mata ako at common sense para malaman ko na yung tingin, pagiging nerbiyosa mo sa harap niya eh... normal lang. 'Di ba?"
Mukhang talo talaga ako dito sa taong 'to. Ang bilis gumana ng utak. Parang factory.
Sabagay, deal naman. Hindi naman totoo. Saka, may benefits talaga.
"Fine. Pero magkakaroon tayo ng certain rules."
"Sure."
Tumakbo naman siya at kumuha ng papel at ballpen.
"Para saan yan?"
"Ililista ko yung rules. Tapos gagawa ako ng contract.. pipirmahan mo. Wala nang atrasan."
Hindi rin siya mapanigurado eh no?
"Rule number 1, walang dapat makakaalam na may deal tayo." tumingin siya sa akin habang naglalakad.
"Of course! Kapag nalaman nila, e di sira lahat!"
Nagisip-isip naman siya. Eh ako naman yung may naisip.
"Rule 2: No physical contacts."
Nagulat yata sa akin. Tinaasan ba naman ako ng boses.
"Paano namang magiging kapani-paniwala kung walang physical contacts???" nainis yata sa akin, "Pwedeng umakbay, pwedeng humawak sa kamay.."
Arrggghhh! Kailangan ba siya lagi ang masusunod?
"OK! Masyado kang hot. No kissing!"
"Feeling ka ha!" tapos sinulat din niya.
"Mas mabuti na ang sigurado. Delikado kang tao ka."
Nilagay naman niya yung ballpen niya sa ulo niya.
"3rd Rule: Hatid-sundo ka dapat."
Tumayo naman ako.
"Yan naman ang hindi pwede! Kayang-kaya kong umuwi at pumunta sa classroom ng hindi ako naliligaw! Hindi ko na kailangan ang tulong mo.. thank you very much!" hatid-sundo? Yuck.
"Yung mga guys, minsan style namin kapag nanliligaw, hatid-sundo yung girl na gusto namin. So kapag nakita kitang naglalakad diyan, hindi kita papansinin. Wow, very convincing!"
"Rule number 4 na nga!!" lagi na lang ganun.. bwisit! "Kailangan natin magpalitan ng personal information. Kailangan may alam ako sa 'yo.."
"Tama." sinulat naman niya ng mabilis. "Rule 5, hanggang Pageant lang tatagal yung deal. After that, tapos na."
"Sa wakas. Sa lahat ng sinabi mo, so far, yan pa lang ang medyo nagustuhan ko." nag-isip naman ako, "Rule 6, kapag si Shalyna eh pakalat-kalat, dapat direct to the plan tayo."
"Sure.. so as when Chester's around."
"He doesn't like me!!!" inaasar lang yata ako nito eh.
"He will if you trust me. Yun yung rule 7. Akong bahala sa make-over mo."
Tinignan ko ng masama.
"Yun nga yung problema, I don't trust you! At anong pinagsasasabi mong make-over! I'm not going in a make-over!"
"Syempre kailangan! Palitan lang natin yung damit mo. Yung mas... pambabae." tapos nilista niya yung sinabi niya, "Pero damit lang naman. Yung the rest ng make-over, sa pageant na lang. Baka ma-bankrupt ako sa 'yo."
Insulto ba yun? Ok, I'll take that as a joke.
"Rule 8... kailangan may texts yung phones natin. Kahit quotes lang. Baka mamaya may tumingin ng phone mo.."
Umagree na naman siya.
Kaka-disscuss namin nung mga rules ng bwisit na deal, umabot kami ng twelve at wala na kaming maisip.
"Teka meron pa pala.." sabi niya sa akin, "Huwag na nga lang. Parang may kaparehas." tapos tumingin siya sa akin.
Inirapan ko na lang.
Pumasok kami ng classroom nun. Dahil ang usapan namin eh bukas pa magsisimula. Aayusin pa daw niya yung papel at bibigyan niya ako ng copy na kailangan ko pirmahan. Mukhang hindi yata magandang idea 'to ah. Bakit ba tinanggap ko?
Nagklse kami uli pagkatapos nung breaktime. Dahil katabi ko si Ash, panay ang ngiti ng loko. Nung hapon nga, nag-practice kami pero hindi naman na niya inopen yung pinag-usapan namin. Mabuti na lang, sumasakit na yung ulo ko.
Saglit lang din.. lumapit si Shlayna sa akin.
"You little sneak! Alam ko na ikaw yung naglagay nung butiki sa bag ko!"
Little sneak?
"Shut up little freak! Bakit ko naman lalagyan ng butiki yung bag mo?" totoo naman eh, hindi ko ginawa.
Baka naman marami pang may galit sa kanya maliban sa famous Chris and Ash???
Lumapit naman si Ash sa amin. Nakatungtong siya sa skateboard niya.
"Ano na naman Shalyna? Busy kami sa practice!"
"Itong bwisit na ito, nilagyan ng butiki yung bag ko!"
"Hindi ko nilagyan yung bag mo!" bintangerang ito!
"Pagsabihan mo nga yan Ash!"
Umakbay na naman si Ash sa akin. Gusto ko sanang sikuhin, kaya lang... baka masira yung plano namin bukas.
"Kapag sinabi niyang hindi, hindi niya ginawa. Naniniwala ako."
"Na-brainwash ka na no? At bakit madalas mo siyang inaakbayan?"
"I'm courting her."
Nagulat naman si Shalyna. Tumakbo si Kian at Ben sa direksiyon namin. Kahit ako nagulat eh. Ang usapan eh bukas pa.. bakit sinabi na niya! Asar talaga!
Umalis si Shalyna at napahiya yata. Nung nakalayo na siya, inalis ko yung kamay niya at nilayo ko siya kina-Ben para hndi kami marinig.
"Akala ko ba bukas pa! Bwisit ka!"
"Bukas pa nga.. sinabi ko lang sa kanya.."
"Para tuloy na talaga..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top