(5)

***5***

Narinig ko ba ng tama yun? Si Shalyna? Of all girls?

"Ex mo siya? As in 'X' " gumawa pa ako ng Letter X sa daliri ko, " X as in like, X-Men?"

Hindi siya tumingin sa akin nun.

"I'm not sure. I think.."

Huh?!? Ang gulo niya no? Bakit hindi yata siya sigurado? Itanong ko kaya? Hmmm, mukhang wala siyang balak magkwento eh. Huwag na nga lang.

"Game na nga, manood ka na sa akin..."

Pinakita ko naman sa kanya yung skateboarding tricks na kaya ko. Hindi ko alam yung tawag sa mga yun eh. Tahimik lang siya doon at mukhang inoobserbahan ako. Mukhang ok naman yung performance ko kasi hindi naman niya ako nilait. Alam ko rin na naghahanap yan ng ikakapalpak ko dahil nga may gender discrimination pa rin yan sa utak at ayaw ng babae. It turned out, wala siyang makitang ikaka-down ko.

Nung uwian na, binalik ko na yung sumbrero ko at tinago ko na uli yung buhok ko. Hindi naman na nila ako bibigyan ng referral dahil dito dahil  tapos naman na ang school hours. Umuwi ako sa bahay at syempre, normal pa rin naman.

Binasa ko yung fairytale book na lagi-lagi kong dala. Lumang-luma na nga eh at feeling ko baka bigla na lang mapunit yun. Pero hindi naman siguro. As long as ako lang ang humahawak nito, harmless.

Dahil nga na-late ako kahapon, inagahan ko yung paggising ko kinabukasan. Dahil nga tinanggal ko na yung sumbrero ko nung nakapasok na ako sa school, nagtinginan yung iba sa akin. Hndi pa kasi sila sanay na ganito yung itsura ko. Ako nga rin hindi pa sanay eh.

Laking pasasalamat ko talaga nung makarating ako sa building ng Sports Curriculum. Akala ko okay na lahat pero hanggang doon may nakatingin pa rin sa akin. Nag-iinit na talaga yung mukha ko sa sobrang pagkailang, pero wala naman akong magagawa. Pero ang pinakanagtaka ako sa lahat eh...

'Chris! Congratulations!''Congrats'

Yan yung mga sinabi sa akin nung mga nakasalubong ko. Yun na ba ang bagong 'Good Morning' ngayon? Congratulations for what? Sa Hair ko? Bwisit!!!

Nung malapit na ako sa classroom ko, nandun si Kian.

"Hi Chris! Totoo pala yung sinabi nila, wala ka nang sumbrebro!"

"Oo nga eh! It's still me!" nakakailang na pagngiti ko.

"Hindi ko alam na mahaba pala yung buhok mo, hindi kasi halata kapag nakasumbrero ka. Now I know kung bakit akala ko may bukol ka, buhok pala." tapos tumawa naman siya. "Sige pala, malapit na mag-time baka ma-late ako sa klase ko. Kita na lang tayo mamaya..."

"Bye bro!"

"Bye.. Congrats nga pala!"

Magtatanong sana ako, kaya lang tumakbo na siya. Pumasok na ako sa loob ng classroom at syempre, nandun si Shalyna at nadaanan ko. 

"Tama lang yan, Chris. Para makita ng lahat na talunan ka.." tapos winave pa niya yung buhok niya.

Empty naman yung pinagsasabi niya. Ano daw? Hindi ko na nga lang pinansin.

Nakinig naman ako sa klase namin. Trigonometric functions yung diniscuss at wala man lang akong naintindihan. May mga sin, cos at tangent pang pinagsasasabi.

Nakasandal na nga ako sa desk at balak ko na sanang matulog nung mag-alarm. Napaangat na lang bigla yung ulo ko kaya tinawanan ako ni Ash.

"Kanina ka pa mukhang inaantok sa lesson ah.." sabi nya sa akin nung napansin kong breaktime na, "Tingnan mo, triangle lang nasa notes mo."

"Hindi ko mahal ang Calculus.." tumayo na ako para makakain na rin ako.

Tumayo rin siya at kahit na inaantok-antok ako nun, sumabay naman siya sa akin.

Lumabas naman kami ng sabay at nandun na din sa labas sina Kian at Ben na tinapik-tapik pa si Ash sa balikat niya.

"Ano, sabay ka sa aming kumain Chris?"

"Sure. Basta ba libre niyo ko." Sabi ko kay Ben.

"Dapat nga ikaw ang manlibre eh, syempre nakuha ka." sabi nya sa akin na nakangiti pa.

"Teka nga teka nga, nakuha saan?" Baka yun yung reason na binabati nila ako ng 'congratulations' kanina.

"Number 3 ka sa votes ah!" Sagot ni Kian.

Votes ng alin?

"I'm lost. Votes ng ano?" Tanong ko sabay nagtinginan naman yung tatlo.

"Votes? Oh yeah.. kuha ko na. San mo nakita?" parang litong-lito pa rin si Ben at nakikisakay lang sa usapan.

"Nabasa ko sa Announcement Board." Paliwanag naman ni Kian.

Yung mukha ni Ash nun eh parang nagdududa. "Nagbabasa ka ng Announcement Board, Kian?"

"Teka, nasaan ba yung Announcement Board?" tinaas ko yung kilay ko. Ang gulo nitong usapan na ito. Nakakaloko.

"Meron tayong Announcement Board?" Patanong  na sagot ni Ben.

Lahat kami eh sabay-sabay tumingin kay Ben. Umatras naman siya.

"Meron pala. Sabi ko nga." tapos ngumiti siya ng alanganin. "Chill guys."

Hindi ko alam kung ano ba yung tinutukoy nila dahil nga bago pa lang ako sa Sports Curriculum.

Sinamahan naman nila ako sa so-called, Announcement Board. Ang daming nakadikit doon. At tinuro naman ni Kian yung sinasabi niya.

Annual Sports Curriculum Pageant Nominees:
 

Girls

1. Salinas, Shalyna
2. Lopez, Patricia
3. Orellana, Chisandra
4. Perez, Gladys Anne
5. Murphy, Claudine
At may 5 pang pangalan sa bandang baba at lalaki naman yung nandun.

Binasa ko pa yung nakasulat doon.

Congratulations nominees (blah...blah...). Take note that this announcement may vary due to the votes.

Hindi ako makakilos doon sa kinatatayuan ko.

"Sabi ko sa 'yo nominated ka eh."

May tumawag naman sa kanilang tatlo kaya lang si Kian at Ben lang ang umalis. Nag-stay naman si Ash doon sa tabi ko.

"Annual Pageant yan ng Sports Curriculum. Nominated ka, at kapag mataas yung magiging votes mo for the next three days, pasok ka. Number 3 ka ngayon, ibig sabihin marami ring bumoto sa 'yo sa office."

Napanganga lang ako doon.

"Who the heck would nominate me?"

Tumawa lang siya sa akin. Napatigil siya nung nakita niyang nanlilisik yung mata ko.

"Bakit wala ka diyan? Dapat nominated ka rin ah!" sinuntok ko nga pero hindi naman malakas sa balikat niya.

"Ako yung nanalo last year, so ako yung magpapasa ng crown. Hindi na ako pwedeng sumali."

Kaya naman pala eh. King daw? Asus! 

Gustong sumabog ng buong katawan ko. Ako sasali sa Pageant? Anong suot nun? Gowns? Shorts? Make-up? Eeew! Ni-hindi ko pa nga nasubukan mag-blouse yun pa kaya?

Huminto na lang ako.

"Okay ka lang?"

"Hindi ako okay. Mukha ba akong okay?" winave ko yung kamay ko sa mukha ko. "Ayokong sumali dun! Pwede ba mag-drop?"umupo ako doon sa bench sa tapat ng garden.

"Hindi pwede."

Umupo din siya doon sa bench. Konti na lang yung tao doon at baka yung iba eh nasa cafeteria na rin.

"Ayoko. Mukha ba akong pang-pageant? Yung mga damit dun.. basta! Magmumukha lang akong ewan doon.." parang pakiramdam ko gusto kong umiyak ah.

Pero hindi ko gagawin. Never pa akong umiyak sa school at never na may nakakita sa akin.

"Of course you won't." masyado namang positive thinker 'to.

Sumandal ako doon sa railings at nakatalikod ako sa kanya dahil siya nakaupo doon sa bench.

"Si Shalyna hindi pa nananalo sa Pageant? Himala yata!" nakakapagtaka kasi at kasali siya ngayon.

"Hindi siya sumali last year. Maaga umalis ng bakasyon." nakikinig naman ako sa kanya kahit nakatalikod ako, "Mabuti nga hindi siya sumali."

"Hindi ko pa rin lubos maisip na naging girlfriend mo yung bruha na yun! Imagine niligawan mo siya? Yuck!" o sige laitin mo!

"Actually, hindi ko siya niligawan."

Napalingon na lang ako bigla sa kanya.

"Naging kayo pero hindi mo siya niligawan? Paano nangyari yun?"

Seryoso naman siya nakaupo doon.

"Bago lang ako dito last year. Nag-transfer ako. Si Shalyna ang unang-unang kumausap sa akin. She's nice.. really nice."whoa! siya nice? "Naging member ako ng grupo nila. One of the 'cool' guys. Every month, may dare kami sa grupo. Kung sino yung matapatan, may gagawin ka. That time, natapat yung dare sa akin. Dapat daw eh i-kiss ko si Shalyna, sa lips. Sinabi ko ayoko, kaya hindi ko ginawa. Pinalitan nila ng ibang dare, may kinalaman yung teacher namin kaya nagawa ko naman." huminga siya ng malalim, "Ayun, nagkaroon ng tuksuhan sa amin simula nun. Bagay daw kami ni Shalyna, dapat daw maging kami.. mga ganun. Siya naman eh walang sinasabi, pangiti-ngiti lang. Tapos one day, dahil nga mabait siya sa akin, na-realize ko na may gusto ako sa kanya. Anong ginawa niya? Tumayo sa harapan ng stage at sinabi niyang: 'Ash, I want a break-up. Narinig niyo, ako yung nakikipagbreak sa kanya'. Nagulat ako, kasi hindi ko naman alam na kami na. I mean, kailan pa? Hindi ko alam kung sineryoso ba niya yung mga tuksuhan. Tapos sinabi niya sa akin na yung pagiging mabait niya sa akin, kaya siya nakipagkaibigan, dare lang lahat. Ngayon dahil nga nagkagusto ako sa kanya, nanalo siya. Lahat sila alam nila yung sa dare, maliban sa akin. That day, I withdrew from the group."

Napaisip naman ako. Ouch! Kung sa akin lang din naman ginawa yun, talagang masasaktan ako. Kaya pala ganun na lang niya kainisan si Shalyna. Nagpanggap lang palang mabait ang bruha!

"In short, parang hindi rin naging kayo. Eh bakit ex ang tawag mo sa kanya?"

"Parang ganun na rin yung kinalabasan, since ang akala ng lahat naging kami."

That's mean! Ang sarap sipain ng babaeng yun.

Tumalikod uli ako sa kanya. Ang lakas na ng hangin nun.

"Ngayon ang gusto kong mangyari, maranasan niya yung ginawa niya sa akin. Gusto ko lang siyang maturuan ng lesson. Na may nasasaktan din sa ginagawa niya."

Naki-ayon naman ako.

"Tama ka diyan. Anong plano mo?"

"Iniisip ko nga na kunwari may liligawan ako, syempre kapag magiging seryoso ako, maiinsecure siya. Gusto niya kasi lahat ng lalaki may gusto sa kanya. So kapag nangyari yun at umamin siya sa akin, I'll dump her in front of everybody."

Lumingon ako at nag-iba na siguro yung expression ng mukha ko.

"That sounds EVIL!!!" tapos ngumiti ako, "But 100%, nasa likod mo ako." tumalikod uli ako, "Sinong kakausapin mo diyan?"

"Tulungan mo ako maghanap."

"Sure!"

Ginala ko naman yung paningin ko. Mga teachers lang yung nandun at wala pa yung iba dahil nga nasa cafeteria sila. Gusto ko rin matuto ng leksiyon si Shalyna, para naman maramdaman niya yung mga ginagawa niya. Sobra-sobra na kasi.

Kakaisip ko, narinig kong nagsalita si Ash.

"Congratulations Ash, may candidate ka na."

"Talaga? Saan?" tumingin uli ako baka may dumaan na sinabi niya. 

Yung dalawang teacher lang ang nandun. Lumingon ako sa kanya.

"Sino??"

Pero nakatingin siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko. Medyo nalaman ko na yung iniisip niya.

"I think it's a terrible idea!" or maybe not. Kanina lang 100% nasa likod niya ako.

"Please Chris.. we'll make a deal!"

Bumaba na ako sa railings nun. Umiling-iling ako sa kanya at sinimulan ko ng tumakbo. Kaya lang tumayo siya at humabol sa akin.

Sinigawan ko na nga lang siya..

"I'm not doing it Ash!! NEVER!" siraulong 'to! Ako pa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top