(41)
***41***
It's been days since nangyari yung championship game na yun. And yeah, you got that one right. DAYS already passed. Up to now, that day still haunts me. Alam ko OA na pakinggan pero pakiramdam ko nung mga oras na iyon, gumuho na yung mundo sa akin. At higit sa lahat, parang wala nang bagay na makakapagpasaya sa akin. Hmmm... well...
Not really.
We lost the championship though. Let me tell ya' what REALLY happened after that incident na hindi nagshow-up si Ash at nag-forfeit kami ng laban.
Well, crybaby nga ako nung mga huling araw at umiyak lang ako nung umiyak nung bumalik ako sa side nung mga dumating para sumuporta sa amin. Dahil nga alam ni Shalyna kung ano yung nangyayari, niyakap niya rin ako at umiyak na naman siya kasama ko. Hinila niya ako sa gilid para naman malayo ako doon sa iba. Magkaharap na kami parehas at sa paa ko lang ako nakatingin.
"Hey sis, cheer up." sabi niya sa akin, "Alam ko mas madaling sabihin kaysa gawin pero, wala naman na yata tayong magagawa eh. I'm really sorry about-- THIS."
Patuloy pa rin yung pag-iyak ko nun. Hindi siya dumating. Tama na siguro yun para makuha ko yung message na wala talaga siyang pakialam sa amin... o tama sigurong sabihin ko na... sa akin.
"He didn't show up. That sums up everything. I wanna' go home!" tapos dadaan sana ako sa gilid niya kaya lang pinigilan niya ako.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko kaya hindi ako makalakad ng tuluyan. Nung tinignan ko siya, kakaiba na yung expression ng mukha niya.
"If he did show up, what do you want to tell him?"
Pinilit kong tignan si Shalyna nun kahit na blurry na yung paningin ko.
"I don't know. Mostly naman ng gusto kong sabihin nasabi ko na sa kanya nung nagpunta ako sa kanila. But he hanged up! He's really hurt because of me. Noon kasi mataas din yung pride ko na mag-sorry sa mga malalaking kasalanan na ganito. But now, I think it's harder to say... to say..."
Nagtaka naman siya sa akin.
"Say what?""I love you Ash. I realized it. No, that's wrong. I didn't realized it. I felt it. Pero ngayon, what's the point of telling the wind I love him when he can't even hear me?"
Nagulat na lang ako nung mag nagsalita sa likod ko.
"I love you too!"
Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko. Tinignan ko si Shalyna at nakangiti na siya sa akin. Kaya pala tinatanong niya ako dahil.. dahil nasa likod ko si Ash?
"I guess my work here is done. I'll leave you two.." pagkatapos niyang sinabi yun eh umalis na siya at iniwan niya ako na nakatayo doon sa harap ng puno.
Alam kong nasa likod ko si Ash nun. Sinubukan kong humarap sa kanya kahit na yung buong katawan ko nun eh nanginginig pa. Nung makita ko siya nun, hindi ko alam kung anong irereact ko. Nang-aasar ba siya o ano? Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko na hindi mo maintindihan.
Humawak naman siya sa dalawang balikat ko kaya lalo akong yumuko.
"Hey Chris." yun lang yung sinabi niya kaya ewan ko ba, naiyak ako lalo nun.
Tinaas naman niya yung ulo ko para nakatingin ako sa kanya.
"Oh please huwag ka namang umiyak!" kinapa-kapa niya yung pocket nung pants na suot niya at naghanap siya ng panyo. "Wala akong dalang panyo." nakatingin lang ako sa kanya nun, "Fine you can use my shirt. Just don't--"
Kinuha ko yung T-shirt niya at doon ko talaga pinunas yung luha ko. Natawa ba naman siya. Pasalamat nga siya hindi ko pa siningahan.
"I.. I thought you're not coming."
"Well, I'm here right?!?" nakangiti pa rin siya.
Tinignan ko naman siya ng masama. Pero medyo may halong pagbibiro. Tinakot pa niya ako na hindi siya darating. Matapos kaming mag-forfeit at matapos ako na kabahan at umiyak.. tapos ngayon sasabihin niyang---
"What can I say... 'Sorry I'm late?!?' " sinuntok ko nga siya sa dibdib niya.
"Nakakainis ka naman eh!"
"Ok I'm late. First of all, tinanghali ako ng gising. Pagkatapos mong pumunta sa bahay namin eh inisip ko lahat ng sinabi mo kaya hindi ako makatulog. Second, tinapon ko lahat ng skateboarding gears ko after nung pageant kaya tumakbo pa ako sa shop para bumili ng bago. Third, nag-jeep ako kaya lalong natagalan." huminto naman siya,"But technically, kasalanan mo pa rin. Kung pinatulog mo ako, hindi sana ako tatanghaliin ng gising at magkakaroon sana ako ng enough time para bumili ng gears at mag-jeep."
Hindi ko alam yung sasabihin ko kaya yumakap lang ako.
"Thanks. For coming." tapos naisip ko naman yung mga pinagsasabi kosa harap ni Shalyna na sa kanya ko dapat sasabihin, "Now, do I have to repeat everything I said earlier o hindi na kailangan dahil narinig mo naman na lahat?"
Tumingin naman siya sa taas na parang nag-isip.
"Dapat daw ulitin mo lahat. Especially yung last part." sinuntok ko nga sa tiyan niya,"Ow! Nah, you don't have to repeat it, narinig ko lahat. And I'm serious about my answer! I've always been..."
Umakbay naman siya sa akin at humarap na kami doon sa mga tao sa likuran namin. Nakatingin pala silang lahat sa direksiyon namin kahit na malayo sila.
"Oh yeah, we have a competition to win."
"It's kinda' late for that. We forfeit."
"Says who? Nah.. I'm going to talk to them. Competition rule: No one can forfeit but the captain. You're not the captain?!?"
So.. may chance pa nga pala para sa amin. Kanina lang pakiramdam ko pasan ko na yung mundo, pero ngayon, kalahati na lang. Meron pa kasi akong hindi alam eh.
"And.. after ng competition.. we need to talk."
Tumango lang din ako sa kanya.
Ganun nga yung nangyari. Kinausap niya yung isa sa mga staff ng contest at ewan ko kung ano yung sinabi niya at nabalik kami sa competition. Katulad nga nung sinabi ko kanina, we lost the game. 1st runner up lang kami. Well, unang laban naming apat eh 1st runner up na kami. Yung mga nag-champion, 3 years in a row na raw na hindi nananalo. Well.. it's ok! Now that I feel good, I can accept everything as a mere OK.
Nagsama-sama kaming lahat at kumain kami doon sa isa sa mga mamahaling restaurant. Of course, treat ng... well, Mommy naming magkakapatid. We agreed to call her MOMMY since yun yung nakasanayan niya for almost 16 years at si Tatay naman as Tatay. Dumating din yung parents nila Ash at naka-white pa sila parehas galing sa hospital.
Overall, it was an awesome day. Nag-usap din kami ni Ash tungkol sa side niya sa story of the past para naman maliwanagan na ang lahat. Well, I can't remember his exact words, but it's something like this.
"Lawrence and I had a very huge fight that day. Hindi ko alam ano yung pinag-awayan namin. Was it the beach ball? or the soccer ball? I can't remember. Basta bola."yeah... sabi ko nga eh hindi ko matandaan yung every detail nung nagkwento siya."He ran away."
"He ran away dahil nag-away kayo sa bola?!?" hindi ba ang babaw naman nun?
"Nah. He ran away because Dad said something really bad about him." seryoso pa siya niyan.
Sinuntok ko siya sa braso niya.
"Eh paano napunta yung bola doon sa story kung hindi naman relevant?"
"Ang sakit nun ah! Relevant yun kasi na-guilty ako. Nawawala kasi siya nun mag-iisang araw na. Syempre, bata pa ako. Kinuha ko yung bike niya... para hanapin siya."tinignan ko lang siya tapos tumawa ako, "Not a word from you Chris!" binawalan pa niya ako. "Wala pa akong bike phonia nun. So I looked for him sa every possible place I could think of, pero wala talaga siya. Medyo nalulungkot na ako nun dahil hindi ko siya makita. Then I heard some girl screaming. I wonder who?!?"
Sa lahat ng nagkwento sa akin tungkol sa nakaraan, siya lang ang dinaan lahat sa biro.
"Yeah right it's me."
"Tapos nun, nag-bike ako syempre kung saan galing yung sigaw. Tapos pagdating ko doon sa lugar, nakita kong may tumatakbo. Nakita ko rin si Lawrence, duguan na siya." huminto na siya nun, "Yumuko ako para tulungan siya, doon ko nakita yung locket mo. Siguro nahulog mo or something."
Napaisip din ako.
"Yeah, siguro nga. Nawala ko kasi nung araw na yun eh."
"Ayun nga, nakuha ko yung locket mo. Thinking na ikaw yung sumigaw kanina, hinabol kita gamit yung bike ni Lawrence. Para saan? Par mag-thank you at para isoli yung locket mo."
Naguluhan naman ako doon.
"Teka-teka, naiintindihan ko yung 'soli-the-locket-part', pero bakit may 'thank-you-part' pa?"
"Thank you dahil kung hindi ka sumigaw, hindi ko siya siguro nakita that day. And thank you dahil kung hindi siya nakita nun, he's probably dead by now."
"Pero hindi mo pa naman alam yun!"
"I'm a kid that time chris! So iniisip ko na baka namatay na nga siya or what." tapos tinuloy niya yung kwento niya, "Back to the story. Hinabol nga kita. Dahil nga nagmamadali ako at malaking bike yung gamit ko, I crashed doon sa katapat na bahay na ang bakod eh barbed wires. That's how I got..." tinaas niya yung sleeve ng t-shirt niya, "This."
"Ooh. Kaya pala may-scar ka sa braso mo."
"Kaya ngayon, TECHNICALLY, kasalanan mo na naman bakit ako nagkasugat at nagka-bike phobia. Kung hindi mo hinulog yung locket mo, hindi kita hahabulin at hindi rin mangyayari yun."
"Ok fine kasalanan ko po.. sir!"
"And technically," hay ang hilig niya dun! "Kung hindi dahil sa iyo hindi rin siguro tayo magkausap ngayon."
Yeah, he's probably right about that.
"Ayun nga, ang nangyari eh.. dinala namin si Lawrence sa hospital.. kasama ako... and.. THE END."
Napanganga na lang ako sa kanya. The End daw? Hindi yata tama yun!
"Nope.. hindi ka pa tapos. May MGA tanong pa ako." hinawakan ko siya sa braso niya.
"Mga?!?" nagtataka na siya nun.
"Yeah Mr. Valdez. Unang-una, ano yung mga pinagkukuwento mo tungkol sa akin sa nanay ko at kay Lawrence?"
"Sa Nanay mo? Wala. Bagay-bagay tungkol sa iyo. Kinausap ko siya na alam ko na lahat. Sinabi ko nga na ikaw yung anak niya since ayaw ni Shalyna. Hindi pa alam ni Shalyna na alam ko nun. Remember nung nag-date tayo at gusto kong ipakilala ang daddy ko sa iyo? Alam ko nandun si Mrs. Salinas kaya gusto kong makilala mo siya. Kaya nga tinatanong kita kung Ok na ok siya sa iyo. As for Lawrence..." ngumiti naman siya nun, "That's guy stuff."
"I don't wanna' hear about it." nag-isip naman ako, "Paano mo sinabi lahat-lahat kay Shalyna? Bakit sinabi mo yung deal? Bakit ka nangako sa tatay ko? Bakit din--"
"Hey.. hey.. hey.. isa lang ako! one at a time!" hininto naman niya ako, "Paano ko sinabi lahat kay Shalyna? Well, nung gumawa tayo ng project, sinabi ko na sa kanya na alam ko na yung tungkol sa mom niyo. Nagulat siya syempre, pero niliwanag ko na sa kanya na makakabuti na magkaayos kayo. She cried a little bit. Pinigilan niya dahil ayaw niyang ipakita sa inyo. Kaya niyakap ko siya. Pinakita ko rin yung locket sa kanya, ewan ko lang kung na-realize niya na locket nga yun."
Naghintay naman ako sa kanya na ituloy niya. Nakapamewang na ako.
"Tinanong ko rin siya about doon sa allergies mo before nung pageant. Kung may kinalaman ba siya doon. And, NO, wala siyang kinalaman. Ang instructions niya doon sa cook nila, isda ang ilagay.. hindi CRABS. So, awayin mo yung cook...cook.. NIYO."natwa naman ako doon sa term niya, "Bakit ko sinabi yung deal sa kanya? I have to. Gusto ko ipakita sa kanya na ayaw mong masaktan siya. Na pinoprotektahan mo siya. Remember ikaw yung nakiusap na huwag ko nang ituloy lahat? I told her that. She softened up a bit. Or maybe alot." ngumiti na naman siya, "About your Dad, nangako ng ako sa kanya. Sabi niya huwag ko daw sasabihin sa iyo dahil tiyak magkakagulo lahat. What he meant by that is, baka kung may pamilya na yung nanay mo, which is true, at malaman, baka masira lang. Nag-protest naman ako nun, pero pinilit niya akong mangako. Kaya hindi ko sinabi sa iyo."
Natigilan naman ako. May tanong pa ba ako?
"Any more questions?" tinaas niya yung dalawang kamay niya.
"How about R-13 at the back of the contract?!?"
Pagkatapos kong tanungin yun, tumawa talaga siya ng malakas.
"The first time I saw you, you're a girl! Ok?!? Kaya nga nung nagkaroon tayo ng deal, there's a big possibility that a guy would fall for a girl. I'm just... being ready for the consequences. Eh alam ko na hindi ka papayag dun, kaya nilagay ko sa likod. Pumirma ka naman eh, kaya umagree ka."
Wow. He's so smart. Hindi ko maiisip lahat yun sa isang simpleng deal lang.
"Oo nga pala, mali yung naka-print na name sa trophy natin. Nilagay nila R-13. As usual, parehas na naman kayo ng basa. Yung R-B.. ayun. Mas appropriate naman eh. After all, hindi naman lalaki lahat. Time for a change."
"Teka nga may tanong pa ako!"
"What?!?" hindi niya rin inaasahan.
"Why did you run away nung pageant?"
"Because I'm scared that you wouldn't change your mind. And that I'm scared to lose you because..." tumigil din siya, "You know that already."
Ngumiti siya sa akin. Tapos nag-lean siya para ibulong yung katuloy.
Well.. alam ko alam niyo na yung karugtong nun.
And that's what REALLY happened that day. Kinda' tricky huh?!? Ako rin eh. I didn't know that events could turn up side down.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top