(40)

***40***

Ewan ko ba, ang sama-sama ng loob ko hanggang sa maglakad ako papunta sa bahay namin. Bakit naman niya ginawa yun? Pakiramdam ko tuloy ang bigat-bigat ng dibdib ko. Championship na bukas. Matagal-tagal na rin naman na kaming nag-practice at masasayang lang lahat kung hindi siya pupunta. 4 kami sa team. Si Ash, si Kian, si Ben at ako. Sa Championship, at least 4 ang kailangan mo. Kapag hindi siya dumating, matatalo kami ng hindi man lang kami lumaban.

Gabing-gabi na nun eh hindi pa ako inaantok. Narinig kong dumating yung jeep ng tatay ko kaya hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umupo doon sa hagdan at nakatingin lang sa kanya. Ako na lang yung tao nun sa baba namin.

Nung nakita niya ako, halata kong nagulat siya sa akin. Napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Anak naman, ginulat mo ako."

"Matagal mo na bang alam na nandito siya?" yan ang unang tanong ko na akala mo eh may conversation kami na tinutuloy ko.

"Sorry anak? Ano?"

"Matagal mo nang alam na nandito siya sa Pilipinas! Si Nanay! Hindi mo sinasabi sa akin ano?!?

Namutla yung tatay ko nun. Lumapit siya sa akin at tumabi doon sa akin sa hagdan. Umakbay naman siya sabay tumango-tango.

"Oo, matagal ko nang alam."

Hindi ko na napigilan yung sarili ko, sinuntok-suntok ko siya sa braso niya pero hindi naman malakas. Bakit hindi niya sinabi? Bakit ba ang unfair ng lahat?

"Nakita ko siya nun na bumibili malapit sa mall. Akala ko nung una namamalikmata lang ako, pero siya pala talaga."

"Kinausap mo siya?"

Hindi katulad kanina, umiling naman siya ngayon.

"Bakit? Bakit hindi mo siya kinausap?"

"Para ano pa? Iniwan niya kayo sa akin at hindi na siya bumalik. Nagyong nakita ko na siya, ibang tao na siya sa akin. Ni-hindi ko na nga siya kilala. Para saan pa? May kanya-kanyang buhay na tayong lahat!"

"Alam ko! Alam ko yun tay! Pero hindi ba karapatan ko rin naman na makilala ko siya?!? 'Di ba?" umiyak na naman ako nun.

"Tama anak, karapatan mo nga. At, doon ako nagkamali." hinarap niya ako sa kanya,"At ihingi mo ako ng sorry sa kaibigan mo... si Ash."

Nagtaka naman ako sa kanya. Bakit ko naman siya ihihingi ng sorry kay Ash?

"Bago pa ang lahat, bakit naman kita ihihingi ng sorry sa kanya?!?"

"Kasi pinilit ko siyang mangako kahit ayaw niya. At yung batang yun, hindi niya sinira yung pangakong yun." ngumiti siya sa akin.

"So you're the one! Ikaw yung sinasabi niya na kaya pala hindi niya sinabi sa akin eh nangako siya?!? Ikaw?" yumuko na lang ako, "Sorry tay, baka hindi na makarating yung sorry mo sa kanya. He wouldn't even talk to me."

Yumakap naman yung tatay ko sa akin.

"Alam mo anak kung ako ang tatanungin mo? Si Ash eh isang napakabuting bata. At tingin ko, kayang-kaya ka niyang alagaan." 

Kahit na seryoso kami ng tatay ko, natatawa naman ako sa kanya.

"Tay naman tagalog na tagalog ka eh! Baka mamaya lumalim ng lumalim yung tagalog mo, malunod ako!" dinaan ko na lang din sa ngiti.

Pinunasan naman niya yung luha ko at tumayo na ako. Ginulo pa nga niya yung buhok ko eh.

"Hindi bale, magkakaroon tayo ng panahon para maayos natin lahat sa nanay mo. Gabing-gabi na, matulog ka na pala. May laban pa kayo bukas."

"Paano mo nalaman?"

"Nakalagay yung banner sa tapat ng convention. Doon yata gaganapin."

"Oh.. right."

Sinabayan naman ako ng tatay ko na umakyat. Ang kaibahan lang, sa isang pinto ako, sa kabila naman siya. Hinintay naman niya ako makapasok sa kwarto ko at nag-kiss lang ako sa kanya at sinarado ko na yung pinto ko. Nakatayo lang ako sa likod nun eh napaisip naman ako. Binuksan ko uli yung pintuan ko at nakita ko yung tatay ko na papasok na rin.

"Tay, tingin mo talaga ok si Ash?!?"

Ngumiti lang yung tatay ko sa akin, at kahit hindi niya sinagot.. alam ko na.

Kahit na maraming mga bagay na nakakapagpalakas ng loob ko ngayon, kinakabahan pa rin ako bukas. Sana lang, dumating si Ash.

***

Ang aga-aga kong nagising kinabukasan. Sina Kuya Christopher at Kuya christian at ang nag-iisang tatay namin eh mas maaga pang nagising sa akin. Papanoorin daw nila kami sa laban namin. Susuportahan talaga nila kami. Yun nga lang, hindi ako sigurado kung may magaganap mang labanan. Sus, think positive na lang. Hindi naman ako kumain ng kung ano dahil may exhibitions kami na gagawin, baka bumaliktad lang ang sikmura ko.

Umaga pa lang din eh nakatanggap na ako ng messages galing kay Chester at Shalyna. Yung kay chester eh plain message niya na 'good luck sa laban niyo' at si Shalyna naman eh ilang mga quotes din yun na panay may 'good luck'. Kinuwento ko na sa kanya yung tungkol kay Ash, at sinabi niya, masaya daw siya para sa amin kung saka-sakali at ipagdadasal daw niya na sana dumating si Ash. Grabe, ang daming taon na sinayang. Kung noon pa man din sana ganito, e di masaya na ako. Isa pa sa kinagulat ko sa lahat ng text niya eh yung pahabol niya. 'Sasama raw si Mommy para manood ng laban ng anak niya..'. Humiga lang ako ng malalim, at kakayanin ko pa naman siguro.

Nilagay ko na yung helmet ko at pati yung uniform namin. Nandun na rin yung knee pads and elbow pads ko at syempre at mahalaga sa lahat eh yung skateboard ko. Dahil nga may jeep naman ang tatay ko, doon kami sumakay at nilagay na lang na private para walang mag-para. 

Sobrang kabado na ako nun. Sa laban kaya? Tingin ko kasi isa na yun. Pero kabado ako mostly kay Ash. Hindi ko alam kung darating siya. Binabaan niya ako ng telepono kahapon, tapos hindi rin niya sinasagot yung phone niya. Hindi ko tuloy alam kung tamang idea pa ito.

Dumating din kami nun sa tapat ng convention. Sobrang daming tao doon. Nakalagay na doon yung isang malaking board at may 16 na maglalaban-laban. Syempre, match-up match-up muna sa simula kung sinong makakalaban namin na school, then kapag mataas yung points mo eh paakyat ng paakyat yung team niyo.

"Hey Chris! Kinakabahan ka ba?" sinalubong ako ni Kian na naka-uniform na rin.

"Oo no! Sobra. Nasaan na si Ben?"

"Ayun, nakaupo doon sa dulo. Kabado rin yan. Unang laban kasi namin eh." tapos tumingin-tingin siya sa likuran ko, "Akala ko kasama mo si Ash?!?"

"Ooh.. no. Oo nga pala, Kuya ko, si Christopher and Christian.. tatay ko naman.."tinuro ko yung mga kasama ko, "Guys, si Kian. Ka-team ko."

Ganun din yung ginawa ko kay Ben na nandun lang nakaupo sa ilalim ng puno. Sinabihan ko nga siya na ok lang yun kaya ayun, medyo gumaan-gaan yata yung pakiramdam niya. Pinakilala ko rin sina Kuya at yung Tatay ko sa kanya kagaya kay Kian.

Naupo lang kami pare-parehas doon sa gilid. Hindi rin nagtagal, dumating na si Chester. Syempre, nagbibigay suporta rin yan. Napansin ko rin na may mga classmates kami doon na dumaan at ibang ka-schoolmate namin na manonood. Yung iba nga na hindi namin kilala eh nag-goodluck din. Nung tnignan ko yung oras, 15 minutes na lang eh magsisimula na yung competition.

May huminto naman na pulang kotse doon sa bandang gitna. Pagtingin ko kung sino, ang mahiwagang kapatid ko pala kasama... yung nanay namin. Unlike dati, nakatodo-ngiti siyang bumaba at yumakap sa akin. Biglang nag back-off si Kian at Ben. Si Chester, ngumiti lang.

"Oo nga pala Kian at Ben, sister ko nga pala.. si Shalyna."

"Sister?!? You mean, sis as in friends?"

"No. Sister as in kapatid."

Nagulat din yung dalawang Kuya ko. Ang alam ko lang, maraming tanong din yan sa utak nila. Sinabihan sila ni Tatay na ipapaliwanang na lang sa kanila lahat mamaya. Pero kahit hindi nila alam yung story, yumakap din sila kay Shalyna.

"Hi sis, Kuya Christopher nga pala."

"Welcome sa family. Kuya Christian mo ko."

May huminto na naman na kotse sa gitna. This time, si Lawrence at si Nathalie naman ang bumaba. Nung makita ko si Lawrence, may bandage pa siya sa ulo niya.

"Hi team, kumusta?" sabi ni Lawrence na nakangiti pa, "Good luck daw pala sabi ni Mommy at Daddy. May pasok kasi sila parehas kaya hindi makarating."

Ngumiti na lang din ako.

"Si Ash nga pala..." mukhang malungkot yung expression ng mukha niya.

Siniko naman siya ni Nathalie sa tiyan niya.

Nung napayuko si Lawrence, saka lang nabaling yung atensiyon ko sa nanay namin. Napansin ko na nakatayo lang siya doon sa dulo at umiiyak. I know this is a very sentimental moment, kaya yung naramdaman kong galit sa kanya kahapon eh parang naisangtabi. Tinignan ko lang siya. Si Kuya Christopher nun, hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya. Si Kuya Christian naman, parang wala lang. Hindi ko alam kung alam ba niya na nanay namin yung nasa harapan niya.

Isa-isa niya kaming niyakap na tatlo. Hinalikan din niya kami sa pisngi. Kahit ayoko na namang gawin, umiyak na naman ako. YUng dalawa kong kuya eh parang bato, hindi umiyak. Siguro dahil lalaki sila at hindi naman nila pinapakita yung ganun. Pero deep inside, nalulungkot din sila.

Sinabayan naman ako ni Shalyna sa pag-iyak. Si Chester pa ang umalalay sa kanya. Nung nagkatapat yung Tatay ko at Nanay namin, nagtinginan lang silang dalawa bago nagyakapan. It's been almost 16 years.. and now.. here it is.

Tinawag niya muna kami. Kami ni Kuya Christopher, Christian at kasama rin yung Tatay ko. Si Shalyna eh hindi sumama sa amin at para magkausap-usap kaming lahat. Pagkatapos nun, kinuwento niya kung ano talaga yung nangyari.

'Nagpunta ako sa HongKong nun katulad nga ng plano natin. Doon ko nakilala yung Daddy ni Shalyna. Then.. hindi ko na rin napigilan kaya nagtuluy-tuloy na. Kinasal kami sa America at nag-ampon din kami pagkatapos ng dalawang taon.' humihikbi-hikbi na rin siya nun, 'Pinilit ko siyang bumalik kami sa barangay natin para nga mahanap ko kayo. Kaya lang, ibang bahay na yung nakatayo doon at wala na rin kayo. Hindi ko alam kung saan kayo hahanapin. Naisip ko na bumalik kayo sa probinsiya o ano, o baka nag-asawa ka na uli kaya tumigil ako sa paghahanap. Naisip ko rin na may pamilya na rin ako. Kaya lang nalaman ng Daddy niya. Nag-away kami dahil doon dahil nagsinungaling daw ako sa kanya. Iniwan niya muna kami ni Shalyna dito sa Pilipinas, tapos nagkaroon siya ng car accident kaya bumalik kami doon. Ngayon pagbalik namin, ni-wala akong idea na yung anak ko pala eh kaharap ko na kung hindi lang sinabi sa akin ni Ash.'

Si Ash na naman?!?

Nagpatuloy pa rin yun pag-iyak niya nun. Humihingi daw siya ng tawad sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali sa amin. Syempre tinuruan naman tayong lahat magpatawad, kaya kahit may galit kaming nararamdaman sa kanya, pinatawad pa rin namin siya. After all, siya pa rin ang nanay namin. At kung magkakabalikan man sila ng Tatay namin, hindi ko alam.

'All participants please report to the front of the convention for your numbers. We'll start the event within 2 minutes.'

"Hey.. 2 minutes?!?" sabi ko kay Shalyna.

"Yeah."

Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Ash. Pero wala talaga eh. Katabi pa ni Shalyna nun si Chester. Nung walang makapagsabi sa akin kung wala si Ash, lalo akong kinabahan nun. Parang, lalong nagsi-sink yung puso ko.

Inayos na namin yung mga body protection namin at pumunta na kami tatlo sa harapan. Apat-apat sa isang team at kami lang yung team doon na kulang ng member. Ang masaklap pa sa lahat, yung captain pa.

Nung nagbibigayan na ng number, napunta kami sa number 2 at isa kami sa unang magco-compete. Naiiyak na ako nun. Talagang wala siyang balak dumating dito. At isa lang ang ibig sabihin nun, hindi niya tinatanggap yung sorry ko.

"Hindi pa na-late si Ash before."

"Ang sabihin mo, hindi siya nala-late."

Lalo lang nilang pinasama yung loob ko. Kung alam lang nila yung iniisip ko ngayon.

Tumingin ako sa side nila Shalyna. Nag thumbs up lang siya sa akin. Huminto naman yung staff ng contest sa harapan ko.

"Nasaan yung isang member niyo?"

"Uhmm.. sir, he's not here."

"Then, kapag kulang kayo hindi kayo pwedeng lumaban. Apat dapat ang members ng team."

Ang bilis na ng tibok ng puso ko nun. Hinawakan ko sa braso yung matandang lalaki.

"He'll be here! I know he will!"

"Siguraduhin niyo lang dahil, matatalo ka niyo niyan ng hindi kayo lumalaban. Decision yun. We'll give you 3 minutes, kapag wala pa, you're off the contest."

Nagtinginan kaming tatlo nila Kian. Nasaan na ba si Ash?!? Siguro nga wala na siyang pakialam sa skateaboading team. Pero sana naman nagpakita siya 'di ba? Tumawag man lang?

Binigyan kami ng exact 3 minutes para maghintay. Sina Shalyna eh kitang-kita na nagda-dial ng phone nila para i-contact si Ash. Ako naman ang labo na ng paningin ko. Parang lahat, bumabagal.

Pinilit kong hindi umiyak. May oras pa, darating pa siya.

Nung nag 1 minute sa clock, hindi ko na nakayanan kaya tumalikod na ako. Inalalayan na ako nung dalawa dahil umupo na ako doon. At dahil sigurado na akong hindi siya darating.. tinawag ko na yung lalaki kanina kahit may ilag second pa.

"We forfeit. Sila na yung nanalo."

"WHAT?"

Naglakad na ako ng mabilis nun.

'Winner by forfeit will be The Speeders....' tapos may palakpakan naman.

Even though ang sakit ng nangyari sa akin sa mga oras na ito, at least I have my family and friends.

Biglang nag-buzzer at eksaktong 3 minutes na. Walang sign ni Ash. Nagsimula nang tumulo yung luha ko nun. Niyakap ako ng mahigpit ni Shalyna.

Kung sa fairytale siguro may happy endings. Naghintay kami doon pero hindi siya dumating. Unfortunately...

This is not a happy ending at all..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top