(4)

***4***

Hindi rin nagtagal, lumabas na siya sa CR at napansin kong iba na yung suot niyang t-shirt.

"Nasaan na sila? At bakit ikaw lang ang nandito?" Yan ang unang mga tanog niya sa akin.

Sasagot na sana ako kaya lang nung makaramdam siya eh ang bilis ba namang tumakbo mula sa dulo hanggang sa pintuan. Sinubukan naman niyang buksan kaya lang wala rin siyang magawa. Pagkatapos niyang sipain yung pinto sa inis niya, huminto na rin siya.

"Siraulo talaga yang si Shalyna!"

Naku, yan tuloy nadamay pa siya sa akin.

"Pasensya ka na."

"Para saan?" tumingin siya sa akin.

"Kasi nadamay ka pa sa akin. Akala siguro nila ako na lang yung tao dito sa loob. Hindi naman nila alam na nandiyan ka pa sa CR."

Tinaas naman niya yung paa niya at nag relax doon sa upuan niya. Naka move-on na siya kaagad sa inis niya?

"Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Anong gagawin? Wala. Maghihintay na bumalik sila mamaya." Yung boses niya eh mukhang iritado.

"Anong oras ba sila babalik?" Hay Chris! Ang daming tanong!

"Dahil practice period, an hour an a half."

Grabe, ang tagal nun ah!

"Bakit hindi tayo mag-ingay? Baka may makarinig na teacher sa atin."

"O sige sayangin mo oras mo. Dulong classroom 'to, malayo sa kabihasnan."

Sabi ko nga eh.

Dahil ang tahimik namin parehas, medyo na-bored naman ako. Kung titignan mo kasi siya, nakatulog na yata eh. Sana lahat mabilis nakakatulog 'di ba?

Tinuloy ko na lang yung balak kong pagtugtog ng gitara. At syempre dahil ayokong makaistorbo sa natutulog, hininaan ko na lang yung pagkanta ko.

"I need a love that grows

I don't want it unless I know

But with each passin hour

Someone, somehow

Will be there, ready to share"

Humarap naman ako doon sa bintana sa opposite ng side nya kaya hindi ko na siya nakikita.

"I need a love that's strong

I'm so tired of being alone

But will my lonely heart

Play the part

Of the fool again, before I begin"

Aba, isang malaking himala! Ngayon lang ako nakakanta ng totoo sa school. Usually kasi, tagatugtog lang ako ng gitara o kaya kung pakantahin man ako, sinasabi ko lagi na hindi ako marunong.

"Foolish heart, hear me calling

Stop before you start falling

Foolish heart, heed my warning

You've been wrong before

Don't be wrong anymore"

Nag-simple pause lang ako at kakantahin ko na sana yung second bit ng kanta, umikot na uli ako at nakita ko namang gising si Ash at nakikinig sa akin.

Nabitawan ko na lang bigla-bigla yung gitara.

"Oh, bakit tumigil ka?" Nakangiti pa siya talaga.

"I..uh.. ayoko na. Nagbago na yung isip ko." Binalik ko na yung gitara sa  pinagkuhanan ko. Nakikihiram na lang ako at baka masira ko pa.

"Bakit naman? Nahihiya ka? You don't have to be. Honestly, you have an amazing voice."

Ewan ko kung bakit nairita na lang ako sa sinabi niya.

"Yeah right!" sarcastic pa yung pagsagot ko sa kanya. "Nangbobola ka pa!"

"I'm serious." tumayo siya sa upuan niya at umupo doon sa lamesa ng teacher, "You know what, you're surprising me. Unang-una, nagtry-out ka sa skateboarding team eh sa history ng Sports Curriculum wala pang babae na sumubok nun. Tapos ngayon, marunong kang maggitara at magaling kang kumanta. How many hidden talents do you have?"

"Wala akong talent. Suwerte lang yung iba, tsamba yung ilan. Yun para bang marami akong average na talent, pero hindi magaling na magaling sa kahit isa."

Nginitian naman niya ako.

"For a girl, you're such a mystery." Tumingin siya sa gilid niya bago niya binalik uli sa akin yung mga mata niya, "I'm curious to find out ano pang tinatago mo."

Ewan ko ba dito. Wala pang nagsasabi sa akin nun dati.

I'm a mystery?

"No offense but, why are you always wearing those clothes?" Napatingin naman ako sa damit ko kahit alam ko naman yun yung tinutukoy niya.

"What's wrong with what I'm wearing?"

Tumawa naman siya sa akin. May nakakatawa ba? Sakalin ko kaya 'to?

"What about yung sumbrero mo? Naisipan mo bang tanggalin man lang?" Tapos umarte siya na kunwari may sumbrero rin siya.

"Sa bahay inaalis ko."

"I mean, dito sa school."

Napahawak ako bigla sa sumbrero ko.

"No, never."

"'Coz, I'm curious..." tumingin siya uli, "Nah, never mind."

Tumahimik siya uli at doon na natigil yung maikling pag-uusap namin ni Ash. Hindi ko alam kung anong curiosity meron siya sa akin.

 Hindi rin nagtagal, medyo nalimutan ko na kami na lang dalawa ang nandun sa sobrang tahimik. I almost ended up daydreaming sa paghihiganti ko kay Shalyna.

World War III pala ang habol niya ha, eh di ibibigay ko sa kanya!

"Anong ginagawa mo?"

"Magda-drawing." ngumiti ako sa kanya. "Ano na nga bang itsura ni Shalyna???"

***

"Aaaaaaahhhhhh!!!!" ang lakas talaga ng tili ni Shalyna at feeling ko lahat ng malapit sa kanya eh pwedeng-pwede nang mabasag ang eardrums.

"I'm sorry! May nakalimutan ba ako sa portrait mo?" Nagsitawanan naman yung iba. "Oo nga pala,  hindi masyadong malago yung mustache mo no! Dagdagan natin!"

Halata kong init na init na yung ulo niya dahil sobrang pula na nung mukha niya. Humarap siya sa akin at gusto niyang kalmutin yung mukha ko ng mahahaba niyang kuko.

"Feeling mo naman natatakot ako sa 'yo? Hindi mo pa alam kung ano yung kaya kong gawin." Lumapit ako sa kanya at siya naman yung napaatras-atras. Tinulak-tulak ko pa nga siya, "Alam mo, napapagod na ako sa 'yo eh! Kung naghahanap ka ng away, pinili mo yung taong hindi ka aatrasan!" pinalo-palo naman niya yung kamay ko.

"Don't you dare touch me!"

"I just did!" tinulak-tulak ko pa siya lalo.

Nag-iinit na rin yung ulo ko sa kanya at ano mang oras ngayon baka masuntok ko na talaga itong babae na ito.

Kaya lang nung gagawin ko na, may yumakap sa akin sa likuran pero ginawa lang niya yun para hindi ko magalaw yung dalawang kamay ko. Dahil nabuhat na niya ako, pinagsisisipa ko na lang yung paa ko at gustung-gusto ko talagang saktan yung babae na yun.

May lumapit din naman kay Shalyna at umiyak pa ang bruha at halatang drama lang naman. Si Chester yung umawat naman sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay uwian naman na, binaba naman ako nung taong bumuhat sa akin. Siya na naman.

"Ano bang problema mo?" tinulak ko rin siya, "Nakikialam ka naman eh!"

Tumalikod na ako.

"Gusto mo siyang awayin sa ganung paraan? Sana sinabi mo sa akin ng maaga para binigyan ko kayo ng tig-isang kutsilyo!"

Napahinto naman ako dahil seryoso na siya.

"Sinubukan niyang i-scratch ako sa mukha! Anong feeling mo, tatayo lang ako doon?"

"Nilayo na kita doon dahil ikaw yung may malaking possibility na masaktan! Nandun yung grupo niya kung hindi mo alam!"

Iniwan na niya akong nakatayo doon.

Umuwi na naman ako mag-isa nun at sinabihan ako ni Ash na dalhin ko raw yung skateboard ko dahil hindi natuloy yung panonood niya sa akin. Normal lang naman yung gabi ko. Bukod sa ako na naman ang naghugas ng plato eh sumakit yung ulo ko sa sobrang lakas ng music ni Kuya Christian. Si Kuya Christopher at si Tatay eh hindi pa dumarating.

Binasa ko na naman uli yung lumang fairytale book na lagi kong dala-dala. Nasaulo ko na nga yata bawat linya nun eh.

'Di tulad kahapon, tinanghali ako ng gising kaya late naman akong dumating sa klase ko. May teacher na nun at syempre eh pinagalitan ako. Napansin ko na may hawak silang lahat na orange na papel at dahil kadarating ko lang eh hindi ko alam kung para saan yun.

"Ano yan?" tinanong ko si Ash na seryoso namang makinig.

"Dress code ng Sports Curriculum. May dinagdag yata sila."

Lumapit naman yng teacher sa akin at binigyan ako ng sarili kong copy. Tinanggal ko na yung bag ko sa balikat ko nun. Hinihingal-hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko.

Babasahin ko na sana yung papel kaya lang nagtaas ng kamay si Shalyna.

"Yes, Miss Salinas?" sabi nung teacher sa kanya.

"Hindi po ba approved na itong bagong dress code?" Ang arte talaga ng boses kaya napairap na lang ako.

"Approved na nga."

"Eh kung approved na po, nabasa ko lang kasi sa Dress code #6 na hindi daw allowed ang head coverings such as bandanas, bonnets, including... BALL CAPS." tumingin siya ng nakakainis sa akin.

This is not good.

"Kung ganun po eh dapat alisin dapat ni Chris yung sumbrero niya 'di ba?"

"Miss Orellana, tanggalin mo na yung sumbrero mo."

"Hindi ba pwedeng... ayoko. Kaya lang naman nila sinama yun sa dress code para maiwasan yung mga students na nagdadala ng sigarilyo, drugs, or harmful objects na tinatago nila sa sumbrero nila. Wala akong tinatago. Please."

"Wala ka naman palang tinatago so walang problema na alisin mo yan.."

"Pwede bang.."

"Tanggalin mo na Miss Orellana at kung araw-araw mong gagawin yan, araw-araw ka rin sa cafeteria duty!" Nanlalaki yung mata nung teacher namin kaya alam ko na seryoso siya, "Gagawan ba ng Sports Curriculum na may exception para lang sa iyo?"

I guess, wala na akong ibang choice kundi alisin itong sumbrero ko. Bwisit talaga itong si Shalyna!

Dahan-dahan ko namang inalis yung sumbrero ko kahit ayaw ko. At nung natanggal ko na, bumagsak na lang yung buhok ko sa balikat ko hanggang sa likuran ko.

Lahat yata nagulat eh.

'Whoa!' naring kong sinabi nung ibang lalaki doon sa gilid.

Nahihiya na talaga ako nun. I hate this. I really, really hate my life right now.

Tumingin ako sa gilid kaya lang nakuha ko yung tingin ni Ash. Yung expression ng mukha niya eh  parang gulat na gulat.

"Don't look at me like that!" Sinabi ko sa kanya.

Nung breaktime namin hanggang lunch, hindi ako lumabas ng classroom at ayokong makita nila ako na ganito yung itsura ko. Gutom na gutom na nga ako nun at binato lang sa akin ni Slasher, a.k.a Benpala ang pangalan, ang isang hotdog sandwich.

Imbis na mapahiya ako sa ginawa ni Shalyna, mas marami pang bumabati sa akin ngayon. Mostly, about my hair. To be honest, I should be flattered pero hindi kasi ako sanay ng pinapansin about my looks.

Nung practice period namin, hinintay ko muna umalis lahat bago ako lumabas ng classroom. Tumakbo ako sa skateboarding arena at si Ash lang ang nandun.

"You're late." sabi niya sa akin nung dumating ako.

"Alam ko." tapos binaba ko yung skateboard ko.

Umupo ako doon sa gilid para ayusin yung knee, elbow pads, at pati na rin yung helmet ko. Hindi pa ako tapos mag-ayos eh tumabi naman siya sa akin. Saglit lang din, humawak siya sa buhok ko. 'Di ko siya tinignan pero nagsalita ako.

"Get your hands off my hair. Baka makikita mo putol na yang kamay mo."

Tumayo naman ako bigla-bigla.

"Simulan na nga ito para matapos na!"

Tumayo siya pero nakangiti siya sa akin. Ayoko yung tingin na yun.

"I don't see a reason why a girl would hide her nice long hair in a ball cap."

Tinignan ko siya ng masama. "Ano bang pakialam mo?"

"Kahapon lang curious ako kung ano bang itsura ng buhok mo. Kung boy cut ba talaga, curly, short... now I know it's long and straight."

"Pumunta ako dito para sa practice at hindi para i-discuss kung gaano kahaba ang buhok ko."

"Keep you hair like that, it looks prettier that way." Binaba niya yung skateboard niya, "Maybe I hate Shalyna, but thanks to her I don't have to be curious now."

Kung buhok ko lang din naman ang pag-uusapan namin, wala na akong gana. Teka, bakit ba ako lagi ang issue? Bakit hindi siya?

"Bakit mo nga pala 'hate' si Shalyna? I know obvious naman... ka hate-hate naman talaga yung babae na yun. Pero ako talaga may rason. Ikaw?"

Tumungtong siya sa skateboard niya at nagsimulang mag warm-up.

"I have my own reasons too.." tapos binilisan na niya yung pag-andar niya. "She's my ex."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top