(39)
***39***
Binitawan ko na lang yung contract. May R-13? Bakit ko nga ba hindi binasa ito noon? Kaya pala ganun na lang kung magsalita si Ash kapag tungkol dito. 'I didn't break R-13.' Nasaktan pa ako nun sa sinabi niya. Pero all this time, ibang R-13 naman pala yung tinutukoy niya.
Tapos ito pang locket. Paanong napunta sa kanya? Kapatid ko si Shalyna? Hindi pwede. Malabo 'di ba?
Umiyak na lang ako ng umiyak nun. Pumasok na lang ako sa banyo at doon ko nilinis yung sarili ko. Magang-maga na yung mata ko. Monday ngayon. Walang pasok bukas dahil puyat ang mga tao dahil sa pageant. Siguro nga panahon na rin para ako naman yung humakbang at alamin yung mag bagay-bagay. Hindi naman pwedeng ako na lang yung laging wala sa balita, at kailangan ko pang malaman sa iba. Hindi rin pwedeng ako na lang lagi yung nasa gitna at pakiramdam ko ako na lang lagi yung tinitignan, ako na lang lagi yung nasa spot. Gusto ko maiba naman. Gusto ko, kaming lahat ang nasa gitna. Hindi na lang ako. Nakakapagod rin pala.
Liliwanagin ko muna yung bagay-bagay kay Chester. sa kanya ang pinakamadali. Then, kahit ayoko, si Shalyna. Kailangang-kailangan ko siyang makausap. Tapos sino? Tatay ko siguro. Pagkatapos siguro ng tatay ko, my so-called mother. She need to explain everything. Noon iniisip ko kapag nahanap ko na siya, parang dream come true. Pero ngayon parang malayo doon yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung galit ba o ano, pero alam kong malayo sa pagiging masaya.
Kapag nakausap ko na silang lahat, haharapin ko na si Ash. Sa lahat-lahat naman, siya ang maraming ginawa para sa akin. Mas marami pa siyang alam na bagay-bagay sa sarili ko kaysa sa mga natuklasan ko. Higit sa lahat, siya ang pinakanasaktan sa lahat ng mga ginawa ko. Tama lang na kausapin ko siya at makipag-ayos.
Yun ay kung... kakausapin pa niya ako.
***
Maaga akong nagising kinabukasan. Or should I say, hindi naman talaga ako natulog at hinintay ko lang mag-umaga. Madaling-araw pa lang eh umalis na yung tatay ko para pumasada kaya hindi na kami nakita. Ako naman eh nagluto ng agahan naming tatlong magkakapatid.
As of now, tanggap kong tatlo muna kami.
Naupo ako doon sa dining table namin at hinihintay ko na may lumabas. Bihis na bihis na ako nun. Pupunta ako sa school. Alam kong walang pasok pero kailangan ko pumunta doon para malaman kung ano yung address ng bahay nila Chester. Hindi sinasagot ni Chester yung phone niya. Si Shalyna naman sinagot pero hindi nagsasalita. Si Ash? Unattended. Kagabi pa.
Nakatitig lang ako sa kawalan nun nung may nangharang ng kamay sa mukha ko kaya natauhan naman ako. Pagtingin ko, si Kuya Christopher pala. Siya naman ang pinakamatanda sa amin pero kung sa pagitan ni Kuya Christian at siya, mas close ako kay Kuya Christian.
"Kuya, anong ilang taon ka ba nung umalis si Nanay? 8? 9?"
"8 and a half."
"Yeah.. about that." sumubo naman siya ng hotdog, "Naaalala mo pa ba yung itsura niya?"
"Of course, pero hindi na masyado. Nalilimutan ko na. Wala naman akong picture niya eh. Teka nga, bakit ba bigla ka na lang na-curious sa kanya?" tumingin siya sa akin.
"Wala lang. Naisip ko lang." yumuko naman ako.
"Umiyak ka ba?"
Lalo tuloy akong hindi makatingin sa kanya.
"H-hindi."
Hinarap naman niya yung mukha ko sa kanya.
"Yep. Umiyak ka nga.""Wala nga akong teardots paano akong iiyak!"
Bago pa niya ako tanungin eh tumayo na ako at kinuha ko na yung body bag ko sa sofa namin at nag-kiss lang ako sa pisngi niya. Nag-bye na lang din ako. Halata ko namang nagtataka rin sa akin yan, pero ayoko na munang sumagot sa mga tanong na kahit ako eh hindi ko alam. Nagtaka pa nga siya kung bakit pupunta daw ako ng school eh wala naman daw pasok.
Naglakad lang ako ng mabilis para makarating kaagad sa school. Nung napunta ako doon sa tapat ng kanto papunta kina-Ash, huminto ako saglit at tumingin ako doon sa bahay nila. Pero hindi rin nagtagal, nagsimula na uli akong maglakad.
Pagdating ko sa school, napaisip din naman ako. Teka, saan ko naman kaya hahanapin yung address ni Chester? Yearbook? Tiyak wala naman doon. Pictures lang ang nanduon saka kung anu-anong interest and stuff. Office ng principal? Hindi carry ng powers ko. Guidance Office? Kahit close pa kami ng guidance counselor, hindi yun basta-basta nagbibigay ng records. Isip.. isip...
"Gosh Tama!"
Tumakbo ako doon sa Sports Bulletin. Ang daming nakapost doon na kung anu-ano. Hinanap ko yung papel kung saan pwede mag sign-up para sa junior varsity ng basketball. Ayun na. May address kasi doon.
Nasaan na ba si Chester?
At sa kakahanap ko sa sobrang dami ng pangalan, nakita ko rin yung pangalan ni Chester at ang mahiwagang #18 Capitulo Street.
Dahil nga mayaman ako sa barya sa wallet ko, nag-tricycle na lang ako papunta sa kanila. At nilipad-lipad yung buhok ko. For the first time nitong mga huling araw, pakiramdam ko na-relax ako kahit na saglit lang. Sinabi ko lang yung address kay Manong, parang alam na niya yung pupuntahan.
Saglit lang din eh ginising ako ni Manong at nandoon na daw kami. Nakatulog na pala ako sa loob. Ang hirap pala talaga kapag puyat ka. Binayaran ko lang din naman siya at tinignan ko yung address.
Ito pala ang bahay ni Chester? Well, it looks like a cake!
Tumawag naman ako labas ng bahay nila dahil wala naman silang doorbell. May isang babae na lumabas.
"Magandang umaga po, si Chester po ba nandiyan?"
Tinignan lang niya ako nun pero nakangiti siya.
"Anong pangalan mo?"
"Uhmm.. chris po. Pakisabi po si Chris."
Binuksan naman niya yung pintuan nila at sumigaw siya doon. 'Chester! May bisita ka dito! Chris! Chris daw!'
Hindi ko alam kung gaano kabilis pero seconds lang talaga ang pagitan eh nasa labas na siya. Pinakilala niya sa akin yung Mommy niya at umalis na kami doon sa bahay nila. Naupos kami doon sa harapan.
"Hey.. kumusta na?" parang kagabi lang hindi kami nagkita, "Sorry kagabi ha."
Huminga naman ako ng malalim.
"Tungkol doon talaga yung pinunta ko. Hindi naman talaga ako magtatagal eh, dami ko pa kasi pupuntahan." ngumiti lang siya sa akin. "Care to explain.. what.. everything?"
Honestly, hindi kami inabot ng 30 minutes para i-explain niya sa akin kung ano man yung gusto niyang sabihin. Nakinig lang ako sa kanya. Seryosong-seryoso siya, at sa ibang parts, hindi niya makuhang tumingin sa akin. Wala nga akong sinabi eh.
"Chris, I think it is the right time to say something?"
Tumingin naman ako sa kanya.
"You mean, nakipag-dare ka sa guys na kailangan mapasagot mo ako for what? Ilan sila? Dalawa? P500 each?" hindi naman ako galit sa kanya, ewan ko rin kung bakit.
"Yeah. Kasi naisip nila na challenge ka. Alam mo na, you're... TOUGH. But then, binago ka ni Ash. So.. I really do like you Chris. At first hindi, pero.. ngayon.. YEAH. Kaya nag-quit ako. Dahil nag-quit ako, ako yung nagbayad sa kanila ng P1000." tinignan ko siya lalo sa mata nun. "Hindi alam yun ni Shalyna. Nalaman lang niya nung nadulas yung isa sa barkada namin. Naisip niya na pwedeng gamitin laban sa iyo. Yung tungkol sa relo ni Shalyna, alam mo na yung story. But chris, I'm so sorry. Really. Kaya sa kahit anong bagay na makakatulong ako, sabihin mo lang."
"It's ok. Naiintindihan ko na. Thanks Chester for being honest with me. Ok lang, kahit kaya ko na yung sarili ko. Wala ka nang dapat gawin para sa akin."
Nagpaalaam din ako kay Chester nun. Gusto nga daw niya sumama kung gusto ko pero sabi ko naman sa kanya na huwag na at kaya ko na yun gawin personally. Umalis ako sa kanila at sumakay naman ako ng jeep. This time, si Shalyna naman ang gusto kong kausapin. Ang dami kong gustong malaman galing sa kanya. Tingin ko kasi, mas marami siyang nalaman at mas marami siyang tinatago kaysa sa akin.
Long lost sis. Kung yun man ang dapat kong itawag sa kanya.
Nagdalawang-isip muna ako bago ako mag-doorbell sa bahay nila Shalyna. Ang laki talaga ng bahay nila. Kung sa view lang din naman dito sa labas, malabong kapatid ko siya. Hindi talaga tama. Wala namang lumalabas galing sa bahay nila. Saglit lang din eh may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"What are you doing here? I don't want you here.. so you better leave." binuksan niya yung gate nila at sinarahan naman ako.
Galing yata siya sa labas eh.
Humawak naman ako sa gate nila.
"Please Shalyna, I need to talk to you. Please! Kailangan ko ba lumuhod?" dire-diretso pa rin siya sa paglakad papunta ng bahay nila. "Why're you always treating me like this? Ang unfair-unfair naman! Hindi ko alam kung bakit ganyan ka na lang kung makitungo sa akin!"
Hindi naman niya tinuloy yung paglalakad niya. Nakatayo lang siya doon.
"Bakit ako ganyan makitungo sa iyo? Sinabi ko na sa iyo ilang beses yung reason ko. I don't like you." tumalikod naman sya at iniwan akong nakatayo doon.
Pero hindi ako dapat maggive-up.
"Talaga? Yun ba yung reason mo? Or does it concern that your mom is my mom?! Huh!"
Nung sinigaw ko yun, huminto na talaga siya. Iba na yung expression ng mukha niya.
"How did you know?" mahinahon na yung boses.
"Because of this.." inangat ko yung locket at hawak-hawak ko sa chain.
"Kay Ash yan, paanong napunta sa iyo?"
"This is mine, which happened to be na nakay Ash almost half of my life.I lost it the day I found out you left to America."
Lumapit na siya sa gate nun. Binuksan naman niya yung gate para sa akin. Unlike kanina, mas mukhang mahinahon na siya ngayon.
Sinabayan ko lang siya maglakad. Hindi ko alam kung saan niya kami gustong mag-usap. Pero ako? Sinundan ko siya doon sa garden nila.
"Nalaman ko yung tungkol sa bagay na iyan bago yung camp. Dahil hindi ka nga pupunta, naisip ko na hindi na rin ako pupunta. Ano pang point kung sasama ako sa camp kung yung close friend ko hindi ko rin naman pala kasama 'di ba?" nag-iba yung pakiramam ko nung binanggit niya yung term na 'close friend'. "I was on my way to your house that time, para nga yayain ka sa amin. I heard my dad and my mom, or should I say, our mom, arguing about something. Dahil nga bukas yung pinto, nakinig ako. Narinig kong may binanggit si Mommy about a guy named Chris, or yun ang pagkakaintindi ko dahil hindi ko nga alam na ikaw. Then I heard Dad talking about,'Hindi na dapat balikan ang nakaraan dahil may pamilya na siyang bago.' That struck me really hard. Parang nagka-idea na ako." tumingin siya sa akin at lumuluha na siya nun. "Of course nung narinig ko yung name na Chris Orellana, nalaman ko na ikaw yung tinutukoy niya. And some guys named Chris too. I can't remember their names."
"Christopher.. and Christian."
Tumango lang siya sa akin.
"Sinabi niya kay Daddy na may pamilya siya bago siya umalis ng Pilipinas. The case is, your dad, and our mom were not married. Nag-meet sila ng Daddy ko sa HongKong. May business yung Daddy ko nun, at the same time nagtratrabaho si Mommy sa kanila. They got married sa States. That's why, Salinas na rin ang last name niya. For two whole years, hindi sila magkaanak. Probably si Daddy ang may problem. They decided to adopt a baby girl. That's me."
Hindi ko na napigilan nun, nakisabay na ako sa kanya umiyak. So that's the reason why we're of the same age.
"Laging binabanggit ni Mommy nun na gusto niyang umuwi ng Pilipinas at bumili ng bahay sa ganitong barangay or something. My dad thought that she only loves that place. Pero hindi pala niya alam, palihim kayong hinahanap ni Mommy. My dad found out about 8 years ago. Yun yung day na nakita ko sila na nag-aaway. Akala ko dapat akong matuwa sa simula, kapatid kita! But I saw their marriage was falling apart. My dad went back to states. Three days later, he died of car crash. Sabi nila lasing daw siya nung nangyari yung incident." tinignan niya ako nun, fierce-look pero parang nahihirapan siyang ipakita, "I got mad at you. Bakit ikaw lang? Ikaw lang naman yung nakilala ko. Ikaw yung gustong ikumpara sa akin ni Mommy. Kinuwento niya sa akin lahat. Ako naman, hindi ko sinabi na kilala kita. Then, umalis kami ng America. Doon na ako nag-stay."
Nahihirapan na akong makahinga nun. Hindi ko alam yung side niya. Pero ngayon, narerelize ko, Shalyna's not that tough. She's crying in front of me.
"Tapos naisip ko, kung ikaw ang isa sa dahilan kung bakit naging ganito yung buhay ko, siguro dapat mo ring maranasan. That's why I'm doing stuffs to pissed you off. But hey, you're tough as steel."
"Not as tough as you are. Kinaya mo lahat?"
"I guess so. Kaya nga nung nakita kita nun sa room, ayaw ko na kaagad sa iyo. Nung bumalik si Mommy, sinabihan ko siya na huwag na huwag syang pupunta ng school. Ayokong magkita kayo. I'm a selfish person Chris. What I have is only mine. Pero naisip ko na mali rin yun. Lately, dahil kay Ash."
"Dahil kay Ash?!?" ang dami na niyang nagawa para sa akin.
"Yeah. He told me that making your life miserable will not change my life to be a better one. Siguro nga ako na rin sumira eh. Sabi niya, marami ka na rin napagdaanan. At least mabuti raw ako nakakilala ako ng decent parents... especially.. our mom. Ikaw, ni-hindi mo pa siya nakikita. Yun yung day na niyakap ko siya sa kwarto ko sa itaas." nagulat naman ako sa kanya, "I know you already knew about that. Nakita kita sa labas."
Nagtinginan kaming dalawa.
"Wow, he's really something isn't he? May kinuwento ba siya sa iyo? Anything at all?"
"Kung mag masekreto siguro ako, mas masekreto yung tao na iyon. Hindi ko nga alam yung tungkol diyan sa locket na yan. Akala ko connecting chain niya. Hindi ko pa nga yan nakikita. Last year kasi sabi niya sa akin, tinatago daw niya yan dahil hinahanap niya yung may-ari. Gusto daw niya magthank you personally." thank you? Para saan? Hindi ba dapat ako naman ang magthank you sa kanya ngayon?
Halata niyang nagtataka rin ako. Ngumiti rin siya sa akin. And it's a real one this time.
"I can't belive I wasted so many years trying to prove that I am better than you are when all this time... we can be the best of friends." tumingin ako sa kanya nung sinabi niya yung huling part, "Are we cool?"
Yumakap naman ako sa kanya.
"More than cool." tapos humiwalay din ako, "Everyday I'm praying para sa tatay ko, para sa mga kuya ko, para makilala ko na yung nanay ko.. then.. ngayon.... para sa sis ko."
Lalo siyang yumakap sa akin. Ang tagal naming ganun. Para kaming sira na iiyak ng iiyak, tapos tumawa rin pagkatapos. Pinunasan ko pa yung mata niya eh.
"So.. may dalawang Kuya pala tayo?"
"Yeah.. sure. Mas matatanda sila sa atin." pero may naalala pa ako, "Shalyna, isa pa nga pala."
"Ano yun?"
"Kahit nga pala alam ko na yung tungkol sa... sa mom natin. You don't expect me to be.. good at her right?"
"Of course not. Even if she's my mom too, she's really wrong to leave you guys behind." ini-offer niya yung kamay niya para tumayo ako. "Thanks nga pala kagabi. For the crown. It means alot when it came from your sister. And, bakit umalis kayo ni Ash kaagad? Na-miss niyo tuloy yung last dance. Tradition. Dates.. and partners."
"Speaking of Ash, I really really need to talk to him. Balak ko nga sana na kausapin muna si Nanay at Tatay.. but then, alam ko na kung saan siguro patutungo yun. Si Ash talaga ng malaking palaisipan sa akin. Ok lang sa iyo? Aalis muna ako.. then.. we'll make it up for the whole lots of things that we missed together." inayos ko uli yung bag ko. Pinunasan ko naman ng panyo yung mata ko.
"You need help?"
"Yan din ang offer ni Chester sa akin. Thanks anyway, I think I need to figure out the puzzle myself. See ya' later.. sis."
Ngumiti lang siya sa akin. Siya pa ang nagbukas ng gate.
"Oh yeah... good luck nga pala para bukas." napahinto na naman ako.
"For what?!?"
"Huh? Hindi mo alam? Skateboarding championship bukas. Lalaban ang R-B di ba? Or is it R-13?"
"Laban? Bukas?"
Hindi ko alam na may laban kami bukas. Pero sa kaso namin ni Ash ngayon, malabong may laban na mangyayari.
Kinuha ko kaagad yung phone ko at sinubukan kong tawagan si Ash. Hindi pa rin niya sinasagot. Sinabi ni Shalyna na itatry daw niya tawagan at kung may progress daw, sasabihin niya sa akin. Kinuha niya yung phone number ko dahil wala naman siya sa listahan ko.
Binilisan ko na lang pumunta kina-Ash. Hindi rin naman kalayuan. Pero malayu-layo rin yung tinakbo ko. Katulad nung scene kanina, parang kapag tinitignan ko yung bahay nila, nalulungkot na ako.
Hinihingal-hingal pa ako nun. Nag-buzz ako doon sa labas nila at may boses naman na nagsalita.
"Sino po sila?" nakilala ko naman yung boses. Mommy ito ni Ash.
"Tita Elisa? Si Chris po ito. P-pwede.." hinihingal-hingal pa talaga ako.
"Chris? Oh Chris. Teka lang lalabas ako."
Lumabas naman siya at nakangiti din siya sa akin. For a mother of two na paehas nang binata, she's pretty.
"Si.. si A-ash po?"
"Naku mukhang hinihingal ka na ah. Saan ka ba galing bata ka ha!" tapos huminto din siya, "Remember sinabi ko sa iyo na may nireremind ka sa aking tao? Now I remember. Kamukha mo yung patient ng asawa ko. Si... uhm.. Mrs. Salinas."
Well, it's kinda' too late for that.
"She's my mom." halata kong nagulat naman siya, "Long story. Ikukuwento ko po sa inyo kapag may time na. Si Ash po ba nandiyan?"
"Sa katunayan naguguluha na nga rin ako sa batang yun. Umuwi ng madaling araw. Hindi naman sinabi kung saan galing. Teka lang, iri-ring ko siya sa kwarto niya." nag-dial naman siya doon sa phone niya at ni-ring yung landline phone ni Ash.
Narinig ko naman yung familiar voice ni Ash. Nakaspeaker phone pala sila.
"What mom?!?"
"Anak, nandito si Chris sa baba gusto kang kausapin."
"Tell her I'm not here. Kahit anong lugar basta wala ako dito."
Para aokng sinaksak nun.
Tumingin yung Mommy niya sa akin.
"Sabihin ko raw sa iyo Chris, wala daw siya dito."
"Thanks a lot Mom." sarcastic pa yung pagkakasabi niya.
Alam kong ano mang oras eh ibababa na niya yung phone kaya naisipan ko naman nang magsalita. Kapag hindi ko pa gagawin ngayon, yung salitang 'pag-uusap' eh malayong mangyari.
"Ash! I know you're mad at me.. or whatever you feel about me right now. I know I made a mistake ok? I'm so sorry. I didn't know. And you are right, I have my own eyes but I don't really see things. Kaya nga nandiyan ka 'di ba? To help me throughout things that I don't see. You mean alot to me. And this time, may isang milyong tanong siguro sa utak ko na ikaw lang ang makakasagot. I wanna' know your side of the story. Para mabuo na yung puzzle sa utak ko. More yet sa pagkatao ko. Pero kung hindi mo ko kakausapin, malabong mangyari yun. If I did hurt you in any way... I'm sorry. And I mean it." huminga ako ng malalim at huminto ako ng kaunti, "Bukas na nga pala yung championship ng skateboarding. I don't know if you are going, pero kailangan ka namin doon. Kung tinatanggap mo yung sorry ko, pumunta ka bukas. Kapag hindi, ok lang. We'll wait for you. Or I think it's right kung sasabihin kong I'll wait for you. Alam kong ikaw na lang lagi yung nagbibigay daan sa akin. Ikaw na lang lagi yung naghihintay... I think time naman na para ako naman yung maghintay sa iyo."
Pagkatapos kong sinabi yung mga gusto kong sabihin, hindi na siya nagsalita.
He just hung up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top