(38)
***38***
Nung tumakbo ako sa backstage eh doon na ako umiyak pero pinipigilan ko pa rin yung sarili ko dahil nga nasa pageant ako. Ayoko namang makita nila akong umiiyak. Nakita ko namang pababa na rin ng stage si Ash kaya sinimulan ko nang punasan yung luha ko at binilisan ko yung lakad ko in case na hindi niya ako makita. Pero hindi rin nagtagal, hinawakan na niya ako sa braso ko.
"Whoa.. whoa.. whoa.. wait." hindi na ako makalakad nun, "What was that all about?"
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nun. Sa sahig lang ako nakatingin.
"I.. uh.. babalik na ako sa dressing room. Ok? Pwede ba?"
Hinawakan naman niya ako sa chin ko at inangat niya yung ulo ko.
"Hey Chris.. look at me. Chris.. look at me." tinignan ko na rin siya, "Anong problema?"
Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa akin at hindi ko na alam yung mga gusto kong sabihin.
"Ewan ko! Hindi ko alam kung anong problema! Ako?!? Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nare-realize na hindi naman dapat ako pumayag sa deal na yun eh!"napaatras siya sa akin, "Ash, siguro nga tama ka kay Shalyna. There's more Shalyna than we all expected. Siguro nga hindi naman siya talaga ganun. Alam mo kanina? Nakita ko siya nag-iisa! Tapos mamaya anong gagawin natin? Ipapahiya siya? Wasn't that enough?!?"
"What do you mean? Hindi ko na dapat ituloy?"
"Ayoko na. Hindi ko na kaya." umiling ako sa kanya, "But don't worry, tatapusin ko yung pageant gaya ng usapan. But please! Huwag mo nang ituloy yung plano mo. Naging kaibigan ko rin naman siya!"
Lumapit naman siya sa akin at ako naman ngayon yung umatras.
"Yun ba lahat?" mahinahon na yung boses niya.
"Meron pa. Keep your distance."
Matapos kong sinabi yun eh pumasok na ako doon sa dressing room ko. Hindi ko na kailangang magpalit dahil saglit lang naman eh Question and Answer naman na. Alam kong napapansin na ni Nathalie na hindi na normal yung mga kilos ko. Pero pinili naman niyang hindi na magtanong.
Naupo lang ako doon mag-isa. Si Nathalie eh nakikinig sa labas in case na tawagin na kami pare-parehas. Tumingin siya sa akin.
"Chris.."
Tumingin naman ako sa kanya.
"Yeah?""Kausap ni Ash si Shalyna. Do you want to go?"
What? Ang gulo na naman!
"Err.. no. I'm fine." yumuko lang ako uli.
Hindi naman nagtagal eh tinawag uli ako ni Nathalie. This time, hindi naman na tungkol kay Ash o kaya kay Shalyna.. or Chester. Tinawag niya ako dahil Question and Answer portion na. Gusto ko lang tapusin ito para wala na.
Fine.. you can do it Chris. Answer that question. Let's get this over with tapos umuwi ka na. Hinga ng malalim.
Umakyat na ako sa stage nun. For the first time ngayong gabi nung umakyat ako, saka ko lang na-realize kung gaano karaming tao yung nasa harap ko at nanood kanina. Pinalakpakan naman nila ako.
'Each contestant will answer two questions. One from the audience, and one from one of the assigned Judges. And now, here's the question from one of our students.'
Narinig ok namang parang pinasa yung microphone. Hindi ko alam kung sino yung nagtatanong sa akin.
"Miss Chris, gusto ko lang itanong sa iyo kung ano sa tingin mo ang greatest gift na pwede--" kaya lang bigla siyang huminto at nagkaroon ng feedback sa microphone.
Ang sakit sa tenga kaya napahawak ako. Feeling ko mababasag ang eardrums ko.
"Lets change the question.."
Ash?!?
"We all know that you are not a rule breaker. Or probably some of us do. Everyone thinks that you're tough.. you're everything a guy would want in a girl. But sometimes, it's really wrong to believe that you are breaking a certain rule when you don't realize that you are afraid on your own boundaries. I guess what I'm trying to ask here is, Chris, are you willing to break your own rule? Personal rule? Cross your own line?"
For some moment, hindi ako makapagsalita doon at wala akong masabi. Sinasabi ba niya na takot akong mag-break ng sarili kong rule? Na ginagawa ko lang na dahilan ang R-13?
"I'm sorry.. but.. NO." it took alot of courage to say that, "I view my personal rules as universal. And I don't have any plans to break it.. or even cross the line no matter I wanted to. And I created my own boundaries to keep distance... and that distance will keep me away from a new world that I never realize existed."
Narinig kong parang binaba na niya yung microphone kung saan kasi biglang umingay. Nasaan ba siya?
Masyado naman kasing maliwanag yung ilaw.
'Here's my question for you Miss Orellana.' yung judge na yung nagsasalita, 'For you, what is a perfect guy? A perfect man?'
Nag-isip lang ako ng kaunti. Hindi katulad kanina, nakasagot naman ako ng mabilis.
"We all know that there is no perfect person. But I think that we can create our own 'perfect guy'. And for me, a perfect guy doesn't mean great hair, lots of money, nice clothes.. none of that. A perfect guy is someone who is not afraid to admit his mistakes, willing to accept corrections, knows how to show his emotions, and most of all is unique. By personality. He doesn't care what the crowd is in but rather.. he believe in himself as HIM. Just the GUY and will forever be the guy. And that guy will be somewhere around all of us. By our side." bigla na lang akong tumigil. "Thank you very much."
Tahimik lang yung audience nung sumagot ako. Walang reaksiyon. After that, pumalakpak din sila.
Pinagilid naman ako. Nakatayo lang ako doon habang nakikinig ako sa mga tanong at sagot nung mga iba pang contestant. Inuna yung mga babae at pagkatapos eh sumagot din yung mga lalaki. Dahil nga medyo bare yung likod ko, giniginaw na ako nun sa sobrang lakas ng hangin. Nakita kong umakyat si Ash pero 'di tulad kanina, hindi na siya nakangiti ngayon.
Sama-sama kaming 12 sa taas ng stage. Yung 10 contestant, tapos yung dalawa na King and Queen last year. Hinihintay na lang namin yung result kung sino ang nanalo. Hindi katulad kanina, hindi na ako kinakabahan. The thing is, I don't care about the result. Masyado nang nagiging mahaba yung gabi at ang gusto ko lang eh umuwi na ako at matulog at tapusin na lahat. Hindi rin ako makangiti sa hindi ko malamang dahilan. Nanginginig-nginig na ako nun sa ginaw. Ni-rub ko yung dalawang kamay ko para mag-init.
'And our 4th runner ups, (blah..blah) and Claudine Murphy!' palakpakan naman yung mga tao nung nag-step forward yung dalawa. Nilagyan ng sash.. may trophy.. mga ganun.
Sinubukan kong tignan si Ash. Nakayuko lang din siya. Ano bang nangyari sa kanya? Dahil sa sinabi ko sa question period?
'3rd runner ups, (blah blah) and Gladys Anne Perez!' yung usual na cheer ng crowd.
Pwede bang tawagin na ako para tapos na?
Sumasakit na yung ulo ko. Tapos giniginaw pa ako.
'2nd runner ups, (blah.. blah) and Patricia Lopez!'
Nung inannounce yung 2nd runner up, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ako na lang at si Shalyna. Kami lang ba talaga yung naglalaban dito? Parang ganun yung lumalabas. Sa mga lalaki, si Chester na lang at yung isang guy. Si Chester na tiyak yung mananalo.
Pero ngayon? Bakit ako kinakabahan?
'Who will it be?!' nagtanong pa yung announcer sa audience at syempre eh kanya-kanyang sagot naman.
Dahil nga katabi ko si Shalyna, humawak na siya kunwari sa kamay ko.
"I guess it's just the two of us now Chris." nakangiti pa siya nun habang bumubulong-bulong siya.
"Look Shalyna, I don't care about winning at all. It's just.."
Bigla na lang niya akong pinutol.
"What? Ayaw mo i-admit na loser ka kaya ka nagbibigay ng excuse na wala kang pakialam? Well you know what? You're still a loser kahit na manalo ka pa dito.. DOUBLE D." sarcastic yung pagkakasabi niya.
'---Shalyna Salinas! And our Pageant King and Queen School year 200*-200* is Chrisandra Orellana and Chester---'
Bigla na lang may humila sa aking babae na at nilalagyan ako ng sash at kung anu-ano yun. Masyado naman akong pre-occupied. Ako ba yung nanalo? Ano yung sinabi ni Shalyna?
Nagstep-forward naman si Ash at yung Queen last year para ilipat yung crown nila sa amin. Saka lang nabaling yung tingin ko sa kanya kahit na hindi ako yung katapat niya.
Syempre, nagkaroon ng picture taking. Si Shalyna eh nandoon lang sa gilid at nakangiti pero alam kong hindi totoo yung ngiti na iyon.
Lumapit naman si Ash sa akin at tinanggal niya yung coat niya at nilagay niya sa balikat ko.
"Naisip ko lang baka kailangan mo, malamig na kasi." hindi rin naman niya ako tinitignan.
"Hey Ash.. I'm sorry ok?"
"Chris, it's no biggy. It's your decision, and I respect it." pose naman kami para sa picture. "Ikaw naman ang nagsabi na sana hindi mo na ginawa yung deal. Now it's over. History right? It's now a part of our past."
Nakatingin lang ako sa kanya, parang umurong yung dila ko at hindi ako makapagsalita.
"Naaalala mo pa yung sinabi ko sa iyo kanina? About sa contract? Just.. throw it away. Huwag mo nang intindihin yung sinabi ko ok? And isa pa nga pala... kapag naging maliwanag na sa iyo lahat... isipin mo lang na hindi ko sinabi sa iyo dahil nag-promise ako. Ok Chris?"
"Ano bang sinasabi mo?"
Hindi niya ako sinagot. Bigla na lang siyang nag-kiss sa pisngi ko at bumulong ng.. 'Bye Chris.' at tumakbo na siya sa backstage.
Hindi man lang niya kinuha yung coat niya sa akin.
"Ash! Ash saan ka pupunta!" sumigaw si Shalyna pero hindi na huminto si Ash. Pero sumunod na lang na ginawa niya, "What's the matter with you? Don't you know that he loves you so much? Or you're still thinking that he's just doing it because of your stupid deal!"
Nagulat ako sa kanya. Pakiramdam ko namutla na lang yung mukha ko. Alam niya?
"Yeah, alam ko Chris!" humarap siya doon sa audience. "I know about your stupid deal! At alam mo kung bakit kita tinawag na Double D? The other D is deal and the other d is.. bakit di mo tanungin si Chester?"
Tumingin ako kay Chester pero parang siya eh nagulat din.
"I tried to tell you nung day na niyaya kita kaya lang..."
"WHAT?!? MERON PA BA AKONG HINDI ALAM NA ALAM NIYO NA? JUST GET TO THE POINT. WHAT IS IT?!?" tinulak ko siya sa balikat niya.
"I.. I told everyone I like you because.. I had this dare with the guys. But I.. I quit. Hindi ko tinuloy. 'Coz, I'm doing it not because of the dare.. but because..."
"You fiend!"
Umiyak na ako nun. Dare? Deal? Yeah.. I know. I'm pathetic.
"I just want to make it up to you. Ako rin yung naglagay nung relo ni Shalyna sa bag mo."
"What?!?" nagsabay pa kami ni Shalyna.
"Naisip ko lang na kapag napagbintangan ka, sasaluhin ni Ash yun. At kapag inisip mo na siya yung nagnakaw nun, naisip ko na baka hindi mo na siya magustuhan."
Nakatingin lang ako sa kanya nun tapos humarap ako sa audience.
"Sa lahat ng teachers, sa students.. sorry sa inyong lahat." tinanggal ko yung crown ko pati yung sash ko, "I don't deserve this. Hindi ako dapat ang manalo dito sa pageant na ito eh. All this time I'm just... pretending. And I know someone who deserves to have this crown.."
Tumingin ako sa likuran ko.
"You can have it Shalyna. Huwag mong isipin na pinapasa ko dahil naaawa ako sa iyo. Ikaw ang dapat manalo dahil ginawa mo lahat ng walang tulong. And other than that... you're my friend."
Nagulat din siya sa akin.
"Hey Chris para saan ito? Teka lang makinig ka muna! May sasabihin pa pala ako sa iyo.."
Kung ano man yung sasabihin ni Shalyna eh hindi ko na narinig dahil tumakbo na rin ako sa backstage. Umuwi na kaya si Ash?
Tinignan ko yung dressing room, nakatayo lang si Nathalie doon.
"Uhmm.. he ran away."
Tumakbo naman ako ng mabilis nun. Nasaan na ba si Ash? Sa bahay nila?
Tumakbo lang ako ng tumakbo nun. Suot ko pa rin yung coat niya. Saglit lang din eh nasa tapat na ako ng bahay nila Ash. Kaya lang hindi ko rin namang kinayang mag-doorbell man lang o yung intercom sa gate nila. Ni-hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Dahil hindi ko rin naman kinaya, naglakad na lang ako mag-isa pabalik ng bahay namin. Binuksan din naman kaagad ng tatay ko yung pintuan.
"What.. happened?"
"I won. Pero ginive-up ko yung crown." nakayuko ako nun, "Tay, pwede ba bukas na lang tayo mag-usap? Pagod lang ako."
Tumango lang siya sa akin at ako naman eh ang bagal-bagal kong umakyat doon sa hagdan. Nakarating din naman ako kaagad sa kwarto ko at dumapa ako sa kama ko at nag-iiiyak ako. Ang gulo-gulo ko naman pala! HIndi ko na maintindihan yung sarili ko. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Ano nga ba?
Tinanggal ko yung coat ni Ash. Ilang minuto ko lang din naman tinignan at saka ko na lang binato. Kaya lang kakaiyak ko, may narinig ako metal na tumama sa dingding.
Lumapit ako doon sa coat ni Ash. Nung inangat ko..
Yung connecting chain niya? Bakit.. nandito?
Wait.. this is not a connecting chain at all. It's my... my... locket.
Nanginginig na yung kamay ko nun. All this time nasa kanya pala ito. All this time, hindi man lang niya binigay sa akin? Bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Ash kanina.
'--kapag naging maliwanag na sa iyo lahat... isipin mo lang na hindi ko sinabi sa iyo dahil nag-promise ako. Ok Chris?'
Ito ba yun? Promise? Kanino?
Hindi ko alam kung gusto ko pa bang malaman kung sino yung nasa loob. Pero kahit papaano, binuksan ko pa rin.
Nandun pa rin yung baby picture ko. Nung tinignan ko yung nasa kanan na picture, nabitawan ko na lang yung locket at hindi ako makahinga.
"Si Mrs. Salinas? This can't be right."
Naupo ako doon sa kama ko at umiyak na lang ako ng umiyak. Shalyna's my sister? I.. I can't believe it.
Kinuha ko yung locket at dahil nga ayaw ko na siyang makita pa, binuksan ko yung drawer ko gaya nung ginawa ko sa contract namin at nilagay ko lang doon. Parang ang dami-dami nang mga bagay na nasa utak ko. Pero hindi rin naging maliwanag lahat. Lalong gumulo. Habang may natutuklasan ako, parang mas lalong dumarami yung tanong kaysa sa mga bagay na nasasagot.
Nakita ko yung Rules ng deal namin ni Ash. 12 Rules. R-1 hanggang R-12. Stupid rules.
Hinawakan ko naman yung papel. Ewan ko ba, sabi ni Ash itapon ko na ito. I guess he's right. Tapos na yung deal, wala na akong pakialam dito.
Ini-scan ko yung buong papel. Nandun pa yung pirma ko sa baba. Then, may arrow pa nga kaya inikot ko pa at binaliktad ko yung contract. May nakasulat sa likod?
Sa lahat ng nangyari ngayong gabi, isa lang yung naging maliwanag sa akin sa lahat ng sinabi ni Ash.
'At the end of the night you'll realized, you haven't really open your eyes to see.'
Habang naalala ko yung sinabi niya kanina, umiyak na talaga ako ng umiyak at nabasa na yung papel na hawak ko.
It does make sense now. He's really right. It's right here. I'm looking at it, probably staring.. but I haven't really open my eyes to see it. Tapos all this time takot ako mag-break ng rules? Tapos anong sinagot ko sa kanya kanina? Hindi ako ready mag-cross ng line.
I can't believe myself. Now I know what he mean na hindi kami dapat magkaroon ng R-13 nung sinasabi ko sa kanya na dapat meron. 'Coz R-13 does exist. All this time. Hindi ko lang hinayaan yung sarili ko na tignan itong deal na ito. It does exist pero hindi kaparehas doon sa pinaniniwalaan kong R-13. And it does make sense nung sinabi niyang, 'Our deals on paper!' Kasi nandito siya talaga.
Right now... it's right in front of me Ash. And I let you down. 'Coz behind these paper is one rule na hindi ko nakita dati pa...
Continuation:
R-13 - If something unexpected happened to both of us, we should accept it. 'Coz we all know..
To fall in love is not a crime...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top