(35)
***35***
Kaya pala nangangati ako sa buong katawan ko! Panay pantal na ako. Sa crabs lang ako may allergy. Hindi talaga ako aattend ng pageant kung ganito. Mapapahiya lang naman ako doon at tatawanan kung ganito yung itsura ko. And nah-uh, hindi makukuha ng make-up..
Paano nangyari? Kinain ko lang na huli eh yung may kalabasa, sitaw, na may coconut.. masarap naman... pero teka.. akala ko nga isda yung nanduon kahapon.
Crabs ba yun? Oh men! Ang dami ko pa man ding kinain.
This stuff sound more like... SHALYNA!
Sa kwarto lang ako nag-stay. Nakakainis pa man din sa pakiramdam kung ganito. Kung titignan mo, parang hopeless na talaga. Mapula pa man din. Tinakpan ko na nga ng kumot yung kamay ko para di ko makamot. Tapos may isa pang kumot na pinantakip ko sa buong katawan ko.
Alam kong puyat ako pero di ko makuhang matulog. Hindi kasi talaga comfortable. Saglit lang naalala ko na tatawagan ko nga pala si Chester. Mabuti nang maaga ko nang maipaalam kaysa naman last minute. Kawawa naman siya. Para naman makahanap siya ng date niya.
Kinuha ko yung phone ko na nasa kama rin at nung magda-dial na ako, para akong boksingera na ma nakapalupot na kumot sa kamay. Tinanggal ko pa uli para lang makapag-dial ako. Maya-maya lang din eh may kausap na ako.
"OO NGA ANG KULIT MO NAMAN EH! UMATAKE NGA YUNG ALLERGIES KO AT HINDI NA AKO PUPUNTA SA PAGEANT! UULITIN KO PA BA YUN? ASAR NAMAN OH!"
Alam ko na iniisip niyo. Ang rude ko naman kay chester para ganun-ganun ko na lang sabihin. Honestly, that's not Chester. Si Kuya Christopher yun. Nakasampung ulit na yata ako sa phone hindi pa rin maintindihan yung sinasabi ko.
"Hello Chester? Si Chris 'to.."
"Oh.. hey Chris.. what's up?"
Umayos ako ng pagkakaupo ko nun at inexplain ko ng mahinahon kay Chester. Pagkatapos nun, nanahimik lang din siya. Tumahimik ako para malaman niyang naghihintay ako ng comment galing sa kanya. Finally..
"If you're not gong, then I'm not." sabi niya sa akin.
Na-alarma naman ako nun. Kasalanan ko na naman kung bakit hindi siya pupunta.
"Hey.. hey... don't do that! Dadalhin ko pa sa konsensya ko yun eh! Dahil sa akin hindi ka makakapunta! Sa tingin mo naman anong mararamdaman ko nun?!?" huminga ako ng malalim, "Don't worry, kapag naging ok, sasabihin ko kaagad sa iyo."
Binaba din naman niya yung phone. Kung kailan naman aatake yung allergy, wrong timing pa talaga. Badtrip!
Si Nathalie ang sumunod kong tinawagan. Sinabihan ko siya na isosoli na lang namin yung mga damit na binili namin para magkaroon ng refund. Sayang naman at hindi rin naman magagamit at ang mamahal pa man din. Sinabi pa nga niya na sayang naman daw yun at hindi rin naman pala ako makakapunta.
Humiga ako buong maghapon doon sa kama ko. Noon kasi aksidente akong nakakain ng may crab oil, nagpantal ako ng kaunti tapos 24 hours lang din eh nawala na. Eh kahapon ang dami kong nakain.. gaano kaya tatagal?
Dumating yung tatay ko ng hapon at nakita na niya yung itsura ko. Sabi niya maganda pa rin naman daw ang anak niya kahit anong mangyari. Asus nangbola pa. Pinapalakas lang niya yung loob ko at baka saka-sakaling magbago yung isip ko sa pageant.
Hindi rin ako makakain ng maayos. Nawalan nga rin ako ng gana kaya konti lang kinain ko. Medyo maginaw pa pakiramdam ko kaya hindi na ako naligo nung gabi at baka lumala pa. Pero hindi katulad kagabi, nakatulog naman ako ng maayos. Immune na kasi ako sa kati sa katawan.
Ginising naman ako ni Kuya Christopher kinabukasan. Sabi niya na ready na daw yung almusal at baka lumamig daw yung sa akin. Tumayo naman ako at kinuha ko yung kumot ko sa kama para takpan ko yung braso ko.
Kinakain ko pa lang yung hotdog ko eh kumatok sa pinto. Syempre, may sakit-sakitan ako kaya may nagbukas para sa akin. At sino pa nga ba?
"What happened?!?" kapapasok pa lang niya ng pintuan niya, hindi pa siya nakaupo,"Sinabi sa akin ni Nathalie na nagbago na naman daw yung isip mo. Chris naman!"
Obviously, hindi niya alam yung details kaya ganyan siya kumilos. At obviously... teka.. hindi ba niya napapansin yung mukha ko?
Dahil salita siya ng salita at walang tigil eh sinubuan ko nga siya ng hotdog. Napatigil din siya.
"Sarap nun ah..." sabi niya tapos ngumuya din siya, "As I was saying pageant na mamaya. Ano ba talaga?"
"Shut up bonehead!" yun lang sinabi ko sa kanya kasi panay pageant nasa utak eh,"Hindi nga ako pupunta."
Lumabas na si Kuya Christopher nun at si Tatay. Papasada si Tatay, papasok sa trabaho si Kuya Christopher. si Kuya Christian naman, lumabas at ayaw makisama sa usapan namin ni Ash.
"Bakit? Ready na lahat 'di ba?"
"Oh yeah... ready na nga lahat ako na lang ang hindi." tinuloy ko pa rin yung pagkain ko.
"Yun ba yung problema? Sinabi ko sa iyo ako gagastos di ba.. make-up? Gowns? Everything."
"I'm not going!" sinigawan ko nga rin.
"Bakit nga?!?"
Humarap ako sa kanya ng diretso.
"Hindi pa ba obvious sa mukha ko ha?!?" tinuro ko yung mukha ko sa kanya.
Nag-lean naman siya at tinitigan niya yung mukha ko.
"What's wrong with your face? May red spot ka lang dito sa kaliwang pisngi.. other than that you look normal."
"What?!?"
Tumayo naman ako at tinignan ko yung mukha ko sa salamin. Tama nga siya, nawala na yung mga pantal ko sa mukha. May pula na lang sa kaliwang pisngi.
"At bakit ba dala-dala mo yang kumot mo? Huwag mong sabihing kagigising mo lang?"
Umupo ako uli.
"Oo, kagigising ko lang." inubos ko na yung pagkain ko.
"Ano pupunta ka na? Please Chris.. sinisira mo yung plano."
"Plano? wala akong plano kaya wala akong masisira.." yung itsura niya nun eh naiinis na talaga.. "Look Ash.. I'm not feeling well."
Umatras naman siya.
"Oh great! Classic Chris! May alibi na naman para hindi gawin ang isang bagay!"
Hinawakan ko siya sa kamay niya para mag-steady siya.
"What I mean is.. this.." tinanggal ko yung kumot na nakapaikot sa akin at pinakita ko sa kanya.
Nagulat din siya sa nakita niya.
"A-ano yan?!?" hinawakan niya yung braso ko pero gentle touch lang. Naks.
"Allergies, Nung Saturday 'di ba panay ang reklamo ko sa lamok... hindi pala. Then kahapon ng umaga, ayan lumabas na. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala."tapos tinakpan ko uli yung braso ko.
"Saan ka ba may allergy?"
"Crabs." sabi ko naman.
"Eh paano mo nakuha yan?"
"I DON'T KNOW! BAKIT HINDI MO TANUNGIN YUNG DATE MO?!? BAKA MAY KINALAMAN SIYA." nilakas ko talaga yung boses ko.
"Si Shalyna? No way. She's a pain okay? But she won't try to kill you.."
Tinaasan ko nga ng kilay ko.
"OA ka, allergies lang ikamamatay ko na?"
"If it's too much.. and it happens frequently.. yeah."
Sabi ko nga may balak siyang mag-doctor gaya ng parents niya.
"Siya lang naman nag-request nung pagkain. It's obvious may alam siya."
"Yung ulam na kinain natin? Nalimutan ko nga tawag doon eh!" tapos nagisip-isip siya.. "OH CRAP! Chris, yung ulam na yun... it's a crab dish. Bakit ba hindi ko na-realize yun?!?" crab dish yun? eh walang crab ah!
"Wala ngang crab eh.. alam mo yun?"
"Yeah.. I know. Ang ginagawa nila eh lulutuin muna yung crabs.. then, babasagin yung shell tapos yung laman ng crabs hinahalo sa ulam. Remember may mga nakahalo doon na parang sa isda?"
Yung babae na yun!
"Sinadya niya yun no! Nakakainis talaga yung babaeng yun! Bwisit! Asar! Arrggghhh!"mabuti na lang walang kutsilyo sa harapan ko kundi dahil nasaksak ko na yung lamesa namin.
"Wala ka namang proof na ginawa nga niya..."
"Bakit ba lagi mo pinagtatanggol yung date mo? Hindi pa ba clear sa iyo? Sinadya niya yun para hindi ako makapunta sa Pageant... para siya na! Hello? And that's a normal Shalyna to me!"
"Hindi mo pa napo-prove.. so she's innocent."
Pwede bang ilayo niyo itong lalaki na ito sa akin at baka kung anong magawa ko sa kanya!!! Nakakainis na talaga!
"O sige.. ganito na lang, pupunta ako kay Daddy at hihingi ako ng allergy medications. In case na.. mawala pa. Besides, mukhang hindi naman masama yung lagay mo."
Umarte naman ako.
"Ahh... may lagnat din ako.. ang lamig."
"Stop the drama Chris. Sige babalik ako."
Lumabas naman na si Ash at nakita kong tumakbo talaga siya. Talagang seryoso siyang makarating ako ng pageant. Ewan ko ba, neutral din ang pakiramdam ko. Part of me wants ME to stay at home. Part of me wants ME to go to that pageant. Gusto ko mag-stay ng bahay dahil yung pageant ay hindi naman para sa akin. So what's the deal kung manalo si Shalyna? Hindi ba lagi naman? Pero gusto ko rin pumunta. Si Chester kawawa naman. And besides.. parang gusto ko rin pumunta para i-prove sa lahat na hindi ako duwag. Ganun kasi iisipin nila.. na natatalo ako.
Pumasok na rin si Kuya Christian at magre-ready na daw siya sa pagpasok niya. Ako naman eh nanood ng TV sa sala. After 15 boring and uneventful minutes, bumalik si Ash. Hinihingal pa.
"Here.. take it. It'll help. Fast relief daw yan."
"Do I have to?"
"Chris.. wala na akong time! Anong oras na? 11! Hindi ka pa ready, hindi rin ako. May allergies ka pa. Anong oras yung simula ng pageant? 6! We're running out of time! Pupunta pa ako kina-Shalyna at tatanungin ko siya tungkol dito."
Ewan ko ba, nairita ako doon sa sinabi niya.
"Yeah right.. go to your stinky date and wear your tie the same color as hers.."kumuha ako doon nung isa sa allergy na gamot at ininom ko.
"She's still my date. Isa pa.." tapos tumigil siya, "Uulit na naman ba tayo dito?"
Lumunok naman ako.
"And why do I have this feeling na may problema ka at date ko si Shalyna?!?"
"Ako may problema? Feeling ka.." teka.. meron akong problema 'di ba?
Dinaan ko na lang sa ngiti.
"I think so. Tuwing nababanggit kasi yung tungkol doon, either magiging sarcastic ka sa akin.. or you'll bring something about Chester."
Cornered naman na ako masyado nito. O sige na nga aminin na..
"OK FINE! MAY PROBLEMA AKO NA SI SHALYNA YUN DATE MO OK?!? NGAYON ALAM MO NA, HAPPY?!?" kainis, ang pilit!
"Happy? Half of me, yeah.. half of me.. nope." umupo siya sa tabi ko. "The 'YEAH' part kasi galing sa 'yo... wow.. the 'NOPE' part, bakit?!?"
Tinignan ko nga ng masama. Ngayon naman iniinterrogate ako?
"Bakit?! Tinatanong mo ko kung bakit?!?" tumango siya sa akin, "Eh kasi nakakainis ka naman eh! It's like 30 minutes before, niyaya mo ako sa pageant para maging date mo and after so-so minutes.. may niyaya ka nang iba! Wala lang sa iyo yun 'di ba? I mean, kailangan mo ng reserba para siguradong may date ka?!?" tumayo ako.
"It's not like that! As a matter of fact, malaki rin yung problema ko at si Chester ang date mo. I don't think you wanna' know why!"
Kung may problema siya na date ko si Chester sa pageant at may problema ako na date niya si Shalyna sa pageant... bakit separate ways ang kinalabasan?!?
Nagtinginan kaming dalawa.
"NIYAYA KO LANG NAMAN SI SHALYNA DAHIL PUMAYAG KA NA DATE MO SI CHESTER. ANO PANG POINT NA HINTAYIN KO YUNG MAGIGING SAGOT MO KUNG ALAM KO NA RIN NAMAN NA? MIGHT AS WELL FIND A NEW ONE RIGHT?!?"
Sinisigawan niya ako?!?
"PUMAYAG NGA AKO NA DATE KO SI CHESTER DAHIL NIYAYA MO SI SHALYNA! BAKIT KO PA HIHINTAYIN NA SABIHIN MO NA MAY DATE KA NA KUNG ALAM KO NA RIN NAMAN NA? MIGHT AS WELL SAY YES SA GUY NA NAGHIHINTAY SA AKIN 'DI BA?"
Namumula na rin yung mukha niya nun.
"PERO---" natigilan naman siya.
Nagtinginan kami.
"WHAT?" sabay pa kaming nagsalita.
Paano nangyari yun? Sinong nauna?
"Let me clear this, pumayag ka kay Chester dahil niyaya ko si Shalyna. Ako naman eh niyaya ko si Shalyna dahil pumayag ka kay Chester. How did that happen?"mahinahon na rin siya.
"I don't know." umupo naman na ako. Hiningal ako doon.
"Ok, ako na mauuna." tumabi na naman siya, "Nung hinila ako ni Shalyna nun, sinabi niya sa akin yung usapan niyo ni Chester. Ang sabi mo raw eh pag-iisipan mo pa at bukas mo pa sasabihin. Pero ang binanggit mo daw ka Chester, kapag napaaga, that very same day mo siya kakausapin.. that means yes. That time, nakita ko kayo sa window. And you know the rest."
"YOU FREAK!" tinulak ko nga ng malakas, "Nagpapaniwala ka sa babaeng yun! Niyakap ko siya kasi sinasabihan ko siya na good guy siya kasi sinabi ko na I'm going with somebody else.. and it turned out nung magye-yes ako sa yo.. date mo na si Shalyna."
Lumabas naman si Kuya Christian at katatapos lang niyang maligo. Nakatingin siya sa aming dalawa.
"Kayo ngang dalawa, hanggang sa banyo nariring ko kayong magsigawan. Kung mag-aaminan lang din kayo, bilis-bilisan niyo na para hindi gumugulo! As for you Chris.. you better go in that pageant or I'll kick your butt.." pagkatapos niyang sinabi yun, umakyat na siya sa hagdan.
Nanahimik na naman kami uli. As usual. Then, siya uli ang unang nagsalita.
"I guessed it's my bad again."
Sinabi pa niya.
"Ok then.. I'll call Chester.. ako nang bahala sa kanya. Sabit na rin si Shalyna. Si Nathalie, pupunta yun dito. Gusto niya siya ang mag-aayos sa iyo." tumayo na siya at papalabas siya ng pintuan, "As for you Miss Orellana, you better get well.""I'll pick you up at 6.." then, lumabas na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top