(34)

***34***

Sinubukan nga ni Ash na turuan ako doon. Katulad nga ng sinabi niya at mahirap yun, hindi ko rin naman na-perfect. Pero sabi niya kung aaraw-arawin ko lang din eh masasanay diin naman ako.

Pinatanggal niya uli sa akin yung strap ng back supporter niya at hindi na naman niya maabot. Nasa pants na naman niya yung connecting chain. Minsan nga naiisip ko na i-report na siya at masyado na kasing pasaway. Sabagay sa ibang guys kasi kapag may connecting chain ka cool ka tignan.

The next day nung uwian namin, hindi pa ako nakalabas ng room eh nakita kong nasa labas na si Nathalie. Naalala ko na sasamahan pala niya ako doon sa gown thingy na yun. Hindi ko pa natutuloy yung paglabas ko eh tumalikod na ako para hindi niya ako makita. Kaya lang may humawak sa shirt ko at hinila ako.

"Not so fast Miss Orellana.." humarap naman ako sa kanya at pinalo ko yung kamay niya kaya tinanggal din niya.

"What?!?"

"Nathalie's here..." tinuro niya si Nathalie kaya lang hindi niya ko nakita dahil nakatingin si Nathalie sa ibang direksiyon.

"Ngayon?! Mag-hi ako don't worry."

Sinimangutan naman niya ako kaya umayos ako ng pagkakatayo.

"Seryosohin mo naman Chris. The pageant is in two weeks! Two weeks ok? Then yung mga next weekends gagawa pa tayo ng project. Wala ka nang magiging time."

Sinimangutan ko rin siya.

"Yun nga yung gusto ko eh! Maubusan ng time. At least may excuse na ako.." nag-cross arms siya at mukhang naiinis na sa akin.

Bago pa lumala ang trouble ko nun, tumuloy na akong lumabas at nakita ko na si Nathalie. Niyakap niya ako at nag-kiss sa pisngi ko.

Hindi sumama si Ash sa amin nung umalis kami. Si Nathalie ang naghanap ng mga bagay-bagay para sa akin. Pati sa gown. Ay naku. Nakasimangot na lang ako. May naka-display doon eh.

"Wow ang ganda naman nito!" tinuro niya yung isang gown na naka-display.

Naki-ayon na lang din ako at naupo.

"Ito na lang sa iyo!"

"Oh.. No." umiling ako ng umiling.

Sky blue pa nga ang kulay nun.

Syempre dahil mala-Ash din siya, nag-insist pa.

"Miss, pwede ba namin i-try ito?" tinuro niya yung gown.

Lumait naman yung saleslady sa amin.

"Seryoso po kayo na susubukan niyo yan?"

Nagtaka naman si Nathalie kaya umatras siya.

"Bakit naman?"

"Kasi po, yung dress na yan eh P4,500."

Halata kong nairita si Nathalie.

"So?!? We wanna' try it. I don't care about it's price."

Napilitan yung babae na alisin doon at ako naman eh napanganga na lang. P4500?!? Eh worth P300 nga na damit hindi pa ko nakakasuot P4,500 pa?

Hinila ako ni Nathalie doon sa fitting area nila. Syempre nahihiya pa ko magtanggal ng damit nun. Pero dahil parehas naman kaming babae, ok lang. Tinulungan pa nga niya ako na magsuot eh.

For some reason nung suot ko na, I think I look stupid.

"Pakiramdam ko kamukha ko na yung fairygodmother ni Cinderella." yung itsura ko nun eh mukhang nalugi.

Naka-todo ngiti naman siya sa akin at habang suot ko pa yung gown eh sumigaw siya ng... 'Miss, we'll take it!'

Hirap na hirap akong kumilos nun. Baka kasi masira ko siya of some sort mapahamak pa ako.. aba delikado na kung ganito lang din kamahal ang isusuot mo. Wala akong pambayad ha!

Sumunod nun eh Sports wear. At sa lahat, yun talaga ang pinakainayawan ko. Pero ganun talaga... pageant daw yun!

"It's summer Chris.. it looks great!"

"Yeah I know it's summer.. pero it's not an excuse para mag show ng... belly button?! Ayoko na I'm outta' here!" sinubukan kong lumabas pero hinila niya ko.

Casual wear? Yun na lang siguro ang gusto ko. But then.. everything will be great daw. Dalawang gown yung binili. Isa para sa entrance.. isa para sa evening chuvaness.

At saka ko na-realize... that pageant is my nightmare!

***

The next weekends eh napunta na kami sa bahay nila Shalyna. Nung unang beses eh sabay-sabay kaming apat na bumili ng materials. Pero dahil nga on-war kami ni Shalyna nun, hindi namin alam kung anong gagawin namin kaya bumili kami ng mga materials na hindi namin alam kung para saan. May clear plastic tube kami, may sand, at kung anu-ano. Si Ash at Chester eh lung capacity ang IP nila. Unfortunately isa sa mga nadagdag sa materials na nabili namin eh fish bowl. Paanong nangyari?

Yung first weekend eh disaster. It happened like this.

"Wala pa akong idea." sabi ni Shalyna sa akin.

Wow a big shocker there! Hindi na nakakapagtaka.

"Sabi ko nga sa iyo pwede tayong gumawa ng bone structure. Bibili lang tayo ng.. ano nga ba yung name nun? Yung ginagamit sa paggawa ng dentures? Lalagyan mo lang ng tubig titigas na. Bibili lang tayo sa lab."

Sinimangutan naman niya ako.

"At paano tayo kukuha ng container nun para i-shape yung buto? Gusto mo ikaw maging model!" tapos tumingin siya doon sa mga tinda sa hardware.. "Ayun fish bowl.. bilihin natin."

Fish bowl? Paano naman makakatulong sa amin yun? At least mas reasonable pa yung idea ko!

"Fish bowl? For what?" binibwisit talaga ako nitong babaeng ito. "I'm serious Shalyna. Wala tayong matatapos. Sina Ash at Chester meron na pati materials. Tayo wala pa."

"As if I care!" lumakad siya ng mabilis, "Oh cool shades!" pumasok siya doon sa isang stand.

I can tell marami kaming mararating.

Sinubukan uli namin nung sumunod na linggo. This time, may pinrint na ko from the web. It's water purifier. Ipapatest lang namin sa water lab kung magiging effective. Kaya lang ang nangyari? Kinuha ni Shalyna yung pebbles at nilagay niya sa aquarium nila.

Arrgggghhh! Kulang tuloy ng materials nun. Kaya wala kaming magagwa kundi umulit.

Sina Ash eh sa garden gumagawa. Pumasok nga siya nun at basa yung t-shirt niya.

"What's up girls? Kumusta na project niyo?" nakatingin siya doon sa table namin.

ANg kalat-kalat nun. Panay buhangiinan na sa table. May clay pa kami doon na pinaglaruan ni Shalyna at nilagyan niya ng tube. Nung makita ni Ash yun...

"Err.. it looks.. uhmm..." halatang napapangitan siya, "Ok. Ano nga ulit yan?"

Dahil medyo napupuno na ako nun... tumayo na ako.

"WALA PA TAYONG PROJECT! ALAM MO YUN SHALYNA! WE ARE SO SO TOAST! HINDI MO BA ALAM NA 25% YUN NG OVERALL GRADE?"

"I'm not stupid, syempre alam ko."

Lumabas naman si Ash at nakakaamoy na naman siya ng away.

Natapos yung araw na iyon na mukha kaming bruha na dalawa. Nangamoy dagat nga siguro ako nun eh.

Last attempt na namin nung sumunod na Saturday. Monday kasi eh pageant na at talagang wala na kaming time kung tutuusin. Gusto ko na talagang magseryoso nun at yung dalawang lalaki eh patapos na sa project nila. Ipi-print na lang nila yung data.. ok na. Kami pa nga yung ginamit nilang pang try eh. Tama bang pahingahin kami doon sa rubber tubing nila?

Naupo si Shalyna doon sa sofa nila at nagbukas ng TV. Hindi man lang siya bothered doon sa project.

"Hindi ka man lang ba tutulong?"

Hindi siya lumingon sa akin. Napansin ko na nakangiti siya. Akala ko kung ano yung tinitignan niya. Hindi pala yung tv. Meron siyang drawing ni Mojacko. Aba.. na-miss ko na yun ah!

"Mojacko!" nakatodo-ngiti siya taps napansin niya na nakangiti din ako, "I mean.. si Mojacko." nagseryoso naman.

For 6 long years, ngayon ko lang siya uli nakita na parang bata. Yung tumawa ng totoo... 

"Mojacko. Favorite ko panoorin noon yun eh.." nag-mold na lang ako doon sa clay.

"Ako rin eh.. favorite ko si Mojaroo." ngumiti naman siya, "Ang cute kasi niya."

Naki-mold na rin siya sa clay nun.

"Ooh.. look!" tapos tinuro niya yung ginawa niya, "Kadiri! Parang worm. Eew."

Nung pinagdikit-dikit niya yung ginawa niya, nabigyan niya ako ng idea. Nagkaroon ako ng idea dahil kay Shalyna? That sounds odd.

"You just gave me an idea.." sabi ko naman sa kanya, "Since it's too late na gumawa pa tayo ng decent project, e di gumawa na lang tayo ng model ng human brain. Dahil may guys naman, pwede natin silang tanungin ng mga iba't ibang situational questions.. or behavior. Observations. Now we can differentiate men's brain from women's. Mag-search na lang tayo." hinihintay ko yung reaction niya.. lahat kasi ng idea ko dina-down niya, "It's better than nothing you know."

Tumingin lang siya sa akin.

"Sounds cool." ngumiti siya ng kaunti, "Anong gagawin ko?"

"I'll do the big part.. yung pinaka brain.. ikaw gumawa ng folds."

Naki-ayon na lang din siya sa akin. Saglit lang din eh nanahimik na siya at panay na ang gawa niya ng folds. Ako naman eh maraming clay ang nagamit ko para lang mabuo yung main struture. Tapos ginamit ko yung gianwa ni Shalyna at dinikit ko.

"Mukhang cake yang ginagawa mo!" sabi niya pero hindi yung usual na voice niya na nag-criticize.

"Kamukha na nga nung cake ni Mrs. Layac nung grade 4. ANg pangit nung binake niya hindi pa masarap!"

Tumawa naman siya.

"Oo nga. Kaya nga hirap na hirap tayong ubusin nun. Tinapon pa natin sa halamanan niya yun eh. Tapos nahuli niya tayo kaya nakakahiya." diretso pa rin siya sa pag-clay niya.

"Eh yung isang classmate nga natin nun niloloko tayo na sirena daw siya.. kaya ang ginawa natin eh binasa natin siya ng tubig. Ang nangyari, pinagalitan tayo ng nanay niya dahil nalunod siya."

Teka nga... am I really talking to Shalyna about our elementary years? Grabe kinikilabutan ako.

Maya-maya lang pumasok siya sa kwarto niya at kinuha yung laptop. Mag-search na daw ako tungkol sa brain. Dahil nga isang brain lang yung nagawa namin, naisip namin na 'Male Brain' Exposed na lang ang ita-title namin.

For teenagers it sounds cheesy, but then.. may mga certain explanations pa rin.

Binuksan ko yung laptop niya at nag-search na ako. At syempre, may nakita naman ako doon. Pinrint ko at dapat lang siguro na i-try namin doon sa dalawang guys. It'll be interesting kung gagawing game 'di ba? So tumayo uli si Shalyna at nanguha ng papel. Tinawag din namin yung guys.

Habang naghihintay sila at ako naman eh hinayaan kong bukas yung laptop, may napansin ako doon sa walpaper niya. A picture. Wait up... picture namin yun nung christmas party nung elementary ah! Meron pala siya nito? Ito yung time na... nadapa ako at natapunan ng strawberry juice. Kaya ayun, mukha akong basang sisiw. Siya naman dahil gusto niya akong samahan, binuhusan naman niya yung damit niya ng pineapple. Parehas na kaming basa. Yung nanay nung classmate namin nun ang kumuha ng picture... I didn't realized that we are that... close.

May napansin din akong picture frame doon sa gilid. Picture niya din yun nung bata siya at umiiyak pa talaga.  Nakabalik na siya nun.

"Huwag mo na yang tawanan at umiyak ako ng mga panahong yan.. kinuhanan lang ako ng picture ni Daddy."

"Bakit ka naman umiyak?"

"Eh paano ba naman yung kalaro ko eh sinuot yung favorite kong tsinelas at nasira niya eh bigay mo--- basta umiyak ako." hindi niya tinuloy yung sinabi niya.

Pero parang alam ko na. Binigyan ko siya ng tsinelas nun para sa birthday niya. At doon sa picture, suot niya yung isa, hawak niya yung isa.

"Anong nangyari?" bigla ko na lang natanong sa kanya.

"Nangyari saan? Umiyak nga ako." tapos sumigaw siya, "Manang yung pinapaluto kong ulam namin ah!!!"

"I mean.. anong nangyari sa atin? Bigla na lang.. ewan.. nagbago lahat. Pumunta ka sa camp nun.. tapos.."

Pumasok naman sa loob ng bahay si Chester at si Ash.

"Oh girls.. ano ba yun? Ayos yung project niyo ah! Mukhang isaw!" hahawakan sana niya kaya lang pinalo ni Shalyna yung kamay niya.

"Don't touch it Chester. Ang tagal naming ginawa yan. Nandito kayo kasi tatanungin namin kayo. Ok? Kailangan namin sa project."

Binasa ko yung article tungkol doon sa brain. Ganito yung sabi:

Some believe that a guy's corpus callosum is smaller than a woman's. So while our emotional thoughts cruise between hemisphere's at 90 mph, his may get stuck on gridlock. The upshot: Men often suck at talking about their feelings because they are less likely than women to translate their emotions into words.

Tinignan ko yung credits sa baba. Cosmopolitan? A magazine? Napailing na lang ako. Pwede na rin siguro. Pinabasa ko kay Shalyna yun at siya na ang nagtanong.

"Are you guys brave enough to tell the girl you love how much you love her? I mean.. no practice.. no plans.."

Napatingin naman silang dalawa sa amin.

"What project are you doing? In lovelife or something?!?"

"It's Male Brain Exposed moron! Sinusubukan naming i-prove yung mga nakasulat dito."

Nag-isip naman sila.

"Well.. it depends. Ang hirap mag-express ha. Minsan 'di mo alam kung paano mo sasabihin. Sabihin pa sa iyo ang corny mo..."

"Yeah. Kaya minsan kapag aamin na kami sa girl.. naiiba yung sinasabi namin. Iba na interpretation.."

Nagtinginan kami ni Shalyna.. sabay pa kaming ngumiti.

Men are able to compartmentalize information, stimulus, and emotions better than women.... (blah...blah..)

"Kapag may nakita kayong magandang girl sa mall, anong gagawin niyo?"

"Is this some kind of a joke? If it is... tigilan niyo na." sabi ni Ash at mukhang ayaw sumagot.

"PROJECT!!!"

"Ako na nga lang sasagot. Syempre.. hmmm.. kausapin. Bigyan ng compliment.. hingiin yung number... kaya lang minsan nagagalit yung babae.. baka masampal ako.."

Ok.. they got it right again. Parehas doon sa sinabi na example.

A man's brain takes less sensory detail than a woman's... (blah.. blah..)

Tumingin si Shalyna at kaya na daw niya i-handle yun. Pumasok siya sa kwarto niya at saglit lang eh lumabas na din. Napansin ko naman na medyo pumula yung pisngi niya. Nag make-up???

"Guys, see anything different? Sa akin?"

Tinitigan siya ni Ash at Chester. Tapos sabay pa sila suagot.

"NO"

Err... sabi ko nga hindi nila mapapansin.

Sinunod-sunod namin yung tanong namin sa kanila. Hindi rin nagtagal, dami na rin namng nakuhang observation sa kanila. After that, ni-record na namin yung mga tunay na info sa brain.

Kumuha lang kami ng poster board.. and we're off!

Inayos ko naman yung mga kalat namin. Nagpunta ng kusina si Chester para uminom at si Ash naman eh umakyat sa hagdan para gumamit ng bathroom. Si Shalyna eh magpapalit daw ng damit.

Dahil mag-isa ako doon,  naupo ako mag-isa sa sofa. Nakikiramdam din ako dahila ng tagal ni Ash sa taas at naiihi na rin ako. Nung hindi pa siya bumaba, naisipan ko nang umakyat at kumatok.

Umakyat naman ako doon sa hagdan. Kaya lang napansin ko na bukas naman yung CR at wala namang tao sa loob. Ako naman eh pumasok para gumamit na. Paglabas ko.. narinig kong may nag-uusap. Pero di ko maintindihan yung pinag-uusapan.

Pagsilip ko doon sa gilid.. magkayakap si Shalyna at Ash. Hindi ko makita yung itsura ni Ash pero si Shalyna eh nakangiti. Ako naman dahil ayokong makita nila akong nanduon, dahan-dahan akong bumaba at bumalik sa sala.

Bumalik din si Chester..

"Oh bakit parang namumutla ka?"

"Err.. wala lang. Gutom na ko."

"Really? Masarap ulam ngayon eh. Yung may kalabasa na may coconut na kung ano man tawag dun."

Naunang bumaba si Ash kasunod si Shalyna.

"Tara na nga kain na tayo..." tapos tumingin si Shalyna sa akin, "Hey dork, kakain na."

Akala ko pa naman ok na kami.. hindi rin pala.

2 days na lang pageant na kinakabahan na ako. Kumain na lang ako doon sa niluto ng cook nila. Ang sarap nga eh at naparami yung kain ko.

"Ako nag-request niyan.." at for the first time, may pinili siya na agree ako.

Masarap naman talaga.

Nung malapit na kaming matapos kumain, dumating na si Mrs. Salinas at kiniss kaming apat isa-isa. Nag-good afternoon lang kami at hapon na kasi kami nakakain.

Medyo gumagabi na nga siguro nun dahil nakaramdam ako ng lamok yata na kumagat sa binti ko. Kumati kasi eh. Iniwan ko na yung project doon sa kanila at umuwi na rin kami. Hinatid ako ni Chester at ni Ash sa bahay namin.

Hindi na ako comfortable sa pakiramdam ko nun. Hindi dahil sa nakita ko si Ash at Shalyna na magkayakap... isa na rin yun pero hindi ako comfortable... literally. Pakiramdam ko eh ang daming lamok.

Sinabi nga ng tatay ko na namumula nga daw yung mga braso ko pati yung mukha ko. Kaya ayun, pinatulog na lang niya ako nun.

Sunday na kinabukasan.. then Monday... the one and only pageant.

Uneasy sleep nga din ako nun eh. Ano bang nangyayari sa akin? Nakakainis naman. Naramdaman ko nga nun maaraw na pero parang hindi rin ako nakatulog. Tumayo na lang din ako.

Dahil naiinitan ako, kinuha ko yung rubber band doon sa drawer ko. Bumaba ako kaagd ng hagdan. Nanonood si Kuya ng TV nun. Tapos nagulat siya nung nakita niya ako...

"Chris! Anong nangyari sa iyo?" tapos inalalayan niya ako pababa.

"OA ka.. hindi nga ako makatulog eh.. ang dami kasing lamok."

"No Chris.. this is serious. Tignan mo nga yung kamay mo pati yung binti mo.. tingin mo lamok yan?"

Tinignan ko rin naman yung kamay ko at binti ko. Tama siya. Ang lalaki nga nung pantal ko.

"Paano ko ito nakuha?" nag-panic ako nun.

"I don't know.. did you eat something?"

"Kumain lang ako ng gulay kahapon.. tapos wala na. Wala namang crabs doon eh.."

This is odd. Kung ganito lang din yung itsura ko... hindi na ako aattend sa pageant.

Paanong umatake yung allergies ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top