(33)

***33***

Nag-aalangan na ako magsalita nun. Baka totohanin eh.. natakot ako.

"Ahh.. I think.. uhmm... I'll better shut up then." tapos umarte ako na isi-zip ko yung bibig ko.

"Ok. Tomorrow then." tapos nilabas niya yung phone niya at nag-dial, "Hey Nathalie, it's all set. Tomorrow."

Nakatingin lang ako sa kanya. Paano na yung mga lilinisin ko?

Teka, bakit ko ba pinoproblema yun eh imbento ko lang yun.

Binaba din naman ni Ash kaagad yung phone niya. Tapos tumingin uli sa akin.

"I'll bring boys and girls para maglinis sa inyo.." totohanin niya rin yun? "May kilala ako sa elementary. Anong gusto mo? Yung mga tagu-taguan boys o yung lutu-lutuan girls?"

Mga bata ang iha-hire niya?

"I know it's weird."

"Really?" sabi ko naman.

"No." tapos tumawa siya, "I'm just kidding... syempre hindi sila."

Hindi ko na kinausap masyado si Ash hanggang sa practice period namin. Siguro nga nadaan lang din ako sa takot sa kanya. Pero para nga akong sira nun na ngumingiti-ngiti mag-isa. Buti nga hindi niya ako nakita.

Pagdating ko doon eh si Ash lang ang nandun. Inaayos niya yung mga protection niya sa katawan.

"Nasaan na si Slasher at Black Panther?" sabi ko naman nung napansin kong wala si Ben at Kian sa loob.

"Somewhere. Kumakain yata.. hindi ko alam." may inaabot siya sa likod niya, "Chris, can you help with that? Hindi ko kasi ma-strap eh."

Napansin ko naman kung ano yun. May iniirstrap siya sa likod niya. Para saan naman kaya yung strap?

"Para saan yan?"

"Back protector. Medyo delikado yung stunt ko ngayon.." tapos tumingin siya sa akin.

Tinulungan ko naman siya. Sa unang impression, mukha siyang 5 year old boy. Pero hindi ko na lang sinabi.

Sinimulan niya yung practice niya. Katulad nga ng sinabi niya, delikado nga. Pinaood ko lang siya. Wow, he's really gifted in skateboarding. Kaya ko kaya yun?

"Paano ka natuto mag-skateboard?" hindi niyaa ko sinagot kaagad.

Huminto din naman siya.

"Self learning. Niregaluhan lang ako nun ng skateboard.. then, ayun.. naging interest ko." sinimulan na niya uli.

Pinapanood ko lang siya. Men! How can he do that? Angat dito.. ikot diyan.. backward dito.. pwede na siya sa cheering.

"What do you call that trick?"

"The Indy Black Flip. Huwag ka muna magtanong, baka matumba ako."

Paulit-ulit lang naman niyang ginagawa. From one platform to another.. then sa pinakamataas iikot siya pabaliktad.. didiretso sa railings.. then slide..

"Can I try it?"

"Di ba sabi ko huwag ka muna magtan--- what? HECK NO. Hindi mo susubukan!"sinigawan ba naman ako! Tama ba yun?

"I'm just asking! Bakit galit ka?" high-blood masyado.

"Hindi ako galit. It's just that.. I don't want you to try it." umupo na siya ng tuluyan dahil hindi siya makapag-concentrate.

"At bakit naman?"

Ngumiti siya sa akin. Tinayo niya yung skateboard niya sa gilid niya.

"I don't think you can do it."

Nainis ako doon. Tingin niya hindi ko kaya! Eh kung sampal-sampalin ko kaya siya?!?

"Ano??? What makes you think that?!?"

Tumayo siya at humarap na siya sa akin.

"Dati-rati nung nakita kita, so as yung ibang classmates namin.. tingin ko pare-parehas kami ng iniisip. You're tough. Even though you look like one.. you're still a girl."

Nakipagtitigan ako sa kanya. Tumayo ako sa harapan niya.

"Well this girl is really tough. Gusto mo masubukan?"

"Sure? How?" aba dinare pa ako!

Teka.. paano nga ba?

"Step one!" ini-stomp ko ng malakas yung kanang paa ko at naapakan ko na yung kaliwang paa niya. "Girls can be tough too.."

Alam kong nasaktan din siya doon, hindi lang niya masyadong pinahalata.

"Really? Let me try it!" ini-stomp din niya yung paa niya sa kanang paa ko pero hindi kasing-lakas nung pag-apak ko sa kanya. "Girls are emotional. What so tough about that?"

Ngayon, hindi namin makilos yung paa namin parehas.

"Oh great.. you wanna' learn step 2? ginamit ko yung kaliwang kamay ko at tinulak ko siya ng malakas sa kaliwang balikat niya. "Guys are afraid to show thier emotions.. and that's weakness."

Ini-swing lang niya na parang balewala.

"Parang nabasa ko na ito sa libro. I know step 3. It's like this." ini-slide niya yung paa niya sa pagitan ng dalawang paa ko at sinagi niya. "Maybe. But then, crying is also a sign of weakness.."

Napaluhod tuloy ako sa kanang tuhod ko.

"Here's step 4!" hinila ko yung kanang paa din niya kaya napaupo naman siya ng di rin sinasadya. "Girls can do what guys can."

"Step 5?" inikot niya yung kamay niya sa leeg ko kaya na-lean ako. "Not everything Chris."

"Oh.. that's not a good move!!!" nailang ako kaya sinuntok ko siya sa tiyan niya pero di malakas, "That's step 6. Admit it. Girls are on the league with the guys."

Dahil nakahiga pa rin siya doon sa semento, ginilid niya yung isang kamay niya kaya natamaan ako doon sa likod. Hindi naman niya nilalaksan kaya hindi masakit. Napadapa naman ako ngayonsa semento.

"Step 7 Chris!" ngumiti siya, "Yeah.. I know. But still, guys are superior."

"Great, nakadapa ako at nasa taas ka. Nice.." tapos nakuha ko pa ngumiti, "I learned this from a movie.." binaluktot ko yung dalawang paa ko para maipit yung dalawang paa niya. Umikot kami kaya  siya na naman ang nakahiga sa sahig at ako eh nakaupo sa sa paanan niya. "Step 8 down.. Ash. Nandito ako sa taas... nakaupo ka na diyan. What's so superior about that?"

Hinawakan niya ako simula sa likod na parang niyakap kaya napahiga ako sa sa harapan niya.

"Some things are too dangerious for girls.. and that only the guys can do it. Step 9."

Inikot ko yung kamay ko sa likod niya kaya nag-roll kami doon sa semento. Inayos ko yung position ko, kaya nasa taas na ako.

Tinaas ko yung kilay ko sa kanya. Hindi na siya kumilos. Napagod na yata. I think I won!

"Step 10 baka nakalimutan mo? Well.. I guessed I prove that girls can be tough too. Even in slight wrestling!"

Ngumiti ng siya.

"Yeah.. I admit it--"

Give up na siya! Yes!

Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at dinaganan niya ng dalawang paa niya yung dalawang tuhod ko. Ang bigat niya. Hindi na talaga ako makakilos kahit anong palag ko.

"I admit it.. there's step 11." nakakaloko na yung tingin niya, "Hindi ka na makakilos no? You're a girl Chris. I'm a guy.. that's the big difference."

Arrgghhh! Hindi na ako makagalaw. Talo na nga siguro ako.

"Let me up! Tatayo na ko."

"Nah.. you must admit it."

Ayoko naman sana. Kaya lang mukhang wala siyang balak umalis doon.

"Ayoko."

"Then hindi ako aalis dito. Mahaba pa yung oras. Ganito lang tayo.."

Tinignan ko siya ng msama nun. Nakangiti lang siya. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Ok fine! You win!" hindi na ko pumalag. "Now, will you let me up?"

"No."

Grrr!

"Ash! Ano ba!"

Sinigawan ko siya nun na patayuin na niya ako pero niloloko niya ko. Nang0asar pa nga siya eh. Bwisit talaga. Pasalamat talaga siya lalaki siya at.... alright. I'm a girl!

Nagulat na lang kami nung may nagsalita..

"Well well.. may movie dito Ben!"

"Movie ka diyan! Wrestling ito!"

Biglang umalis si Ash doon at umupo sa gilid. Ako naman eh napagod na at hinihingal na ko habang nakahiga.

"Anong ginagawa niyo? Gusto niyong pilayan yung isa't isa? Nakita namin kayo doon pa lang.."

"We.. uh..." hindi makatingin si Ash, "TEAM PRACTICE NA!"

"Asus! Palusot!"

"Shut up Kian."

Kinuha ko yung skateboard ko at pinagpag ko yung damit ko. Napagod ako doon. ANg bigat pa niya!

"Chris.. tuturuan kita ng Indy Back Flip."

Nakayuko na ako nun. Tumingin ako sa kanya at nakangiti na ako.

Tumakbo naman ako at yumakap! Ituturo rin naman pala niya.

"Thanks Ash!" yumakap din siya at tumawa.

"Errr.. ok.."

Inasar kami nung dalawa. Tapos narinig kong bumulong si Ash sa akin.

"But still... you're a girl..""--and a tough special one."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top