(32)

***32***

Ayaw niya ng lumalalang away? Eh bakit napartner ako kay Shalyna? Anak naman ng mundo oh! Sabagay, hindi naman alam ng teacher namin na on-war kami ni Shalyna. Hindi ba pwedeng pick your own partner? Magkaka World War 5 kapag si Shalyna ang partner ko.

"Mam hindi naman--"

Hindi niya ako pinansin.

"Ash, partner mo si Chester. As for the rest of you, pick your own partner."

Tumayo naman ako sa upuan ko.

"Hindi po ba unfair naman yun? Pick your own partner sila tapos kami eh may assigned?" nangatwiran pa ako.

"Who's the teacher here Ms. Orellana? I am." tumango-tango siya, "Kaya huwag na nating i-push pa at baka bigyan ko kayo parehas ni Mr. Valdez ng referrals. Fighting in class. I believe you can't afford to have one because you're qualified in the pageant."

Ganun pala yun? Kapag may record ka hindi ka kasali? Magandang magka-referral ako para maalis na ako sa pageant. Tama. Kaya lang, date ko na si Chester. Ang laki na rin ng atraso ko sa kanya. Kawawa naman kung hindi ko pa sisiputin.

Naupo na lang ako doon sa upuan ako.

"Thanks alot Mam." sarcastic yung pagkakasabi ko pero mahina.

"Thanks alot partner ko si Chester." halata kong asar din si Ash.

"Mabuti nga si Chester. And thanks to you partner ko si Shalyna."

Sumabat naman si Shalyna mula sa side niya.

"Thanks alot Chris. Now I have to deal with you." tinignan ko lang siya ng masama.

Hindi na ba matatapos ang kaka-thank you?

"Ikaw Chester, may gusto kang pasalamatan?" tumingin lang si Chester at ngumiti.

Inayos ko na lang yung pagkakaupo ko. Wala naman pala eh. Very well then.. 'YOU'RE WELCOME!!!'

***

"I can't believe it!" hawak ko yung kutsilyo nun at pinagsasasaksak ko yung manok na nasa harapan ko. "I-CAN'T-BELIEVE-IT!"

Bumaba ng hagdan si Kuya Christopher at nagbukas ng refrigerator.

"Believe it." tapos uminom siya at nalunod yata, "Chris anong ginawa mo diyan sa manok? Ititinola ni tatay yan ah!"

Tumingin ako doon sa manok. Hindi ko na napansin. Kawawa naman.

"I am going to work with the wicked witch of all generation! Si Shalyna!"

"Wicked-who? Akala ko ikaw na ang wicked witch of all generation?"

"Kuya.. not helping!" tapos sinaksak ko yung manok one last time.. naiinis kasi ako eh,"Kasi si Ash eh. Nag-aaway kami nun kaya binigyan tuloy kami ng assigned partner. Dapat pick your own yun eh."

"Nag-away kayo ni Ash?" tapos nag-snap siya doon sa gilid. "Naman oh!"

Nagtaka naman ako sa kanya.

"Ano namang ibig sabihin niyan?"

Umupo siya doon sa counter namin.

"Actually Chris, ewan ko kung magagalit ka sa amin ni Christian ha. Kilala na namin si Ash, kaya boto kami sa kanya kahit anong mangyari.." nag-eexplain pa siya at kasabay pa yung kamay niya..

"Kuya!"

"Teka hindi pa ko tapos. Yun nga, lately.. may mga nagpupunta dito na mga guys. Ok ok.." tinignan ko kasi siya ng masama, "Mga classmate mo yata yung mga yun. Baka umaakyat ng ligaw. Malay namin, first time 'to nangyari eh." nanlisik yung mata ko.

"What did you do?"

"Ayun.. nilait namin. Yung isa sinabihan namin na hindi siya pwede kasi ang tigas ng buhok niya." tapos tumawa siya, "Yung isa sinabihan namin na hindi siya pasado dahil kulay itim yung suot niyang pants. Kahapon nga nung wala ka pa sa bahay sinabihan ko yung isa na hindi siya pasado kasi hindi pula ang buhok niya. Nung isang araw sinabihan namin na kailangan may dragon siyang tatoo bago manligaw. Si Tatay may naabutan dati, itinanong kung kaya ka daw bang buhayin." Hindi ba maaga naman yata masyado para sa tanong na yun?!?

"Whoa! May nagpupunta dito?!?" yumuko ako, "Guys, you are so embarrassing."

"Unfortunately... YEAH. At kailan ka pa nahiya?" tumayo na siya uli, "Kinain na nga pala ni Christian yung chocolates mo."

Kung ang mga Kuya mo na lang din eh ganito, magiging matino ka pa kaya? Pinaglalaruan lang pala nila yung mga pumupunta dito. No wonder wala nang bumabalik.

Umakyat na siya sa taas nun. Ako naman eh nagluto na lang din doon at inexplain ko sa tatay ko kung anong nangyari sa manok. Dahil mabait naman yun, nakitawa na lang din.

Pumasok naman ako kinabukasan at tinatamad ako. Kapag naaalala ko kasi na partner ko si Shalyna sa IP.. parang wala nang reason na pumasok pa ako. Goobye 'A' na nga siguro sa Physics project at Hello 'F'.

Pagdating ko doon sa room, nakaupo si Shalyna doon sa upuan ni Ash at may hawak siyang rose na inaalis-alis niya yung petals isa-isa.

"I'm pretty, Chris is not." tanggal ng petals, "I'm pretty, Chris is not."

Wait, a pink rose? That's.. MINE.

Inagaw ko naman sa kanya yung rose at nagalit talaga ako.

"You're a doofus, Chris is not. You're a freak, Chris is not. You're a dork, Chris is not."tapos napansin ko na ubos na yung petals. "Ooppss, sorry?!? Naglalaro ka ba?"

"So geek, anong project natin sa Science?"

"Magse-search pa ako. Hindi ko pa alam."

"Aba bilis-bilisan mo! Baka kulangin tayo sa oras." ang kapal ng mukha nito?

"Hindi tayo kukulangin kung tutulong ka eh no?!?"

Bigla namang bumukas ng malakas yung pintuan ng room at pumasok si Ash at Chester. Mukhang yung dalawa eh hindi rin maganda ang lagay ng kanilang umaga.

"Sabi ko sa iyo hindi pwede sa amin. May sakit yung Kuya ko at makakaistorbo lang tayo. Sa inyo na lang kung gusto mo? Bibili lang tayo ng materials.. mag-search.."kausap niya si Chester na nakasunod sa likod niya.

"Hindi pwede sa amin. Dumating yung aunt ko from Davao. And trust me, you won't like her!"

"Mas valid naman yung reason ko!"

Naupo si Chester. Magkasalubong na yung kilay niya.

"Gagawa tayo ng tahimik sa bahay niyo! Problema ba yun?" suggestion naman ni Chester.

"Hindi pwede. Rest nga ang kailangan ni Lawrence."

Napansin kong nakatingin din si Shalyna sa direksiyon nila.

"You can do it in my house!" nakangiti pa ang bruha.

"Really? Ok lang?" lumingon si Chester sa kanya.

"Yeah. Yung Mommy ko naman pumupunta yun sa hospital. And she wouldn't mind. Mas gusto niya may bumibisita doon na guys.." gusto niya? o gusto mo?

"Ok then. Pero tiyak hindi lang one-time project yun. Baka makailang balik kami. Nakakahiya naman sa inyo."

"Ok lang talaga. Kami lang naman nasa bahay eh. Well except yung dalawang maid namin, and yung driver.. saka yung cook.. at kung sunday kayo darating nandun yung laundrywoman.."

Ni-roll ko naman yung mata ko. Nagyayabang ba siya o ano?

"Ok.. Ok i get it. Sige sa inyo na lang." tapos tumingin si Ash sa akin then binalik niya kay Shalyna, "So sa bahay niyo pala kayo gagawa ng project?"

Napatingin si Shalyna sa akin at akala mo eh nalimutan na niya na nandun lang ako sa tabi niya.

"Siya? No way."

"She's your partner. Kailangan magkasama kayo gumawa ng project. Kung gusto niyo, sabay-sabay tayo."

Para talaga akong insekto sa paningin ni Shalyna.

"Fine."

Gagawa ng project sa bahay niya? I didn't expect that this will be worse than having her as a partner.

Hindi na lang ako nag-comment. Ayoko na kasing may masabi pa ako na 'di maganda eh mag-cause na naman ng away. As for this time, tatanggapin ko na muna ang pagka-generous ni Shalyna na sa bahay nila gumawa.

Kahit na hindi ako welcome doon.

Tumango na lang din ako.

"Then... great!" sabi ni Ash at ang sarap talaga niyang batukan.

Ano namang great doon?

Tumayo naman si Ash at lumapit siya sa akin. Hinila naman niya ako doon sa gilid at masama na naman yung tingin ni Shalyna. Wala naman siyang magagawa eh.

"Ano na naman po?" hindi ko siya  tiitignan nun.

"Tumingin ka nga sa akin.." lalo ko pang inasar at tumingin talaga ako sa direksiyon na hindi ko siya nakikita, "Chris..."

"Sabihin mo na yung sasabihin mo para tapos na.."

"Tumingin ka muna.."

"Ayoko. Naririnig naman kita."

Ewan ko ba at ayaw ko talaga siyang tignan ng diretso nun sa malapitan. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at pilit niyang hinaharap yung mukha ko sa kanya. Dahil nga nagpapasaway ako, kahit diretso na yung mukha ko eh sa kanan ako tumingin. Nagpunta siya sa kanan, tumingin ako sa kaliwa. Tumingin ako sa kisame, di ko tinuloy kasi  mas matangkad siya makikita ko yung mukha niya. Tumingin ako sa baba, lumuhod naman siya.

Naman!

"Ok alright! Ano?!?" tinignan ko siya nun.

"Aaminin ko na, medyo naiinis ako kahapon I'm sorry ok?!? Si Chester kasi lagi mong sinasabi eh.."

Nagso-sorry siya sa akin?

"Ok." yun lang ang sinabi ko with matching taas ng dalawang balikat at tumalikod na ako.

Hinawakan niya ako sa braso ko.

"Ok?!? As in ok!?"

"Ano bang ibig sabihin ng ok?"

"Ok, I'll accept that as a yes." tapos huminto siya, "And one more, I asked Nathalie to pick your gown and all those dresses na kailangan sa pageant. Don't worry hindi ko pa nakikita at wala akong alam doon. Kakausapin ko na lang siya para magkita kayo."

What? Bibili na siya ng mga gagamitin sa pageant? Ayoko na. Magmumukha talaga akong ewan doon.

"How about tomorrow?"

"Maglilinis ako ng kwarto ko." sabi ko lang yun.

"The day after tomorrow?"

"Nah.. lilinisin ko yung kusina namin." another palusot.

"How about.. the day after the day after tomorrow?" aba nalito na yata ako!

"Hindi rin pwede lilinisin ko yung sala namin."

Magsasalita na sana siya at tiyak sasabihin niya bukas at bukas at bukas lang yan... kaya pinigilan ko na.

"Hindi rin pwede sa isa pang bukas dahil lilinisin ko yung banyo. Sa susunod yung jeep ng tatay ko. Next eh yung kwarto ni Kuya Christopher. Pagkatapos yung kay Kuya Christian. The next day uli maglalaba ako. Actually hindi ako vacant kasi pati yung kulungan ng manok ng kapitbahay namin lilinisin ko.. okay? So don't bother. I'm fully booked until year 2031." alam naman niya na joke yung 2031.

Teka, hindi ba joke lahat?

Tumalikod na ako.

"Are you done?"

"Yeah. Basically. So yung gown na iniisip mo sa pageant... not gonna' happen. Busy nga ako maglinis."

"Yes Chris it will happen. Kahit na hanggang year 2031 pa yan. Sa ayaw mo man o gusto, magha-hire na lang  ako ng magliinis ng kwarto mo, ng kusina, ng sala, ng banyo, ng jeep, ng kwarto ng kuya mo, o kahit kulungan pa ng manok ng kapitbahay niyo. But one thing's for sure..." huminto rin siya, ako yata hiningal sa kanya eh,"You're going in that pageant."

"I am?!?"

"You are."

"For real?"

"Uhuh."

Iniinis ko lang siya para tumigil na. Tinignan ko naman siya..

"You sure?"

"YEAH! Chris! Ang kulit mo naman eh! If you don't stop.. I'm going to kiss you ok!!!"

Ang lakas ng pagkakasabi niya kaya nagtinginan yung mga classmate namin.

"---as a friend."

Tumingin ako sa kanya nun kaya lang hindi na ko nagsalita. Joke ba yun?

Seryoso na siya nun. Bigla niyang sinabi ng mahina.

"You know I'm not kidding alright?!?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top