(31)

***31***

Umuwi na ako mag-isa sa bahay nun. Medyo ok lang naman na ang pakiramdam ko. Sus pageant lang! Kailan ba ako nag-care? Dati-rati nga hindi naman ako sumasali sa ganyan. What's the difference this time?

Ang gulo pa rin ng utak ko. Ang daming tanong no? 

Nung sumunod na araw at pumasok ako sa school, nag-iwan na naman ng rose si Ash sa desk ko. Nung tumingin ako sa kanya, hindi niya ko tinignan. Alam kong ayaw niyang marinig yung sasabihin ko.

Teka, may sasabihin nga ba ako?

"Hey.. creep.." sabi ni Shalyna sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"What?!?"

"Nothing. I just want to bug you. Is it working?"

"Malalaman mo na nagwo-work yun kapag nag landing yung kamay ko sa mukha mo."nginitian ko siya ng sarcastic.

"Ooh.." sabi naman niya.. "Napaka-harsh naman. Pero sa itsura mo, hindi na nakakapagtaka."

Nakakasawa na talaga makipag-away sa kanya! Lagi na lang ba?

"Date ko si Ash sa pageant. Think how funny it is? Ikaw ang nililigawan niya pero ako yung niyaya niya." naku!! pinaalala pa niya.

"Oh yeah... hilarious!" binalik ko yung tingin ko sa sinusulat ko.

Si Ash naman ang kinausap ng bruha.

"Ash, I'm wearing a red gown kapag dumating ako.. red din panloob mo sa tux mo?"humawak siya sa braso ni Ash, "Para match tayo."

"I don't know Shalyna. Hindi ko pa napapagplanuhan. Next month pa yun."

Akala ko tapos na siya sa akin, kaya lang makati talaga yung dila niya eh.

"Chris, may evening gown doon sa pageant. May sports wear, casual wear.. paano naman mababayaran ng tatay mo yung mga gagamitin mo para sa pageant?" tumawa naman siya, "Siguro yung kikitain niya sa pampasada no? Ano yun? 'Di kayo kakain ng isang buwan? Your dad's a loser. At least my family can afford almost anything."

Hindi na ako nakapagpigil nun kaya hinawakan ko siya sa blouse niya. Nag-iinit na yung buong mukha ko.

"Chris!"

Hindi ko naman pinansin si Ash.

"Don't call my Dad a loser! Siguro nga jeepney driver siya pero decent job yun! Maybe your family can afford almost anything.. but you know what?!! There's one thing they can't afford to have in their own house anymore. You. You and your stupid attitude!"tapos tinulak ko siya ng malakas at naupo ako doon sa desk ko.

"Ash! Bakit hindi mo siya pinigilan? Nalukot tuloy yung damit ko!"

"I think you deserve it." sabi ni Ash at umupo siya doon sa upuan din niya.

"I'm your date!"

"Oo. But that doesn't mean I'm in your side.. always."

Sa sobrang inis niya siguro umalis doon sa harapan namin at nagdadadabog. Tumingin ako kay Ash at umiiling siya.

"Ang cute niya magdabog kahit ganyan siya..." hindi naman niya napansin pero tinignan ko siya ng masama.

Cute? Oo nga cute. Kamukha na nga niya yung terrier na aso ng kapitbahay namin.

"Nakita mo yung buhok ni Chester ngayong umaga? Naka-spike yung buhok niya. Ang CUTE 'di ba?" sabi ko naman.

Bwisit na ito!

"Err.. si C-chester? Yeah I noticed." sabi niya tapos tumingin sya sa akin, "Siguro nga sakit sa ulo si Shalyna, pero sweet din naman yan. Hindi lang masyadong halata."

"Oo nga eh. Parehas sila ni Chester. Alam mo yun? Inalalayan pa ako ni Chester sa cafeteria. How sweet right?!?"

Pwede bang tigilan niya yung topic kay Shalyna at titigilan ko rin yung topic kay Chester.

Tinignan naman niya ako ng masama. Tama bang ibagsak niya yung notebook niya?

"Shalyna's pretty. Sikat nga siya sa sports curriculum 'di ba?"

"So as Chester. Crush nga ng bayan 'di ba?" tapos may naisip pa ako idagdag, "And, he's so funny!" ngumiti pa ako.

"Funny? He's hysterical! Right!"

"He's not hysterical! I said.. FUNNY!"

Tumayo siya sa upuan niya at tumayo rin ako. Nagtinginan kaming dalawa.

Nag-aaway ba kami? Mukha. Ako yata nagsimula nito eh. Pero kung nag-aaway man kami, walang kwenta yung topic.

"Nakita mo yung uniform niya? Ang linis 'di ba?"

"Oo nga eh. Si Shalyna din maayos na maayos yung uniform kaya lang nalukot kasi may humawak kanina." sabi niya sa akin.

"Tama lang yun para sa kanya! And you know what? At least we're not that lame. Kailangan parehas pa ng gown niya yung panloob mo na tie!" tinalikuran ko nga.

"It's not my idea!" sabi niya sa akin then tumalikod din siya.

Yung isang classmate ko naman eh lumingon sa amin at nakangiti.

"Ano ito LQ?"

Sabay kaming tumingin ni Ash sa kanya.

"SHUT UP!"

Nagulat naman siya at bumalik na sa pag-upo niya ng diretso.

Nag-iinit talaga ulo ko nun. Kung pupurihin lang din naman niya si Shalyna eh dapat huwag sa harap ko. Alam naman niyang si Chris at Shalyna eh best friends forever!!! Grr!

Sakto namang nag-alarm. Physics na namin nun. Nakaupo ako doon sa upuan ko at nakacross-arms at siya eh tahimik lang din.

Tumawa naman ako.

"Mukha kang ewan kanina!" sabi ko sa kanya.

"You look cute kapag galit."

"Anong sinasabi mo parehas kami ni Shalyna? Or kailangan galit ako parati?"tumatawa-tawa na ako nun.

"Neither. Sinasabi ko lang cute ka magalit."

Dumating na yung teacher namin noon.

"I like the hair bit kay Chester." sabi naman niya, at nakangiti na siya nun.

"I like the pretty bit kay Shalyna. Galing mo mag-pretend."

"Sinong maysabi na nag-pretend ako? That's a real compliment for her."

Arrrrgggghhhhhhh!!!

"At totoo rin yung hair bit kay Chester."

Naku, simula na naman kami.

"Fine!"

"Ok Fine!"

Tumingin yung teacher namin sa amin.

"Chris? Ash? Nag-aaway ba kayo diyan?" nagtinginan naman sa amin.

"HINDI--"

"PO!"

Ipagmalaki niya yung date niya sa akin! Pagmamalaki ko rin yung sa akin! Asar talaga!

Tumahimik na naman kami. Nagiging ok na nag-away pa uli.

"Class, kailangan niyo ng Investigatory Project para sa Science Fair natin. Sa October pa iyon pero mas magandang simulan niyo ng maaga. Pick your own partner.."

Pick your own partner pala ah.

Nagtinginan kami ni Ash. Nagtitigan ng medyo matagal tapos sumigaw ako ng...

"CHESTER! Partner tayo." sabi ko naman. 

Nagulat yata si Chester sa akin.

"SHALYNA, I'll be your partner."

Hmph! Akala niya!

"I can sense na may away yata sa inyong dalawa. I think I'll assign partners for both of you."

"Kung pagpapartnerin niyo kaming dalawa, forget it."

"Tama! Foge-- WHAT?"

Umupo siya doon sa upuan niya sa harapan.

"Don't worry Ms. Orellana, ayoko ng lumalalang away. Chris..." tumingin siya sa right side niya...

"Partner mo si Shalyna!" I think Ash is better!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top